You are on page 1of 36

4

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Unang Markahan

MGA GAWAING PAGKATUTO

i
Republic of the Philippines
Department of Education

COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheet in ESP
GRADE 4

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.
Printed by: Curriculum and Learning Management Division
Consultants: DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD,CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : GILBERT N. TONG, PhD, CEO VI, CESO V, City of Ilagan
Asst. Schools Division Superintendent: NELIA M. MABUTI, CESE, City of Ilagan
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : SAMUEL P. LAZAM, PhD
Development Team:
Writers: RINIEL M. DAQUIOAG, MARISSA A. CASTILLO, JONALYN B. POSTAZA
Content Editors: EVA O. DELACRUZ, Education Program Supervisor– ESP
GIRLIE NATIVIDAD P-II, Dappat IS, City of Ilagan,
MARITES TALOSIG, MT-I, Fugu ES, BERNADETH AGGARAO MT-I, Aggasian ES
MARY ANN LIMON, MT-I SAES, VISITACION ACOSTA MT-I Cab 3, ES
MAYLYN BATALLONES, LUISA OLAYA, MARJORIE YASTO
Language Editors: EVA O DELA CRUZ, Education Program Supervisor– ESP
Layout Artists: FERDINAND D. ASTELERO, PDO II
Focal Persons: EVA O. DELA CRUZ, Division Education Program Supervisor– ESP
EMELYN L. TALAUE, Division LRMS Supervisor
ISAGANI R. DURUIN, PhD., Regional Education Program Supervisor– Math/EsP
RIZALINO G. CARONAN, Regional Education Program Supervisor–LRMDS

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all

i
Talaan ng Nilalaman

Kasanayang Pampagkatuto Pahina

Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga


nito........................................................................................................................1
(EsP4PKP-Ia-b-23)

Nasusuri ang katotohanan bago gumawa ng


anumang hakbangin batay sa mga
nakalap na impormasyon sa balitang napakinggan..............................................4
(EsP4PKP- Ic-d – 24)

Pagsangguni sa taong kinauukulan.......................................................................10


(EsP4PKP-Ic-d-24)

Nababasa sa internet at mga social networking sites............................................16


(EsP4PKP-Ie-g-25)

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip


ng tamang pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan..........................................................................................................20
(EsP4PKP- Ih-i – 26)

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip


ng tamang pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan.........................................................................................................23
(EsP4PKP- Ih-i – 26)

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng


tamang pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan........................27
(EsP4PKP- Ih-i – 26)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all

i
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan:
Section: Baitang: 4
Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagiging Matapat sa Kapwa

Panimula (Susing Konsepto)

Ang mga sumusunod na gawain ay sadyang ginawa para sa batang katulad mo na nasa
ikaapat na baitang upang lalo pang mahasa ang iyong mga kasanayan sa Edukasyon sa
Pagpapakatao. Ang mga gawain ay iyong gagawin sa bahay sa tulong ng iyong magulang
kapatid o sinumang may kaalaman na aalalay sa iyo. Pagbutihin mo upang maging bihasa sa
kompetensi upang mabilis ang iyong pagsulong. Mag-enjoy sa mga gawain. May mga lakip
na babasahin upang kaaya aya ang iyong pag-aaral. Kung mayroon kang hindi maintindihan
ay maaring magtext sa guro.

Ang araling iyong matutunan ay ang pagsasabi ng katotohanan anuman ang maging
bunga nito. Ang pagsasabi ng katotohanan ay isang pagpapakita ng pagtitiwala sa kapwa na
dapat nating taglayin para sa ikabubuti ng lahat. Ang katotohanan na iyong nakikita ay iyong
ibahagi sa kapwa para sa katiwasayan ng bawat ng mamayan.

KOMPETENSI:
Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito.
EsP4PKP-Ia-b-23 (MELC page 73) week 1

Ang kagamitang ito ay tumutugon sa:


 Pagiging matapat sa kapwa

Pagkatapos ng mga Gawain, ikaw ay inaasahang :


 Nauunawaan ang pagiging matapat sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.

Subukin natin!:

Gawain 1:

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.Isulat ang Tama kung ito ay nagsasaad
ng pagiging tapat sa kapwa at Mali kung hindi nagsasaad ng katapatan.

1. Ang aking kapatid ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, Itatama ko ang


kamalian ng aking kapatid sa pamamagitan ng pagsusumbong sa awtoridad.

2. Ako’y mananahimik na lamang para walang away sa nakita kong


pangongopya ng aking kaklase sa katabi.

