You are on page 1of 53

6

Araling Panlipunan
Kwarter 1-Modyul 3
Ikatlong Linggo: Pagbubuo ng
Pilipinas Bilang Isang Bansa

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 –Modyul 1: (Pabubuo ng Pilipinas Bilang Isang Bansa)
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi.Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan : Edilberto L. Oplinaria
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling
Panlipunan 6
Manunulat : Ailine A. Relova, Mariche P.Culanag,Rosalina C. Quipit, Airies R. Geralla,Margie
P.
Jakosalem,Aluste Abobo,Annaliza Fiel Babida,Elenita N. Cañete, Aimee P. Mutia, Rocealyn B.
Ansing,Janet M.Pareño, Lilibeth M. Alforque
Illustrator and Layout Artist: Edilmero Dangaran, Jr.
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Ma. Fe L. Mesias
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons:
Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr –ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D. Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D. Principal II
Aida M. Alquilita, - Principal I
Ashlima L. Racmat – MT- II
Regional Evaluator: May Shiela Justiniane Cabungcal, Iligan City Division

Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________


Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lanao.norte@deped.gov.ph
6
Araling Panlipunan
Kwarter 1- Modyul 3:
Pagbubuo ng Pilipinas
Bilang Isang Bansa

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang
pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del
Norte. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag - email ng inyong mga puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lanao del Norte sa
lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN
Page

TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG COPYRIGHT
PAHINA NG TITULO
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Aralin 1 – Sekularisasyon at ang Cavite Mutiny 1

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 4
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 7
Tayahin 8
Karagdagang Gawain 10

Aralin 2 – Kilusang Propaganda 11

Alamin 11
Subukin 12
Balikan 13
Tuklasin 14
Suriin 15
Pagyamanin 18
Isaisip 18
Isagawa 18
Tayahin 19
Karagdagang Gawain 21

Aralin 3- Pagtatag at Paglaganap ng Katipunan 22

Alamin 22
Subukin 23
Balikan 24
Tuklasin 25
Suriin 27
Pagyamanin 28
Isaisip 29
Isagawa 29
Tayahin 30
Karagdagang Gawain 31
Aralin 4 - Kawalan ng Pagkakaisa sa 32
Himagsikan/Kilusan at Pagbubuo ng Pilipinas
Bilang Isang Bansa

Alamin 32
Subukin 33
Balikan 34
Tuklasin 36
Suriin 37
Pagyamanin 37
Isaisip 38
Isagawa 39
Tayahin 40
Karagdagang Gawain 43
Susi ng Pagwawasto 44
Sanggunian
46
Aralin
Sekularisasyon at Ang
1 Cavite Mutiny

Alamin

Panimula
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Araling
Panlipunan! Siguradong gaganahan kayo sa mga nilalaman ng modyul sa Unang
Kwarter, Ikatlong Linggo .Ito ay ginawa upang magbigyan ng suplementaryong
kagamitan sa iyo
bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng
mga aralin
na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang mga ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan
5.1 Natatalakay ang kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya at ang Cavite
Mutiny (1872).
Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang laman at ganda ng
modyul na ito.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang


mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.

1. Ano ang tawag sa paring Pilipino sa Panahon ng mga


Espanyol sa Sekularisasyon at Cavite Mutiny?
A. Regular C. Misyonero
B. Sekular D. Obispo

2. Bakit ibinitay sina Padre Gomez, Burgos at Zamora?


A. Napagbintangan sila na pinamumunuan nila ang pag aaalsa sa Cavite.
B. Hinikayat nila ng mga paring Pilipinong mag-alsa laban sa
pamahalaan.
C. Nahuli silang nagpupulong at nagpaplanong pabagsakin ang
pamahalaan.
D. Napagbintangan silang nakipagsabwatan upang pabagsakin ang
pamahalaang Espanyol.

3. Sinu- sino ang tatlong paring ginarote?


A. Mga Agustinians C. Mga Paring Martir
B. Mga Pransiskano D. Mga Espanyol
4. Kailan naganap ang pag-aalsa ng Cavite Mutiny?
A. Enero 20, 1872 C. Disyembre 22, 1899
B. Enero 20, 1972 D. Disyembre 22, 1999

5. Sa anong paraan pinatay ang tatlong paring martir?


A. Binaril C. Ginarote
B. Nilubid D. Initak

6. Ano ang tawag sa mga paring misyonero na naglalakbay


upang ipalaganap ang kristiyanismo?
A. Paring Sekular C. Misyonero
B. Paring Regular D. Sekularisasyon

7. Bakit nahatulan ng bitay sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos,
at
Padre Jacinto Zamora?
A. Nagkasala sila
B. Kinapopootan sila
C. Sila ang namuno sa kilusan
D. Napagbintangan silang kasama sa pag-aalsa

8. Ano ang tawag ng Kilusan ng mga paring sekular?


A. Samahan ng mga pari
B. Sekularisasyon ng Pilipino
C. Sekularisasyon ng mga Parokya
D. Kilusan ng mga Pari

9. Sino ang nanungkulang gobernador noong 1871 hanggang 1873?


A. Pedro Pelaez
B. Rafael de Izquierdo
C. Carlos Maria dela Torre
D. Jacinto Zamora

10. Bakit itinuring na martir ang tatlong pari?


A. Sila ay matapang
B. Namatay silang may paninindigan
C. Sila ang gumising ng mga damdamin ng Pilipino
D. Namamatay sila sa pagtatanggol ng karapatan ng mga Pilipino at
sumibol ang diwang makabansa.

.
Balikan

Panuto:Batay sa natutunan ninyo sa nakaraang aralin.Sagutin ang mga


sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.
1. Ano ang tawag ng mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya?
2. Ano ang tawag ng mga mayayamang Pilipino?
3. Ano ang tawag ng mga itinuring na pinakamababang antas o uri ng
katayuan sa lipunan?
4. Ano ang tawag ng mga Pilipinong nahaluan ng dugong Espanyol?
5. Ano ang tawag ng mga Espanyol na ipinanganak sa bansang
kolonya
ng Espanya?

Tuklasin

Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salita na nasa kahon. Isulat ang
sagot sa
iyong kwaderno.

Garote Sekular GOMBURZA


Sekularisasyon Regular Liberal
Pagbitay Parokya Pari
R R U P L G K N O R G Y A B
A D F A S A R G J E G H L H
L W Q R I R A P N G S N A N
U C D F H O Z H M U F M R M
K S T Y O T U D G L H J E U
E R W G G E C Y I A V N B O
S Y D T M V B K L R S M I H
O O R H C P A R O K Y A L G
Y P V N S C V L C X B N R F
S E K U L A R I S A S Y O N
E K G O M B U R Z A L P U N
R O S Q E T H V N M K Y Y Y
Y T Y K L X Y A T I B G A P

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nasa kahon at isulat ang sagot
sa
inyong kwaderno.

1. Isang batang katulad mo ay maaari rin bang maging isang bayani?


OO o Hindi? Bakit?

2. Ano ang sekularisasyon?

SEKULARISASYON
 Ang pagsasa-Filipino ng mga parokya.Ito ay isa sa mga naging hakbang ng
mga paring sekular na magkaroon ng parokya na pamahalaan.
 May mga taong nakagawa ng kabayanihan para sa ating bansa. Sila ay
nagdaan sahirap at nagsakripisyo dahil sa kanilang pagmamahal sa ating
kalayaan.
 Ang ilan sa kanila ay nagbuwis pa ng sariling buhay.
 May dalawang uri ng mga paring katoliko sa ating bansa noon.
 Paring Regular – kabilang sa mga orden: sila ay mga paring misyonero na
naglalakbay sa iba’t ibang lugar upang magpalaganap ng Kristiyanismo.
 Paring Sekular- paring nagsasanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga
parokya sa Pilipinas. Sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga obispo at
walang kinabibilangang orden kumpara sa mga paring regular.

