You are on page 1of 128

Mitolohiya: Sina Thor at

Loki sa Lupain ng mga


Higante
 Aralin 1 – Mitolohiya: Sina Thor at Loki sa Lupain
ng mga Higante
 Aralin 2 – Kolokasyon Sanggunian Ito ang talaan
ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito. v
 Aralin 3 – Pagsusuri ng Mitolohiyang
Napanood:Thor
 Aralin 4 – Pokus ng Pandiwa:Tagaganap at
Layon
 Aralin 5.- Lingguhang Pangwakas na Pagtataya
 Mga Kompetensing Lilinangin sa Modyul 1 1. Nailalahad
ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa
napakinggang usapan ng mga tauhan.
( F10PN-IIa-b-71 )
 2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo
ng ibang kahulugan (kolokasyon) (F10PT-IIa-b-71)
 3. Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang
napanood (F10PD-IIa-b-69) mitolohiyang Pilipino
(F10WG-IIa-b-66)
 5. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa:
Tagaganap at Layon (F10WG-IIa-b-66)
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari
ng mga Higante upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang
paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalalangan din

2. Ang pagbibigay ng payo ng hegante kay Thor ay nangangahulugan ng


________.
B. pag-aalala
B. pagmamalasakit
C. pagmamahal
D. pagtanaw ng utang na loob
3. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura,mga diyos o
bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga
tao.
A. dula B. maikling kuwento C. mitolohiya D. tula

4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa


________.
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?
A. dahil nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
B.upang mapahalagahan ang uri ng akdang ito
C. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri ng
pamumuhay,paniniwala at kultura ng sang bansa
D. dahil kailangang matutunan ito ng mag-aaral.

6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa


paniniwalang panrelihiyon.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng
Aesir.
A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor

8. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng


puno ay nangangahulugang hindi niya __________________.
A. alam na naunang nagising si Thor
B. nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon
D. naramdaman na tinaga siya ni Thor
9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay
nanlilisik ang kanyang mata. Ano ang damdaming ipinahayag sa
pangungusap?
A. pagkaawa
B. pagkagalit
C. pagkalungkot
D. pagkatuwa
10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante
ay mag-iinit ang kanyang ulo at pinupukpok
niya ng maso ang higante. Si Thor ay
nagpapakita ng______
A. pagkamaawain
B. pagkamainipin
C. pagkamahiyain
D. pagkamainitin ang ulo
11. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga
higante.
A. Thjalfi at Rovska C. Utgar at Skrymir
B. Thor at Loki D. Vili at Ve

12. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matatalo
nina Thor sa labanan?
A. ginalingan ang pakikipaglaban
B. gumamit si Utgaro-Loki ng mahika
C. humingi sila ng tulong sa mga higante
D. inalisan ni Utgao-Loki ng kapangyarihan si Thor
13. Ayaw ni Utgaro –Loki na may mahangin ang ulo sa kanyang
kaharian. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang;
A. hindi mapakali
B. kagalang-galang
C. malikot ang kamay
D.mayabang

14. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi ___________

B. makabalik sa pinagmulan
B.manaig ang kapangyarihan nito
C. sila masakop at magapi
D. sila mapaglaruan ng taglay nitong lakas
15. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi pagsunod ng
pamilya ng magsasaka sa kanya?

A. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay


B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
C. pinakaladkad sila ng kanyang mga kambing
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka
Paano Nagkaanyo ang Mundo?
Si Odin kasama ng dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay
nagawang paslangin ang higanteng si Ymir. Ito ang
dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga
higante. Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan
nito at iba pang bagay mula sa ibat- ibang parte ng
katawan nito. Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o
ang mundo ng mga tao mula sa katawan ng higante.
Lumikha sila ng kalupaan at mga bundok mula sa laman
at ilang buto nito. Ginamit nila ang dugo nito upang
makalikha ng karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan.
 Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing mga
graba at hanggahan. Ang bungo nito ay inilagay sa itaas
ng mundo at nagtalaga ng apat na duwende sa apat na
sulok nito. Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang
Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. Ginamit nila ang
kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan na
magprotekta upang hindi makapasok dito ang mga
higante. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap.
Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na
nakakawala sa Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy
at inilayo nila ito sa mundo.
Ang mga liwanag nito ang nagsisilbing mga bituin, araw at
buwan. Ang maitim subalit napakagandang anak na
babae ng isang higante na si Gabi ay nagkaroon ng anak
na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya itong Araw.
Binigyan ng mga diyos sina Gabi at Araw ng kani-
kanilang karwahe at kabayo at inilagay sila sa kalangitan.
Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay
nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag
at init ni Araw ay naglagay ang mga diyos ng bagay sa
mga paa ng kabayo nito upang hindi ito masunog.
May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang
bahagi ng Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang
higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng isang lobo. Si
Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang
humahabol sa buwan. Ang magkapatid na ito ang dahilan
ng paghahabulan ng araw at buwan kaya nagkaroon ng
paglubog at paglitaw ng araw. Mula sa mga uod sa
katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga ito
ay naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at
naghahatid ng mga bakal, pilak, tanso at ginto sa mga
diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga nilalang
tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na
tinatawag na
Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin mga
hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng
anyo ng mundo.
1. Paano nagkaanyo ang mundo ayon sa kuwento?
2. Sino ang magkakapatid na pumaslang sa
higanteng si Ymir?
3. Saan nagmula ang mga hamog sa umaga?
4. Ano ang inilagay ng mga diyos sa paa ng mga
kabayo upang hindi ito masusunog?
5. Paano nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng araw
ayon sa kuwento?
 Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay
na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng
tradisyong oral? Ang salitang mitolohiya ay hango
sa salitang Griyego na mythos na
nangangahulugang “kuwento”. Ang mitolohiya ay
isang natatanging kuwento na kadalasang
tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at
ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha
sa mga tao.
 Maaaring nagsimula ang mitolohiya nang
magsimulang magtanong ang tao tungkol sa
pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang
tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay
nabibigyan ng linaw ang mga kababalaghang
pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa
daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy,
kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.
 Bakit mahalaga ang mitolohiya? Mahalaga ang
mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha
ng mundo at mga natural na pangyayari. Sa
mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang
paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng
aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga
rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng
sangkatauhan.
 Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil sa ibat-ibang
kadahilanan subalit ang ilan sa pinakamagandang
dahilan ng pagbabasa sa mga ito ay upang tayo ay
maaliw sa magandang kuwento, mamangha sa
taglay nitong hiwaga, matuto sa mga taglay na
mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa ang
imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa
pangkaraniwan.
Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya

1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Tema
Tauhan.
Ang mga tauhan ng mitolohiya
ay mga diyos o diyosa,
makulay at puno ng
imahinasyon ang pagganap ng
mga tauhan, may taglay na
kapangyarihan at lahat ay
kanilang magagawa.
Tagpuan.

Sa tagpuan nasusuri ang kalagayan ng mga bansa


noon at sa kasalukuyan. Nalalaman kung anong uri
ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at
maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay
ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa
kasalukuyan.Nasasalamin ang sinaunang lugar at
kalagayan ng bansa kung saan ito umusbong at
may kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan,
palayan, kabundukan at iba pa.
Banghay.

Ang banghay ay naglalahad ng mga mahahalagang


pangyayari, pakikipagsapalaran ng isang tao upang
ipagtanggol ang kanyang bansa. Ito ay nag
papaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng
mga tao sa bansang inilalarawan sa mitolohiya
noon at sa kasalukuyan. Sa element ring ito
makikita ang sunod-sunod na kaganapan at
pangyayari at ditto rin masusuri ang pagiging
makatotohanan o di-makatotohanan ng akda.
Tema.

Naglalahad at nagpapaliwanag sa natural na


mga pangyayari at ng ugali ng tao, mga kahinaan
at kalakasan ng tauhan at mga aral sa buhay
Ayon sa aklat ni Marasigan na “Pinagyamang
Pluma 10”, Ang salitang mito kung saan hinango
ang salitang mitolohiya ay mula sa salitang
Griyegong mythos na unang nangangahulugang
“talumpati” subalit sa katagalan ay
nangangahulugang “pabula” o “alamat”.
Ang mitolohiya ay mga sinaunang kuwentong
may kaugnayan sa paniniwala o
pananampalataya at nagtataglay ng tauhang
karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng
pangkaraniwang mortal.
Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay–liwanag sa
mga bagay na mahirap ipaliwanag. Sa mitolohiya
kitang-kita ang pagiging likhang isip lamang ng mga
kababalaghang taglay nito.

Kapag binanggit ang salitang mitolohiya agad


pumapasok sa isipan ng mga tao ang mitolohiyang
Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong
mundo.

Gayunpaman marapat ding malaman na mayroon


ding koleksyon ng mitolohiya ang iba’t ibang lahi sa
mundo. Ang atin mang bansang Pilipinas ay mayroon
ding mitolohiyang taglay.
Tulad ng mitolohiya ng ibang lahi,
ang ating mitolohiya ay mayroon ding
diyos at diyosa tulad ni Bathala, ang
pinakamakapangyrihang diyos; si
Idionale ang diyos ng mabuting
pagsasaka, si Tala, diyosa ng pang-
umagang bituin at iba pa.
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Ni Snorri Sturluson Isinalin sa Filipino ni
Sheila C. Molina
Mga Tauhan:

Diyos:

Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir


Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan Higante: Skrymir
– naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki – hari ng mga higante Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni
Utgaro-Loki Mga Tao:

Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka Pumunta sina


Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante ay kalaban
ng mga diyos sa Norse. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay,
nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka na may dalawang anak
isang lalaki at isang babae. Kinatay ni Thor ang dala nitong kambing
para sa kanilang hapunan. Nagalit si Thor sa magsasaka nang hindi
sinunod nito ang kanyang iniutos na paghiwalayin ang buto ng kambing
sa balat nito kaya ginawa niyang alipin ang dalawang anak na sina
Thjalfi at Roskva bilang kapalit
. Naglakbay sila hanggang sa makita ang natutulog na si Skrymir, isang
uri ng higante. Umiinit ang ulo ni Thor pag natutulog si Skrymir at
naghihilik nang malakas kaya pinupukpok niya ng kanyang maso ang
ulo ni Skymir upang ito ay magising, ngunit akala ni Skrymir ay may
nalaglag lamang na dahon sa kanyang ulo. Dinala ni Skrymir sina Thor
at Loki kay Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Bago sila umalis ay
binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita
ng pagmamataas kay Utgaro-Loki. Nakipagpaligsahan sila dito upang
malaman kung gaano kalakas sina Thor.Ginamit nina Thor at mga
kasamahan ang kanilang galing at lakas. Si Loki ay may kakayahang
pinakamabilis sa pagkain. Naglaban sila ni Logi sa pabilisan ng pagkain
ngunit siya ay natalo. Pabilisan sa pagtakbo naman ang sinalihan ni
Thjalfi laban sa batang si Hugi. Inulit ng tatlong beses ang labanan
ngunit hindi talaga inabutan ni Thjalfi ang batang si Hugi .
Sumabak naman si Thor sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni
Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman
ng mga panauhin. Sa tatlong pagkakataon ay hindi naubos ni Thor ang
laman ng tambuli. Nagalit si Thor nang matalo siya sa paligsahang ito.
Isang laro pa ang sinubukan ni Thor upang masubok ang kanyang lakas,
ang buhatin sa lupa ang pusa ni Utgaro-Loki. Hinawakan ni Thor ang
palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang kanyang lakas ngunit
paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. Lalong nagalit si Thor nang
matalo sa labanang ito. Hinamon ulit niya si Utgaro-Loki kaya itinapat ni
Utgaro ang kanyang inang si Elli sa labanang wrestling.Tulad ng mga
nagdaang laban, natalo pa rin si Thor. Ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay
Thor na nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki, ginamitan sila nito ng mahika
upang sila ay talunin dahil alam ng hari ng higante na walang kapantay
ang lakas ni Thor at ayaw nito na may makatalo sa kanyang lakas.
Panuto: Upang lubusan mong maunawaan ang kuwento
sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Saan naglakbay sina Thor at Loki?


2. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Thor sa magsasaka at sa
pamilya nito? Pinarusahan ba sila ni Thor? Paano?
3. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari
kapag sa galit niya ay hinahampas niya ng maso si
Skrymir?
4. Ilahad ang naging resulta sa paligsahang nilahukan nina
Thor at mga kasamahan nito.
5.. Ilahad ang pangunahing paksa at ideya batay sa
napakinggang usapan ng mga tauhan.
a. May ipinagtapat si Utgaro-Loki kay Thor
nang sila’y paalis na sa lupain ng mga
higante.
b. Nagalit si Thor nang hindi sinunod ng anak
ng magsasaka ang iniutos nito sa kanya.

c. Binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo


na huwag silang magpapakita ng
pagmamataas kay Utgaro-Loki.
Gawain 2 Panuto: Natitiyak kong marami ka nang
natutunan sa araling ito. Subukin natin ang iyong
nalalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na
gawain. Simple lang, dugtungan lamang ang mga pahayag
sa ibaba bilang paglalagom.

1. Natutunan ko sa buong aralin na ang salitang mitolohiya


ay________________.
2. Na ang kahulugan ng mitolohiya ay
nagbabago_________________________
3. Natuklasan ko rin na ang mga diyos at diyosa ay
________________________
4. Ako ay may nabasa na ring mitolohiyang Pilipino tulad ng
_________________
2. 5. Ang mga dahilan upang basahin natin ang mitolohiya ay
__________________
Gawain 3 Panuto: Iugnay ang mahalagang
kaisipan sa mitolohiyang binasa sa
sariling karanasan.

1. Kung ikaw si Thor, ano ang iyong


mararamdaman kung malaman mong
natalo ka sa paligsahan dahil sa
pandaraya?
2. Pumili ng isang bahagi na iyong
nagustuhan mula sa mitolohiyang binasa at
iguhit ito. Pagkatapos ipaliwanag kung
bakit ito ang iyong piniling tagpo.
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga
pagpipilian. Isulat lamang sa iyong sagutang papel ang
titik ng mapipili mong sagot.

1. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?


A. dahil nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
B. B.upang mapahalagahan ang uri ng akdang ito
C. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri
ng pamumuhay,paniniwala at kultura ng sang bansa
D. dahil kailangang matutunan ito ng mag-aaral.
2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng
_____.

A. pag-aalala
B. B. pagmamalasakit
C. C. pagmamahal
D. D.pagtanaw ng utang na loob

3. Ang pagtatanong ni Skrymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng


puno ay nangangahulugang hindi niya ____.

E. alam na naunang nagising si Thor


B.nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon
D. naramdaman na tinaga siya ni Thor
4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng
mitolohiya liban sa ________.

A. kapani-paniwala ang wakas


B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng
Hari ng mga Higante upang sila ay mapasakop sa
kapangyarihan nito” ay

A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang


B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa
masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalamangan din

6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa


paniniwalang panrelihiyon.

A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema


7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.
A. Loki
B. Odin
C. Skrymir
D. Thor

8. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura sa mga diyos o bathala


at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
B. Dula
B. maikling kuwento
C. mitolohiya
D. tula

9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang
kanyang mata. Ano ang damdaming ipinahahayag sa pangungusap?

C. pagkaawa
B. pagkagalit
C. pagkalungkot
D. pagkatuwa
10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-
iinit ang kanyang ulo at pinupukpok niya ng maso ang
higante. Si Thor ay nagpapakita ng__
A. pagkamaawain
B. pagkamahiyain
C. pagkamainipin
D. pagkamainitin ang ulo

11. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi


pagsunod ng pamilya ng magsasaka sa kanya?
B. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay
C. B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
C. pinakaladkad sila ng kanyang mga kambing
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka
12. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matatalo
nina Thor sa labanan?
A. ginalingan nila ang pakikipaglaban B. gumamit si Utgaro-Loki ng
mahika
C. humingi sila ng tulong sa mga higante D. inalisan ni Utgao-Loki ng
kapangyarihan si Thor

13. Ayaw ni Utgaro –Loki na may mahangin ang ulo sa kanyang


kaharian. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang;

A. hindi mapakali B. kagalang-galang C. malikot ang kamay


D.mayabang
14. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi _____
A. manaig ang kapangyarihan nito
B. mapaglaruan ng taglay nitong lakas
C. na makabalik sa pinagmulan
D.sila masakop at magapi

15. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga


higante.
B. Thjalfi at Rovska
C. B.Thor at Loki
D. C. Utgaro at Skrymir
E. D. Vili at Ve
Gawain 4 Panuto: Tukuyin mula sa mga nakalahad na kaisipan ang
mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggan. Lagyan ng
titik K ang kahong katapat ng bawat isa.