1
3. Naiwan ng inyong bisita ang kanyang selpon, itatago mo na lang ito para may
bago kang gamit.

4. Nawala ng kaibigan mo ang kanyang pera at ito ay iyong nakita, kaya dali-dali
Mo itong ibinalik sa kanya.

5. Nasira mo ang laruan ng kaibigan mo ngunit hindi niya alam, kaya inilihim mo
na lang sa kanya.

Gawain 2: Tukuyin Mo Ako!

Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon at tukuyin ang mga bagay na nararapat gawin.
Lagyan ng tsek (/) sa hanay na naaangkop na gawain sa bawat sitwasyon.

GINAGAWA GINAGAWA HINDI


LAGI MINSAN GINAGAWA
1. Sabihin ang katotohan kanino man.
2. Maging tapat sa lahat ng bagay.
3. Magpakatotoo sa kapwa.
4. Sabihin ang nararapat.
5. Gumawa ng tama.

Gawain 3: Sagutan Mo Ako!

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at Sagutin ang bawat katanungan.

1. May nakita kang pera na hindi naman saiyo, ano ang iyong gagawin?

2. Nakita mong may nagnanakaw sa kapitbahay ninyo. Sasabihin mo ba o


mananahimik ka nalang? Bakit?

3. Alam mong lumabag sa batas ang iyong kaibigan. Anong payo ang nararapat mong
sasabihin sa kanya?

4. Sa iyong palagay, maganda bang maging totoo sa iyong kasamahan? Bakit?

5. May magandang bunga ba ang pagsasabi ng katotohanan sa kapwa?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all

2
Rubrik sa pagpupuntos:

5 puntos – Kung wasto at napunan lahat ang mga gawain


4 puntos- Kung wasto ngunit kalahati lamang ang napunan na gawain
3 puntos – Kung wasto ngunit sangkapat lamang ang napunan na gawain
2 puntos- Kung kalahati ang mali at napunan na gawain
1 puntos – Kung mali lahat ang gawain

Reflection
Panuto: Isulat ang iyong reflection sa mga ginawa at natutunan mo ngayon.

Susi ng Pagwawasto sa mga Tanong

Gawain 1:
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Mali

Gawain 2:
GINAGAWA GINAGAWA HINDI
LAGI MINSAN GINAGAWA
1. Sabihin ang katotohan kanino man. 
2. Maging tapat sa lahat ng bagay. 
3. Magpakatotoo sa kapwa. 
4. Sabihin ang nararapat. 
5. Gumawa ng tama. 

Gawain 3:
Ang mga kasagutan ay maaaring magkakaiba ayon sa pananaw ng mag-aaral.

References for learners/Sanggunian

AKLAT

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all

3
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO

Panimula (Susing Konsepto)

Narinig mo na ba ang salitang Covid 19? Social distancing? At lockdown? Ilan


lamang ito sa mga laman ng bawat balitang ating naririnig sa radyo, TV at social media.
Apektado ang bawat tagapakinig sa lahat ng balitang ito,ngunit hindi lahat ng balitang ito ay
may mabuting epekto at nagsasaad ng katotohanan. Kung kayat ang bawat napakikinggan
natin ay nanghihikayat ng masusing pagsusuri.
Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o nababasa sa pahayagan
ay makatutulong sa tamang pagpapasiya. Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging
masiyasat sa mga bagay na bago sumang-ayon ay nasusuri nang lubos upang
mapagpasiyahan ng buong pagpapahalagang desisyon. Paano kaya natin dapat suriin ang mga
balitang ating napakikinggan sa radyo o nababasa sa pahayagan? Nakaaapekto ba ito kung
mali ang impormasyon na ating naihatid sa ating kapuwa?

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang katotohanan bago gumawa ng anumang hakbangin batay sa mga nakalap
na impormasyon sa balitang napakinggan. EsP4PKP- Ic-d – 24 (MELC p 73)
Gawain 1:
Panuto
Basahin, suriin at unawain ang bawat pahayag at tanong na nakatala sa bawat gawaing
ito. Sagutin ito ng may katapatan at pagsusuri. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ang Balita ni Tatay Nato

Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo


si Mang Nato.

“Magandang umaga, mga kababayan!


Ito na naman po ang RACC Balita, Nagbabalita Ngayon!”
“Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata
na may gulang na walo hanggang sampu ang nakagat
ng aso sa bayan ng Salvacion. Ito ay ayon kay Dr. Jacob R. Platon ng Veterinary Office."

