You are on page 1of 45

6

Araling Panlipunan
Kwarter 1- Modyul 1
Ang Kinalalagyan ng Pilipinas At Ang
Malayang Kaisipan Sa Mundo

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 - Modyul 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas At Ang
Malayang Kaisipan sa Mundo

Unang Edisyon 2020


Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan
o tanggapan kung saan ito ginawa kung may hangarin na ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga hiram na materyal (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng sinumang nagtataglay ng naturang
karapatang-ari. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala (publisher) at ng mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 6


Mga Manunulat : Divine T. Lapinig, Lycel May B. Maglinte, Marvie A. Taguic
Janet R. Ybañez, Myrna M. Rodriguez, Janice G. Tobat, Jessler N. Rolos

Illustrator and Layout Artist: Edelmiro P. Dangaran Jr.


Proofreader, In-House Content and Language Editors: Camilo P. Baynosa
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr –ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D. Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D. Principal II
Aida M. Alquilita, - Principal I
Ashlima L. Racmat – MT- II
Regionl Evaluator: Manuelita Capito,DepEd,Misamis Oriental Division
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan,Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 510
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Araling Panlipunan
Kwarter 1- Modyul 1:
Ang Kinalalagyan ng Pilipinas
At Ang Malayang Kaisipan Sa Mundo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang
pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lanao del
Norte. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del Norte sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina

COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Aralin 1 – Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo 1

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 6
Pagyamanin FOR VALIDATION

9
Isaisip 12
Isagawa 13
Tayahin 14
Karagdagang Gawain 16

Aralin 2 – Grid sa Globo at Mapang Politikal 17

Alamin 1
7
Subukin 1
8
Balikan 1
8
Tuklasin 1
9
Isagawa 24
Tayahin 25
Karagdagang Gawain 27

Aralin 3 – Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Ekonomiya at Politika 28


ng Asya at Mundo
Alamin 28
Subukin 29
Balikan 30
Tuklasin 31
Suriin 32
Pagyamanin 34
Isaisip 35
Isagawa 36
Tayahin 37
Karagdagang Gawain 39

FOR VALIDATION

Aralin
Ang Kinalalagyan ng
1 Pilipinas sa Mundo
Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa ikaanim na Baitang na ng pag-aaral sa Araling


Panlipunan! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo.
Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-
aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6. Na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang linggo.
Sa araling ito, ay higit mong mauunawaan ang teritoryo at kinalalagyan ng Pilipinas
sa Mundo.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap
FOR VALIDATION

Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa isyung


pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa globo at mapa batay sa
absolute location nito (longhitud at latitud) (AP6PMK-Ia-1)

Subukin 1
Panuto: Sa bahaging ito, subukin mong sagutan ang panimulang pagsusulit
upang mataya ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin.Pagtuunan ng pansin
ang mga tanong na hindi mo tiyak ang sagot at alamin ang wastong kasagutan sa
mga ito sa pagtuklas sa mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Maari mo
nang simulan ang pagsagot. Isulat ang iyong tamang sagot sa kuwaderno.

1. Tingnan ang larawasn sa itaas, sa anong digri matatagpuan ang Prime meridian?
A. 0° B. 30° C. 90° D. 180°

2. Saang bahagi ng Asya kabilang ang Pilipinas?


A. Silangan B. Kanluran C. Timog- silangan D. Hilagang-kanluran

3. Ano ang tawag sa maliit na modelo o replika ng mundo?


FOR VALIDATION

A. Globo B. Oblate spheroid C. Kontinente D. Pulo


4. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa malaking tipak ng mga lupain ng Asya,
Aprika, Antartika, Australya, Hilagang Amerika, Timog Amerika at Europa?
A. Isla B. Bansa C. Rehiyon D.Kontinente
5. Ano ang tawag sa distansya sa pagitan ng dalawang meridian?
A. Relatibong lokasyon B. Latitud C. Prime meridian D. Longhitud
6. Ano ano ang dalawang uri ng panahon na nararanasan sa klimang mayroon ang
Pilipinas?
A. Tagsibol at tag-init
B. Taglagas at tag-ulan
C. Tag-ulan at tag-init
D. Wala sa mga binanggit

7. Ano ang guhit na pahalang na humahati sa globo sa hilaga at timog hating-globo?


A. Latitud B. Longhitud C. Ekwador D.Prime meridian
8. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na representasyong grapikal ng lahat ng
bahagi ng mundo sa isang patag na ibabaw?
A. Meridian B. Mapa C. Parallel D. Ekwador

9. Anong mga direksyon ang ginagamit sa paghahanap ng longhitud?


A. Hilaga at Timog
B. Hilaga at Silangan
C. Silangan at Kanluran
D. Timog at Silangan
10. Ano ang nabubuo kapag pinagsama ang guhit latitud at longhitud sa mapa o
globo?
A. Prime meridian B. Tropiko ng Kanser C. Grid D. Ekwador

Balikan

Gamit ang iyong mga dating kaalaman hinggil sa relatibong lokasyon o


FOR VALIDATION

bisinal, isulat ang tamang lokasyon ng mga bansa, pulo, at anyong tubig na
nakapaligid sa Pilipinas. (Hilaga, Timog, Kanluran, Silangan). Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. Dagat Pilipinas - _____________ 6. Thailand - ______________


2. Karagatang Pasipiko - _________ 7. Taiwan - _______________
3. Dagat Kanlurang Pilipinas - _____ 8. Dagat Sulu - ____________
4. Myanmar - _________________ 9. Tsina - _________________
5. Lagusan ng Bashi - ___________ 10. Indonesia - _____________

3
Tuklasin

Gawain
Pansinin at suriin ang mga larawang ito.

