You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF LUCENA CITY
LUCENA EAST VIII ELEMENTARY SCHOOL
LUCENA HEIGHTS SUBD. IBABANG DUPAY, LUCENA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 1
Ikatlong Panahunang Pagsusulit

Pangalan ________________________________________ Petsa __________________


Baitang at Pangkat ________________________________ Iskor _________________

I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
_____1. Inutusan ka ng iyong ate na tulungan siya sa paglilinis ng bahay. Ano
ang nararapat na itugon mo sa kanya?
A. Mamaya na po. C. Ayoko nga po
B. Sandali lang po D. Opo, Ate.
_____2. Habang gumagawa ka ng iyong proyekto ay lumapit ang iyong ate at
ikaw ay kanyang tinulungan. Ano ang nararapat mong sabihin sa iyong
ate?
A. Huwag ka ngang makialam ate. C. Salamat ate
B. Kaya ko nang mag-isa, ate. D. Umalis ka na dito ate.
_____3. Nakita ka ng iyong lolo at inutusan ka niya na ibili siya ng gamot.
Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko po siya papansinin.
B. Sasabihin ko po na magtatapos pa ako ng takdang aralin.
C. Susundin ko ng buong puso ang kaniyang pinag-uutos.
D. Hahayaan ko lamang siya.
_____4. Nakita mong nagkakalat ang mga laruan ng bunso mong kapatid. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Aayusin at itatabi ang mga ito.
B. Hindi ko pakikialaman.
C. Pababayaan kong nakakalat.
D. Wala akong gagawin.

Address: Lucena Heights Subd. Ibabang Dupay Lucena City


Telephone Nos.: (042) 660 – 5091
FB Account: DepEd Tayo Lucena East 8 E/S Lucena City
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF LUCENA CITY
LUCENA EAST VIII ELEMENTARY SCHOOL
LUCENA HEIGHTS SUBD. IBABANG DUPAY, LUCENA CITY
_____5. Maraming plastic na bote na naiwan ang mga bisita? Ano ang maaari
mong gawin?
A. Aking iipunin at ipagbibili.
B. Itatapon na lamang.
C. Susunugin ang mga ito.
D. Tatapon ko sa basurahan.
II. Panuto: Isulat ang Tama kung ang gawain ay nagpapakita ng kaayusan at
kapayapaan sa tahanan at paaralan Mali kung hindi.
_________6. “O sige, ikaw na muna ang gumamit ng computer,” ang sabi ni Jojo
sa kanyang nakakabatang kapatid.
_________7. “Wow! Ang galing ni bunso,” sambit ni Yana sa kanyang kapatid.

_________8. Humingi agad ng kapatawaran si Roy sa kanyang tatay dahil huli


na itong nakauwi ng kanilang tahanan.
_________9. Si Dina ay hindi dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan dahil
wala siyang bagong kasuotan.
_________10. Nanghiram ka ng pangkulay sa iyong kamag-aaral. Sa iyong
pagkukulay hindi mo inaasahan na maputol ito kaya itinago mo na
lang ang naputol na pangkulay.
III. Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
____11. Nag-utos ang nanay sa iyo na magligpit ka ng iyong gamit. Ano ang
gagawin mo?
A. Susundin ko ang utos ni nanay. C. Gagawin ko kung babantayan
niya ako
B. Gagawin ko kung may kapalit. D. Hindi ko siya papansinin.
____12. Nagpatulong sa iyo ang iyong ate na iabot sa kanya ang orasan para
isabit sa dingding ngunit tinatawag kana ng mga pinsan mo para
maglaro. Ano ang gagawin mo?
A. Sasaraduhan ko ng pinto si ate. C. Ngingitian ko lang siya.
B. Itutuloy ko ang paglalakad. D. Iaabot ko ang kailangan ni ate.

