You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Lipa
Pambansang Paaralan ng Sekondarya ng San Isidro
San Isidro, Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay Aralin sa Filipino Baitang 10

Petsa: Ika-16 ng Agosto, 2018


Yugto ng Pagkatuto: Linangin
Araw: Huwebes

I. Layunin
1. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan.
2. Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa
mitolohiya.
3. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Genre: Mitolohiya
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig 10, pahina 174-177
Kagamitan: aklat, pisara at yeso, TV, bidyo, powerpoint presentation

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagbati
3.Pagsasaayos ng silid-aralan
4.Pagtatala ng Liban

B. Motibasyon
Bago tayo dumako sa ating
paksang tatalakayin, may inihanda
akong gawain. Ito ay panonood ng
isang bidyo na tumatalakay sa
mitolohiya. Nais kong suriin niyo ang
mahahalagang kaganapan sa
bidyo.

Gabay na Tanong:
Sino ang aktor na gumanap sa
bidyo?
Si Alden Richards ang aktor na
gumanap sa bidyo.
Tama!
Ano ang taglay na kapangyarihan
ni Alden? Saan nanggagaling ang
kaniyang kapangyarihan?
Ang taglay na kapangyarihan ni Alden
ay pagkakaroon ng pambihirang lakas
kung saan nanggagaling ito sa kanyang
Magaling! maso.
Saang mitolohiya hinango o
hinalaw ang palabas na Victor
Magtanggol?
Hango ang palabas na Victor
magtanggol sa isang mitolohiyang
pinamagatang “Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga Higante”.
Tumpak!
Sa araw na ito ay may isang
Mitolohiyang Norse tayong
tatalakayin na pinamagatang sina
Thor at Loki sa Kaharian ng mga
Higante.

C. Aktibiti

Paglinang ng Talasalitaan
Magbigay ng mga salitang
maisasama sa punong salita upang
makabuo ng iba pang kahulugan.

Halimbawa:

ulan

pam-
alat Tubig
paligo

kanal

1.

Bahay

2.

mata

(Pagsasagawa ng aktibidad)
1.

kubo

bata Bahay ampunan

aliwan

2.

kisap

takip mata pusa

lawin

Pagpapabasa
(Pagpapabasa ng mitolohiyang
“Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante”)
(Dugsungang pagbabasa ng mga mag-
aaral)
Gabay na Tanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa
mitolohiya? Ibigay ang kanilang
katangian.
Ang mga tauhan sa mitolohiya ay sina:
● Thor, diyos ng kulog at kidlat
● Loki, kasama ni Thor sa paglalakbay
● Skymir, naninirahan sa kakahuyan
● Utgaro-Loki, hari ng mga higante
● Logi, Hugi at Elli, kabilang sa kuta ni
Utgaro-Loki
● Thjalfti at Rovska, anak na lalaki at
babae ng magsasaka.
Mahusay!
2. Ano ang ikinagalit ni Thor sa
mga magsasaka at sa pamilya
nito? Paano sila pinarusahan ni
Thor?
Ikinagalit ni Thor ang pagkabali ng paa
ng kanyang kambing, kaya’t bilang
kapalit ginawa niyang alipin ang anak
ng magsasaka na si Thjalfti at Rovska.
Tama!
3. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-
Loki nang paalis na sina Thor?
Ipinagtapat niyang nalinlang niya si
Thor. Sapagkat si Skymir at Utgaro-Loki
ay iisa.
(Pag-iisa-isa ng mga pangyayaring
nagpapakita nang panlilinlang ni
Utgaro-Loki kay Thor)
Magaling!

Pangkatang Gawain
Upang masukat ang inyong
pagka-unawa, dadako na tayo sa
pangkatang gawain.
Mangyaring ang bawat pangkat ay
pumunta na sa kanilang mga kagrupo at
ibilog ang silya. Limang minuto lamang
ang nakalaan upang isagawa ang
gawain.

Pangkat 1: Ano-anong paligsahan


ang nilahukan ng mga sumusunod
na tauhan. Ilahad ang naging
resulta nito.
a. Loki Vs. Logi
b. Thjalfti Vs. Hugi
c. Thor Vs. Cupbearer

Pangkat 2: Suriin ang elementong


taglay ng binasang mitolohiya sa
pamamagitan ng pagsagot ng
mga tanong sa flow tsart.