FOR VALIDATION

4
Panuto: Gamit ang mga larawan na nasa itaas. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong at piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

B Prime Meridian Grid


E Ekwador

1. Ano ang tawag sa mga guhit na humahati sa Hilagang Hatingglobo at Timog


FOR VALIDATION

Hatingglobo? _______________

2. Anong titik ang matatagpuan sa Timog Hatingglobo? _______________

3. Anong titik ang matatagpuan sa Hilagang Hatingglobo? _______________

4. Ano ang tawag sa longhitud na may 0o ? ______________

Suriin 5
Ang mapa at globo ay may pahalang at patayong guhit. May mga pananda at
simbolo rin ito. Likhang isip ang mga ito. Ang mga guhit at pananda o simbolo nito ay may
kahulugan.
Sa gitna ng globo ay may pahalang na guhit. Ito ang naghahati saglobo sa dalawang
magkasinlaking bahagi. Ang bahaging nasa gawing itaas ng globo ay tinatawag na
Hilagang Hatingglobo. Ang Bahaging nasa ibaba ng globo ay tinatawag na Timog
Hatingglobo.

Tingnan mo ang prime meridian. Ito ay patayong guhit meridian na may zero (0°).
Mula sa zero (0°) pakaliwa ay patungong kanluran. Mula (0˚) pakanan ay patungong
silangan.

Basahin at pansinin mo ang ekwador. Ito ang pahalang na guhit na may zero (0°).
Mula sa ekwador patungo sa polong hilaga ay ang Hilagang Hatingglobo. Mula sa
ekwador patungo sa polong timog ay ang Timog Hatingglobo.

FOR VALIDATION

6
Digri(o) - ang ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar sa ekwador. Ang
ekwador ay nasa zero digri (0 o). Ang mga bilang ng guhit latitud ay 0 o mula sa ekwador
hanggang 90o patungong polong hilaga o polong timog.
Tingnan ang Pilipinas sa globo. Nakikita mo ba na ang Pilipinas ay nasa hilaga ng
ekwador? Ang tiyak na lokasyon nito ay nasa pagitan ng 4 o23’ at 21o25’ Hilagang Latitud at
sa pagitan ng 116o at 127o Silangang Longhitud.
May mga guhit saglobo na nagmumula naman sa polong hilaga patungong polong
timog. Nagtatagpo ang mga guhit na ito sa dalawang polo. Ito ang mga guhit longhitud.
Sinusukat sa digri ang layo ng mga guhit longhitud sa isa’t isa. Ang longhitud na may 0 o ay
tinatawag na Prime Meridian. Ang mga guhit longhitud ay ginagamit na panukat sa layo ng
isang lugar pasilangan o pakanluran mula Prime Meridian. Nasa silangang longhitud ang
mga lugar na nasa silangan ng Prime Meridian, nasa kanlurang longhitud ang mga lugar
naman ng nasa kanluran ng Prime Meridian. FOR VALIDATION

Ang grid ay nabubuo kung pagsasamahin ang mga guhit latitud at guhit longhitud sa
mapa ng mundo o globo. 7
Suriing Mabuti ang halimbawa kung paano gamitin ang guhit latitud at longhitud sa
pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar.

Hanapin kung anong isla ang matatagpuan sa loob ng 45o-67oK latitud at 10o-40oT longhitu

FOR VALIDATION

Sagot: Isla Tala

Pagyamanin 8

Gawain 1.
Panuto: Suriing mabuti ang larawan tungkol sa globo at sagutin ang mga tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Anong bansa ang nasa 30oS Latitud at 30oH Longhitud?


A. E B. P C. T D. R
2. Makikita ang titik R sa pagitan ng ___________ at ___________Hilagang Latitud.
FOR VALIDATION

A. 30oT Latitud at 0oH Longhitud B.15oH Latitud at 15oH Longhitud


C. 60oT Latitud at 90o Hilagang Longhitud D. Walang sagot
3. Anong bansa ang nasa pagitan ng 45 oH Latitud at 0oH Longhitud?
A. A B. D C. B D. P
4. Anong bansa ang nasa pagitan ng 15 oH Latitud at 60oS Longhitud?
A. T B. E C. B D. R

9
Gawain 2.
Panuto: Ipagpalagay natin na ang nasa ibaba ay larawan ng mga bansa. Sagutin ang
mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

1. Anong bansa ang nasa 50 °K Latitud at 80°H Latitud at 15°H Longhitud


A. SAM B. BET FOR VALIDATION
C. ALA D. BAG
2. Anong bansa ang makikita sa pagitan ng 10° at 50°H Latitud at 15°S at 45°S
Longhitud?
A. LET B. CAT C. BAG D. ALA
3. Anong bansa ang nasa pagitan ng 2°:-25° K Latitud at 4°-15°K Longhitud
A. FAT B. BET C. ALA D. CAT
4. Saan matatagpuan ang bansang YES?
A. Pagitan ng 8°: at 54°:H Latitud at 4°: at 57°:S Longhitud
B. Pagitan ng 20°: at 50°:H Latitud at 15°: at 60°:K Longhitud
C. Pagitan ng 0° at 45°:H Latitud at 15°: at 45:S Longhitud
D. Pagitan ng 30:S Latitud at 60:S Latitud at 30:S Longhitud at 45:H Lon

10
Gawain 3.
Panuto: Gamit ang larawan, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Anong bansa ang nasa ng 30° H. latitud, at 70° K. longhitud?


A. FAT
B. CALI
C. EVER
D. HARI

2. Saan matatagpuan ang bansang BALI?


A. pagitan ng 50° at 80° T latitud at 15°at 45° S. longhitud
FOR VALIDATION

B. pagitan ng 0° at 45° H. latitud at 15° at 45° S. longhitud


C. pagitan ng 50° at 80° H. latitud at 45° at 75° K longhitud
D. pagitan ng 20° at 50° H. latitud at 15° at 60° K. longhitud

3. Anong bansa ang nasa pagitan ng 45° TK. latitud at 40˚ K. longhitud?
A. BALI
B. FAT
C. CALI
D. DOLE

4. Anong bansa ang nasa pagitan ng 40° S. latitud at 60˚ T. longhitud?


A. FAT
B. GAT
C. BALI
D. DOLE

5. Saan matatagpuan ang bansang EVER?


A.pagitan ng 5° at 55° H. latitud at 0° at 55° S. longhitud
B.pagitan ng 0° at 45° H. latitud at 15° at 45° S. longhitud
C.pagitan ng 0° at 30° T. latitud at 15° at 45° S. longhitud
D.pagitan ng 20° at 50° H. latitud at 15° at 60° K. longhitud

