You are on page 1of 57

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 2
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean
(PARABULA)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Parabula)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Bemel Joy C. Paderes
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD EPS - FILIPINO
Tagaguhit: Faith Jade G. Curacho
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD EPS-FILIPINO
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-manager
Jeny B. Timnal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education- Region X


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088 - 813 - 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 2
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean
(PARABULA)

KAHON NG KATUGUNAN

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng


mga edukador mula sa mga pampublikong at pribadong paaralan, kolehiyo
at pamantasan.
Hinikayat ang mga guro at iba pang mga pang-edukasyong
stakeholder na mag-email ng kanilang tugon, puna, at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon, action@deped.gov.ph

Pinapahalagahan namin ang inyong mga tugon at mga


Kagawaran ng Edukasyon .
rekomendasyon. Republika ng Pilipinas

ii
Talaan ng Nilalaman
Takip ng Pahina Pahina
Pahina ng Karapatang-Ari
Pahina ng Pamagat
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita
Aralin 1- Parabula at Elemento ng Parabula
Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 8
Tayahin 9
Karagdagang Gawain 11
Aralin 2 - Ang Tusong Katiwala
Alamin 12
Subukin 13
Balikan 15
Tuklasin 15
Suriin 16
Pagyamanin 17
Isaisip 17
Isagawa 18
Tayahin 19
Karagdagang Gawain 21
Aralin 3 - Pagsasalaysay at Pang-ugnay
Alamin 22
Subukin 23
Balikan 25
Tuklasin 25
Suriin 26
Pagyamanin 27
Isaisip 27
Isagawa 28
Tayahin 29
Karagdagang Gawain 31

iii
Aralin 4- Mensahe ng Butil ng Kape
Alamin 32
Subukin 33
Balikan 34
Tuklasin 35
Suriin 36
Pagyamanin 37
Isaisip 38
Isagawa 38
Tayahin 39
Karagdagang Gawain 41
Aralin 5- Lingguhang Pangwakas na Gawain
Alamin 42
Balikan 42
Tayahin 43
Susi sa Pagwawasto 44
Sanggunian 46

iv
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa Unang Markahan hinggil sa mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean, ang Parabula.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalaman, gawain, paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mga mag-aaral kahit
sila ay nasa kanilang sariling tahanan. mag-aaral

Para sa Mga Magulang:


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng
ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang
limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

v
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

vi
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto
gawain sa modyul.

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan mo ang tungkol sa parabula na


nagmula sa Mediterranean nang sa ganoon ay lalawak pa ang iyong kaalaman
hinggil dito lalo na sa parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Kasabay mo ring
matutuhan sa modyul na ito ang pagsasanib ng gramatika at retorika na nakatuon
sa mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag na susubok sa kakayahan
mong magpahayag at mangatwiran.

Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon


sa gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan.
Sapat na ito upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong sariling kaparaanan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang
mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man saiyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

vii
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat ang
kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa iyo
na matutunan ang Parabula at Mahahalagang Elemento nito, Parabula: Ang Tusong
Katiwala. Isang parabula mula sa Kanluran. Ang Pagsasalaysay at Pag-ugnay, Ang
mensahe ng Butil ng Kape at Lingguhang Pangwakas na Gawain. Sinasaklaw ng
modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong pangkaalaman. Ang wikang
ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng talasalitaan ng mga mag-aaral na
katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang makasunod sa istandard na
pagkakasunod-sunod sa asignatura. Ganoonpaman, ang pagkakasunod-sunod ng
iyong mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na
iyong ginagamit.

Ang modyul ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

• Aralin 1 - Parabula at Elemento ng Parabula


• Aralin 2 - Panitikan: Ang Matalinong Haring si Solomon
• Aralin 3 - Pagsasalaysay at Pang-ugnay
• Aralin 4 - Mensahe ng Butil ng Kape
• Aralin 5 - Lingguhang Pangwakas na Gawain

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. F10PN-Ib-c-63 - Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na


naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
2. F10PB-Ib-c-63 - Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong
3. F10PT-Ib-c-62 - Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga
salita at ekspresyong ginamit sa akda
4. F10PD-Ib-c-62 - Nahihinuha ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
pinanood na akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at magaaral
5. F10PS-Ib-c-65 - Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng
mga berbal at diberbal na estratehiya
6. F10PU-Ib-c-65 - Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na
collage na may kaugnayan sa paksa
7. F10WG-Ib-c-58 - Nagagamit ang angkop na mga piling pangugnay sa
pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari,
pagwawakas)

viii
Aralin

1 Parabula at Mga Elemento Nito

Ngayong nasa huling baitang ka na ng sekondarya, tiyak marami ka ng dating


alam sa parabula na ibig mo pang mapayaman ngayong nasa huling antas ka na
ng iyong pag-aaral.
Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa modyul na
ito. Hangad namin na mahasa at madaragdagan ang inyong kaalaman sa
impormasyong ibinahagi namin sa modyul na ito.

ALAMIN

Ang Aralin1 ng Modyul 2 ay tungkol sa parabula at elemento ng nito, ito ay ginawa at


isinulat para sa inyo. Sa pamamagitan nito tutulungan kayong mas lalo pang
mabibigyan ng mas malalim na kahulugan at maintindihan ang nais ipabatid ng
isang Parabula.
Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda sa
mga mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa
pansariling karanasan at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo.
Mapatunayan mo rin na sa pamamagitan ng akda ang kahirapan at pagsisikap ay
ang dahilan na makapagpapaunlad sa tao

Sa pagtatapos ng aralin na ito inaasahan na:


1. F10PN-Ib-c-63 - Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
2. F10PB-Ib-c-63 - Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong.

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang kahulugan at kasaysayan ng parabula.

1
SUBUKIN

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang
pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. parabula. D. tula

2. Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa banal na Bibliya na


maaaring makapagbigay ng magandang aral.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan

3. Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap


sa kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan

4. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa


lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan

5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan

6. Ito’y mga halimbawa ng parabula MALIBAN sa isa.


A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Ang pagong at ang kuneho

7. Ang pabula ay __________________ ang banghay at ang mga tauhan ay tao.


A. feminismo C. realistiko
B. moralistiko D. romantiko

8. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong


___________ o prosa
A. pakanta C. realistko
B. patula D. sanaysay

9. Ang parabula ay ang mga kuwento na hinango sa ___________.


A. Bibliya C. komiks
B. magasin D. pahayagan

2
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito
kaano-ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa

11. Ang mga sumusunod ay elemento ng parabula, MALIBAN sa isa.


A. banghay C. tagpuan
B. pantig D. tauhan

12. Ang parabula ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay


sa mayamang wika ng mga ______________.
A. taga-Hilaga C. taga-Timog
B. taga- Silangan D. taga-Kanluran

13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa
piling ng ama.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa

14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____.
A. Hesus C. Maria
B. Matthew D. Pedro

