You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: ____________________________Baitang at Seksiyon: ________________


Paaralan: ____________________________________ Petsa: ____________________

MGA PILYEGO NG GAWAING PAMPAGKATUTO Q2 Blg. 3


Filipino 10: Pagbuo ng Sistematikong Panunuri sa
Mitolohiyang Napanood

I.Panimula

Ang mga pilyego ng gawaing pampagkatuto na ito ay magiging kasangkapan


para sa iyong pagkatuto hinggil sa mitolohiya. Ito ay naglalaman ng iba’t
ibang gawaing magpapalalim sa iyong pang-unawa sa aralin. Alalahanin na
ang mitolohiya ay may malaking impluwensya sa pagpapanatili at pagsulong
ng Kultura’t Sinaunang Panitikang Pilipino.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood


(F10PD-IIa-b-69)

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng mga pilyego ng gawaing pampagkatuto na ito,


ikaw ay inaasahang:

1. mapagsunod-sunod ang mga pangyayayri batay sa binasang akda,


2. matutukoy ang kahalagahan ng akdang binasa;
3. mapagyayaman ang aral ng binasang akda.

1
IV. Pagtalakay

Mitolohiya

Ang Mitolohiya ay isang tradisyunal na salysay na sinilang mula sa


sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral. Ang salitang mitolohiya ay hango
sa salitang Griyego na “mythos” na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang
mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa
kultura, sa mga diyo o bathala at ang kanilang mga karanasan sa
pakikisalamuha sa mga tao.

Maaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang


magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang
tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan
ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa
daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha
at kamatayan.

Ito ay mayroong Elemento:


- Tauhan
- Tagpuan
- Banghay
- Tema
Muli nating balikan ang unang aralin sa ikalawang markahan.

"SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG HIGANTE"


ni Snorri Sturluson
binuod ni Erwin Maneje

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga
higante ay kalaban ng mga diyos sa Norse. Sa kanilang paglalakabay ay
inabot ng gabi kaya sila ay nagpahinga sa bahay ng magsasaka. Ang anak na
lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfti at Rosvka naman ang ank na
babae. Nagalit at nanlisik ang mga mata ni Thor dahil sa bali ang isang paa
sa likod ng kaniyang kambing. Natakot ang mga pamilya at nasabing ibbigay
ang lahat. Kaya ang hiniling na kapalit ay sina Thjalfti at Rosvka na ginawang
alipin ni Thor.

Naglakbay sila hanggang sa makita nila ang natutulog na si Skymir


isang uri ng higante na naninirahan sa kakahuyan. Tuwing umiinit ang ulo
ni Thor at tulog si Skrymir ay pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo ni

2
Skymir upang ito ay magising. Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay
Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Nakilala niya si Thor ang mahusay na
mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na
mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili
rito ang taong walang ipagmamalaki.” Wika nito.

Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan nan ais kong subukin.


Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni
Utgaro-Loki si Logi at sinumulan ang pabilisan ng pagkain ng mga hiniwang
karne. Mabilis na natapos sa pagkain ang dalawa. Naubos ni Loki ang karne
at naiwan ang mga buto samantalang si Logi ay walang naiwan ni bakas ng
buto. Kaya’t malinaw na natalo si Loki kay Logi.

Susunod naman ay ang pabilisan ng pagtakbo na nilahukan ni Thjalfi


laban sa bata rin na si Hugi. Inulit ito ng tatlong beses ngunit hindi talaga
maabutan ni Thjalfi si Hugi.

Muling nagtanong si Utgaro-loki kung ano pa ang kakayahan ang


ipapakita ni Thor. At nagyaya ito ng paligsahan sap ag-inom. Sa huli ay hindi
nakayanan ni Thor at muli ay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor sa isa pang
hamon na bubuhatin ang pus amula lupa. Tinataas ni Thor ang pusa ngunit
paa lamang ang naitataas kaya sinabi ni Utgaro-Loki na, “Tapos na ang
labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking
malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?

Lalong nagalit si Thor kaya nag-aya ito kung sino ang makikipagbuno
sa kaniya. Tinawag naman si Elli ang kinikilalang in ani Utgaro-loki.
Labanan ng wrestling. Nang makita ang nagging stwasyon ay pumagitna si
Utgaro-loki at pinatigil ang pakikipagbuno ni Thor kay Elli.

Sa mga paligsahan nalaman kung gaano kalakas sina Thor, ngunit


sila ay natalo sa mga paligsahan na kanilang sinalihan, pero ang totoo ay
nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki dahil walang kapantay ang lakas ni Thor at
ayaw ni Utgaro na may makatalo sa kanyang lakas.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al, 2008, Texas, USA

Pamatnubay na Tanong

Ano ang Mitolohiya at elemento nito? Nanalo ba si Thor sa Higante? Ano ang
mga paligsahan na sinalihan nila Thor?