11
Isaisip
Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, lagyan ng tamang sagot ang
bawat patlang sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Isang modelo ng mundo ang _______________. May pahalang at patayong guhitsa

globo na tumutukoy sa sukat ng isang lugar. Guhit_______________at

guhit_______________ang tawag dito. Mahalaga ng mga guhit sa globo sa pagtukoy sa

________________ na kinalalagyan ng isang lugar. Ang Pilipinas ay nasa

_______________ latitud at _______________longhitud.

FOR VALIDATION

12
Isagawa
Panuto: Pansinin ang mapa. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
kwaderno.

FOR VALIDATION

1. Saan matatagpuan ang Palawan?


A. 123ᵒ at 124ᵒ H latitud at 8ᵒ at 12ᵒ S longhitud
B. 117ᵒ at 120ᵒ H latitud at 8ᵒ at 12 ᵒ S longhitud
C. 122ᵒ at 123ᵒ H latitud at 10ᵒ at 12ᵒ S longhitud
D. 118ᵒ at 121ᵒ H longhitud at 10ᵒ at 12ᵒ S longhitud

2. Anong lalawigan ang nasa pagitan ng 122ᵒ at 123ᵒ H latitud at pagitan ng


10 1/2ᵒ at 11 1/2 ᵒ S longhitud?
A. Aklan B. Capiz C. Iloilo D. Antique

3. Anong lugar ang nasa 122ᵒ H latitud at 10 1/2ᵒ at 12 oS longhitud?


A. Aklan B. Capiz C. Iloilo D. Antique

4. Anong lalawigan ang nasa 123oH latitud at 9o at 10 1/2oS.longitud?


A. Aklan B. Palawan C. Negros Oriental D. Siquijor

13
Tayahin
Panuto: Suriing mabuti ang mapa. Isulat sa kwaderno ang tinutukoy na bansa sa
bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.

FOR VALIDATION

1. Anong bansa ang makikita sa pagitan ng 31ᵒ at 45ᵒH latitud at 131ᵒ at 145ᵒS
longhitud.
A. Myanmar B. Tsina C. Japan D. Pilipinas

2. Anong bansa ang makikita sa pagitan ng 16ᵒ at 28ᵒH latitud at 92ᵒ at 102ᵒS
longhitud?
A. Taiwan B. Myanmar C. Pilipinas D. Vietnam

3. Anong bansa ang makikita sa pagitan ng 4ᵒ at 21ᵒH latitude at 116ᵒ at 127ᵒ S


longhitud?
A. Pilipinas B. Japan C. Thailand D. Cambodia

4. Anong bansa ang makikita sa pagitan ng 19ᵒ at 55ᵒH latitud at 74ᵒ at 135ᵒS
longhitud?
A. Tsina B. Pilipinas C. Mongolia D. Singapore
14
5. Ang bansang Japan ay matatagpuan sa pagitan ng _____________ at
___________.
A. pagitan ng 23ᵒ at 26ᵒH latitud at 120ᵒ at 122ᵒS longhitud
B. pagitan ng 4ᵒ at 21ᵒH latitud at 116ᵒ at 127ᵒ S longhitud
C. pagitan ng 9o at 13oH latitud at 102o at 107oS longhitud
D. pagitan ng 31ᵒ at 45ᵒH latitud at 131ᵒ at 145ᵒS longhitud

6. Ang bansang Singapore ay matatagpuan sa pagitan ng ____________ at


______________.
A. pagitan ng 9o at 13oH latitud at 102o at 107oS longhitud
B. pagitan ng 5oT at 8oH latitud at 93o at 106oS longhitud
C. pagitan ng 9o at 13oH latitud at 102o at 107oS longhitud
D. pagitan ng 4ᵒ at 21ᵒH latitud at 116ᵒ at 127ᵒ S longhitud

7. Ang bansang Vietnam ay makikita sa pagitan ng _________at ____________.


A. pagitan ng 4ᵒ at 21ᵒH latitud at 116ᵒ at 127ᵒ S longhitud
B. pagitan ng 23ᵒ at 26ᵒH latitud at 120ᵒ at 122ᵒS longhitud
C. pagitan ng 9o at 24oH latitud at 104o at 108oS longhitud
D. pagitan ng 31ᵒ at 45ᵒH latitud at 131ᵒ at 145ᵒS longhitud

8. Ang bansang Cambodia ay makikita sa pagitan ng __________ at ________.


A. pagitan ng 9o at 24oH latitud at 104o at 108oS longhitud
B. pagitan ng 9o at 13oH latitud at 102o at 107oS longhitud
FOR VALIDATION

C. pagitan ng 4ᵒ at 21ᵒH latitud at 116ᵒ at 127ᵒ S longhitud


D. pagitan ng 23ᵒ at 26ᵒH latitud at 120ᵒ at 122ᵒS longhitud

9. Paano makatutulong ang grid sa mapa o globo?


A. Ginagamit ito sa pag-unawa sa daigdig
B. Matutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar
C. Makikita dito ang mga anyo at hugis ng mga kontinenteng matatagpuan sa
daigdig
D. Lahat ng nabanggit

10. Bakit mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas?


A. Angkop ang lokasyon nito para sa pangkaligtasang base laban sa
pagsalakay ng mga bansa sa Silangan.
B. Nagkaroon ng impluwensyang silanganin at kanlurin mula sa mga bansa
sa Europa at Amerika ang ating katutubong kultura
C. Maaring maging sentro ito ng pamahahagi ng iba’t ibang produkto at
kalakalan mula sa ibang bansa ng Timog- Silangang Asya at ng mundo
D. Lahat ng nabanggit.
15

Karagdagang Gawain

Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kwaderno.

