You are on page 1of 47

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1- Module 4: Week 3
Mapanagutang Pagpapasiya, Gabay
Tungo sa Pangkalahatang Kabutihan

Department of Education ● Republic of the Philippines


2
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

3
Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 4: Mapanagutang Pagpapasiya, Gabay Tungo sa
Pangkalahatang Kabutihan
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplinaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa EsP 6


Manunulat : Carmen B. Golez
Illustrator and Layout Artist: Scarlet Tipon-Tipon
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Mary Grace Yap;
Romelyn Ventures; Soledad Cabardo

Management Team

Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Mary Ann M. Allera


Assistant Schools Division Superintendent

Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief


Erl C. Villagonzalo, Ph.D., EPS-EsP
Norhatta Daud, Ph.D., PSDS
Amelita Bagol, Ed.D., Coordinating Principal
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Regional Evaluator: Aira Mae L. Dela Peňa,Bukidnon Division

Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________


Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

4
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1- Module 4
Mapanagutang Pagpapasiya, Gabay
Tungo sa Pangkalahatang Kabutihan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng
Edukasyon. Hinihikayat namin ang mga guro, ibang nasa larangan ng
edukasyon, at mga magulang na mag - email ng inyong mga puna sa
Kagawaran ng mungkahi ng Edukasyon sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

5
Talasanggunian
Mga Aklat
Agunoy, Teresita B., Rosella N. Galloso, Gloria A. Peralta, Ed.D., & Zenaida R.
Ylarde (2014). Mabuting Asal, Magandang Buhay 6, pahina 2-29. Vibal Group, Inc.
Ylarde, Zenaida R. & Gloria A. Peralta (2016) Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon 6 (Batayang Aklat), pahina 10-21. Vibal Group, Inc.

Downloaded Resources

Department of Education – Regional Office No. 8. ESP– Grade 6 Teacher’s Guide.


May 18, 2020.
https://www.slideshare.net/RiginoMacunayJr/esp-6- k12-
teachers-guide-quarter-1.pdf.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 6. May 18, 2020.


https://depedbatangascity.org/resources/deped-batangas-city-learning-
materials/pdf.

6
Karagdagang Gawain

Magnilay ng mga pangyayari sa iyong buhay. Gumawa ng maikling


paglalarawan sa iyong mga natuklasan tungkol sa iyong sarili. Magtukoy ng dalawa
mong katangian na may mapanagutang asal sa pakikipagkapwa. Isulat ito sa iyong
Reflective Journal.

Mga Sagot

10. Mali
9. Mali
8. Tama
7. Mali
6. Tama
5. D
4. C
3. A
2. D
1. A
Tayahin

7
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE

Aralin 1: Pagiging, Makatwiran, Makabubuti sa Karamihan 3


Alamin 3
Subukin 4
Balikan 5
Tuklasin 6
Suriin 8
Pagyamanin 8
Isaisip 9
Isagawa 9
Tayahin 10
Karagdagang Gawain 12

Aralin 2: Pagkamahinahon, Isasabuhay sa Pagpapasiya 13


Alamin 13
Subukin 14
Balikan 15
Tuklasin 16
Suriin 18
Pagyamanin 19
Isaisip 19
Isagawa 20
Tayahin 20
Karagdagang Gawain 22

Aralin 3: Bukas na Isipan Tungo sa Pasiyang Gagawin 23


Alamin 23
Subukin 24
Balikan 24
Tuklasin 25
Suriin 26
Pagyamanin 27
Isaisip 27
Isagawa 28
Tayahin 28
Karagdagang Gawain 29

Aralin 4: Mapanagutang Asal, Gabay sa Pakikipagkapwa 30


Alamin 30
Subukin 31
Balikan 32
Tuklasin 33
Suriin 33

8
Pagyamanin 35
Isaisip 35
Isagawa 36
Tayahin 36
Karagdagang Gawain 38

Talasanggunian 39

a. Pag-iwas na makasagutan ang kapatid

9
2. Habang lumalaki si Arnold ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawan ng kanyang ama. Kadalasan sumasama ang kanyang loob
kapag napagsabihan siya sa mga bagay na ayaw ng kanyang ama. Ano ang
pinakamakatwirang gawin ni Arnold?
a. Huwag pansinin ang ama hanggang magsawa sa pagsasalita
b. Aalis ng bahay at bahagi sa mga kaibigan ang sama ng loob sa ama
c. Isusumbong sa ina ang kanilang hindi pagkakaunawan para makuha
ang kanyang simpatiya
d. Gumawa ng paraan upang mabuksan ng maayos ang komunikasyon
at pakikipag-ugnayan nilang mag-ama
3. Ang mga sumusunod na pagpapasiya ay nagdudulot ng kabutihan sa
nakararami maliban sa isa-
a. Pagpilit na ipasunod ang sariling opinyon
b. Pagiging mahinahon at pakikinig sa opinyon ng ibang tao
c. Pagtulong upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran
d. Pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa bagay na pinagpasiyahan
4. Maliban sa isa, ang mga sumsunod ay mga katangian ng isang bata na
nagbibigay pagpapahalaga sa pagsunod sa tamang hakbang bago
magsagawa ng isang desisyon para sa kabutihang panlahat.
a. Mapagtiis
b. Pagkamahinahon
c. Kahinaan ng loob
d. Pagkabukas-isipan
5. Ano ang magiging bunga kapag isinasaalang-alang ang kabutihan ng
nakararami sa paggawa ng mga pagpapasiya.
a. Kapayapaan at katiwasayan
b. Pagpapakita ng pagapahalaga sa kapwa
c. Pamamayani ng paggalang sa bawat indibidwal
d. Lahat ng nabanggit

6-10. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung
tama ang sinasaad sa pangungusap at isulat ang salitang Mali kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng maling pananaw.
______6. Ang pagsasabuhay ng mapanagutang asal ay isang pagpapahalaga sa
katutuhanan na ang tao ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang.
______7. Bilang kabataan, hindi importante na matamo ang anumang
mapanagutang asal sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
______8. Isang halimbawa ng mapanagutang asal ay ang pagbibigay halaga sa
mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo tulad ng pamilya at mga kaibigan.
______9. Ang pagsunod sa sariling kagustuhan ay halimbawa ng mapanagutang
asal sa pakikipagkapwa.
______10. Upang magkaroon ng magandang ugnayan sa pakikipagkapwa,
mahalaga ang pakikisabay sa mga kaibigan na may masamang bisyo.

10
Isagawa

Gawain 4. Gumawa ng komprehensibong planong pansarili at pampamilya upang


maayos na magampanan ang mga tamang hakbang sa paggawa ng mga desisyon
para sa kabutihang panlahat. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang
sagot sa inyong Reflective Journal.

Plano Pamamaraan upang Dahilan sa Pagtupad


maayos na matupad

Halimbawa; Para sa
Sarili
-paglilipon ng mga -upang makatamo ng
-Palaging mapanuri sa impormasyon sa mga matalinong pasiya para
mga bagay na gagawin pasiyang maaaring sa ikabubuti ng
pagpipilian nakararami

Ikaw naman:

1.

2.

3.

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong Reflective Journal.
1. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa maliban sa isa-
b. Pagtulog ng maaga
c. Pagsunod sa payo ng magulang
d. Pagsunod sa utos at aral ng Diyos

11
MODYUL 4

Mapanagutang Pagpapasiya, Gabay


Tungo sa Pangkalahatang Kabutihan

PANGKALAHATANG-IDEYA

Binabati kita! Ito ay ang Modyul 4 ng Unang Markahan sa Edukasyon sa


Pagpapakatao 6. Ang modyul na ito ay naglalayon na ikaw ay makagagawa ng mga
tamang hakbang na makatutulong sa iyong pagbuo ng mga desisyon sa buhay.
Bilang kabataan patuloy kang ginagabayan ng iyong mga magulang at nakatatanda
upang makabuo ng matalinong pasiya sa mga sitwasyon na kinakaharap. Upang ito
ay maisasagawa, ang pagsasabuhay ng mga magagandang asal ay mahalaga
upang matagumpayan ang anumang hamon na pagdadaanan. Tandaan na sa mga
pagpapasiyang tatahakin hindi lamang sarili ang iisipin higit na mahalaga ang
ikabubuti ng nakararami..

