You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Camiling Central District
LIBUEG ELEMENTARY SCHOOL
Camiling, Tarlac
(Enclosure No. 1 to Division Memorandum No. 281, s.2020)

Document Code: TarPr-QF-CID-


Quality Form LRMDC-05
Revision: 01
Effectivity date: 10-16-2018
Name of Office:
CERTIFICATION OF APPROVAL CID-LRMDC
___________________
Date
This is to certify that the Learning Resource entitled RBI Scripts in Edukasyon sa Pagpapakatao 1 is
approved and recommended for possible use in public schools of Camiling Central District.

____School Level ____District Level ____ Division Level. It is further certified that the evaluation report
is based on the standards set by the Regional Office, and no any influence from others.

Prepared by:
ILYN L. LORENZO
Scriptwriter
Reviewed and Evaluated by:
CLARITA A. PABLORENA
District ESP Specialist

LEONY G. LABISA
Master Teacher II
Recommending Approval:

MARITES R. AQUINO, PhD


Principal I

Approved:

LAILANI M. JUNIO, EdD


District Supervisor

Republic of the Philippines Department of


Education Region III – Central
Luzon
Schools Division of Tarlac Province
CAMILING CENTRAL DISTRICT
Camiling, Tarlac

Tittle: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 1 Edukasyon sa


Pagpapakatao
Subject: ESP I
MELC:Nakasusunod sa gawaing panrelihiyon. (EsP1PD- IVf-g-3)
Week 7
Length: 30 minutes
Scriptwriter: ILYN L. LORENZO

1. Insert SOA PROGRAM ID

2. Mabuhay, Radyo Eskwela, Gabay sa Pag-asa!

3. Magandang umaga mga bata! naririto na naman tayo

4. nagsisikap at nagpupunyagi na maging

5. mabuting tao at masayang tagapakinig ng aralin

6. na ibabahagi ng inyong lingkod Gng. Ilyn L. Lorenzo.

7. MISC UP AND UNDER

8. Handa na ba kayo? Siguraduhing kayo ay nasa maayos

9. na lugar at handang makinig sa ating paksang aralin,

10. Sa Taimtim kong Pagdarasal, Maipadadama ko ang aking Pagmamahal

11. Ako ang inyong guro sa ESP 1, Gng. Ilyn L. Lorenzo

12. sasamahan at gagabayan kayo sa ating

13. talakayan sa araw na ito.

14. MISC UP AND UNDER

15. Sa nakaraang aralin ay natutunan natin kung paano irespeto at

16. igalang ang paniniwala ng ating pamilya at ng kapwa.


17. Paano n’yo maipakikita ang inyong pagmamahal

18. sa Diyos at sa kapwa?

19. Tama! Sa pamamagitan ng pagsunod sa paniniwala ng inyong

20. pamilya, naipakikita n’yo ang inyong pagmamahal

21. sa Diyos at sa kapwa.

22. Sa araling ito ay maibabahagi ang kahalagahan ng pakikipag-usap

23. sa Diyos at pagkakaroon ng pag-asa upang mapatibay

24. ang ating pananampalataya.

25. Pagmasdan ang mga larawan.

26. Ano ang masasabi n’yo sa unang larawan?

27. Oo, Ang bagyong Yolanda ay isang malakas na bagyong nanalasa sa

28. Leyte. Maraming namatay nawalan ng trabaho, at nasirang ari-arian.

29. Sa pangalawang larawan naman, Ito ang larawan ng epekto

30. ng lindol sa Bohol. Maraming nasaktan,

31. namatay at nasirang mga gusali.

32. Ang mga nasa larawan ay mga kalamidad na naranasan ng ating

33. mga kababayan sa Leyte at Bohol. Sa kabila ng sakuna na ito hindi sila

34. nawalan ng pag-asa at patuloy silang nagdasal sa Panginoon.

35. Sagutin ang mga tanong.

36. Ano ang mararamdaman mo kung may mababalitaan kang

37. ganitong mga sakuna tulad ng mga nasa larawan?

38. Oo, marami ang natatakot at siyempre nalulungkot.


39. Sa iyong palagay, ano ang dapat mong gawin kung makararanas ka

40. ng ganitong uri ng sakuna?

41. Tama, magpasakop sa ating Diyos, lumapit sa kanya ng may

42. kababaang loob. Hilingin ang kanyang pagpapatawad.

43. Tanggapin s’ya sa ating buhay. Manalig nang tunay at idalangin ang

44. kalutasan ng anumang suliranin meron tayo. Lakipan ng sapat ng

45. pananampalataya. Sundin ang kanyang mga utos.

46. Ibibigay ni Lord ang kasagutan sa ating mga panalangin sa tamang

47. oras. Maghintay lang at isagawa ang mga bagay na

48. kalugud-lugod sa kanyang harapan.

49. MISC UP AND UNDER

1. Kumusta na mga bata?

2. Ihanda na ang puso’t isipan para sa mga aktibidad.

3. Sigurado akong kagigiliwan n’yo

4. ang ating mga gawain sa umagang ito.