Padre Pedro Pelaez


 Siya ang namuno at naglunsad ng isang kilusan ng mga paring sekular upang
ipagtanggol ang kanilang karapatang maitalaga at makapagtrabaho sa mga
parokya.
 Tinawag ang kilusang ito “sekularisasyon ng parokya”.
 Tinulungan ng mga mamamayan ang mga paring secular dahil pareho sila na
Pilipino na inapi ng mga Espanyol.
 Lumakas ang kilusan ngunit namatay si Padre Pelaez noong Hunyo 3, 1863
at naiwan niya ang pakikipaglaban sa mga karapatan ng mga paring Pilipino.

Padre Jose Burgos


 Humalili kay Padre Pelaez sa kanyang mga Gawain.
 Dahil mas malaki ang bilang ng mga paring sekular na katutubo kaysa sa mga
regular na paring mga Espanyol , ang mga suliranin ay naging labanan ng
mga lahi.

ANG LIBERALISMO ni CARLOS MARIA DELA TORRE

Carlos Maria dela Torre


 Ipinadala ng Espanya sa Pilipinas upang manungkulan bilang gobernador.
Siya
ay isang Espanyol na liberal ang kaisipan.
 Nanungkulan siya mula 1861 hanggang 1871 at sa loob na panahong ito,
nahikayat
niya ang mga makabayang Pilipino na pag-usapan ang mga suliranin ng
bansa upang ang mga ito ay matuwid.
 Kinapootan siya ng mga prayle at ng mga alagad ng mga ito dahil ayaw nilang
matuto ang mga katutubong mamayan ng mga maunlad na ideya at liberal
na kaisipan.

PAG-AALSA SA CAVITE
 Noong Nobyembre 28, 1871, winakasan ni Gobernador- Heneral Rafael de
Izquierdo
Ang pribilehiyo na hindi pagbabayad ng buwis na dating natatanggap ng
mga
sundalong nakatalaga sa arsenal sa Cavite.Samakatuwid, inasahan ang
nasabing
mga sundalo na magbayad ng kaukulang halaga ng buwis at magsagawa
ng polo y
servicio.

Gobernador- Heneral Rafael de Izquierdo


 Ang humalili kay de la Torre na ilalabas ang katibayan sa pagkakasangkot ng
tatlong pari subalit hindi nailabas ang mga dokumentong magpapatunay sa
pagkasangkot nina GOMBURZA sa pag-aalsa sa arsenal ng Cavite.
 Nanungkulan bilang isang gobernador noong 1871-1873.
 Naging malupit at kinamumuhian ng mga katutubong Pilipino at
kinasuklaman ng mga manggagawa at sundalo sa arsenal ng Cavite dahil
inalis niya ng kanilang pribilehiyong malibre sa buwis at sa polo y serbisyo.
 Nag – alsa sila at sinakop ang kuta ng San Felipe noong gabi ng Enero 20,
1872. Nagtagumpay sila at nakuha nila ang arsenal ng Cavite.

ANG PAGBITAY sa GomBurZa.

 Dahil sa pag aalsa sa Cavite,pinalaki ng mga paring Espanyol ang isyu at


sinabi nila kay Rafael de Izquierdo na may balak ang mga Pilipinong
pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya sa bansa.
 Nadamay ang mga makabayang pari at ang kanilang mga tagasunod.

 Napagbintangan sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre


Jacinto Zamora na kasama sa pag aalsa.
 Galit ang ilang paring Espanyol sa kanila dahil masugid nilang itinutulak ang
sekularisasyon. Sila ang isinuplong na mga lider ng pag aalsa.
Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora
 Ang tatlong paring martyr na hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng
garote noong Pebrero 17, 1872
Ang pagbitay sa tatlong pari ang isa sa gumising sa damdaming makabansa
ng mga Pilipino. Nagalit ang mga Pilipino sa ginawang pagpatay sa
tinaguriang GomBurZa.
Nagkaisa ang mga Pilipino sa pananalig na ang mga Espanyol ay malulupit,
mapang-abuso at di makatarungan. Mula noon, itinuturing na mga martir ang
tatlong pari dahil namatay sila sa pagtatanggol ng karapatan ng mga Pilipino
at sumibol ang diwang makabayan.

Pagyamanin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.Isulat ang sagot
sa iyong
kwaderno.

1. Ano ang ginamit sa parusang pagpatay ng tatlong paring martir?


A. Itak C. Lubid
B. Baril D.Garote

2. Bakit kinapootan ng mga prayle at mga alagad nito si Gobernador


Carlos Maria dela Torre?
A. dahil siya ay matuwid na tao.
B. maraming naiingit sa kanyang ambisyon na mamuno.
C. itinagayod niya ang malayang pag-uusap ng mga bagay na nauukol
sa politika.
D. ayaw nilang matuto ang mga katutubong mamayan ng mga maunlad
at liberal na kaisipan.

3. Sino ang namumuno sa isang kilusan ng mga paring sekular?


A. Mariano Gomez C. Jose Rizal
B. Padre Pedro Pelaez D. Rafael de Isquierdo

4. Kailan nilitis at pinatay ang tatlong paring martir?


A. Enero 2, 1872 C. Pebrero 17, 1872
B. Abril 3, 1876 D. Marso 17, 1879

5. Kailan naganap ang pag aalsa ng Cavite Mutiny?


A.Enero 20, 1872, C.Marso 3, 1879
B.Pebrero 17, 1873 D. Abril 03, 1879

Isaisip
Panuto: Sagutin ng buong husay ang mga katanungan kaugnay sa nakaraang
talakayan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang Sekularisasyon?


2. Anu-ano ang dalawang uri ng mga pari sa panahon ng
kolonyalisasyon?
3. Bakit naging isyu ang sekularisasyon?
4. Bakit naganap ang Cavite Mutiny?
5. Saan humantong ang pakikipaglaban ng mga sundalong Pilipino
laban sa mga Espanyol

Isagawa

Panuto: Punan ng angkop na titik upang mabuo ang salita.Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.
1. Sino ang tatlong paring martir? G bB zZ
b
b

2. Ano ang tawag sa mga paring


Pilipino na hinatulan ng S u rR
parusang kamatayan? S

a
R tT
3. Ano ang ginamit sa pagpatay ng tatlong G r
paring martir?
4. Sila ang mga tinatawag na mga paring misyonero
na naglalakbay sa iba’t- ibang lugar upang
maglaganap ng kristiyanismo. l
e g a
f a
5. Saan ipinadala si Carlos Maria dela Torre ng
Pilipinas upang manunungkulan bilang gobernador? s p a y a
e e
8
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang
sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang tawag ng mga Paring Piipino na nagsasanay sa seminaryo


upang mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas?
A. Paring Sekular C. Sekularisasyon
B. Paring Regular D. Misyonaryo
2. Sino ang paring naglunsad ng isang kilusan upang ipagtanggol ang
kanilang karapatang maitalaga at makapagtrabaho sa isang parokya?
A. Padre Jacinto Zamora C. Padre Pedro Pelaez
B. Padre Jose Burgos D. Padre Mariano Gomez

3. Kailan naganap ang pag-aalsa ng Cavite Mutiny?


A. Enero 20, 1872 C. Disyembre 22, 1899
B. Enero 20, 1972 D. Disyembre 22, 1999

4. Sa anong paraan pinatay ang tatlong paring martir?


A. Binaril C. Ginarote
B. Nilubid D. Initak

5. Ano ang tawag sa mga paring misyonero na naglalakbay upang


ipalaganap ang kristiyanismo?
A. Paring Sekular C. Misyonero
B. Paring Regular D. Sekularisasyon

6. Bakit nahatulan ng bitay sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at
Padre Jacinto Zamora?
A.Nagkasala sila
B.Kinapopootan sila
C.Sila ang namuno sa kilusan
D.Napagbintangan silang kasama sa pag-aalsa
7. Ano ang tawag ng Kilusan ng mga paring sekular?
A. Samahan ng mga pari
B. Sekularisasyon ng Pilipino
C. Sekularisasyon ng mga Parokya
D. Kilusan ng mga Pari