Pumili ng isa sa mga pangunahing paksa at ideyang nilagyan mo ng titik


K at ipaliwanag kung bakit mahalaga rin itong maging panuntunan sa
pang-araw-araw na buhay. Ang labis na pagtingin sa angking kakayahan
ay nagdudulot ng sariling kapahamakan. Nagiging sanhi ng pagbibigay
ng maling desisyon ang labis na pagkamainitin ng ulo ng isang tao.
Magagawa ng isang pinuno ang kahit na anong paraan para lang maging
ligtasang kanyang nasasakupan. Ang maayos na pagtanggap ng
panauhin sa isang tahanan ay isang magandang kaugaliang dapat
taglayin. Ang maluwag na pagtanggap ng pagkatalo ay isang magandang
katangiang dapat taglayin ng isang tao. Ang pangunahing paksa at ideya
mula sa mga sagot ko na sa tingin ko’y makabubuti rin sa akin ay
____________________________________________ dahil
____________________________________________.
Aralin 2

Kolokasyon
1. Naisasama ang salita sa iba pang salita
upang makabuo ng ibang kahulugan
(kolokasyon) (F10PT-IIa-b-71)
Panuto: Bago tayo magpapatuloy sa pagtalakay sa
ikatlong aralin subukin mong sagutin ang
sumusunod na pagtataya. Piliin ang titik na
nagtataglay ng tamang sagot.

1. Sila ay may maayos na __________aralan.


A.silid
B.Paaralan
C.gilid
D.likod
2. Si Razel ay may __________ na puso
A. bago B. bakal C. bakla D.mabango

3. Kapit-__________ ang mga mamamayan


habang nagpoprotesta sa harap ng munisipyo.
A. bisig B. ginto C.likod D. tuko

4. Naglaho ang kanyang pag-ibig sa isang


__________ mata.
A. kisap B.pilik C. piso D. tambo
5. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa
pamamagitan ng pagsasama ng isang salita sa iba pang
salita upang makabuo ng panibagong kahulugan.
A. etimolohiya
B. B.kolokasyon
C. C. sanaysay
D. D. tulakolokasyon

6. Ang salitang balat at sibuyas kapag pinagsama ay naging


balat-sibuyas na nagtataglay ng kahulugang ________.

E. mabango
F. B. maramdamin
G. C.pagkain
H. D. rekado sa ulam
7. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag
at ulo. Ito ay nangangahulugang __________.
A. away o gulo B.nababasag C. nabasag ang ulo
D.pagtatalo

8. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay


kasalan.
A. bahay-bahayan B. mahabang dulang C. pag-iibigan
D.tagu-taguan
9. Binawian ng buhay ang aking kapitahay. Ang ibig sabihin
ng binawian ng buhay ay;

A. inalisan ng kabuhayan
B.namatay
C. naglakbay
D. walang karapatan

10. ________-bunga ang kanyang pakikitungo sa mga


panauhin.
A. pabalat B.pakanta C. pakitapatago D.patago
11. Diyos ng digmaan at ng kalangitan
A. Aesir B. Asgard C. Jotunheim D. Norse

12. Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na


___________
A. Aesir B. Frigga C. Odin D.Zeus

13. Ang pinakamamahal sa lahat ng diyos


A. Balder B. Frigga C. Freyr D. Thor
14. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay __________
A. Armor
B. B. LassoShield
C. C. Mjolnir
D. D. Shield

15. Siya ang bathala ng mga diyos at lumikha ng mga tao


E. Balder
B. Odin
C. Thor
D.Zeus
Review
1. Alin sa mga Gawain sa aralin 1
ang iyong lubos na nagustuhan?

2. Paano mo tinugon ang mga


nasabing Gawain?

3. Magbigay ng maikling buod sa


paksa sa aralin 2.
Kolokasyon. Ang pag-iisip ng iba pang
salita na puwedeng isama sa isang
salita o talasalitaan upang makakabuo
ng iba pang kahulugan.

Ito ay mga salitang karaniwang


nagagamit nang magkapareha may
kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag
nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapareha o maaari ring
magkasalungat. Higit na mapapalitaw
ang kahulugan ng isang salita kung ito’y
kasama ng iba pang salita.

May mga salitang nagsasama-samang


palagi sa isang konstruksyon at
mayroon namang nagsasama-sama
paminsanminsan
Halimbawa:

buwig ng saging kawan ng ibon trono


ng hari marangyang piging basag-ulo

Basag (pagkasira ng isang bagay ) +


ulo (bahagi ng katawan ).

Kapag pinagsama ay nagiging basag-


ulo na nangangahulugang gulo o away
Ang mga Diyos ng Norse Ang mga diyos ng Norse
ay kilala sa tawag na Aesir.

Ang mga Aesir ay ang mga diyos ng digmaan at ng


kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao
subalit mas malalaki na tulad ng higante.

Bihira silang makihalubilo sa mga tao hindi tulad ng


mga Greek Gods.

Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard.


Ang Asgard ay iba sa langit na iyong pinapangarap na
makita.

Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan.

Ito ay isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak


na kamatayan.
Alam ng mga diyos na darating ang panahon na
sila ay mawawasak.

Darating ang kanilang mga kalaban na handa


silang sugpuin.

At ang Asgard ay mawawasak.