Ang modyul na ito ay may apat na aralin:


 Aralin 1: Pagiging Makatuwiran, Makabubuti sa Karamihan
 Aralin 2: Pagkamahinahon, Isasabuhay sa Pagpapasiya
 Aralin 3: Bukas na Isipan Tungo sa Pasiyang Gagawin
 Aralin 4: Mapanagutang Asal, Gabay sa Pakikipagkapwa

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Nakapagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito


(EsP6PKPIa-i– 37)
a. nakatutukoy ng mga pag-uugali kaugnay sa pagiging
makatuwiran nang makabuo ng pasiya para sa ikabubuti ng
nakararami
b. nauunawaan ang pakinabang ng pagkamahinahon sa
pagpapasiya at sa pagbuo ng mga plano tungo sa kabutihang
panlahat
c. napahalagahan ang pagkakaroon ng bukas na isipan para sa
kabutihang panlahat
d. matatamo at matatanggap ang mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa para sa ikabubuti ng nakararami

12
o PANGKALAHATANG
TAGUBILIN

Bago tayo magsimula, nararapat na tandaan mo ang mga sumusunod:

 Huwag sulatan ang alinmang bahagi ng Modyul sapagkat mayroon pang


ibang mga mag-aaral na maaaring gagamit nito. Sa halip, gumamit ng isang
maliit na kuwaderno bilang iyong REFLECTIVE JOURNAL at dito mo isusulat
ang lahat ng iyong kasagutan sa bawat Gawain. Huwag kalimutang maglagay
ng LABEL sa iyong mga natapos na Gawain ayon sa Modyul, aralin at petsa
sa paggawa mo ng mga ito.
 Ang bawat Modyul ay may maikling panuto at sinusundan ito ng paglalahad
ng mga layunin. Basahin ang mga ito at sunding maigi ang mga tagubilin.
 Bago simulan ang mga Gawain, sagutin muna ang PRE-TEST. Tandaan na
ang bawat Gawain ay naaayon sa mga layunin ng Modyul o aralin. Isiping
mabuti ang bawat kasanayan na nais mong linangin.
 Matapos ang bawat Gawain, kailangan mong balikan ulit ang mga aytem na
sa palagay mo ay hindi mo napagtagumpayan.
 Sagutin ang POST TEST kung sa palagay mo ay nauunawaan mo na ng
lubos ang lahat ng mga aralin.

13
3 Oo, nakakabahala ang ganoong
klase ng mga patalastas
napapanood pa naman ng mga
bata. Ano kaya ang pwdii nating
gawin?

_______
_______
Napanood niyo _______
ba ang bagong
patalastas ng _______
alak? _______

Pagyamanin

Gawain 3
Panuto: Mag-isip ng mga pangyayari sa iyong buhay na kung saan naipapakita mo
ang iyong maayos at ganap na pakikipag-ugnayan sa iyong kapwa kabataan. Isulat
ang sagot sa iyong Refective Journal.

Isaisip

Sa paghubog ng mga magulang at ng mga tao sa paligid ang isang bata ay


natuto ng maraming bagay na kanyang magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
Isang kakayahan na inaaasahan sa mga kabataan ay ang pagtamo at pagtanggap
ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa Ang pagiging mapanagutan sa
pakikipagkapwa ay maipapakita sa pamamagitan ng paggalang sa kapwa, pag-
unawa at pagbibigay-halaga na ang tao ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang
bagkus para din sa kapakanan ng iba.

14
1
Anak, sa Linggo sumama ka ________________
sa amin sa pagsimba.
Mahalaga ang ________________
pagpapasalamat sa Panginoon ________________
sa mga biyaya at patnubay na
ibinigay niya sa atin ________________

Maria, inaasahan ko na
maibibigay mo sa akin _____________
ang iyong projekto sa
_____________
itinakdang araw ng
pasahan. _____________
_____________

15
Aralin
Pagiging Makatuwiran,
1 Makabubuti sa Karamihan

Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Modyul 4 na ng Edukasyon sa


Pagpapakatao sa Baitang 6! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang
Markahan, Ikaapat na Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong
kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng
isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat

Tatas: Nasasagot ang mga pag-uugali na may kaugnayan sa pagiging


makatuwiran.

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:

1. Nakapagsang-ayon sa pasiya ng nakararami kung nakabubuti ito


(EsP6PKPIa-i– 37)
a. Nakatutukoy ng mga pag-uugali kaugnay sa pagiging makatuwiran
nang makabuo ng pasiya para sa ikabubuti ng nakararami.

Subukin 16
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot. Isulat ang sagot sa Reflective Journal.
1. Isang araw binigyan kayo ng pangkatang gawain ng iyong guro sa ESP. Bilang
paghahanda nagkakaroon kayo ng pag-uusap tungkol sa mga hakbang na
gagawin upang masimulan ang inyong proyekto. Ninanais ng iyong mga
kaklase na sa paaralan na lamang gagawa ng proyekto upang madali lang
mapuntahan ng bawat isa sa grupo. Ngunit ang iyong panukala ay gagawin
ninyo ang proyekto sa inyong bahay. Batid ng bawat kasapi ang layo ng inyong
bahay kaya karagdagang gastos ang pagpunta sa inyo. Ano ang iyong
magiging desisyon?
a. Ipipilit sa mga kamag-aral na sa inyong bahay gagawin ang proyekto.
b. Bibigyan mo ng pamasahi ang iyong mga kaklase upang makapunta
sa inyo.
c. Susunod sa panukala ng nakararami na gagawin sa paaralan ang
proyekto.
d. Kakausapin ang guro na mailipat sa ibang pangkat upang masunod
ang gusto.

2. Ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung ito ay nakabubuti ay isang


pagpapakita ng:
a. Pagiging makasarili.
b. Tahimik na pagproprotesta.
c. Paggalang at pagiging makatuwiran.
d. Paggawa ng dahilan sa kahihinatnan ng isang pasiya.

3. Dahil sa nangyayaring pandaigdigang pandemya dulot ng Covid-19 maraming


tao at kabuhayan ang lubos na naaapektuhan. Dahil sa panganib na
magkahawaan ang tao, ang pamahalaan ay nagtakda ng mga panuntunan na
dapat sundin habang naka-community quarantine ang buong bansa. Ilan sa
mga ito ay ang paglalagi sa loob ng bahay, pagsusuot ng face mask, at
pagsunod sa social distancing. Bilang kabataan, ano ang iyong mahalagang
maiaambag upang makatulong sa krisis na kinakaharap sa buong mundo?
a. Maliligo sa dagat upang makapag-relax kasama ang mga barkada.
b. Bibisita sa mga quarantine facilities at makipag-selfie sa mga
frontliners.
c. Pupunta sa internet café upang makapaglibang habang naka-
quarantine ang iyong barangay.
d. Susunod sa mga panukala ng gobyerno sa mga dapat gawin upang
maiwasan na mahawa sa virus.
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging makatuwiran:
a. Pagsisisi sa ibang tao.
b. Pagbukod sa sarili sa ibang tao.
c. Pagkumbinsi sa iba na lalaban sa lider.
d.

Tuklasin 17
e.
f.
g.
h. Gawain 1.

Panuto: Magtala ng limang positibong asal na iyong napansin sa sarili.


Pagkatapos, gumupit ng mga larawan na sa iyong palagay nagpapakita
ng mga nasabing asal. Idikit ito sa inyong Reflective Journal. Gawing
gabay ang halimbawa sa ibaba:

Pakikipag-ugnayan sa kapwa

i.
j.
k.
Suriin
l.
m.

Isa sa mga inaasahang kilos ng mga kabataan ay ang pagtatatamo ng


ganap na pakikipagkapwa. Kaakibat nito ay ang pagpapakita ng tunay na
pagkatao at pagtanggap sa tunay na pagkatao ng kanyang kapwa.
Mahalaga para sa mga kabataan ang pagmamahal sa sarili dahil kung
hindi mo ito matututuhan, mahihirapan kang matutuhan na magmahal ng
kapwa. Mahalaga din ang pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa.

Gawain 2. Tunghayan ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba at


bigyang pansin ang kanilang usapan. Isulat sa inyong Reflective Journal
ang iyong sagot sa sinabi ng mga tauhan kung ikaw ang nasa kanilang
katayuan. Maging tapat sa isusulat na sagot.

18
______6. Ang pagsasabuhay ng mapanagutang asal ay isang pagpapahalaga sa
katotohanan na ang tao ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang.
______7. Bilang kabataan, hindi importante na matamo ang anumang
mapanagutang asal sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
______8. Isang halimbawa ng mapanagutang asal ay ang pagbibigay halaga sa
mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo tulad ng pamilya at mga kaibigan.
______9. Ang pagsunod sa sariling kagustuhan ay halimbawa ng mapanagutang
asal sa pakikipagkapwa.
______10. Upang magkaroon ng magandang ugnayan sa pakikipagkapwa,
mahalaga ang pakikisabay sa mga kaibigan na may masamang bisyo.

Balikan

Bilang paghahanda sa panibagong aralin, magbabalik-aral muna tayo. Gamit


ang inyong Reflective Journal sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang ang paksa noong nakaraang aralin?
2. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng bukas na kaisipan sa
pakikitungo sa kapwa?
3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagkabukas-isipan sa pagsasagawa
ng mga pagpapasya?

