You are on page 1of 14

Proyekto Sa Unahang Markahang Pagsusulit

“pagsusuring Pampelikula”
St. Jude College-Cavite
2017-2018
Filipino 10

Ipinasa ni:

Marie Shelly T. Almoite


Ipinasa ni:

Gng. Charis A. Bitancor


I.-Tungkol sa pelikula

A. Pamagat ng Pelikula:

- Bonifacio: Ang Unang Pangulo

B. Direktor:

- Enzo Williams

C. Prodyuser:

- Rina Navarro

D. Pangunahing Tauhan

 Robin Padilla as Andres Bonifacio


 Vina Morales as Gregoria de Jesus / Oriang
 Eddie Garcia as Museum of Philippine Political History curator
 Daniel Padilla as Joaquin
 Jasmine Curtis-Smith as Andrea
 RJ Padilla as Gary

E. Tema ng Pelikula:

- Ang pelikula ay nagsisimula sa pagpapatupad ng GOMBURZA noong 1872.


Ang kuwento ayu kumikilos hanggang ngayon sa mga estudyante ng mataas na
paaralan ni Joaquin (Daniel Padila), Andrea (jasmine Curtis Smith, at Gary (RJ
padilla) bisitahin ang museo ng katipunan.

F. Buod ng Pelikula:

- Ang tatlong paring martir ay pinapatay ng mga Espanyol, ang mga paring ito ay
sina “Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at PadreJacinto Zamora” o ang
tinatawag na (GomBurZa !
"sila ay binitay sa pamamagitan ng Garote na nag bukas din sa mga diwang
Pilipino!Aktibo si Bonifacio sa kilusang makabayan! ang itatag
ang kilusang propaganda madali niyang naunawan ang mga layunin nito! "i
Bonifacio ay sumapi sa sama'an ng mga mason at pagkaraan ay sala liga pilipinas
ang mamatay ang liga, naisip ni Bonifacio na hindi reporma kundi rebolusyon ang
makakabagong kalagayan ng Pilipinas . ng ipapatay si Jose Rizal gumising ang mga
diwa ng mga Pilipino na labanan ang mga Espanyol. Isang gabi nagpulong sina
bonifacio at iba pang makabayng Pilipino para itaga ang isang lihim na samahan .
Ang samahang ito ay tinawag na bayan (KKK) “katas taasang kagalanggalangan na
katipunan ng mga anak sa espanyol at palayain ang pilipinas. Si Bonifacio ang
nagging supremo ng samahan . nakilala ni Bonifacio si Gregoria de jesus.
Niligawan nya si gregoria at di nagtagal at nagpakasal sila sa simbahan ng
binondo. Sumapi si gregoria sa samahan noon din. Siya ang nangalaga sa
dokumento, baril, at iba pang mahahalagang kagamitan ng katipunan. Siya ay
tinatawag na “Lakambini ng bayan “. Natuklasan ng mga Espanyol ang katipunan.
Kaya tumakas sina Bonifacio at iba pang kasamahan.

II.- MGA ASPEKTONG TEKNIKAL : PAGSUSURI

A. MUSIKA
-kapag ang eksena ay nakakatawa o magaan tinutugmaan ito ng di mabigat
na musika, ngunit kapag ang eksena ay malungkot tulad ng pagkamatay ni
bonifacio ang musika ay mabagal at doon tatagos sa mga puso ng mga
manonood.

B. SINEMATOGRAPIYA

-maganda din naman ang mga kuha sa pelikulang ito lalo na sa parte na
simbahan at patayan sa GOMBURZA ngunit karamihan din ay hindi maganda ang
mga kuha dahil magalaw ang hawak sa camera katulad nung nasa harap ng
simbahan.

C. PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

-maganda ang palabas sa bawat pangyayari at ito’y may dalawang timeline


sa storya, ang kasalukuyan at ang nakaraan ngunit kada storya sa kasalukuyan ay
matatapan ng eksena galing sa nakaraan na nagbibigay ng ka-misteryosohan sa
pelikula .

D. PANANALITA NG MGA TAUHAN


-magkaiba ang pananalita ng mga tauhan sa pelikula dahil sa kasalukuyan ay
naaangkop sa mga salita ngayon at ito;y makabagong ginagamit ng mga karakter o
tauhan sa makaraan ay angkop din dahil ito’y magalang at swabe lamang noon.

E. PAGGANAP NG MGA TAUHAN

-maayos naman ang kanilang pag ganap sa pelikula at angkop din ang
kanilang pananalita ayon sa kini-kilos nila ngayon at sa kasalukuyang mga tauhan
naman sila ay magaling sa pagbibigay ng natural na acting nila.

F. TAGPUAN

-ang tagpuan sa pelikula ay maganda dahil ito ay wasto sa kwento at napaka


ganda ng kwento ng buhay ni bonifacio kaya dapat siya’y isang magandang
modelo para sa lahat at yung mga simbahan at tahanan na tampok sa kwento ay
maganda din ang mga tagpuan sa kasalukuyang parte ng pelikula.

G. ARAL

-ang aral na makukuha mo sa pelikulang ito ay wag kang susuko kahit anong
hirap ang dumaan sa iyong landas at palaging magtiwala sa kung anong kaya mong
gawin.

