Professional Documents
Culture Documents
Summative Test 3RD Quarter Esp 8
Summative Test 3RD Quarter Esp 8
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC
Name:_______________________________________________________________Score:_____________
Year/Section:__________________________________________________________Date:_____________
I.Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.
_________1. Ito ang pinakadakilang kaloob ng Diyos na dapat ipagpasalamat.
a.buhay b.talino c.talento d.kaibigan
_____2.Tumutukoy ito sa gawi na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihan.
a.pasasalamat b.pagmamahal c.pagtutulungan d.pagbibigayan
_____3.Isa sa malawak na nasasakop ng tinatawag na kapuwa na dapat bigyan nang lubos na pasasalamat.
a.kakilala b.kaaway c.kaibigan d.kamag-anak
_____4.Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapakita ng pasasalamat MALIBAN sa;
a.pagbibigay ng munting regalo b.pagpapasalamat sa bawat araw
c.pagbibigay ng liham-pasasalamat d.paglimot sa kabutihang ginawa ng kapuwa
_____5.Ito ay salitang Latin ng pasasalamat na nangangahulugang libre o walang bayad.
a.grats b.gratia c.gratus d.gratis
_________6.Ito ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop, ito ay pagtalima, pagganap at
pagtanggap sa mga utos.
a.pagsunod b.paggalang c.pakikibahagi d.pagmamahal
_____7.Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa magulang maliban sa;
a.Pagkilala sa limitasyon b.Pagiging mapagmahal
c.Pagiging maalalahanin d.Pang-aabuso sa itinakdang oras
_____8.Saan nagsisimula ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga?
a.pamilya b.paaralan c.simbahan d.pamayanan
_____9.Ito ay galing sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay paglingon o pagtinging muli.
a.Pagsunod b.Kasipagan c.Paggalang d.Pagpapasakop
_____10.Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng;
a.pakikiisa sa mga Gawain b.pagbibigay halaga sa isang tao
c.pakikipag-ugnayan sa mga tao d.pagkilala sa mga taong nasa paligid
II.Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng mga sitwasyon at MALI naman
kung hindi wasto.
________1. Hindi kinakalimutan ni Mike na magpasalamat sa kaniyang mga naging guro.
__________2. Pinasasalamatan lamang ni Annie ang mga taong may malaking naitulong sa kaniya.
__________3. Sa tuwing nakatatanggap ng biyaya ang mag-anak na Castro ay hindi nila kinakalimutang magbahagi
sa iba.
__________4. Binigyan ni Andrew ng munting regalo ang kaniyang kaibigan dahil sa pagtulong nito sa paggawa ng
kaniyang proyekto.
________5. Nakararamdam ng kasiyahan si Jian sa tuwing nakikita niyang pinahahalagahan ng kaniyang mga
kaibigan ang kabutihang naitulong niya sa mga ito.
________6. Sumasang-ayon sa negatibong emosyon ang pasasalamat.
________7. Ang pasasalamat ay isang moral na obligasyon ng isang indibidwal.
________8. Masasalamin ang kawalan ng pasasalamat sa entitlement mentality.
________9. Nagiging mapagpakumbaba at kuntento sa buhay ang isang taong mapagpasalamat.
________10. Ang taong mapagpasalamat ay marunong tumingin sa mga positibong bahagi ng buhay.
III.Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang patlang kung naisasagawa ang pagsunod at paggalang sa mga sumusunod na
pahayag at ekis ( X ) naman kung hindi.
1.Pagsunod sa mga ipinapatupad na batas.
2.Pagsuot sa damit ni ate ng walang paalam.
3.Magpaalam sa magulang kung aalis ng bahay.
4.Pagsasabi ng “ po at opo” sa tuwing makikipag-usap.
IV.Panuto: Paghambingin ang dalawang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
FLORENTINA B. POCO
Teacher III