You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
CAMALANIUGAN District
CAMALANIUGAN CENTRAL SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2
Ikatlong Markahang Pagsusulit
S.Y. 2022 -2023

Pangalan: _______________________________________ Petsa: _____________


Baitang:__________________________________________

I. Panuto: Iugnay ang hanay A sa hanay B. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

     A    B

_____ 1. Karapatang magkaroon ng pangalan           A. walang gulo at tahimik sa


                      tahanan at pamayanan

_____ 2. Karapatang manirahan sa isang payapa  B. pumapasok sa paaralan           


                      at tahimik na pamayanan

_____ 3. Karapatang makapag-libang               C. tinuturuan ng tamang     


                                            pag-awit at pagsayaw

_____ 4. Karapatang makapag-aral               D. nakapaglalaro at


          nakakapamasyal

______5. Karapatan na mapaunlad ang kasanayan   E. ipilista at binigyan ng 


          pangalan

Panuto : Lagyan ng tsek (√) ang mga karapatang dapat ipagpasalamat at ekis (x)     kung
hindi.

_____  6. Nakakain ng masustansiyang pagkain.

_____  7. May masaya at tahimik na tahanan.

_____  8. Nakakapag-aral

_____  9. May magulong kapitbahay.

_____ 10. Nakapagsusuot ng maayos na damit.

Panuto: Ano ang dapat gawin sa sumusunod na sitwasyon? Bilugan ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

11. Kumakain kayong magkakaibigan ng nilagang mani habang kayo ay naglalakad patungo sa palaruan.
Ano ang dapat ninyong gawin sa balat ng nilagang mani?
A.Ihahagis sa gilid ng kalsada. B. Ilalaglag sa aming dinaraanan.
C.Itatapon sa madaraanang ilog upang ipaanod. D.Isisilid sa isang supot at ilalagay sa tamang
tapunan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
CAMALANIUGAN District
CAMALANIUGAN CENTRAL SCHOOL

12. Bilang paghahanda sa darating na tag-ulan,nagkaroon ng programang pangkalinisan sa inyong


pamayanan. Inanyayahang makiisa ang mga batang tulad ninyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ako sasali sa paglilinis.
B. Magkukunwaring hindi ko narinig ang paanyaya.
C. Makikiisa ako sa programang pangkalinisan sa aming pamayanan.
D. Sasabihin kong marami akong gagawing proyekto dahil tinatamad ako.

13. Kayo ay nakatira malapit sa ilog. Isang hapon, nakita mo ang isang batang may dalang supot na puno
ng basura. Alam mong ihahagis niya ito sa ilog. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan ko na lamang siya sa gusto niyang gawin.
B. Pipigilan ko siya at ipapaalala ang maaaring maging epekto nito.
C. Hindi ko siya papansinin kahit may dala siyang basura dahil hindi ko naman siya kilala.
D. Magkukunwaring hindi ko siya nakita at magpapatuloy ako sa aking ginagawa.

14. Isang araw sa iyong paglalakad ay nauhaw ka. Bumili ka ng isang boteng mineral water sa tindahan.
Ano ang dapat mong gawin sa bote matapos mong maubos ang laman nito?
A. Itatapon ko sa daan
B. Itatapon ko sa kanal.
C. Ilalagay ko sa halaman na madaraanan.
D. Hahanap ako ng basurahan upang doon ilagay.

15. Pumunta sa isang resort ang inyong pamilya. Matapos kumain, iniligpit ng iyong nanay ang mga
ginamit sa pagkain at hinakot ng iyong tatay ang ibang gamit sa inyong sasakyan. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Pupulutin ko ang mga naiwang kalat at itatapon sa basurahan.
B. Panonoorin ko sina tatay at nanay habang sila ay nagliligpit at naghahakot.
C. Tatawagin ko ang dyanitor at sasabihing linisin niya ang lugar na aming ginamit.
D. Magmamadali akong pumunta sa loob ng sasakyan at magkukunwaring masakit ang tiyan.

IV. RD – ELC ( Pag -asa)


Panuto: Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na salaysay.
_________16. Nagsabi sa iyo ang kaibigan mong si Sandy na hindi na mag-aaral dahil sa
kakulangan sa pera. Sinabihan mo siya na tama lang ang desisyon niya.
_________17. Hinikayat mo ang kaklase mo na may kapansanan na huwag pansinin ang mga
mapang-asar niyong kaklase bagkos ay mas pagbubutihin pa nya ang pag-aaral.
_________18. May sakit ang isa mong pinsan. Hindi mo siya dinadalaw dahil wala kang
pakialam sa kanya.
_________19. Sinamahan mo si Ben na magsimba dahil gusto mong gumaan ang loob nito
pagkatapos makulong ang tatay niya na pinagkamalang holdaper.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
CAMALANIUGAN District
CAMALANIUGAN CENTRAL SCHOOL

_________20. Binigyan mo ng baon ang iyong kaklase na walang baon. Gusto mo kasing
maranasan din niyang magkaroon ng kaibigan.

Inihanda ni:

CRISTINE S. SUPRANES Iniwasto ni:


Teacher
CLARITA C. SALVADOR, PhD.
Principal II

You might also like