“Kung hindi ito maaagapan, maaari nila itong ikamatay. Pinag-iingat ang mga mamamayan
lalo na ang mga bata.”
“Pinakikiusapan din ang mga may-ari ng aso na maging responsable sa kanilang mga alagang
hayop na pabakunahan ng anti-rabies at itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya.”
Nabahala si Mang Nato sa napakinggang balita sa radyo. Kinausap niya ang kaniyang mga
anak. Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.
“Ano po ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso, Tatay?” tanong ni Anika sa ama.

“Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay na komunsulta na


agad sa doktor para malapatan ng paunang lunas.”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
1. Anong uri ng balita ang nasa kwento?
a. Magandang Balita c. Mapanghamong Balita
b. Hindi masuring Balita d. Wala sa nabanggit

2. Kanino galing ang balita o ulat tungkol sa mga batang namamatay dahil sa rabies?
a. RACC Balita
b. Tatay Nato
c. Tatay Natoy
d. Anika

3. Paano dapat sinusuri ang isang balitang napakinggan?


a. Ipinagsasawalang bahala.
b. Magtanong sa mga nakatatanda o humanap ng mapagkakatiwalaang site
sa internet
c. Ikuwento ito sa iba.
d. Ilagay ito sa Facebook at hayaang may magreact kung ito ay tama o mali.

4. Ang mga mapanghamong balita ay mga balitang nanghihikayat ng pag-iingat at


nagsasaad ng sensitibo at negatibing pangyayari. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa nito?
a. Libreng internet at tablet para sa lahat, munghahi ng isang senador.
b. Catriona Gray nanalong Miss Universe.
c. Rehiyon dos, isang buwan ng walang kasi ng Covid 19.
d. Lalaki patay matapos umanong manlaban sa pulis

5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay ukol sa
balita niyang napakinggan? Bakit?
a. Oo, dahil iyon ang gusto niya.
b. Oo, dahil iyon ang nakabubuti para sa akin.
c. Hindi, dahil hindi naman iyon makaktulong.
d. Hindi, dahil hindi naman beterenario si tatay

Gawain II
Suriin ang kategorya ng pahayag na nakalahad sa bawat bilang. Iguhit ang masayang

mukha sa patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng mapanghamong balita at malungkot na

mukha naman kung ang pahayag ay nagsasaad ng magandang balita.

1. Pulis, na sangkot sa droga.

2. Tulong mula sa iba’t-ibang sector, laganap sa buong bansa.

3. Isang pulis patay matapos umanong manlaban sa isang buy-bust operation


ng mga kasamahan niya.

4. Ang masaker sa pamilya ang pinakamalupit na naganap sa kanilang lugar.

5. Covid 19 vaccine maaari ng mahanap.

Gawain III

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan.
Ikategorya ito sa Magandang Balita o Mapanghamong Balita.
Gawain IV

Suriin ang nilalaman ng bawat balitang nasa larawan. Idikit ang masayang mukha

kung ang larawan ay nagsasaad ng tamang balita at galit na mukha kung nagpapakita

ito ng huwad na impormasyon.

1. 2.

3. 4.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
5.

Gawain V
Gamit ang mga sumusunod na impormasyon. Sumulat ng isang balita na maaring narinig
sa radio. Gamitin ang sumusunod na impormasyon bilang gabay sa pagbuo ng balitang ito.

Paksa: Kahandaan ng Klase


Kailan? Ika-24 ng Augusto taong 2020
Saan? Cabeceria 6 Elementary School
Sino? Mag-aaral, magulang, guro at pasilidad.

Pamantayan sa Paggawa ng Balita


Pamantayan 5 3 1
Pagtalakay sa Ang pagtalakay sa Ang pagtalaky sa Ang sinsabi ay
Paksa paksa ay malinaw, at paksa ay hindi malayo sa paksa.
organisado/maayos. malinaw at ang
kaayusan ang
nilalaman ay hindi
maayos.
Kaangkupan ng Sapat, wasto, Angkop ang mga Hindi matukoy ang
Ideyang ginamit konkreto at salitang ginamit ideya sa balita/ulat.
makabuluhan ang ngunit hindi nito
impormasyong naipaliliwanag ng
ginamit. maayos ang
(Naipaliliwanag ng impormasyon.
maayos)
Kabuuan ng Nagawa ito ng may Nagawa ito ng may Nagawa ito ng may
ginawang balita. 8-10 pangungusap. 4-7 pangungusap. 1-3 lamang na
pangungusap.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Pangwakas
Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw at opinion sa balitang naririnig sa radio o
nababasa sa pahayagan. Ang pagiging mapanuri sa naririnig o nababasa ay nagpapakita
lamang ng masusing pag-iisip. Ang balita ay nagbibigay ng tamang impormasyon upang
lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa o nakikinig. Ngunit hindi lahat ng
balitang napapakinggan o nababasa ay totoo. Ito ay dapat may matibay na ebidensya at may
patunay. Ang pagsusuri sa isang narinig o nabasang balita ay dapat na may batayan.
Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay tumutulong sa atin para makuha,
malaman at maunawaan natin ang tamang impormasyon.