FOR VALIDATION

Hanay A Hanay B

1. Pilipinas A. pagitan ng 4ᵒ at 21ᵒ H latitud at


116ᵒ at 127ᵒ S longhitud

2. Taiwan B. pagitan ng 23ᵒ at 26ᵒ H latitud at


120ᵒ at 122ᵒ S longhitud
3. China C. pagitan ng 16ᵒ at 28ᵒ H latitud at
92ᵒ at 102ᵒ S longhitud
4. Myanmar D. pagitan ng 19ᵒ at 55ᵒ H latitud at
74ᵒ at 135ᵒ S longhitud
5. Japan E. pagitan ng 31ᵒ at 45ᵒ H latitud at
131ᵒ at 152ᵒ S longhitud

16

Aralin
Grid sa Globo at Mapang
2 Alamin
Politikal

Alamin

Maligayang pagbati! Ikaw ay nasa ikaanim na ng pag-aaral sa Araling Panlipunan!


FOR VALIDATION

Kawiwilihan mo ang nilalamanan ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo. Ito ay


ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral
sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang linggo.
Sa araling ito, gagamitin ang grid sa globo at mapang politikal sa pagpapaliwanag ng
pagbabago ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas batay sa kasaysayan.
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mapanuring pag-uunawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino.
Pamantayang sa Pagganap
Naipamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig
batay sa lokasyon nito sa mundo.
Pamantayan sa Pagkatuto
Nagagamit ang grid sa globo at mapang politikal sa pagpapaliwanag ng pagbabago
ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas batay sa kasaysayan. (AP6PMK-Ia-2)
Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinagong ganda ng
modyul na ito.
17

Subukin

Tama o Mali: Isulat ang tama kung ang pahayag ay wasto, mali kung hindi sa
patlang. Isulat ang inyong sagot sa iyong kwaderno.
______1. Ang Absolute location ay tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng isang lugar o
bansa.
______2. Ang pahalang na guhit sa gitna ng globo ay tinatawag na ekis.
______3. Ang Prime Meridian ay naghahati sa globo bilang silangang hating globo at
kanlurang hating globo.
______4. Ang absolute location ng Pilipinas ay sa pagitan ng 4°23’ at 21°25‘ Hilagang
Latitud at sa pagitan ng 116°  at 127° Silangang longhitud.
______5. Ang mga espesyal na guhit latitud ay Tropiko ng Kanser, Ekwador at
Kabilugang Antartika.
______6. May dalawang paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas-ang tiyak na
lokasyon at ang relatibong lokasyon.
______7. Matutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng latitude at
FOR VALIDATION

longhitude.
______8. Ang longhitud ang anggular na distansiya pasilangan o pakanluran mula sa
Prime Meridian.
______9. Ang latitud naman ang mga distansya ng pahilaga o patimog mula sa hilaga
______10. Ang globo at mapa ay mga replika ng ating mundo.

Balikan

Sa nakaraang leksyon ay natutuhan natin ang kasanayan sa kinalalagyan ng


Pilipinas sa mundo sa globo at mapa batay sa absolute location nito (longhitud at latitud).
Naunawaan at madali nating natukoy ang absolute location ng Pilipinas sa mundo gamit
ang mapa o globo. Ang pagtatakda ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan
ng longhitud at latitud o paggamit ng sistemang grid ay pagbibigay ng tiyak na lokasyon ng
isang lugar sa ibabaw ng mundo.
Tuklasin 18

S itwasyon: Susunduin si Neth ng kanyang ina sa bahay ni Bing. Ang kanyang ina
ay magsisimula sa kanilang bahay. Ipagpalagay natin na ikaw ay si Neth. Gamit ang
simpleng mapa, bibigyan mo ng direksyon ang iyong ina sa iyong lokasyon.

Panuto: Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na mga direksyon na


maaari mong maibigay sa iyong ina.

Baybayin Bahay ni Neth

FOR VALIDATION

Paaralan Simbahan

Bahay ni Bing Parke

Mga Kasagutan:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

19

Rubriks:

5- Nakapagbibigay ng limang pangungusap na may eksaktong lokasyon.

4- Nakapagbibigay ng apat na pangungusap na may eksaktong lokasyon.

3- Nakapagbibigay ng tatlong pangungusap na may eksaktong lokasyon.

2- Nakapagbibigay ng dalawang pangungusap na may eksaktong lokasyon.

1- Nakapagbibigay ng isang pangungusap na may eksaktong lokasyon.

Suriin FOR VALIDATION

Kasanayan 1

Panuto : Sa sitwasyong ibinigay sa taas na iyong napag-aralan. Sagutin ang mga


sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Paano mo mailalarawan ang lokasyon ni Neth gamit ang mapa?

____________________________________________________________

___________________________________________________________

2. Bakit kinakailangang gumamit ng mapa sa paghahanap ng lokasyon ng isang tao o


bagay?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Rubriks:

2- Kapag naipaliwanag nang maayos at tama ang mga katanungan.


1-Naipapahayag pero may maling baybay at pagsasayos ng mga salita

20
Ito ay larawan ng mapa at globo.

FOR VALIDATION

Ang Grid Sa Globo o Mapa


       Ito ay paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbolo at pinapahiwatig ang
kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng nasasaad na kalawakan.

Globo
     Ito ay isang modelo ng daigdig. Ipinakikita nito ang eksaktong posisyon ng daigdig na
nakahilig sa aksis nito.

Mapa
       Ito ay patag na larawan ng mundo.
 Grid
       Ito ay ang pagtatagpo ng mga guhit latitud at guhit longhitud sa globo o mapa ng
mundo. Ginagamit ang grid sa tiyak na kinalalagyan ng isang lugar sa mundo.Ginagamit
ang grid sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon o lugar sa mundo.

Ekwador
       Pahalang na guhit sa gitna ng globo.

Hating Globo
       Dalawang magkasing laking bahagi ng mundo.

Guhit Latitud
       Ang tawag sa mga guhit na pahalang na makikita sa globo at mapa ng mundo.

Guhit Longhitud 21
       Tawag sa mga guhit na patayo mula Polong Hilaga patungong polong Timog na
nakapalibot sa globo.

Interpolasyon
Ang paraan ng pagtantya sa kinalalagyan ng isang pook kung hindi ipinakikita ang
mga guhit na parallel at meridian.

Prime Meridian
       May 180 digri guhit longhitud pakanluran at 180 degree pasilangan kaya may kabuuan
itong 360 digri.

