You are on page 1of 5

Lugar ng Pag-aaral:FILIPINO Guro:Elma R.

Mamenta
Baitang:10 Markahan:1 Linggo:1 Modyul:1
MODYUL 1:MITOLOHIYA

LAYUNIN

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


naipapahayag ang mahalagang kaisipan /pananaw sa napakinggan, mitolohiya,
nagagamit ng wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;
pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing pinaglalaanan at kagamitan, tagaganap,
at layon sa isinulat na sariling kuwento.

Panuto:Basahin ang sumusunod na akda at pagyamanin.

Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng


tradisyong oral?
Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na nangangahulugang
"kuwento".Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa
mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring
nagsimula ang mitolohiya nangmagsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo
at ano ang kanilang tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng linaw ang mga
kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng
panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.
Bakit mahalaga ang mitolohiya?
Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari.
Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon.Nagtuturo rin ito ng aral at
nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng sangkatauhan.
Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil sa ibat-ibang kadahilanan subalit ang ilan sa pinakamagandang dahilan
ng pagbabasa sa mga ito ay upang tayo ay maaliw sa magandang kuwento,mamangha sa taglay nitong hiwaga,
matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa ang imahinasyon sa mga pangyayaring
kakaiba kaysa pangkaraniwan.

Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?

Tauhan-Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan,mga karaniwang tauhan sa komunidad.

Tagpuan-May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon.

Banghay-Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa sumusunod:


a.maraming kapana-panabik na aksiyon o tunggalian
b.maaaring tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari
k.nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas
d.ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e.tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo,pagbabago ng panahon at interaksiyong
nagaganap sa araw, buwan at daigdig.

Tema-Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:


a.magpaliwanag sa natural na pangyayari
b.pinagmulan ng buhay sa daigdig
k.pag-uugali ng tao
d.mga paniniwalang panrelihiyon
e.katangian at kahinaan ng tauhan
g.mga aral sa buhay

Panuto:Basahin at unawain ang mitolohiya.

Osiris
Mitolohiya mula sa Ehipto
Muling isinalaysay ni Eugene Y.Evasco)
Nagdiwang ang kalangitan sa kapanganakan ng bagong panginoo. Ibinalita nila sa buong Ehipto ang pagsilang ng
sanggol na si Osiris na siyang magiging diyos ng lahat ng bagay.
Lumaking matalino at kaibig-ibig na hari ang pinagpalang sanggol na iyon. Bilang hari,tinuruan niya ng tamang
asal, batas, pilosopiya, at sining ang kaniyang nasasakupan. Ipinakita niya sa mga Ehipsiyo ang sikreto ng agrikultura-
ang sining na pagtatanim at ang pilosopiya ng pag-aani. Gumawa siya ng batas upang mabigyan ng patnubay ang
dating magulong pamumuhay ng mga tao. Pinamunuan niya ang pagtatayo ng mga temple bilang parangal sa
kanilang mga diyos.
Inimbento rin ni Osiris ang plawta.Makatutulong ang musikang ito para sa kanilang pananampalataya sa kanilang
mga diyos.Mahal ng lahat si haring Osiris. Ngunit namumulaklak ang inggit sa puso ng kaniyang kapatid na si Seth.
Palihim na sinukat ni Seth ang lapad at tangkad ng kapatid na hari. Pagkatapos, lumikha siya ng napakaganda ta
napakagarang baul na akma sa laki ni Osiris.
Sa isang piging,hinamon niya ang mga dumalo na maaaring maiuwi ang baul na iyon ng sinumang magkakasya
sa nilikha niya.Agad pumasok si Osiris sa baul upang angkinin na napakaeleganteng baul. Walang anu-ano,agad itong
isinara ni Seth, kinandado, at saka itinapon sa dagat.
Labis na nagdalamhati si Isis, ang asawa ni Osiris sa kataksilan ni Seth sa sariling kapatid. Ipinaputol niya ang
kaniyang buhok at pinagsisira ang kaniyang damit sag alit. Naglakbay nang naglakbay si Isis upang hanapin ang baul
na kinalalagyan ng asawang hari. Sa wakas, natagpuan niya ang baul na kinalalagyan ng asawa sa Phoenicia.Iniuwi
niya ito sa Ehipto at saka itinago sa may latian.
Isang gabi,habang nangangaso si Seth, nagulat siya sa nakitang baul na kinalalagyan ng kapatid.Sa
galit,binuksan niya ang baul at agad hinati-hati ang kapatid sa labing-apat na piraso. Itinapon niya ang mga pirasong
iton sa ibat-ibang dako.
Nang malaman ito ni Isis, sinikap niyang hanapin ang mga bahagi ng katawan ng kaniyang asawa. Kailangang
mabuo niya ang bangkay dahil mahihirapang tumawid ang kaluluwa ng patay sa kabilang-buhay kapag hindi ito buo.
Nabuo ni Isis ang katawan ng asawa niya. Sa tulong ng mga diyos na sina Thoth at Anubis, inembalsamo nila ang
bangkay ng hari. Hinanda rin nila ang bangkay upang maging isang momya o mumm.Ito ang kauna-unahang ritwal
bilang parangal sa isang patay.
Nagbanyuhay si Isis bilang isang ibon. Sa pagpagaspas ng kaniyang mga pakpak, muling nabuhay ang kaniyang
asawa.
Nang bumangon ang bagong Osiris,inangkin niya ang bagong trono at kaharian-ang maging pinuno sa lupain ng mga
patay-