Mga Sanggunian

Abac,Felamer et.al, (2015). Edukasyon sa Pagpapkatao-Ikaapat na Baitang (Kagamitan


ng
Mag-aaral)
5th floor, Mabini Bldg., Deped Complex, Meralco Avenue.

https://brainly.ph/question/354097

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.youtube.com

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Foutbreaknewstoday.com

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftwitter.com

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fdepedclub.com%2Fdeped-
school-calendar-for-school-year-2019-2020-deped-order-no-7-s-2019

https://governmentph.com/deped-august-24/

Susi sa Pagwasto

Gawain I - ang mapanghamong balita ay nagsasaad


1. C ng masama, traheya, karahasan at
2. A sensitibong balita na nangangailangan ng
3. B gabay ng nakatatanda.
4. D
5. B
Gawain II - ang magandang balita ay nagsasaad ng
masaya, tagumpay, at pagtutulungan na
1. hindi nangangailangan ng gabay ng mga
nakatatanda.
2.
Gawain IV
3. Gupitin ang sumusunod na larawan at
idikit sa gawain IV.
4.

5. 1.

2.
3.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all
times
Gawain V.
4.
Walang pagtikular o espisipikong
sagot. Ang mga bata ay
5. mabibigyan ng puntos ayon sa
Gawain III: pamantayang nakatala sa gawain
Walang espisipikong sagot V.

Para sa Gawain IV: Dito gumupit ng mga mukha na ng angkop na sagot sa bawat bilang.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Panimula (Susing Konsepto)
Kung ikaw ay malalagay sa isang sitwasyong
kinakailangan mong magtiis, makakaya mo kaya?
May kasabihang, “Habang maikli ang kumot,
matutong bumaluktot." Ito ang ating aalamin sa araling
ito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang
hakbangin: Pagsangguni sa taong kinauukulan (EsP4PKP-Ic-d-
24)

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang kuwento ni Willy tungkol sa
kaniyang pag-aaral. Sagutin ang mga tanong nang may katapatan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Gawain 1
“Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Paaralang
Maunlad sa lalawigan ng Aurora. Pangarap ko ang makapagtapos sa
aking pag-aaral kaya titiisin ko ang mga paghihirap na dapat kong
harapin. Hindi ko iniisip kung ang mga bagay bagay na dapat kong
gawin ay mangangahulugan ito ng ibayong paghihirap.”
“Ang aming lalawigan ay palaging dinadalaw ng
malalakas na bagyo. Madalas kaming tamaan ng mga ulan at
hangin. Tinitiis namin ang paglakad sa mapuputik na daan kung
tag-ulan at ang paglangoy sa baha kung tumataas ang tubig sa ilog
kahit ito ay mapanganib”
“Ang aming tahanan ay nasa kabila ng isang tulay. Isang
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all
times
araw, sa hindi inaasahang pangyayari, ang tulay ay nasira ng bagyo.
Hindi kaagad naisagawa ang pagsasaayos sa tulay na ito sapagkat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
marami pang higit na kailangang unahin sa mga naapektuhan ng
bagyo.

“Dahil dito, araw-araw akong naglalakad paikot sa


kabilang baryo makarating lamang sa paaralan. Hindi ako lumiliban
sa klase kahit basa na ang aking sapatos sa pagtahak sa daang may
baha o putik. Ang palagi kong iniisip ay ang pangarap kong
makapagtapos ng pag-aaral.”

“Isang araw, napansin ng aking guro na tila ba pagod na


pagod ako at pawisan nang dumating sa paaralan. Nalaman niya na
nasira ang tulay na malapit sa amin. Kaagad gumawa ng sulat ang
aking guro upang maipakiusap sa kinauukulan ang agarang
pagkukumpuni ng tulay.”