Marahil marami ka nang natutuhan sa mga nakalipas na mga aralin. Ang


pagiging makatuwiran, pagkamahinahon at pagkabukas-isipan ay iilan lamang
katangian na mahalagang taglayin upang makagawa ng mga desisyon para sa
kapakanan ng nakararami. Ipagpapatuloy natin ang magandang talakayan nang sa
ganoon mas mapalawak pa ang ating mga isipan. Bilang kabataan magiging kapaki-
pakinabang ang ating talakayan tungkol sa mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
Kaya ihanda ang sarili sa pagsisimula ng panibagong aralin.
Nakagagalak ang iyong pagsusumikap na matuto sa kabila ng di karaniwang
hamon na mga pamamaraan ng pagtuturo dulot ng kasalukuyang pandaigdigang
pandemya. Upang maging lubos ang iyong kaalaman, patuloy kang magsumikap na
gamitin at pag-aralan ang mga pampagkatutong materyal na ibinahagi sa iyo.
Hayaan mo sana akong tulungan at gabayan ka nang sa ganoon matagumpayan
natin ang layunin sa modyul na ito.

19
d. Pagsuporta sa desisyon ng nakararami.
5. Ang iyong ama ay nahinto sa pagtatrabaho ng dalawang buwan dulot ng
community quarantine. Dahil nagigipit sa budget, sinabi ng iyong ina na hindi
ka muna bibilhan ng bagong sapatos sa pasukan. Bagaman maayos pa ang
iyong lumang sapatos gustong gusto mo namang magkaroon ng bagong pares
tulad nang naipangako ng iyong ina. Dahil sa hindi pagtugon ng iyong
kahilingan ikaw ay nagalit ng lubos at ito ay nagdulot ng pag-aalala sa iyong
mga magulang. Sa iyong palagay, nararapat ba ang iyong ipinakitang pag-
uugali upang matugunan ang iyong gusto?
a. Oo, upang ako ay ipagbili ng bagong pares ng sapatos ng aking ina.
b. Hindi, dahil hindi praktikal ang pagbili ng bagong sapatos kung gipit sa
pera.
c. Oo, para may maipagyabang ako sa aking mga kaklase na bagong
gamit sa pasukan.
d. Hindi nararapat ngunit alam kung hahanap ang aking ina ng
mauutangan upang mabilhan ako ng bagong sapatos.

6-10. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung
tama ang sinasaad sa pangungusap at isulat ang salitang Mali kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng maling pananaw. Isulat ang inyong sagot sa inyong
Reflective Journal.
______6. Maging handa na panindigan ang pasiyang gagawin.
______7. Bago bumuo ng pagpapasiya, tiyakin ang problemang bibigyan ng
solusyon.
______8. Sa pagpili ng pasiya, timbangin lamang ang mga positibong epekto ng
solusyong susundin.
______9. Para sa ikabubuti ng nakararami, ipipilit ang pasiyang gusto kahit ito ay
taliwas sa opinyon ng iba.
______10. Ang pagtatala ng mga impormasyon bilang batayan ay isang balakid sa
pagsasagawa ng pagpapasiya.

Balikan

Bilang paghahanda sa panibagong aralin, magbabalik-aral muna tayo.


Mahalaga na masagot mo ang mga tanong na nasa ibaba upang magkaroon tayo ng
gabay para sa susunud na talakayan. Gamit ang inyong Reflective Journal sagutin
ang mga sumusunod:
1. Ano ang paksa na tinatalakay noong nakaraang modyul?
2. Paano ito nakakatulong sa paghubog ng iyong pagkatao?
3. Kapaki-pakinabang ba ang aralin sa iyong pakikitungo sa kapwa?

20
Sa nakaraang modyul natutuhan mo ang pagsusuri sa mga bagay na may
kinalaman sa sarili at pangyayari. Nakagagalak ang iyong pagsusumikap na matuto
sa kabila ng di karaniwang hamon na mga pamamaraan ng pagtuturo dulot ng
kasalukuyang pandaigdigang pandemya. Upang maging lubos ang iyong kaalaman,
patuloy kang magsumikap na gamitin at pag-aralan ang mga pampagkatutong
materyal na ibinahagi sa iyo. Ang iyong pagpupursige na matuto ay magdudulot ng
mas malawak na pang-uunawa sa mga pananagutang pansarili upang maging
mabuting kasapi ng pamilya. Kaya ihanda ang sarili sa panibagong aralin at hayaan
mo sana akong tulungan at gabayan ka ng sa ganoon matagumpayan natin ang
layunin sa modyul na ito.

Tuklasin

Ano ang makatuwirang paraan para sa ikabubuti ng nakararami? Tingnan ang


larawan sa ibaba. Sa iyong palagay, masusunod kaya ang kagustuhan ng isang
mag-aaral? Bakit?
Sige magpapaalam ako kay
inay na hindi muna ako
makabantay sa aking
Huwag, mas mabuti ng dito tayo Oo nga, gagawin natin kapatid.
sa paaralan gagawa para madali ang proyekto sa paaralan
lang mapuntahan. kasi marami namang
magagandang tanawin.

Sa bahay nalang namin


tayo gagawa ng Tama, hihiram ako
proyekto, nakatatamad
ng cellphone ni
magpunta sa paaralan.
mama para
magamit sa
pagkuha ng video.

Gawain 1. Suriin mo ang mga larawan na nasa itaas at sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa iyong Reflective Journal.
1. Anu-ano ang iyong nakikita sa larawan?

21
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot inyong Reflective Journal.
1. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa maliban sa isa-
a. Pagtulog ng maaga
b. Pagsunod sa payo ng magulang
c. Pagsunod sa utos at aral ng Diyos
d. Pag-iwas na makasagutan ang kapatid
2. Habang lumalaki si Arnold ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawan ng kanyang ama. Kadalasan, sumasama ang kanyang loob
kapag napagsabihan siya sa mga bagay na ayaw ng kanyang ama. Ano ang
pinakamakatwirang gawin ni Arnold?
a. Huwag pansinin ang ama hanggang magsawa sa pagsasalita
b. Aalis ng bahay at ibahagi sa mga kaibigan ang sama ng loob sa ama
c. Isusumbong sa ina ang kanilang hindi pagkakaunawan para makuha
ang kanyang simpatiya.
d. Gumawa ng paraan upang mabuksan nang maayos ang
komunikasyon at pakikipag-ugnayan nilang mag-ama
3. Ang mga sumusunod na pagpapasiya ay nagdudulot ng kabutihan sa
nakararami maliban sa isa-
a. Pagpilit na ipasunod ang sariling opinyon
b. Pagiging mahinahon at pakikinig sa opinyon ng ibang tao
c. Pagtulong upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran
d. Pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa bagay na pinagpasiyahan.
4. Maliban sa isa, ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang bata na
nagbibigay pagpapahalaga sa pagsunod sa tamang hakbang bago
magsagawa ng isang desisyon para sa kabutihang panlahat.
a. Mapagtiis
b. Pagkamahinahon
c. Kahinaan ng loob
d. Pagkabukas-isipan
5. Ano ang magiging bunga kapag isinasaalang-alang ang kabutihan ng
nakararami sa paggawa ng mga pagpapasiya.
a. Kapayapaan at katiwasayan
b. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa
c. Pamamayani ng paggalang sa bawat indibidwal
d. Lahat ng nabanggit

22
6-10. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung
tama ang sinasaad sa pangungusap at isulat ang salitang Mali kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng maling pananaw.

Aralin
Mapanagutang Asal,
4 Gabay sa Pakikipagkapwa

Maligayang Pagbati! Ikaw ay aking binabati dahil nasa pang-apat na aralin ka


na sa Modyul 4 ng Unang Markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6! Nawa’y
marami ka nang natutunan
Alamin sa mga aralin na naibahagi. Mas kawiwilihan mo ang
iba pang nilalaman ng modyul sa Unang Markahan, Ikaapat na Linggo. Ito ay
ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-
aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na
kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat

Tatas: Nasasagot ang mga naidudulot na kabutihan ng mapanagutang asal sa


nakararami

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:

1. Nakapagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito


(EsP6PKPIa-i– 37)
a. Nahihinuha na ang pagkakaroon ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa ay magdudulot ng kabutihan sa nakararami.