TUKLASIN:Bago ka magpapatuloy alamin mo muna kung ano ang ibig sabihin ng salitang pandiwa.

Ang pandiwa ay salitang kilos.Maaari itong magpahayag ng mga sumusunod:


A.Aksiyon-kung nagpapahayag ito ng kilos na ginawa,ginagawa,o gagawin pa lamang.Maaari itong
maging simple o mabigat na pagkilos na inisyatiba ng tao na may bias sa kaniyang sarili o
kapwa.Halimbawa nito ay:
1. Pinuri ni nanay ang anak niyang nagwagi sa paligsahan.
2.Pinapalitan ng nars ang suwero ng pasyente.

B.Pangyayari-kung nagsasaad ang kilos ng isang mahalagang kaganapan na maaaring maging


bahagi ng kasaysayan o kolektibong kamalayang ng mga tao. Halimbawa nito
ay:
1.Humingi ng paumanhin sa pamahalaan ang pamunuan ng ABS-CBN dahil sa kapabayaan
nitong ayusin ang prangkisa ng kanilang istasyon.
2.Nagsampa ng pormal na kaso ang Pangulong Duterte sa ABS-CBN sa kadahilanang hindi pag- ere ng kaniyang
political ads sa istasyon na binayaran ng kaniyang supporters ng 2.3 milyon pisong halaga.

K. Karanasan - kung nagsasaad ang kilos ng isang personal na pangyayari sa buhay ng tao.
Halimbawa nito ay:
1. Hinablot ng dalawang kawatang riding-in tandem ang kaniyang bag.
2. Nasakyan niya ang isa sa pinakamamahaling sasakyan sa buong mundo.

Tuklasin Mo Pa!
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa. Sa mga pandiwa; nakagaganap at
nagpapakahulugan ng maraming kaisipan ang mga panlapi. Isa na rito ang pokus ng pandiwa, ang makabuluhang
ralasyon o pag-uugnayan ng pandiwa at ng paksa o simuno ng pangungusap. Naipakikilala ng mga panlapi ng
pandiwa ang pokus o simuno ng mga pahayag.
A. Kaganapang Tagaganap - bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad
ng pandiwa.
Makikilala ito sa pantukoy na ni o ng. Halimbawa.
1. Labis na ikinagalit ni Isis ang ginawa ni Seth sa kanyang asawang si Osiris.
Sa halimbawang ito,ang kilos ay ang salitang ikinagalit at ang tagaganap ay si Isis, at
ginamitan din ito ng pantukoy na ni.
2. Naglakbay ng matagal si Isis upang hanapin ang asawang si Osiris.
Ganun din ito, ang kilos ay ang salitang naglakbay at ang tagaganap ay si Isis, at
ginamitan ng pantukoy na ng.
B.Kaganapang Layon - bahagi ng panaguri ana nagsasaad ng bagay na direktang tumatangsap
ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Makikilala ito sa pantukoy na ang at ng.Ginagamit sa mga pandiwang
pokus sa layon ang mga panlaping i-, -in/hin, -an/han, ma, paki, ipa, at paki. Halimbawa:
1. Inembalsamo ang katawan ni Osiris sa tulong ng dalawang diyos na sina Thoth at
Anubis.
Ang salitang kilos dito ay Inembalsamo na may panlaping intembalsamo at ang layon
ay katawan.
2. Inimbento ni Osiris ang plawta para makatulong ang musika para sa kanilang
pananampalataya sa kanilang mga diyos.
Ang salitang kilos dito ay Inimbento na may panlaping In+imbento at ang layon ay plawta

Sanggunian
Reyes, A.C. & Setubal J.S.,(2016). Pinagyamang wika at panitikan 10, (2016),
Makati City:Diwa Learning Systems,Inc.
Q1-M1 W1 FIL 10

Pangalan:
Iskor:

SUBUKIN

Panuto:Pilin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang isinilang na sanggol na magiging diyos ng lahat ng bagay.


