You are on page 1of 51

Lupain ng mga Higante

Filipino
10
Ikalawang Markahan – Modyul 1

(Ang larawang ito ay sariling kuha ng may -akda )

Kagawaran ng Edukasyo n.Republika ng Pilipinas


Mitolohiya: Sina Thor at Loki sa

Filipino – Ikasampung Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan- Modyul 1: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
mayakda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : Luz A. Parungao


Mga EditorInilimbag sa Pilipinas ng: : Miguela L. Heyasa DepEd, Region X
Renaden M. Secretaria
Department of Education Geraldine B. Mediante– Bureau of Learning
Resources
Office Address: Genelyn J. Zone I, DepEd Building Mastersons Ave.,
Upper Balulang,Abatayo
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdDCagayan de Oro City, 9000

Telefax: (088) 880 7072Mga Tagapangasiwa


TagapanguloE-mail Address: : Arturo
Bregion10@deped.gov.ph. Bayocot, PhD, CESO III
Direktor ng Rehiyon

Mga Katuwang na Tagapangulo:


Victor G, De Gracia Jr., PhD, Ceso V Mala Epra B. Magnaong, Chief CLMD
Katuwang ng Direktor ng Rehiyon Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Bienvenido U. Tagolimot Jr., PhD, Chief EPS-ADM
Tagapamanihala, Sanagay ng Bukidnon Elbert R. Francisco, PhD, chief CID
Shambaeh A. Usman, PhD Rejynne L. Ruiz, LRMDS Manager
Katuwang ng Tagapamanihala , Jenny B. Timbal, PDO II
Sangay ng Bukidnon Shella O. Bolosco, Division Librarian II

Department of Education – Division of Bukidnon


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088-813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Mitolohiya: Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga Higante

Ang modyul na ito ay magkakatuwang na inihanda at sinuri


ng mga guro sa Filipino ng Sangay ng Bukidnon. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
magpadala ng kanilang puna at mungkahi sa DepEd Bu kidnon
na may Tel. Fax Blg. 0888-813-364

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. .


Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon.Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Mitolohiya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pangekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag -aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Mitolohiya !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Para sa magulang

ii
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap
ng ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi
lamang limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sila sa mga gawaing itinalaga sa kanila.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
Balikan aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin pangunawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

Tayahin

iii
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1.Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anomang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

3.Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4.Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng


mga kasagutan.

5.Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6.Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa. Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang ibat ibang sitwasyong
pangkaalaman. ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaibang antas ng talasalitaan
ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang makasunod sa
istandard na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Gayunpaman, ang
pagkakasunodsunod ng iyong mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk
o sanggunian na iyong ginagamit.

Ang modyul 1 ay hinati sa limang aralin gaya ng nakasaad sa ibaba.

• Aralin 1 – Mitolohiya: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante  Aralin 2 –


Kolokasyon
• Aralin 3 – Pagsusuri ng Mitolohiyang Napanood:Thor
• Aralin 4 – Pokus ng Pandiwa:Tagaganap at Layon
• Aralin 5.- Lingguhang Pangwakas na Pagtataya
iv
Mga Kompetensing Lilinangin sa Modyul 1
1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan. ( F10PN-IIa-b-71 )
2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(kolokasyon) (F10PT-IIa-b-71)
3. Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
(F10PD-IIa-b-69)
4. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino (F10WG-IIa-b-66)
5. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: Tagaganap at Layon
(F10WG-IIa-b-66)
Umaasa kami, na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
v
Aralin 1- Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Alamin 1

Subukin 1

Balikan 3

Tuklasin 4

Suriin 5

Pagyamanin 7

Isaisip 9

Isagawa 9

Tayahin 1
0

Karagdagang Gawain 1
Aralin 2 – Kolokasyon 2

Alamin 1
3

Subukin 1
3

Balikan 1
5

Tuklasin 1
5

Suriin 1
6

Pagyamanin 1
8

Isaisip 1
9

Isagawa 1
9

Tayahin 2
vi
0

Karagdagang Gawain 2
Aralin 3 – Pagsusuri ng akdang Mitolohiya 2

Alamin 2
3

Subukin 2
3

Balikan 2
5

Tuklasin 2
6

Suriin 2
6

Pagyamanin 2
8

Isaisip 2
9

Isagawa 2
9

Tayahin 3
0

Karagdagang Gawain 3
Aralin 4 – Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon 1

Alamin 3
2

Subukin 3
2

Balikan 3
4

Tuklasin 3
4

vii
Suriin 3
5

Pagyamanin 3
6

Isaisip 3
7

Isagawa 37
Tayahin 38
Karagdagang Gawain 39
Aralin 5 – Lingguhang Pangwakas na Gawain 40
Susi sa Pagwawasto 41
Sanggunian 45

viii
Aralin Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga Higante
1
Magandang araw sa iyo. Natutuwa ako na natapos mong gawin ang mga modyul
sa unang markahan. Marahil ay handa ka nang magpatuloy sa mga gawain sa ikalawang
markahan. Ang modyul na ito ay taos-pusong nilikha upang makatutulong sa iyong pag-
aral sa panitikang Kanluranin na binubuo ng apat na mga aralin. Ang unang aralin ay
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante, isang mitolohiyang mula sa Iceland na
isinulat ni Snorri Sturluson at isinalin naman sa wikang Filipino ni Sheila C. Molina.

Alamin

Kompetensing Lilinangin

1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang


usapan ng mga tauhan. ( F10PN-IIa-b-71 )

Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga


Higante upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalalangan din

2. Ang pagbibigay ng payo ng hegante kay Thor ay nangangahulugan ng ________.


A. pag-aalala B. pagmamalasakit
C. pagmamahal D. pagtanaw ng utang na loob

3. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura,mga diyos o bathala at ang


kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. A. dula B. maikling
kuwento C. mitolohiya D. tula

4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.


A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

1
5. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?
A. dahil nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
B.upang mapahalagahan ang uri ng akdang ito
C. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri ng
pamumuhay,paniniwala at kultura ng sang bansa D. dahil
kailangang matutunan ito ng mag-aaral.

6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang


panrelihiyon.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema

7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir. A.


Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor

8. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay
nangangahulugang hindi niya __________________.
A. alam na naunang nagising si Thor
B. nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon
D. naramdaman na tinaga siya ni Thor

9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang
kanyang mata. Ano ang damdaming ipinahayag sa pangungusap? A.
pagkaawa B. pagkagalit C. pagkalungkot D. pagkatuwa

10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo
at pinupukpok niya ng maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng______
A. pagkamaawain B. pagkamainipin
C. pagkamahiyain D. pagkamainitin ang ulo

11. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga higante.


A. Thjalfi at Rovska B. Thor at Loki
C. Utgar at Skrymir D. Vili at Ve

12. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matatalo nina
Thor sa labanan?
A. ginalingan ang pakikipaglaban
B. gumamit si Utgaro-Loki ng mahika
C. humingi sila ng tulong sa mga higante
D. inalisan ni Utgao-Loki ng kapangyarihan si Thor

13. Ayaw ni Utgaro –Loki na may mahangin ang ulo sa kanyang kaharian. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang;
A. hindi mapakali B. kagalang-galang
C. malikot ang kamay D.mayabang

14. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi ___________


A. makabalik sa pinagmulan B.manaig ang kapangyarihan nito
C. sila masakop at magapi D. sila mapaglaruan ng taglay nitong lakas

2
15. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi pagsunod ng pamilya
ng magsasaka sa kanya?
A. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay
B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
C. pinakaladkad sila ng kanyang mga kambing
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka

Balikan

Magandang araw sa iyo. Ako ay natutuwa na ikaw ay nagtagumpay sa pagsasagawa sa


unang modyul ng asignaturang Filipino. Naalala mo pa ba ang mga aralin sa unang
modyul? Cge balikan muna natin.

Masasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwala at


kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa kanilang mga akdang
pampanitikan?

Paano nakatutulong ang paggamit ng mga angkop na gramatika at


retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon?

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakalikha ng


mundo. Pagkatapos sagutin ang sumusunod na gabay na mga tanong sa ibaba.
Paano Nagkaanyo ang Mundo?

3
Si Odin kasama ng dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang
paslangin ang higanteng si Ymir. Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga
Aesir at mga higante. Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan nito at iba
pang bagay mula sa ibat- ibang parte ng katawan nito.
Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula sa
katawan ng higante. Lumikha sila ng kalupaan at mga bundok mula sa laman at
ilang buto nito. Ginamit nila ang dugo nito upang makalikha ng karagatan at iba’t
ibang anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing mga
graba at hanggahan. Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga
ng apat na duwende sa apat na sulok nito.
Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at
Hilaga. Ginamit nila ang kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan na
magprotekta upang hindi makapasok dito ang mga higante. Ang utak ni Ymir ay
ginawang mga ulap. Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na
nakakawala sa Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa
mundo. Ang mga liwanag nito ang nagsisilbing mga bituin, araw at buwan.
Ang maitim subalit napakagandang anak na babae ng isang higante na si
Gabi ay nagkaroon ng anak na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya itong
Araw. Binigyan ng mga diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang karwahe at
kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni
Gabi ay nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay
naglagay ang mga diyos ng bagay sa mga paa ng kabayo nito upang hindi ito
masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang bahagi ng
Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng
isang lobo.
Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan.
Ang magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya
nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng araw.
Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga
ito ay naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal,
pilak, tanso at ginto sa mga diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga nilalang
tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na tinatawag na Alfheim, mga
diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon
ng anyo ng mundo.

1. Paano nagkaanyo ang mundo ayon sa kuwento?


2. Sino ang magkakapatid na pumaslang sa higanteng si Ymir?
3. Saan nagmula ang mga hamog sa umaga?
4. Ano ang inilagay ng mga diyos sa paa ng mga kabayo upang hindi ito
masusunog?
5. Paano nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng araw ayon sa kuwento?

4
Suriin
Alam mo ba na…
Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa
sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral?
Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na
nangangahulugang “kuwento”. Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na
kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga
karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang mitolohiya
nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at
ano ang kanilang tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng
linaw ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa
sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha,
at kamatayan.
Bakit mahalaga ang mitolohiya?
Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at
mga natural na pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang
paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng
kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng
sangkatauhan. Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil sa ibat-ibang kadahilanan
subalit ang ilan sa pinakamagandang dahilan ng pagbabasa sa mga ito ay upang
tayo ay maaliw sa magandang kuwento, mamangha sa taglay nitong hiwaga,
matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa ang
imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa pangkaraniwan.
Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?
1. Tauhan
2. Tagpuan

3. Banghay
4. Tema
Tauhan. Ang mga tauhan ng mitolohiya ay mga diyos o diyosa, makulay at
puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan, may taglay na
kapangyarihan at lahat ay kanilang magagawa.
Tagpuan. Sa tagpuan nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa
kasalukuyan. Nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon
ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang
pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa
kasalukuyan.Nasasalamin ang sinaunang lugar at kalagayan ng
bansa kung saan ito umusbong at may kaugnayan sa batis, ilog,
parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba pa.

5
Banghay. Ang banghay ay naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari,
pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang
bansa. Ito ay nag papaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng
mga tao sa bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at sa
kasalukuyan. Sa element ring ito makikita ang sunod-sunod na
kaganapan at pangyayari at ditto rin masusuri ang pagiging
makatotohanan o di-makatotohanan ng akda.
Tema. Naglalahad at nagpapaliwanag sa natural na mga pangyayari at ng
ugali ng tao, mga kahinaan at kalakasan ng tauhan at mga
aral sa buhay

Ayon sa aklat ni Marasigan na “Pinagyamang Pluma 10”, Ang salitang mito kung
saan hinango ang salitang mitolohiya ay mula sa salitang Griyegong mythos na
unang nangangahulugang “talumpati” subalit sa katagalan ay nangangahulugang
“pabula” o “alamat”. Ang mitolohiya ay mga sinaunang kuwentong may
kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng tauhang
karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng
pangkaraniwang mortal.
Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay–liwanag sa mga bagay na mahirap
ipaliwanag. Sa mitolohiya kitang-kita ang pagiging likhang isip lamang ng mga
kababalaghang taglay nito.
Kapag binanggit ang salitang mitolohiya agad pumapasok sa isipan ng mga
tao ang mitolohiyang Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong
mundo. Gayunpaman marapat ding malaman na mayroon ding koleksyon ng
mitolohiya ang iba’t ibang lahi sa mundo.
Ang atin mang bansang Pilipinas ay mayroon ding mitolohiyang taglay. Tulad
ng mitolohiya ng ibang lahi, ang ating mitolohiya ay mayroon ding diyos at diyosa
tulad ni Bathala, ang pinakamakapangyrihang diyos; si Idionale ang diyos ng
mabuting pagsasaka, si Tala, diyosa ng pang-umagang bituin at iba pa.

6
Tips sa Pagbabasa mula kay Mam Migs
S para sa Survey
 Ang un among gawin ay buklatin muna ang mga pahina ng
buong babasahin upang Makita ang nilalaman at ang haba nito
R para sa Read
 Kung na-survey mo na ang buong nilalaman ay maaari mo nang
umpisahan ang pagbabasa
H para sa Highlight
 Kulayan mo gamit ang highlighter pen ang mga mahahalagang
ideya o opinion na iyong nabasa
R para sa Review
 Sa pagbabalik-aral, ituon mo nalang ang pagbabasa sa mga
naka-highlight

Ang pagbabasa ay mas pinabisa.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang sumusunod na mito.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


Ni Snorri Sturluson Isinalin sa Filipino
ni Sheila C. Molina
Mga Tauhan:
Diyos:
Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga
diyos ng Aesir
Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan Higante:
Skrymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki – hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga Tao:
Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante ay
kalaban ng mga diyos sa Norse. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila
sa bahay ng isang magsasaka na may dalawang anak isang lalaki at isang babae.
Kinatay ni Thor ang dala nitong kambing para sa kanilang hapunan. Nagalit si Thor sa
magsasaka nang hindi sinunod nito ang kanyang iniutos na paghiwalayin ang buto ng
kambing sa balat nito kaya ginawa niyang alipin ang dalawang anak na sina Thjalfi at
Roskva bilang kapalit. Naglakbay sila hanggang sa makita ang natutulog na si Skrymir,
isang uri ng higante. Umiinit ang ulo ni Thor pag natutulog si Skrymir at naghihilik nang

7
malakas kaya pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo ni Skymir upang ito ay
magising, ngunit akala ni Skrymir ay may nalaglag lamang na dahon sa kanyang ulo.

Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Bago
sila umalis ay binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita
ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.

Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor.Ginamit
nina Thor at mga kasamahan ang kanilang galing at lakas. Si Loki ay may kakayahang
pinakamabilis sa pagkain. Naglaban sila ni Logi sa pabilisan ng pagkain ngunit siya ay
natalo. Pabilisan sa pagtakbo naman ang sinalihan ni Thjalfi laban sa batang si Hugi.
Inulit ng tatlong beses ang labanan ngunit hindi talaga inabutan ni Thjalfi ang batang si
Hugi. Sumabak naman si Thor sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki
ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin. Sa
tatlong pagkakataon ay hindi naubos ni Thor ang laman ng tambuli. Nagalit si Thor nang
matalo siya sa paligsahang ito. Isang laro pa ang sinubukan ni Thor upang masubok
ang kanyang lakas, ang buhatin sa lupa ang pusa ni Utgaro-Loki. Hinawakan ni Thor
ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang kanyang lakas ngunit paa lamang
ng pusa ang naiangat ni Thor. Lalong nagalit si Thor nang matalo sa labanang ito.
Hinamon ulit niya si Utgaro-Loki kaya itinapat ni Utgaro ang kanyang inang si Elli sa
labanang wrestling.Tulad ng mga nagdaang laban, natalo pa rin si
Thor.

Ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor na nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki, ginamitan


sila nito ng mahika upang sila ay talunin dahil alam ng hari ng higante na walang
kapantay ang lakas ni Thor at ayaw nito na may makatalo sa kanyang lakas.

Gawain 1.

Panuto: Upang lubusan mong maunawaan ang kuwento sagutin ang mga tanong
sa ibaba.
1. Saan naglakbay sina Thor at Loki?
2. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya
nito? Pinarusahan ba sila ni Thor? Paano?
3. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sa galit
niya ay hinahampas niya ng maso si Skrymir?
4. Ilahad ang naging resulta sa paligsahang nilahukan nina Thor at mga
kasamahan nito.

5.. Ilahad ang pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan


ng mga tauhan.
a. May ipinagtapat si Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na sa
lupain ng mga higante.
b. Nagalit si Thor nang hindi sinunod ng anak ng magsasaka ang
iniutos nito sa kanya.
c. Binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang
magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.

8
Gawain 2 Isaisip

Panuto: Natitiyak kong marami ka nang natutunan sa araling ito. Subukin natin
ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain.
Simple lang, dugtungan lamang ang mga pahayag sa ibaba bilang paglalagom.

1. Natutunan ko sa buong aralin na ang salitang mitolohiya


ay________________.
2. Na ang kahulugan ng mitolohiya ay nagbabago_________________________
3. Natuklasan ko rin na ang mga diyos at diyosa ay
________________________
4. Ako ay may nabasa na ring mitolohiyang Pilipino tulad ng
_________________
5. Ang mga dahilan upang basahin natin ang mitolohiya ay
__________________

Isagawa

9
Gawain 3

Panuto: Iugnay ang mahalagang kaisipan sa mitolohiyang binasa sa sariling


karanasan.
1. Kung ikaw si Thor, ano ang iyong mararamdaman kung malaman mong
natalo ka sa paligsahan dahil sa pandaraya?

2. Pumili ng isang bahagi na iyong nagustuhan mula sa mitolohiyang binasa


at iguhit ito. Pagkatapos ipaliwanag kung bakit ito ang iyong piniling tagpo.

Dito mo gawin ang iyong guhit.

Paliwanag:

Ito ang aking iginuhit dahil __________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat lamang sa
iyong sagutang papel ang titik ng mapipili mong sagot.

1. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?


A. dahil nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
B.upang mapahalagahan ang uri ng akdang ito
C. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri ng
pamumuhay,paniniwala at kultura ng sang bansa D.
dahil kailangang matutunan ito ng mag-aaral.

2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng _____.

10
A. pag-aalala B. pagmamalasakit
C. pagmamahal D.pagtanaw ng utang na loob

3. Ang pagtatanong ni Skrymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay
nangangahulugang hindi niya ____.
A. alam na naunang nagising si Thor B.nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon D. naramdaman na tinaga siya ni
Thor
4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

5. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga


Higante upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang
paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalamangan din

6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang


panrelihiyon.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema

7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.


A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor
8. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura sa mga diyos o bathala
at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. A. dula B.
maikling kuwento C. mitolohiya D. tula

9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang
kanyang mata. Ano ang damdaming ipinahahayag sa pangungusap? A.
pagkaawa B. pagkagalit C. pagkalungkot D. pagkatuwa

10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo
at pinupukpok niya ng maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng__
A. pagkamaawain B. pagkamahiyain
C. pagkamainipin D. pagkamainitin ang ulo

11. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi pagsunod ng pamilya
ng magsasaka sa kanya?
A. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay
B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
C. pinakaladkad sila ng kanyang mga kambing
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka

12. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matatalo nina
Thor sa labanan?
A. ginalingan nila ang pakikipaglaban
B. gumamit si Utgaro-Loki ng mahika

11
C. humingi sila ng tulong sa mga higante
D. inalisan ni Utgao-Loki ng kapangyarihan si Thor
13. Ayaw ni Utgaro –Loki na may mahangin ang ulo sa kanyang kaharian. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang;
A. hindi mapakali B. kagalang-galang
C. malikot ang kamay D.mayabang
14. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi _____
A. manaig ang kapangyarihan nito
B. mapaglaruan ng taglay nitong
lakas
C. na makabalik sa pinagmulan
D.sila masakop at magapi
15. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga higante.
A. Thjalfi at Rovska B.Thor at Loki C. Utgaro at Skrymir D. Vili at Ve

Karagdagang Gawain

Gawain 4

Panuto: Tukuyin mula sa mga nakalahad na kaisipan ang mga pangunahing paksa
at ideya batay sa napakinggan. Lagyan ng titik K ang kahong katapat ng bawat isa.
Pumili ng isa sa mga pangunahing paksa at ideyang nilagyan mo ng titik K at
ipaliwanag kung bakit mahalaga rin itong maging panuntunan sa pang-araw-araw
na buhay.

Ang labis na pagtingin sa angking kakayahan ay nagdudulot ng sariling


kapahamakan.
Nagiging sanhi ng pagbibigay ng maling desisyon ang labis na pagkamainitin
ng ulo ng isang tao.
Magagawa ng isang pinuno ang kahit na anong paraan para lang maging
ligtasang kanyang nasasakupan.
Ang maayos na pagtanggap ng panauhin sa isang tahanan ay isang
magandang kaugaliang dapat taglayin.
Ang maluwag na pagtanggap ng pagkatalo ay isang magandang katangiang
dapat taglayin ng isang tao.

Ang pangunahing paksa at ideya mula sa mga sagot ko na sa tingin ko’y


makabubuti rin sa akin ay ____________________________________________ dahil
____________________________________________.