“Hindi nagtagal, nagawa na ang sirang tulay at muli


itong nagamit ng mga naninirahan sa aming lugar. Malaking
pasasalamat ng aking mga kapitbahay sa naisagawang pag-aayos ng
tulay.”

1. Batay sa kwento, paano ipinakita ni Willy na siya


ay isang batangmapagtiis?

a. Tinitiis ang paglakad sa mapuputik na daan lalo na


kung tag-ulan at ang paglangoy sa baha kung
tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay mapanganib
at hindi dapat gawin o tularan.
b. Tinitiis ang kakarampot na pera niyang baon para
lamang makapasok siya sa paaralan.
c. Tinitiis niya ang kanyang lumang sapatos at damit
makapasok lamang siya sa paaralan.
d. Tinitiis niya ang pag aalipusta sa kanya ng kaniyang
mga kamag-aral maabot lamang niya ang kaniyang
pangarap
e. sa buhay.

2. Ano ang pangarap ni Willy?

a. Pangarap niya maging isang guro.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
b. Pangarap niya ang magkaroon ng magandang bahay.
c. Pangarap niyang yumaman.
d. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

3. Ano ang napansin ng kanyang guro isang araw?

a. Napansin ng guro na siya ay malungkot nang


dumating sa paaralan.
b. Napansin ng guro na siya ay pagod na pagod at
pawisan nang dumating sa paaralan.
c. Napansin ng guro na siya ay pagod na pagod at
malungkot nang dumating sa paaralan.
d. Napansin ng guro na siya ay pawisan at hinihingal
nang dumating sa paaralan.

4. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy?

a. Natuklasan niyang nawasak ang bahay nila Willy.


b. Natuklasan niyang nasira ang tulay malapit kina Willy.
c. Natuklasan niyang nawasak ang kanilang sinasakyan.
d. Natuklasan niyang nasira ang sapatos ni Willy.

5. Ano ang naging daan upang maipagawa ang tulay sa


lugar nina Willy?

a. Kinausap ng guro ang mga opisyales ng kanilang


Barangay.
b. Nagkaroon ng fund raising sa kanilang paaralan.
c. Humingi ng tulong sa mga magulang na nasa abroad
d. Gumawa ang guro ng isang sulat upang
maipakiusap sa kinauukulan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Gawain 2
Sa loob puso ay gumawa ng isang sulat/liham para sa isang
taong alam mong nagtitiis para sa iyo. Sabihin mo sa kaniya kung ano
naman ang maaari mong gawin upang masuklian ang ginagawa niya.

Gawain 3
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

Ano ang dapat mong gawin kung...

1. mainit ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila


para sa seremonya sa Watawat ng Pilipinas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng
iyong mga kapatid, subalit gusto mo pang kumain

3. nabasa ng ulan ang kama mo kaya kinakailangan kang


maglatag at humiga sa sahig

4. inutusan ka ng nanay mo upang bumili ng tinapay sa


panaderya. Pagdating mo roon, ay napansin mo ang
napakahabang pila

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
5. naglalaro kayo ng kapatid mo ng habalun nang biglang
natabig ng kapatid mo ang mamahaling plorera ng
inyong ina

Sanggunian

Fe A. Hidalgo, PhD,et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na


Baitang
Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. A

2. D

3. B

4. B

5. D

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
Pangalan: Seksiyon:
Baitang: 4
Petsa:

GAWAING PAGKATUTO

Aralin 6 Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking Pagkakatuto

Panimula (Susing Konsepto)

Tunay ngang napakahalaga ng paggamit ng internet o teknolohiya sapagkat


napapadali ang mga gagawing pananaliksik lalung lalo na sa mga mag-aaral na naghahanap
ng kalutasan sa mga naibigay na takdang-aralin: paggawa ng pagsasaliksik, ulat-pasalaysay at
marami pang iba. Sa pamamagitan na lamang ng pag-browse sa internet, napagagaan ang
kanilang gawain at natututo rin ang mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa larangan ng
anumang disiplina.

Malaki ang epektong dulot sa atin ng internet. Subalit hindi lahat ng ating nababasa sa
internet ay tototo at tama. Kailangang maging mapanuri sa mga binabasa o pinupuntahang
sites. Marami ring sites na nagbibigay ng kalaswaan at karahasan

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto
ng kaalaman at edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito
nang wasto. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya.
Maaaring makapagdulot ito ng mga masamang epekto sa atin kapag ito ay hindi ginamit sa
tamang paraan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakapagninilay ng katotohanan batay sa mga nakalap na impormasyon tungkol sa


nababasa sa internet at mga social networking sites. EsP4PKP-Ie-g-25 (MELC 3.3.4)

Gawain 1

Panuto: Piliin ang larawang angkop sa pangangailangan mo ayon sa bawat sitwasyon.