15. Kuwentong nagpapaalala sa atin na dapat tayong magpasalamat sa taong


tumutulong sa atin sa oras ng problema o sakuna.
A. Ang Alibughang Anak
B. Ang Mabuting Samaritano
C. Ang Matalinong Haring si Solomon
D. Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

BALIKAN

Ang araling ito ay karagdagang kaalaman sa pag-aaral ng parabula. Ito ay tinalakay


na sa ibang baitang.
Marami sa atin ang naimpluwensiyahan na ng mga kultura at panitikang galing sa
ibang bansa. Isa na rito ang parabula na nagbigay gabay sa atin para magkaroon
tayo ng magandang-asal. Dahil dito nag-iba ng paniniwala ang mga tao, mula sa
kulturang pagbibigay alay sa mga anito para dinggin ang panalangin hanggang sa
dumating ang mga dayuhan gaya ng mga Kastila na ipinakilala ang kristiyanismo.
Dahil dito nagsimula na ang paniniwala ng Pilipino kay Kristo, at ngayon marami na
silang pinakilalang iba’t ibang uri ng panitikan. Isa na rito ang parabula na ipinapakita
ang kagandahang asal at mga aral na makakatulong sa atin para magkaroon ng
matiwasay na pamumuhay.
Ang Parabula ay sinasabing natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at
nabuhay sa mayamang wika ng mga taga-Silangan. Ang salitang ito ay hango sa
salitang Griyego na parabole na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang
bagay upang pagtularin.

3
TUKLASIN

Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula
ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan
na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Ang katangian nito ay pagiging
isang kwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ang isang
bagay sa iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga
kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng
Diyos.
Ang parabula ay realistikong banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula
ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Mula sa
Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Halimbawa ng mga Parabula:
• Ang Alibughang Anak
• Parabula ng Sampung Dalaga
• Ang Mabuting Samaritano
• Parabula ng Nawawalang Tupa
• Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
• Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
• Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
• Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
ELEMENTO NG PARABULA
Apat na Elemento o Bahagi ng Parabula:
1. Tauhan
• Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na
maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mambabasa.
2. Tagpuan
• Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy sa lugar
na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kuwento o may mga
pagkakataong hindi na ito nababanggit sa parabula.
3. Banghay
• Ito ang paglalahad ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayaring naganap sa
kuwento
4. Aral o magandang kaisipan
• Ito ang matututunan ng isang mambabasa matapos mabasa ang isang kuwento.
• Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong
isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na Bibliya

Ano ang Parabula?


• Ito ay isang kuwento na gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang
Mabigyang-diin ang kahulugan.
• Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa
banal na Bibliya.
• Ang mga detalye tungkol sa mga tauhan ay nagbibigay ng malalim na
kahulugan at binibigyang - diin ang aral sa kuwento.

4
SURIIN

Ngayong alam mo na ang parabula at may natuklasan ka nang bagong kaalaman


ukol dito, ikaw ay handa na para sa ating talakayan.
Ang parabula ay isang salaysay na hinango sa Bibliya/Banal na Kasulatan. Nag-
lalaman ito ng magandang-aral.
Katulad ng ibang akdang pampanitikan, ang parabula ay binubuo ng elemento tulad
ng tauhan, tagpuan, banghay at aral o magandang kaisipan. Kinakailangan ito
upang masundan mo ang mga pangyayari sa parabula. Marami kang makukuhang
parabula sa Bibliya tulad ng Ang Alibughang Anak, Parabula ng Sampung Dalaga,
Ang Mabuting Samaritano, Parabula ng Nawawalang Tupa, Pinatigil ni Jesus ang
Bagyo sa Lawa, at iba pa.
Sa parabula nangangailangan ng isa o higit pang tauhan sapagkat ang isang
kuwento ay walang kabuluhan kung wala itong tauhan. Sila ang bumubuhay nito.
Sila ang gumaganap sa istorya. Hindi mabubuo ang iyong kuwento kung wala kang
tauhan na siyang maglalahad ng emosyon.
Ang parabula ay nangangailangan ng tagpuan kung saan dito nangyari ang
kuwento. Ang isang kuwento rin ay maaaring may isa o higit pang lugar na
pinangyarihan. .
Kinakailangan din sa isang kuwento ang banghay, ito ang maayos o masinop na
daloy o pagkakasunod-sunod ng magkaugnay na pangyayari. Sa banghay ay
makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at mabilis
na galaw ng mga pangyayari. Ang simula o panimulang pangyayari ay
nagpapakilala ng tauhan, tagpuan at suliraning kakaharapin. Ang gitna ay makikita
ang papataas na mga pangyayari kung saan dito inilalahad ang lahat ng nangyayari
sa kuwento. Sa bahagi ring ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang
suliraning nagpapasidhi mga pangyayari. Pagkatapos ng mga iba’t ibang pangyayri,
bahagi ng banghay ay magkaroon ng isnag makabuluhang wakas ang kuwento.
Sa iyong binasa, ang parabula ay isang kuwento na may aral na mapupulot na
nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay. Maraming kagandahang asal
ang makukuha natin sa kuwento kung saan pwede mong magamit sa pang-araw-
araw mong pamumuhay.
Kaya bilang mga kabataan sa henerasyon ngayon, sana ay magamit at maisapuso
ninyo ang mga parabulang na basa mo. Ito ay makakatulong sa inyo bilang gabay
ninyo sa pang araw-araw na pamumuhay at sa pagdedesisyon sa sarili. Ang salita
ng Diyos ay hindi para lang kung kanino, kundi para sa lahat. Nawa’y gawin ninyo
itong gabay para sa inyong kinabukasan.

5
PAGYAMANIN

Basahin ang parabula sa ibaba na pinamagatang “Ang Matalinong Haring si


Solomon”. Pagkatapos sagutin ang tanong sa bawat gawain
Ang Matalinong Haring si Solomon
1 Hari 3:3-28; 4:29-34.

Tin-edyer pa lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at


sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay Solomon.
Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: “Solomon, ano ang gusto mong
ibigay ko sa iyo?”
Sumagot si Solomon, “Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako
marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang
inyong bayan sa tamang paraan.”
Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya, “Dahil sa humingi ka ng
karunungan at hindi ng mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas
marunong kaysa sinumang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at
karangalan.”
Hindi nagtagal, may dalawang babae na may mabigat na problema ang lumapit kay
Solomon. Sabi ng isa, “Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at dalawang
araw makaraan nanganak din siya. Isang gabi, namatay ang anak niya,
samantalang natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang patay
na sanggol.”
Sinabi ng ikalawa: “Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay sa kaniya!”
Nagtalo sila. Ano ang gagawin ni Solomon?
Nagpakuha siya ng espada at sinabi, “Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan ang
mga babae ng tigkakalahati!”
Ang tunay na ina ay sumigaw: “Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay na
lang ninyo sa kaniya!” Pero ang ikalawa ay nagsabi, “Sinuman sa amin ay huwag
ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.”
Kaya sinabi ni Solomon, “Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang
babae. Siya ang tunay na ina.” Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay
na ina ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag lang itong
mamatay. Nang mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng
gayon katalinong hari.
Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang pagkain.
Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa magagandang bahay.
Sagana sila.