23
2. Ano ang iyong gagawin kung ang iyong mga kamag-aral ay hindi sang-ayon sa
iyong ninanais na mangyari?
3. Dapat mo bang ipilit ang sariling gusto kahit ito ay hindi nakakabuti sa
nakararami? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 2. Basahin ang maikling kwento sa ibaba. Alamin kung paano naging
makatuwiran ang mga miyembro ng pamilya.
Pagsubok sa Panahon ng Pandemya
Carmen B. Golez

Si Mang Diego ay nagtatrabaho sa isang pabrika ng labinlimang taon. Ang


kanyang asawa na si Aling Sita ay isang maybahay. Sila ay may tatlong anak, sina
Dennis, Miguel, at Joan. Dahil sa panganib na dulot ng Covid-19 napipilitan ang
pamahalaan na magpanukala ng lockdown sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Isa sa
mga epekto ng nasabing panukala ng gobyerno ay ang pagpapahinto sa operasyon
ng iba’t ibang kompanya katulad ng kompanyang pinapasukan ni Mang Diego. Dahil
dito nahinto ang buwanang sweldo ni Mang Diego na siyang nagpapahirap sa pang-
araw-araw na panggastos ng pamilya. Sa tulong ng social amelioration program ng
pamahalaan natustusan ang kasalukuyang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ngunit lubos na ikinababahala ng mag-asawa ang panggastos ng kanilang mga
anak sa darating na pasukan. Kaya kinakausap ng mag-asawa ang kanilang mga
anak at ipinapaliwanag ang kanilang sitwasyon. Batid ng mag-asawa ang
kagustuhan ng kanilang mga anak na magkaroon ng mga bagong kagamitan sa
darating na pasukan ngunit sadyang mahirap itong mangyari sapagkat ang konting
naipon ng mag-asawa ay sapat lamang para pambili ng mga pangunahing
pangangailangan. Nakikiusap si Mang Diego sa mga anak na pagtiyagaan muna
ang mga lumang gamit sa darating na pasukan hanggat siya ay hindi pa
nakakahanap ng ibang pagkakakitaan. Bagaman masama ang loob ni Joan sa
masamang balita ng kanyang mga magulang wala siyang magawa kundi irespeto
ang kanilang pasya para sa ikabubuti ng kanilang buong pamilya.
Pag-aralan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
inyong Reflective Journal.
1. Bakit kinausap ni Mang Diego at Aling Sita ang kanilang mga anak?
2. Ano ang naging pasiya ng mag-asawa kaugnay sa kasalukuyang
sitwasyon ng pamilya?
3. Sa iyong palagay, bakit sumang-ayon si Joan sa pasya ng kanillang
mga magulang?

24
Suriin

Isa sa mga mahalagang tungkulin ng mga kabataan ay ang pagsunod ng mga


tamang hakbang sa paggawa ng mga desisyon sa ikabubuti ng sarili, pamilya,
maging para sa ikabubuti ng lahat. Sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap,
isang malaking hamon sa bawat isa ang pagsasagawa ng tamang desisyon sa mga
landas na tatahakin. Isa sa mga katangian na dapat isabuhay ng mga kabataan
upang maisagawa ang tamang desisyon ay ang pagiging makatuwiran. Ngunit,
paano mo maisasabuhay ito upang ikaw ay makagawa ng matalinong pasiya?
Ang mga sumusunod ay mga suhestiyon upang makagawa ng matalinong
pagpapasiya:
 Tiyakin kung anong problema ang gagawan ng pasiya.
 Itala ang mga impormasyon at magtakda ng batayan sa gagawing
pasiya.
 Ipunin ang mga pagpipilian para makabuo ng mabuting pasiya.
 Alamin ang mga kabutihang naidudulot sa pasiyang gagawin at
maging ang mga negatibong epekto nito.
 Gagawa ng pasiya at maging handang panindigan ito.

Gawain 3.
A. Mag-isip ng isang problema na kasalukuyang kinakaharap na
nangangailangan ng iyong matalinong pagpapasiya.
B. Gumawa ng plano sa gagawing pagpapasiya gamit ang mga suhestiyon na
nabanggit sa itaas.
C. Gamit ang iyong Reflective Journal, isulat ang mga hakbang sa gagawing
pagpapasiya upang malutas ang problemang kinakaharap.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang
patlang kung ikaw ay sumasang-ayon sa tugon ng bawat tanong tungkol sa
matalinong pagpapasiya at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong Reflective
Journal.

25
_____1. Sa panahong nahaharap ako sa mga pagsubok sa buhay, inaalam ko ang
mga pagpipilian upang ako ay makabuo ng mabuting pasiya.
_____2. Sa desisyon na aking napili, pinaninindigan ko ang ginawang pasiya.
_____3. Bago ako gumagawa ng isang pagpapasiya, sinusuri ko ang mga
pagpipilian sa gagawing pagpapasiya.
_____9. Binibigyan ng pagkaataon ang iba na magbigay ng kanilang pananaw.
_____10. Pagdadahilan at paninisi sa ibang tao.

Karagdagang Gawain

Marahil ikaw ay marami ng natutunan sa mga aralin na naibahagi sa iyo. Iba’t


ibang asal ang tinatalakay upang ikaw ay magabayan sa iyong pagsasagawa ng
desisyon. Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na
kaisipan maging ang mga paraan sa pagsasabuhay nito, mahalaga din na alamin
ang mga posibleng hadlang ng pagkabukas-isipan. Sa puntong ito, mag-isip ng iba’t
ibang hadlang sa pagkakaroon ng bukas na kaisipan. Isulat ito sa iyong Reflective
Journal.

Mga Sagot
10. Mali
9. Mali
8. Tama
7. Mali
6. Tama
5. Mali
4. Tama
3. Tama
2. Tama
1. Tama
Tayahin

26
Tunghayan ang halimbawa na binigay. Isulat ang iyong pangalan at lagda pati ng
iyong magulang.

Ang Aking Pangako:


Mula ngayon magiging mapagpasensiya na ako sa mga nakatatanda tulad ng
aking lolo at lola.

Mga Paraan sa Paggawa ng Aking Pangako:


1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________

__________________________ _________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral Pangalan at Lagda ng Magulang

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Tama
kung tama ang sinasaad sa pangungusap at isulat ang salitang Mali kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng maling pananaw. Isulat ang inyong sagot sa inyong
Reflective Journal.
_____1. Ang pakikinig sa opinyon ng ibang tao ay pagpapakita ng pagkamagalang.
_____2. Ang pagbibigay ng opinyon sa ating kapwa ay maaaring magdulot ng
positibo o negatibong pakiramdam.
_____3. Ang pagkabukas-isipan ay naipakikita sa pagsang-ayon sa isang pasiya
para sa kabutihang panlahat.
_____4. Kung magkaiba ang iyong ideya sa nakararami, maging makatuwiran at
makatarungan at suportahan ang pasiya ng nakararami.

27
_____5. Ang pagtanggap sa suhestiyon ng iba ay tanda ng kakulangan ng ating
kaalaman.
_____6. Nakikinig ng mabuti sa opinyon ng iba.
_____7. Nagrereklamo laban sa ginawang pasya ng nakakarami.
_____8. Nakikinig sa mga magulang at guro sa paglutas ng suliranin.
_____4. Inaalam ko ang tiyak na problema na gagawan ng tamang desisyon.
_____5. Sa pagsasagawa ng desisyon, isinasaalang-alang ko ang kabutihan ng
ibang tao.

Isaisip

Ang pamilya ay isang pag-uugnayan ng mga tao na binubuo ng magulang at


mga anak at maging ng mga kamag-anak. Ang unang tungkulin ng pamilya ay ang
maisabuhay nang tapat ang tunay na ugnayan sa isa’t isa. Sa pakikipag-ugnayan sa
ating pamilya maging sa ating kapwa tao, kinakailangan natin ang pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip. Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay ang pag-alam
sa tiyak na suliranin, pagsusuri sa mga pasiyang pagpipilian at pagkakaroon ng
paninidigan sa desisyong napili. Sa paggawa ng anumang desisyon mahalaga ang
pagsunod sa mga tamang hakbang upang makamit ang ikabubuti para sa
nakararami.

Isagawa

Gawain 4. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa iyong


Refective Journal ang iyong sagot o tugon sa bawat sitwasyon.
1. Nagyaya ang iyong kaibigan na si Carl na maglaro ng basketbol dahil wala
naman kayong pasok. Ngunit alam mong araw iyon ng Sabado kaya
inaasahan ka ng iyong ina na tutulong sa mga gawaing bahay.
Nagdadalawang-isip ka kung sasama kay Carl o susunod sa utos ng iyong
ina. Ano ang iyong gagawin?

28
2. Nagpaplano ang iyong mga kaklase na tapusin ang paglagay ng mga
palamuti sa iyong silid-aralan habang nagkakaroon ng miting ang mga guro.
Alam ng iyong mga kaklase na ang inyong gagawin ay lubos na ikaliligaya ng
inyong guro dahil papalapit na rin ang pagsusuri at pag-iinspeksiyon ng mga
silid-aralan. Ngunit sinabi mo sa iyong mga kaklase na ipagpabukas na lang
ang plano at ikaw ay nagyaya na manunuod muna ng palabas habang
hinihintay matapos ang miting ng mga guro. Ang iyong mga kaklase ay hindi
sang-ayon sa iyong sinasabi dahil kabilin-bilinan ng iyong guro na huwag
manuod ng anumang palabas habang wala siya. Ano ang iyong gagawin?

