You are on page 1of 5

Department of Education

Region 02
Schools Division of Nueva Vizcaya
SOLANO HIGH SCHOOL
Solano

DETAILED LESSON PLAN Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes


FOR GRADE 7
November 12, 2018 November 13, 2018 November 14, 2018 November 15, 2018 November 16, 2018
LAYUNIN
A.Pamantayang Naipmamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagpapahalaga at birtud
Pangnilalaman
B.Pamantayan sa Pagganap Nailalapat sa pang-araw –araw na buhay ang mga tiyak na hakbang sa pagsasabuhay ng mga birtud.

C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto KP1: Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga
KP2: Natutukoy a)ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at b)ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito
D. Isulat ang code ng bawat
EsP 7-PB-IIIa-9.1 EsP 7-PB-IIIa-9.1 EsP 7-PB-IIIa-9.2 EsP 7-PB-IIIa-9.2 EsP 7-PB-IIIa-9.2
kasanayan
II. Nilalaman Ang Pagpapahalaga at Birtud

III.KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Edukasyon sa Pagpapakatao, pp.93-106
Guro

2.Mga Pahina sa kagamitang pang- Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul 9 pp.2-20


mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul 9 pp.2-20

4. Karagdagang Kagamitan mula sa https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q3-q4


portal ng Learning Resource https://www.powtoon.com/online-presentation/c30uNmwOVZy/esp-grade-7-modyul-9/?mode=movie&locale=en

5. Iba pang kagamitang Panturo Laptop, Chalk, board,modules and pictures

IV.PAMAMARAAN
SESSION 1

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


A. Paghahanda

1. Pagbati Magandang Umaga mga mag-aaral! Magandang Umaga po Guro!

2. Panalangin Manatiling nakatayo at tahimik, at pumunta na dito sa harapan ang mangunguna sa (Ang mag-aaral na naatasang panguluhan ang pagdarasal
panalangin ay pupunta sa harapan upang ibigay ang kanyang
napaghandaang dasal)

3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase Bago natin simulant an gating talakayan sa araw na ito, maaari bang itaas ang kamay kung ang (Ang mga mag-aaral na ang katabi ay lumiban sa klase ay
iyong katabi ay wala sa kanyang kinauupuan o lumiban sa klase tatayo at babanggitin ang pangalan ng katabing lumiban )

4. Pagbabalik- aral Balikan muna natin ang maikling kuwento tungkol kay Joven.Sino sa inyo ang makapagbibigay Si Joven ay panganay sa 7magkakapatid,at kabilang po sila
ng buod ng kuwento? sa mahihirap na pamilya.kaya siya ay nagsusumikap sa
pag-aaral,hindi naging sagabal sa kaniya ang kahirapan
,ginagamit niya ang kanyang talento sa pagguhit sa
mabuting paraan at napapakinabangan niya
ito.Responsable siyang anak at kapatid,binibigay niya ang
kita niya sa pagsisikad-sikad sa kanyang nanay para sa
pantustus nila sa araw-araw.
5. Pagganyak Napakinggan natin ang kuwento tungkol kay Joven, na nagpaantig sa ating mga puso at
magiging isang halimbawa at inspirasyon ninyo sa buhay lalo na sa inyong pag-aaral.

Tignan nga natin kung naging “Joven” kayo sa ibinigay kong takdang-aralin sa inyo.Handa na
ba ang bawat grupo sa kanilang pag-uulat? Handa na po kami Ma’am

(Integrate the value:Honesty)


At dahil ngayong buwan ng November,kailangan maipapamalas natin ang value na Honesty o
Pagkamatapat .Sino sa inyo ang hindi tumulong?Be Honest! Lahat po kami Ma’am nagtulung-tulungan

Magbigay nga nang kasabihan na nababatay sa honesty o pagkamatapat Honesty is the best Policy po ma’am

Sana araw-araw ,hindi lang ngayong buwan ng November lagi nating maipapamalas ang
pagiging matapat.Maging tapat sa lahat ng bagay o pagkakataon,lalo na sa inyong mga
magulang,katulad ni Joven
B. Paglalahad

Talakayan (Bawat grupo ay mag-uulat/tatalakayin ang kanilang kasagutan base sa tsart na ibinigay) (Bawat grupo ay ihahanda ang kanilang mga kasagutan
/pag-uulat )
Napakahusay ng inyong pag-uulat at mga kasagutan.Iyan ang nagagawa ng pagtutulungan at
pagkakaisa ng bawat miyembro sa bawat grupo.At sana maging katulad tayo ni Joven na
positibo ang kanyang pagtingin sa buhay,Hindi hadlang ang kahirapan,distansya ng
eskwelahan o anupaman.