Ang mga mortal nilang kalaban ay ang mga higante


na nananahan naman sa Jotunheim.
Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng nananahan sa Asgard
lalo na sa kanilang pinuno na si Odin.

Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos at lumikha sa mga tao.
Siya ang may pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang araw ng
pagwawakas.
Ang kanyang asawa ay si Frigga, isang
makapangyarihang diyosa na may kakayahang
makita ang hinaharap.

Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard,


lima sa kanila ang pinakamahalaga. Sila ay sina
Balder, Thor, Freyr, Heimdall, at Tyr.

Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga


diyos..
Ang kanyang kamatayan ang maituturing na pinakamalaking sakuna na
dumating sa mga Aesir.

Si Thor ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa


lahat ng diyos sa Aesir.

Sa kanya ring pangalan hinango ang araw ng Huwebes.

Makikitang madalas niyang dala ang malaking martilyo na tinatawag na


Mjolnir.

Ang tagapangalaga naman ng mga prutas sa mundo ay si Freyr.

Samantalang si Heimdall ang tanod ng Bilfrost, ang bahagharing tulay


patungo sa Asgard.

At si Tyr ang diyos ng digmaan at sa kanyang pangalan hinango ang


araw ng Martes
Gawain 3. Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga
pangungusap. 1. Ayaw ni Chuchay na saling-pusa lang siya
sa laro. Paliwanag:
_________________________________________________
______________ 2. Laki sa layaw ang pinsan ko at ni hindi
pa nakatapos sa pag-aaral. Paliwanag:
_________________________________________________
______________ 3. Kahit bagong tao pa lang ay hindi na
nahiyang naniningalang-pugad sa kanilang dalagang
kapitbahay. Paliwanag:
_________________________________________________
______________
Panuto: Sagutin ang sumusunod na pagtataya. Piliin ang titik lamang
at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Si Razel ay may __________ na puso


A.bago B. bakal C. bakla D.mabango 2. Si Teresa ay may
magandang__________mata.

A. pilik B. makapal C. mapungay D. kisap

3. Kapit-__________ ang mga mamamayan habang nagpoprotesta


sa harap ng munisipyo.

A.bisig B. ginto C. likod D. tuko

4. Naglaho ang kanyang pag-ibig sa isang __________ mata.

A. kisap B. pilik C. piso D. tambo


5. Ang salitang balat at sibuyas kapag pinagsama ay naging balat-
sibuyas na nagtataglay ng kahulugang ________.

A. mabango B. maramdamin C. pagkain D.rekado sa ulam

6. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan ng


pagsasama ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng
panibagong kahulugan.

A. etimolohiya B. kolokasyon C. sanaysay D. tula

7. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag at ulo. Ito


ay nangangahulugang __________.

A. away o gulo B. nababasag C. nabasag ang ulo D. Pagtatalo


8. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay
kasalan.

A. bahay-bahayan
B. mahabang dulang
C. pag-iibigan
D.tagu-taguan
9. Binawian ng buhay ang aking kapitbahay. Ang ibig sabihin
ng binawian ng buhay ay____

A. inalisan ng kabuhayan
B. naglakbay
C.namatay
D. walang karapatan

B. 10. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay


__________

C. Armor B. Lasso C. Mjolnir D. Shield

11. Diyos ng digmaan at ng kalangitan


A. Aesir B. Asgard C. Jotunheim D. Norse
12. Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na
___________

A. Aesir B. Frigga C. Odin D. Zeus

13. Ang pinakamamahal sa lahat ng diyos ay ___

B. BalderT B. Freyr C. Frigga D. Thor


14. Siya ang bathala ng mga diyos at lumikha ng
mga tao
A. Balder
B. Odin
C. Thor
D. Zeus

15. ________-bunga ang kanyang pakikitungo sa


mga panauhin.
B. pabalat
B. pakanta
C. pakita
D. patago
Aralin 3
Pagsusuri ng
Akdang
Mitolohiya
1. Nabubuo ang sistematikong panunuri sa
mitolohiyang napanood (F10PD-IIa-b-69)
Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat
sa iyong sagutang papel.

1. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na


nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga
diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa
pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.

A. alamat
B. epiko
C. kuwentong bayan
D. mitolohiya
2. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na
nangangahulugang_____.
A. awit B. kuwento C. tula D. talambuhay

3. Ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod maliban sa isa.


B. pag-uugali ng tao
B. pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. mga paniniwalang panrelihiyon
D. mga pangyayari sa buhay ng isang tao

4. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa maraming kapana-


panabik na aksiyon at tunggalian.

A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema


5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya
liban sa ________.
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

6. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa


kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon.

A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. tema


7. Ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mga Aesir
at mga higante.
A. gustong agawin ng mga higante ang Asgard
B. hindi makapunta sa kaharian ng mga higante ang mga
Aesir
C. napaslang ni Odin at mga kapatid nito ang higanteng si
Ymir.
D. nag-aagawan sila ng teritoryo

8. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang


______________.
B. ang gitnang bahagi ng mundo
B. bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan
D. ulap
9. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang
______________ng higante
A. ang dugo ng higante
B. ang utak ng higante
C. kilay ng higante
D. mga ngipin at ilang buto nito

10. Ginamit nila ang __________ ni Ymir upang lumikha ng


kagubatan sa buong mundo na magprotekta upang hindi
makapasok ditto ang mga higante.
A. bungo B. kilay C.paa D.ugat
11. Bahagi ng katawan ni Ymir na ginawang ulap
ng mga diyos.
A. bungo B. kamay C. kilay D.utak

