You are on page 1of 25

Isang

Mapagpalang
Araw sa Lahat
 PAMAGAT: ( PANITIKAN )

ANG PAGBAGSAK NG TROY


(MITOLOHIYA)
LAYUNIN: PAGKATAPOS MO SA MODULE
 
NA ITO, IKAW AY INAASAHANG:
1.Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda na
nangyayari sa: ( sarili, pamilya, pamayanan, lipunan
, daigdig
2. Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa binasa.
3.Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng
akdang binasa.
4.Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon,
pangyayari, at karanasan.
5.Naibibigay ang kahalagahan ng pandiwa bilang
aksyon, pangyayari, at karanasan sa Pagcritique/
pagsulat ng isang mitolohiya.
Basahin mo!
Mga katangian ng Mito

1. Isang kuwentong pinaniniwalaan kung paano


nalikha ang daigdig.
2. Ang mga tauhan ng isang mito ay hindi mga
ordinaryong tao.
3. Ang tagpuan ng mito ay sinauna o iyong panahon
na hindi pa marunong magsulat ang tao.
4. Ang banghay ay maaaring tumulay mula mistikong
daigdig tungo sa mundo sa kasalukuyan.
5. Ang mga pangyayaring nagaganap sa isang mito
ay taliwas o umiiba sa mga pangyayaring
nagaganap sa tunay na buhay.
MGA KATANGIAN NG MITO

6. Nag-uudyok ng pagbabago sa kaasalan o


sama-samang pagkilos.
7. Ito ay balot ng hiwaga.
8. Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay,
gaya ng araw at gabi, mabuti at masama, at
iba pa.
9. Ito ay nagbibigay tuon sa wika.
10. Karaniwang nakabatay sa metapora.
MGA PANGUNAHING TEMA NG MITONG
PANDAIGDIG

1. Kabilang buhay

2. Mga Hayop sa Mitolohiya

3. Apocalypse

Thematic Guide to World Mythology (2004) Lorena Stookey


1. KABILANG BUHAY
2. MGA HAYOP SA MITOLOHIYA
3. APOCALYPSE
UNAWAIN MO!

Ang mitolohiya ay nagmula sa


dalawang salitang Griyego na
“mythos” na ang ibig sabihin ay “
salaysay ng tao” at “logos” na
nangangahulugang “pag-aaral”.
Sa katunayan, may apat na tungkulin ang mitolohiya sa
sangkatauhan.
1. Ipinamumulat nito ang daigdig sa tao.
2. Natutuhan ng sinaunang tao na magbigay-teorya o
bigyang-paliwanag ang mga bagay at pangyayari sa
buhay tulad ng puwersa ng kalikasan at pinagmulan
ng sansinukob.
3. Nagsisilbing tagapag-ingat ang mitolohiya ng
kultura at tradisyon ng isang lipunan.
4. Nagbibigay ito ng aral kung paano mabuhay,
mamuhay, at isabuhay ang mga aral
nito.
JOSEPH CAMPBELL
The Hero with a Thousand Faces
(1949)
May pagkakatulad, pagkakahawig-
hawig mula sa tema, layunin at
salaysay
1. Etiolohikal na mito
2. Historikal na mito
3. Sikolohikal na mito
Etiolohikal na mito- ang isang salaysay
kung ito ay nagbibigay ng kadahilanan
ng isang bagay o pangyayari.
Historikal na mito-kung ang salaysay nito
ay tungkol sa isang dakilang
pangyayari sa nakaraan.
Sikolohikal na mito-ay isang salaysay na
tumatalakay sa buhay ng isang tauhan,
maaaring bayani o pangkaraniwang
nilalang, na may tunggaliang pansarili.
Ang mitolohiya ay isa ring kalipunan ng
mga salaysay tungkol sa diyos at diyosa
noong sinaunang panahon na
sinasamba, dinarakila, at pinipintaksi.
May malaking ugnayan ang relihiyon sa
pamumuhay ng sinaunang tao tulad ng
mga Griyego. Naiiba ang mitolohiya ng
mga Griyego sapagkat ang kanilang
diyos-diyosan ay nakikibahagi at
nakakasama nila sa kanilang buhay.
Ayon kay Donna Rosenberg sa kaniyang aklat na World
Mythology ( 1994 ), ang kadakilaan at katanyagan ng
mitolohiyang Griyego ay naisulat sa mga panahong
775 B.C. nang isinulat ni Homer ang kaniyang Iliad at
noong 725 B.C. nang isulat ni Hesiod ang Theogony.
Ayon naman kay Edith Hamilton sa kaniyang aklat
Mythology: Timeless Tales of Gods and Heroes (1942),
karamihan ng mga salaysay ng klasikong mitolohiya
ay nagmula kay Ovid, isang makatang Romano sa
panahon ni Augustus. Hindi matatawaran ang
kaniyang mga isinulat na salaysay tungkol sa mga
diyos-diyosang Griyego na siyang naging batayan ng
iba pang manlilikha noong unang panahon. Dahil dito,
may mga diyos-diyosan ang mga Griyego na hiniram
ng mga Romano
Ang angkan ng diyos-diyosan ng mga
Griyego ay malaki at bawat miyembro
ay may kani-kaniyang personalidad.
Taglay nila ang pag-ibig, pagkagalit,
pagkamuhi, at pagmamalaking pag-
uugali tulad ng tao. Samakatuwid, sila
ay representasyon ng tao na
nagtataglay ng katangian ng diyos.
UP DIKSYUNARYONG FILIPINO (2010)

Kwento hinggil sa di
pangkaraniwang nilalang o Agham o pag-aaral
pangyayari
OXFORD DICTIONARIES (2018)

Maagang kasaysayan ng isang grupo ng tao o


may paliwanag sa isang natural o sosyal na
penomeno
Repleksyong tanong:
1. Ano ang nakita mong suliranin
sa pinanood na video?
2. Bakit nagkakaroon ng di-
pagkakaunawan sa pagitan ng
dalawang tao o dalawang bansa?
Magbigay ng mga dahilan.
Basahin ang akdang “Ang
Pagbagsak ng Troy” sa inyong
batayang aklat
Punla, pahina 6-7
Sagutin ang mga nakalaang mga
tanong at gawain upang higit na
maunawaan ang akda.
MARAMIN
G
SALAMAT!

You might also like