Paglalahat Anong aral ang mapupulot sa kuwento? (Bawat mag-aaral ay magbibigay ng aral na mapupulot sa
Kaya anu-anong mga gawi ang dapat nating taglayin katulad ni Joven? kuwento at mga gawing dapat taglayin)

Katulad ni Joven, ikaw din ay may pinapahalagahan sa buhay na nais makamit.Ang iyong
pagsisikap sa pagkamit nito ay makatutulong sa paglinang ng inyong mabuting gawi.Walang
duda, kaya mong patuloy na maging mabuting tao!

C. Pagkatapos ng talakayan

1. Pangwakas na Gawain Ngayon naman ay bibigyan ko kayo ng 15 mins.para basahin ang sanaysay (Bawat mag-aaral ay babalik sa kanilang mga naatasang
“Pagpapalalim” Birtud(Virtue) at Pagpapahalaga grupo para pagtulong-tulungan ang mga gagawing
pangkalahatang Gawain)

V. TAkdang- Aralin BAwat pangkat ay maatasan ng sasagutin.Para sa:


Unang Pangkat-tatalakayin ang naunawaang konsepto sa sanaysay pahina 7-8 gamit ang
graphic organizer
Pangalawang pangkat-pahina 8-10
Pangatlong pangkat- pahina 11-12
Pang-apat na pangkat-pahina 12-15
Panglimang pangkat-pahina 16
SESSION 2

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Paghahanda

1. Pagbati Magandang Umaga mga mag-aaral! Magandang Umaga po Guro!

2. Panalangin Manatiling nakatayo at tahimik, at pumunta na dito sa harapan (Ang mag-aaral na naatasang panguluhan ang pagdarasal ay
ang mangunguna sa panalangin pupunta sa harapan upang ibigay ang kanyang napaghandaang
dasal)

3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase Bago natin simulant an gating talakayan sa araw na ito, maaari (Ang mga mag-aaral na ang katabi ay lumiban sa klase ay tatayo
bang itaas ang kamay kung ang iyong katabi ay wala sa kanyang at babanggitin ang pangalan ng katabing lumiban )
kinauupuan o lumiban sa klase

4. Pagbabalik- aral Noong isang araw, binasa natin ang sanaysay sa pagpapalalim,at Opo Ma’am
naatasan ang bawat grupo kung ano ang naunawaang konsepto
gamit ang mga graphic organizer

5. Pagganyak Handa na ba kayo sa Pag-uulat?


Ang may pinakamagandang output at may disiplina ay Handa na po kami Ma’am
makakatanggap nang premyo

Ipapaulat sa bawat grupo ang naunawaang konsepto base sa (Bawat grupo ay tatalakayin ang mga naunawaang konsepto
B. Paglalahad graphic organizer gamit ang graphic organizer)
Talakayan

Paglalahat Upang masubok ang lalim ng inyong naunawaan,sagutin ang mga


1.Ano ang Pagpapahalaga?Bakit kailangang taglayin ng tao? Ang Pagpapahalaga ay obheto ng ating intensyonal na
damdamin.Ito ang naghihikayat at gumagabay para pumili at
gawin ang particular o tiyak na layunin para sa ikauunlad at
ikabubuti ng isang tao
2. Ano ang Birtud? Paano ito nalilinang? Ang Birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na
pinagpasyahang gawin ayton sa tamang katuwiran.Ang Paulit-ulit
na pagsasagawa ng kilos ay tulong upang malinang ang birtud
subalit ang birtud ang birtud ay nangangailangan ng pagpili,pag-
unawa at kaalaman.
3. Kaugnayan ng Pagpapahalaga at birtud? Ang Birtud ay mabuting kilos na ginagawa ng tao upang
isakatuparan ang pinahahalagahan.Ito ang moral na gawi
nagbubunga sa pagkamit at pagpapanatili ng pagpapahalaga.Ito
ang pinag-isipang paraan o hakbang upang makamit ang
pagpapahalaga
V. TAkdang- Aralin

Paglalahad ng graphic organizer sa pisara, Pagpupuna sa mga


mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalimng nakapaskil na
graphic organizer

Prepared by:

Margie Rose C. Castro

You might also like