You are on page 1of 2

Department of Education

Region 02
Division of Nueva Vizcaya
SOLANO HIGH SCHOOL
Solano
Summative Test (Module 6)

Name:______________________________ Score:_____________
Sec:_____________________ Date:______________
Panuto: Bilugan ang titik ng pinakawastong kasagutan ng bawat katanungan.

1. Lumaki si John LLyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip. Nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na
kailangan niyang maging matatag laban sa tukso ng gumawa ng masama. Dahil dito madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang
aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John
Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam- agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa pagkilala sa mabuti at masama.

2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?


a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit

3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

4. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa
kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya c. Maling konsensya
b. Purong konsensya d. Mabuting konsensya
5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang
pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo c. walang hanggan
b. Unibersal d. di nagbabago

6. Maaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:


a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.

7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?


a. Mapalalaganap ang kabutihan b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maabot ng tao ang kanyang kaganapan d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang
likas na batas na moral ay:
a. Obhektibo b. walang hanggan c. Unibersal d. di nagbabago

9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:


a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay
na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya.
Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyo na ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyon na
ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.
b. Kalayaan c. Kilos-loob d. Dignidad

11. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindisiya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain
na nagpapatunay ng kaniyang galing.Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ngpapuri sa
magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasakaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang
mga guro?
a. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
b. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
c. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.

12. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anumanang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang
mabuting gawa ba ay dapat gawinsa lahat ng pagkakataon?
a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindipagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling
bunga.

13. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?


a. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ngtakdang-aralin ang kanilang guro.
b. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sapagpasok ang kanilang guro.
d. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ngaraw na iyon.

14. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?


a. Ang pagnanakaw ng kotse. b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera
c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit. d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.

15. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilosdahil sa karahasan?
a. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos b. Dahil sa kahinaan ng isang tao
c. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip d. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob

16. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush. b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan. d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.

17. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?


a. Paglilinis ng ilong b. Pagpasok nang maaga
c. Pagsusugal d. Maalimpungatan sa gabi
18. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal namahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit
lingid sa kaalaman ng kaniyangmga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotongna kinukuha niya sa
kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Maliang kilos ni Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloobna kilos.

19. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano namanang papel ng kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon. b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
c. Tumulong sa kilos ng isang tao. d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

20. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sakanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng
kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong
kasamaan ang kaniyang ginawa dahil___________.
a. kinuha niya ito nang walang paalam
b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

You might also like