Digri
       Ang ginagamit sa pagsukat sa layo ng mga guhit ng globo.

International Dateline
       Katapat na guhit ng prime meridian at ito ay nasa 180 degree longhitude.
FOR VALIDATION

Mapang Politikal
       Nagpapakita ng hangganan ng nasasakupan ng isang lugar.

Laki, Lawak at Hangganan ng Pilipinas


 May lawak na 300, 000 kilometrong parisukat.
 Mas maliit kaysa bansang Japan
 Mas malaki ng kaunti kaysa bansang Laos o Cambodia

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

1. Ano ano ang ginagamit sa pagsukat sa layo ng mga guhit sa globo.

2.Paano mo maihahambing ang globo sa mapa?

3. Bakit kailangan nating malaman ang kinalalagyang ng Pilipinas sa mundo?

4.Paano natin masusukat ang hangganan at lawak  ng teritoryo ng Pilipinas?

5. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kung walang mapa at globo?
22
Pagyamanin

Kasanayan 1
Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.
________1. Ano ang ginagamit sa pagsukat sa layo ng mga guhit ng globo?
________2. Ang tawag sa mga guhit na pahalang na makikita sa globo at mapa ng
mundo.
________3.Ito ay ang pagtatagpo ng mga guhit latitud at guhit longhitud sa globo o
mapa ng mundo.
________4. Nagpapakita ang hangganan ng nasasakupan ng isang lugar.
________5. Katapat na guhit ng prime meridian at ito ay nasa 180 digri longhitud.

FOR VALIDATION

Kasanayan 2:
Sagutin ang crossword puzzle.Isulat ang tamang sagot sa iyong kwaderno.
Pahalang Pababa
1. Tawag sa mga guhit na patayo 5. Ang tawag sa mga
mula polong hilaga patungong guhit na makikita sa globo
polong timog na nakapalibot at mapa ng mundo.
sa globo.
4. Ito ay patag na representasyon ng mundo. 2. Ito ay ang pagtatagpo ng
mga guhit latitud longhitud
sa globo o mapa.
3.Ito ay modelo ng daigdig.

2.g

1. l 3.g
4.m 5.
23

Isaisip

 
Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, lagyan ng tamang sagot ang bawat
patlang sa ibaba. Isulat ito sa iyong kwaderno.
Ang mapa at globo ay mga replika ng ating ____ upang matukoy ang
kinalalagyan sa teritoryo ng Pilipinas. Ang ____ay bilog na representasyon ng mundo.
Samantalang ang ____ay patag na representasyon ng mundo.
Kailangan nating malaman ang kinalalagyang ng Pilipinas upang malaman ang
lawak, laki at hangganan ng teritoryo nito sa mundo. May lawak na ____kilometrong
parisukat. Mas maliit kaysa bansang Japan. Mas malaki ng kaunti kaysa bansang
Laos o Cambodia. Ginagamit ang _____ sa pagsukat sa layo ng mga guhit ng globo.
Ang ____ ay nagpapakita ng hangganan ng nasasakupan ng isang lugar.
FOR VALIDATION

Inilalarawan nito ang dibisyong pangheograpihya ng isang lugar.

Isagawa

Kasanayan 1:
Panuto: Gumuhit nang buo, maayos at tamang grid sa globo na may nakalabel na
ekwador, international date line at prime meridian sa iyong kuwaderno. (5 puntos)
Rubriks
5- Naiguhit nang buo, maayos at tama ang grid sa globo at may wastong label.
4- Naiguhit nang buo, maayos at tama ang grid sa globo ngunit kulang ang
label.
3- Naiguhit nang buo ,maayos at tama ang grid sa globo ngunit walang label.
2- Naiguhit nang buo at maayos ngunit mali ang pagkakagawa ng grid sa
globo at walang label.
1- Naiguhit ngunit kulang, hindi maayos at mali ang pagkagawa ng grid sa
globo at walang label

24

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kwaderno.


1. Ano ang pagtatagpo ng mga guhit latitud at guhit longhitud?
A. Grid
B. Ekwador
C. International Dateline
D. Interpolasyon

2. Ano ang paraan ng pagtantya sa kinalalagyan ng isang pook kung hindi ipinakikita
ang mga guhit na paralell at meridian?
FOR VALIDATION

A. prime meridian
B. ekwador
C. interpolasyon
D. latitude

3. Ano ang tawag sa replika ng ating mundo?


A. latitud at longhitud
B. mapa at globo
C. absolute location at relative location
D. lahat ng nabanggit

4. Ito ay nagpapakita ng hangganan ng nasasakupan ng isang lugar. Ano ito?


A. mapang politikal
B. mapang pisikal
C. mapa ng klima
D. mapang ekonomiko
5. Ano ang tawag sa mga guhit na pahalang na makikita sa globo at mapa?
A. guhit longhitud
B. guhit latitud
C. ekwador
D. prime meridian

6. Ilang kilometrong parisukat ang lawak ng Pilipinas?


A. 300,000 kilometro
B. 500,000 kilometro
C. 100,000 kilometro
D. 600,000 kilometro

25
7. Ano ang tawag sa mga patayong guhit mula sa polong hilaga patungong polong
timog na nakapalibot sa globo?
A. guhit latitud
B. guhit longhitud
C. interpolasyon
D. International Dateline

8. Ito ay may 180 digri guhit longhitud pakanluran at 180 digri pasilangan kaya may
kabuuan itong 360 digri. Ano ito?
A. prime meridian
B. ekwador
C. International Dateline
D. interpolasyon

9. Bakit mahalaga na malaman natin ang hangganan at lawak na sakop ng teritoryo


ng Pilipinas?
A. Upang mapaunlad at mapangalagaan ang teritoryo
FOR VALIDATION

B. Para maiwasan ang gulo at alitan sa ibang teritoryo


C. Upang maipagtanggol natin bilang Pilipino ang ating teritoryo
D. Lahat ng nabanggit

10. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa lawak ng teritoryo ng Pilipinas?
A. Mas malawak ang teritoryo ng Pilipinas noon kaysa ngayon
B. Ang lawak ng teritoryo ng Pilipinas ay tumutukoy sa mga bahaging tubig at
lupa
C. Ang sukat ng Pilipinas ay hindi kailanman nagbabago na may 300,000
kilometro kwadrado
D. Ang 7,641 na pulo lamang ang bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas at hindi
kasama ang mga katubigang sakop nito
26

Karagdagang Gawain

Kasanayan 1
Panuto: Punan ng tamang letra upang makabuo ng makabuluhang salita.
1. ___lobo

2. ___kwador

3. Mapang ___olitikal FOR VALIDATION

4. G___id

5. Prime ___eridian

Kasanayan 2

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang W kung ito’y wasto at DW kung hindi wasto.
Isulat ang sagot sa iyong kwaderno .