3. Dahil sa community quarantine na ipinatutupad ng gobyerno dala ng


panganib sa magiging epekto ng Covid-19, ipinagbabawal ang paglalabas ng
bahay ng mga kabataan na wala pang dalawampong taong gulang kagaya
mo. Ang kasalukuyang sitwasyon ay ipinaliliwanag din ng iyong magulang
tulad ng posibleng pagkahawa ng sakit sa mga taong positibo nito kung
patuloy na naglalabas ng bahay. Sa iilang buwan na pananatili mo sa loob ng
bahay, ikaw ay nababagot na at gustong gusto mo ng lumabas ng bahay.
Naisip mo na pumunta sa bahay ng iyong pinsan sa kabilang barangay upang
maglaro ng online games. Alam mo ang posibleng kahahantungan kung
sakaling mahuli ka ng mga pulis dahil sa paglabag sa batas. Ano ang iyong
gagawin?

Tayahin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot. Isulat ang sagot sa Reflective Journal.
1. Isang araw binigyan kayo ng pangkatang gawain ng iyong guro sa ESP. Bilang
paghahanda nagkakaroon kayo ng pag-uusap tungkol sa mga hakbang na
gagawin upang masimulan ang inyong proyekto. Ninanais ng iyong mga
kaklase na sa paaralan na lamang gagawa ng proyekto upang madali lang
mapuntahan ng bawat isa sa grupo. Ngunit ang iyong panukala ay gagawin
ninyo ang proyekto sa inyong bahay. Batid ng bawat kasapi ang layo ng inyong
bahay kaya karagdagang gastos ang pagpunta sa inyo. Ano ang iyong
magiging desisyon?
a. Ipipilit sa mga kamag-aral na sa inyong bahay gagawin ang proyekto.
b. Bibigyan mo ng pamasahi ang iyong mga kaklasel upang makapunta
sa inyo.
c. Susunod sa panukala ng nakararami na gagawin sa paaralan ang
proyekto.
d. Kakausapin ang guro na mailipat sa ibang pangkat upang masunod
ang gusto.
2. Ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung ito ay nakabubuti ay isang
pagpapakita ng:

29
a. Pagiging makasarili.
b. Tahimik na pagproprotesta.
c. Paggalang at pagiging makatuwiran.
d. Paggawa ng dahilan sa kahihinatnan ng isang pasiya.

Dahil sa nangyayaring pandaigdigang pandemya dulot ng Covid-19 maraming tao at


kabuhayan ang lubos na naaapektuhan. Dahil sa panganib na magkahawaan ang
tao, ang pamahalaan ay nagtakda ng mga panuntunan na dapat sundin habang
naka-community quarantine ang buong bansa. Ilan sa

Plano ng mga Gawain

Layunin:

Mga dapat gawin upang


matugunan ang aking
layunin:

Mga paraan kung paano ko


gagawin ang mga ito:

Pagyamanin

Panuto: Mag-isip ng mga pangyayari sa iyong buhay na humahadlang sa


pagsasabuhay mo ng pagkabukas-isipan. Isalaysay ito sa iyong Reflective Journal.

Isaisip

Ayon kay Heraclitus, “Ang pagkakaroon ng bukas na kaisipan ay ang


pinakamahalagang katangian. Ang karunungan ang nagsasabi kung ano ang totoo
at dapat na ikilos ng tao.” Tunay nga na ang tao ay ang pinakamataas na nilikha ng
Diyos. Ang tao ay may isip at puso gayundin nabiyayaan siya ng kalayaan at kilos-
loob. Upang mas makabuluhan ang kanyang pag-iral, mahalaga ang mabuting

30
pakikipag-ugnayan sa kapwa. At ito ay kanyang magagampanan sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng bukas na kaisipan sa kanyang pakikitungo sa iba.

Isagawa

Gawain 4. Sumulat ng isang pangako na magpapakita ng pagkabukas-isipan sa


lahat ng oras lalo na sa paggawa ng mga pagpapasiya para sa ikabubuti ng
nakararami. Magbigay ng mga paraan kung paano gagawin ang iyong pangako.
Bagama’t nanghihinayang si Roselle sa kanyang mga kaibigan na maiiwan sa
Maynila, wala siyang magagawa. Naiisip din niya na ang kanilang pagbabalik
probinsya ay higit na makakatulong sa kinabukasan ng kanilang pamilya.
Gawain 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa
inyong Reflective Journal.
1. Ano ang trabaho ng ama ni Roselle?
2. Anong pagsubok ang kinakaharap ng pamilya ni Roselle?
3. Anong katangian ang nangingibabaw sa pamilya ni Roselle na naging dahilan
sa kanilang pagbabalik probinsya?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang desisyon ng pamilya ni Roselle?
Ipaliwanag ang sagot.
.

Suriin

Kadalasan tayo ay nahaharap sa mga sitwasyon kung saan ang matalinong


pagpapasiya ay higit na inaasahan. Sa mga impormasyon na nakukuha natin mula
radyo, telebisyon, diyaryo at maging mula sa social media, mahalaga ang pagkilatis
kung ang mga ito ay naghahatid ba ng katotohanan. Bilang kabataan, mahalaga ang
pagkakaroon ng pagkabukas-isipan hindi lang sa pagtanggap ng mga impormasyon
ngunit maging sa pagsasagawa ng pasya. Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay
makatutulong upang maging matiwasay ang samahan at mapakinggan ang kanya-
kanyang opinyon upang makamit ang magandang ugnayan ng pamilya at ng mga
tao sa paligid. Ngunit, ano nga ba ang mga paraan ng pagiging pagkabukas-isipan
ng isang indibidwal? Paano nga ba mapapanatili ang pagkakaroon ng bukas na
isipan para sa ikabubuti ng nakararami?
Gawain 2. Isulat ang gawain sa inyong Reflecitve Journal.
Panuto:

31
1. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagiging pagkabukas-isipan ng isang
indibidwal.
a. Nakikinig sa opinyon ng iba.
b. Nirerespeto ang kagamitan ng iba.
c. May pangangalaga sa kapaligiran
d. Binibigyang-halaga ang pasiya ng nakararami
e. Mapagpasensiya sa mga nakatatatanda
1. Pumili ng isa sa mga gawi na nabanggit sa itaas at gumawa ng plano kung
paano mo magagawa ang gawing napili. Gamitin ang talahanayan sa ibaba
bilang batayan sa pagsagot.

mga ito ay ang paglalagi sa loob ng bahay, pagsusuot ng face mask, at


pagsunod sa social distancing. Bilang kabataan, ano ang iyong mahalagang
maiaambag upang makatulong sa krisis na kinakaharap sa buong mundo?
a. Maliligo sa dagat upang makapag-relax kasama ang mga barkada.
b. Bibisita sa mga quarantine facilities at makipag-selfie sa mga
frontliners.
c. Pupunta sa internet café upang makapaglibang habang naka-
quarantine ang iyong barangay.
d. Susunod sa mga panukala ng gobyerno sa mga dapat gawin upang
maiwasan na mahawa sa virus.
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging makatuwiran:
a. Pagsisisi sa ibang tao.
b. Pagbukod sa sarili sa ibang tao.
c. Pagkumbinsi sa iba na lalaban sa lider.
d. Pagsuporta sa desisyon ng nakararami.

5. Ang iyong ama ay nahinto sa pagtatrabaho ng dalawang buwan dulot ng


community quarantine. Dahil nagigipit sa budget, sinabi ng iyong ina na hindi
ka muna bibilhan ng bagong sapatos sa pasukan. Bagaman maayos pa ang
iyong lumang sapatos gustong gusto mo namang magkaroon ng bago pares
tulad nang naipangako ng iyong ina. Dahil sa hindi pagtugon ng iyong
kahilingan ikaw ay nagalit ng lubos at ito ay nagdulot ng pag-aalala sa iyong
mga magulang. Sa iyong palagay, nararapat ba ang iyong ipinakitang pag-
uugali upang matugunan ang iyong gusto?
a. Oo, upang ako ay ipagbili ng bagong pares ng sapatos ng aking ina.
b. Hindi, dahil hindi praktikal ang pagbili ng bagong sapatos kung gipit sa
pera.
c. Oo, para may maipagyabang ako sa aking mga kaklase na bagong
gamit sa pasukan.
d. Hindi nararapat ngunit alam kung hahanap ang aking ina ng
mauutangan upang mabilhan ako ng bagong sapatos.

6-10. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung
tama ang sinasaad sa pangungusap at isulat ang salitang Mali kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng maling pananaw.

