You are on page 1of 12

Banghay-Aralin sa Ikasampung Baitang

I. Layunin:
 Nakikilala ang mga bansa sa Kanluran at South America
 Nakapagbibigay ng pagkakatulad at pagkakaiba ng Brazil at Pilipinas
 Nakapagbibigay ng mga impormasyon batay sa Character Profile ni Dilma Rousseff
 Nakabubuo ng hinuha sa mga ilalahad ni Dilma Rousseff sa kanyang Talumpati

II. Paksang Aralin: Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa kaniyang inagurasyon
III. Mga Kagamitan
 Larawan ni Dilma Rousseff
 Venn Diagram
 Cartolina
 Concept Map
 Chips
IV. Sanggunian:
 Modyul ng K-12 para sa ikasampung baitang mula sa Kagawaran ng Edukasyon.

Guro Mag-aaral
Unang Araw Unang Araw
I. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain A.Panimulang Gawain
 Sa pagpasok ng guro sa silid ay papatayuin ang bawat mag-
aaral at tatawag ng isa para manguna sa panalangin.  Panalangin- “…amen”
 Pagbati- “Magandang Umaga sa mga naggagandahan at  Pagbati – “Magandang umaga rin po Bb. Salvador”.
naggagwapuhan kong estudyante”
 Ang guro ay magpapapulot ng kalat at magpapahanay ng  Ang mga mag-aaral ay inaasahang pumupulot ng mga kalat
upuan. “Bago magsiupo ang lahat ay siguraduhing malinis ang na makikita nila sa kanilang paligid at tahimik na isasaayos
paligid at walang ano mang makikitang kalat sa ilalim ng ang kanilang mga upuan.
inyong mga upuan, gayondin pakihanay ng maayos ang
inyong mga upuan.” (Habang nag-iikot sa loob ng silid upang
tiyaking maayos at malinis na ang paligid.)
 Pagpapaupo sa mga mag-aaral.“Sige, maaari nang magsiupo  Ang mga mag-aaral ay uupo ng tahimik.
ang lahat at ihanda ang sariloing sa panibagong araw ng
pagkatuto. Handa na ba ang lahat?”  “Opo , handang-handa na”
 Pagpapatala ng liban. “Nasan ang ating kalihim? May liban ba
sa araw na ito?  “Wala po” o ‘di kaya’y “Meron po.”

 Kung wala ikatutuwa ito ng guro at kaniyang masasabi na


“Mabuti naman at walang liban para sa araw na ito dahil tiyak
kong mabubusog hindi lamang ang inyong sikmura maging ang
inyong isipan para sa umaatikabong kaalaman. Tama ba
klase?  “opo” tugon ng mga mag-aaral.
 Kung mayroong liban, paaalalahanan ng guro ang kalihim ng
klase na itala ang mga liban at ipaalala sa mga ito ang sulat na
naglalaman ng kanilang dahilan ng pagliban na may lagda ng
kanilang mga magulang.
 Kukumustahin ng guro ang kaniyang mga mag-aaral at tatawag
ng ilang mag-aaral upang magbigay ng dahilan kung bakit ang  Mga positibo (maganda, mabuti, ayos lang) at negatibong
umaga nila’y maganda, ayos lang o hindi mabuti. tugon (hindi mabuti o malungkot)
 Hihikayatin ng guro ang kaniyang mga mag-aaral para sa  Mga dahilan ng mag-aaral. “Mabuti po, nakakain po ako ng
talakayan. “Kung gayon, ang mga mag-aaral na positibo ang almusal”, “Masaya po, nagising po ako at panibagong araw
naging pagsisimula ng araw ay panatilihin at ipagpatuloy na naman po ito”, “Maganda po, nakita ko po iyong crush
natin iyan at para naman sa mga may lungkot pang ko”, “Hindi po masaya, wala po akong almusal” o ‘di kaya’y
nararamdaman sa kanilang mga puso ay susubukin nating “Inaantok pa po ako”
alisin ang mga iyan, ayos po ba iyon klase?”  “opo”.
B. Pagganyak
Pak Ganire!

 Pipili ang guro ng mga mag-aaral na magiging representante


ng pangkat. Matapos makapili ay maglalabas ang guro ng  Ang napiling mga mag-aaral ay inaasahang masunod ang
isang palabunutan na naglalaman mga salita.Kapag ang pagbunot, pagsigaw, pag-arte na hindi ginagamitan ng boses
bawat representante ay nakabunot at handa na ,sisigaw siya  Bilang guro, inaasahan na siya ay patuloy na nagoobserba at
ng PAK GANIRE at saka iaarte ang salitang nabunot na pinananatili ang wastong ingay na kailangan lamang para sa
hindi gumagamit ng boses Mayroon lamang siyang isang nasabing Gawain.
minuto para ipahula sa kanyang mga kamag-aral ang salitang  Bilang mag-aaral, dapat lamang na kontrolin nito ang
kaniyang nabunot. kanyang emosyon at panatilihin pa rin ang pagtugon sa
nasabing Gawain.

BRAZIL ICELAND

 Brazil
 Iceland
CARIBBEAN ESTADOS UNIDOS  Carribbean
 Estados Unidos
 Inglatera

INGLATERA

C. Pagtalakay sa Bansa
 Gamit ang mga salitang binunot sa unang gawain, pag-
uugnay-ugnayin ng mga bata ang pagkakatulad ng mga
bansang ito.
Tanong:  “Ang mga bansang ito ay ilang bansa sa kanluran at South
1. Ano ang koneksyon o pagkakatulad ng mga bansang inyong America”
nabunot at hinulaan sa unang gawain?