1. Gusto mong malaman ang kahulugan ng isang salita, ano ang kailangan mong
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all
times
puntahan sa mga larawan sa itaas?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
2. Kasalukuyan kang nangangalap ng impormasyon tungkol sa isang kilalang lugar o
tao at iba pa anong site ang pipiliin mo?

3. May mahalaga kang bagay na dapat ibahagi o ikukwento sa iyong mga kamag-aral,
kanino ka sasangguni?

Gawain 2

Panuto: Punan ang patlang. Magbigay ng karanasang nagpatunay na ikaw ay mahinahon


kung may hinaharap na problema sa pamilya o paaralan lalo na sa pagsasaliksik ng mga
proyekto? Ipaliwanag kung paano mo ito ginawa. Gamitin ang template sa ibaba.

Karanasan Mga ginawa na nagpakita ng pagkamahinahon

1. Magsaliksik hinggil sa uri ng Gobyerno


2. Nagtitiyaga ako, iiwasan kong magdabog at
magagalit kapag hindi Makita agad ang im
pormasyong hinahanap ko.Gagamitin ko ang
internet sa pagkuha ng makabuluhang
impormasyon

Gawain 3

Panuto: Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek (√) sa bawat sagot bilang patunay na
isa kang mag aaral na pinahahalagahan ang mga impormasyon.

Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag


1. Naniniwala ako agad sa
mga nababasa ko sa internet.
2. Nagagalit ako kapag
may nabasa akong laban sa
aking iniidolong artista?
3. Nakita mo sa facebook na
maganda ang iyong kapalaran
sa pakikipagbarkada,
maniniwala k ba kaagad?
4. Magbibigay ka ng report
tungkol sa inyong barangay.
Kailangan mo ng
impormasyon tungkol dito at
ito ay nasa aklat ng barangay,
tatalima ka ba at mahinahong
gagawin ang
iniatang sayo?
5. Lumabas sa facebook page
ng inyong paaralan ang isang
balita hinggil sa malaking
proyekto para sa ikauunlad ng
serbisyo para sa mga
estudyante, sasabihin mo ba ito
sa iba?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Gawain 4. Punan ang graphic organizers. Isulat ang kahalagahan ng impormasyon sa mga
tao, lalo na ang mga mag-aaral. Sa kahon sa ibaba, isulat ang mga dapat taglayin sa
pagkalap ng impormasyon.

Mga Katangiang Dapat Taglayin sa pagkalap ng impormasyon:


Rubriks sa pupuntos

5 puntos Kung wasto at napunan lahat ng gawain


4 puntos Kung wasto ngunit kalahati lamang ang napunan na gawain
3 puntos Kung wasto ngunit sangkapat lamang ang napunan na gawain
2 puntos Kung kalahati ang mali at napunan na gawain
1 puntos Kung mali lahat ang gawain

Reflection
Panuto: Isulat ang iyong reflection sa mga gawain mo ngayon.

Sanggunian

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
MGA AKLAT

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikaapat na Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015

Inihanda ni :

JONALYN B. POSTAZA
May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO

Pagtitimpi, Pinahahalagahang Ugali


Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagiging mapagtimpi ay isang pinahahalagahang ugali na dapat isabuhay. Gaya


ng ating mga magulang, sila ay nagpapakita ng pagiging mapagtimpi sa pagpapalaki sa
kanilang mga anak. Ang ating mga guro ay ganoon din. Sakabila ng mga kaguluhan,
kakulitan at pagiging pasaway ng mga mag-aaral, iniiwasan nilang magalit. Nagtitimpi sila
dahil gusto nilang ipaalam sa mga mag-aaral na kailanagan ang ugaling ito para sa
magandang pakikisalamuha at pakikipagkapuwa-tao. Naipakikita sa ugaling mapagtimpi ang
pagmamahal na tapat sa isang tao.
Ang taong mapagtimpi ay nalalayo sa pakikipag – away. Dahil hindi siya madaling
magalit o mainis, ginagigiliwan siya ng marami: sa pamilya, paaralan o pamayanan.
Sa lahat ng pagkakataon, kailangan natin ang magtimpi. Sa ganito, magiging positibo
ang pakikisalamuha natin sa kapuwa saan man tayo tumungo.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng tamang pamamaraan/ pamantayan sa
pagtuklas ng katotohanan. - EsP4PKP- Ih-i – 26

Gawain 1
Iguhit sa patlang ang kung palaging ginagawa,
kung minsan lang

ginagawa at kung hindi ginagawa ang ugaling pagiging pagtimpi

sa sumusunod n sitwasyon.

1. Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid-aralan.


2. Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa kantina.
3. Itinulak ka ng is among kalaro dahil gusto nyang mauna sa pagkuha ng tubig
sa gripo.
4. Kinuhang bigla ang iyong pencil case ng iyong kaklase.
5. Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo.

Gawain 2
Kompletuhin ang mga salitang makikita sa kahon sa ibaba.

Nasasaktan ako kasi…

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Nasisiyahan ako kasi…

Nakapagtitimpi ako kasi…

Gawain 3
Iguhit ang masayang mukha kung ikaw ay kayang magtimpi at malungkot na

mukha kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno


1. Sunod-sunod ang utos ng aking ina. Kahit madami akong ginagawa ay nasunod ko
ang utos niya.
2. Matapos kong iligpit ang maraming kalat na laruan sa kuwarto ng
nakababata kong kapatid, muli niyang itinapon ang mga ito sa aking harapan.
3. Naisasaayos ko ang mga gamit na naiwan ni Ate sa loob ng silid tanggapan kahit
may utos pa sa akin si Ama na pakainin ang aming aso.
4. Kahit iyak ng iyak ang aking kapatid ay hindi ko siya iniintindi sapagkat marami
akong ginagawang takdang-aralin.
5. Punong-puno na ang aming basurahan, inutusan ko ang aking
nakababatang kapatid para itapon ito ngunit ako ay kanyang ininis at tinakbuhan.

Reflection
Isulat ang iyong refelction sa mga Gawain mo ngayon.

Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 – Kagamitan ng Mag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 – Patnubay ng Guro

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 – Maaaring magkakaiba ang
sagot. Gawain 2 - Maaaring magkakaiba ang
sagot. Gawain 3

1.

2.

3.

4.

5.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all
times
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all
times
Inihanda nina:

Marissa A. Castillo

Pangalan ng may Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon
Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagiging mahinahon ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng


ganitong pag-uugali sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya, maayos, at maunlad ang
buhay. Iniiwasan niyang gumawa ng mali. Nakangiti pa rin habang siya’y kinakantiyawan o
tinutukso. Palagi siyang nag-iisip ng maganda tungkol sa kapuwa.

Ang pagiging mahinahon ay nagpapakita ng kabaitan, pagpapatawad, hindi madaling


magalit, o humusga. Masaya sa katotohanan at hinaharap ang kinabukasan nang may
katatagan at katapangan. Hindi siya natataranta at nalilito. May pokus sa kaniyang mga
isasakatuparang desisyon. Ang kahinahunan ay susi sa maunlad na kinabukasan. Ang taong
mahinahon ay may mapanuring pag-iisip sa pagtuklas ng katotohanan.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng tamang pamamaraan/


pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan (EsP4PKP- Ih-i – 26)

Panuto

Basahin, unawain, suriin at sagutin ang mga naihandang gawain.

Gawain 1

Suriin ang ipinahahayag ng nasa larawan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang mensaheng ipinakikita sa larawan?

2. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang pagkakaiba-iba sa reaksiyon nila nang marinig ang
balita sa radyo?

3. Sino sa kanila ang nais mong tularan kung makararanas ka ng ganitong pangyayari?
Ipaliwanag.

4. Tukuyin ang ugaling ipinakita ng ama sa larawan. Tama ba ang ipinakita ng ama?
Bakit?

Gawain 2

Ano ang gagawin mo sa mga sitwasyong ito para maipakita ang pagiging mahinahon.
Ilahad ang iyong magiging damdamin.

1.

Ang iyong kasagutan:


Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall.
Bigla ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
2.

Ang iyong kasagutan:


Nagsusulat ka ng iyong takdang- aralin ng biglang inagaw ng iyong kapatid ang iyong ginagamit na pangsulat

3.

Ang iyong kasagutan:


May mahalaga kang bagay na ibinabahagi o ikinukwento sa iyong kamag-aral ng bigla ka niyang pinagtawan

Gawain 3
Bilugan ang like emoticon kung ang aytem ay nagpapahayag ng may
pagkamahinahon at angry emoticon naman kung hindi.

