Professional Documents
Culture Documents
Esp First PT
Esp First PT
Edukasyon sa Pagpapakatao
LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan:___________________________________________Petsa:__________________Iskor:_________
Pangkat at Baitang: ____________________________________ Guro:_____________________________
I. Piliin at isulat ang tiik ng tamang sagot sa patlang
1. Si Carlo ay transferee mula sa Mababang Paaralan ng Sampaguita. Isa-isang tinawag ng guro ang mga bagong mag-aaral para magpakilala. Ano ang
nararapat niyang gagawin?
a. Magkunwari na hindi nadinig ang pagtawag ng guro sa kanyang pangalan.
b. Tatayo sa harap at magpakilala ng sarili.
c. Sasabihin sa guro na nahihiya siyang magpakilala.
2. Anong katangian ang ipinakita ni Carlo nang siya ay tumayo at magpakilala sa mga bagong kamag-aral?
a. Katatagan ng loob b. pagkamahiyain c. pagiging matapat
3. Si Myrna ay may kakayahang sumayaw at nais ng kanilang guro na ipakita niya ito sa palatuntunan sa Buwan ng Wika. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Magdadahilan sa guro sa guro para hindi makasali sa palatuntunan.
b. Kakausapin ang guro at sasabihin na hindi niya kayang sumayaw.
c. Tatanggapin ang alok ng guro at ipapakita ang kakayahan sa pagsayaw.
4. Si Roniel ay may kakayahang gumuhit at nais ng kanilang guro na siya ang maging representante ng kanilang klase sa isang poster making contest. Ano ang
maaring gawin ni Roniel?
a. Hindi papansinin ang guro
b. Sasali ng may matatag na loob sa poster making contest
c. Sasali para mapagbigyan lang ang guro
5. Sa buhay ng isang mag-aaral ang katangian at natatanging kakayahan ay isang regalo mula sa ___________.
a. Kaibigan b. Maykapal / Panginoon c. Ninang at Ninong
6. Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang magandang kinabukasan lalo na kung ang bata ay may _______ sa kanyang pag-aaral.
a. tiyaga b. pagpapahalaga sa pag-aaral c. lahat ng nabanggit
7. Si Ruby ay walang tiyaga sa kanyang pag-aaral kung kaya siya ay ____________.
a. Nakatapos sa pag-aaral c. lalong natuwa ang mga magulang
b. hindi nakatapos ng pag-aaral
8. Mahaba ang pila sa kantina. Ano ang iyong dapat gawin?
a. Sumingit sa unahan
b. Makisuyo sa kaklase na nasa gawing unahan ng pila
c. Matiyagang pumila sa dulo ng pila
9. Pinipilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdang aralin kahit na ito ay may kahabaan. Anong kaugalian ang kaniyang pinakita?
a. Tamad b. matulungin c. Pagkamatiyaga
10. Alin sa mga sumusunod na insekto ang nagpapakita ng pagiging matiyaga.
a. Pagong b. langgam c. gagamba
11. Mainit ang sikat ng araw, subalit oras nang pagpila para sa seremonya sa watawat ng Pilipinas. Ano ang gagawin mo?
a. Pipila ng tahimik b.Mananatili sa loob ng silid aralan c. Magdadala ng payong sa pagpila
12. Kaunti na lamang ang ulam ng paghahatian ninyo ng iyong mga kapatid. Gugustuhin mo pa bang kumain?
a. Opo at sasabayan ang kapatid ko sa pagkain b.Itatapon ang ulam c.Hindi na lamang kakain
13. Nabasa ng ulan ang kama mo dahil may tulo ang inyong bubong. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi na lamang matutulog b.Maglalatag na lamang sa sahig c. Titiisin ang basing kama
14. Si Willy ay nakapagtapos sa kabila ng kanilang sitwasyon ng kanilang buhay, Anong katangian ang pinakita ni Willy?
a. Pagkamatiisin b. masipag c. masinop
15. Papunta kayo ng kaibigan mo sa parke upang manood ng palabas. Bago ka payagan ng nanay mo, inutusan ka niya ng bumili ng tinapay sa panaderya.
Pagdating mo roon, napansin mo na napakahaba ng pila. Kung maghihintay ka ay posibleng magsimula na ang palabas bago ka pa makabili. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Sisingit sa pila b.Hihintayin na ako ay makabili c. Hindi na lang bibili
16. Ito ay ulat ngmga positibong pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o mabatid at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig o
nanonood.
a. Magandang balita b.Masamang balita c. Mapanghamong balita
17. Ito naman ay ulat tungkol sa mga pangyayaring may karahasan, droga, seksuwal na hindi angkop sa batang nanonood o nakikinig.
a. Masamang balita B.Magandang balita c. Mapanghamong balita
18. Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong bagay ang gagawin ko ay __________.
a. Susuriin ko muna ang balita B.Paniniwalaan ko agad ang balita C. Hindi papansinin ang balita
19. Nakita mo sa isang post sa facebook na El Gamma Penumbra ang nagwagi sa Asia’s Got Talent. Ang balita ay
a. Mabuting balita b. Mapanirang balita c. Mapanghamong balita
20. Napanood mo sa telebisyon na ang Gobernador ng Batangas namahagi ng libreng notebook at ballpen sa lahat ng mag-aaral sa lalawigan. Ang balita ay
a. Mabuting balita b. Mapanirang balita c. Mapanghamong balita
Edukasyon sa Pagpapakatao
Talaan ng Spesipikasyon