9
8. Sino ang nanungkulang gobernador noong 1871 hanggang 1873?
A. Pedro Pelaez
B. Rafael de Izquierdo
C .Carlos Maria dela Torre
D. Jacinto Zamora
9. Bakit itinuring na martir ang tatlong pari?
A. Sila ay matapang
B. Namatay silang may paninindigan
C. Sila ay gumising ng mga damdamin ng Pilipino
D. Namamatay sila sa pagtatanggol ng karapatan ng mga Pilipino at
sumibol ang diwang makabansa.
10. Paano naantig ang mga damdamin ng mga Pilipino sa nangyari sa tatlong
pari?
A. Sila ay nag-aalsa
B. Lumalaban sa mapang abusong dayuhan
C. Isinawalang bahala ang pangyayari
D.Nagkaisa ang mga Pilipino sa pananalig na ang mga Espanyol ay
malupit, mapang-abuso at di makatarungan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang Venn diagram isulat ang kaibahan ng paring regular at
paring
sekular. Isulat sa iyong kwaderno

Paring Regular Paring Sekular

10
Aralin 2
Kilusang Propaganda
2

Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Araling Panlipunan!


Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Pangatlong Linggo. Ito
ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa
pag-aaral sa mga paksa sa Arpan 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang lingo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;

Naipapaliwanag ang ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming


makabayan (hal. La Liga Filipina, Asociacion Hispano Filipino)
Nakikilala ang mga propagandista o repormista na nangunguna sa kilusang
propaganda.
Naiisa-isa ang mga ambag ng mga nasabing propagandista.
Napapahalagahan ang mga ambag ng mga propagandista upang makamit ang
tinatamasang pagbabago sa pamahalaang kastila.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.

12
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang


mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.

1. Nagsulat ng dalawang tanyag na nobela si Jose Rizal tungkol sa


masamang karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga kastila.
Ano ang mga nobelang ito?
A. Dasalan at Tocsohan C. Diariong Tagalog
B. Fray Botod D.Noli Me Tangere at El Filibusterismo

2. Ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa


mga reporma. Alin sa mga sumusunod ang kabilang ng kanilang layunin?
A. Maging alipin ang mga Pilipino sa mga kastila.
B. Matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa Pilipino
C. Magkaroon ng malaking buwis ang mga Pilipino
para sa pamahalaan.
D. Ang mga kastilang pari lamang ang may karapatan na magsilbi sa
simbahan.

3. Alin sa sumusunod ang bantog na manunulat at mananalumpati na


may akda na “Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas” ?
A. Jose P. Rizal C. Graciano Lopez Jaena
B. Marcelo H. Del Pilar D. Andres Bonifacio

4. Siya ang itinuturing nobelista ng mga propagandista. Sino siya?


A. Jose P. Rizal C. Graciano Lopez Jaena
B. Marcelo H. Del Pilar D. Andres Bonifacio

5. Saan dinakip at ikinulong si Jose P. Rizal?


A. Dapitan C. Calamba, Laguna
B. Fort Santiago D. Manila Park

6. Sino sa mga propagandista ang nag-aral sa seminary na hindi


nagtagal at nagpasyang lumabas?
A. Jose P. Rizal C. Graciano Lopez Jaena
B. Marcelo H. Del Pilar D. Andres Bonifacio

13
7. Saan nagtapos ng kursong abogasya si Marcelo H. Del Pilar?
A. Unibersidad ng Pilipinas C. Unibersidad ng Cebu
B. Unibersidad ng Santo Tomas D.Unibersidad ng San Jose Recolletus

8. Ano ang nagawang epekto sa mga pagbabago na nakamit


ng kilusang propaganda?
A. Pagkawatak-watak ng monopolyo ng tabako.
B. Mapaalis ang mga nanungkulang panghukuman sa pangangasiwa.
C. Pananatili ng pamamaraan sa pagpili ng mga gobernador sibil na
nangangasiwa.
D. Pagkatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at
Maynila upang mapadali ang pagdinig ng mga kaso.

9. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkabigo ng kilusang propaganda, maliban sa


isa, alin ang hindi kasali?
A. Hindi sila dininig ng pamahalaan sa Spain.
B. Ang Spain ay may mga sariling suliranin na kailangang lutasin.
C. Ang pagsisikap ng mga propagandista ay hinadlangan ng mga prayle sa Pilipinas.
D. Ang mga propagandista ay may sapat na salapi upang matustusan ang mga
gawain ng kilusan.

10. Saan ipinatapon ang nobelistang propagandista?


A. Dakak, Dapitan C. Zamboanga Peninsula
B. Dapitan,Zamboanga del Norte D. Calamba, Misamis Occidental

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang tamang sagot sa
inyong kwaderno.

1. Sinu- sino ang mga paring martir na pinatay ng mga Espanyol?


A. Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora
B. Mariano Gomez, Jacinto Zamora, Pedro Burgos
C. Jacinto Zamora, Jose Burgos, Mario Gomez
D. Jose Burgos, Mariano Gomez, Jack Zamora

2. Sa anong paraan pinatay ang tatlong pari ng mga Espanyol?


A. binaril C. ginarote
B. binitay D. nilason

14
3. Kailan naganap ang pag-aalsa ng Cavite ?
A. Pebrero 2, 1875 C. Enero 20, 1872
B. Marso 15, 1879 D. Mayo 13, 1876

4. Ano ang tawag sa mga pareng misyonero na naglalakbay sa iba’t ibang lugar
upang maglaganap ng Kristiyanismo.
A. Pareng Sekular C. Pareng Apostoles
B. Pareng Regular D. Pareng Kontraktuwal

5. Saan ipinadala si Carlos Maria Dela Torre ng Pilipinas upang


manungkulan bilang gobernador?
A. Espanya C. Amerika
B. Italya D.Inglatera
1

Tuklasin

Panuto: Hanapin ang pangalan ng tatlong propagandista sa loob ng kahon. Isulat


ang iyong sagot sa kwaderno.

J B T G G R A C I A N O T
O S F F E R Y U I G S L Y
S J O B T R T Z A X Z O R
E A W E R T Y X G J G P E
R I Z A L S D G J K Q E D
F G H J K G F D S T U Z T
Q W E R T Y U R J A E N A
M A R C E L O D W E T Y A
P P Q E T Y U E I F S D W
O E E E O I I L R S S D Q
Y H R W Q E T P I L A R G

15
Suriin

Panuto: Basahin ang mga pangyayari sa kilusang propaganda na nasa ibaba.


Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan . Isulat ito sa
iyong kwaderno

1. Anu- ano ang mga nagawang akda ng mga propagandista na pumukaw sa


damdamin ng mga kababayan natin?
2. Anu- ano ang mga nagiging ambag o kinalalabasan ng nasabing kilusan?

ANG KILUSANG PROPAGANDA

 Isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang matamo ang


pagbabago sa mapayapang pamamaraan.
 Ang pangunahing adhikain ay mapangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino at
ang paghiling ng asimilasyon sa pamahalaang Kastila.
 Ito ay upang maranasan ng mga Pilipino ang mga karapatan bilang mamamayang
Kastila.
 Ang hinihiling ng mga propagandista ay pagbabago at hindi ganap na pagsasarili
ng bansa

Pluma
 Ang pamamaraang ginagamit ng mga repormista o propagandista

 Upang maipahayag ang kanilang mga kahilingan sa pamahalaang kastila,


sumulat sila ng mga nobela, magasin, aklat, at iba pang babasahin.

Layunin ng Kilusang Propaganda


1. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila
2. Pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi o probinsiya ng Espanya
3. Pagkakaroon ng representasyon sa Spanish Cortes ng Espanya
4. Pagtatalaga ng mga Pilipinong paring secular sa mga parokya
5. Pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino
6. Pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad sa pamahalaan

Mga Repormista o Propagandista


1. Graciano Lopez- Jaena

 Ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong Disyembre 17, 1856.


