You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Camiling Central District
LIBUEG ELEMENTARY SCHOOL
Camiling, Tarlac
(Enclosure No. 1 to Division Memorandum No. 281, s.2020)

Document Code: TarPr-QF-CID-


Quality Form LRMDC-05
Revision: 01
Effectivity date: 10-16-2018
Name of Office:
CERTIFICATION OF APPROVAL CID-LRMDC
___________________
Date

This is to certify that the Learning Resource entitled RBI Scripts in Edukasyon sa Pagpapakatao 1 is approved and
recommended for possible use in public schools of Camiling Central District.

____School Level ____District Level ____ Division Level. It is further certified that the evaluation report is based
on the standards set by the Regional Office, and no any influence from others.

Prepared by:
ILYN L. LORENZO
Scriptwriter

Reviewed and Evaluated :

CLARITA A. PABLORENA
District EsP Specialist

LEONY G. LABISA
Master Teacher II
Recommending Approval:

MARITES R. AQUINO, PhD


Principal I

Approved:

LAILANI M. JUNIO, EdD


District Supervisor
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
CAMILING CENTRAL DISTRICT
Camiling, Tarlac

Tittle: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 1 Edukasyon sa Pagpapakatao


Topic: Paniniwala Mo, Iginagalang Ko
Length: 30 minutes
Scriptwriter: ILYN L. LORENZO
Week 4
Objective: Pagkatapos makapakinig sa episode na ito ang mga mag-aaral ng Grade 1 ay
inaasahang:
Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa.
(EsP1PD- IVd-e – 2)

1. Welcome, sa ating Radyo Eskwela, Gabay sa pag-asa!

2. Isang masaya at magandang umaga,

3. mga giliw kong mag-aaral .

4. BIZ:MISC UP AND UNDER

5. Kaysaya-saya ng umaga lalo na kapag naipadadama

6. ang pagmamahal at paggalang sa kapwa.

7. Muli naririto na naman tayo nagsisikap na

8. matuto upang maging matagumpay sa buhay

9. Kamusta kayo mga ginigiliw kong mag-aaral?

10. Ang aking pagbati at paghanga sa inyong patuloy na pagpupunyagi

11. sa pag-aaral sa himpapawid upang matuto

12. sa kabila ng hamon ng pagkakataon.


13. Ako ang inyong guro, Gng. Ilyn L. Lorenzo

14. sasamahan at gagabayan kayo na maunawaan

15. ang nilalaman ng ating aralin,

16. Paniniwala Mo, Iginagalang Ko

17. Halina’t sabay-sabay nating alamin .

18. BIZ:MISC UP AND UNDER

19. Bago pa man tayo magsimula sa ating talakayan ay narito

20. ang ilan sa mga paalala.

21. Siguraduhin ninyo na nasa isang lugar kayo ngayon na komportable at 22.

maayos na naririnig ang panghimpapawid na talakayan.

23. Sa puntong ito nais kong kunin ninyo ang inyong mga sagutang papel

24. at makinig nang mabuti.

25. Ihanda na rin ang inyong lapis upang maitala ninyo ang mga

26. mahahalagang impormasyon na aking babanggitin.

27. Matanong ko lang, kumain na ba kayo?

28. Mabuti naman! dahil nararapat lamang na may laman ang inyong

29. tiyan upang mas maging alerto

30. ang inyong pag-iisip at maunawaan ang ating aralin sa araw na ito.

1. BIZ:MISC UP AND UNDER

2. Naalaala n’yo pa ba ang ating nakaraang aralin?

3. Sino ang nagsisilbing gabay at nagtuturo ng mga magagandang

4. pag-uugali na dapat na makasanayan ng bawat mag-aaral?


5. Tama kayo, Ang mga guro ay itinuturing na pangalawang magulang.

6. Kaya nararapat na sundin ng may kagalakan ang kanilang mga bilin.

7. Ang mga batang masunurin, ay kinalulugdan ng Diyos na butihin.

8. Sigurado akong handa na kayo sa ating bagong aralin.

9. Alam n’yo ba na mahalaga ang paggalang sa paniniwala ng iba?

10. Oo, bilang anak ng Diyos ipadama sa kapwa ang paggalang at

11. pagmamahal sa iba upang kapayapaan ay laging makakamtan.

12. Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang paniniwala o relihiyon.

13. Kabilang sa mga ito ay ang Katoliko, Iglesia ni Cristo, Protestante, 14.

Islam, Born Again Christian at iba pa. Ang bawat relihiyon ay may

15. sariling pamamaraan at pagkakakilanlan ng pagpapakita ng 16.

kanilang paniniwala.

17. Iba’t iba man ang mga pananaw at gawain, mahalaga ang 18. paggalang at

pagbibigay respeto sa iba upang magkaroon ng 19. tahimik at maayos na

pakikitungo sa kapwa.