A.Seth B.Osiris K.Isis D.Anubis
2.Ang labis na pagdadalamhati ni lsis ay nangangahulugan ng.

D.pagtanaw ng utang na loob


3.ItoAay elemento ng mitolohiyaK.pagtangis
pag-aalala na tumatalakay sa mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan.
B.pagmamahal
A.banghay B.tagpuan K.tauhan D.tema
4.Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa
A.kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
K.may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5.Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon?

A.bangha B.tagpuan K.tauhan D.tema


y
GAWAIN 1
Panuto:Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap pagkatapos sabihin kung ito ay pokus
tagaganap o layon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Inimbento ni Osiris ang plawta para sa kanilang pananampalataya sa kanilang


mga diyos.
2. Lumikha ng napakaganda at napakagarang baul si Seth.

Anubis.

3. Nabuo ni Isis ang katawan ni Osiris sa tulong nga mga diyos na sina Thot at
4.Palihim na sinukat ni Seth ang lapad at tangkad ng kapatid na si Osiris.

5.Gumawa ng batas si Osiris upang mabigyan ng patnubay ang dating magulong


pamumuhay ng mga tao.

GAWAIN 2
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1.Ang isinilang na sanggol na magiging diyos ng lahat ng bagay.
a.Seth b.Osiris k.Isis d.Anubis
2.Ang labis na pagdadalamhati ni Isis ay nangangahulugan ng
a.pag-aalala k.pagtangis
b.pagmamahal d.pagtanaw ng utang na loob

3. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa mga diyos o diyosa na may taglay na


kakaibang kapangyarihan
a.banghay b.tagpuan k.tauhan d.tema
4.Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa
a. kapani-paniwala ang wakas
b.may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
k. may salamangka at mahika
d.tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5.Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang panrelihiyon.
a.banghay b.tagpuan k.tauhan d.tema
6. Siya ay kapatid ni Osiris na may labis na Dag-iimbot ito sa kanva na ang kasina-kahuluaan ay.
a.hambog b.inggit k.unawa d.mapagmalaki
7.Ang latian ay may makapal na damuhan.
a. isang isla sa gitna ng dagat
b. isang magubat na anyong-tubig k. isang tagong-kuweba sa bundok
d.isang matarik na bundok
8.Inimbento ni Osiris ang plawta upang makatulong ito para sa kanilang pananampalataya sa
kanilang mga diyos.
a. instrumentong pangmusika na tumutugtog habang pinapalo
b.instrumentong pangmusika na may mga kwerdas
k.instrumentong pangmusika na pahaba na may mga butas at hinihipan
d. instrumentong bakal na pag tinipa ay tumutunog
9. Ito ay mga sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at
nagtataglay
ng karaniwang diyos at diyosa na kapangyarihan hindi taglay ng pangkaraniwang mortal.
a.sanaysay b.parabola k.Mitolohiya d.kuwentong bavan
10. Ito ay sumasalamin sa kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan na nakapaloob sa
mitolohiya.
a.tauhan b.tagpuan k.banghay d.tema
GAWAIN 3
Panuto:Tukuyin kung anong klaseng ang pandiwa ang nakapaloob sa bawat pangungusap aksiyon,
pangyayari, at karanasan. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Pinuri ng kritiko ang mahusay na pagtatanghal ng dula.

2.Tumakbo mula Maynila hanggang Dagupan ang unang Sistema ng tren na


itinatag sa Pilipinas
3. Humingi ng paumanhin sa bayan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
dahil sa ginawa niyang pakikipag-usap sa isang opisyal ng Comelec sa kasagsagan ng eleksyon.
4. Hinablot ang bag niya ng dalawang lalaking nakamotor.

5.Nagsampa ng pormal na kaso ang Pilipinas sa International Tribunal for the


Law of the Sea ng United Nations kaugnay ng ginagawang panghihimasok ng China sa exclusive
economic zone ng bansa.

GAWAIN 4
Panuto: Sagutan ang mga tanong ayon sa iyong pagkakaunawa sa akdang binasa.

1. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang ginawa ni Seth sa kanyang kapatid, at bakit?

2. Kung ikaw si Seth gagawin mo ba ang ginawa nya dahil lamangsa inggit.Oo o hindi at bakit?

You might also like