12
Aralin
Kolokasyon
2
Ang araling ito ay tumatalakay sa pagpapalawak ng iyong talasalitaan gamit
ang prosesong tinatawag na kolokasyon. Ang prosesong ito ay ang pagsasama
ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng isa pang salita na
nagtataglay ng ibang kahulugan. Mararanasan mo sa aralin ang mga gawaing
tulad ng pagbibigay ng kahulugan sa isang salita bilang pangunahing Gawain.
Mararanasan mo rin sa araling ito ang pagbubuo ng mga salitang tambalan.

Alamin

Magalak kitang binabati dahil sa isang mahusay na pagtugon samga Gawain sa


unang aralin. Marahil ay handa ka nang magpatuloy sa mga gawain sa
ikalawang aralin.
Sa araling ito matatalakay natin ang tungkol sa kolokasyon, pagsasama ng isang
salita sa ibang salita upang makabuo ng ibang kahulugan. Matutunghayan mo
rin ang isang kuwento ukol sa Mga Diyos ng Norse bilang lunsaran.

Pagkatapos ng aralin, ito ang inaasahan ko na maisasagawa mo.

1. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng


ibang kahulugan (kolokasyon) (F10PT-IIa-b-71)

Subukin

Panuto: Bago tayo magpapatuloy sa pagtalakay sa ikatlong aralin subukin mong


sagutin ang sumusunod na pagtataya. Piliin ang titik na nagtataglay ng tamang
sagot.

1. Sila ay may maayos na __________aralan.


A.silid B.paaralan C.gilid D.likod
2. Si Razel ay may __________ na puso
A. bago B. bakal C. bakla D.mabango

3. Kapit-__________ ang mga mamamayan habang nagpoprotesta sa harap ng


munisipyo.
A. bisig B. ginto C.likod D. tuko

13
4. Naglaho ang kanyang pag-ibig sa isang __________ mata.
A. kisap B.pilik C. piso D. tambo

5. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama


ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng panibagong kahulugan.
A. etimolohiya B.kolokasyon C. sanaysay D. tulakolokasyon

6. Ang salitang balat at sibuyas kapag pinagsama ay naging balat-sibuyas na


nagtataglay ng kahulugang ________.
A. mabango B. maramdamin C.pagkain D. rekado sa ulam

7. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag at ulo. Ito ay


nangangahulugang __________.
A. away o gulo B.nababasag C. nabasag ang ulo D.pagtatalo

8. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay kasalan.


A. bahay-bahayan B. mahabang dulang C. pag-iibigan D.tagu-taguan

9. Binawian ng buhay ang aking kapitahay. Ang ibig sabihin ng binawian ng


buhay ay;
A. inalisan ng kabuhayan B.namatay C. naglakbay D. walang
karapatan
10. ________-bunga ang kanyang pakikitungo sa mga panauhin.
A. pabalat B.pakanta C. pakitapatago D.patago

11. Diyos ng digmaan at ng kalangitan


A. Aesir B. Asgard C. Jotunheim D. Norse

12. Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na ___________


A. Aesir B. Frigga C. Odin D.Zeus

13. Ang pinakamamahal sa lahat ng diyos


A. Balder B. Frigga C. Freyr D. Thor

14. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay __________


A. Armor B. LassoShield C. Mjolnir D. Shield

15. Siya ang bathala ng mga diyos at lumikha ng mga tao


A. Balder B. Odin C. Thor D.Zeus

Balikan

Nasiyahan ka ba sa iyong mga ginawa sa unang aralin? Marahil ay oo ang iyong


sagot. Talagang kasiya-siya naman ang mga gawaing iyon di ba? Balikan nga
natin.

14
1. Alin sa mga Gawain sa aralin 1 ang iyong lubos na nagustuhan?

2. Paano mo tinugon ang mga nasabing Gawain?

3. Magbigay ng maikling buod sa paksa sa aralin 2.

Malugod na pagbati para sa matiyaga mong pagsasagawa


sa araling ito.

Kung may mgabahagi ng aralin na hindi mo masyadong naunawaan,

maaari mo itong balikan o magtanong ka sa iyong magulang o kaya ay sumangguni sa

iyong guro upang ikaw ay matulungan.

Tuklasin

Gawain 1.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat sa iyong
kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
_____ 1. hampaslupa A. magkatotoo sana
_____ 2. pusong-mamon B. nanliligaw
_____ 3. taingang - kawali C. nagbingi-bingihan
_____ 4. dilang- anghel D. mahirap
_____ 5. naniningalang-pugad E. mabait

Suriin

15
Alam mo ba na…
Ang mga salita kapag nadagdagan o sinasamahan pa ng isang salita ay makabubuo
ng ibang kahulugan? Ito ay tinatawag na kolokasyon.
Kolokasyon. Ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang
salita o talasalitaan upang makakabuo ng iba pang kahulugan.Ito ay mga salitang
karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t
kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari
ring magkasalungat. Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung
ito’y kasama ng iba pang salita. May mga salitang nagsasama-samang palagi sa
isang konstruksyon at mayroon namang nagsasama-sama paminsanminsan.
Halimbawa:
buwig ng saging kawan ng ibon
trono ng hari marangyang piging basag-ulo

Basag (pagkasira ng isang bagay ) + ulo (bahagi ng katawan ). Kapag pinagsama ay


nagiging basag-ulo na nangangahulugang gulo o away.

Sanay ka bang tumuklas ng kahulugan ng isang salita? Basahin ang paglalahad


tungkol sa mga diyos ng Norse.

Ang mga Diyos ng Norse


Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga
diyos ng digmaan at ng kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao subalit mas
malalaki na tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo sa mga tao hindi tulad ng mga
Greek Gods.
Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong
pinapangarap na makita. Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan. Ito ay
isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na kamatayan. Alam ng mga diyos na
darating ang panahon na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang mga kalaban na
handa silang sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga mortal nilang kalaban ay
ang mga higante na nananahan naman sa Jotunheim.

Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng nananahan sa Asgard lalo na sa


kanilang pinuno na si Odin. Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos at
lumikha sa mga tao. Siya ang may pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang
araw ng pagwawakas. Ang kanyang asawa ay si Frigga, isang makapangyarihang
diyosa na may kakayahang makita ang hinaharap.
Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang
pinakamahalaga. Sila ay sina Balder, Thor, Freyr, Heimdall, at Tyr.Si Balder ang
pinakamamahal sa lahat ng mga diyos. Ang kanyang kamatayan ang maituturing
na pinakamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir. Si Thor ang diyos ng kulog
at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa kanya ring
pangalan hinango ang araw ng Huwebes. Makikitang madalas niyang dala ang
malaking martilyo na tinatawag na Mjolnir. Ang tagapangalaga naman ng mga

16
prutas sa mundo ay si Freyr. Samantalang si Heimdall ang tanod ng Bilfrost, ang
bahagharing tulay patungo sa Asgard. At si Tyr ang diyos ng digmaan at sa
kanyang pangalan hinango ang araw ng Martes.

Gawain 1.
Panuto: Mula sa iyong binasang teksto, ibigay ang katumbas na salitang ginamit
sa kuwento sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga titik na nasa kahon. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.