12. Isang matalino at masayahing bata na anak ni


Gabi sa isang Aesir god.
A. Araw B.Odin C. Thor D. Ymir
13. Ayon sa mito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng paglubog at
paglitaw ng araw ay ________ A. ang paghahabulan ng magkapatid na
Skoll at Hati B. hinahabol ni Skoll ang araw at hinahabol ni Hati ang
buwan C. hindi mapakali si Vili D. namatay si Ymir

14. Mula sa mga uod ng katawan ni Ymir ay nilikha ang ______

A. araw at buwan
B. mga diyos
C. magkapatid na Vili at Ve
D.mga duwende

15. Tinatawag na mitolohiyang Norse ang mitolohiyang mula sa ____

A. hilagang Europa
B. Mediterranean
C. Rome
D.timog-silangang Asya
1. Ano ang mitolohiya?
2. Saan nagmula ang salitang
mitolohiya?
3. Ano-ano ang mga elemento ng
mitolohiya?
4. Ano-ano ang naging karanasan nina
Thor at Loki sa kanilang
paglalakbay sa lupain ng mga
higante
?
Panimulang Gawain: Panuto: Basahin muli at
unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng
pagkakalikha ng mundo na nasa Aralin 1 pahina 5
(Paano Nagkaanyo ang Mundo). Pagkatapos,
Lagyan ng hugis-puso ( ) ang puwang kung ang
binabanggit na elemento ay taglay ng binasa at ekis
( × ) kung hindi.
Gawain 1. Mga Elemento ng Mitolohiya
1. Tauhan _____ mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan _____ mga karaniwang mamamayan sa komunidad

2. Tagpuan _____ may kaugnayan ang tagpuan sa kaulturang


kinabibilangan _____ sinaunang panahon naganap ang kuwento ng
mitolohiya

3. Banghay _____ maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian


_____ maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga
natural na pangyayari _____ ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng
mga diyos at diyosa _____ tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo,
pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan
at daigdig _____ nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas

4. Tema _____ ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari _____


pinagmulan ng buhay sa daigdig _____ pag-uugali ng tao _____
katangian at kahinaan ng tauhan _____ mga aral sa buhay _____
mga paniniwalang panrelihiyon
Gawain 2. Napanood mo na ba ang pelikulang Thor? Kung
hindi pa ay panoorin mo online. Maaaring sa NETFLIX o sa
iba pang online streaming site. Pagkatapos mong
mapanood ay buuin ang balangkas sa ibaba
Gawain 4. Panuto: Iugnay ang mahalagang kaisipan sa
mitolohiyang napanood sa sariling karanasan.

1. Nagdudulot ng kawalang - kapayapaan sa pamilya ang pag-aaway o


hindi pagkakasundo ng magkakapatid. Ano ang magagawa mo sa
sitwasyong ito?

2. Ang kayamanan at kapangyarihan ay nagiging dahilan ng pag-aaway


ng magkapamilya. Sang-ayon ka ba rito? Patunayan ang iyong
sagot
Tayahin Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat sa
iyong sagutang papel.

1. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay


tungkol sa pinagmulan ng mga diyos at diyosa, bathala at mga anito,
sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.

A. alamat B. epiko C. kuwentong bayan D. mitolohiya


2. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na
nangangahulugang_____.
A. awit B. kuwento C. tula D. talambuhay

3. Bahagi ng katawan ni Ymir na ginawang ulap ng mga diyos.


A. bungo B. kamay C. kilay D.utak
4. Isang matalino at masayahing bata na anak ni Gabi sa isang Aesir
god.
A. Araw B.Odin C . Thor D. Ymir

5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa


________.
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

6. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang


kinabibilangan at sinauna ang panahon.

A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. tema


7. Ginamit nila ang __________ ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa
buong mundo na magprotekta upang hindi makapasok ditto ang mga
higante.
A. bungo B. kilay C.paa D.ugat

8. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang


______________.
B. ang gitnang bahagi ng mundo
B. bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan
D. ulap
9. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang ______________ng higante
A. ang dugo ng higante
B. ang utak ng higante
C. kilay ng higante
D. mga ngipin at ilang buto nito

10. Ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mga Aesir at mga
higante.
B. gustong agawin ng mga higante ang Asgard
B. hindi makapunta sa kaharian ng mga higante ang mga Aesir
C. napaslang ni Odin at mga kapatid nito ang higanteng si Ymir.
D. nag-aagawan sila ng teritoryo
11. Ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod maliban sa isa.
A. pag-uugali ng tao
B. pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. mga paniniwalang panrelihiyon
D. mga pangyayari sa buhay ng isang tao

12. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa maraming kapana-


panabik na aksiyon at tunggalian.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
13. Ayon sa mito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng paglubog at
paglitaw ng araw ay ________
A. ang paghahabulan ng magkapatid na Skoll at Hati
B. hinahabol ni Skoll ang araw at hinahabol ni Hati ang buwan
C. hindi mapakali si Vili
D. namatay si Ymir

14. Tinatawag na mitolohiyang Norse ang mitolohiyang mula sa ____


B. hilagang Europa
B. Mediterranean
C. Rome
D.timog-silangang Asya

C. 15. Mula sa mga uod ng katawan ni Ymir ay nilikha ang ______


A. araw at buwan
B. mga diyos
C. magkapatid na Vili at Ve
D.mga duwende
Aralin 4
Pokus ng Pandiwa:
Tagaganap at Layon

1. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa


mitolohiyang Pilipino (F10WG-IIa-b-66

2. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: Tagaganap


at Layon sa pagsulat ng paghahambing (F10WG-IIa-b-66)
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.

