You are on page 1of 8

I.

MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga panahon na pinagmulan ng dulang Pilipino
B. Natatalakay ang iba’t ibang kwentong-Bayan, kantahing-bayan, mga karunungang-bayan
at mga bulong.
C. Nakakagunita ng mga sariling karanasang may kinalaman sa dula.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: YUNIT 2: Pahapyaw na kasaysayang dulang Pilipino
o Kasaysayan ng dula
o Paghahati ng panahon
o Kwentong-Bayan
o Kantahing-Bayan
o Mga Bulong
B. Sanggunian:
C. Kagamitan: Laptop, larawan, video clip,

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtatala ng liban sa klase
4. Pagbabalik-Aral

Pahapyaw na babalikan ang mga nakaraang aralin.

B. Pagganyak
Game: I want to be a tutubi
Halimbawa: Pangalan ng iyong mga kamag-aral na nagsisimula sa letrang “M”?
A. Monna (no pts)
B. B. MarkGanabol (50 pts)
C. C. Myla (no pts)
D. Melvin (50 pts)
E. Mark Jacob (50 pts)
F. Maireen (50 pts)

Alin man at ilan man sa mga pangalan ang makuha ng bawat grupo na mayroong puntos ay ito ang
kanilang puntos. Kung dalawa sa dalawa sa may puntos ay nakuha nila, halimawa 50 pts at 50 pts,
mayroon silang (50 + 50 = 100) na puntos na nakuha.
Panuto:
1. Bumuo ng dalawang grupo at magsama-sama.
2. Ang bawat myembro ay bibigyan ng nakatiklop na papel na naglalaman ng mga posibleng sagot
sa katanungang ibibigay.
3. Pagpapasa-pasahan ang hawak na papel habang kinakanta ang "I Want to be a tutubi. Nawalang
tinatagong sagot. Sa aking kamay. Na nalaglag sa lupa, tinuka ng manok. Na nanggaling sa
bundok".
4. Pagkatapos ng kanta, babasahin na ang tanong, pipili ang grupo ng ilang myembro na sa palagay
nila ay may hawak ng mga kasagutan sa tanong na ibinigay.
5. Ang tamang sagot ay may puntos na nakalagay, kung lahat ng tamang sagot ay mahuhulaan at
makukuha nyo, SIGURADO NA ANG INYONG PANALO!

C. Paglalahad ng aralin
Patnubay na tanong:

 Base sa ating ginawang laro kanina, ano sa palagay ninyo ang ating paksang tatalakayin?
 Ano ang mga napansin nyo sa mga tanong?
Ang ating pag-aaralan nagyon ay tungkol sa Dula, pahapyaw na kasaysayan nito, kwentong-
bayan na kung saan ay naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan
ng panahong iyon, kantahing-bayan o awiting bayan ng mga Pilipinong ninuno natin at hanggang ngayon
ay kinakanta o inaawit ng ilan sa ating mga kababayan, karunungang-bayan na sangay ng panitikan kung
saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat sa kultura, at mga bulong
o tinatawag ding mga orasyon na binibigkas paring ng marami sa ating mga kababayan. Ang mga ito ay
parte na ating mga kultura na sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang naglalaho. Iilan na lamang ang
gumagawa ng mga ito.

D. Pagtalakay
Ano nga ba ang Dula?

 Ito ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos.


 Ang layunin ng nito ay makapagbigay aliw sa mga manunuod.
 Sinasabi ring ang dula ay uri ng sining na may layuning magbigay ng mga makabuluhang
mensahe sa manonood.
Gabay na tanong:

 Nakakarelate ba kayo sa mga pinapanuod ninyong dula?


 Kailan ninyo masasabing ang isang palabas o dula ay hindi nakakaaliw?
Pahapyaw na kasaysayan Dula ng Pilipino
 Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga
katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi
sa buhay ng mga katutubong Pilipino.
 Sa dulang Pilipino mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.
Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa
kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Gabay na tanong:

 Sa kasalukuyan ano ang napapansin nyo sa mga dula ng mga Pilipino? Saan umiikot ang kanilang
mga istorya?