Address: Lucena Heights Subd. Ibabang Dupay Lucena City


Telephone Nos.: (042) 660 – 5091
FB Account: DepEd Tayo Lucena East 8 E/S Lucena City
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF LUCENA CITY
LUCENA EAST VIII ELEMENTARY SCHOOL
LUCENA HEIGHTS SUBD. IBABANG DUPAY, LUCENA CITY
____13. Ipinaliwanag ni Gng. Villanueva sa buong klase na paghihiwalayin ang
pagtatapon ng mga basura sa nabubulok at hindi nabubulok na
basurahan. Ano ang gagawin mo?
A. Itatapon ko ang balat ng saging sa hindi nabubulok na basurahan.
B. Hindi ako susunod sa bagong alituntunin.
C. Ang balat ng kendi ay itatapon ko sa hindi nabubulok na basurahan.
D. Paghahaluin ko ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.
____14. Nakita mong nagwawalis ang iyong guro sa loob ng inyong silid-aralan.
Paano mo maipapakita ang pagtulong mo sa paglilinis ng paaralan?
A. Ipagpapatuloy ko ang aking pagsusulat upang matapos ko ang aking
sulatin.
B. Uunahin ko muna ang pakikipag-usap ko sa aking katabi.
C. Ituturo ko ang kaklase kong naglalaro para siya ang tumulong sa
aking guro.
D. Kukuha ako ng walis tambo para mapabilis ang paglilinis ng aming
silid-aralan.
____15. Bilang isang bata, alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita na
pinapahalagahan mo ang iyong karapatang tinatamasa?
A. Kakainin ko ang lahat ng inihandang pagkain ni nanay para sa akin.
B. Uunahin ko muna ang pagsama sa aking mga kaibigan.
C. Matutulog ako ng maaga kahit hindi ko pa natatapos ang takdang
aralin.
D. Magpapaluto ako ng masasarap na pagkain sa aking nanay.
____16. Sino sa sumusunod na mga bata ang tumutulong upang mapanatili ang
kapayapaan sa paligid?
A. Madalas na pinagtatawanan ni Badeth ang kaniyang mga
katutubong kaklase.
B. Malimit awayin ni Mutya ang kanyang mga kalaro.
C. Madalas pagalitan ni Sheila ang kanyang mga nakababatang
kapatid.
D. Palakaibigan si Mary Ann sa kanyang mga kamag-aaral at iniiwasan
niya ang anumang away.

Address: Lucena Heights Subd. Ibabang Dupay Lucena City


Telephone Nos.: (042) 660 – 5091
FB Account: DepEd Tayo Lucena East 8 E/S Lucena City
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF LUCENA CITY
LUCENA EAST VIII ELEMENTARY SCHOOL
LUCENA HEIGHTS SUBD. IBABANG DUPAY, LUCENA CITY
____17. Paano mo maipakikita ang pagtitipid sa mga pahina ng iyong
kwaderno?
A. Aaksayahin ko ang mga pahina.
B. Dodrowingan ko ang mga pahina lahat.
C. Pupunit-punitin ko ang mga ito.
D. Susulatan ang harap at likodan ng mga pahina o page.
____18. Isang umaga, nagmamadali ang iyong kuya na maligo dahil maagap
ang kanyang pasok. Nakiusap siya na kung maari ay siya na muna ang
gumamit ng palikuran. Ano ang iyong gagawin?
A. Pauunahin ko siyang maligo.
B. Ako muna ang maliligo dahil ako ang unang nagising.
C. Sasabihin ko kay nanay na gusto ko ng maligo.
D. Hindi ko pagbibigyan ang aking kuya.
____19. Sa inyong hapunan ay inihain na ng iyong nanay ang ulam. Nakita mo
agad na ang una niyang inihain ay ang paborito mong fried chicken.
Ano ang gagawin mo?
A. Kukuha ako ng madami dahil ito ang aking paborito.
B. Uubusan ko ng ulam ang aking kuya at ate.
C. Iintayin ko ang aking mga kapatid upang pare-parehas kami ng dami
na makukuha.
D. Hindi ko kakainin ang ulam na inihanda ni nanay.
_____20. Malabo ang iyong mata pa minsan-minsan, nahihirapan kang
magbasa. Anong uri ng mga masustansyang pagkain ang dapat mong kainin.
A. Bitaminang maaasim tulad ng kalamansi.
B. Kamote, Kanin at Karne.
C. Madidilaw na gulay at prutas
D. Pagkaing pampalakas

Address: Lucena Heights Subd. Ibabang Dupay Lucena City


Telephone Nos.: (042) 660 – 5091
FB Account: DepEd Tayo Lucena East 8 E/S Lucena City
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF LUCENA CITY
LUCENA EAST VIII ELEMENTARY SCHOOL
LUCENA HEIGHTS SUBD. IBABANG DUPAY, LUCENA CITY
IV. Lagyan ng tsek (✓) kung ang gawain ay nagpapakita ng mga paraan
upang magamit muli ang mga bagay na patapon ngunit maari pang
pakinabangan at (X) kung hindi.

