You are on page 1of 5

Pangkalahatang Panuto

5. HUWAG SULATAN ANG ALINMANG BAHAGI NG WORKSHEET.


ISULAT ANG SAGOT SA TABLET PAPER.
6. HUWAG NG SULATAN ANG LIKOD NG TABLET PAPER, SA
UNAHANG BAHAGI LANG MAGSULAT.
7. ISULAT ANG SUBJECT, WOKSHEET NUMBER, PANGALAN AT
SEKSYON SA ITAAS NA BAHAGI NG TABLET PAPER
8. ANSWER ONLY!

Araling Panlipunan 10 (Gayahin ito sa


Worksheet no. 1 itaas na bahagi
ng inyong mga
Pangalan: ____________________ Baitang at Seksyon: _____ tablet paper)

GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang mga Mitolohiyang sina Thor at Loki sa Kaharian ng mga Higante at sagutan ang gabay
ng tanong sainyong sagutang papel.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


Ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Mga Tauhan:
Diyos:
Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan
Higante:
Skrymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki – hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga Tao:
Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante ay kalaban ng mga diyos sa Norse. Nang
abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka na may dalawang anak isang lalaki at
isang babae. Kinatay ni Thor ang dala nitong kambing para sa kanilang hapunan. Nagalit si Thor sa 8 magsasaka nang
hindi sinunod nito ang kanyang iniutos na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito kaya ginawa niyang alipin
ang dalawang anak na sina Thjalfi at Roskva bilang kapalit. Naglakbay sila hanggang sa makita ang natutulog na si
Skrymir, isang uri ng higante. Umiinit ang ulo ni Thor pag natutulog si Skrymir at naghihilik nang malakas kaya
pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo ni Skymir upang ito ay magising, ngunit akala ni Skrymir ay may nalaglag
lamang na dahon sa kanyang ulo. Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Bago
sila umalis ay binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-
Loki. Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor.Ginamit nina Thor at mga kasamahan
ang kanilang galing at lakas. Si Loki ay may kakayahang pinakamabilis sa pagkain. Naglaban sila ni Logi sa pabilisan
ng pagkain ngunit siya ay natalo. Pabilisan sa pagtakbo naman ang sinalihan ni Thjalfi laban sa batang si Hugi. Inulit ng
tatlong beses ang labanan ngunit hindi talaga inabutan ni Thjalfi ang batang si Hugi. Sumabak naman si Thor sa
pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng
mga panauhin. Sa tatlong pagkakataon ay hindi naubos ni Thor ang laman ng tambuli. Nagalit si Thor nang matalo siya
sa paligsahang ito. Isang laro pa ang sinubukan ni Thor upang masubok ang kanyang lakas, ang buhatin sa lupa ang
pusa ni Utgaro-Loki. Hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang kanyang lakas ngunit
paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. Lalong nagalit si Thor nang matalo sa labanang ito. Hinamon ulit niya si
Utgaro-Loki kaya itinapat ni Utgaro ang kanyang inang si Elli sa labanang wrestling.Tulad ng mga nagdaang laban,
natalo pa rin si Thor. Ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor na nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki, ginamitan sila nito ng
mahika upang sila ay talunin dahil alam ng hari ng higante na walang kapantay ang lakas ni Thor at ayaw nito na may
makatalo sa kanyang lakas.

GABAY NA TANONG:

Panuto: Upang lubusan mong maunawaan ang kuwento sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ang inyong mga Iskor ay
nakabase sa rubrik na nakalagay sa ibaba kasunod ng Gabay na Tanong.
1. Saan naglakbay sina Thor at Loki?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito? Pinarusahan ba sila ni
Thor? Paano?
_____________________________________________________________________________________
1
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sa galit niya ay hinahampas niya ng maso si
Skrymir?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Ilahad ang naging resulta sa paligsahang nilahukan nina Thor at mga kasamahan nito.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5.Ilahad ang pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan:

a. May ipinagtapat si Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na sa lupain ng mga higante.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
b. Nagalit si Thor nang hindi sinunod ng anak ng magsasaka ang iniutos nito sa kanya.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
c. Binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-
Loki._________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

GAWAIN 2
Panuto: Dahil nabasa mo na ang mitolohiyang Sina Thor at Loki sa Kaharian ng mga Higante ay siguradong
hindi ka nabago sa mga impormasyon ng nasabing mitolohoya. Kung gayon sagutin ang gawain 2, bilugan ang titik ng
sagot na sa tingin mo ay Tama.

1. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante upang sila ay mapasakop sa
kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalalangan din

2. Ang pagbibigay ng payo ng hegante kay Thor ay nangangahulugan ng ________.


A. pag-aalala C. pagmamahal
B. pagmamalasakit D. pagtanaw ng utang na loob
3. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura,mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa
pakikisalamuha sa mga tao.
A. dula B. maikling kuwento C. mitolohiya D. tula
4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.
A. kapani-paniwala ang wakas C. may salamangka at mahika
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?
A. dahil nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
B.upang mapahalagahan ang uri ng akdang ito
C. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri ng pamumuhay,paniniwala at kultura ng sang bansa
D. dahil kailangang matutunan ito ng mag-aaral.
6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang panrelihiyon.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.
A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor
8. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi niya _______.
A. alam na naunang nagising si Thor C. naramdaman ang paglipad ng ibon
B. nalalaman ang sikreto ni Thor D. naramdaman na tinaga siya ni Thor
9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang kanyang mata. Ano ang damdaming
ipinahayag sa pangungusap?
A. pagkaawa B. pagkagalit C. pagkalungkot D. pagkatuwa
10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo at pinupukpok niya ng maso ang
higante. Si Thor ay nagpapakita ng______
A. pagkamaawain B. pagkamainipin
C. pagkamahiyain D. pagkamainitin ang ulo
11. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga higante.
A. Thjalfi at Rovska B. Thor at Loki
C. Utgar at Skrymir D. Vili at Ve

2
12. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matatalo nina Thor sa labanan?
A. ginalingan ang pakikipaglaban C. humingi sila ng tulong sa mga higante
B. gumamit si Utgaro-Loki ng mahika D. inalisan ni Utgao-Loki ng kapangyarihan si Thor
13. Ayaw ni Utgaro –Loki na may mahangin ang ulo sa kanyang kaharian. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang;
A. hindi mapakali B. kagalang-galang
C. malikot ang kamay D.mayabang
14. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi ___________
A. makabalik sa pinagmulan B.manaig ang kapangyarihan nito
C. sila masakop at magapi D. sila mapaglaruan ng taglay nitong lakas
15. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi pagsunod ng pamilya ng magsasaka sa kanya?
A. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay
B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
C. pinakaladkad sila ng kanyang mga kambing
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka

PANGWAKAS NA PAGSUBOK

Panuto: Natitiyak kong marami ka nang natutunan sa araling ito. Subukin natin ang iyong nalalaman sa pamamagitan
ng pagsagot sa susunod na gawain. Simple lang, dugtungan lamang ang mga pahayag sa ibaba bilang paglalagom.
1. Natutunan ko sa buong aralin na ang salitang mitolohiya ay___________________________________________.
2. Na ang kahulugan ng mitolohiya ay nagbabago_____________________________________________________.
3. Natuklasan ko rin na ang mga diyos at diyosa ay ___________________________________________________.
4. Ako ay may nabasa na ring mitolohiyang Pilipino tulad ng ___________________________ _________________.
5. Ang mga dahilan upang basahin natin ang mitolohiya ay ___________________________ __________________.

3
Pangkalahatang Panuto
1. HUWAG SULATAN ANG ALINMANG BAHAGI NG WORKSHEET.
ISULAT ANG SAGOT SA TABLET PAPER.
2. HUWAG NG SULATAN ANG LIKOD NG TABLET PAPER, SA
UNAHANG BAHAGI LANG MAGSULAT.
3. ISULAT ANG SUBJECT, WOKSHEET NUMBER, PANGALAN AT
SEKSYON SA ITAAS NA BAHAGI NG TABLET PAPER
4. ANSWER ONLY!

Araling Panlipunan 10 (Gayahin ito sa


Worksheet no. 1 itaas na bahagi
ng inyong mga
Pangalan: ____________________ Baitang at Seksyon: _____ tablet paper)

Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga impormasyong nakasulat sa kahon. Ito ay iyong pag-aralan. Kilatisin ang mga detalye ng
seleksyon at subukang matuto gamit ang mga halimbawa pagkatapos nito, maari mo ng sagutan ang pagsasanay na
nasa ibaba.

Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa. Sa mga pandiwa, nakagaganap at nagpapakahulugan ng
maraming kaisipan ang mga panlapi. Isa na rito ang pokus ng pandiwa, ang makabuluhang ralasyon o pag-
uugnayan ng pandiwa at ng paksa o simuno ng pangungusap. Naipakikilala ng mga panlapi ng pandiwa ang pokus
o simuno ng mga pahayag.