Ayon sa mga mananalaysay ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.
Ayon kay Sebastian ang tunay na drama ay nagsimula noong mga unang taon ng pananakop ng mga
Amerikano.
Ayon kay Tionson ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”,
at “internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan.
Ayon sa mga aklat ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang
Pilipino.
Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong
pilipino.
Bago pa dumating ang mga kastila’y may sarili nang kalinangan ang pilipinas.
 Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kanyang barangay)
 May sariling batas
 Pananampalataya
 Sining
 Panitikan
 At wika
Gabay na tanong:

 Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging manunulat, pagkakataon na gumawa ng isang


dula tungkol ang dulang gagawain mo?
 Sa iyong mga kamag-aral sino ang gusto mong direktor ng masterpiece mo? Bakit?
 Sino ang gusto mong pangunahing tauhan sa masterpiece na ginawa mo? Bakit?
KWENTONG-BAYAN

- Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na
nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat
sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.
Mga Uri ng Kwentong -Bayan
1. ALAMAT
- Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang pinagmulan ng
isang bagay, pook, tao o hayop.
Halimbawa: Alamat ng Pinya
"Ito ay ang kwento tungkol kay “Pinang” isang magandang babaeng tamad."
Gabay na tanong:

 Magbigay ng isang halimbawa ng isang alamat at ibuod ito.


 Sabihin ang mga aral na iyong napulot sa nasabing kwento.

2. MITO
- Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel sa mga
nilalang o mga tao.
Halimbawa: Ang kwento ni Cupid at Psyche
Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa
magkaibang mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay
naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging immortal na rin si Psyche at wala
ng hadlang sa pagsasama nilang dalawa.
3. PARABULA
- Ang parabula ay mga maikling kwento na karaniwang galing sa Bibliya. Nagtuturo ito ng moral
at relihiyosong aral na naglalarawan ng katotohanan o tunay na nagyayari sa ating buhay.
Halimbawa: Ang Alibughang Anak
Ang parabulang “Ang Alibughang Anak” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata
15 talata 11 hanggang 32 (Lucas 15:11-32).
4. PABULA
- Ang mga pabula ay kinatatampukan ng mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga bagay na
nagsasalita at binigbiyang buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may aral kung saan
ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian.
Halimbawa: Si Langgam at si Tipaklong
Ito ay kwento tungkol sa magkaibigan kung saan ang isa ang masipag at ang isa ay tamad mag-impok ng
pagkain.
KANTAHING-BAYAN

- Ang awiting bayan ay isa sa mga kultura na pinangalagaan mula sa ating mga ninuno. Ito rin ay
tinatawag na “kantahing bayan” ng iilan.
- Nasa anyo ito ng patula ngunit may kasama itong tugtog na inaayon sa karanasan, damdamin at
kaugalian ng sinumang gumawa nito. Ang awiting bayan na ginawa ng ating mga ninuno ay
patungkol sa iba’t ibang pamumuhay, pag iisip, ugali, at damdamin ng mga tao.
Ang mga naturang katutubong awitin ay napangkat ayon sa tinutukoy nito gaya ng sumusunod:
Soliranin/Suliranin:  
AWIT NG MGA MANGGAGAWA

 AWIT NG MANGINGISDA
Halimbawa: Magtanim ay di biro

 Talindaw: awit ng mga bangkero


Halimbawa: Awit ng Magdaragat -Joey Ayala
 Oyayi: Awiting ginagamit sa pagpapatulog ng mga sanggol
Halimbawa: Ili Ili,Tulog Anay – ito ay isang kantang galing sa mga Bisaya tungkol mismo sa
pagpapatulog ng ina sa kanyang anak.