_______________1. Ang mapa at globo ay mga replika ng ating mundo sa pagtukoy


ng isang lokasyon sa isang lugar.

_______________ 2. Kailangan nating malaman ang  kinalalagyang ng Pilipinas sa


mundo upang malaman ang lawak, laki at hangganan ng
teritoryo nito.

_______________ 3. Ang mapang pangheograpiya ay nagpapakita ng hangganan


ng nasasakupan ng isang lugar.

_______________ 4. May lawak ng 500, 000 kilometrong parisukat ang Pilipinas.

_______________ 5. Ang Interpolasyon ay ang pagtantya sa kinalalagyan ng isang


pook kung hindi ipinakikita ang mga guhit na parallel at
meridian.

27

Aralin Kahalagahan ng Lokasyon ng


Pilipinas sa Ekonomiya at
3 Politika ng Asya at Mundo

Alamin
FOR VALIDATION

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Araling Panlipunan!


Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo at Ikatlong
Aralin. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay
sa pag-aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan VI.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino

Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika
ng Asya at mundo. (AP6PMK-1a-3)

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.
28

Subukin

Subukin A

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang


mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

_____ 1. Ano ang tawag sa samahan ng mga bansang nakapalibot sa Karagatang


Pasipiko na naglalayong magpatupad ng mga patakaran ng malayang
kalakalan?
A. ASEAN B. UN C. APEC D. WTO
_____ 2. Ano ang samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya na ang layunin ay
pataasin ang ekonomiya ng rehiyon at panatilihin ang kapayapaan sa bawat
FOR VALIDATION

kasaping bansa?
A. ASEAN B. UN C. APEC D. WTO
_____ 3. Ano ang ibig sabihin ng ASEAN?
A. Association of Southeast African Nations
B. Association of Southeast Asian Nations
C. Association of Southeastern African Nations
D. Association of Southeastern Asian Nations
_____ 4. Bakit interesado ang Estados Unidos sa pagsuporta sa Pilipinas sa usapin ng
agawan ng teritoryo sa Dagat Kanlurang Pilipinas?
A. Kaaway ng Estados Unidos ang Tsina
B. Banta sa kapangyarihan ng Estados Unidos ang Tsina
C. May interest din ang Estados Unidos sa pinag-aagawang teritoryo
D. Nais patatagin ng Estados Unidos ang relasyon nito sa Pilipinas
_____ 5. Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan?
A. Napadali ang pakikipagkalakalan
B. Naging madali ang pagpasok ng mga ibang dayuhang mananakop C.
Naging maikli ang paglalakbay mula sa Maynila patungo sa ibang bansa
D. Napadali ang komunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang dako ng mundo

Subukin B
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang T
kung tama ang isinasaad ng pahayag at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
_____1. May kahalagahang pangkultura at pangkabuhayan ang lokasyon ng
Pilipinas at ito’y nag-uugnay sa mga bansa sa silangan at kanluran.
_____2. Walang pakinabang sa Asya at mundo ang Pilipinas dahil sa lokasyon nito.

29
_____3. Nakakasagabal sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ang lokasyon nito.
_____4. Malaki ang ambag o kontribusyon sa ekonomiya ng bansa ng mga daungan ng
kalakal at iba pang mga produkto.
_____5. May pansariling interes ang Estados Unidos sa pagsuporta sa Pilipinas sa usapin
ng agawan ng teritoryo.

1. FOR VALIDATION

Balikan

Sa nakaraang aralin, iyong napag-aralan na ang globo at mapa ay replika ng mundo


at ito’y ginagamit upang matukoy ang kinaroroonan ng isang lugar kabilang na ang teritoryo
ng Pilipinas. Nabatid mo rin na ang kaibahan ng globo at mapa. Ang globo ay bilog na
representasyon ng mundo samantalang patag na larawan ng mundo naman ang mapa.
Ang Pilipinas ay may sukat na 300,000 kilometro kwadrado. Ito’y pinalilibutan ng
Bashi Channel sa Hilaga, Dagat Kanlurang Pilipinas sa Kanluran, Dagat Celebes sa Timog
at Karagatang Pasipiko sa Silangan. Ang pinakadulong pulo sa hilagang bahagi ng
Pilipinas ay ang Y’ami at Saluag naman ang pinakadulong pulo sa katimugang bahagi ng
Pilipinas.
30
Tuklasin

Ating tuklasin ang mga salita na ating matutunan sa aralin na ito gamit ang
Loop – A – Word. Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang tinutukoy ng bawat bilang.

pangkultura terminal
estratehikong
daungan base militar
FOR VALIDATION

b d g s a l g a a a m h d
1. Ang Pilipinas ay nasa
____________ lokasyon kaya ito e s t r a t e h i k o n g
ay isa sa pinakamahahalagang h l h d b s s w y i l a a
rutang pangkalakalan.
k i a a a a d a o u a p l
e k y s l a l k n l s i s
n d u l d f a s d n d n i

2. Ang Pilipinas ay naging n d u l d f a s d n d n


____________ ng gawaing a s p r a l e n i v o n
pangkalakalan ng mga bansang
may ruta na dumadaan sa h t a r p I n i l i l a
Karagatang Pasipiko.
k i a a a a d a o u a p
n d l u n u a n d n d n e k y s l a l k n l s i
e s m r a t e h i k o n r d a u n g a n b r y n
h t e r m i n a l i l a