A. Nasa pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap ng
kilos nito. Sa pokus na ito, magagamit sa pandiwa ang panlaping um-/-um, mag-, ma-, mang (m/n)-, mag-an, at
magsipag-an/han. Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang, at magagamit din bilang pokus tagaganap ang
mga nominatibong panghalip na ako, ka, kita, siya, tayo kami, kayo, at sila.
Halimbawa.
1. Nagbihis si Thor at kinuha ang kanyang maso.
2. Naglakbay sila buong araw.
3. Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad.

B. Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang tagatanggap o tuwirang layon ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap. Ginagamit sa mga pandiwang pokus sa layon ang mga panlaping i-, –in/hin, -an/han, ma, paki, ipa,
at paki, at panandang ang sa paksa o pokus.
Halimbawa:
1. Inihampas ni Thor sa higante ang kanyang maso.
2. Iniutos ni Utgaro-Loki kay Thor na inumin ang tubig sa tapayan.
3. Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.

Gabay na Tanong:

Panuto: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at bilugan ang pokus nito.Pagkatapos sabihin kung
ito ay pokus sa tagaganap o layon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Halimbawa: Pokus sa layon Kinain nila ang karne hanggang sa buto na lamang ang maiwan.
____________1. Nagbalak sina Thor at loki na maglakbay sa lupain ng mga higante.
____________2. Natutulog pa ang higante nang dumating sila sa kaharian.
____________3. Ang tarangkahan ng kaharian ay sinubok na buksan ni Thor.
____________4. Hinugot ni Thor ang maso sa ulo ng higante.
____________5. Si Skrymir ay nagising at inaakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo.

Gawain 2:
Panuto: Batay sa mitolohiyang Norse na “Sina Thor at Loki sa Kaharian ng mga Higante” na nabasa mo sa Gawaing
Pagkatuto 2.1. Bumuo ng mga pangungusap na naghahambing gamit ang pokus sa tagaganap at pokus sa layon.

THOR

LOKI

SKRYMIR
1
PANGWAKAS NA PAGSUBOK:

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Nasa pokus sa _________ ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ang layon ng pandiwa.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
2. Namukod siya sa hanay ng kabataang kataon niya tulad ng isang brilyante sa tumpok ng mga bato. Ano ang
salitang-ugat ng salitang namukod?
A. bukod B.lukod C.mukod D.namo
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?
A. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
B. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
C. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
D. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.
4. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap.
A. layon B. pandiwa C.pokus D.tagaganap
5. Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang gumaganap sa kilos ng pandiwa ito ay nasa pokus sa _______.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
6. (Hingi) ng tulong ang mga na-stranded na residente dahil sa lock down. Ang angkop na pandiwang dapat gamitin ay
A. hiningi B.ipinanghingi C. naghingi D. nanghingi
7. Si Skrymir ay nagbigay ng payo kay Thor.Ang pokus ng pandiwa ay
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
8. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Alin ang tuwirang layon ng pangungusap?
A. gumugol B. ng kabutihan C. ng panahon D. sa paggawa
9. Ang sumusunod na pangungusap ay nasa pokus sa layon maliban sa isa.
A. Binabalot nila ang pagkain.
B. Inihahasik ng guro ang karunungan sa kanyang tinuturuan.
C. Nagpapakita rin sila ng magandang halimbawa.
D.Tinatahi nila ang sirang sapatos.
10. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus sa tagaganap?
A. ibinili, malaman,pag-aaralan
B. ikinalulungkot, ikinatutuwa, Ikinasawi
C. ipinambili, ipansulat, ipanghakot
D.lumikas, nag-ani, magsulat
11. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
A. pangngalan B. panghalip C. pandiwa D. pang-uri
12. Aling lipon ng mga panlapi ang pangpokus sa tagaganap?
A. -in, i-, -an, -hin
B –um, mag-, magpa-, makipag-
C. ipinag-, ikina-, ika-, ipang
D. maipag-, ipang-, ipaki-, ipagpa-
13. Kung ang bawat isa’y __________ (bahagi) tiyak ang tagumpay ng ating mga balakin. Alin ang tamang panlaping
dapat ikabit sa salitang nasa panaklong?
A. magpa- B.maka- C. makapag- D. maki-
14. Pumili sila ng mga pinunong karapat-dapat sa tungkuling gagampanan. Nasa pokus sa ____________ ang
pangungusap.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagagana
15. Madaling magpalaki ng anak ang magulang na marunong kumilala ng pananagutan. Ang pandiwang nasa pokus
sa tagaganap ay ____
A. kumilala B. madali C. magpalaki D. marunong

You might also like