 Ang kanyang mga magulang ay sina Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena.
 Nag-aral siya sa seminary ngunit hindi siya tumagal dito at nagpasiyang lumabas.
 Fray Botod- ang unang akda na kanyang ginawa na isang kwento
16
 Nagkasakit ng tuberkolosis at namatay sa Barcelona, Espanya noong Enero 30,
1896
 Ang kanyang mga akda:
1. Fray Botod
2. La Solidaridad
3. La Hiya del Fraile
4. Esperanza
Discursos y Artifulos Varios

2. Marcelo H. Del Pilar

 Isang bantog na manunulat at mananalumpati


 Ipinanganak sa Kupang Bulacan, Bulacan noong Agosto 30, 1850
 Anak nina Julian H. del Pilar at Blasa Gatmaitan
 Nag-aral sa Colegio de San Jose at Unibersidad ng Santo Tomas at nagtapos ng
abogasya.
 Nagkasakit ng tuberculosis at namatay sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4,
1896.
 Ang kanyang mga akda:
1. Diariong Tagalog
2. Caingat Cayo
3. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
4. Dudas
5. La Soberania Monacal
6. La Frailocrasia Filipinas
7. Dasalang at Toksohan
8. Dupluhan
9. Kadakilaan ng Dios
10. Pasiong Dapat ipag-alala ng Puso ng Taong Babasa

3. Jose P. Rizal
 Itinuturing nobelista ng mga propagandista.
 Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna.
 Anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo
 Sa gulang na walong taon, isinulat niya ang tulang “Sa Aking Kababata” na
nagtuturo ng pagmamahal sa sariling wika.
 Nag-aral sa Ateneo de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas.
 Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang kanyang obra maestro.
 El Filibusterismo- isang nobelang pulitikal na nagsasaad ng nalalapit na
rebulusyon.
 dinakip at ikinulong siya sa Fort Santiago at di naglaon ay ipinatapon sa Dapitan,
Zamboanga noong 1892.
 Disyembre 30, 1896- siya ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng
pagbaril sa Bagumbayan (Luneta ngayon)
17
 Ang kanyang mga akda:
1. Noli Me Tangere
2. El Filibusterismo
3. A La Suventad Filipina
4. Mi Ultimo Adio

Asociasion Hispano – Filipino


 Ito ay itinatag noon Enero 12, 1882 sa Madrid Espanya

 Ang Dalawang Kastilang Kasapi

 Miguel Morayta – guro ng Unibersidad Central de Madrid


 Felipe de la Corte – may akda ng ilang mga aklat at lathalain tungkol sa Pilipinas

 Ang Tatlong Dibisyon

o Sektor Pampulitika sa pamumuno ni Marcelo H. del Pilar;


o Sector Pampanitikan kay Mariano Ponce; at
o Sektor Papalakasan kay Tomas Arejola.

La Liga Filipina

 Itinatag ni Dr. Jose P. Rizal noong Hulyo 2, 1892 sa Ilaya, Tondo.


 Ito ay isang samahang pangsibiko na naglalayong:
1. pagkakabuklod ng buong kapuluan;
2. pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan at kagipitan;
3. pagtatanggol laban sa lahat ng uri ng karahasan at kawalang-katarungan;
4. pagtataguyod ng edukasyon, agrikultura at komersiyo;
5. pagsasagawa ng mga reporma o pagbabago.

Mga Nagawa at Kinalabasan ng Kilusan

May mga ilan ding pagbabago ang nakamit ng Kilusan tulad ng:
1. Ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman sa pangangasiwa ng
pamahalaang bayan;
2. Pagkakatanggal ng monopolyo sa tabako;
3. Pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng pamahalaang municipal;
4. Ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa kakayahan ng tao at
tinawag na cedula;
5. Pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at Maynila upang
mapadali ang pagdinig ng mga kaso;
6. pagbabago ng pamamaraan ng pagpili ng gobernador sibil na mangangasiwa
sa mga pamahalaang panlalawigan.

18
Pagyamanin

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang.Isulat


ang sagot sa kwaderno.

La Liga Filipina Fray Botod


El Filibusterismo Asociacion Hispano-Filipino
Diariong- Tagalog

________1. Isa sa mga akda ni Marcelo H. Del Pilar.


________2. Isang kwento na unang akda na ginawa ni Graciano Lopez- Jaena.
________3. Ito’y samahang pang sibiko na ang isa sa mga layunin ay ang
pagtatangol laban sa lahat ng uri ng karahasan at kawalang-katarungan.
________4. Isang nobelang pulitikal na nagsasaad ng nalalapit na rebulosyon.
________5. Itinatag noong Enero 12, 1882 sa Madrid Espanya na kinabibilangan ng
dalawang kastila.

Tandaan!

Ang ________ ay isang kilusan na ang layunin ng mga ________ ay


________at hindi ganap na pagsasarili ng _______. Ang pangunahing
adhikain ay mapangalagaan ang _______ ng mga Pilipino at ang
paghiling ng asimilasyon sa pamahalaang Kastila.

19
Isagawa

Panuto: Ilagay sa graphic organizer ang apat sa kanilang nagawang akda na


pumukaw sa damdaming makabayang Pilipino.Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

Mga Propagandista

Jose P. Rizal Marcelo H. Del Pilar Graciano Lopez- Jaena

Tayahin

A. Panuto: Basahin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng tamang


sagot sa iyong kwaderno.

1. Anong kwento ang unang akda na ginawa ni Graciano Lopez- Jaena?


A. La Liga Filipina C. El Filibusterismo
B. Fray Botod D. Asociacion Hispano-Filipino
2. Saan ibinabatay ang pagbabayad ng buwis sa panahon ng pag usbong ng mga
propagandista?
A. Kakayahan ng mga tao
B. Base sa kanilang natamong kayamanan
C. Batay sa kakayahan ng mga tao at tinatawag itong cedula
D. Sa pamamagitan ng pagbigay ng natamong kayamanan
20
3. Ano ang itinatag noong Enero 12, 1882 sa Madrid Espanya na kinabibilangan ng
dalawang kastila?
A. La Liga Filipina C. El Filibusterismo
B. Fray Botod D. Asociacion Hispano-Filipino
4. Bakit umusbong ang Kilusang Propaganda at ang hinangad ng mga propagandista?
A. Pagkawatak-watak ng monopolyo sa tabako.
B. Para marami ang mag-aklas laban sa goberno
C. Ginusto nila para sa kanilang sariling interes
D. Hangad nila ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad sa
pamahalaan

5. Sa anong paraan ipinahihiwatig ng mga propagandista ang kanilang kilusang


hinanaing?
A. Pagkakaisa
B. Pagtulong-tulong
C. unahan ng paglabas ng mga nobela
D. Sa pagsusulat ng mga nobela at pluma

6. Ano ang nagawang epekto sa mga pagbabago na nakamit ng kilusang


propaganda?
A. Pagkatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at Maynila upang
mapadali ang pagdinig ng mga kaso.
B. Mapaalis ang mga nanungkulang panghukuman sa pangangasiwa.
C. Pagkawatak-watak ng monopoly sa tabako.
D. Pananatili ng pamamaraan sa pagpili ng mga gobernador sibil na
nangangasiwa.

7. Ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa mga


reporma. Alin sa mga sumusunod ang kabilang ng kanilang layunin?
A. Matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa Pilipino
B. Maging alipin ang mga Pilipino sa mga kastila.
C. Magkaroon ng malaking buwis ang mga Pilipino para sa pamahalaan.
D. Ang mga kastilang pari lamang ang may karapatan na magsilbi sa
simbahan.