3. k Ang
i aPilipinas
a a aya nagsisilbing
d a o u a p
____________ng
e k y s l mga a sasakyang
l k n l s i
panghimpapawid na nagmumula
papsa Estados
t n dUnidos,
a x Japan,
g d y g a n
31 z a u t g b n a a a m h
4. May mga kahalagahang
____________at v s t r b h e n i k o n
pangkabuhayan rin ang lokasyon
p a n g k u l t u r a b
ngating bansa. Ito ay nag-uugnay
sa mga bansa sa silangan at k i a a a a d a o u a p
kanluran.
e k y s l a l k n l s i
m a n g a v g d x g a n

5. Mainam din itong pagtayuan ng m a u n g a n a a a m h


FOR VALIDATION

_____________ ng malalaking e i t r a h e h i k o n
bansa. Ito ang dahilan kung bakit
patuloy na ninanais ng Estados r b a s e m i l i t a r
Unidos na
makabalik dito. k i a i a a d a o u a p
p a z u x u n l u b a n
a a n d a a k d i h a l

Suriin

Ang lokasyon ng Pilipinas ay mahalaga at may malaking epekto sa pangkabuhayan,


pang-ekonomiya at politika sa Asya at sa mundo.

 Ang Pilipinas ay itinuturing na pinakamahalagang rutang pangkalakalan dahil sa


kanyang estratehikong lokasyon dahil dito tinatawag din ang Pilipinas bilang Pintuan ng
Asya o Gateway to Asia.
 Ang bansa ay naging daungan ng mga gawaing pangkalakalan ng mga bansa na
may rutang dumadaan sa Karagatang Pasipiko.
 Nagsisilbing terminal din ang Pilipinas, partikular ang pandaigdigang paliparan nito
ng mga sasakyang panghimpapawid na nagmula pa sa ibang dako ng mundo.
 Ang Pilipinas ang sentro ng kalakalan sa mga karatig-bansa kaya ito ay tinatawag
na sentro ng kalakalan sa Asya.
Dahil sa estratehikong lokasyon ng Pilipinas mainam itong pagtayuan ng kampo-militar
kaya patuloy ang hangarin ng bansang Estados Unidos na magtayo ng base-militar dito.

 Ang Pilipinas ay isa sa 21 bansang kasapi ng APEC o Asia-Pacific Economic


Cooperation na naglalayong makagawa ng kasaganaan para sa mga tao sa rehiyon sa
32
pamamagitan ng pagtataguyod ng balanse, kompleto, makabago at tiyak na paglago sa
pamamagitan ng pagpapabilis sa panrehiyong integrasyong pang ekonomiya at malayang
kalakalan.
 Kasapi ang Pilipinas ng ASEAN o Association of South East Asian Nations na
kinabibilangan din ng mga bansang katulad ng Brunie, Cambodia, Indonesia, Laos,
Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam ang samahang ito ay
pangheopolitika, pang-ekonomiya at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya
layunin ng samahang ito ang pagtataguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang
panlipunan, pagsulong ng kultura sa mga kasapi at pagpapalaganap ng kapayapaang
pangrehiyon. Pinapanatili ng ASEAN ang kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng
paggamit ng mapayapang paraan ng pagresolba ng hindi pagkakaunawaan sa mga
bansang kasapi.
 Sa usapin sa agawan ng teritoryo sa Dagat Kanlurang Pilipinas, nakuha ng Pilipinas
FOR VALIDATION

ang simpatya ng mga karatig bansa pati na ang Estados Unidos. Matagal nang may
magandang samahan ang Pilipinas at Estados Unidos at isa sa malaking salik sa
pagsuporta nito ay ang interes nito na magtayo ng base militar sa Pilipinas.

Bilang isang Pilipino dapat nating gampanan ang patuloy na pagbabantay at


pangangalaga sa ating teritoryo. Tungkulin ng bawat mamamayan na ipagtanggol sa
anumang panganib na dumating sa ating bansa, gaya ng nakasaad sa Saligang Batas ng
1987, sa Artikulo 2, Seksiyon 4.

Sagutin ang mga bawat katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang katunayang mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng mundo?


2. Ano ang kaugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa interes ng Estados Unidos na magtayo
ng base militar sa bansa?

Gabay sa Pagbibigay ng Puntos


Mga Krayterya at Kaukulang Puntos
Mahusay ang pagkakasunod sunod ng mga ideya sa kabuuan ng 5
sanaysay, mabisa ang panimula at malakas ang konklusyon
Maayos ang organisasyon at pagkakabuo ng talata na may angkop 4
na simula at konklusyon.
May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang 3
panimula at konklusyon
Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya at walang panimula at 2
konklusyon
Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay 1

FOR VALIDATION

33

Pagyamanin

Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang tsek (/) kung itoy
nagpapaliwanag sa kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas at ekis (X) naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

_____1. Ang Pilipinas ay daanan ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid ng iba’t


ibang bansa.

_____2. Nagsisilbing sentro ng kalakalan sa mga karatig-bansa kaya ito ay tinawag na


sentro ng kalakalan sa Asya.

_____3. Hindi angkop ang Pilipinas para sa tanggulang lakas himpapawid at


pandagat.

_____4. Maraming mga dayuhan ang nais makarating sa Pilipinas para makipagkalakalan.
_____5. Nagsisisilbing daanan ang Pilipinas ng mga kalakal na inilululan sa mga barko at
eroplano.

_____6. Dahil sa naging daungan ang Pilipinas ng mga kalakal, maraming Pilipino ang
nakikinabang dito.

_____7. Dahil sa pagiging maliit na bansa ng Pilipinas, walang gaanong bansa na naging
intresado dito.

_____8. Mainam ang Pilipinas na pagtayuan ng base militar ng malalaking bansa. Ito ang
dahilan kung bakit patuloy na ninanais ng Estados Unidos na magtayo ng base
militar dito.

_____9. Ang Pilipinas ay nag-uugnay sa mga bansa sa silangan at kanluran kaya ito ay
may mga kahalagahang pangkultura at pangkabuhayan.

