You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Division of Cauayan City
SAINT CLARE COLLEGE OF REGION 02, INC.
Burgos St., District 2, Cauayan City, Isabela

THIRD PRELIMINARY TEST


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

Pangalan:__________________________________________ Petsa:_______________
Pangkat:_____________________________
Puntos:______________
I. Lagyan ng (/) ang patlang kung ito ay nagpapakita ng kaugaliang Pilipino.
Lagyan naman ng ekis (x) ang patlang kung hindi.

______1. Nagmamano ako sa aking mga magulang kapag dumarating o bago ako umalis
ng bahay.
______2. Umaalis ako ng bahay ng hindi nagpapaalam sa aking mga magulang.
______3. Gumagamit ako ng po at opo kapag nakikipag-usap ako sa nakatatanda.
______4. Hindi ko na kailangan pang tumanaw ng utang na loob sa mga tumulong sa akin.
______5. Hindi ako tumutulong sa mga taong nangangailangan upang hindi ako maabala.
______6. Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit na may problema.
______7. Ang mga Pilipino ay hindi marunong manampalataya sa Panginoon.
______8. Tayong mga Pilipino ay may matibay na samahan pagdating sa pamilya.

II. Tukuyin ang kaugaliang Pilipino na maaari mong gawin sa bawat sitwasyon.
Pilian at bilugan ang letra ng tamang sagot.

9. Isinama ka ng iyong ina sa pagdalaw sa iyong lolo at lola. Ano ang gagawin mo?
a. Hahalik ako sa aking lolo at lola at hihingi ng pera.
b. Doon lang ako sa sala at manonood ng telebisyon.
c. Magmamano ako sa aking lolo at lola at makikipagkwentuhan ako sa kanila.
10. Kasama ka ng iyong ina sa palengke at ikaw ang inutusang makipag-usap sa tindera ng
gulay. Ano ang gagawin mo?
a. Susunod ako sa aking nanay at gagamit ako ng po at opo sa pakikipag-usap sa
tindera.
b. Hindi ako susunod sa aking nanay dahil ayokong makipag-usap sa mga tindera.
c. Sasabihin ko sa aking nanay na siya na lang ang makipag-usap sa tindera.
11. Masaya kang dumating sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
a. Didiretso agad ako sa aking silid.
b. Magbibihis muna ako ng aking damit at matutulog muna bago ako magpakita sa
aking magulang.
c. Hahanapin ko kaagad ang aking magulang at hahalik sa kanila bago magbihis at
mag-aral.
12. May sakit ang tiya mong nag-alaga sa iyo noong ikaw ay maliit pa. Ano ang gagawin
mo?
a. Magpapautos ako sa aking kapatid na dalawin niya si tiya.
b. Dadalawin ko si tiya araw-araw at aalagaan siya tulad ng pag-aalaga niya sa akin
noon.
c. Hahayaan ko na lang si tiya dahil marami pa akong kailangang gawin.
13. Nakita mo ang iyong kapitbahay na matanda na hirap na hirap sa kaniyang dala-dala.
Ano ang iyong gagawin?
a. Agad-agad akong lalapit upang tulungan siya sa kaniyang dala-dala.
b. Panonoorin ko na lamang siya habang nahihirapan sa kaniyang dala-dala.
c. Magtatago ako sa aming bahay upang hindi siya magpatulong sa akin.

III. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangugusap at MALI
kung hindi wasto ang isinasaad ng pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.
__________14. Habang tinutugtog ang Lupang Hinirang ay tumigil sa paglalakad at
sumabay sa pag-awit.
__________15. Iwasan ang pagpitas ng mga bulaklak sa parke.
__________16. Huwag makinig sa iyong guro sa oras ng talakayan sa klase.
__________17. Paglalaro ng mga halaman sa pook palaruan.
__________18. Pagpulot ng iyong kalat at itapon sa basurahan.
__________19. Pagsusulat sa pader o bakod ng mga kapitbahay.
__________20. Pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay.

IV. Iguhit ang masayang mukha kapag ang larawan ay nagpapakita ng Kaugaliang
Pilipino at malungkot naman kung hindi.

__________21.

__________22.

__________23.

__________24.

__________25.
V. Magbigay ng limang (5) Kaugaliang Pilipino.
26. __________________________________

27. __________________________________

28. __________________________________

29. __________________________________

30. __________________________________

PREPARED BY: SUBMITTED TO:

MAENARD TAMBAUAN ROSANNA C. DELA CRUZ


Grade 3 Adviser Assistant Principal

NOTED BY:

PRUDENCIA G. BAÑEZ, ED.D


President

You might also like