1. (Hingi) ng tulong ang mga na-stranded na residente dahil sa lock


down. Ang angkop na pandiwang dapat gamitin ay ____________
A. hiningi
B.ipinanghingi
C. naghingi
D. nanghingi

2. Namukod siya sa hanay ng kabataang kataon niya tulad ng isang


brilyante sa tumpok ng mga bato. Ano ang salitang-ugat ng salitang
namukod?

A. bukod B.lukod C.mukod D.namo


3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon? A.
Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor. B.
Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor. C.
Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor. D.
Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka. 4.
Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos
sa simuno o paksa ng pangungusap. A. layon B. pandiwa C.pokus D.
D.tagaganap 5. Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang
gumaganap sa kilos ng pandiwa ito ay nasa pokus sa _______. A.layon
B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
6. Nasa pokus sa _________ ang pokus ng pandiwa kung ang paksa
ang layon ng pandiwa.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

7. Si Skrymir ay nagbigay ng payo kay Thor. Ang pokus ng pandiwa ay


A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

8. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus sa tagaganap?

A. ibinili, malaman, pag-aaralan


B. ikinalulungkot, ikinatutuwa, Ikinasawi
C. ipinambili, ipansulat, ipanghakot
D.lumikas, nag-ani, magsulat
9. Ang sumusunod na pangungusap ay nasa pokus sa layon maliban sa
isa.
A. Binabalot nila ang pagkain.
B. Inihahasik ng guro ang karunungan sa kanyang tinuturuan.
C. Nagpapakita rin sila ng magandang halimbawa.
D.Tinatahi nila ang sirang sapatos.

10. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Alin ang


tuwirang layon ng pangungusap?
A. gumugol B. ng kabutihan C. ng panahon D. sa paggawa
11. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
A. pangngalan B. panghalip C. pandiwa D. pang-uri

12. Aling lipon ng mga panlapi ang pangpokus sa tagaganap?


A. -in, i-, -an, -hin
B –um, mag-, magpa-, makipag-
C. ipinag-, ikina-, ika-, ipang
D. maipag-, ipang-, ipaki-, ipagpa

13. Pumili sila ng mga pinunong karapat-dapat sa tungkuling


gagampanan. Nasa pokus sa ____________ ang pangungusap.
A.Layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

14. Madaling magpalaki ng anak ang magulang na marunong kumilala


ng pananagutan. Ang pandiwang nasa pokus sa tagaganap ay
____
A. kumilala B. madali C. magpalaki D. marunong
15. Kung ang bawat isa’y __________ (bahagi) tiyak ang tagumpay ng
ating mga balakin. Alin ang tamang panlaping dapat ikabit sa salitang
nasa panaklong?

A. magpa- B.maka- C. makapag- D. maki-


Maaalala mo pa ba, na ang salitang mitolohiya ay
nangangahulugang agham o pag-aaral ng ga
mito o myth at alamat?

Ang mga elemento ng mitolohiya ay tauhan,


tagpuan, banghay at tema
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa. Sa mga pandiwa,
nakagaganap at nagpapakahulugan ng maraming kaisipan ang mga
panlapi. Isa na rito ang pokus ng pandiwa, ang makabuluhang ralasyon o
pag-uugnayan ng pandiwa at ng paksa o simuno ng pangungusap.
Naipakikilala ng mga panlapi ng pandiwa ang pokus o simuno ng mga
pahayag. A. Nasa pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang
paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap ng kilos nito. Sa pokus na
ito, magagamit sa pandiwa ang panlaping um-/-um, mag-, ma-, mang
(m/n)-, mag-an, at magsipag-an/han.
Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang, at magagamit din bilang
pokus tagaganap ang mga nominatibong panghalip na ako, ka, kita, siya,
tayo kami, kayo, at sila.

Halimbawa.
1. Nagbihis si Thor at kinuha ang kanyang maso.
2. Naglakbay sila buong araw.
3. Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad. B. Nasa pokus sa layon
ang pandiwa kung ang tagatanggap o tuwirang layon ng pandiwa ang
paksa ng pangungusap. Ginagamit sa mga pandiwang pokus sa layon
ang mga panlaping i-, –in/hin, -an/han, ma, paki, ipa, at paki, at
panandang ang sa paksa o pokus.
Halimbawa:

1. Inihampas ni Thor sa higante ang kanyang maso.


2. Iniutos ni Utgaro-Loki kay Thor na inumin ang tubig sa tapayan.
3. Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.
Basahin ang sumusunod na talataan. Maitatanong sa ating
mga sarili: Ano ba ang papel na dapat nating gampanan
upang maipakita ang ating wagas at tapat na pagmamahal
sa ating lupang tinubuan? Iisa ang laging nasa isip natin –
kalayaan. Subalit batid ba natin ang mga pangyayari sa likod
ng salitang ito? Tayo ay nagpakasakit upang lagutin ang
tanikala ng ating pagkabusabos. Ginamit natin ang ating
katapangan sa pagtatamo ng kalayaan. Gumawa tayo ng
mga paraan upang makamit ng ating bayan ang kalayaang
matagal na nating inaasam-asam. Pagsikapan nating
ipagsanggalang ang kalayaang ito – oo, ang kalayaang
siyang susi natin upang matawag na ang ating bansa ay
demokratiko, makabayan, at maka-Diyos Naghihintay ang
ating bayan sa ating mga palad – kumilos tayo, hindi bukas
kundi ngayon.
Halimbawa:
1. Inihampas ni Thor sa higante ang kanyang maso.
2. 2. Iniutos ni Utgaro-Loki kay Thor na inumin ang tubig sa tapayan.
3. 3. Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.
Suriin Pansinin ang sumusunod na mga pangungusap na hinango mula sa tekstong iyong
binasa. Bigyang-pansin ang mga pandiwang may salungguhit.

