You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

Grade : Grade 8 - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)


Topic: Modyul 3: Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at may Awtoridad
Date : April 27, 2021
Time : 10:30 AM – 10:50 AM
Quarter: Ikatlong Markahan
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 8 EsP , inaasahang
maipamamalas ang mga sumusunod:
1. Nakikilala ang:
a. Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal
b. Bunga ng hindi pagpapamalas ng hindi pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at
may awtoridad (ESP8PBIIIc-10.1)
2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad. (ESP8PBIIIc-10.2)
1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID BIZ: MSC UP AND UNDER

2 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng Ikawalong baitang!

Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa EsP 8 nagagalak kami na makasama kayo sa ating pag-

aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako si Teacher Joe makakasama nyo sa oras na ito , Halika samaan nyo

ako na pag-aralan ang ating aralin sa araw na ito,

3 BIZ: MSC UP AND UNDER

4 HOST : Kayo ay nakikinig sa 99.9 FM- RVI RADYO VENTINILLA for instruction.

5 Naghahahtid sa inyo ng mga bagong kaalaman sa himpapawid. Makinig, unawain at

6 Matuto! Nagagalak kami na makasama kayo sa panahon ngayon ng New

7 Normal Education sa pamamagitan ng pag-aaral natin gamit ang Radio-Basesd

8 Instruction blended with modular approach

9 BIZ: MSC UP AND UNDER

10 HOST: Siguruhin ninyong nasa isang lugar kayo ngayon na komportable at maayos na naririnig ang ating

11 broadcast. Kumain na ba kayo? (PAUSE) Mabuti kung ganun may laman ang inyong mga tiyan

12 upang maging alerto ang inyong mga pag-iisip at maayos na maunawaan ang ating aralin ngayong araw.

-MORE-

Pagsunod at Pagalang...222

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

1 BIZ: MSC UP AND UNDER

2 HOST: Sa puntong ito, nais kong kuhanin ninyo ang inyong modules para sa leksyon ukol sa ! :

3 Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at may Awtoridad

4 BIZ: MSC UP AND UNDER

5 Bago ang lahat tayo muna ay magkakaroon ng Balik – Tanaw sa ating nakalipas na aralin.

6 Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

7 1. Isang paniniwala o pag iisip na ano mang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat

8 Bigyang ng dagiang pansin

9 A. Kanduli B. Ati-Atihan c. Entitlement Mentality d. Pagpapasalamat at ang tamang

10 sagot ay c. Entitlement Mentality

11 2. Nagmula sa salitang Latin na gratus ( nakalulugod), gratia(pagtatangi o kabutihan at gratis

12 (libre at walang bayad).

13 A. Paikisama B. Entitlement Mentality C. Pagtutulungan D. Pagpapasalamat

14 at ang tamang sagot ay D. Pagpapasalamat

15 3. Ayon sa kanya __________ may tatlong(3) antas ang pasasalamat, Pagkilala sa kabutihang

16 Gawa ng kapwa,Pagpapasalamat at Pagbabayad sa Kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot

17 ng makakaya.

18 A. Aesop B. Sto Tomas de Aquino c. Susan Jeffers D. Fr. Albert E. Alejo aB.t

19 Tamang sagot ay B. Sto. Tomas de Aquino

20 4. Ito ang tawag sa pasasalamat ng mga Muslim:

21 A. Kanduli B. Ati-Atihan c. Bacao D. Pahiyas at ang

22 Tamang sagot ay A. Kanduli

-MORE-
Pagsunod at Paggalang...333

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

1 BIZ: MSC UP AND UNDER

2 5. Pasasalamat kay San Isidro Labrador:

3 A. Kanduli B. Ati-Atihan c. Bacao D. Pahiyas at

4 Tamang sagot ay D. Pahiyas

5 BIZ: MSC UP AND UNDER

6 Dumako na tayo sa ating aralin sa araw na ito , Modyul 3 : Ang Pagsunod at Paggalang sa Maguang ,

7 Nakatatanda at ang Awtoridad

8 Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging masunurin at magalang. Sa ating mga gawi na nagpapakita

9 ng pagiging magalang tulad ng pagmamano, pagsasabi ng “po” at “opo” at iba pa ay natatangi tayo

10 sa ibang lahi. Ngunit sapat na ba ang mga ito para ating masabi na tayo ay masunurin at magalang?