5. Ayusin ang ginulong letra upang mabuo ang tinutukoy na salita.

6. Isulat ang sagot sa patlang.

7. Unang bilang, s a l d a

8. Ito ay isang pamamaraan ng pakikipag-usap sa Panginoon.

9. Pangalawang bilang, s a n a k u

10. Hindi kanais-nais na pangyayari sa kapaligiran.

11. Pangatlong bilang, p a g - s a a

12. Ito ang pagkakaroon ng panibagong pananaw sa buhay sa kabila


13. ng kabiguan at kalungkutan.

14. Pang-apat na bilang, h a y b u

15. Ito ang pinakamagandang biyaya na pinagkaloob

16. sa atin ng Panginoon.

17. Sa panglimang bilang naman, p a n a w n a

18. Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang tao sa mga bagay bagay.

19. Gawin lang ng may kagalakan. Bibigyan ko kayo ng dalawang

20. minuto para tapusin ang aktibidad.

21. Kaway-kaway naman kayo d’yan mga bata.

22. Ayan, sigurado akong makukuha n’yo lahat ang tamang kasagutan.

23. Oras na para iwasto ang inyong mga sagot.

24. Para sa Unang bilang, Tama, dasal.

25. Sa pangalawang bilang naman, Oo, sakuna

26. Pangatlong bilang, Tama kayo! Pag-asa

27. Ano naman ang kasagutan sa pang-apat na bilang?

28. Magaling! Buhay ang sagot.

29. At sa panglimang bilang naman, Tama, pananaw.

30. Tunay na masugid kayong nakikinig, dahil d’yan binabati ko kayo.

31. MISC UP AND UNDER

32. Ang pagdarasal ay isang paraan ng pakikipag-usap sa Panginoon.

33. Sa pamamagitan nito, nasasabi natin ang ating mga saloobin at

34. gumagaan ang ating pakiramdam.

35. Sa bawat tagumpay, kabiguan, at kalamidad, ang Panginoon ang


36. ating tinatawag at sandigan.

37. Ang taimtim na pananalangin ang nagbibigay ng

38. kapanatagan ng loob.

39. Ano ang pinakamagandang gawin sa oras na tayo ay

40. nakararanas ng pagsubok sa buhay?

41. Tama kayo! Lumapit sa ating Panginoon, isuko lahat sa kanya

42. ang ating mga alalahanin. Magtiwala tayo palagi sa ating Diyos.

43. Siya lang ang ating makapangyarihang Panginoon.

44. Laging manalangin ng may pasasalamat at pananampalataya.

45. Siguradong makakamtan natin ang kapayapaan at kagalingan.

1. MISC UP AND UNDER

2. Kaway-kaway naman d’yan mga bata!

3. Para sa pangalawang gawain.

4. Punan ang patlang ng angkop na sagot.

5. Piliin sa loob ng kahon.

6. Sa bawat p _ _ _ _ _ _ _ at hindi magandang pangyayari sa buhay ng

7. isang tao, m _ _ _ _ _ _ _ ang pagkakaroon ng pag- asa at positibong

8. pananaw sa buhay.

9. Ang pag-asa at positibong pananaw sa b_ _ _ _ _ay

10. nagbibigay ng k _ _ _ _ _ _ _ _ at katatagang harapin ng may

11. pananalig sa Panginoon ang k_ _ _ _ _ _ _.

12. Basahing mabuti at lakipan ng pang-unawa.

13. Oras na para iwasto ang inyong mga sagot.


14. Unang bilang, Tama! Problema ang sagot.

15. Para sa pangalawang bilang naman, Oo, mahalaga.

16. Sa ikatlong bilang ang sagot ay buhay.

17. Kung ang sagot n’yo sa pang-apat na bilang ay kalakasan,

18. tama kayo!

19. Sa ikalimang bilang naman, Tama! Kinabukasan.

20. Nakuha n’yo ba lahat mga bata? Binabati ko kayo

21. sa inyong taglay na kahusayan.

22. Tunay na naipakikita n’yo ang kasipagan sa pag-aaral

23. mga bata. Kung kaya’t nagagalak ako sa patuloy na

24. pakikinig n’yong mabuti.

1. MISC UP AND UNDER

2. Para sa susunod na karagdagang gawain, maaari ninyo itong

3. sagutan at gawin pagkatapos ninyong makinig

4. para lalo pa kayong matuto.

5. Sumulat ng isang maikling panalangin para sa kaligtasan

6. ng iyong pamilya.

7. Inaasahan ko na kayo’y natuto sa ating

8. talakayan sa araw na ito.

9. Muli ako ang inyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa unang

10. baitang Gng. Ilyn L. Lorenzo,


11. na nagsasabing laging manalangin ng taimtim.