Y A I R G E
1. DIGMAAN _______________

K I AS N A W G
2. KATULAD _______________

M U K SA MI
3. MAKIHALUBILO A L A H A _______________

G I N N I N G I N
4. KISLAP _______________

A MS KA A W
5. MASIRA _______________

N A A N A N H
6. NANIRAHAN A N _______________

D I G L N I
7. KAILA _______________
8. DIYOS NG NORSE R E I S A _______________
H A U N I K
9. HINANGO _______________
10. TIRAHAN NG MGA
AESIR G R A S A D _______________

Gawain 2 Pagyamanin

Panuto: Hanapin at pagtambalin ang dalawang salitang magkaugnay mula sa mga


hanay A at B upang mabuo ang kahulugang nasa unang hanay. Isulat ang
dalawang salitang pinagsama sa ikalawang hanay

17
Kahulugan Dalawang Salitang Hanay A Hanay B
Pinagsama
1. bangkero Lumambot bangka
ang
2. hinahangaan mainam tirhan
3. nagsisi matinding atensiyon
4. pamahayan nabibigyang selos
5. paninibugho Tagagaod ng puso
6. sakit atake mamon
7. Mabait Bakal na gulang
8. Matapang pusong Sa puso
9. Matanda na Katanghalian asin
ng
10. naghihikahos nagdildil ng puso

Isaisip
Gawain 3.
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pangungusap.
1. Ayaw ni Chuchay na saling-pusa lang siya sa laro.
Paliwanag:
_______________________________________________________________
2. Laki sa layaw ang pinsan ko at ni hindi pa nakatapos sa pag-aaral.
Paliwanag:
_______________________________________________________________
3. Kahit bagong tao pa lang ay hindi na nahiyang naniningalang-pugad sa
kanilang dalagang kapitbahay.

Paliwanag:
_______________________________________________________________

18
Isagawa

Gawain 4
Panuto: Pagsamahin ang dalawang salita sa una at ikalawang hanay.
Pagkatapos bigyang kahulugan ang salitang mabubuo mula sa dalawang
salitang pinagsama. Maaaring gumamit ng mga pang-angkop sa pagbubuo.
Sundin ang nasa halimbawa.

Unang Salita Ikalawang Salita Salitang Kahulugan


Mabuo

Hal. alsa Balutan alsa-balutan lumayas

1. asal Hudas
2. bago Tao
3. balat Kalabaw
4. nagsaulian Kandila
5. pabalat Bunga
6. mahina ang tuhod
7. makitid ang kumot
8. mahal na tao
9. mahina ang kapit
10. lingon Likod

Tayahin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na pagtataya. Piliin ang titik lamang at isulat sa iyong
sagutang papel.

1. Si Razel ay may __________ na puso


A.bago B. bakal C. bakla D.mabango

2. Si Teresa ay may magandang__________mata.


A. pilik B. makapal C. mapungay D. kisap

3. Kapit-__________ ang mga mamamayan habang nagpoprotesta sa harap ng


munisipyo.
A.bisig B. ginto C. likod D. tuko

4. Naglaho ang kanyang pag-ibig sa isang __________ mata.


A. kisap B. pilik C. piso D. tambo

19
5. Ang salitang balat at sibuyas kapag pinagsama ay naging balat-sibuyas na
nagtataglay ng kahulugang ________.
A. mabango B. maramdamin C. pagkain D.rekado sa ulam

6. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama


ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng panibagong kahulugan.
A. etimolohiya B. kolokasyon C. sanaysay D. tula

7. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag at ulo. Ito ay


nangangahulugang __________.
A. away o gulo B. nababasag C. nabasag ang ulo D. Pagtatalo

8. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay kasalan.


A. bahay-bahayan B. mahabang dulang C. pag-iibigan D.tagu-taguan

9. Binawian ng buhay ang aking kapitbahay. Ang ibig sabihin ng binawian ng buhay
ay____
A. inalisan ng kabuhayan B. naglakbay C.namatay D. walang karapatan

10. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay __________


A. Armor B. Lasso C. Mjolnir D. Shield

11. Diyos ng digmaan at ng kalangitan


A. Aesir B. Asgard C. Jotunheim D. Norse

12. Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na ___________


A. Aesir B. Frigga C. Odin D. Zeus

13. Ang pinakamamahal sa lahat ng diyos ay ___


A. BalderT B. Freyr C. Frigga D. Thor

14. Siya ang bathala ng mga diyos at lumikha ng mga tao


A. Balder B. Odin C. Thor D. Zeus

15. ________-bunga ang kanyang pakikitungo sa mga panauhin.


A. pabalat B. pakanta C. pakita D. patago

20
21
Karagdagang Gawain

Gawain 5.
Panuto: Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita
upang makabuo ng iba pang kahulugan.

Halimbawa:

ulan

kanal tubig alat

pampaligo

buhay

B.

puso

22
Aralin Pagsusuri ng Akdang
Mitolohiya
3
Magandang araw sa iyo. Natutuwa ako na natapos mo nang gawin ang mga hamon
sa ikalawang aralin. Marahil ay handa ka nang magpatuloy sa mga gawain sa susunod
na aralin.

Sa araling ito mapag-aralan mo ang mga elemento ng mitolohiya na magagamit mo


sa pagsusuri ng mitolohiyang iyong napanood.

Balikan natin ang paksa sa Aralin 1 ang mga elemento ng mitolohiya. May mga
gawaing inilaan para sa iyo upang lubusan mong maunawaan ang paksa. Mararanasan
mo rin sa araling ito ang sistematikong pagsusuri ng mitolohiyang iyong napanood.

Alamin

Kompetensing Lilinangin

1. Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood


(F10PD-IIa-b-69)

Hello. Kumusta ka na? Tiyak ikaw ay nasiyahan sa paggawa


sa mga Gawain sa Aralin 2. Ipagpapatuloy mo ang pag
-aaral
sa ikatlong aralin. Ngunit bago tayo magpapatuloy ay
sagutin mo muna ang panimulang pagtataya na aking inihanda.

Subukin

Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

23
1. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa
pinagmulan ng mga diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha
ng mundo at ng kalawakan.
A. alamat B. epiko C. kuwentong bayan D. mitolohiya

2. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na


nangangahulugang_____.
A. awit B. kuwento C. tula D. talambuhay

3. Ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod maliban sa isa.


A. pag-uugali ng tao B. pinagmulan ng buhay sa daigdig

C. mga paniniwalang panrelihiyon D. mga pangyayari sa buhay ng isang


tao
4. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa maraming kapana-panabik
na aksiyon at tunggalian.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema

5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.


A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

6. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang


kinabibilangan at sinauna ang panahon.
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. tema

7. Ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante.
A. gustong agawin ng mga higante ang Asgard
B. hindi makapunta sa kaharian ng mga higante ang mga Aesir C.
napaslang ni Odin at mga kapatid nito ang higanteng si Ymir.
D. nag-aagawan sila ng teritoryo

8. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang ______________.