6
Gawain 1: Pag-ugnayin batay sa naunawaan mong mensahe sa parabula. Ilahad
ang mga bahagi/ pangyayaring nagsasaad ng kabutihan, katotohanan at
kagandahang asal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kagandahang Asal

Parabula: Ang
Katotohanan Matalinong
Kabutihan
Haring si
Solomon

ISAISIP

Gawain 2: Patunayan Mo! Tingnan natin kung ano ang inyong mga natutuhan
sa aralin. Punan ng tamang salita ang patlang. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa


Banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mga
mambabasa. ____________
2. Ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento ay ______.
3. Maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan ay ______.
4-5. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na parabole nanangangahulugang
____________ ang dalawang bagay upang ______________.
6. Ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na
pinagdausan ng kuwento, oras at panahon
7. Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal
na ____________.
8. Ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento
9. Isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang
Mabigyang- diin ang kahulugan. ______________
10. Ang parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap
ng __________.

7
ISAGAWA

Gawain 3: Pag-ugnayin ang mga Pangyayari. Maghanap ng mg pangyayari sa


parabula na pwede mong iugnay sa pangyayaring naranasan mo sa totoong
buhay. Sagutan ang tsart sa iyong kuwaderno.

Pangyayaring mula sa Parabula Pangyayaring naranasan sa


totoong buhay

Binabati kita sa sipag at tiyaga


na iyong ipinakita sa mga
gawaing ito. Sana’y natulungan
kita para madagdagan ang
iyong kaalaman sa parabula.

8
TAYAHIN

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang


pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. parabula D. tula

2. Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa


banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral.
A. aral C. banghay
B. tagpuan D. tauhan

3. Ito ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring naganap


sa kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan

4. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa


lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan

5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento.
A. aral C. banghay
B. tagpuan D. tauhan

6. Ito’y mga halimbawa ng parabula maliban sa isa.


A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Ang Pagong at ang Kuneho

7. Ang parabula ay __________________ ang banghay at ang mga tauhan ay tao.


A. feminismo C. realistiko
B. moralistiko D. romantiko

8. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong


___________ o prosa
A. pakanta C. realistiko
B. patula D. sanaysay

9. Ang mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa ___________?


A. Bibliya C. komiks
B. magazine D. pahayagan

9
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito
kaanu-ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa

11. Ang mga sumusunod ay elemento ng parabula, MALIBAN sa isa.


A. banghay C. tagpuan
B. pantig D. tauhan

12. Ang parabula ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay


sa mayamang wika ng mga ______________.
A. taga-Hilaga C. taga-Kanluran
B. taga-Timog D. taga-Silangan

13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa
piling ng ama.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa

14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____.
A. Hesus C. Maria
B. Matthew D. Pedro

15. Kuwentong nagpapaalala sa atin na dapat tayong magpasalamat sa taong


tumutulong sa atin sa oras ng problema o sakuna.
A. Ang Alibughang Anak
B. Ang Mabuting Samaritano
C. Ang Matalinong Haring si Solomon
D. Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Binabati kita at nasagutan


mo nang maayos ang mga
sumusunod na gawain.

10
KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 4: Suring-kaalaman: Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng


panitikang parabula sa mga Pilipino ayon sa kanilang kaugalian, pamumuhay,
kultura, at paniniwala.

Magaling ang iyong ipinakita


sa araw na ito. Ngayon handa
ka na sa susunod na paksang-
aralin.

11
Aralin
Panitikan: Ang Tusong Katiwala
2
Ang araling ito ay nagtatalakay tungkol sa “Ang Tusong Katiwala”. Ang araling iyong
babasahin ay magbibigay sa iyo ng aral. Ang pagtitiwala ay mahalaga sa isang tao.
Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa modyul na ito.
Hangad namin na mahahasa at madadagdagan ang inyong kaalaman mula sa mga
impormasyong ibinahagi namin.

ALAMIN

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito tutulungan
ka na mas lalo pang mabigyan ng malalim na kahulugan at maintindihan ang nais
ipabatid ng parabula.
Sinasaklaw ng araling ito ang paghihinuha sa nilalaman, elemento at kakayahan ng
akdang binasa na kahit anong uri ng sitwasyon na kinakaharap natin ay madali mo
itong magamit bilang mag-aaral. Ang mga salitang/lenguwaheng ginamit ay madali
lang maintindihan ng mga mag-aaral. Ang mga leksyon ay inayos alinsunod sa
tamang pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang pagkakasunod-sunod nito ayon
sa inyong nabasa ay maaaring magkapalit batay sa teksbuk na ginagamit natin
ngayon,

Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:


1. F10PT-Ib-c-62 - Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita
at ekspresyong ginamit sa akda
2. F10PD-Ib-c-62 - Nahihinuha ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng pinanood
na akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at magaaral

Simulan natin ang


araling ito sa pagsagot
ng subukin. Sana’y
galingan mo.

12
SUBUKIN

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala.
A. Lukas 16:1-15 C. Lukas 19:1-15
B. Lukas 18:1-15 D. Lukas 20 :1-15

2. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?


A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha C. marangya
B. mahirap D. matiwasay

4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa


malaking bagay”. Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap?
A. Maging matapat ka sa lahat ng bagay
B. Ibigay ang hindi para sa iyo
C. Maging masunurin sa lahat ng oras
D. Huwag maging sakim sa kapwa

5. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?


A. inilustay C. ibinigay
B. pinundar D. tinago

6. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?


A. Hesus C. David
B. Pedro D. Moises

7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita
A. mahirap C. matuwid
B. matalino D. masipag

8. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?


A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang kabang trigo
B. Isandaang tapayang alak po D. Isandaang tapayang langis po

9. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo?


A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang tapayang alak po
B. Isandaang kabang trigo D. Isandaang tapayang langis po

13
10. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon.
Anong ibig sabihin nito?
A. malungkot C. nagmamalaki
B. pagmamahal D. sakim

11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang ________.
A. amo C. bathala
B. Diyos D. siga

12. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?


A. Ang pagtitiwala
B. Gawin lahat para matuwa ang iba
C. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli
D. Wag maging sakim

13. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?


A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.

14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.
A. mapagbigay C. masipag
B. maunawain D. sakim

15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti.”
A. buhay C. kayamanan
B. katawan D. utak

Magaling! Ngayon,
simulan na natin ang
paksang-aralin sa araw
na ito

14
BALIKAN

Sa nakaraang paksang-aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa parabula at ang mga


elemento na napapaloob sa parabula.
Ang parabula ay isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora
upang mabigyang diin ang kahulugan.
Ang mga halimbawa ng mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na
Bibliya. Tinalakay din natin ang iba’t ibang elemento ng parabula. Ito ay ang mga
sumusunod: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Aral o magandang kaisipan.