12. Maging matatag na harapin ang bukas at magtiwala sa Diyos.

13. Tandaan, lakasan ang pananampalataya sa ating Dakilang Lumikha.

14. Siya ang ating kanlungan at takbuhan. Nagbibigay ng kapayapaan.

15. Umaasa tayo na may mabuting mangyayari sa ating buhay

16. sa gabay at patnubay ng Panginoon

17. Muli magandang umaga! Paalam!


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Camiling Central District
LIBUEG ELEMENTARY SCHOOL
Camiling, Tarlac

LEARNING ACTIVITY SHEET


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang: __________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikaapat na Markahan – Ikapitong Linggo
Sa Taimtim kong Pagdarasal, Maipadadama ko ang aking Pagmamahal

I. Panimula

Ang pagdarasal ay isang paraan ng pakikipag-usap sa Panginoon. Sa


pamamagitan nito, nasasabi natin ang ating mga saloobin at gumagaan ang ating
pakiramdam.

Sa bawat tagumpay, kabiguan, at kalamidad, ang Panginoon ang ating


tinatawag at sandigan. Ang taimtim na pananalangin ang nagbibigay ng
kapanatagan ng loob. Huwag mawawalan ng pag-asa sa buhay bagkus magkaroon
ng positibong pananaw sa kahit anumang problema, o sakuna na mararanasan.
Maging matatag na harapin ang bukas at magtiwala sa Diyos. Ang pagkakaroon
ng pag-asa ay nagdudulot din ng katatagan ng ating pananalig sa Diyos. Umaasa
tayo na may mabuting mangyayari sa ating buhay sa gabay at patnubay ng
Panginoon anuman ang iyong relihiyon.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Nakasusunod sa gawaing panrelihiyon. (EsP1PD- IVf-g-3)


III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. maisasabuhay ang kahalagahan ng pananalangin nang taimtim.

2. maipakikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa sa buhay.

IV. Pagtatalakay:

Sa nakaraang aralin ay natutunan natin kung paano irespeto at igalang ang


paniniwala ng ating pamilya at ng kapwa. Sa araling ito ay maibabahagi ang
kahalagahan ng pakikipag-usap sa Diyos at pagkakaroon ng pag-asa upang
mapatibay ang ating pananampalataya.

Pagmasdan ang mga larawan.

Ang bagyong Yolanda ay isang malakas na bagyong nanalasa sa Leyte.


Maraming namatay nawalan ng trabaho, at nasirang ari-arian.
Ito ang larawan ng epekto ng lindol sa Bohol. Maraming nasaktan, namatay
at nasirang mga gusali.

Ang mga nasa larawan ay mga kalamidad na naranasan ng ating mga


kababayan sa Leyte at Bohol. Sa kabila ng sakuna na ito hindi sila nawalan ng
pag-asa at patuloy silang nagdasal sa Panginoon.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mararamdaman mo kung may mababalitaan kang ganitong


mga sakuna tulad ng mga nasa larawan?

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang dapat mong gawin kung makararanas ka


ng ganitong uri ng sakuna?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Unang Gawain

Panuto: Ayusin ang ginulong letra upang mabuo ang tinutukoy na


salita. Isulat ang sagot sa patlang.
____________________1. s a l d a Ito ay isang pamamaraan ng pakikipag-
usap sa Panginoon.

____________________2. s a n a k u Hindi kanais-nais na pangyayari sa

kapaligiran

____________________3. p a g - s a a Ito ang pagkakaroon ng

panibagong pananaw sa buhay sa kabila ng kabiguan at kalungkutan.

___________________4. h a y b u Ito ang pinaka magandang biyaya na


pinagkaloob sa atin ng Panginoon.

____________________5. p a n a w n a Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng


isang tao sa mga bagay bagay.

Pangalawang Gawain

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na sagot. Piliin sa loob ng kahon.

Sa bawat p _ _ _ _ _ _ _ at hindi magandang pangyayari sa buhay ng isang

tao, m _ _ _ _ _ _ _ ang pagkakaroon ng pag- asa at positibong pananaw sa buhay.

Ang pag-asa at positibong pananaw sa b_ _ _ _ _ ay

nagbibigay ng k _ _ _ _ _ _ _ _ at katatagang harapin ng may pananalig sa

Panginoon ang k _ _ _ _ _ _ _.
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang maikling panalangin para sa kaligtasan ng iyong


pamilya.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


ISKOR
Pamantayan
Nakapagbigay nang wasto, akma at makabuluhang tugon. 5
Nakapagbigay ng sagot ngunit hindi kumpleto ang ideya. 3
Nasagutan ngunit hindi kumpleto at walang kinalaman na 1
aralin.
Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

Sanggunian

Abac, Felamer E., et. al. 2015. Department of Education. Edukasyon sa


Pagpapakatao, Kagamitan ng Mag-aaral: Material DepEd 5th Floor
Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City.

Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao-Unang Baitang


(Kagamitan ng Mag-aaral sa Kapampangan). Binagong Edisyon 2017.
Department of Education Bureau of Learning Resources(DepEd-
BLR).Ground Floor, Bonifacio Bldg.,DepEd Complex Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-


2021. Accessed on May10, 2020.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. dasal
2. sakuna
3. pag-asa
4. buhay
5. pananaw

Gawain 2

1. problema
2. mahalaga
3. buhay
4. kalakasan
5. kinabukasan

You might also like