20. BIZ :MISC UP AND UNDER

21. Ang bawat isa ay may paniniwala na dapat nating igalang.

22. Tingnan ang larawan. Nakikita n’yo ba ito sa inyong komunidad?

23. Upang mas maitindihan, basahin natin ang kuwento.


24. Araw ng Linggo, namasyal ang pamilya Paras galing sa simbahan.

25. Habang naglalakad may napansin sila na isang pamilya na kakaiba 26. ang

kasuotan. “Inay, bakit po iba ang kanilang damit?” tanong ni 27. Karen.

28. “Hindi natin sila katulad ng relihiyon”, sabi ni Beto.

29. “May sarili silang paniniwala tungkol sa Panginoon,” paglilinaw ng 30.

ina.

31. “Tulad natin, mayroon din tayong sariling paniniwala”.

32. “Paano po iyan, magkaiba po kami ng paniniwala ng kaklase ko?”

33. tanong ni Karen.

34. “Magkakaiba man ang ating relihiyon,

35. ito ay hindi dahilan upang hindi tayo magmahalan.”.

36. Dapat pa rin natin irespeto at igalang ang bawat isa,” paliwanag ng

ina.

37. Naunawaan ng magkapatid ang sinabi ng kanilang ina

38. at sila ay patuloy na namasyal.

39. Sagutin ang mga tanong.

40. Sino ang pamilyang nabanggit sa kuwento?

41. Tama, ang Pamilyang Paras.


42. Ano ang napansin ni Karen habang sila ay naglalakad?

43. Tama, Isang pamilya na kakaiba ang kasuotan.

44. Ano ang sinabi ng magulang nila tungkol sa paniniwala ng iba?

45. Tama, Magkakaiba man ang ating relihiyon, Dapat pa rin silang 46. irespeto at

igalang ang bawat isa,” paliwanag ng ina nila.

1. BIZ :MISC UP AND UNDER

2. Kaway- kaway naman kayo d’yan mga bata. Sigurado ako na handa na 3. kayo sa mga

aktibidad.

4. Sabay-sabay nating basahin ang panuto

5. para sa Unang Gawain. Kulayan ang mga larawan nanagpapakita 6. ng paggalang sa

paniniwala ng iba.

7. Pagmasdang mabuti ang mga larawan, bibigyan ko kayo

8. ng dalawang minuto para gawin ang mga ito.

9. Tapos na ba mga bata?

10. Atin ng iwasto ang inyong mga kasagutan. Sa Unang bilang, walang 11. kulay.

12. Para naman sa ikalawang bilang, may kulay.

13. Sa pangatlong bilang, walang kulay.

14. Sa Pang-apat at panglimang bilang, may kulay.

15. Mahusay mga bata!

16. Talaga namang naipakikita n’yo ang inyong paggalang sa paniniwala 17. ng iba.

18. Siguraduhin na naipapahayag mo rin sa iba

19. ang pagmamahal ng ating Dakilang Diyos. Magagawa mo ito nang


20. matagumpay kung lagi kang nagdarasal

21. ng may pananampalataya sa ating Panginoong Hesus.

22. Pairalin ang paggalang sa paniniwala ng iba.

23. Iwasang awayin at pagtawanan ang kaklaseng iba ang relihiyon.

24. Sige mga bata, bago kayo mag-umpisa sa Pangalawang Gawain, 25. tumayo muna

26. at sabay-sabay sabihin ang “ Paniniwala ng Iba, Igagalang Ko!”

27. Ibigay ang matamis na ngiti . Ayan, mababait na mga bata!

28. Basahin muna ang panuto. Isulat sa patlang ang T kung tama ang 29.

sinasaad sa bawat sitwasyon at M naman kung mali.

30. Unang bilang, Maluwag sa loob na sumama si Eba sa paanyaya

31. ng kanyang kaklase sa kanilang simbahan.

32. Pangalawang bilang, Binabawalan ni Elmo si Oyo na sulatan

33. ang pader ng simbahan ng ibang relihiyon.

34. Pangatlong bilang, Tumatakbo sa loob ng simbahan si Aris habang

35. nagdarasal ang mga tao.

36. Sa pang-apat na bilang ,Sumasama ako sa prusisyon para makikain.

37. At sa panglimang bilang, Pinipilit ko si Marie na kumain ng pagkaing

38. ipinagbabawal sa kanilang relihiyon.

39. Atin ng iwasto ang inyong kasagutan.

40. Sa unang bilang, Magaling! T ang sagot.

41. Sa pangalawang bilang, ang sagot ay Tama, titik T.

42. Sa pangatlong bilang, M ang sagot.

43. Pang-apat na bilang, Titik M din. Mahusay!


44. At sa panglimang bilang naman ang sagot ay titik M.

1. BIZ: MISC UP AND UNDER

2. Para sa Karagdagang Gawain, Isulat sa loob ng

3. simbahan

4. kung paano n’yo maipakikita ang inyong paggalang

5. sa paniniwala o relihiyon ng iba.