Mga Tala para sa Guro


Sa araling ito, sanay ay mapabasa ninyo sa mga mag-aaral ang parabula. Gabayan
ang mag-aaral sa pagsagot sa mga gawain. Ipa intindi sa kanila kung anong dapat
nilang gawain sa araling ito. Para sa reperensiya ng sagot tingnan ang susi ng
pagwawasto.

TUKLASIN

Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Nais kong
bigyan mo ng pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot
mo ang pokus na tanong: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan
ang parabula bilang akdang pampanitikan?

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang
katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. Kaya’t
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo?
Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako
ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya
naman akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa
pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan!”
Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang
una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?” Sumagot ito, “Isandaang tapayang
langis po.” “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo,

15
gawin mong limampu,” sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw,
gaano ang utang mo?” Sumagot ito, “Isandaang kabang trigo po.” “Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang,” sabi niya. “Isulat mo, walumpu.” Pinuri ng amo
ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa
paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo
ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa
upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang
hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din
sa malaking bagay, ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng
mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi
kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng
talagang para sa inyo?” “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa
dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa,
paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring
maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan. “Nang marinig ito ng mga
Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.Kaya’t sinabi niya sa
kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng
Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga
ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

SURIIN

Ang pagtitiwala ang isa sa pinakamahirap na mawala sa isang tao. Kapag ito ay
mawala hindi ka na sigurado kung pagkakatiwalaan ka niyang muli.
Sa kuwentong “Ang Tusong Katiwala” ipinapakita sa atin na huwag maging
manloloko. Ang kanyang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo. Dahil
dito ay pinagdudahan siya ng kanyang amo.
Ipinakita ni Hesus sa kanyang mga apostol at sa atin na kailangan gamitin natin ang
ating kayamanan sa tama. Huwag lokohin ang taong nagtitiwala sa iyo. Ibig ipahatid
ni Hesus na ang tao ay mas madaling gawin ang makamundong gawain kaysa
sumunod sa utos ng Diyos. Mahirap kasi maging totoo kaysa magsinungaling.
Minsan din madali natin mabubulag ang mga taong sa atin ay may tiwala.
Sinabi rin ni Hesus na walang katiwala na magsisilbi sa dalawang amo. Dahil ang isa
ay pupurihan niya at ang isa ay ipagkakanulo niya. Ibig sabihin nito hindi pwedeng
pagsabayin ang dalawa. Ang salapi at pagsisilbi sa Panginoon. Minsan kasi ang tao
ay mas gusto pang kumita ng pera kaysa pumunta sa simbahan.
Kapag panahon na ng pagpunta sa simbahan, marami na tayong ginagawa.
Nasisilaw tayo sa pera kaya minsan nalilimutan na nating magsilbi sa Diyos. Sa
panahon ngayon mas nakikita natin na kaunti lamang ang nagsisimba dahil ang iba
ay abala sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa
oras ng kagipitan lamang tayo tumatawag sa Panginoon.
Huwag nating hayaan na maging alipin tayo ng salapi. Piliin natin nang maayos ang
desisyon na ating gagawin dahil nasa huli ang pagsisi.

16
PAGYAMANIN

GAWAIN 1: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda sa pamamagitan ng pag-


iisa-isa sa mga salita at ekspresyong ginamit sa parabula.

Nagustuhan Hindi Nagustuhan Natutuhan

ISAISIP

Gawain 3: Pangkalahatang Kaalaman sa Aralin 2: Ibuod ang natutuhan sa


parabulang “ Ang Tusong Katiwala”. Isulat ito sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

17
ISAGAWA

GAWAIN 4: Iba Ka: Ilahad ang nilalaman, elemento at kakayahan ng


parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Gamitin ang grapikong
presentasyon.

Kakayahan

Parabulang “Ang
Tusong Katiwala”

Elemento
Nilalaman

Binabati kita at nasagutan


mo nang maayos ang
mga tanong.

18
TAYAHIN

Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.


1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala?
A. Lukas 16:1-15 C. Lukas 19:1-15
B. Lukas 18:1-15 D. Lukas 20 :1-15

2. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?


A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha C. marangya
B. mahirap D. matiwasay

4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa


malaking bagay”. Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap.
A. Maging matapat ka sa lahat ng bagay
B. Ibigay ang hindi para sa iyo
C. Maging masunurin sa lahat ng oras
D. Huwag maging sakim sa kapwa

5. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?


A. inilustay C. ibinigay
B. pinundar D. tinago

6. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?


A. Hesus C. David
B. Pedro D. Moises

7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita
A. mahirap C. matuwid
B. matalino D. masipag

8. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?


A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang kabang trigo
B. Isandaang tapayang alak po D. Isandaang tapayang langis po

9. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo?


A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang tapayang alak po
B. Isandaang kabang trigo D. Isandaang tapayang langis po

19
10. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon.”
Anong ibig sabihin nito?
A. malungkot C. nagmamalaki
B. pagmamahal D. sakim

11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang ________.
A. amo C. bathala
B. Diyos D. siga

12. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?


A. Ang pagtitiwala
B. Gawin lahat para matuwa ang iba
C. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli
D. Wag maging sakim

13. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?


A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.

14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.
A. mapagbigay B. masipag
C. maunawain D. sakim

15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti.”
A. buhay C. kayamanan
B. katawan D. utak

Magaling! Binabati kita at


nasagutan mo ng maayos
ang mga tanong

20
KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 5: Ilarawan Mo: Para sa iyo, ano-ano ang katangian ng parabulang


“Ang Tusong Katiwala”? Magbigay ng tatlong katangian at isulat sa loob ng
hugis-puso at ipaliwanag kung bakit ito ang katangiang dapat niyang taglayin.

Ipaliwanag: _________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Binabati kita at natapos


mong sagutan ang
gawain sa araw na ito!

21
Aralin
Pagsasalaysay at Pang-ugnay
3
Ngayong maliwanag na sa iyo ang mga bagay na pag-aaralan mo tungkol sa “Ang
Tusong Katiwala” maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na aralin.

ALAMIN

Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito, tutulungan
kang mas maintindihan at magagamit ang berbal at di-berbal na estratehiya ng
pagpapahayag.
Sinasaklaw ng araling ito ang tungkol sa pagsasalaysay.

Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:

1. F10PS-Ib-c-65 - Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng mga


berbal at diberbal na estratehiya
2. F10WG-Ib-c-58 - Nagagamit ang angkop na mga piling pangugnay sa
pagsasalaysay (pagsismula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas).

Simulan natin ang


ikatlong aralin. Basahin at
unawain ang araling ito.

22
SUBUKIN

Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa
iyong kwaderno.
1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari
A. pandiwa C. pang-ugnay
B. pang-abay D. pangatnig

2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _______,


karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. dahil sa C. tiyak
B. kung gayon D. tuloy

Para sa bilang 3-4


1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa
kanyang natuklasan!
2. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok
hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang
manok.
3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke
4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang
pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

3. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.


