You are on page 1of 7

The Science and Business Oriented School for Excellence,Globally Competitive antd

Innovatived Programs
Lot 31, Blk 52, Purok 2, A. Bonifacio Avenue, cor Ricahuerta St., Upper Bicutan Taguig City 1633
Tel. Nos.: 839-0135; 838-9077 Email: morehacademy2002@yahoo.com.ph

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


S.Y. 2023-2024

MUNGKAHING PAGGANAP
IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO 10

Noche, Ma. Shayne Gabrielle Faye M.


Maranan, Jaycel O.
Manaloto, Sophia M.
Piscos, James D.
Ubaldo, Andrei Jiarelle R.
Revatores, Andrie E. Bb. Diana Rose D. Catilogo
Unang Pangkat Guro

Paksang Aralin: Aralin 1, 2nd Kwarter


Mitolohiya
Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation

A. Pagganyak
a. PRAYER
b. ATTENDANCE
c. ENERGIZER
d. UNANG GAWAIN

PAGTATASA
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang sumusunod. Sagutin ang bawat pahayag.
1. Ano ang panitikan?
a. Ito ay akda na naisulat ng mga manunulat na kadalasang naglalarawan ng buhay, kultura, relihiyon,
at iba pa.
b. Ito ay isang akdang pampanitikan na hinahango sa bibliya at nagbibigay aral sa mga mambabasa.
c. Ito ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan.
2. Ano ang mitolohiya?
a. Ito ay isang akdang pampanitikan na hinahango sa bibliya at nagbibigay aral sa mga mambabasa.
b. Ito ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan.
c. Ito ay anyo ng panitikan na tumatalakay sa mga konsepto ng diyos at diyosa.

3. Ang mythos ay nangangahulugang ______________?


a. Parabula c. Talumpati o Kuwento
b. Epiko

4. Ito ay ang mga kahalagahan ng mitolohiya MALIBAN sa isa.


a. Ito ay mahalaga sa sining, lipunan, at kultura ng isang bansa.
b. Ito ay hindi sumasalamin sa mga karanasan ng ating mga ninuno.
c. Ito ay bumuo sa kasaysayan ng ating bansa.

5. Ang mitolohiya ay nagmula sa ______________?


a. Greece c. Roma
b. Espanya

B. Pagsusuri
Sa mitolohiyang ating itatalakay, kayo’y makinig at manood ng mabuti sa inyong papanoorin. Maging
mapanuri at kung maaari itala ang mga mahahalagang detalye sa akda.
(Ipapakita ng tagapag-ulat ang bidyo na pinamagatang: “Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan”)

KATANUNGAN:
1. Sa naibahaging kuwento, bakit kinailangang lisanin ni Pele at ang kaniyang pamilya ang
kanilang kinagisnang tahanan?
2. Saan napadpad ang pamilya ni Pele? Ano-ano ang mga pinagdaanan nila bago narrating ang
tirahan sa bundok ng Mauna Loa?
3. Paano nabuo ang kalupaan sa palibot ng Mauna Loa na kalauna’y naging Isla ng Hawaii o
tinatawag ding “The Big Island”?
4. Saan nagmula ang halamang ohi’a lehua? Ano ang kinalaman ni Pele sa pangyayaring ito?
5. Sa paanong paraan naka-apekto ang pagseselos at mainitin ng ulo ni Pele?
6. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng magulang nina Pele at Namaka sa nangyari sa
relasyon nilang magkapatid na nakaapekto na rin sa buong pamilya?
7. Kung ikaw ang magulang nila, ano ang gagawin mo sa una pa lang upang hindi na umabot sa
ganito ang mga pangyayari?
8. Sa inyong palagay, may mabuti bang naidudulot ang mga inggit na ating nararamdaman sa
mga tao?
9. Ano-ano ang mga pangyayari o katangian na kadalasang nangyayari sa totoong buhay
ngayon?
10. Magbigay ng inyong mga natutunan sa inyong napanood na mitolohiya.
C. Paghahalaw
PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Tayo’y magkakaroon ng isang laro na tinatawag “Find Me, You Win!”.
Mechanics:
1. Una, hahatiin ang buong klase sa apat (4) na grupo.
2. Pangalawa, sa bawat grupo, kayo’y mag-isip ng mga salita o pangungusap na may kinalaman sa
“mitolohiya”.
3. Pangatlo, ang bawat grupo ay mag-iisip ng isang katotohang alam niyo tungkol sa mitolohiya at
isang kasinungalingan lamang.
4. Pang-apat, ang unang manghuhula ay may 20 segundo para mag-isip at sa kabilang grupo naman
ay 1 minuto. Upang makasagot ay kinakailangan ninyong itaas flag na ibinigay ng tagapag-ulat.
5. Pang-lima, Kapag parehas na nakasagot ang magkalabang grupo ay maglalaban sila ngunit ang
mga tagapag-ulat na ang magbibigay ng katanungan.
6. Sa huli, sino man ang mananalong grupo ay magkakaroon ng karagdagang puntos sa gagawing
aktibidad sa biyernes.