_____10. Sa kasalukuyan wala pa ring ginawa ang ating pamahalaan para matulungan
ang bawat Pilipino.

FOR VALIDATION

34

Isaisip

Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, lagyan ng tamang sagot ang bawat


patlang sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Mahalaga ang lokasyon ng isang bansa dahil ito ay nakakaapekto sa kanyang
ekonomiya at politika.
Ang Pilipinas ay may _____________ lokasyon kaya naging sentro ito ng
komunikasyon, transportasyon at gawaing pangkabuhayan sa Timog Silangang Asya.
Tinagurian din itong _________________ dahil daanan ito ng sasakyang pandagat ng
ibang bansa sa timog Silangang Asya at ng mundo. Ang Pilipinas ay mainam
pagtayuan ng mga ____________________ o pasilidad na nagsisilbing tirahan o
kampo ng mga sundalo na nagsasagawa ng pagsasanay o operasyon. Ang bansang
___________________ ang isa sa mga bansang may interes na gawing base ng
kanilang lakas-militar ang Pilipinas.
Sa usaping politikal naman naging miyembro ang Pilipinas ng iba’t ibang samahan
ng mga bansa na nagtataguyod ng kapayapaan at malayang kalakalan. Isa na rito
ang ___________________ na naglalayong makagawa ng kasaganaan para sa mga
tao sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng balanse, kompleto, makabago at
tiyak na paglago sa pamamagitan ng pagpapabilis sa panrehiyong integrasyong pang
ekonomiya at malayang kalakalan.Kasapi din ang Pilipinas ng __________ na isang
samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya na naglalayung itaguyod ang
paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng kultura sa mga kasapi
at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.
Nakasaad sa Saligang Batas ng ____, sa Artikulo___, Seksiyon ____, na tungkulin
ng bawat Pilipino na ipagtanggol ang bansa laban sa anumang panganib sa
pamamagitan ng paghahandog ng serbisyo militar o sibil sa ilalim ng itinatakda ng
batas.

FOR VALIDATION

35

Isagawa

Gumuhit ng graphic organizer gaya ng sa ibaba, isulat ang mga kahalagahan


ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
KAHALAGAHAN NG
LOKASYON NG
PILIPINAS SA ASYA AT
SA MUNDO

FOR VALIDATION

36
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan.Piliin ang tamang sagot at


isulat sa iyong kuwaderno.

1. Aling bahagi ng ating Saligang Batas isinasaad na kailangang gampanan ng mga


Pilipino ang pagbabantay at pangangalaga sa ating teritoryo?
A. Artikulo 2, Seksiyon 1
B. Artikulo 2, Seksiyon 2
C. Artikulo 2, Seksiyon 3
D. Artikulo 2, Seksiyon 4

2. Ano ang tawag sa samahang pangheopolitika, pang-ekonomiya at pangkultura ng


mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
A. APEC B. ASEAN C. UN D. WTO

3. Anong bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang pinag-aagawan ng bansang Tsina at


Pilipinas sa kasalukuyan?
A. Dagat Sulu
B. Dagat Kanlurang Pilipinas
C. Dagat Celebes
D. Karagatang Pasipiko

4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa ASEAN?


A. Pilipinas
B. Thailand
C. Taiwan
D. Indonesia

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sinasabing estratehiko ang lokasyon
ng Pilipinas?
A. Pagbaba ng ekonmiya ng bansa
B. Daungan ng gawaing pangkalakalan
C. Mainam na pagtayuan ng base military
D. Nagsisilbing terminal ng pandaigdigang paliparan
FOR VALIDATION

6. Bakit itinuturing na pinakamahalagang rutang pangkalakalan ang Pilipinas?


A. angking ganda
B. kanyang estratehikong lokasyon
C. maraming turistang dumarayo sa bansa
D. magandang pamumuno ng mga lider

37

7. Paano nakakatulong ang APEC sa paglago ng ekonomiya ng bansa?


A. Maraming dayuhang turista ang bumibisita sa bansa
B. Maraming bansa sa Asya at Pasipiko ang malayang
nakikipagkalakalan sa Pilipinas
C. Pagpasok ng mga smuggled goods sa bansa
D. Pagpataw ng mataas na buwis sa mga negosyo ng mga dayuhan

8. Ano ang dapat ugaliin ng mga Pilipino kaugnay sa usapin sa agawan ng teritoryo?
A. maging mapagmatyag
B. matutong magpaubaya
C. matutong makipag-away
D. hindi makialam

9. Ano ang katunayan na mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng Asya


at mundo?
A. Ipinadadala rito ang kanilang mga mag-aaral upang mag-aaral ng politika
B. Binigyang pansin ng ibang mga bansa ang mga usaping
kinasasangkutan ng Pilipinas
C. Dinarayo ito ng iba’t ibang bansa upang magnegosyo
D. Ipinadadala rito ang mga mag-aaral upang mag-aral ng Ingles

10. Ano sa iyong palagay ang pinakamabuting gawin ng Pilipinas tungkol sa usapin ng
agawan ng teritoryo?
A. Humanap ng solusyon sa mapayapang paraan
B. Himukin ang Estados Unidos na makipagdigma sa Tsina
C. Huwag tangkilikin ang mga produkto ng Tsina
D. Ipaubaya na lamang sa Tsina ang mga pulo

FOR VALIDATION

38

Karagdagang Gawain

Sa iyong kuwaderno, isulat ang sagot sa tanong sa ibaba.

1. Bakit nasabing maganda ang kinalalagyan o lokasyon ng Pilipinas sa Asya o


mundo?
Gabay sa Pagbibigay ng Puntos
Mga Krayterya at Kaukulang Puntos
Mahusay ang pagkakasunod sunod ng mga ideya sa kabuuan ng 5
sanaysay, mabisa ang panimula at malakas ang konklusyon
Maayos ang organisasyon at pagkakabuo ng talata na may angkop 4
na simula at konklusyon.
May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang 3
panimula at konklusyon
Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya at walang panimula at 2
konklusyon
Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay 1

FOR VALIDATION

39

You might also like