A. 3124 C. 4312
B. 1432 D. 2341

4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-


sunod?
A. pangungusap 1 C. pangungusap 2
B. pangungusap 3 D. pangungusap 4

5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. ____________ kanyang


kasuwapangan, ang manok ay namatay. Ano ang angkop na pang-ugnay?
A. Ganoon din C. Nang dahil sa
B. Kung ganoon D. Sapagkat

6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae.
A. mapagbigay C. mapagmahal
B. matapobre D. sakim

23
7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano
ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap.
A. Dahil sa C. Ganoon din
B. Kung ganoon D. Sapagkat

8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay
ginto!. Anong damdamin ang nangibabaw sa babae
A. gulat C. lungkot
B. panibugho D. tuwa

9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay.


A. dahil sa C. saka
B. kung kaya’t D. tuloy

10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?


A. ginto C. pilak
B. pula D. tanso

11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.


Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap
A. Ganoonpaman C. Kung ganoon
B. Ngunit D. Sapagkat

12. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino,


tinatawag na pang-ugnay
A. Adjective C. independent clause
B. Cohesive device D. preposition
.

13. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.


___________ mas lalo pa siyang nawalan.
A. at gayon C. dahil sa
B. saka D. sapagkat

14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?
A. magiging maligaya C. maraming magmamahal sa kanya
B. magsisisi bandang huli D. walang tutulong sa kanya

15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa.


A. at gayon B. dahil sa
C. nito D. sapagkat

24
BALIKAN

Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa parabula Ang Tusong


Katiwala. Nalaman din natin kung gaano kahalaga ang pagtitiwala
Tinalakay din natin dapat gamitin sa mabuti ang kayamanan na ating makukuha.
Wag baliwalain kung anuman ang meron tayo, wag mag papadala sa pagiging sakim
sa pera. Hindi natin kayang magsilbi sa dalawang panginoon sapagkat kailangan
natin pumili kung kanino tayo magiging tapat.

TUKLASIN

Gawain1: Alam-Nais-Natutuhan
Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat dito ang
hinihiling na sagot sa sumusunod:
Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa parabula at angkop na gamit ng
pang-ugnay na salita?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa parabula at angkop na
gamit ng pang-ugnay na salita?
Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa parabula at
angkop na gamit ng pang-ugnay na salita?
(Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa parabula at apangkop na pang-
ugnay).

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan

a. Parabula a. Parabula
a. Parabula
_____________ _____________
_____________
b. Angkop na pang- b. Angkop na pang-
b. Angkop na pang-ugnay
ugnay ugnay
_____________
_____________ _____________

25
SURIIN

Ang Manok at ang Gintong Itlog


May isang babaeng nakabili ng buhay na manok sa palengke. Nang ito ay kanyang
inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito sapagkat ang
itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan. Tiyak
na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! Ngunit ang manok ay minsan lang
sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, hindi na naging sapat sa
karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng
manok. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang
pinakain ang manok ay mas dadalas ang pangingitlog nito.
Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok
hanggang sa ito’y mabundat.Dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok.
Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan,
ang manok ay namatay. At ngayon, mas lalo pa siyang nawalan.

Mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay


Gumamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay upang madagdagan o di - kaya ay
mapag-iisa ang pangyayari o mga impormasyon.
Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring
kinalabasan ng pangyayari
Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso
ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa
mga kasunod na ideya. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong
salita. Sa komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-
ugnay ang mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat
bahagi, madali ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga
angkop na pangugnay na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan ang mga
nakatalang impormasyon tungkol dito upang mabatid kung paano makatutulong ang
mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng
nakapaloob sa akdang pampanitikan.

Alam mo ba na...
ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang
pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang,
sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit
ang pang-ugnay na at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito
ang dahil sa, sapagkat at kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

26
ISAISIP

Gawain 2: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at


piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay .

May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. 1.( Noong ito’y, At
nang ito’y) kanyang inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang
mangitlog ito. 2.(Sapagkat, Dahil) ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking
tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng
kayamanan! 3(Gayun pa man, Ngunit) ang manok ay minsan lang sa isang buwan
kung mangitlog. Hindi naglaon, 4. (hindi na, kaya’t) naging sapat sa karangyaang
pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok.
5. (Upang, Nang) makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang
pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.6. (Dahil sa, Ganoon)
nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa
ito’y mabundat. 7.(At dahil dito dahil sa), namatay ang kanyang kawawang manok.
Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. Nang 8. (dahil sa, kaya’t) kanyang
kasuwapangan, ang manok ay namatay. 9. (Kaya, Upang) mas lalo pa siyang
nawalan.

PAGYAMANIN

GAWAIN 2: Unawain mo! Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1. Ano ang paksa ng parabulang binasa?


2. Bakit kaya pinakain nang pinakain ng babae ang manok? Sa anong kadahilanan?
3. Ano ang mahahalagang natutunan ng babae matapos mamatay ang manok?
4. Magbigay ng iyong reaksiyon sa ginawa ng babae. Anong aral ang nakuha mo sa
binasang parabula. Magbigay ng isang pangyayaring nahalintulad sa parabula.
5. Masasalamin ba sa binasang parabula ang kultura at kaugalian ng ating bansa?
Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?

27
ISAGAWA

Gawain 4: Pumili ng isang paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o


pangyayari. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsulat.
Mga Paksang Pagpipilian:

EDUKASYON PANGARAP

PAMILYA PROPESYON

Binabati kita at
nasagutan mo ng
maayos ang mga tanong.

28
TAYAHIN

Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa
iyong kwaderno.
1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari
A. pandiwa C. pang-ugnay
B. pang-abay D. pangatnig

2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar._______,


karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. dahil sa C. tiyak
B. kung gayon D. tuloy

Para sa bilang 3-4


1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa
kanyang natuklasan!
2. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang
manok hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang
kawawang manok.
3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke
4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang
pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

3. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.


A. 3124 C. 4312
B. 1432 D. 2341

4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-


sunod?
A. pangungusap 1 C. pangungusap 2
B. pangungusap 3 D. pangungusap 4

5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. ____________ kanyang


kasuwapangan, ang manok ay namatay. Ano ang angkop na pang-ugnay.
A. Ganoon din C. Nang dahil sa
B. Kung ganoon D. Sapagkat

6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae.
A. mapagbigay C. mapagmahal
B. matapobre D. sakim

29
7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano
ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap?
A. Dahil sa C. Ganoon din
B. Kung ganoon D. Sapagkat

8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay
ginto! Anong damdamin ang nangibabaw sa babae?
A. gulat C. lungkot
B. panibugho D. tuwa

9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay.


A. dahil sa C. saka
B. kung kaya’t D. tuloy

10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?


A. ginto C. pilak
B. pula D. tanso

11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.


Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap
A. Ganoonpaman C. Kung ganoon
B. Ngunit D. Sapagkat

12. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino,


tinatawag na pang-ugnay
A. Adjective C. independent clause
B. Cohesive device D. preposition

13. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.


___________ mas lalo pa siyang nawalan.
A. at gayon C. dahil sa
B. saka D. sapagkat

14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?
A. magiging maligaya C. maraming magmamahal sa kanya
B. magsisisi bandang huli D. walang tutulong sa kanya

15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa.


A. at gayon C. nito
B. dahil sa D. sapagkat

30
KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 5: Pumili ng isang paksang nasa talahanayan at sumulat ng


paliwanag hinggil dito gamit ang mga pang-ugnay.

Child Labor tumaas ang Maagang Pag-aasawa Epekto ng pagdating COVID 19


bilang

Bullying Act sa Paaralan


Maagang Pagbubuntis Paggamit ng Gadgets bilang
Pinatupad
alternatibo sa pag-aaral

Rubriks sa Malikhaing Pagsulat


Mga Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman pang
20-16 15-11 10-6 pagbutihin
5-1

Nilalaman/ Angkop ang Angkop ang Angkop ang Hindi angkop


Paksa napiling paksa o napiling paksa o napiling paksa ang paksa,
tema ng mito. tema at mahusay o tema, hindi hindi maayos
Napakahusay ang ang pagkakabuo masyadong at malinaw ang
pagkakabuo at ng mito at wasto maayos at pagkakabuo at
wasto ang gamit ang gamit ng malinaw ang gamit ng pang-
ng pang-ugnay. pang-ugnay pagkakabuo at ugnay
gamit ng pang-
ugnay.

Pagkakalahad Pinakamalinaw Malinaw ang Hindi gaanong Hindi angkop


ng ideya ang pagkakalahad pagkakalahad ng angkop ang ang
ng ideya at angkop ideya at angkop pagkakalahad pagkakalahad
ang ginamit na ang ginamit na at ideya sa at ideya sa
pang-ugnay. pang-ugnay. gamit ng pang- gamit ng pang-
ugnay ugnay
Gamit ng mga Napakahusay ang Mahusay ang Di-masyadong Kakikitaan ng
salita gamit ng mga gamit ng mga mahusay ang maraming mali
salita sa salita sa paggamit ng sa paggamit ng
pangungusap pangungusap mga salita sa mga salita sa
pangungusap pangungusap.

31
Aralin Mensahe ng Butil ng Kape
4 (Huwebes)
Mahal kong mag-aaral, maligayang bati! Nandito na tayo sa ikaapat na Aralin. Tiyak
na mas marami kang dating alam na ibig mong mapayaman pa.
Bilang tagagabay, hangad ko na mahasa at madagdagan pa ang inyong kaalaman
sa impormasyong ibinahagi sa araling na ito.

ALAMIN

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa inyo. Sa pamamagitan nito


tutulungan kayong mas lalo pang mabibigyan ng mas malalim na kahulugan at
maintindihan ang nais ipabatid ng isang parabula.
Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda sa
mga mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa
pansariling karanasan at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo.
Mapapatunayan mo rin sa pamamagitan ng akda na ang kahirapan at pagsisikap ay
ang dahilang makapagpapaunlad sa tao.

Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:


1. F10PU-Ib-c-65 - Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay
na collage na may kaugnayan sa paksa.

Mga Tala para sa Guro


Isang halimbawa ng parabula ang gagamitin sa araling ito. Ipaunawa sa mga mag-
aaral ang gusting ipabatid sa pamamagitan ng araling ito. Ipasagot sa mga mag-
aaral ang sinasaklaw na gawain. Nawa’y maging gabay ito para sa pagturo ng
inyong mga mag-aaral.

32
SUBUKIN

Piliin ang tiik ng tamang sagot at isulat sa kwaderno.

1. Sa kuwentong ang Mensahe ng Butil na Kape, ano ang ginamit ng ama para
pakuluan ang tubig?
A. banga C. kaldero
B. kawali D. palayok

2. Ano ang sinisimbolo ng mainit na tubig?


A. kayamanan C. pag-ibig
B. pangarap D. suliranin

3. Ang carrots ay matigas noong una, nang ito’y inilagay na sa kumukulong tubig,
naging malambot na. Ano ang kinakatawan nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin

4. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito ay naging matigas matapos mapakuluan. Ano ang pinapahiwatig nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin

5. Ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit
kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pangungusap?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. wag pa apekto sa suliranin

6. Anong dahilan kung bakit ang ama ay nagbigay ng halimbawa tungkol sa carrots,
itlog at kape?
A. narinig niyang kumakanta ang kaniyang anak na lalaki.
B. niyang nagmamaka-awa ang kaniyang anak na lalaki.
C. narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki.
D. narinig niyang sumisigaw ang kaniyang anak na lalaki.

7. Sa Mensahe ng Butil na Kape, ano ang pinili ng anak para harapin ang mga
suliranin sabuhay?
A. maging butil ng kape C. maging carrots
B. maging itlog D. maging mainit na tubig

33
8. Saan nagtatrabaho ang mag-ama?
A. bukirin C. ilog
B. bayan D. bahay

9. Maging isa kang butil ng kape para baling araw ikaw ay magiging _______?
A. malakas C. matatag
B. matalino D. masaya

10. Ano ang idinagdag sa mainit na tubig para magkaroon ito ng kulay?
A. asin C. itlog
B. carrots D. kape

11. Ano ang pinaka unang inilahok sa mainit na tubig?


A. asin C. itlog
B. carrots D. kape

12. Ano ang ikalawang inilahok sa mainit na tubig?


A. asin C. itlog
B. carrots D. kape

13. Ang mag-ama ay nagtatrabaho sa kanilang bukirin. Ano ang trabaho ng mag-
ama?
A. drayber C.magsasaka
B. karpintero D. mangingisda

14. Ano ang ikatlong inilahok sa mainit na tubig?


A. asin C. carrots
B. itlog D. kape

15. Dahil sa ginawang halimbawa ng ama, siya ay nagpapakita ng ________ para


sa kanyang anak?
A. kabaitan C. pagdurusa
B. pag-aalala D. pagkatakot

BALIKAN

Tinalakay natin sa nakaraang paksang-aralin ang tungkol sa pagsasalaysay gamit


ang pang-ugnay. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-
ugnay o panandang pandiskurso.
Tinalakay din sa nakaraang paksang-aralin ang tungkol sa Ang Manok at ang
Gintong Itlog kung saan nagbigay sa atin ng aral na huwag maging sakim at maging
kontento sa lahat ng bagay. Hindi maganda na maging sobrang sakim tayo. Minsan
ito ay humahantong sa pagsisi at kasawian.
Marunong dapat tayong maging kontento kung ano man ang ibinigay sa iyo ng
diyos. Maaaring mangarap pero iwasan ang masyadong sobra -sobra.