PAGTATASA
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Sagutan ang mga tanong.
1. Magbigay ng dalawang (2) uri ng mitolohiya.
2. Ano ang panitikan?
3. Ano ang mitolohiya?
4. Ito’y isang uri ng mitolohiya na naglalaman ng mga paniniwala at alamat ng bawat Pilipino.
5. Magbigay ng dalawang (2) katangian ng mitolohiya.

PAGTATASA
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Sagutan ang mga tanong.
1. Magbigay ng dalawang (2) halimbawa ng mitolohiya.
2. Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?
3. Ibigay ang mga katangian ng mitolohiya?
4. Ito’y isang elemento ng mitolohiya na naglalaman ng mga tunggalian o pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
5. Magbigay ng dalawang (2) kahalagan ng mitolohiya.
D. Paglilipat

Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

 Mga Tauhan:

1. Pele - Ang diyosa ng Apoy at Bulkan.


2. Kane Milohai - Ang diyos ng kalangitan.
3. Haumea - Ang diyosa ng kalupaan.
4. Namaka - Ang diyosa ng tubig.
5. Kane-milo - Ang panganay na kapatid nina Pele, Namaka, at Hi’iaka.
6. Hopoe - Ang matalik na kaibigan ni Hi’iaka.
7. Ohi’a at Lehua - Si Ohi’a ang lalaking naging puno. Si Lehua ay isang magandang babae.
8. Hi’iaka - Ang Diyosa ng hula at mananayaw.

Pokus ng Pandiwa

- Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa ugnayan ng pandiwa at paksa ng pangungusap.


Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa sa paksa.

Uri ng Pokus ng Pandiwa

1. Pokus na Tagaganap o Aktor


- Ito’y sumasagot sa tanong na "sino" -paksa o simuno gumagawa ng aksyon. Aktor o
tagaganap kapag ang aktor ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay karaniwang
sumasagot sa tanong na sino at nilalapatan ng mga panlaping mag-, -um, mang-, ma-,
maka-, makapag-, maki-, at magpa-. Halimbawa: Maliligo kami sa ilog sa sabado.

2. Pokus sa Layon o Gol Pokus


- Ito’y sumasagot sa tanong na "ano" -ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang
layon ay ang paksa o ang binibigayang-diin sa pangungusap. Ginagamitan ito ng mga
panlaping -in-, -i-, -ipa-, ma-, na-, o -an. Halimbawa: Lutuin natin ang mga gulay.

3. Pokus sa Ganapan
- Ito’y pinangyayarihan ng kilos ng pandiwa ang paksa. Ginagamitan ito ng mga
panlaping -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an, pinag-/-an. Karaniwang sumasagot
sa tanong na “saan?”. Halimbawa: Pinagdausan ng kanal ang bagong simbahan.

4. Pokus sa Tagatanggap
- Ang paksa ang pinaglalaanan ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ginagamitan ng
panlaping i-, ipang-, ipag-. Sumasagot sa tanong na “para kanino?”. Halimbawa:
Ipagluluto ko ang aking nanay at tatay ng adobo.