8. May limang layunin ang La Liga Filipina, alin sa mga sumusunod ang hindi kasali
nito?
A. pagkakabuklod ng buong kapuluan
B. pagtataguyod ng edukasyon, agrikultura at komersiyo
C. pagkakaroon ng monopolyo ng tabako
D. pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan at kagipitan

21
9. May anim na layunin ang Kilusang Propaganda, alin sa mga sumusunod ang hindi
kasali nito?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila
B. Pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino
C. Pagkakaroon ng representasyon sa Spanish Cortes ng Espanya
D. Pagkakaroon ng sariling pamahalaan

10. Ano ang nobelang politikal ni Jose Rizal na nagsasaad ng nalalapit na


rebolusyon?

A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere


B. Fray Botod D. La Solidaridad

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga tanong.Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.


1. Ibigay ang kahulugan ng KKK.
2. Ano ang layunin nito?

22
Aralin
Pagtatag at Paglaganap ng
3 Katipunan

Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Araling Panlipunan!


Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ikatlong Linggo. Ito ay ginawa
upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga
paksa sa Arpan 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangan matapos sa loob sa isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ng mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa


globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pang Heograpiya at
ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap:

Naipapamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay


sa lokasyon nito sa mundo.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Natatalakay ang pagtatag at paglaganap ng katipunan. (AP6PMK-Ic-5.3)

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


 Natatalakay ang mahalagang detalye sa pagkatatag ng Katipunan.
 Napapahalagahan ang pagkakatatag at paglaganap ng Katipunan pagkakamit ng
kalayaan bilang isang mamamayang Pilipino.
 Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa kahalagahan ng pagkakatag at paglaganap
ng kilusang katipunan.
Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.

23
May mga taong nakagawa ng kabayanihan para sa ating bansa. Sila ay nagdaan sa hirap
at nagsakripisyo dahil sa kanilang pagmamahal sa ating kalayaan. Ang ilan sa kanila ay
nagbuwis pa ng sariling buhay.

Mula nang itatag ni Bonifacio hanggang sumiklab ang himagsikan si Bonifacio ang kinilalang
tunay nakaluluwang kilusan.
Sa modyul na ito malalaman natin kung paano naitatag at naipalaganap ang katipunan
1. Ang mga Katipunero
2. Pagtatatag ng KKK
3. Paglaganap ng Katipunan
4. Ang mga Babae sa Katipunan

Subukin

Panuto: Piliin ang titik tamang sagot at isulat sa iyong kwaderno.

1. Ang sumusunod na pangalan ay mga katipunero,Alin ang hindi


napabilang?
A. Andres Bonifacio C. Emilio Jacinto
B. Emilio Aguinaldo D. Ferdinand Magellan

2. Ang katipunan ay isang samahan, ano ang tawag sa mga sumapi nito?
A. Katipunero C.Kalayaan
B. Katipunan D.Kataas-taasang

3. Sino ang tinaguriang “Utak ng Katipunan”?


A. Jose Rizal C.Emilio Jacinto
B. Emilio Aguinaldo D.AndresBonifacio

4. Si Andres Bonifacio ang isa sa nagtatag ng Katipunan, kalian ito nangyari?


A. Hulyo 7,1894 C.Hulyo 7,1892
B. Hulyo 6,1892 D.Hulyo 7.1898

5. Anong kulay ng hood o talukbo sa ulo ang isinuot ng mga Katipun?


A. Itim C. Pula
B. Berde D.Puti

6. Si Andres Bonifacio ay tanyag na miyembro ng katipunan, saan siya isinilang ?


A. Maynila C.Tondo, Maynila
B. Batangas D. Cavite

24
7. Siya ang maybahay ni Andres Bonifacio,at tinaguriang “Lakambini ng katipunan”,sino
siya?
A. Gregoria de Jesus C.Melchora de Jesus
B. Melchora Aquino D.Gregoria de Santiago

8.Kilala na matapang ang mga katipunero, kanino sila nakipaglaban ?


A.Kastila C.Hapones
B.Amerikano D.Intsik

9. Si Melchora Aquino ay tanyag sa kanyang pagkamatulungin at tinaguriang ?


A. Tandang Sora C.Tandang Agila
B .Magdalo D.Manang Melchora

10. Ang KKK ay kataas-taasang ,kagalang-galangang katipunan ng mga anak ng bayan,


ano ang pangunahing layunin nito?
A .Makamit ang kalayaan ng bansa
B. Makiisa sa mga Espanyol
C.Maghihimagsik
D.Pananampalataya

Balikan

Panuto: Ipares ang mga pahayag sa hanay A sa inilalarawan nito sa hanay B.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

_______ 1.Mga makabayang Pilipino na humingi A. Repormista


ng pagbabago sa pamamahalang
mga Espanyol.
B. Propaganda
_______ 2.Kilusang itinatag ni Jose Rizal na naglayong
magpatupad ng mga reporma. C. La Liga Filipina

_______3.Babasahin na nagpaparating sa mga pinunong D. Katipunan


Espanyol ng mga katiwalian sa Pilipinas.
E. La Solidaridad
_______4.Kilusang nangangampanya para sa
pagbabagong sistemang pamamahalang mga F. El Filibusterismo
Espanyol.

_______5.Nobelang sinulat ni Jose Rizal . G. Plaridel

_______6. Ang sawikain o motto ng La Liga Filipina. H. December 30, 1896


25
_______7.Ipaglaban ang katarungan at kaunlaran. I. Isa sa Layunin
ng La Solidaridad

_______8. Si Marcelo H. del Pilar ay nagkubli sa pangalang J. Hunyo 3, 1892

_______9. Kailan itinatag ang La Liga Filipina?


K. Isatulad ng lahat
_______10.Kailan binaril si Rizal ng mga Espanyol
sa Bagumbayan ( Luneta )

Tuklasin

Panuto:Ating alamin at tuklasin ang mga kaganapan kung paano itinatag ang
Katipunan.

ANG PAGKATATAG AT PAGLALAGANAP NG KATIPUNAN


ANG KATIPUNAN
Ito ay isang lihim na samahang naghahangad ng kalayaan sa pamamagitan
ng isang Rebolusyon o paghihimagsik. Layunin ng (KKK) Kataas-taasan,
Kagalang-galangang, Katipunan na pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang
kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng isang himagsikan laban sa mga Kastila.

ANG MGA KATIPUNERO

Ang mga sumapi sa samahan ay tinawag na mga katipunero. Si Bonifacio


ay tinawag na ama o Supremo ng Katipunan. Isinilang si Andres Bonifacio
saTondo,Maynila. Ang kanyang pamilya ay hirap sa buhay at sila ay maagang
naulila sa magulang ngunit buong sikap niyang itinaguyod ang kanyang mga
kapatid.
Si Emilio Jacinto o kilala rin sa sagisag na Pingkian ang nagiging utak ng
katipunan na nagsilbing tagapayo ng samahan. Siya rin ang nagiging patnugot ng
Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng samahan. Ang mga Katipunero ay mula
sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Ang Pagtatatag ng KKK ( Kataas-taasang, Kagalanggalangang, Katipunan
ng mga Anak ng Bayan)
Itinatag noong Hulyo 7, 1892 ang Katipunan na pinamumunuan ni Andres
Bonifacio kasama sinaTeodoro Plata, Valentin Diaz at iba pa. Nagtipun-tipon sila
sa Azcarraga ( ngayon ay Claro M. Recto Ave.Maynila ).

26
Ang inilatag na pangunahing layunin ng katipunan ay ang makamit ang
kalayaan ng Pilipinas. Layunin din nila ang pagtuturo ng kagandahang asal at
kalinisan sa pag-iisip at sa pag-gawa: ang pagtatakwil sa panatisismo o bulag na
paniniwala at ang pagtatanggol sa mga mahihina at maralita
Tatlong Antas ng Katipunan
1. Katipun ( Password ) Anak ng Bayan – nagsusuot ng itim na hood o
talukbo sa ulo sa pagpupulong.
2. Kawal ( Password ) Gomburza – nagsusuot ng berdeng hood o talukbo
sa ulo sa mga pagpupulong.
3. Bayani ( Password ) Rizal – nagsusuot ng pulang hood o talukbo sa
ulo sa pagpupulong.