3
V.Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang pagsunod-sunod ng mga pangyayari batay sa nabasang
mitolohiya. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.

b. Hinamon ni Loki ang


a. Nakipagbuno si Thor
Higante sa isang
kay Elli ang tinuturing
paligsahan na
na in ani Utgaro-Loki.
pabilisang kumain

d. Naglakbay si Thor at
c. Sumama si Skrymir
Loki upang makalaban
kina Loki sa paglalakbay
ang Higante

e. Umuwi si Thor sa
Thruovangar

Sagot
1. ___________
2. ___________
3. ___________
4. ___________
5. ___________
Gawain 2
Panuto: Suriin ang larawan. Mula sa kahon ay tutukuyin ang angkop na
katangian ng pangunahing tauhan sa binasang mitolohiya. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na sagutang papel.

a. Malakas b. Magaling c. Pinuno d. Sakim e. Duwag


g. Hindi
f. Mahina h. Matulungin i. Iyakin j. Tuso
sumusuko

4
Katangian ni Thor

1. 2.

3. 4.

5.

Larawang guhit ni Edwin Maneje

Gawain 3
A Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng mga tauhan sa binasang
mitolohiya. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
*1 puntos bawat katangian

Tauhan Katangian

Thor

Loki

Skrymir

Utgaro-Loki

5
Logi

Hugi

Elli

Thjalfti at Rosvka

B. Panuto: Ano ang kahalagahan ng mga tauhan sa isang kuwento? Isulat


ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
*2 puntos sa paliwanag

VI.Pagsusulit
Panuto: Basahin ang sumusunod. Isulat sa hiwalay na sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang ikinagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito?


A. Dahil hindi sila pinatuloy
B. Dahil ang kaniyang kambing ay nakitang bali ang likurang paa
C. Dahil ayaw ibigay ng magsasaka ang anak na babae

2. Ano ang inihahampas ni Thor kay Skrymir?


A. Inihahampas ni Thor ang kaniyang maso
B. Inihahampas ni Thor ang kaniyang paa
C. Inihahampa ni Thor ang kaniyang espada

Para sa bilang 3-5.


Ano-ano ang mga palisahan na nilahukan ng mga sumusunod:
A. Pabilisang kumain
B. Pabilisang tumakbo
C. Pabilisang uminom

3. Loki vs Logi
4. Thjalfi vs Hugi
5. Thor vs cupbearer

6
VII. Pangwakas
Panuto: Suriin ang elementong taglay ng binasang mitolohiya sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong flow chart.

ELEMENTO NG
MITOLOHIYA

Ilarawan ang
taglay na
kapangyarihan ni
Thor.

Ilarawan ang tagpusan at Saan nakatuon ang Ano ang paksa o tema
panahon na mga pangyayari o ng binasang
pinangyarihan ng akda. banghay? mitolohiya?

7
VIII. Sanggunian

https://commons.deped.gov.ph/melc_guidelines

Mula sa Elements of Literature, (Anderson et. al,1993)

Enjoying Literature, (Ferrara et. al, 1991)


Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al, 2008, Texas, USA

Ambat et. al, 2015, Filipino 10 Modyul sa Mag-aaral: Panitikang Pagdaigdig.


Kagawaran ng Edukasyon

Baisa et. al, 2012, Pluma III Wika at Panitikan para sa Mataas na paaralan. Quezon City:
Philippines, Phonix Publishing House Inc.

https://www.vhv.rs/dpng/d/408-4085026_thor-png-image-with-transparent-background-thor-
marvel.png

8
9
Isaalang-alang
ang Rubriks sa
pagwawasto
PANGWAKAS
1. B
2. A
3. A
4. B
5. C
Panunuri sa
tauhan.
Gawain 3
Pagsusulit
1. KAHIT HINDI
SUNOD-SUNOD
A, B, C, G, H
1. C
2. D
3. B
4. A
5. E
Gawain 1
Gawain 2
IX.Susi sa Pagwawasto
X.Grupong Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsulat ng mga Pilyego ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Erwin G. Maneje


Patnugot ng wika: Rochelle C. Lim
Tagasuri: Remedios C. Gerente/Carmela P. Cabrera
Tagaguhit: Erwin G. Maneje
Tagalapat: Gian Carlo C. Baldovino
Tagapamahala: Engr. Edgard C. Domingo PhD CESO V
Leandro C. Canlas PhD CESE
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

10

You might also like