5. Pokus sa Sanhi
- Ang nagsasaad ng dahilan ng kilos ay ang paksa. Ginagamitan ng panlaping i-, ika-,
ikina-. Sumasagot sa tanong na “bakit?”. Halimbawa: Ikinatuwa ng guro ang mga
pagsisikap ng mga estudyante.

6. Pokus sa Gamit
- Ang paksa ay kasangkapan na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ng panlaping “ipang-”. Sumasagot sa tanong na “ano?”. Halimbawa: Ang
tuyong basahan ang ipinangpupunas natin sa bintana.
7. Pokus sa Direksiyon
- Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Ginagamitan ng panlaping -an, -han, -in, at -hin. Sumasagot sa tanong na “tungo saan
o kanino?”. Halimbawa: Sinulatan ni Enrique ang kaniyang lolo at lola.

Panitikan
- Ang panitikan ay isang masusing pag-aaral ng mga akda o katha-katha na likha ng tao
sa pamamagitan ng pagsusulat. Ito ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng isang
bansa at nagpapakita ng mga karanasan, kaisipan, at damdamin ng mga tao.
- Kasama sa panitikan ang mga tanyag na uri ng akdang pampanitikan tulad ng tula,
nobela, maikling kwento, dula, at iba pa. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag at
pagsusuri ng mga kultura, lipunan, at mga isyu sa loob at labas ng isang bansa.

Mitolohiya
- Ang mitolohiya ay isang salitang Griyego na nag lalarawan sa mga Diyos at Diyosa.
Ang mythos ay salitang Latin at mula sa Griyegong muthos na may kahulugang
“kuwento”. Ito ay bahagi ng kultura ng isang lipunan at nag-bibigay paliwanag sa mundo
ng tao. Ito rin ay Kilala sa iba’t ibang kultura tulad ng Romano, Norse at marami pang
iba.

Uri ng Mitolohiya
- May iba’t ibang uri ang mitolohiya galing sa iba’t ibang kultura. Ilan sa mga ito ay
Griyego, Romano, Norse, Mesopotamian, Egyptian, at marami pang iba. Ang mitolohiya
ay isang bahagi ng kultura ng isang grupo o lipunan at nagbibigay daan para sa mga
tradisyon at kaalaman sa henerasyon.

 Mitolohiyang Tsino
- Ang Mitolohiyang Tsino ay isang kwento at paniniwala na nagmula sa Tsina. Kasama
din dito ang kwento tungkol sa mga Diyos at Diyosa, mga kaharian at iba pang mga
mitikal na nilalang.

 Mitolohiyang Indian
- Ang Mitolohiyang Indian ay mayaman at may iba’t ibang anyo sa buong Amerika. Ang
bawat tribu ay may kakaibang mga alamat, diyos, at kuwento na naglalarawan ng
kanilang kultura at paniniwala.

 Mitolohiyang Pilipino
- Ang Mitolohiyang Pilipino ay naglalaman ng iba’t ibang alamat, kwento, at paniniwala ng
mga sinaunang pilipino. Ang mitolohiyang Pilipino ay nagbibigay-tangi sa kultura ng
bansa at naglalarawan ng kanilang pananampalataya at kaugalian.

 Mitolohiyang Ehipto
- Ang Mitolohiyang Ehipto ay mayaman at puno ng mga diyos, diyosa, at epiko. May roon
din silang mga kuwento tungkol sa mga Diyos at Diyosa. Ang mitolohiyang ito ay nag-
bibigay inspirasyon sa maraming aspeto katulad ng sining, at kultura ng sinaunang
Ehipto.