1. Nagbabasa si Elmo ng balita sa diyaryo. Inagaw ito ng kanyang


nakababatang kapatid. Nilapitan niya ang kanyang kapatid, marahan na
kinuha ang diyaryo at malumanay niyang sinabi na kasalukuyan niyang
binabasa ang mga balita sa nasabing diyaryo.
2. Hindi nagustuhan ni Mona ang lasa ng kanilang ulam. Bigla nitong itinulak
ang kanyang plato sa mesa at lumabas na ito sa kanilang bahay.
3. Abala ang pamilya Dela Vega sa paglilinis ng kanilang bakuran ng biglang
sumiklab ang malaking apoy sa kanilang kusina. Kumuha sila ng mga
timbang may lamang tubig at tulong-tulong na inapula ang apoy.
4. Habang nanonood ng paboritong teleserye si Boyet, nawala ang suplay ng
kuryente sa kanilang lugar. Nagalit siya at itinapon ang remote ng kanilang
telebisyon.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
5. Nagtatanim ng gulay ang magkapatid na Dona at Romeo sa kanilang
bakuran. Matiyaga nilang tinapos ang kanilang pagtatanim upang hindi
maabutan ng mainit na sikat ng araw.

Reflection

Isulat ang iyong reflection sa mga gawain mo ngayon.

Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 – Kagamitan ng Mag-aaral


Edukasyon sa Pagpapakatao 4 – Patnubay ng Guro

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 – Maaaring magkakaiba ang


sagot Gawain 2 – Maaaring magkakaiba
ang sagot Gawain 3
1.
2.
3.
4.
5.

Inihanda ni:

RINIEL M. DAQUIOAG
May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon
Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagiging mahinahon ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng


ganitong pag-uugali sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya, maayos, at maunlad ang
buhay. Iniiwasan niyang gumawa ng mali. Nakangiti pa rin habang siya’y kinakantiyawan o
tinutukso. Palagi siyang nag-iisip ng maganda tungkol sa kapuwa.

Ang pagiging mahinahon ay nagpapakita ng kabaitan, pagpapatawad, hindi madaling


magalit, o humusga. Masaya sa katotohanan at hinaharap ang kinabukasan nang may
katatagan at katapangan. Hindi siya natataranta at nalilito. May pokus sa kaniyang mga
isasakatuparang desisyon. Ang kahinahunan ay susi sa maunlad na kinabukasan. Ang taong
mahinahon ay may mapanuring pag-iisip sa pagtuklas ng katotohanan.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng tamang pamamaraan/


pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan (EsP4PKP- Ih-i – 26)

Panuto

Basahin, unawain, suriin at sagutin ang mga naihandang gawain.

Gawain 1

Isulat ang iyong karanasan sa unang kahon at ang iyong solusyon sa kanan na kahon
na nagpapakita ng pagiging mahinahon.

Ang iyong karanasan: Ang iyong solusyon:

Pagiging Mahinahon

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Gawain 2

Kaya mo na bang maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon?

Gumawa ng Self-Assessment Organizer. Punan ang bawat kahon ng mga sagot batay
sa iyong natutuhan. Gamitin ang mga gabay.

A.
Nalaman ko

B.
Kaya ko

C.
Sinisimulan ko

D.
Gagawin ko

E.
Natuto ako

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Gawain 3
Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek ang sagot na nagpapatunay na isa kang
mahinahong mag-aaral at ipaliwanag ito.

Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag


1. Mahinahon ka
ba kapag
inaaway ka ng
iyong kaklase?
2. Nagagalit ka
ba kapag
maingay ang
katabi mo?
3. Kung naitulak
ka
habang bumibili
ng pagkain,
pagsasalitaan
mo ba nang
masakit ang may
kasalanan?
4. Magiging
mahinahon ka
ba kung may
sunog malapit
sa inyong
bahay?
5. Maayos kang
nakapila.
Biglang may
sumingit,
sisimangot ka
ba?

Reflection

Isulat ang iyong reflection sa mga gawain mo ngayon.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times
Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 – Kagamitan ng Mag-aaral


Edukasyon sa Pagpapakatao 4 – Patnubay ng Guro

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 – Maaaring magkakaiba ang


sagot Gawain 2 – Maaaring magkakaiba
ang sagot Gawain 3 – Maaaring
magkakaiba ang sagot

Inihanda ni:

RINIEL M. DAQUIOAG
May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all


times

You might also like