11 Bakit sa kasalukuyan ay mayroong di magagandang pangyayari dulot ng hindi pagsunod at

12 paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad? Ating tunghayan sa modyul na ito ang

13 mga birtud ng pagsunod at paggalang.

14 BIZ: MSC UP AND UNDER

15 Sapat ba na tayo ay magalang at sumusunod sa ating mga magulang, sa mga nakatatanda at may mga

16 awtoridad? Paano natin ito ipinakikita, isinasagawa at isinasabuhay? Sa maraming pagkakataon ang

17 pakikipagkapwa’y salat sa paggalang na nagiging sanhi ng pag-aaway, hindi pagkakaintindihan,

18 pananakit paglabag sa batas at ilang mga gawaing hindi na kumikilala sa dignidad ng kapwa. Ito

19 ngayon ay isang malaking hamon sa kabataan para sa pagpapanatili at pagpapatibay ng mga birtud

20 ng paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.

21 BIZ: MSC UP AND UNDER

22 Maraming aral mula sa iba’t-ibang aklat at relihiyon ang nagtuturo ng paggalang sa magulang,
-MORE-

Pagsunod at Paggalang...444

1 BIZ: MSC UP AND UNDER

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

2 nakatatanda maging sa mga may awtoridad sa lipunan o estado. Mula sa Bibliya, sa Koran at

3 Mga Tinipong Wikain ni K’ung Fu Tze. Dito tayo ay maraming napupulot at naisasabuhay.

4 Ang salitang “paggalang” ay mula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay “paglingon o

5 pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng

6 halaga sa isang tao o bagay. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan

7 ng paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 Ang Pamilya Bilang Hiwaga Kung ugnayan ang isasaalang-alang, hiwagang maituturing ang pagiging sabay

10 na malapit at malayo ng pamilya sa iyong pagkatao. Sinasabing ang pamilya ay malapit sa iyo dahil sa

11 sumusunod na patunay:

12 • Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo.

13 • Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan.

14 • Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo.

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16 Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod at makasaysayang

17 proseso na mula sa mga relasyong nauna sa iyong pag-iral. Ang iyong pagkilala at pakikipag-ugnayan sa

18 iyong mga lolo at loa, mga magulang ng iyong lolo at lola, mga tiyuhin at tiyahin at iba pag mga kamaganak

19 at kaangkan, ang nagpapatunay ng pagiging malayo ng pamilya. Gayunpaman, malaki ang impluwensiya ng

20 iyong kaangkan sa iyong pagkatao. Hindi nga ba’t may tinaguriang “angkan ng mga doctor o guro,” “angkan

21 ng matatalino o masisipag’ o “lahi ng mg palaaway o mga basagulero?” May implikasyon ito sa

22 pagkakakilanlan sa iyong pamilya at sa iyong pagkatao.


-MORE-
-
Pagsunod at Paggalang...555

1 BIZ: MSC UP AND UNDER.

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

2 Ang mga kasalukuyang suliranin tulad ng kawala o humihinang pagpapahalaga sa kabanalan, kawalan ng

3 paggalang sa buhay at kamatayan (na nagiging dahilan nang kayabangan, pagkukunwari, pagkabagot o kawalan

4 ng interes o kawalan ng pag-asa) ay ilan lamang sa mga patunay ng di-pagkilala sa halaga ng pamilya sa

5 paghubog ng iyong pagkatao.

