You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII-EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OFFICE-BILIRAN
FELIMON NIERRAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAN ISIDRO, BILIRAN, BILIRAN

PARALLEL TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


(Quarter 1 Week 4)

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang tanong sa bawat sitwasyon. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Si Awra ay nakapulot ng isang bag na puno ng pera habang sila ng kaibigang si Onyok ay
abala sa pangungulekta ng mga kalakal sa kalye. Alin sa sumusunod ang dapat nilang gawin?
A. Ibili ng mga pagkain para sa kanilang mga kapatid.
B. Ipagbigay alam ang pangyayari sa kapitan ng kanilang barangay.
C. Gamitin itong pambili ng mga proyekto sa paaralan at ibigay sa nanay
ang mga lalabis dito.
D. Itago sa bangko at hayaang lumaki ang halaga ng interes nito upang
makatulong sa mga magulang.

2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas na kaisipan sa pagbuo ng


desisyon?
A. Napagdesisyunan ng mag-asawang Miriam at Jose na ipaampon ang kanilang anak sa
isang mayamang balik-bayan upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng
kanilang ibang anak.
B. Dala ng karangyaan ng kanilang pamilya, pinili ni Joaquin na ipagpatuloy ang
pagbebenta ng bawal na gamot upang mapanatili ang estado ng kanilang pamumuhay.
C. Pinipilit ni Mang Cardo at ng kaniyang maybahay na magtiyaga sa paglalabada at
pagmamaneho ng padyak upang mapag-aral nila ang kanilang mga anak.
D. Dahil sa isang suliraning hinaharap ng kanilang pamilya, pinili ni Marco na tumigil
muna sa pag-aaral at sumama na lamang sa kanilang kapitbahay sa pangangalakal
upang matugunan ang gamot ng kaniyang ina.

3. Ang inyong lugar ay madalas na nakararanas ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan. Bilang


mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsugpo ng
suliranin ng inyong barangay na may malaking epekto sa inyong pamilya?
A. Paglahok sa clean and green campaign ng inyong barangay.
B. Pagtatanim ng mga namumulaklak na halaman sa mga harap ng tahanan at lansangan.
C. Pagsusunog ng mga basura na nakakalat sa lansangan at mga kanal.
D. Pagsali sa popularity contest sa bayan na naglalayong makakalap nang sapat na pondo
para sa mga kapus-palad.

4. Habang ikaw ay naglalakad sa kalye, may isang grupo ng kabataan na nagaalok ng sigarilyo
at alak. Ano ang iyong gagawin?
A. Iiwas ako sa kanila at tatakbo papalayo.
B. Susubukan kong tikman ang alak at sigarilyo para hindi sila magalit.
C. Tatanggihan ko ang kanilang alok at magpapaliwanag na hindi ako naninigarilyo at
nag-iinom.
D. Tatanggapin ko ang kanilang inaalok upang mapatunayan ko sa kanila na kaya ko din
gawin ang kanilang ginagawa.
5. Natanggal sa trabaho ang iyong ama na siyang bumubuhay sa inyong pamilya. Bilang
myembro ng inyong pamilya, paano ka makatutulong sa kanila lalo na at gusto mo talagang
makapagtapos ng iyong pag-aaral?
A. Titipirin ko ang baon na ibinibigay sa akin ng aking nanay at sisikaping makaipon kung
may natirang pera sa baon.
B. Pagsasabihan ko ang aking ama na humanap ng panibagong trabaho para maibigay ang
aming mga pangangailangan.
C. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-aral at mangangako na babayaran ko sila
kapag nakaluwag na ang aming pamilya.
D. Sasabihan ko ang aking mga nakababatang kapatid na tumigil muna sila sa pag-aaral at
magtrabaho na lang muna para makatapos ako ng aking pag-aaral.

Basahin ang mga sitwasyon sa susunod na slide. Iguhit sa inyong kwaderno ang
masayang mukha kung ang sitwasyon ay nararapat at malungkot na
mukha kung hindi ito nararapat.

Mga Sitwasyon:

________6. Masusing pinag-aaralan ang mga sitwasyon at pangyayari bago magbigay ng pasya
o desisyon.
________7. Isinasaalang-alang lamang ang kabutihan ng mga kaibigan o mga
taong malapit sa iyo sa pagbibigay ng pasya o desisyon.
________8. Tinitimbang ang mga mga sitwasyon o pangyayari kung ito ba ay
makabubuti o makasasama para sa ating gagawing desisyon.
________9. Nakikinig sa payo ng magulang at nakatatanda bago magpasya.
________10. Sumasangguni sa mga aklat o mapagkakatiwalaang sanggunian kung may
nais malaman.

Answer Key:
1. B
2. C
3. A
4. C
5. A
6.
7.
8.
9.
10.

You might also like