32
______6. Maging handa na panindigan ang pasiyang gagawin.
______7. Bago bumuo ng pagpapasiya, tiyakin ang problemang bibigyan ng
solusyon.
______8. Sa pagpili ng pasiya, timbangin lamang ang mga positibong epekto ng
solusyong susundin.
______9. Para sa ikabubuti ng nakararami, ipipilit ang pasiyang gusto kahit ito ay
taliwas sa opinyon ng iba.
______10. Ang pagtatala ng mga impormasyon bilang batayan ay isang balakid sa
pagsasagawa ng pagpapasiya.

Karagdagang Gawain
Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na may kaugnayan sa paggawa
ng desisyon para sa ikabubuti ng nakararami. Ano ang mga pagpapasiya na iyong
ginawa upang maisaalang-alang ang nakabubuti ng nakararami? Paano mo
hinaharap ang sitwasyon? Isulat ito sa iyong Reflective Journal.

Mga Sagot

10. Mali
9. Mali
8. Mali
7. Tama
6. Tama
5. C
4. D
3. D
2. C
1. C
Tayahin

33
pagpapatuloy ng ating talakayan, mas higit pa tayong magabayan sa
pagsasagawa ng mga desisyon para sa ikabubuti ng sarili, pamilya, at higit sa lahat
sa ikabubuti ng nakararami.
Nakatutuwa ang iyong ipinakitang pagsusumikap na matuto sa kabila ng di
karaniwang hamon na mga pamamaraan ng pagtuturo dulot ng kasalukuyang
pandaigdigang pandemya. Upang maging lubos ang iyong kaalaman, patuloy kang
magsumikap na gamitin at pag-aralan ang mga pampagkatutong materyal na
ibinahagi sa iyo. Kaya ihanda ang sarili sa panibagong aralin at hayaan mo sana
akong tulungan at gabayan ka nang sa ganoon matagumpayan natin ang layunin sa
modyul na ito.

Tuklasin

Basahin ang kwento at alamin ang katangiang nagingibabaw ng magkaka-


anak sa hamong kinakaharap.
Panibagong Hamon
Carmen B. Golez

Ang pamilya ni Roselle ay tatlong taon ng naninirahan sa Maynila. Ang


kanyang ama ay nakapasok bilang guwardiya sa isang hotel kaya nagpasiya ang
kanyang mga magulang na doon na manirahan mula probinsiya.
Ngunit sa kasalukuyan ang kanilang pamilya ay nahaharap sa matinding
pagsubok. Dahil sa pandemya dulot ng virus na Covid-19, ang hotel na
pinagtatrabahuan ng kanyang ama ay napipilitang magsara. Ang kaniyang ama ay
nawalan ng trabaho na siyang nagpapahirap sa pagkukunan ng kanilang mga
pangangailangan. May dalawang nakababatang kapatid pa si Roselle, batid niya ang
hirap ng buhay sa Maynila lalo na sa panahong nawalan ng trabaho ang kanyang
ama.

34
Napag-alaman ng mga magulang ni Roselle na mayroong programa ang
gobyerno sa mga gustong magbalik probinsya. Naisip ng kanyang mga magulang
na wala na silang babalikang kabuhayan sa probinsya ngunit sa nakalipas na
dalawang buwan ramdam din nila ang hirap na mamuhay sa Maynila na walang
permanenteng trabaho. Ilang linggo na rin kasi silang umaasa sa mga donasyon na
binibigay ng gobyerno at pribadong grupo.
Dahil wala pang kasiguruan na maibabalik sa normal ang takbo ng
pamumuhay sa bansa, nagpagkasunduan ng pamilya ni Roselle na mag-aaply sa
programang balik probinsya ng gobyerno at bumalik na lamang sa kanilang
probinsya sa Samar. Naniniwala ang kaniyang ama na matutulungan sila ng
kanilang mga kamag-anak sa probinsiya upang makapagsimula muli sa buhay.

Subukin

Panuto: Para sa bilang 1-5. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat
ang salitang Tama kung tama ang sinasaad sa pangungusap at isulat ang salitang
Mali kung ang pangungusap ay nagsasaad ng maling pananaw. Isulat ang inyong
sagot sa inyong Reflective Journal.
_____1. Ang pakikinig sa opinyon ng ibang tao ay pagpapakita ng pagkamagalang.
_____2. Ang pagbibigay ng opinyon sa ating kapwa ay maaaring magdulot ng
positibo o negatibong pakiramdam.
_____3. Ang pagkabukas-isipan ay naipakikita sa pagsang-ayon sa isang pasiya
para sa kabutihang panlahat.
_____4. Kung magkaiba ang iyong ideya sa nakararami, maging makatuwiran at
makatarungan at suportahan ang pasiya ng nakararami.
_____5. Ang pagtanggap sa suhestiyon ng iba ay tanda ng kakulangan ng ating
kaalaman.
_____6. Nakikinig ng mabuti sa opinyon ng iba.
_____7. Nagrereklamo laban sa ginawang pasya ng nakakarami.
_____8. Nakikinig sa mga magulang at guro sa paglutas ng suliranin.
_____9. Binibigyan ng pagkakataon ang iba na magbigay ng kanilang pananaw.
_____10. Pagdadahilan at paninisi sa ibang tao.

Balikan
35
Bago tayo magpapatuloy para sa panibagong aralin, magbabalik-aral muna
tayo. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba at isulat ang inyong sagot sa Reflective
Journal.
1. Ano ang paksa na tinatalakay noong nakaraang aralin?
2. Sa anong paraan natin ito mailalapat sa pang-araw-araw na pamumuhay?
3. Para sa iyo, kapaki-pakinabang ba ang aralin?

Sa nakaraang pagkikita pinag-usapan natin ang pagkamahinahon at ang


kahalagahan nito sa mga pagpapasiyang gagawin. Ang pagiging mahinahon ay
makakatulong upang makamit ang matalinong pasya at maiwasan ang pagsisisi. Sa

Aralin
Pagkamahinahon,
2 Isasabuhay sa
Pagpapasiya

Maligayang Pagbati! Sa ngayon, nasa pangalawang aralin ka na sa Modyul 4


sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa
Unang Markahan, Ikaapat na Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng
suplementaryong kagamitan bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon
sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng
isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat

Tatas: Nasasagot ang mga pakinabang ng pagiging mahinahon sa pagpapasiya

36
Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:

1. Nakapagsang-ayon sa pasiya ng nakararami kung nakabubuti ito


(EsP6PKPIa-i– 37)
a. Nauunawaan ang pakinabang ng pagkamahinahon sa pagpapasiya at
sa pagbuo ng mga plano tungo sa kabutihang panlahat

Subukin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
1. Kayo ay naninirahan ng dalawampong taon sa isang barangay. Isang araw,
nagpatawag ng pulong ang inyong punong barangay upang ipaalam na
mayrong korporasyon ng mga dayuhan na magtatayo ng pabrika sa inyong
lugar. Ayon sa kanya, makatutulong ang pabrika upang mas mapalago ang
inyong lugar at makapagbigay ito ng maraming trabaho sa mga tao.
Ipinahayag rin na mayrong mga bahay na maaapektuhan sa itatayong pabrika
bagama’t babayaran ng angkop na halaga ang mga ito. Kabilang sa mga
bahay na maaapektuhan sa itatayong pabrika ay pag-aari ng iyong pamilya. Ito
ay lubos na ikinagagalit ng iyong ama sa dahilang para sa kanya mawawalang
saysay ang mga naipundar niya sa iilang taon. Ikaw din ay nalulungkot sa
sinapit ng inyong pamilya ngunit alam mo na ang pagtutol sa proyekto ay
imposibleng gawin. Ano ang iyong gagawin upang damayan ang iyong ama?
a. Maghahain ng reklamo sa korte upang tutulan ang pagtatayo ng pabrika.
b. Hindi aalis sa bahay na tinitirahan kahit may order na sa korte na kailangan
na itong lisanin
c. Mahinahong ipapahayag sa ama ang maaring epekto kung sakaling hindi
lilipat ng titirahan
d. Maghikayat ng mga kasama at magplano ng pag-aalsa upang harangin ang
itatayong pabrika
2. Ito ay katangian ng tao na dapat taglayin upang madaling mauunawaan ang
mga sitwasyon o pangyayari sa kanyang buhay at paligid.
a. Pagiging mahinahon
b. Pagtatampo sa pagtutol ng iba
c. Pagtataglay ng bukas na kaisipan
d. Pagkakaroon ng matatag na kalooban

