You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
District of Cainta
Cainta Elementary School
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP VI
( Unang Kwarter )
Pangalan: ________________________________________________________ Iskor : ______________________
Baitang at Pangkat: _____________________________________________Petsa: __________________________

I.PANUTO:
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang tanong sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
1. Si Awra ay nakapulot ng isang bag na puno ng pera habang sila ng kaibigang si Onyok ay abala
sa pangungulekta ng mga kalakal sa kalye.
Alin sa sumusunod ang dapat nilang gawin?
a. Ibili ng mga pagkain para sa kanilang mga kapatid.
b. Ipagbigay alam ang pangyayari sa kapitan ng kanilang barangay.
c. Gamitin itong pambili ng mga proyekto sa paaralan at ibigay sa nanay ang mga lalabis dito.
d. Itago sa bangko at hayaang lumaki ang halaga ng interes nito upang makatulong sa mga
magulang.
2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas na kaisipan sa pagbuo ng desisyon?
a. Napagdesisyunan ng mag-asawang Miriam at Jose na ipaampon ang kanilang anak sa isang
mayamang balik-bayan upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng kanilang ibang
anak.
b. Dala ng karangyaan ng kanilang pamilya, pinili ni Joaquin na ipagpatuloy ang pagbebenta ng
bawal na gamot upang mapanatili ang estado ng kanilang pamumuhay.
c. Pinipilit ni Mang Cardo at ng kaniyang maybahay na magtiyaga sa paglalabada at
pagmamaneho ng padyak upang mapag-aral nila ang kanilang mga anak.
d. Dahil sa isang suliraning hinaharap ng kanilang pamilya, pinili ni Marco na tumigil muna sa pag-
aaral at sumama na lamang sa kanilang kapitbahay sa pangangalakal upang matugunan
ang gamot ng kaniyang ina.
3. Ang inyong lugar ay madalas na nakararanas ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsugpo
ng suliranin ng inyong barangay na may malaking epekto sa inyong pamilya?
a. Paglahok sa clean and green campaign ng inyong barangay.
b. Pagtatanim ng mga namumulaklak na halaman sa mga harap ng tahanan at lansangan.
c. Pagsusunog ng mga basura na nakakalat sa lansangan at mga kanal.
d. Pagsali sa popularity contest sa bayan na naglalayong makakalap nang sapat na pondo para
sa mga kapus-palad.
4. Habang ikaw ay naglalakad sa kalye, may isang grupo ng kabataan na nag-aalok ng sigarilyo at
alak. Ano ang iyong gagawin?
a. Iiwas ako sa kanila at tatakbo papalayo.
b. Susubukan kong tikman ang alak at sigarilyo para hindi sila magalit.
c. Tatanggihan ko ang kanilang alok at magpapaliwanag na hindi ako naninigarilyo at nag-iinom.
d. Tatanggapin ko ang kanilang inaalok upang mapatunayan ko sa kanila na kaya ko din gawin
ang kanilang ginagawa.
5. Natanggal sa trabaho ang iyong ama na siyang bumubuhay sa inyong pamilya. Bilang myembro
ng inyong pamilya, paano ka makatutulong sa kanila lalo na at gusto mo talagang
makapagtapos ng iyong pag-aaral?
a. Titipirin ko ang baon na ibinibigay sa akin ng aking nanay at sisikaping makaipon kung may
natirang pera sa baon.
b. Pagsasabihan ko ang aking ama na humanap ng panibagong trabaho para maibigay ang
aming mga pangangailangan.
c. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-aral at mangangako na babayaran ko sila
kapag nakaluwag na ang aming pamilya.
d. Sasabihan ko ang aking mga nakababatang kapatid na tumigil muna sila sa pag-aaral at
magtrabaho na lang muna para makatapos ako ng aking pag-aaral
II. PANUTO
Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat kung Tama o Mali ang
naibigay na desisyon.
_________6. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Tumanggi ka at nanood ng sine.
_________7. May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi ka dumating
dahil sumama ka sa iyong tiya sa pamimili.