2. Sa iyong palagay , ano ang magiging kaugnayan ng mga  “ Iikot po sa ibat-ibang Literatura ng mga bansa sa
bansang ito sa mga paksang ating tatalakayin sa mga susunod kanluran at South America ang pag-aaralan natin sa mga
na araw? susunod na araw.

 Matapos ito ay maglalabas ang guro ng mapa ng buong South


America at ilang bansa sa kanluran at ipapakilala ang
bansang pinagmulan ng talumpating tatalakayin, ang Brazil.

 Magpapaskil muli ang guro ng isang tsart na naglalaman ng


trivia tungkol sa panitikan ng South America.

Alam mo ba?

Ang panitikan ng ilang bansa sa Kanluran at


South America na tumutukoy sa malaking bahagi ng
panitikan mula sa ancient era tungo sa kasalukuyang
panahon ng Indo-Europeo ay binubuo ng
English,Espanyol, French , Italy at Russia na pawang
pinagmulan ng kanilang pamanang panitikan
 Magtatanong ang guro sa mag-aaral kung ano ang napapansin
nila sa mapa na nakapaskil
 “Ang pinakamalaking lugar na umookyupa sa kabuuan ng
Tanong: South America ay ang bansang Brazil.
1. Ano ang inyong napapansin sa kabuuang mapa ng mga
bansa sa kanluran at South America?

 Guguhit ang guro ng isang Venn Diagram sa pisara na magpapakita sa


pagkakaiba at pagkakatulad bansang Brazil at Pilipinas.
Mga maaaring maging sagot :

Pagkakatulad
 kapwa mahirap na bansa.
 parehong napasailalim sa diktaturyal na pamamalakad.
Pagkakaiba
 Portugis ang wikang ginagamit ng mga naninirahan sa
Brazil
 Itinanghal na ikalimang bansa na may pinakamalaking
populasyon ang Brazil
 Wikang Filipino ang pangunahing wikang ginagamit ng mga
naninirahan sa Pilipinas
 Itinanghal na ikalabindalawang bansa na may
pinakamalaking populasyon ang Pilipinas”

 Magpapatala ang guro ng ilang pagkakaiba at pagkakatulad ng


dalawang bansa “Nais kong magsulat kayo ng ilang pagkakatulad at
pagkakaiba ng bansang Brazil at Pilipinas”
 Magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral

D.Pagkilala sa Mananalumpati
 “Ngayong natalakay na natin ang Kontinente at partikular na bansa na
pinagmulan ng Talumpating ating tatalakayin, nais ko ng ipakilala sa
inyo ang Kauna-unahang babaeng Presidente ng Brazil na inimbitahan
ko upang personal niyong makilala at natatandaan ko din na nagbigay  “Opo, Handang-handa na”
ako ng takdang-aralin sa inyo patungkol sa kanyang Character
Profile.Handa na ba ang lahat?”
 Ipapakita ng guro ang larawan ng kauna-unahang babaeng Presidente
ng Brazil.

 Nais kong punan ninyo ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa


Kauna-unahang Babaeng Presidente ng Brazil sa pamamagitan ng
mga salitang nasa kahon.

Dilma Rousseff

Vilma Rousseff

Belo, Horizonte,Brazil

Belo,Horizontal,Brazil

Babae

Presidente

Kongresista

Kauna-unahang babaeng Presidente


ng Brazil

Ikalawang babaeng Presidente ng


Brazil

Matapang

Mahina
CHARACTER PROFILE

A.Pangalan: __________  Dilma Rousseff


 Belo, Horizonte, Brazil
B.Tirahan:___________  Babae
 Presidente
C.Kasarian:__________  Brazilian
 Kauna-unahang babaeng Presidente ng Brazil
D.Hanapbuhay:______________  Matapang/may dedikasyon
E.Pagkamamamayan:_________________

F.Naging tagumpay: _________________

G.Kahanga-hangang katangian:_______________

 “Ngayon nakilala na natin si Dilma Rousseff , ang kauna-unahang


babaeng Presidente ng Brazil, sa inyong palagay , ano ang nilalaman
ng kanyang talumpati ?”

 Ipapakita ng guro ang isang Concept Map kung saan ilalagay ng mga
mag-aaral ang kanilang hinuha tungkol sa nilalaman ng talumpati ni
Dilma Rousseff.

Ano kaya ang


nilalaman ng
Talumpati ni
Dilma Rousseff?
Maaaring maging sagot:
 Pagsugpo sa kahirapan
 Pagpapaunlad ng bansa
 Pagpapatatag sa Ekonomiya
 Mahusay na paggasta ng pera ng bayan
 Pagpapataas ng antas ng pamumuhunan
 Pagpapalaki sa mga paliparan sa bansa
 Aalamin natin kung tama ang inyong mga hinuha sa susunod nating
pagkikita.
E.Kasunduan

 Bubuksan ng Guro ang Powerpoint Presentaion para sa Kasunduan.


Kasunduan

Basahin ang Talumpati ng kauna-unahang


babaeng Presidente ng Brazil na si Dilma Rousseff at
ihanda ang sarili para sa umaatikabong talakayan bukas.

 May katanungan ba hinggil sa ating kasunduan?


 Kung may katanungan ang mga mag-aaral ay
magiliw itong sasagutin ng guro at kung wala
naman ay ipapaalala lamang nito na panatilihin ang
kalinisan at maghanda para sa susunod nilang
asignatura. “Kung wala naman ay panatilihin pa
rin ang kalinisan at maghanda para sa susunod
ninyong asignatura. “Paalam na sa inyong lahat.”

You might also like