37
3. Ang pagpapasiya ay nangangailangan ng abilidad ng tao na pumili ng mga
bagay na walang pag-aalinlangan. Sa anumang desisyon na gagawin ang
dapat maging bunga ng ating pagpapasiya ay –
a. Para sa sarili
b. Para sa bayan
c. Para sa pamilya
d. Para sa kabutihang panlahat
4. Sa pagsasagawa ng pagpapasiya malaki ang maitutulong ng pagkamahinahon.
Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na hakbang sa pagsasagawa ng
pasiya?
a. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon
b. Pag-alam sa tiyak na suliranin na dapat solusyunan
c. Pagsaalang-alang sa maaring bunga ng pasiyang mapili
d. Paggawa ng agarang desisyon sa suliraning kinakaharap

Aralin
Bukas na Isipan Tungo sa
3 Pasiyang Gagawin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay aking binabati dahil matagumpay mong natapos


ang dalawang aralin para sa Modyul 4 ng Unang Markahan sa Edukasyon sa
Alamin
Pagpapakatao 6! Nawa’y marami ka nang natutunan sa mga aralin na naibahagi.
Mas kawiwilihan mo ang iba pang nilalaman ng modyul sa Unang Markahan,
Ikatlong Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa
iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na
binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat

Tatas: Nasasagot ang kahalagahan ng bukas na isipan sa pagsasagawa ng


pagpapasiya para sa kabutihang panlahat

38
Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:

1. Nakapagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito


(EsP6PKPIa-i– 37)
a. Napahalagahan ang pagkakaroon ng bukas na isipan para sa
kabutihang panlahat

______7. Ang pagiging mahinahon ay nangangahulugan ng pagtatampo kapag


hindi nakikiayon ang iba sa iyong gusto.
______8. Sa pagpapasiya, makakatulong ang pabigla-biglang pagdesisyon upang
may sagot agad ang suliranin.
______9. Ang pagsasalita ng kung anong nasa isip ay mahalaga kahit may ibang
taong nasasaktan.
______10. Sa pagpapasiya, iniisip ang wastong solusyon para sa kapakanan ng
nakararami.

Karagdagang Gawain

Batay sa mga gawain at aralin na tinatalakay sa pangalawang aralin, paano


magiging kapaki-pakinabang ang pagkamahinahon sa pagpapasiya tuungo sa
kabutingan panlahat? Sa iyong pagkakakilala sa iyong sarili, ikaw ba ay nagtataglay
ng ganitong pag-uugali? Magbigay sa sariling karanasan bilang halimbawa. Isulat
ito sa iyong Refective Journal.

Mga Sagot

10. Tama
9. Mali
8. Mali
7. Mali 39
6. Tama
5. D
4. D
5. Saan dapat nakabatay ang gagawing pagpapasiya?
a. Sa mga magulang at guro
b. Sa mga sasabihin ng ibang tao
c. Sa mga opinyon ng mga kaibigan
d. Sa mabuting pagsusuri ng sitwasyon

6-10. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung
tama ang sinasaad sa pangungusap at isulat ang salitang Mali kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng maling pananaw.
______6. Madaling matugunan ang mga problema sa buhay kung ang tao ay
maging mahinahon.
______7. Ang pagiging mahinahon ay nangangahulugan ng pagtatampo kapag
hindi nakikiayon ang iba sa iyong gusto.
______8. Sa pagpapasiya, makakatulong ang pabigla-biglang pagdesisyon upang
may sagot agad ang suliranin.
______9. Ang pagsasalita ng kung anong nasa isip ay mahalaga kahit may ibang
taong nasasaktan.
______10. Sa pagpapasiya, iniisip ang wastong solusyon para sa kapakanan ng
nakararami.

Balikan

40
Bilang paghahanda sa panibagong aralin, magbabalik-aral muna tayo sa
paksa ng ating talakayan noong nakaraang pagkikita. Mahalaga na masagot mo
ang mga tanong na nasa ibaba upang magkaroon tayo ng gabay para sa susunod
na aralin. Gamit ang inyong Reflective Journal sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang paksa na tinatalakay noong nakaraang aralin?
2. Paano ito nakatutulong sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
3. Kapaki-pakinabang ba ang aralin na tinalakay natin noong nakaraang
pagkikita?

Sa nakaraang aralin natalakay ang kahalagahan ng pagiging makatuwiran sa


pagsasagawa ng pagpapasiya. Sa kasalukuyang aralin, madadagdagan pa ang
ating matututunan tungkol sa tamang paraan upang makagawa ng matatalinong
pagdedesisyon sa buhay.
Nakagagalak ang iyong pagsusumikap na matuto sa kabila ng di karaniwang hamon
na mga pamamaraan ng pagtuturo dulot ng kasalukuyang pandaigdigang
pandemya. Upang maging lubos ang iyong kaalaman, patuloy kang magsumikap na
gamitin at pag-aralan ang mga pampagkatutong materyal na ibinahagi sa iyo.
Ang iyong pagpupursige na matuto ay magpapalawak ng iyong kaalaman sa
pakikipagkapwa. Kaya ihanda ang sarili sa panibagong aralin at hayaan mo sana
akong tulungan at gabayan ka nang sa ganoon matagumpayan natin ang layunin sa
aralin na ito.

Tuklasin

Basahin ang kwento at alamin kung ano ang pasiya ng mag-anak na Gomez.
Pansinin kung paano ipinakita ng pamilya ang pagkabukas-isipan at
pagkamahinahon upang magkasundo sila sa wastong pagpapasiya.

41
Isang Mahirap na Desisyon
Constancia Paloma

Sa Makati naninirahan ang pamilya nina Nelia. Doon na ipinanganak ang


kanilang mga magulang. Ang bahay na kanilang tinitirahan na lamang ang natitirang
maliit na bahay doon dahil napaliligiran na ito ng matataas na gusali at malalaking
kompanya.
Masaya silang naninirahan doon dahil malapit sila sa bilihan ng kanilang mga
pangangailangan at malapit din sa kaniyang paaralan. Pati ang kapatid niya na si
Leah, na pangalawa sa panganay ay sa Makati din nagtatrabaho. Ang tanging
malayo lang ang trabaho ay ang tatay nila na nagtatrabaho sa Dasmarinas, Cavite.

babayaran ng angkop na halaga ang mga ito. Kabilang sa mga bahay na


maaapektuhan sa itatayong pabrika ay pag-aari ng iyong pamilya. Ito ay lubos
na ikinagagalit ng iyong ama sa dahilang para sa kanya mawawalang saysay
ang mga naipundar niya sa iilang taon. Ikaw din ay nalulungkot sa sinapit ng
inyong pamilya ngunit alam mo na ang pagtutol sa proyekto ay imposibleng
gawin. Ano ang iyong gagawin upang damayan ang iyong ama?
a. Maghahain ng reklamo sa korte upang tutulan ang pagtatayo ng pabrika.
b. Hindi aalis sa bahay na tinitirahan kahit may order na sa korte na kailangan
na itong lisanin
c. Mahinahong ipapahayag sa ama ang maaring epekto kung sakaling hindi
lilipat ng titirahan
d. Maghikayat ng mga kasama at magplano ng pag-aalsa upang harangin ang
itatayong pabrika

2. Ito ay katangian ng tao na dapat taglayin upang madaling mauunawaan ang mga
sitwasyon o pangyayari sa kanyang buhay at paligid.
a. Pagiging mahinahon
b. Pagtatampo sa pagtutol ng iba
c. Pagtataglay ng bukas na kaisipan
d. Pagkakaroon ng matatag na kalooban

3. Ang pagpapasiya ay nangangailangan ng abilidad ng tao na pumili ng mga bagay


na walang pag-aalinlangan. Sa anumang desisyon na gagawin ang dapat maging
bunga ng ating pagpapasiya ay –
a. Para sa sarili
b. Para sa bayan
c. Para sa pamilya
d. Para sa kabutihang panlahat

42
4. Sa pagsasagawa ng pagpapasiya malaki ang maitutulong ng pagkamahinahon.
Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na hakbang sa pagsasagawa ng
pasiya?
a. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon
b. Pag-alam sa tiyak na suliranin na dapat solusyunan
c. Pagsaalang-alang sa maaring bunga ng pasiyang mapili
d. Paggawa ng agarang desisyon sa suliraning kinakaharap

5. Saan dapat nakabatay ang gagawing pagpapasiya?


a. Sa mga magulang at guro
b. Sa mga sasabihin ng ibang tao
c. Sa mga opinyon ng mga kaibigan
d. Sa mabuting pagsusuri ng sitwasyon

6-10. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung
tama ang sinasaad sa pangungusap at isulat ang salitang Mali kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng maling pananaw.
______6. Madaling matugunan ang mga problema sa buhay kung ang tao ay
maging mahinahon.