A. ang gitnang bahagi ng mundo B. bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan D. ulap

9. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang ______________ng higante


A. ang dugo ng higante B. ang utak ng higante
C. kilay ng higante D. mga ngipin at ilang buto nito

10. Ginamit nila ang __________ ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong
mundo na magprotekta upang hindi makapasok ditto ang mga higante.
A. bungo B. kilay C.paa D.ugat

11. Bahagi ng katawan ni Ymir na ginawang ulap ng mga diyos.


A. bungo B. kamay C. kilay D.utak

24
12. Isang matalino at masayahing bata na anak ni Gabi sa isang Aesir god.
A. Araw B.Odin C. Thor D. Ymir

13. Ayon sa mito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng
araw ay ________
A. ang paghahabulan ng magkapatid na Skoll at Hati
B. hinahabol ni Skoll ang araw at hinahabol ni Hati ang buwan
C. hindi mapakali si Vili
D. namatay si Ymir

14. Mula sa mga uod ng katawan ni Ymir ay nilikha ang ______


A. araw at buwan B. mga diyos
C. magkapatid na Vili at Ve D.mga duwende

15. Tinatawag na mitolohiyang Norse ang mitolohiyang mula sa ____


A. hilagang Europa B. Mediterranean C. Rome D.timog-silangang
Asya

Balikan

Ano ang naalala mo sa nakaraang aralin? Mailalahad mo ba ito? Sa tulong


ng mga tanong ay magagabayan ka upang mabalikan mo ang nagdaang aralin.
Tara na balik-tanawin muna natin
1. Ano ang mitolohiya?
2. Saan nagmula ang salitang mitolohiya?
3. Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?
4. Ano-ano ang naging karanasan nina Thor at Loki sa kanilang paglalakbay sa
lupain ng mga higante?

Hindi maikakaila na isang malaking hamon at tungkulin ng guro ang


magbahagi at maghahasik ng kaalaman sa kanyang mga

mag-aaral. Isang tungkuling nararapat gampanan hindi lamang sa


mga kabataan kundi pati na rin sa lipunang kanyang ginagalawan at
huwag kalilimutang higit sa lahat ito ay isang pananagutan sa Diyos na
tagapaglalang.

25
Tuklasin

Panuto: Basahing muli ang mitolohiyang Sina Thor at Loki na nasa pahina 8
upang lubusan kang maliwanagan sa pagsasagawa sa susunod na gawain.
Suriin ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng mitolohiya sa pamamagitan ng
pagpupuno sa mga kahon ng tamang sagot.

Tagpuan
________________________ Pamagat
ng Akda (Saan at Kailan )

Pangunahing Tauhan

Iba pang mga tauhan Nilalaman

Simula:

________________________ Papataas na Pangyayari:

Kasukdulan:
Mahahalagang aral na
taglay ng akda Wakas:

________________________

Suriin

Panimulang Gawain:
Panuto: Basahin muli at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng
pagkakalikha ng mundo na nasa Aralin 1 pahina 5 (Paano Nagkaanyo ang
26
Mundo). Pagkatapos, Lagyan ng hugis-puso ( ) ang puwang kung ang
binabanggit na elemento ay taglay ng binasa at ekis ( × ) kung hindi.

Gawain 1.

Mga Elemento ng Mitolohiya


1. Tauhan
_____ mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan

_____ mga karaniwang mamamayan sa komunidad


2. Tagpuan
_____ may kaugnayan ang tagpuan sa kaulturang
kinabibilangan

_____ sinaunang panahon naganap ang kuwento ng


mitolohiya
3. Banghay
_____ maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
_____ maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at
mga natural na pangyayari
_____ ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at
diyosa
_____ tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo,
pagbabago
ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw,
buwan at daigdig
_____ nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
4. Tema
_____ ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari
_____ pinagmulan ng buhay sa daigdig
_____ pag-uugali ng tao
_____ katangian at kahinaan ng tauhan
_____ mga aral sa buhay

27
_____ mga paniniwalang panrelihiyon

Pagyamanin

Gawain 2.
Napanood mo na ba ang pelikulang Thor? Kung hindi pa ay panoorin mo online.
Maaaring sa NETFLIX o sa iba pang online streaming site. Pagkatapos mong
mapanood ay buuin ang balangkas sa ibaba.

Nagalit ang ama ni Thor sa kanyadahil


Panimula nilabag niya ang batas sa kanilang
kahariankaya siya ay itinapon sa lupa, sa
mundo ng mga tao .

Papataas na Pangyayari
1

28
Isagawa

Isaisip

. Gawain 3 .
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba bilang paglalagom.

1. Ang mga tauhan sa mitolohiyang napanood ay pawang _____________


2. Ang tagpuan ay sa ____________ _____________________________
3. Marami ang naging suliranin sa kuwento, isa sa mga ito ay ________
4. Ang tema naman ay tungkol sa _______________________________

Gawain 4.
Panuto: Iugnay ang mahalagang kaisipan sa mitolohiyang napanood sa sariling
karanasan.
1. Nagdudulot ng kawalang - kapayapaan sa pamilya ang pag-aaway o hindi
pagkakasundo ng magkakapatid. Ano ang magagawa mo sa sitwasyong
ito?

2. Ang kayamanan at kapangyarihan ay nagiging dahilan ng pag-aaway ng

magkapamilya. Sang-ayon ka ba rito? Patunayan ang iyong sagot.

29
Papataas na Pangyayari
2

Papataas na Pangyayari
3
Tayahin
Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang
Kasukdulan
sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa


pinagmulan ng mga diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha
Papababang Pangyayari
ng mundo at ng kalawakan.
A. alamat 1 B. epiko C. kuwentong bayan D. mitolohiya

2. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na


nangangahulugang_____.
Papababang Pangyayari
A. awit B. kuwento
2 C. tula D. talambuhay

3. Bahagi ng katawan ni Ymir na ginawang ulap ng mga diyos.


A. bungo B. kamay C.Sakilay D.utak
mundo ngayon ay umiiral ang inggit,
Wakas krimen, sakit, galit, subalit sa kabila nito’y
nariyan din ang pag-asang kinakapitan ng
4. Isang matalino at masayahing bata natao
anak ni Gabi sa isang Aesir god.
sa panahon ng kasawian.
A. Araw B.Odin C. Thor D. Ymir

5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.


A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

6. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang


kinabibilangan at sinauna ang panahon.
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. tema

7. Ginamit nila ang __________ ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong


mundo na magprotekta upang hindi makapasok ditto ang mga higante.
A. bungo B. kilay C.paa D.ugat

8. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang ______________.


A. ang gitnang bahagi ng mundo B. bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan D. ulap

9. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang ______________ng higante


A. ang dugo ng higante B. ang utak ng higante
C. kilay ng higante D. mga ngipin at ilang buto nito

10. Ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante.
A. gustong agawin ng mga higante ang Asgard
B. hindi makapunta sa kaharian ng mga higante ang mga Aesir C.
napaslang ni Odin at mga kapatid nito ang higanteng si Ymir.
D. nag-aagawan sila ng teritoryo
11. Ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod maliban sa isa.
30
A. pag-uugali ng tao B. pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. mga paniniwalang panrelihiyon D. mga pangyayari sa buhay ng isang
tao
12. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa maraming kapana-panabik
na aksiyon at tunggalian.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema

13. Ayon sa mito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng
araw ay ________
A. ang paghahabulan ng magkapatid na Skoll at Hati
B. hinahabol ni Skoll ang araw at hinahabol ni Hati ang buwan
C. hindi mapakali si Vili
D. namatay si Ymir

14. Tinatawag na mitolohiyang Norse ang mitolohiyang mula sa ____


A. hilagang Europa B. Mediterranean C. Rome D.timog-silangang
Asya
15. Mula sa mga uod ng katawan ni Ymir ay nilikha ang ______
A. araw at buwan B. mga diyos
C. magkapatid na Vili at Ve D.mga duwende