Paglalaganap ng Katipunan
Noong una maliit lamang ang bilang ng mga miyembro ng katipunan dahil
mahirap at mapanganib ang pagpapalaganap nito at pagkalap ng mga kasapi. Ito
ay lubhang lihim na kapisanan.
Ang nagnanais sumali sa katipunan ay binigyan ng pagsubok upang
mapatunayan ang kanilang tapang, katapatan, at pagkamakabayan. Ang mga
kasapi ay tinatanggap sa pamamagitan ng paraang triyanggulo, ang isang kasapi
ay kukuha ng dalawang bagong kasapi na hindi magkakilala.

Ang mga Babae sa Katipunan:

Si Melchora Aquino ay ang Ina ng Katipunan. Siya rin ang tinaguriang babae
ng rebolusyon. Kilala siya bilang si Tandang Sora.

Si Gregoria de Jesus ay ang asawa ni Andres Bonifacio, ang ama o supremo


ng katipunan. Kilala rin siya bilang “Lakambini ng Katipunan”.

27
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang titik ng


tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Kilala siya sa kanyang pagkamatapang kaya siya ay tinaguriang “Supremo ng


Katipunan”, sino siya?
A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal
B. Marcelo H. Del Pilar D. Emilio Aguinaldo

2. Ano ang opisyal na pahayagan ng katipunan?


A. Kabutihan C. Kalayaan
B. Katipun D. Kawal

3. Alin sa ibaba ang tamang akronim ng KKK?


A. Komunidad Kalakalan Kabuhayan
B. Kataas-taasang, Kagalanggalangang, Katipunan ang mga Anak
ng Bayan
C.Kagalanggalang Kataastaasang
D. Kabuhayan Kalakalan Kumunidad

4. Tanyag ang samahan sa pagiging makabayan, ano ang layunin ng Katipunan?


A. Pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan ng bansa.
B. Ipahayag ang saloobin o damdamin na nais iparating.
C. Makalikha ng sariling grupo.
D. Para ipaglaban ang kanilang adhikain.

5. Dahil sa nag aalab na damdaming Pilipino, paano lumaganap ang katipunan?


A. Sa isang pagtitipon.
B.Maraming miyembro ay kukuha ng dalawang bagong kasapi.
C.Sa pamamagitan ng isang pahayagan.
D. Sa pamamagitan ng paraang Triyanggulo.

28
Pagyamanin

Panuto: Isulat ang wastong sagot ayon sa tinutukoy sa ibaba. Sagutin ang
crossword puzzle.Isulat ang sagot sa kwaderno.

4,

1.

5.
2.

3.

Pahalang
1. Utak ng Katipunan, _________ Jacinto.

2. Kilala siya bilangTandang Sora._________.

3. Si Gregoria de Jesus ay ________ ng katipunan.

Patayo;
1. Opisyal na pahayagan ng Katipunan

2. Password ng Ikalawang antas ng Katipunero.

29
Isaisip

Panuto :Punan ng tamang sagot ang mga patlang.Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

1. Isinilang si Andres Bonifacio sa _________.

2. Noong ________itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro


Plata, Ladislao.

3. Ang Utak ng Katipunan ay si __________

4. __________ ang password ng Ikatlong Antas ng Katipunan.

5. Isulat ang akronim ng KKK __________ _________ _________

Isagawa

Pagtatapat-tapatin.

Panuto: Itapat ang mga pahayag sa hanay A sa inilalarawan nito sa hanay B.


Isulat ang letra nito sa bawat patlang. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno

Hanay A Hanay B

_____ 1. Utak ng Katipunan A. Andres Bonifacio

_____ 2. Anong Antas ng Katipunan ang B. Kawal


nagsusuot ng Itim na hood o talukbo ng ulo.

_____ 3. Antas ng Katipunan na may password na C. Katipunan


Gomburza

_____4. Sinu-sino ang antas ng Katipunan na D. Emilio Jacinto


nagsusuot ng Pulang hood o talukbo ng ulo.
E. Bayani
_____ 5. Ano ang Opisyal na pahayagan ng
Pamahalaan. F. Kalayaan

30
Tayahin

Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Isulat ang titik ng tamang


sagot.Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Ang katipunan ay lihim na samahan, kailan ito naitatag ?


A. August 24, 1892 C. August 2, 1892
B. August 24, 1893 D. July 7, 1892

2. Ano ang tawag sa lihim na samahang naghahangad ng kalayaan?


A. katipunan C. kasaysayan
B. reporma D. La Solidaridad

3. Kilala siya bilang magaling na mamumuno, sino ang tinawag na “Ama o Supremo
ng Katipunan” ?
A. Andres Bonifacio C. Emilio Jacinto
B. Jose Rizal D. Apolinario Mabini

4. Siya ang kanang kamay ni Andres Bonifacio, ano ang sagisag na ginamit ni Emilio
Jacinto?
A. Magdalo C. Anak ng Bayan
B. Pingkian D. May Pag-asa

5. Saan palaging nagtipon-tipon ang mga katipunero?


A. Rizal Park C. Lilim ng punongkahoy
B. Azcarraga D.Bahay ni Aguinaldo

6. Ang mga sumusunod ay Tatlong Antas ng Katipunan,alin ang hindi kasali?


A.Katipun C.Bayani
B.Kawal D.kalayaan

7.Dahil sa nabuong damdaming makabayan bilang Pilipino madaling lumaganap ang


katipunan, sa paanong paraan,ito nangyari?:
A. paraang triyanggulo C.pamimigay ng salapi
B. panghuhuli ang mga kasapi D.paraang pagsasandugo

8 .Kilala siya sa kanyang pagkamatulungin, at tinaguriang “Ina ng Katipunan” ?


A. Gregoria de Jesus C.Asawa ni Andres Bonifacio
B. Melchora Aquino D.Melchora de Jesus

9. Ano ang tanyag na tawag kay Gregoria de Jesus sa katipunan?


A. dakilang babae C.babae ng rebolusyon
B. Lakambini ng katipunan D.Tandang Sora

31
10. Alin sa ibaba ang akronim ng KKK?
A. Kataastaasan,Kagalanggalangang,Katipunan ng mga Anak ng Bayan
B.katipon, kawal, katipunan, katipunan Anak ng Bayan
C. kalayaan, katarungan,kasipagan Anak ng bayan
D.katipunan, kalayaan, kawal

Karagdagang Gawain

1. Paano naipakita ang mga katipunero ang pagmamahal sa bayan upang


makamit ang kalayaan sa Pilipinas ?

2. Kung ikaw ay si Andres Bonifacio,makikipaglaban ka ba sa mga dayuhan


para makamit sang kalayaan ng bansa?

32
Aralin
Kawalan ng Pagkakaisa sa
4 Himagsikan/Kilusan at
Pagbubuo ng Pilipinas
Bilang Isang Bansa

Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Araling Panlipunan


! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ikatlong Linggo . Ito ay
ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-
aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng mga aralin na
kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ng mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas


saglobalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap:

Naipapamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung


pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

Pamantayan sa Pagkatuto :

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;

Nahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan/kilusan at


pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.

