You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Division of Cauayan City
SAINT CLARE COLLEGE OF REGION 02, INC.
Burgos St., District 2, Cauayan City, Isabela

THIRD PRELIMINARY TEST


FILIPINO 3

Pangalan:__________________________________________ Petsa:_______________
Pangkat:_____________________________
Puntos:______________
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Ikahon ang tambalang salita sa
pangungusap. Piliin ang letra ng tamang kahulugan nito. (2 puntos)

1. Inihalal siya ng taong-bayan bilang pangulo.


a. Mga mamamayan
b. Mga tao na nasa bayan
c. Mga taong makabayan
2. Tumutulong din siya sa mga kapus-palad.
a. Mayaman
b. Mahirap
c. Putol ang kamay.
3. Laging bukambibig ni nanay na mag-aral mabuti.
a. Bumubuka ang bibig
b. Madaldal
c. Laging binabanggit
4. Taos-puso ang pasasalamat niya sa mga tao.
a. Bukas sa iyong kalooban
b. Walang pakiramdam
c. Pusong sugatan
5. Pupunta kami sa silid-aklatan upang mag-aral.
a. Taguan ng mga aklat
b. Silid na maraming aklat
c. Bilihan ng mga aklat
II. Tukuyin ang mga tambalang salita kung ito ay nanatili o nagbago ang kahulugan.
Isulat sa patlang ang salitang “Nanatili” at “Nagbago”.

___________________1. Balat-sibuyas

___________________2. Bahay-kubo

___________________3. Tubig-ulan

___________________4. Kayod-kalabaw

___________________5. Matanglawin
III. Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Tukuyin kung ang sumusunod na
isyu ay opinyon o reaksiyon. Isulat ang OPINYON kung ito ay opinyon at
REAKSIYON naman kung ito ay reaksiyon.

___________________1. Kung ako ang tatanungin, dapat ang mga bata ay manatili na
muna sa kanilang tahanan habang tumtataas pa ang mga kaso ng COVID-19.
___________________2. Naniniwala ako na mawawala rin ang sakit na COVID-19 at
magiging normal ang pamumuhay ng mga tao.
___________________3. Para sa akin, mahusay ang pamumuno ng ating presidente
ngayon.
___________________4. Nakakagulat ang mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa
dahil sa COVID- 19.
___________________5. Walang alinlangan, nararapat lamang na itaas sa alert level 3 ang
ating lalawigan dahil sa pagtaas ng bilang ng nagkaka-COVID-19.

IV. Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Tukuyin at ikahon ang pandiwang
ginamit bilang karanasan sa pangungusap.

1. Ang mga tao sa baryo ay palaging umiiyak.


2. Si Gina ay natuwa sa kanyang natanggap na regalo.
3. Sumigaw ng malakas si Ben dahil sa sobrang tuwa.
4. Nabigla si Aling Cora sa balita sa telebisyon.
5. Natakot ang mga tao sa malakas na lindol.
6. Nadapa si Aliya sa harapan ng mga tao.
7. Nagalit kay Ningning ang may ari ng mansiyon.
8. Naawa si Carlo sa matandang pulubi kaya binigyan niya ito ng makakain.
9. Nagbabasa ng aklat si Arnel sa kanyang silid.
10. Naliligo pa lamang si Ana nang siya ay sunduin ni Nene.

PREPARED BY: SUBMITTED TO:

MAENARD TAMBAUAN ROSANNA C. DELA CRUZ


Grade 3 Adviser Assistant Principal

NOTED BY:

PRUDENCIA G. BAÑEZ, ED.D


President

You might also like