 Kumintang: Awit sa pakipagdigma


Halimbawa: Ang bayan ko

 Sambotani: inaawit kapag tagumpay ang pakikipagdigma


Halimbawa: Tagumpay nating lahat - Lea Salonga

 Diona: ginagamit sa kasalan


Halimbawa: Awit sa kasal

 Dalit: awit sa simbahan


Halimbawa: Dalit kay Maria

 Kundiman: awit ng pag-ibig


Halimbawa: Bituing Marikit
KARUNUNGANG – BAYAN

- Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan
na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Ito ay nakakatulong sa pag angkin ng kamalayang
tradisyunal na nagpapa tibay ng pagpapahalagang kultural.
URI NG KARUNUNGANG-BAYAN
1. SALAWIKAIN
- Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating
mga ninunong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng mabuting asal. Ito ay
patalinhaga na may kahulugang itinatago.

2. SAWIKAIN
- Ito ay isang paraang ng pagpukaw at paghasa ng sa kaisipan ng tao sa pamamagitan ng
patalinhagang pananalita. Ito ay nakakalibang bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.

Halimbawa:
Makati ang dila – Madal
Hulog ng langit – Biyaya o swerte
Bukambibig – Laging sinasabi o sinasambit

3. KASABIHAN
- Ito ay isang klase ng pahayag na nagbibigay ng payo o nagsasaad ng katotohonan kung saan ang
mga salitang ginagamit ay payak at madaling intindihin.

Halimbawa:
Walang mahirao na gawa kapag dinaan sa tiyaga.
Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda

4. PALAISIPAN
- Ito’ y nasa anyong tuluyan. Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa
isang suluranin.

Halimbawa: Tanong: hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako
Sagot: Telepono/Cellphone
Tanong: Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?
Sagot: Side Mirror

5. BUGTONG
- Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ang bugtong o tinatawag na riddles sa english ay
isang parirala o pangungusap na patula o tuluyan at naglalaman ng mga talinghaga.

Halimbawa:
Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.
o Sagot: Paniki
Eton a si bayaw dala-dala’y ilaw.
o Alitaptap

6. BULONG
- Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng
Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa wikang Tagalog ng
Maynila, subalit nanatili pa rin ang tunay na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa
Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan.

Halimbawa:
1. Tabi, tabi po, ingkong.
2. Makikiraan po.
3. Mano po.
4. Paalam po.
Gabay na tanong:

 Saan ba madalas ginagamit ang bulong? At sinu-sino sa palagay ninyo ang mga gumagamit nito?

E. Paglalahat
Gabay na tanong:

 Ano nga ang Dula?


 Ano ang pinagka-iba ng dula noon bago dumating mga dayuhan, sa kasalukuyang panahon?
 Nakatulong ba ang mga dayuhan upang mapagyabong o mapaunlad ang dula?
 Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa kasaysay ng dula, mga kwentong-bayan, kantahing-
bayan at mga bulong?
IV. EBALWASYON
Magsagawa ng isang simpleng dula dulaan patungkol sa iyong karanasan sa buhay na
hinding-hindi mo malilimutan. Pumili alinman sa mga sumusunod.
 Pag-ibig
 Pamilya
 Kaibigan
 Pagkabata

V. TAKDANG-ARALIN
Mangalap ng tig-iisang halimbawa para sa mga sumusunod:
A. Halimbawa ng dula na tampok ang ating mga bayani.

B. Halimbawa ng Kwentong-Bayan na pinagbibidahan ng mga makakapangyarihang nilalang.


C. Halimbawa ng Karunungang-Bayan.

D. Halimbawa ng awiting-Bayan o kantahing-bayan na inyong napapakinggan hanggang ngayon.


E. Halimbawa ng mga bulong na ginagamit ng mga manggagamot.



FIL 119 -
DULAANG
FILIPINO

BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO
Inihanda ni:
Bb. Linda, Bulan

You might also like