34
Kung gusto mong umasenso sa buhay huwag itong madaliin dahil walang taong
nagtagumpay na hindi nakakaranas ng hirap. Ang pagiging matagumpay ay
sumusunod sa hakbang, hindi pupwedeng lumaktaw.
Kung gustong umangat sa buhay magsikap ng mabuti at kumayod. Huwag iaasa sa
iba ang iyong kapalaran. Hawak mo ito at ikaw ang nagmamaneho. Ikaw ang
tumatahak sa sarili momg landas.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga panulong para sa karagdagang kaalaman sa
parabula. Ninanais naming madadaragdag din ang mga ideya ninyo
tungkolsa araling ito. Sana’y makatulong ito sa inyo para mahasa ang
kaalaman ng mag-aaral.

TUKLASIN

Mensahe ng Butil ng Kape


“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo )

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang
anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.
Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay
dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang
anak at tinawag niya papunta sa kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.
Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan
lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang
tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman
ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok. “Sa tingin mo,
ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking
inilahok?” tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng
anak. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga
baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. “Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng
ama. “Ano ang iyong napuna?”, bulong ng ama. Napansin ng anak na ang carrot ay
lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos
mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.
“Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?” ,nagugulumihanang tanong ng
anak. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot,

35
itlog, at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba
ang naging reaksiyon.
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos
mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan.
Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito
ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang
sangkap na magpapatingkad dito. “Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto,
paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?”
usal ng ama. “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit
nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O, kaya naman ay
magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng
kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog
ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting
puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga
kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang
kapatawaran sa nagkasala. O, maging tulad ka kaya ng butil ng kape na
nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape,
nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama. “Kung
ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit
sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag
na paliwanag ng ama. “Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong
buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o
nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy
ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang
pangyayari? “Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?”, tanong muli ng
ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape…”

SURIIN

Ang kuwentong Mensahe ng Butil ng Kape ay isa sa halimbawa ng parabula.


Nagbibigay din ito ng aral sa mga mambabasa. Nabasa mo ang tungkol sa isang
ama na ipinapakita kung gaano kahalaga ang pagdedesisyon sa buhay at kung
paano harapin ang mga suliraning darating sa atin
Ibinigay na halimbawa ay tungkol sa carrots, itlog at butil ng kape. Dahil sa ang anak
ay palaging nagrereklamo o di kaya ay nagmamaktol kapag ito’y nagtatrabaho. Isa
sa inireklamo niya ay ang hirap sa pagbubungkal sa bukid. Nahihirapan daw siya sa
mga trabaho sa bukirin. Ibig ng anak na wala siyang gawin. Ayaw niyang
magtrabaho dahil sa tingin ko siya ay tinatamad.
Nagbigay ng isang ilustrasyon ang ama para maipakita sa anak ang kahalagahan ng
buhay. Una, nagpakulo ito ng tubig at inilagay ang carrots, kung saan nang inilagay
niya ito ay di nagtagal ito ay lumambot. Ang ikalawa ay ang itlog alam naman natin
na ang itlog ay babasagin at kailangan ingatan, ngunit noong ito’y inilagay na sa

36
kumukulong tubig ito ay tumigas, at ang panghuli niyang inilagay sa mainit na tubig
ay ang butil ng kape kung saan ang tubig ay nagiba ang kulay.
Ipinaliwanag ng ama ang ginawa niya. Ang mainit na tubig ay nagrerepresenta ng
mga suliranin o problema na dumarating sa ating buhay. Ang tatlong bagay na
iniligay niya dito ay mga uri ng tao na tutugon pagdating sa mga problema. Iba’t
ibang uri ng ugali ng tao na sa una sila ay matigas na kung titingnan mo kakayanin
nila ang lahat ng suliranin o problema na darating sa kanila, pero sa nakikitan natin
bigla itong lumambot ibig sabihin panlabas na anyo lamang ang ipinapakita nila na
sila ang matigas ngunit pagdating ng problema ay sumusuko na sila sapagkat sila ay
naging mahina. Ang ikalawa ay ang itlog kung saan may mga taong akala natin sila
ay may mabuting puso at madaling magpatawad. Ngunit kapag darating na ang mga
sulirinan lalo na kapag sigalot sa pamilya, kaibigan o kakilala, mahirap na para sa
kanila ang magpatawad. Ang pinakahuli ay ang kape, kung saan ang tubig na
nilagyan nito ay nag iba ang kulay. Ibig sabihin dapat maging matatag ka sa lahat ng
mga suliranin na dumating sa iyo. Ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok.
Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo.
Walang suliraning ibibigay ang Panginoon na hindi mo kaya. Ikaw ang nagdadala ng
iyong sarili, ikaw ang gumagawa ng desisyon, huwag iasa sa iba ang takbo ng iyong
buhay. Gaya ng sabi nila “ikaw ang may hawak ng manibela, ikaw ang
nagpapatakbo ng sarili mong buhay”. Maging isang kape ka na sa lahat ng mga
problema na dumating ay nakapagpabago sa kumukulong tubig.
Pag dumating ang mga suliranin sa iyong buhay dapat maging matatag ka. Huwag
kang padidikta sa iyong suliranin. Harapin mo ito at maging matatag ka. Ang buhay
ay hindi puro matiwasay at masaya, kailangan mong sumuong sa maraming
problema para maging matatag at maging matagumpay balang araw.

PAGYAMANIN

Gawain 1. Pag-unawa sa Nilalaman: Sagutin ang mga tanong.

1. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng kuwento?

2. Ang ibinigay na halimbawa ng ama ay nagbigay ng linaw sa bata. Ihambing sa

buhay ng tao ang ibinigay na halimbawa ng ama

3.Naging malinaw ba sa anak ang ipinaliwanag ng ama tungkol sa pananaw ng

kahirapan na kanilang kinakaharap? Patunayan.

4. Kung umabot man sa iyo ang ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin?

5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng pinakulong tubig sa kuwento.

37
ISAISIP

GAWAIN 2. Unawain mo! Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1. Ano ang paksa ng parabulang binasa?


2. Bakit kaya sinabihan ng ama ang anak na mag-init ng tubig? Sa anong
kadahilanan?
3. Ano ang mahahalagang natutunan ng anak sa ibinigay na ilustrasyon ng ama?
4. Magbigay ng iyong reaksiyon sa ginawa ng ama. Anong aral ang nakuha mo sa
binasang parabula. Magbigay ng isang pangyayaring nahalintulad sa parabula.
5. Masasalamin ba sa binasang parabula ang kultura at kaugalian ng ating bansa?
Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?

ISAGAWA

Gawain 4: Magbigay ng pangyayari sa iyong buhay na may kaugnayan sa


naging kalagayan ng mga tauhan sa binasang kuwento.

Carrots

Mensahe ng
Butil ng Kape

Itlog

Butil ng Kape

38
TAYAHIN

Piliin ang tiik ng tamang sagot at isulat sa kwaderno.