 Mitolohiyang Maori
- Ang Mitolohiyang Maori ay nagmula sa mga katutubong tao ng New Zealand, na kilala
bilang mga Maori. May mga kuwento at alamat sila na naglalarawan ng kanilang
paniniwala sa mga diyos, ang kalikasan, at ang kanilang sariling kasaysayan.
 Mitolohiyang Romano at Griyego
- Ang Mitolohiyang Romano at Griyego ay may mga kwento ng mga diyos at diyosa, mga
bayani, at kakaibang nilalang. Ang mitolohiya ay nagbibigay-liwanag sa mga sinaunang
kultura at paniniwala ng mga sinaunang tao.

 Mitolohiyang Norse
- Ang Mitolohiyang Norse ay ang serye ng mga kwento at paniniwala ng mga Norse,
isang sinaunang tribo ng mga Germanikong tao. Ito ay may malalim na koneksyon sa
kulturang Norse at naglalarawan ng kanilang paniniwala at kahulugan sa mundo.

Katangian ng Mitolohiya

a. Karaniwang itanatampok ang alamat ng mga diyos at diyosa o iba pang mga nilalang.
b. Madalas na nagpapakita ng pagkakatulad sa tunay na buhay.
c. May kakayahang ipaliwanag ang mga bagay na hindi kapani-paniwala.
d. Nagtuturo o nagbibigay ito ng mga moral na aral o tamang asal sa mundo.
e. Ang mga tauhan ay karaniwang hindi ordinaryong karakter.
f. Ang mga ito ay binabalot ng mga hiwaga o hindi kapani-paniwalang mga bagay.

Elemento ng Mitolohiya

 Tauhan
- Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay nakakaibang
kapangyarihan.

 Tagpuan
- May kaugnayan ag tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.

 Banghay
- Ito ay ang pagkakasuno-sunod na mga pangyayari sa kuwento na nagtataglay ng
pakikipagsapalaran. Ang mga ito ay may mga kapana-panabik na pangyayari o
tunggalian sa isang kuwento.

 Tema
- Ito ay ang paksa o layunin ng isang mitolohiya. Ito’y mga katulad na lamang ng
pinagmulan ng daigdig, mga aral sa buhay, at pagpapaliwanag ng mga natural na
pangyayari.

Kahalagahan ng Mitolohiya

a. Ang mga ito ay naging isang parte na ng ating kasaysayan.


b. Ito ay nagbibigay kulay sa mga pangyayari o bagay-bagay na walang kasagutan.
c. Nagbibigay aral para sa mga mambabasa.
d. Bawat tao ay nagkakaroon ng malawakang imahinasyon at malikhaing pag-iisip.

Halimbawa ng Mitolohiya

1. Kan-Laon - Ang Diyos ng mga sinaunang Bisaya.


2. Bathala - Itinuturing makapangyarihang Diyos sa buong daigdig.
3. Pati - Ang Diyos ng ulan.
4. Mayari - Ang Diyos ng buwan.
5. Zeus - Ang diyos ng ulap at kidlat. Hari ng mga Diyos.
E. Pagtataya

PAGSUSULIT #1

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat pahayag. Ibigay ang tamang sagot.

1. Ano ang panitikan?


2. Sa inyong palagay, ano ang mitolohiya?
3. Magbigay ng isang dahilan kung bakit mahalaga ang mitolohiya.
4. Magbigay ng isang katangian na dapat itaglay ng mitolohiya.
5. Sa mitolohiyang napakinggan, ang mga magulang ng magkapatid ay mga Diyos at Diyosa rin.
Diyos at Diyosa sila ng ano-anong bagay?
6. Ano ang bagay na naging kasangkapan ni Pele sa kaniyang pakikipaglaban?
7. Siya ang pangunahing tauhang naging tagapag-ligtas ng kaniyang pamilya subalit nagdala rin
ng maraming kapahamakan sa iba dahil sa kaniyang pagiging selosa at mainitin ang ulo.
8-10. Magbigay ng halimbawa ng mga Mitolohiya.

V. Karagdagang Gawain:
Maghanda ng isang buong papel (one whole sheet) at magsulat ng isang
sanaysay na hindi bababa sa isang daan at limampung mga salita (150 words) patungkol sa
kahalagahan ng mitolohiya hanggang sa modernong panahon.

You might also like