Karagdagang Gawain

Gawain 5
Panuto: Palawakin pa natin ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan
ng pagsusuri sa elemento ng mitolohiya. Sagutin ang mga tanong sa loob ng
dayagram.
Elemeno ng Mitolohiya

Aralin
Pokus ng Pandiwa:
4 IlarawanTagaganap atni Thor
ang taglay na kapangyarihan Layon

Ang araling
Ilarawan ito ay ginawa
ang tagpuan na na
at panahon angkop para sa iyo. Ito ay dinisenyo upang
pinangyarihan
matutunan mo ang paksa ukol sa pokus ng pandiwang tagaganap at pokus sa
layon. Saklaw sa araling ito ang mga Gawain sa pagkikilala sa mga panlapi na
ginagamit sa pandiwa na nasa pokus sa tagaganap at pandiwa na nasa pokus sa
o layon.Saan
Magagamit
nakatuondinangdito
mgaang pokus sa
pangyayari tagaganap at layon sa paghahambing
o banghay?
ng mitolohiyang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino. Mababasa mo rin dito ang
isang lunsarang mitolohiya na pinamagatang “Ang mga Diyos ng Norse”

Ano ang paksa o tema ng binasang mitolohiya?


31
Alamin

Kompetensing Lilinangin

1. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa


mitolohiyang Pilipino (F10WG-IIa-b-66)
2. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: Tagaganap at Layon
sa pagsulat ng paghahambing (F10WG-IIa-b-66)

Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. (Hingi) ng tulong ang mga na-stranded na residente dahil sa lock down.


Ang angkop na pandiwang dapat gamitin ay ____________ A.
hiningi B.ipinanghingi C. naghingi D. nanghingi

2. Namukod siya sa hanay ng kabataang kataon niya tulad ng isang


brilyante sa tumpok ng mga bato. Ano ang salitang-ugat ng
salitang namukod?
A. bukod B.lukod C.mukod D.namo

3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?


A. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
B. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
C. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
D. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.

4. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos


sa simuno o paksa ng pangungusap.
A. layon B. pandiwa C.pokus D. D.tagaganap

5. Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang gumaganap sa kilos


ng pandiwa ito ay nasa pokus sa _______.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

6. Nasa pokus sa _________ ang pokus ng pandiwa kung ang paksa


ang layon ng pandiwa.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

32
7. Si Skrymir ay nagbigay ng payo kay Thor. Ang pokus ng pandiwa ay
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

8. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus sa tagaganap?


A. ibinili, malaman, pag-aaralan B. ikinalulungkot, ikinatutuwa,
Ikinasawi
C. ipinambili, ipansulat, ipanghakot D.lumikas, nag-ani, magsulat

9. Ang sumusunod na pangungusap ay nasa pokus sa layon maliban


sa isa.
A. Binabalot nila ang pagkain.
B. Inihahasik ng guro ang karunungan sa kanyang tinuturuan.
C. Nagpapakita rin sila ng magandang halimbawa.
D.Tinatahi nila ang sirang sapatos.

10. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Alin ang


tuwirang layon ng pangungusap?
A. gumugol B. ng kabutihan C. ng panahon D. sa paggawa

11. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. A.


pangngalan B. panghalip C. pandiwa D. pang-uri

12. Aling lipon ng mga panlapi ang pangpokus sa tagaganap?


A. -in, i-, -an, -hin B –um, mag-, magpa-, makipag-
C. ipinag-, ikina-, ika-, ipang D. maipag-, ipang-, ipaki-, ipagpa-

13. Pumili sila ng mga pinunong karapat-dapat sa tungkuling


gagampanan. Nasa pokus sa ____________ ang pangungusap.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap 14.
Madaling magpalaki ng anak ang magulang na marunong kumilala ng
pananagutan. Ang pandiwang nasa pokus sa tagaganap ay ____
A. kumilala B. madali C. magpalaki D. marunong
15. Kung ang bawat isa’y __________ (bahagi) tiyak ang tagumpay ng
ating mga balakin. Alin ang tamang panlaping dapat ikabit sa
salitang nasa panaklong?
A. magpa- B.maka- C. makapag- D. maki-

Balikan

Ano ang naalala mo sa nakaraang aralin? Mailalahad mo ba ito? Sa tulong


ng mga tanong ay magagabayan ka upang mabalikan mo ang nagdaang aralin.
Ang aralin 3 ay tungkol sa sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
gamit ang mga elemento nito.

33
Maaalala mo pa ba, na ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang
agham o pag-aaral ng ga mito o myth at alamat?
Ang mga elemento ng mitolohiya ay tauhan, tagpuan, banghay at tema.

Tuklasin
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa. Sa mga pandiwa,
nakagaganap at nagpapakahulugan ng maraming kaisipan ang mga panlapi. Isa
na rito ang pokus ng pandiwa, ang makabuluhang ralasyon o pag-uugnayan ng
pandiwa at ng paksa o simuno ng pangungusap. Naipakikilala ng mga panlapi ng
pandiwa ang pokus o simuno ng mga pahayag.

A. Nasa pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng


pangungusap ang siyang gumaganap ng kilos nito. Sa pokus na ito, magagamit
sa pandiwa ang panlaping um-/-um, mag-, ma-, mang (m/n)-, mag-an, at
magsipag-an/han. Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang, at magagamit
din bilang pokus tagaganap ang mga nominatibong panghalip na ako, ka, kita,
siya, tayo kami, kayo, at sila. Halimbawa.

1. Nagbihis si Thor at kinuha ang kanyang maso.


2. Naglakbay sila buong araw.
3. Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad.

B. Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang tagatanggap o tuwirang layon ng
pandiwa ang paksa ng pangungusap. Ginagamit sa mga pandiwang pokus sa
layon ang mga panlaping i-, –in/hin, -an/han, ma, paki, ipa, at paki, at
panandang ang sa paksa o pokus.
Halimbawa:

1. Inihampas ni Thor sa higante ang kanyang maso.


2. Iniutos ni Utgaro-Loki kay Thor na inumin ang tubig sa tapayan.
3. Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.

Suriin

34
Basahin ang sumusunod na talataan.

Maitatanong sa ating mga sarili: Ano ba ang papel na dapat nating gampanan
upang maipakita ang ating wagas at tapat na pagmamahal sa ating lupang
tinubuan?

Iisa ang laging nasa isip natin – kalayaan. Subalit batid ba natin ang mga
pangyayari sa likod ng salitang ito? Tayo ay nagpakasakit upang lagutin ang
tanikala ng ating pagkabusabos. Ginamit natin ang ating katapangan sa pagtatamo
ng kalayaan. Guma wa tayo ng mga paraan upang makamit ng ating bayan ang
kalayaang matagal na nating inaasam -asam.

Pagsikapan nating ipagsanggalang ang kalayaang ito – oo, ang kalayaang


siyang susi natin upang matawag na ang ating bansa ay demokratiko, makabayan,
at maka -Diyos Naghihintay ang ating bayan sa ating mga palad – kumilos tayo,
hindi bukas kundi ngayon.

Pansinin ang sumusunod na mga pangungusap na hinango mula sa tekstong


iyong binasa. Bigyang-pansin ang mga pandiwang may salungguhit.