_____21. Pinatatapon ni Aling Norma ang mga lumang gamit sa bahay dahil
ayaw na niya itong gamitin.
_____22. Ang mga lumang bote ng softdrinks ay ginagawang flowervase ni ate.
V. Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
_____23. Sino sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagiging masunurin
at magalang?
A. Agad na sumasagot si Jen kapag tinatawag siya ng kaniyang nanay.
B. Buong pusong sumusunod si Ric sa mga utos ng kanyang tatay at
nanay.
C. Nagdadabog at nagagalit si Joyce kapag inuutusan siya ng kanyang
mga magulang.
D. Hindi na nagpapatumpik-tumpik pa si Rose sa pagsunod kapag siya
ay inuutusan.
_____24. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga
alituntunin ng paaralan?
A. Nagtatawanan na may kasamang sigawan ang mga bata sa loob ng
silid-aralan.
B. Sinulatan ni George ang pader ng paaralan.
C. Malugod na binabati ni Sammuel ang mga tauhan sa paaralan
kapag nakikita niya ang mga ito.
D. Sinisira ni Justine ang mga aklat sa reading corner.
____25. Alin sa sumusunod ang hindi nakakatulong sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan ng paaralan?
A. Pagkakalat ng basura sa paligid.
B. Pagtulong sa paglilinis ng silid-aralan.
C. Paghihiwalay ng mga basura sa nabubulok at hindi nabubulok.
D. Pag-aalaga ng mga halaman.

Address: Lucena Heights Subd. Ibabang Dupay Lucena City


Telephone Nos.: (042) 660 – 5091
FB Account: DepEd Tayo Lucena East 8 E/S Lucena City
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF LUCENA CITY
LUCENA EAST VIII ELEMENTARY SCHOOL
LUCENA HEIGHTS SUBD. IBABANG DUPAY, LUCENA CITY
____26. Kailangang magtanim ng mga gulay para makatipid dahil sobrang
mahal ang mga bilihin ngunit walang lugar sa inyo para mapagtanim.
Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawing taniman?
A. Bagong biling timba.
B. Luma at gutay-gutay na supot.
C. Lumang plastic o galon na may saktong laki.
D. Mga papel o dyaryo.
____27. Mang Tony: “Alam mo na hanggang ikaapat ng hapon ka lang
maaring maglaro”.
Juan: “Pasensya na po, Itay. Nalimutan ko ang iyong bilin”.
Ano ang dapat gawin ni Juan sa susunod?
A. Uuwi na siya sa tamang oras. C. Tatakasan na ang tatay.
B. Magpapagabi na siya ng pag-uwi. D. Hindi na lalabas kailan man.
____28. Hindi mo sinasadyang natabig ang baso ng iyong ate. Ano ang iyong
sasabihin?
A. Salamat po. C. Walang anuman po.
B. Patawad po. D. Hindi papansinin ang ate.
____29. Naglalaro ang iyong mga nakababatang kapatid. Maya-maya pa ay
narinig mo na sila ay nag-aaway. Ano ang iyong gagawin?
A. Sisigawan ko sila C. Hindi ko sila papansinin.
B. Ipapaalam ko ito sa aking nanay. D. Makikisali ako sa kanilang
away.
____30. Malabo ang mata ng iyong kaklase kaya hindi na niya gaanong
mabasa ang mga salita na nakasulat sa pisara. Nakiusap siya na
magpalit muna kayo ng upuan na malapit sa pisara. Ano ang gagawin
mo?
A. Hindi ko papansinin ang kaniyang pakiusap.
B. Tutuksuhin ko siya dahil malabo ang kanyang mata.
C. Pagbibigyan ko ang kanyang pakiusap.
D. Hindi ko po siya pagbibigyan.

Prepared by:
MA. FELISA B. ALFABETE

Address: Lucena Heights Subd. Ibabang Dupay Lucena City


Telephone Nos.: (042) 660 – 5091
FB Account: DepEd Tayo Lucena East 8 E/S Lucena City
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF LUCENA CITY
LUCENA EAST VIII ELEMENTARY SCHOOL
LUCENA HEIGHTS SUBD. IBABANG DUPAY, LUCENA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikatlong Markahang Pagsusulit
Susi sa Pagwawasto

1. D
2. C
3. C
4. A
5. A
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Mali
10. Mali
11. A
12. D
13. C
14. D
15. A
16. D
17. D
18. A
19. C
20. C
21. X
22. /
23. C
24. C
25. A
26. C
27. A
28. B
29. B
30. C

Address: Lucena Heights Subd. Ibabang Dupay Lucena City


Telephone Nos.: (042) 660 – 5091
FB Account: DepEd Tayo Lucena East 8 E/S Lucena City

You might also like