1. Tayo ay nagpakasakit upang lagutin ang tanikala ng ating pagkabusabos.

2. Gumawa tayo ng paraan upang makamit ng ating bayan ang kalayaang matagal na nating inaasam-
asam.

3. Ginamit natin ang ating katapangan sa pagtatamo ng kalayaan. Sa una at pangalawang


pangungusap, sino ang gumanap ng kilos ng pandiwa?

Ano ang kaibahan ng ikatlong pangungusap sa unang dalawang pangungusap?

Nasa pokus sa tagaganap ang mga pandiwa sa una at ikalawang pangungusap dahil ang paksa ang
gumaganap ng sinasabi ng pandiwa, ng ikinikilos ng pandiwa.

Sumasagot ito sa tanong na sino.

Nasa layon-pokus ang pandiwa sa ikatlong pangungusap dahil ang simuno ang tagatanggap ng
sinasabi ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na ano.
Gawain 1. Panuto: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa
pangungusap at bilugan ang pokus nito.Pagkatapos sabihin kung
ito ay pokus sa tagaganap o layon. Isulat ang iyong sagot sa
patlang. Hal. Pokus sa layon Kinain nila ang karne hanggang sa
buto na lamang ang maiwan.

____________1. Nagbalak sina Thor at loki na maglakbay sa lupain ng


mga higante.
____________2. Natutulog pa ang higante nang dumating sila sa
kaharian.
____________3. Ang tarangkahan ng kaharian ay sinubok na buksan ni
Thor.
____________4. Hinugot ni Thor ang maso sa ulo ng higante.
____________5. Si Skrymir ay nagising at inaakalang may nalaglag na
dahon sa kanyang ulo
Gawain 3 Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang
masubok natin kung gaano na ang nalalaman mo tungkol sa aralin.
Nalalaman ko na…

1. Sa tulong ng pokus ng pandiwa ay


_______________________________.
2. Nakatutulong din ito sa akin sa pamamagitan ng
_____________________
3. Pokus ng pandiwa ang tawag sa
_________________________________
4. Nasa pokus sa tagagaganap ang pangungusap kung
_________________
____________________________________________ at nasa
pokus sa layon ang pangungusap kung
_________________________________
5. Mahalaga ang panlapi sa ________________________________.
Gawain 4.

Kung may isang tauhan sa ating sariling panitikan na


maaaring ihambing kay Thor, ito ay si Flavio sa pelikulang
“Ang Panday”. Bumuo ng hindi bababa sa limang
pangungusap na maghahambing sa dalawang tauhan.
Gumamit ng mga pandiwang nasa pokus sa tagaganap at
layon. Bilugan ang mga pandiwang gagamitin at ilahad sa
gilid kung ito ay nasa pokus sa tagaganap o layon.
Mga Pandiwang Ginamit: Pokus:
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel. 1. Nasa pokus sa _________ ang pokus ng pandiwa kung ang
paksa ang layon ng pandiwa.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

2. Namukod siya sa hanay ng kabataang kataon niya tulad ng isang


brilyante sa tumpok ng mga bato. Ano ang salitang-ugat ng salitang
namukod?
A. bukod B.lukod C.mukod D.namo

3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?


A. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
B. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
C. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
D. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.
4. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos
sa simuno o paksa ng pangungusap.
A. layon B. pandiwa C.pokus D. D.tagaganap

5. Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang gumaganap sa kilos ng


pandiwa ito ay nasa pokus sa _______.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

6. (Hingi) ng tulong ang mga na-stranded na residente dahil sa lock


down. Ang angkop na pandiwang dapat gamitin ay ____________
A. hiningi B.ipinanghingi C. naghingi D. nanghingi

7. Si Skrymir ay nagbigay ng payo kay Thor.Ang pokus ng pandiwa ay


A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

8. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Alin ang


tuwirang layon ng pangungusap?
A. Gumugol B. ng kabutihan C. ng panahon D. sa paggawa
9. Ang sumusunod na pangungusap ay nasa pokus sa layon maliban sa
isa.
A. Binabalot nila ang pagkain.
B. B. Inihahasik ng guro ang karunungan sa kanyang tinuturuan.
C. C. Nagpapakita rin sila ng magandang halimbawa.
D. D.Tinatahi nila ang sirang sapatos.

E. 10. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus sa tagaganap?


F. ibinili, malaman,pag-aaralan
G. B. ikinalulungkot, ikinatutuwa, Ikinasawi
H. C. ipinambili, ipansulat, ipanghakot
I. D.lumikas, nag-ani, magsulat

J. 11. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.


A. pangngalan B. panghalip C. pandiwa D. pang-uri
12. Aling lipon ng mga panlapi ang pangpokus sa tagaganap?
A. -in, i-, -an, -hin
B. B –um, mag-, magpa-, makipag-
C. C. ipinag-, ikina-, ika-, ipang
D. D. maipag-, ipang-, ipaki-, ipagpa

13. Kung ang bawat isa’y __________ (bahagi) tiyak ang tagumpay ng
ating mga balakin. Alin ang tamang panlaping dapat ikabit sa
salitang nasa panaklong?
E. magpa- B.maka- C. makapag- D. maki

F. 14. Pumili sila ng mga pinunong karapat-dapat sa tungkuling


gagampanan. Nasa pokus sa ____________ ang pangungusap.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagagana

G. 15. Madaling magpalaki ng anak ang magulang na marunong


kumilala ng pananagutan. Ang pandiwang nasa pokus sa
tagaganap ay ____
H. A. kumilala B. madali C. magpalaki D. marunong

You might also like