1. Tayo ay nagpakasakit upang lagutin ang tanikala ng ating pagkabusabos. 2.


Gumawa tayo ng paraan upang makamit ng ating bayan ang kalayaang
matagal na nating inaasam-asam.
3. Ginamit natin ang ating katapangan sa pagtatamo ng kalayaan.

Sa una at pangalawang pangungusap, sino ang gumanap ng kilos ng


pandiwa?
Ano ang kaibahan ng ikatlong pangungusap sa unang dalawang
pangungusap?

Nasa pokus sa tagaganap ang mga pandiwa sa una at ikalawang


pangungusap dahil ang paksa ang gumaganap ng sinasabi ng pandiwa, ng
ikinikilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na sino.

Nasa layon-pokus ang pandiwa sa ikatlong pangungusap dahil ang simuno


ang tagatanggap ng sinasabi ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na ano.

Pagyamanin

Gawain 1.
Panuto: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at bilugan ang
pokus nito.Pagkatapos sabihin kung ito ay pokus sa tagaganap o layon. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.

Hal.

35
Pokus sa layon Kinain nila ang karne hanggang sa buto na lamang ang
maiwan.

____________1. Nagbalak sina Thor at loki na maglakbay sa lupain ng mga


higante.

____________2. Natutulog pa ang higante nang dumating sila sa kaharian.

____________3. Ang tarangkahan ng kaharian ay sinubok na buksan ni Thor.

____________4. Hinugot ni Thor ang maso sa ulo ng higante.

____________5. Si Skrymir ay nagising at inaakalang may nalaglag na dahon


sa kanyang ulo.

Gawain 2.
Batay sa pagkakilala mo sa sumusunod na mga tauhan, bumuo ng mga
pangungusap na naghahambing gamit ang pokus sa tagaganap at pokus sa
layon.

Isaisip

Gawain 3

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang masubok natin kung


gaano na ang nalalaman mo tungkol sa aralin.

Nalalaman ko na…

1. Sa tulong ng pokus ng pandiwa ay _______________________________.


2. Nakatutulong din ito sa akin sa pamamagitan ng _____________________
3. Pokus ng pandiwa ang tawag sa
_________________________________
4. Nasa pokus sa tagagaganap ang pangungusap kung
_________________
____________________________________________ at nasa pokus sa layon
ang pangungusap kung _________________________________

5. Mahalaga ang panlapi sa ________________________________.

36
Skrymir

Isagawa

Gawain 4.
Kung may isang tauhan sa ating sariling panitikan na maaaring ihambing
kay Thor, ito ay si Flavio sa pelikulang “Ang Panday”. Bumuo ng hindi bababa
sa limang pangungusap na maghahambing sa dalawang tauhan. Gumamit ng
mga pandiwang nasa pokus sa tagaganap at layon. Bilugan ang mga pandiwang
Mga Pandiwang Ginamit: Pokus:

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

gagamitin at ilahad sa gilid kung ito ay nasa pokus sa tagaganap o layon.

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

37
1. Nasa pokus sa _________ ang pokus ng pandiwa kung ang paksa
ang layon ng pandiwa.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

2. Namukod siya sa hanay ng kabataang kataon niya tulad ng isang


brilyante sa tumpok ng mga bato. Ano ang salitang-ugat ng
salitang namukod?
A. bukod B.lukod C.mukod D.namo

3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?


A. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
B. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
C. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
D. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.

4. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos


sa simuno o paksa ng pangungusap.
A. layon B. pandiwa C.pokus D. D.tagaganap

5. Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang gumaganap sa kilos ng


pandiwa ito ay nasa pokus sa _______.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
6. (Hingi) ng tulong ang mga na-stranded na residente dahil sa lock down. Ang
angkop na pandiwang dapat gamitin ay ____________
A. hiningi B.ipinanghingi C. naghingi D. nanghingi
7. Si Skrymir ay nagbigay ng payo kay Thor.Ang pokus ng pandiwa ay
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

8. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Alin ang


tuwirang layon ng pangungusap?
A. gumugol B. ng kabutihan C. ng panahon D. sa paggawa

38
9. Ang sumusunod na pangungusap ay nasa pokus sa layon maliban
sa isa.
A. Binabalot nila ang pagkain.
B. Inihahasik ng guro ang karunungan sa kanyang tinuturuan.
C. Nagpapakita rin sila ng magandang halimbawa.
D.Tinatahi nila ang sirang sapatos.

10. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus sa tagaganap?


A. ibinili, malaman,pag-aaralan B. ikinalulungkot, ikinatutuwa,
Ikinasawi
C. ipinambili, ipansulat, ipanghakot D.lumikas, nag-ani, magsulat

11. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. A.


pangngalan B. panghalip C. pandiwa D. pang-uri

12. Aling lipon ng mga panlapi ang pangpokus sa tagaganap?


A. -in, i-, -an, -hin B –um, mag-, magpa-, makipag-
C. ipinag-, ikina-, ika-, ipang D. maipag-, ipang-, ipaki-, ipagpa-

13. Kung ang bawat isa’y __________ (bahagi) tiyak ang tagumpay ng
ating mga balakin. Alin ang tamang panlaping dapat ikabit sa
salitang nasa panaklong?
A. magpa- B.maka- C. makapag- D. maki-

14. Pumili sila ng mga pinunong karapat-dapat sa tungkuling


gagampanan. Nasa pokus sa ____________ ang pangungusap.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagagana

15. Madaling magpalaki ng anak ang magulang na marunong kumilala ng


pananagutan. Ang pandiwang nasa pokus sa tagaganap ay ____
A. kumilala B. madali C. magpalaki D. marunong

Karagdagang Gawain
Gawain 5.
Panuto: Magsaliksik ka ng isang mitolohiyang Pilipino mula sa mga aklat o sa
Internet. Pagkatapos ay ihambing ito sa binasa nating mitolohiya mula sa
Panuto: Pumili ng isang tagpo sa mitolohiyang “Sina Thor at Loki sa Lupain
ng mga Higante” na naglalahad ng isa sa mga elemento pagkatapos gawan
ng komik strip. Gawin sa iyong kuwaderno.

Apat na kahon lamang ang gawing strip. Sundin ang nasa ibaba.

RUBRIK PARA SA KOMIK STRIP

Pamantayan Deskripsyon Puntos Natamong


Puntos

Nilalaman Nailalahad nang 15


mahusay ang
elemento
Pagkamalikhain/Pagkamasining Mahusay na 15
paglalarawan sa
tagpo
Kabuuang Presentasyon Malinis ,maayos 20
at makabuluhang
paglalarawan
Iceland. Gamitin ang dayagram sa ibaba sa paghahambing.
para sa gagawing
tagpo
Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakapareho

Lingguhang
39
40 Pangwakas na
Aralin Gawain
5
Sanggunian
1. Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10
Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,2015

2. Balazo, Iluminada C. Wika at Panitikan IV Batayang Aklat


Singapore: KHL Printing Co. Pte Ltd., 2000

3. “Panitikang Pandaigdig 10 Modyul para sa Mag-aaral.


Pilipinas: Vibal Group Inc., 2015
4. Cruz, Estrella E. Filipino IV sa Bagong Henerasyon
Makati City: Studio Graphics Corp., 2001
5. Dillague, Nora M. Sandigan I
Quezon City: Phoenix Publishing House Inc., 2000
6. https://youtu.be/PP6ZlrPxwH8
7. https://www.slideshare.net

41

You might also like