33
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang


mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Nagdulot ng ________ ang kawalan ng pagkakaisa ng mga lider sa himagsikan.
A. katiwalian C. kapangyarihan
B. tagumpay D. kabiguan

2. Ang _________ isa sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng


himagsikan ay kasama ang Cavite, Laguna, Maynila, Batangas, Tarlac, Nueva
Ecija, Bulacan.
A. Romblon C. Pampanga
B. Quezon D.Mindoro Oriental

3. Nahatulang kamatayan ang magkapatid na Andres at Protacio Bonifacio sa


kasalanang_____________.
A. pagtataksil sa bayan C. pagkampi sa Espanyol
B. pandaraya sa eleksyon D. pagpapabaya sa tungkulin

4. Kung ang pangkat Magdalo ay kay Emilio Aguinaldo, ang pangkat


________naman ay kay Andres Bonifacio.
A. Magtanggol C. Magaling
B. Magalang D. Magdiwang

5. Noong Hulyo 7, 1892 itinatag ang katipunan. Sino ang nagtatag nito?
A.Emilio Aguinaldo C. Andres Bonifacio
B. Teodoro Patiño D. JoseRizal

6. Saang bansa nagtungo si Emilio Aguinaldo bilang pagsunod sa Kasunduan sa


Biak-na-Bato?
A. Hongkong C. Paris
B. Guam D. Amerika

7. Ano ang nakita mong kulang pa sa mga Pilipino upang maging matagumpay sa
rebolusyon?
A. Pagkampi sa mga Espanyol C. Pagkakaisa
B. Kagamitang pandirigma D. Kaalaman

34
8. Habang tumatagal ano ang namagitan sa kampo ng mga manghihimagsik sa
pamumuno nina Bonifacio at Aguinaldo?
A. Nagkaroon ng hidwaan C. Nagkanya-kanya
B. Nagplano sa laban D. Nagwalang bahala sa tungkulin

9. Anong mangyayari sa ating bayan kung patuloy ang hidwaan ng kapwa Pilipino?
A. Uunlad ang ating bayan.
B. Maraming Pilipino ang mamatay.
C. Makakamit ang minimithing kapayapaan.
D. Hahantong sa isang digmaan na makakaapekto sa buhay at ari-arian ng
bawat isa.

10. Kung sakaling mayroong dayuhang mananakop sa ating bansa sa


kasalukuyan, ano ang nararapat gawin ng mga Pilipino?
A. Magkaroon ng pangkat-pangkat na tumuligsa sa mga dayuhan
B. Magtago ang lahat at hahayaan ang pamahalaan sa anumang gagawin
C. Magkaisa ang mga mamamayan at pamahalaan sa pagtatanggol sa bayan.
D. Hihingi ng tulong sa ibang bansa at sa kanila iasa ang pagtatanggol sa
bayan

Balikan

Sa nakaraang leksyon, napag-aralan mo na ang tungkol sa Pagtatag at Paglaganap


ng Katipunan. Pero bago susubukin ang kaalaman ninyo, sasariwain muna kung ano
ang katipunan at ang tawag sa mga kasapi ng samahang ito.
 Ang Katipunan ay isang lihim na samahang naghahangad ng kalayaan sa
pamamagitan ng isang Rebolusyon o paghihimagsik. Layunin ng KKK o
Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga anak ng Bayan
napag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan ng bansa sa
pamamagitan ng isang himagsikan laban sa mga Espanyol.
 Ang mga sumapi sa samahan ay tinawag na mga Katipunero. Si Bonifacio ay
tinawag na Ama o Supremo ng Katipunan.

35
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik na may tamang
sagot sa sa iyong kwaderno.

1. Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan at tinaguriang “Utak ng katipunan”?


A. Apolinario Mabini C. Emilio Jacinto
B. Mariano Alvarez D. Emilio Aguinaldo
2. Ano ang layunin ng KKK o Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng
mga anak ng Bayan?
A. Pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan ng bansa sa
pamamagitan ng isang panulat laban sa mga Espanyol
B. Pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan ng bansa sa
pamamagitan ng isang himagsikan laban sa mga Hapones
C. Pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan ng bansa sa
pamamagitan ng isang himagsikan laban sa mga Espanyol
D. Pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan ng bansa sa
pamamagitan ng isang himagsikan laban sa mga Amerikano

3. Si Andres Bonifacio ang isa sa nagtatag ng katipunan, kailan ito naganap?


A. Hulyo 7, 1892 C. Hulyo 17, 1892
B. Hulyo 7, 1992 D. Hulyo 17, 1992

4. Siya ang may akda ng Dekalogo ng Katipunan,at ang Ama ng Katipunan,


sino siya ?
A. Procopio Bonifacio C. Pedro Paterno
B. Teodoro Plata D. Andres Bonifacio

5. Si Melchora Aquino ay kilala bilang __________.


A. Tandang Sora C. Kalihim ng Katipunan
B. Lakambini ng Katipunan D. Ina ng Sambayanang Pilipino

6. Ano ang isinuot ng mga kawal sa mga pagpupulong


A. Itim na hood o talukbo sa ulo C. Pulang hood o talukbo sa ulo
B. Berdeng hood o talukbo sa ulo D. Dilaw na hood o talukbo sa ulo
7. Lihim na samahan ang katipunan, ang mga sumapi nito ay tinawag na mga
__________.
A. rebeldeng Pilipino C. katipunero
B. mangangalakal na Pilipino D. dalubhasang Pilipino

8. Ang mga nagnais na sumali sa katipunan ay binigyan ng __________.


A. mataas na sahod C. mataas na katungkulan sa katipunan
B. libreng bahay at ari-arian D. pagsubok

9. Bakit kaya maliit lamang ang bilang ng mga miyembro noong una ng
katipunan?
A. takot na maiwan ang pamilya
B. walang sweldo na ipatustos sa pamilya
C. mahirap at mapanganib ang pagpapalaganap nito
D. ang iba ay naniwala na wala itong magandang patutunguhan
36
10. Bakit binigyan ng pagsubok ang mga nagnais na sumali sa katipunan?
A. mapatunayan ang kanilang pagka-Pilipino
B. mapatunayan ang kanilang katapatan sa samahan
C. mapatunayan ang kanilang tapang at katapatan lamang
D. mapatunayan ang kanilang tapang,katapatan at pagkamakabayan

Tuklasin

Ang araling ito ay tatalakayin kung paano ang kawalan ng pagkakaisa ay naging
sanhi upang hindi lubos na makamtan ang inaasam na kalayaan.Handa ka na ba?
 Basahin at Alamin!

Nang mabigo ang Kilusang Propaganda, naitatag ang Katipunan, sa


pamumuno ni Andres Bonifacio, upang isulong ang himagsikan. Isinulong ang
Katipunan ang mga aral na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, pagtutulongan ng
mga mahihirap, paggalang sa mga karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan, at
kagandahang-asal sa isip at gawa.
Ngunit nabunyag ang katipunan dahil kay Teodoro Patiño (isa sa mga
katipunero). Maraming mga kasapi nito ay inaresto. Ang mga nakatakas ay nagpunta
sa Pugadlawin at dito nila pinunit ang kanilang mga cedula at dito inihudyat ang simula
ng rebolusyon para sa kalayaan.

Walong lalawigan ang sumali sa pag-aalsa. Ito ang Batangas, Cavite, Laguna,
Maynila, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga. Bumubuo sa walong sinag ng
araw sa ating pambansang bandila. Ang Sigaw sa Pugad Lawin ang naging hudyat
ng pagsisimula ng rebolusyon.

Nagkaroon ng tagumpay ang mga pag-aalsa subalit ang mga lider ng


rebolusyon ay nagkaroon ng alitan na nagbunga sa pagkakaroon ng dalawang
pangkat: ang Magdalo na sumuporta kay Aguinaldo at ang Magdiwang na sumuporta
kay Bonifacio.
Sa Kumbensiyon sa Tejeros, naagaw ni Aguinaldo ang pamumuno ng
rebolusyon at napalitan ang katipunan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan. Nagtayo
rin ng pamahalaan si Bonifacio subalit inaakusahan siya ng pagtataksil at nahatulang
mamatay.

Nagkaroon ng kasunduan sa Biak-na-Bato at sa halagang P 800, 000 ay


sumuko ang mga lider ng rebolusyon. Nagpatuloy sa pakikipagdigma ang mga
Pilipino sa hiling ni Aguinaldo habang siya ay nagtungo sa Hongkong upang mag-
ipon ng puwersa at armas. Bumalik siya sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang
rebolusyon sa panghihikayat at pangakong tulong ng mga Amerikano.