_________8. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum.


Nakarating kana roon, subalit sumama ka pa rin.
_________9. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng
pamahalaan bilang iskolar hanggang sa maging isang doctor. Dahil dito, nagdesisyon siya na
doon magtatrabaho sa America upang makatulong sa mga dayuhan.
________10. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang
pinagsasabihan at pinagagalitan ng kanyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na mag
-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.
________11. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Tumanggi ka at nanood ng sine.
________12. May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Dope” sa barangay hall. Hindi ka darating
dahil sumama ka sa iyong tiya sa pamimili.
________13. Pinagkasunduan sa miting ng mga magulang at guro na magbigay ng tiglimang piso ang
bawat isa sa magtatapos na bata bilang donasyon sa gagawing bagong entablado.
Pumayag ang iyong magulang ngunit hindi ka binigyan.
________14. Ang buong klase ay nagkasundong magsasagawa ng pag-aaral sa Ormoc City Library.
Nakapunta ka na sa lugar na ito pero sumama ka pa rin.
________15. Nagkasundo ang grupo mo na magtutulungan kayo sa paggawa ng proyekto sa darating na
Sabado. Dumating ka pero naglaro ka lang ng basketball.

III.PANUTO
Tukuyin kung nagsuri ka o hindi nagsuri sa sumusunod na sitwasyon. Kung nagsusuri ka iguhit ang
Kung hindi ka naman nagsusuri iguhit ang . Isulat ang sagot sa patlang.

_______16. Nakita mong may pinagkainang plato sa mesa. Si Lita ang naabutan mo sa bahay.
Sinabi mong siya ang kumain at hindi nagligpit ng pinagkainan.
_______17. Umiiyak si Nene. Hawak niya ang binti niya na may dugo. Tiningnan mo ito. Nakita mong may
hiwa ang binti niya. May sugat si Nene.
_______18. Kumakahol si Brownie. Sinilip mo sa bintana kung ano ang kinakahulan niya. Nakita mo na
sinisingasingan siya ng pusa. Kinakahulan niya ang pusa.
_______19. Nakita mo ang isang ticket sa sine sa bulsa ng nilalabhan mong pantalon ni Kuya. Sinabi mo sa
nanay mo na nanood siya ng sine. Pinalo siya ni nanay.
_______20. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitabahay nyo
nilapitan mo ito at pinagsabihan ang batang kasama nito.
IV. PANUTO:
Bumuo ng sariling kaisipan o pag-unawa tungkol sa naturang sitwasyon.
21. Si Lito ay mula sa mahirap na pamilya. Ang kaniyang ina ay nakaratay sa ospital dahil sa sakit na
cancer at kailangan nang agarang gamutan. Isang araw niyaya siya ng kaniyang kabarkada na
isagawa ang pagnanakaw sa isang malaking tindahan. Kung ikaw si Lito, ano ang iyong gagawin?

_______________________________________________________________________________________________
22. Nalaman mo isang araw mula sa iyong kalaro na ang iyong kapitbahay na dating sundalo at kilalang
siga sa inyong lugar ay nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Ano ang gagawin mo sa iyong
natuklasan?

_______________________________________________________________________________________________
23. Si Juan ay anak ng pulitiko. Tuwing may pagsusulit siya ay gumagawa ng paraan upang tumaas ang
kaniyang iskor. Isang paraan niya ay ang pananakot sa kaniyang katabi upang siya ay bigyan ng
wastong sagot. Bilang pangulo ng inyong klase, ano ang nararapat mong gawin pagkatapos mo
itong matuklasan?

_______________________________________________________________________________________________

24. Isa sa mga patakaran ng paaralan ang pagbabawal sa pagdadala ng cellphone. Ano ang reaksiyon
mo hinggil sa patakarang ito.

_______________________________________________________________________________________________

25. Matalik na magkaibigan sina Joshua at Tiffany. Si Joshua ay malamya sa pagkilos subalit si Tiffany
naman ay medyo brusko. Isang araw, sabay na naglalakad sa paaralan ang dalawa nang biglang
binastos si Joshua ng mga kamag-aaral na lalaki. Sinabihan siyang, ”Bakla ka, hindi ka makakapasok
sa langit”. Kung ikaw si Tiffany, ano ang gagawin mo?

________________________________________________________________________________________________

You might also like