1. Sa kuwentong ang mensahe ng Butil na Kape, ano ang ginamit ng ama para
pakuluan ang tubig?
A. banga C. kaldero
B. kawali D. palayok

2. Ano ang sinisimbolo ng mainit na tubig?


A. kayamanan C. pag-ibig
B. pangarap D. suliranin

3. Ang carrots ay matigas noong una, nang ito’y inilagay na sa kumukulong tubig,
naging malambot na. Ano ang kinakatawan nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin

4. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Ano ang pinapahiwatig nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin

5. Ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit
kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pangungusap?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. wag pa apekto sa suliranin

6. Anong dahilan kung bakit ang ama ay nagbigay ng halimbawa tungkol sa carrots,
itlog at kape?
A. narinig niyang kumakanta ang kaniyang anak na lalaki.
B. niyang nagmamaka-awa ang kaniyang anak na lalaki.
C. narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki.
D. narinig niyang sumisigaw ang kaniyang anak na lalaki.

7. Sa mensahe ng butil na kape. Ano ang pinili ng anak para harapin ang mga
suliranin sabuhay?
A. maging butil ng kape C. maging carrots
B. maging itlog D. maging mainit na tubig

39
8. Saan nagtatrabaho ang mag-ama?
A. bukirin C. ilog
B. bayan D. bahay

9. Maging isa kang butil ng kape para baling araw ikaw ay magiging _______?
A. malakas C. matatag
B. matalino D. masaya

10. Ano ang idinagdag sa mainit na tubig para magkaroon ito ng kulay?
A. asin C. carrots
B. itlog D. kape

11. Ano ang pinaka unang inilahok sa mainit na tubig?


A. asin C. itlog
B. carrots D. kape

12. Ano ang ikalawang inilahok sa mainit na tubig?


A. asin C. itlog
B. carrots D. kape

13. Ang mag-ama ay nag tatrabaho sa kanilang bukirin. Ano ang trabaho ng mag-
ama?
A. drayber C.magsasaka
B. karpintero D. mangingisda

14. Ano ang ikatlong inilahok sa mainit na tubig?


A. asin C. carrots
B. itlog D. kape

15. Dahil sa ginawang halimbawa ng ama, siya ay nagpapakita ng ________ para


sa kanyang anak?
A. kabaitan C. pagdurusa
B. pag-aalala D. pagkatakot

40
KARAGDAGANG GAWAIN

Gumawa ng Photo Collage sa isang oslo paper na nagpapakita ng iba’t ibang


isyu at hamong sa pagiging matatag. Ipaliwanag nang maayos ang collage.
Maaaring gumupit ng mga larawan sa magazine o kumuha ng larawan sa
internet. Gawing batayan ang rubrik sa pagmamarka bilang gabay sa pagtupad
ng gawaing ito.

Rubriks sa Pagmamarka ng Photo Collage

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos

Kawastuhan Ang mga inilagay na larawan at


paliawanag ay tumutugma sa 5
paglalalrawan at konsepto ng
isang isyu at hamong
panlipunan

Nilalaman Wasto at makatotohanan ang


impormasyon. 3

Organisasyon Kumprehinsibo ang daloy ng


pagawa ng photo collage 3

Pagkamalikhain May istilo sa pagsasaayos ng


photo collage. Gumamit ng mga
angkop na desinyo at kulay 4
upang maging kaayaya ang
kaanyuan ng produkto

Kabuuan 15

41
Aralin Lingguhang Pangwakas na
5 Gawain

ALAMIN

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito,


tutulungan kayong mas lalo pang mabigyan nang mas malalim na kahulugan at
maintindihan ang nais ipabatid ng isang parabula.
Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:
1. F10PS-Ib-c-65 - Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit
ng mga berbal at di-berbal na estratehiya

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga panulong para sa karagdagang kaalaman sa parabula.
Ninanais naming madadaragdag din ang mga ideya ninyo tungkol sa araling ito.
Sana’y makatulong ito sa inyo para mahasa ang kaalaman ng mag-aaral.

BALIKAN

Ika’y binabati ko sapagkat nalampasan mo na at nasagutan mo nang maayos ang


mga gawain. Sa pangwakas na gawain, makikita natin kung may natutunan ka sa
lingguhang modyul na ito.
Sa unang araw ng modyul ay tinalakay natin ang parabula kung saan ang Parabula
ay sinasabing ito ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay
sa mayamang wika ng mga taga-Silangan.
Ito ay isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang
mabigyang diin ang kahulugan.
Apat na Elemento o Bahagi ng Kwentong Parabula: Tauhan, Tagpuan, Banghay,
Aral o magandang kaisipan.
Sa ikalawang araw ay tinalakay din ang halimbawa ng parabula na pinamagatang
Ang Matalinong Haring si Solomon kung saan ipinakita na hindi mahalaga ang

42
kamunduhang karangyaan. Maging matalino sa lahat ng desisyon at madali mong
maresolba ang iyong problema. Bilang isang lider dapat maging matalino ka sa lahat
ng iyong desisyon.
Sa ikatlong araw tinalakay din sa modyul na ito ang mga pang-ugnay na ginagamit
sa pagsasalaysay.
Sa ikaapat na araw naman ang Mensahe ng Butil ng Kape. Kung saan, nagbibigay
ng aral sa atin na maging matatag tayo sa lahat ng bagay, Huwag maging carrots na
sa una ay matigas ka pero kapag dumating na ang problema ay hindi mo na kaya.
Isang itlog na sa akala mo ay mabait siya ngunit pagdating ng problema o sigalot ay
hindi na niya kayang magpatawad o di kaya ay butil ng kape kung saan ay kayang
lutasin ang lahat ng problema at naging matatag ito.

TAYAHIN

Gumawa ng sariling parabula. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit


sa kuwento. Isulat sa bondpaper ang ginawang parabula.

43
Susi sa Pagwawasto

44
Susi sa Pagwawasto

45
Sanggunian

Ambat, Vilma C. et al."Panitikang Pandaigdig 10”. Modyul sa Filipino 10, edited by


Florentina S. Grospe, 44-55. Pasig City: Vibal Group Inc.,2015

Marasigan, Emily V. et al. “Pinagyamang Puma 10”. Aklat 1, 73-95. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 2015

https://www.jw.org/tl/library/aklat/bible-stories/bahagi-4-mula-sa-unang-hari-ng-
israel-hanggang-sa-pagkabihag-sa-babilonya/kuwento-63-ang-matalinong-haring-si-
solomon/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Ang_Tusong_Katiwala

46
Liham na Nagbibigay Pahintulot

Hunyo 19, 2020

Binigyan ko ng pahintulot si Gng. Bemel Joy C. Paderes ng Mataas na Paaralang


Pambansa ng Quezon, Poblacion, Quezon, Bukidnon na gamitin ang aking guhit sa
kanyang Alternative Delivery Mode sa Unang Markahan; Mga Akdang Pampanitikan
ng Bansa sa Mediterannean- Modyul 2 para sa Filipino 10.

FAITH JADE G. CURACHO

47
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

48

You might also like