6 BIZ: MSC UP AND UNDER

7 Ang Pamilya Bilang Halaga Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga kasapi nito ay naipakikita sa

8 pagsusumikap na gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama. Ang karangalang tinataglay ng

9 pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin ng bawat kasapi nito. Halimbawa, lumaki ka

10 sa isang pamilyang pinahahalagahan ang edukasyon, ang paggalang sa pagnanais ng iyong mga magulang na

11 makapagtapos ka ng iyong pag-aaral ay maipakikita mo sa pamamagitan ng pagsunod mo sa kanilang bilin at

12 utos na mag-aral kang mabuti. Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan nang nararapat at naaayon na

13 uri at antas ng komunikasyon. May marapat na antas ng komunikasyon para sa mga bagong kakilala at sa mga

14 mahal mo sa buhay, at di kailanman marapat ang magsalita nang masama, magmura, o manglait ng kapwa.

15 Mahalagang tandan ng bawat isa ang isinasaad ng Gintong Aral: Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa ay

16 ginagawa mo rin sa iyong sarili.

17 BIZ: MSC UP AND UNDER

18 Ang Pamilya Bilang Presensiya Bilang presensiya, ang pamilya ang nagsisilbing proteksiyon sa mga kasapi,

19 duyan ng pagmamalasakit at pagmamahalan, pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan, kalakasan, kahinaan,

20 damdamin at halaga. Itinuturing ang pamilya na isang tahanang nag-iingat at nagsasanggalang laban sa

21 panganib, karahasan at masasamang banta ng mga tao o bagay sa paligid at labas ng pamilya. Kung ano ang

22 nakasanayan at palaging nakikita na ginagawa ng mga kassabi ng pamilya, lalo na ng mga magulang at
-MORE-
Pagsunod at Paggalang...666
1 BIZ: MSC UP AND UNDER

2 nakatatanda, ay makakalakihan at makakasanayan ng mga anak. Dahil dito, naipagpapatuloy ang mga

3 tradisyon ng pamilya na nakatutulong sa pag-unlad, hindi lamang ng bawat kasapi ng pamilya, pati na rin

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

4 ang pagkakabuklod-buklod ng mga henerasyon.

5 BIZ: MSC UP AND UNDER

6 Paano mapipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang?

7 Dahil sa tahanan at sa pamilya nagsisimula ang lahat, malaking bahagi ng ating pagkatao ang nabuo

8 at nahubog dito. Ang ating mga magulang ang unang gabay at hanggang ngayon ay naririyan pa rin

9 para sa atin. Walang sinumang magulang ang naghangad ng masama para sa kanilang mga anak,

10 kaya’t mahalagang maunawaan natin ang mga paalala at payo nila. Igalang at sundin ang mga ito

11 maging ang kanilang mga bilin.

12 1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon

13 2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan

14 3. Pagtupad sa itinakdang oras

15 4. Pagiging maalalahanin

16 5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

17 BIZ: MSC UP AND UNDER

18 Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?

19 Isa sa mga magagandang kultura mayroon tayo ay ang paggalang sa mga nakatatanda.

20 Bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga sa mga nakatatanda at ipinakikita ang mataas na pagtingin

21 sa kanila sa paniniwalang sila ang nagbukas ng mga daan na tatahakin ng kabataan.

22 1. Sila ay arugain at pagsilbihan ng isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.

23 2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang
-MORE-

Pagsunod at Paggalang...777
1 BIZ: MSC UP AND UNDER

2 mayamang karanasan sa buhay.

3 3. Iparamdam sa kanila na sila ay nagiging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiiisin at

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

4 matiyaga sa maraming bagay.

5 4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamgitan ng pagsasama sa kanila

6 sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.

7 5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa kanila.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 Paano mapapakikita ang paggalang at pagsunod sa mga taong may awtoridad?