6. Gawin n’yo ito pagkatapos ng ating panghimpapawid

7. na talakayan. Gawin ng may kagalakan upang lalong

8. matuto.

9. Muli ako ang inyong guro sa Edukasyon

10. Sa Pagpapakatao, Gng. Ilyn L. Lorenzo,

11. Unahin ang Diyos sa ating buhay, ipahayag ang

12. kanyang pagmamahal sa atin.

13. Tandaan, Paniniwala ng iba, Igagalang palagi.

14. Kapayapaan ay laging sumainyo.

15. Maraming Salamat sa inyong makabuluhang pakikinig.

16. Hanggang sa muli, Paalam!


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Camiling Central District
LIBUEG ELEMENTARY SCHOOL
Camiling, Tarlac

Pangalan: _______________________________________________________________

Baitang: ________________________________________________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikaapat na Markahan – Ikaapat na Linggo
Paniniwala Mo, Iginagalang Ko

I. Panimula

Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang paniniwala o relihiyon. Kabilang sa mga ito
ay ang Katoliko, Iglesia ni Cristo, Protestante, Islam at iba pa. Ang bawat relihiyon ay
may sariling pamamaraan at pagkakakilanlan ng pagpapakita ng kanilang paniniwala.
Iba’t iba man ang mga pananaw at gawain, mahalaga ang paggalang at pagbibigay
respeto sa iba upang magkaroon ng tahimik at maayos na pakikitungo sa kapwa.
II. Kasanayang Pampagkatuto
Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa
( EsP1PD- IVd-e – 2)

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay

inaasahang:
a. maipakikita ang paggalang sa paniniwala ng kapwa.

IV. Pagtatalakay

Ang bawat isa ay may paniniwala na dapat nating igalang. Tingnan ang
larawan. Nakikita mo ba iyan sa inyong komunidad? Upang mas maitindihan natin,
basahin natin ang kwento sa ibaba.
Araw ng Linggo, namasyal ang pamilya Paras galing sa simbahan. Habang
naglalakad may napansin sila na isang pamilya na kakaiba ang kasuotan.

“Inay, bakit po iba ang kanilang damit?” tanong ni Karen,

“Hindi natin sila katulad ng relihiyon”, sabi ni Beto.

“May sarili silang paniniwala tungkol sa Panginoon,” paglilinaw ng ina.

“Tulad natin, mayroon din tayong sariling paniniwala”

“Paano po iyan, magkaiba po kami ng paniniwala ng kaklase ko?” tanong ni Karen.

“Magkakaiba man ang ating relihiyon, ito ay hindi dahilan upang hindi tayo
magmahalan.”. Dapat pa rin natin irespeto at igalang ang bawat isa,” paliwanag ng ina.

Naunawaan ng magkapatid ang sinabi ng kanilang ina at sila ay patuloy na namasyal.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang pamilyang nabanggit sa kuwento?

2. Ano ang napansin ni Karen habang sila ay naglalakad?

3. Ano ang sinabi ng magulang nila tungkol sa paniniwala ng iba?

2
Pangalan:______________________________________________________________

Baitang: _________________________________

Gawain 1

Panuto: Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng paggalang sa


paniniwala ng iba.

1 2 3
2

5
4

3
Pangalan:______________________________________________________________

Baitang:__________________________________________

Gawain 2

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang sinasaad sa bawat sitwasyon

at M naman kung mali.

1. Maluwag sa loob na sumama si Eba sa paanyaya ng kanyang kaklase sa

kanilang simbahan.

2. Binabawalan ni Elmo si Oyo na sulatan ang pader ng simbahan ng

ibang relihiyon.

3. Tumatakbo sa loob ng simbahan si Aris habang nagdarasal ang

mga tao.

4. Sumasama ako sa prusisyon para makikain.

5. Pinipilit ko si Marie na kumain ng pagkaing ipinagbabawal

sa kanilang relihiyon.

Pangalan:________________________________________________
Baitang:__________________________________
4
Karagdagang Gawain
Isulat sa loob ng simbahan kung paano mo maipakikita ang iyong paggalang sa paniniwala o
relihiyon ng iba.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


ISKOR
Pamantayan
Nakapagbigay nang wasto, akma at makabuluhang tugon. 5
Nakapagbigay ng sagot ngunit kulang. 3
Nasagutan ngunit walang kinalaman sa aralin. 1

*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa


pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

5
Sanggunian

Abac, Felamer E., et. al. 2015. Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao,
Kagamitan ng Mag-aaral: Material DepEd 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City.

Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao-Unang Baitang (Kagamitan ng Mag-


aaral sa Kapampangan). Binagong Edisyon 2017. Department of Education Bureau of
Learning Resources(DepEd-BLR).Ground Floor, Bonifacio Bldg.,DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600.

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y.


2020-2021. Accessed on May10, 2020.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Walang Kulay
2. May kulay
3. Walang kulay
4. May kulay
5. May kulay

Gawain 2
1. T
2. T
3. M
4. M
5. M

2
3

You might also like