Isagawa

Gawain 4. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa iyong


Reflective Journal ang iyong sagot o tugon sa bawat sitwasyon.
1. Habang nagkasalubong sina Gng. Gomez at Donna sa kantina ng paaralan
ipinagbilin ni Gng. Gomez kay Donna na ipabatid sa buong klase na
magbibigay siya ng mahabang pagsusulit kinabukasan. Habang paakyat na
si Donna patungo sa kanilang silid-aralan tinawag siya ni Gng. Reyes at
inutusan na maghatid ng kanyang laptop sa kabilang gusali. Dahil dito
nakalimutan ni Donna ang tugon ni Gng. Gomez. Ano ang dapat gawin ni
Donna?

2. Nakalimutan ni Edwin na dalhin ang kanyang aklat sa bahay. Nagkataon na


mayroon silang gawain na kailangan ipasa kinabukasan. Nakikiusap si Edwin
sa kanyang ama na samahan siya upang bumalik sa paaralan para kunin ang
aklat na naiwan pero sinabi ng kanyang ama na makiusap nalang sa kanyang
guro upang mabigyang pahintulot na sa susunod na araw na magpasa ng
proyekto. Alam ni Edwin na huling araw na sa pagsumite ng proyekto
kinabukasan. Ano ang magiging pasya ni Edwin?

3. Si Roselyn ay may hilig sa pagluluto at kadalasan siya ay nanunuod sa


kanyang ina habang nagluluto. Isang araw tinanghali ng gising ang kaniyang
ina. Napansin ni Roselyn na wala pang nagsasaing sa kanilang kusina dahil
ang kanyang ama ay maagang pumunta sa kanilang sakahan. Nagdesisyon

43
si Roselyn na magsaing habang hindi pa nagigising ang ina. Kinalaunan
napansin ni Roselyn ang masamang amoy na tila nasusunog na kanin. Nang
tiningnan niya ang sinaing, napansin niya na ito ay nasusunog dulot ng
malakas na apoy. Ano ang dapat gawin ni Roselyn bago siya nagpasyang
magluto?

Tayahin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
1. Kayo ay naninirahan ng dalawampong taon sa isang barangay. Isang araw
nagpatawag ng pulong ang inyong punong barangay upang ipaalam na
mayrong korporasyon ng mga dayuhan na magtatayo ng pabrika sa inyong
lugar. Ayon sa kanya, makatutulong ang pabrika upang mas mapalago ang
inyong lugar at makapagbigay ito ng maraming trabaho sa mga tao.
Ipinihayag din na mayrong mga bahay na maaapektuhan sa itatayong pabrika
bagama’t
Isang gabi, nakita nilang magkakapatid na seryosong nag-uusap ang kanilang
ama at ina. Mayroon din silang hawak na mga sulat. Naging suliranin para sa mga
magkakapatid ang nakita nilang iyon, lalo na nang maulit pa ito ng ilang beses.
“Wala na kayang trabaho si Tatay?” ang tanong ni Nelia sa sarili. Pero sa
tingin niya, hindi naman masyadong seryoso ang sitwasyon. “Ano nga kaya ang
problema ng ating pamilya?” tanong naman ng kanilang panganay na si Tom.
“Malalaman din natin ‘yun kapag handa na silang ipaalam sa atin ang problema,
dahil kung mayroon mang dapat bigyan ng pasiya, dapat, kasama tayong
magbibigay ng ating sari-sariling pasiya, hanggang tayo ay mabuo sa pagkakaisa,”
ang sabi naman ni Leah.
Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang araw
ng Linggo, pagkatapos ng hapunan, pinulong ng mga magulang nila ang tatlong
magkakapatid at ipinaalam ang sitwasyong dapat bigyan agad ng pagpapasiya.
“Mga anak,” ang bungad ng kanilang ama. Kailangan nating pagpasiyahan
kung papayag tayo na bilihin ng katabi nating mall ang ating bahay at lupa. Mukha
na tayong kawawa dito.”
Isa pa, mga anak, kahit sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong
squatter dito. Kaya, sinabi ng inyong ina na papayag na siya na ipagbili ang ating
bahay at lupa, pumayag na ako. “Ang inyong pasiya na lamang ang aming
hihintayin,” ang paliwanag ng kanilang ama.
“Oo nga, Tatay, mukha na nga tayong kawawa dito, pero patagalin pa natin
para tumaas pa ang halaga ng ating bahay at lupa,” ang paliwanag ni Tom.

44
“Ikaw, Leah anong pasya mo?” ang tanong ng kanyang ina. “Okey lang po sa
akin kasi kailangan na. Hindi na talaga tayo bagay dito.”
“A, ewan sa inyo!” ang sigaw ni Tom. “Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip
ko kaya gusto kong pataasin pa ang halaga ng ari-arian!” sabay alis ni Tom at
nagkulong sa kwarto.
“Ikaw, anak,” ang tanong ng nanay niya kay Nelia. “Kahit po malalayo ako sa
mga kamag-aral ko at kaibigan, payag po ako na iwanan na natin ang bahay na ito,
kasi kailangan na,” ang sabi ni Nelia. “Aba, kahit bunso, bukas ang isipan, a!” ang
nakangiting sabi ng kanilang nanay. “Hayaan ninyo, susundan ko sa kuwarto ang
kuya ninyo. Paliliwanagan ko,” ang dugtong ng kanilang Nanay.
Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa salas at
sinabi ni Tom na dahil siya lang ang may ibang pasiya, at napagpaliwanagan naman
siya ng kaniyang ina na ang tawad na tatlong milyong piso para sa maliit na bahay at
lupa ay malaki na ring maituturing.
Napagkasunduan rin ng mag-anak na sa Dasmarinas na sila bumili ng bahay
at lupa, at doon na rin sila lahat magtatrabaho at mag-aaral.
Dahil sa pagkabukas-isipan at mahinahong usapan, nagkaisa ang buong
pamilya.

Gawain 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa
inyong Reflective Journal.
1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?
2. May katwiran ba si Tom na huwag pumayag sa pasiya ng buong pamilya na
ipagbili ang kanilang bahay at lupa?
3. Ano ang batayan sa wastong pagpapasiya?
4. Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya? Ano ang mabuting
maidudulot nito?
5. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng pamilya, ano ang magiging pasiya mo?
Ipaliwanag ang inyong sagot.

Suriin

Ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay ay madaling mauunawaan kung


ang tao ay maging mahinahon sa pagtanggap ng mga nagaganap sa kaniyang
buhay. Sa mga pagpapasiya na gagawin maliban sa mapanuring-isip, mahalaga din
ang pagkamahinahon nang sa ganoon matitimbang nang mabuti ang mga desisyon
alang-alang sa kabutihan ng nakararami. Mas higit na kahanga-hanga kung ang
bawat isa ay makabubuo ng isang plano upang mapaunlad ang pagkamahinahon sa

45
gagawing pagpapasiya para sa kabutihang panlahat. Ngunit, ano nga ba ang
maging bunga kung ikaw ay magiging mahinahon sa pagsasagawa ng pagpapasiya
para sa ikabubuti ng nakararami?
Gawain 2. Isulat ang gawain sa inyong Reflecitve Journal.
Panuto:
2. Sa loob ng isang linggo, itala ang iyong mga nagiging pasiya at bigyang-diin
ang mga basehan ng iyong mga pasya.
3. Gamit ang tsart sa ibaba, ibigay ang mga detalye ng mga isinagawang mga
pasya. Lagyan ng tsek (/) ang naging bunga nito kung mabuti o masama
para sa sarili o sa karamihan.

Naging Bunga

Mga Kapasyahan Sa Sarili Sa Karamihan


Araw
Mabuti Masama Mabuti Masama

Lunes

Martes

Miyerkule
s

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

Pagyamanin

Ang pagiging mahinahon ay isang magandang pag-uugali. Mahalaga ang


pagkamahinahon upang makaiwas sa gulo at kapahamakan. Sa aspektong
pagsasagawa ng pagpapasiya, mahalaga ang pagiging mahinahon upang maiwasan
ang pagsisisi sa mga desisyong gagawin.

46
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
inyong Reflective Journal.
1. Bakit kailangang pag-isipang mabuti ang pagpapasiyang gagawin?
2. Paano nasisigurong tama ang pagapasya?
3. Paano nakatutulong ang pagiging mahinahon sa paggawa ng pasya?

Isaisip

Likas na karapatan ng bawat isa ang maipahayag ang sarili. Kaakibat ng


karapatang ito ang pagiging responsable sa mga hakbang na tatahakin tulad ng
pagsasagawa ng mga desisyon sa buhay. Isa sa mga mahalagang bagay na
makatutulong sa pagpapahayag ng sarili at maging responsableng indibidwal ay ang
gabay ng mga magulang o nakatatanda. Ang kanilang gabay ay mahalaga upang
tayo ay makagawa ng matalinong pasya para sa ikabubuti ng nakararami. Ang
pagtanggap ng mga payo at suhestiyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng
pagiging pagkamahinahon ay tanda ng pagbibigay respeto sa kanila.

47

You might also like