10 Ngayong nahaharap tayo sa panahon ng pandemya, napakahalagang maunawaan na igalang at sundin ang

11 mga polisiya o batas na nais ipatupad ng mga taong may awtoridad. Ginagampanan nila ang responsibilidad

12 na manguna at magpatupad ng mga panuntunan upang maproteksiyunan ang mga mamamayan mula sa

13 banta ng CoVid-19. Lubhang napakabigat ng kanilang mga gawain sa panahong ito para sa ating bayan. Kaya’t

14 tayo bilang mga mamamayan ay magbigay ng parte para sa pagsugpo ng sakit na ito. Kinakailangang nating

15 igalang ang kanilang mga anunsiyo at polisiya na ipinatutupad. Gayundin dapat nating sundin ang lahat ng ito

16 para sa kabutihang panlahat.

17 1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad.

18 2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.

19 3. Maging halimbawa sa kapwa.

20 4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya

21 para sa iyo

-MORE-

Pagsunod at Paggalang...888

1 BIZ: MSC UP AND UNDER

2 Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

3 Maipakikita mo ang iyong paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at

4 may awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang halaga. Dahil dito, kinikilala at pinahahalagahan

5 mo ang kanilang tungkuling hubugin, subaybayan at paunlarin ang iyong mga magagandang ugali

6 at mga pagpapahalaga. Mapagtitibay mo ang mga birtud na ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng

7 pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Maylalang.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 Sa kasalukuyang banta ng CoVid-19 sa mundo, mas kinakailangan ngayon ang maging magalang at

10 sumunod sa ating mga magulang, sa mga nakatatanda at sa may mga awtoridad. Sila ang higit na

11 mas nakaaalam ng kung ano ang makabubuti para sa atin. Kung paiiralin natin ito nang may

12 katarungan at pagmamahal, mas magaan ang paglaban sa pandemyang ito. Mas may

13 pagkakaunawaan at pagbibigayan. Sa huli, ang hantungan naman ng pagsasabuhay ng mga birtud

14 na ito ay ang kabutihang panlahat.

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16 Host : Mga Bata naunawaan ba ninyo ang ating aralin sa araw na ito Maari na ninyong

17 Sagutan ang mga Gawain para dito.Kunin niyo ang inyong mga Activity Sheet at

18 Sagutan ang mga katanungan. Kung kayo ay may mga katanungan tungkol sa ating aralin at

19 mga gawain , maari Nyo akong itext o tawagan sa aking cp no. 099-8958-9653. O mag mensahe

20 sa aking Facebook at messenger account.

21 BIZ: MSC UP AND UNDER

22 HOST: At iyan ang ating makabuluhang talakayan natin mula sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Pagsunod at Paggalang...888

1 BIZ: MSC UP AND UNDER

2 Modyul 3- : Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at may Awtoridad

3 Siguruhing tumutok sa ating paaralang panghimpapawid 99.9 FM Radyo Ventinila

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

4 para iba pang susunod na mga aralin.

5 Hanggang sa muli, ako si _Titser Joe. Laging tandaan, mag-aral nang mabuti. Ito

6 ang susi natin tungo sa isang masaganang bukas. Magandang araw sa inyong lahat.

-END-

Prepared: NOTED:

JOSEPHINE L. RIVERA MERLY A. MEDRANO


T-I Head Teacher VI

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

Ang araling aking tinalakay para sa araw na ito


April 20, 2021 ay para sa asignatura ng Edukasyon sa
Pagpapakatao -Ikatlong Markahan Modyul – Birtud ng
Pasasalamat: Balik ay Lugod at Mabuting Ugnayan sa
Kapwa,sa pamamagitan ng Radio Based Instruction sa
99.9 FM RVI (Radio Ventinilla for Instruction).

Ang araling aking tinalakay para sa araw na ito April 06, 2021 ay para sa
asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan Modyul 1–

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
PANIQUI, TARLAC

Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa,sa pamamagitan ng Radio


Based Instruction sa 99.9 FM RVI (Radio Ventinilla for Instruction).

Address: Ventinilla, Paniqui, Tarlac


Telephone No.: (045) 606-6984
Email Address: 307004 ventinillahs@deped.gov.ph

You might also like