Elemento ng Mitolohiya

Ilarawan ang taglay na


kapangyarihan ni Thor

Saan nakatuon ang pangyayari o


banghay

Pangkat 3: Ihambing ang


mitolohiya mula sa bansang
kanluranin at mitolohiyang Pilipino.

Mitolohiya ng Mitolohiyang
Kanluranin Pilipino

Pangkat 4: Suriin ang elementong


taglay ng binasang mitolohiya sa
pamamagitan ng pagsagot ng
mga tanong sa flow tsart.
Elemento ng Mitolohiya

Ilarawan ang tagpuan at panahon


ng pinangyarihan ng akda.

Ano ang paksa o tema ng binasang


mitolohiya.

(Presentasyon ng bawat pangkat)


1. Magbibigay ng puna ang mga
mag-aaral mula sa iba’t ibang
pangkat.
2. Magbibigay ng puna o reaksyon
ang guro batay sa itinanghal na
presentasyon.
3. Mamarkahan ang bawat
presentasyon.

Bigyan ng iba’t ibang pakpak ang bawat


pangkat.
Pangkat 1 – Pakbet Clap
Pangkat 2 – Fireworks Clap
Pangkat 3 – Pulbo ng Mayaman Clap
Pangkat 4 – Tsoko-Tsoko Clap Clap

D. Analisis
1.Bakit nalilinlang ang isang
tao?
(Iba’t ibang kasagutan ng mga mag-
aaral)
Magaling!
2.Paano mo maiuugnay ang
mga pangyayari sa
mitolohiyang nabasa sa
pamumuhay ng tao ngayon?
(Iba’t ibang kasagutan ng mga mag-
aaral)
Mahusay!
3.May pagkakatulad ba o
pagkakaiba ang mitolohiya ng
Kanluranin sa mitolohiya ng
mga Pilipino?
(Iba’t ibang kasagutan ng mga mag-
aaral)
Tama!

E. Abstraksyon
Paano mo maiuugnay ang
kasabihang “Tuso man ang
matsing, nalalamangan din” batay
sa mitolohiyang binasa.

(Iba’t ibang kasagutan ng mga mag-


aaral)
Mahusay!

F. Aplikasyon
Kung ikaw si Thor at kaniyang mga
kasama, ilarawan ang iyong
magiging damdamin kapag
nalaman mong nalinlang ka sa
isang paligsahan.
(Iba’t ibang kasagutan ng mga mag-
aaral)
Magaling!

G. Pagtataya
Basahin at unawain ang bawat
bilang. Isulat ang letra ng tamang
sagot.
1. Ano ang angkop na salitang
maisasama sa salitang “Kuwento”
upang makabuo ng iba pang
kahulugan?
X. Kuwentong Probinsya
D. Kuwentong Bayan
M. Kuwentong Maynila
2. Siya ang tinaguriang Hari ng mga
Higante.
I. Utgaro-Loki
K. Thor
A. Hugi
3. Saan ang tagpuan ng binasang
mitolohiya?
Y. Utgaro
B. Atgaro
L. Etgaro
4. Anong tunggalian ang naganap
sa pagitan nina Thor at Elli?
U. takbuhan
E. pagkain
O. wrestling
5. Ano ang aral ng binasang
mitolohiya?
T. Wag magpadala sa agos ng
buhay.
S. Hindi lakas lamang ang
ginagamit kundi pati isip.
B. Mahalin ang kapwa.

Susi sa Pagtataya
1. D
2. I
3. Y
4. O
5. S

Bahagdan ng Pagkatuto: _____


IV. Takdang Aralin
1. Basahin at unawain ang mitolohiyang mula sa Pilipinas na pinamagatang
“Rihawani” sa aklat na Panitikang Pandaigdig 10, pahina 179-180.
2. Punan ang tsart ng Elemento ng Mitolohiya mula sa mitolohiyang
“Rihawani”.

RIHAWANI
Tauhan Tagpuan Banghay Tema

Inihanda ni:

________________________
CLARISSE C. MOREN
Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

__________________________
ROWENA M. MARAVILLA
Gurong Tagapagsanay

You might also like