37
Suriin

Panuto:Ipaliwanag ang nasasaad na kaisipan. Isulat ang sagot sa iyong


kwaderno.

1. Makatarungan bang daanin ng mga katipunero sa rebolusyon ang


kanilang paghahangad ng kalayaan? Ipaliwanag ang inyong sagot.

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________.
_________________________________________________________
____________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Paano nakakapekto ang kawalan ng pagkakaisa sa isang rebolusyon o


samahan sa pagkamit ng kalayaan?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________.
_________________________________________________________
____________________________________________________________
_________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Nagdulot ng ________ ang kawalan ng pagkakaisa ng mga lider sa himagsikan.


A. katiwalian C. kapangyarihan
B. tagumpay D. kabiguan

2. Si ______ ang nagbunyag ng Katipunan.


A. Macario Sakay C. Pedro Paterno
B. Faustino Guilermo D. Teodoro Patiño

38
3. Ang _______ isa sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ay
kasama ang Cavite, Laguna, Maynila, Batangas,Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan.
A. Romblon C. Pampanga
B .Quezon D. Mindoro Oriental

4. Nahatulang mamatay ang magkapatid na Andres at Protacio Bonifacio sa kasalanang:


A.pagtataksil sa bayan C. pandaraya sa eleksyon
B.pagkampi sa mga Espanyol D. pagpapabaya sa tungkulin

5. Habang tumatagal ano ang namagitan sa kampo ng mga manghihimagsik sa


pamumuno nina Bonifacio at Aguinaldo?
A. nagkaroon ng hidwaan C. nagplano sa laban
B. nagkanya-kanya D. nagwalang bahala sa tungkulin

Isaisip

Tandaan!
Panuto: Punan ang bawat patlang. Isulat ang tamang sagot sa iyong
kwaderno

Nagkaroon ng tagumpay sa pag-aalsa subalit ang mga lider ng rebolusyon ay


nagkaroon ng (1)__________na nagbunga sa pagkakaroon ng dalawang
(2)__________na pangkat. Ang (3) ___________na sumusuporta kay Aguinaldo
at ang (4) __________na sumusuporta kay Bonifacio.
Nagtayo ng pamahalaan si Bonifacio subalit inakusahan ng (5) __________
at nahatulang kamatayan. Naiwan si (6) __________ sa pamumuno ng
rebolusyon. Nanghina at nawalan ng sigla ang mga rebolusyonaryo ngunit buong
giting pa rin nilang hinarap ang mga Espanyol sa hiling ni Aguinaldo.

39
Isagawa

Panuto: Basahin nang tahimik at unawain ang bawat tanong. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno..
1. Ano sa palagay mo ang dapat pang ginawa ng mga katipunero upang maiwasan
ang pagkakahati nito sa dalawang pangkat?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Tama ba ang ginawa ni Emilio Aguinaldo na ipapatay ang magkapatid na


Bonifacio? Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Ano ang naging bunga ng kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa


pakikipaglaban sa kalayaan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano ang naging kulang pa sa mga Pilipino noon upang maging matagumpay sa
rebolusyon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Sa panahon ngayon na nasa COVID-19 krisis tayo, ano ang dapat pairalin ng
buong sambayanang Pilipino para sa kaligtasan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

40
Mga Pamantayan Puntos Nakuhang Marka

Wasto at sapat ang 3


naibigay na
impormasyon.
Malinaw,malinis at 2
maganda ang pagkagawa
Malikhain at kawili-wili 1
ang pagbibigay ng
impormasyon
Kabuuang Puntos 6

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Kung sakaling mayroong dayuhang mananakop sa ating bansa sa


kasalukuyan ang nararapat gawin ng mga Pilipino?
A. Magkaroon ng pangkat-pangkat na tumuligsa sa mga dayuhan.
B. Magtago ang lahat at hahayaan ang pamahalaan sa anumang gagawin.
C. Magkaisa ang mga mamamayan at pamahalaan sa pagtatanggol sa
bayan.
D. Hihingi ng tulong sa ibang bansa at sa kanila iasa ang pagtatanggol sa
bayan.

2. Anong mangyayari sa ating bayan kung patuloy ang hidwaan ng kapwa Pilipino?
A. Uunlad ang ating bayan.
B. Maraming Pilipino ang mamatay.
C. Makakamit ang minimithing kapayapaan.
D. Hahantong sa isang digmaan na makakaapekto sa buhay at ari-arian
ng bawat isa.

3. Ano ang isa sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan


kasama ang Cavite, Laguna, Maynila, Batangas, Tarlac, Nueva Ecija, at
Bulacan?
A. Romblon C. Pampanga
B. Quezon D. Mindoro Oriental

41
4. Ano ang dahilan kung bakit nahatulang mamatay ang magkapatid na Andres
at Protacio Bonifacio?
A. pagtataksil sa bayan C. pandaraya sa eleksyon
B. pagkampi sa mga Espanyol D. pagpapabaya sa tungkulin

5. Habang tumatagal ano ang namagitan sa kampo ng mga manghihimagsik


sa pamumuno nina Bonifacio at Aguinaldo?
A. nagkaroon ng hidwaan C. nagplano sa laban
B. nagkanya-kanya D. nagwalang bahala sa tungkulin

6. Ano ang epekto ng isang samahan kung kulang ng pagkakaisa ang mga
lider sa himagsikan?
A. Mabibigo sila sa pagkamit ng kanilang layunin.
B. Magtatagumpay sila sa kanilang layunin.
C. Madali nilang matalo ang mga kaaway.
D. Magkawatak-watak ang samahan.

7. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga katipunero na siyang dahilan


nahati sila ng dalawang pangkat. Ano ang tawag sa dalawang pangkat?
A. Magaling at Magtanggol C. Magdalo at Magdiwang
B. Magdalo at Magtanggol. D. Magaling at Magdalo

8. Sinong pinuno ng rebolusyon na naagawan ng posisyon ni Emilio Aguinaldo


at napalitan ang katipunan ng rebolusyonaryong Pamahalaan.
A. Procopio Bonifacio C. Emilio Jacinto
B. Andres Bonifacio D.Teodoro Patiño

9. Ano ang tunay na dahilan ng pagkabigo ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?


A. pagkabulgar ng Katipunan
B. pagsikat ni Emilio Aguinaldo
C. pagkamatay ni Andres Bonifacio
D. pag-aalinlangan ng mga Espanyol at Pilipino sa isa’t isa

10. Bakit naisip ni Emilio Aguinaldo na bumalik sa Pilipinas upang ituloy ang
himagsikan?
A. Tinawag siya ng mga rebolusyonaryo rito.
B. Magiging pangulo siya kung babalik dito.
C. Sinunod lamang niya ang kasunduan na bumalik siya.
D. Pinangakuan siyang tutulungan ng pinunong Amerikano.

42
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng makabagong lider sa inyong lipunan sa kasalukuyan.


Ikumpara ito kay Emilio Aguinaldo. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

Makabagong lider:
_______________________ Emilio Aguinaldo
Mga Ginawa: Mga Ginawa:
1. ____________________________ 1. ______________________
2. ____________________________ 2. ______________________
3. ____________________________ 3. ______________________

Mga Dapat Pang Gawin: Mga Dapat Pang Gawin:


1. ____________________________ 1. ______________________
2. ____________________________ 2. ______________________
3. ____________________________ 3. ______________________

43
Susi ng Pagwawasto

Aralin 1

Aralin 2

44
Aralin 3

45
Aralin 4
46

Sanggunian
Antonio Eleonor D. Et.al.. Kayaman 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Rex
Bookstore INC., Sampaloc, Maynila 2017.

http:// Assignments homework.etc.blogspot.com/2011/02/ang kilusang reporma-at-ang-


kilusang.html

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6002?fbclid=Iwar2WsSto-2GRky8JxZaVYviVO
uWrFubNY63akt5WGhgm3vaUv-CzKcVHiu

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
47

You might also like