H. PANANAW

-sa aking pananaw ang pelikulang ito ay maraming aral na binibigay sa mga
manonood at ito ay nakakapag bigay inpirasiyon.
Pangalan: Marie Shelly T. Almoite

Baitang/seksiyon: 10 – SPC

Petsa ng pagpasa: September 8, 2017

FILIPINO 10
MODYUL PARA SA MAG-AARAL
I. PANINIMULA

Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong


bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng
pagkatao at ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning na
masisilayan sa mga panitikan ng africa at parsia (iran) na nalinang ng paggamit ng
kawikaan at pambihirang katawan, matatalinghaga at makatawag-pansing
pananalita at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng
paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan, at pangangatuwiran.

Sa Modyul 3, ganap na mauunawaan at mapahahalagahan mo ang mga akdang


pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng africa at parsia. Gaya ng mitolohiya
ng kenya, anekdota ng persia, sanysay ng South Africa, tula ng Uganda, maikling
kwento ng east africa, epico ng mali, at nobela ng nigeria. Mautuhan din ang mga
kasanayang pangkomunikatibong hango sa pag-aaral ng mga pamantayan sa
pagsasaling wika, di kursong pagsasalaysay, paggamit ng tuwiran at di tuwirang
pahayag sa paghahatid ng mensahe, wastong gamit ng simbolismo at
matatalinghagang pananalita, mga salitang naglalahad ng opinyon, mga ekspresyon
sa pagpapahayag ng layon o damdamin, at pang-ugnay na nagpapaliwanag na
magsisilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng mga gawin sa modyul.

Sa pagtatapos ng aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na paano naiiba


ang mga akdang pampanitikan ng sa africa at persia sa iba pang akda mula sa ibang
panig ng mundo at paano nakatutulong ang kaalaman sa gramatika at retorika sa
pagpapalawak ng komposisyong popular sa anyo ng patalastas pantelebisiyon.
Mamarkahan ang iyong pagganap sa sumusunod na pamantayan a.) kasiningan b.)
kaangkupan c.) kawastuhan at d.) kawilihan.

Sa puntong ito sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa sagutang papel.


Layon ng pagsusulit na sukatin ang iyong kaalaman sa mga araling pag-aaralan.
Simulan mo na!
II. PANIMULANG PAGTATAYA

Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng letra ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at


estitong nasa wikang isasalin?
a. Panlapi c. pagpapakahulugan
b. Gramatika d. pagsasaling wika
2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangayayari o kasanayang magkakaugnay.
a. pangangatuwiran c. paglalahad
b. paglalarawan d. pagsasalaysay
3. ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa
harap ng maraming tao.
a. Tula c. lalumpati
b. Paglalarawan d. balagtasan
4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at
nagiiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
a. Nobela c. dula
b. Karilyo d. maikling kuwento
5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. Idyoma c. simbolismo
b. Matatalinghagang pananalita d. tayutay
6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa
matatalinghagang pananalita.
a. Pandamdamin c. blanko berso
b. Anekdota d. tradisyonal
7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na katauna’y
naging tuluyan.
a. Epiko c. sanaysay
b. Anekdota d. mitolohiya
8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang
huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng
babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefu. Ano ang
ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Ito ay malaking metal bell na ginagawa ng mga igbo sa nigeria.
b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga africano.
Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
c. Ito ay isang tradisyonal na kagamitang pang musika na yari sa sanga ng
kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disensyo.
d. Ito ay espirutu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin ng isang krimen. Pinaniniwalaan na
ang mga egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng nigeria.
9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat
isaalang-alang sa pagsasalin?
a. Basahin ng paulit-ulit
b. Ikumpara ang ginagawang salin.
c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.
a. “ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo”
b. “ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay”
c. “ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay”
d. “ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay”
11. Kungb susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na
pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay nagpapanahon
b. Mahusay ang sumulat
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na
paraan ng pagpapahayag.
12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. Katapatan sa bahay
b. Pagpapahalaga
c. Pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. Mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan
13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay
nangangahulugang……………………
a. Pagtanggi at paglaban sa batas
b. Pakikipag-unahan ng baway bansa pag-unlad
c. Malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. Hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi.
14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. Pagtanggi sa rasismo
b. Pagkalugmok ng sarili
c. Espirituwal at pisikal na kaisahan
d. Paghihiwalay ng mga tao sa mundo
15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay
ang……………
a. Pagpapahirap sa mamamayan
b. Pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. Pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. Di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal
subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa diyos. Ang mga salitang may
salungguhit ay nagpapahiwatig ng ……………..
a. Paghihinuha c. Panghihikayat
b. Paglalarawan d. pangangatuwiran
17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?
a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis
18. Basahon ang kasunod na taludturan mula sa tulang “hele ng ina sa kaniyang
panganay” ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. Nais c. hangad
b. Mithi d. pangarap
19. Ibaon mo sa hukay ang kaniyang magawang kasalanan sa iyo. Ano ang
ipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. Itago c. kalinutan
b. Ilibing d. magpatawad
20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang
mgadesisyon sa buhay?
a. Mapaghiganti
b. May iisang salita
c. Puno ng hinanakit
d. May determinasyon sa buhay
21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
a. Mahina ang kanyang ama
b. Gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
c. Dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
d. Gusto nya ng karangalan, pangalan, at katanyagan
22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?
a. Maayos ang pagkakasalin
b. Malaya at madaling maunawaan
c. Nauunawaan ang nais ipahatid ng isinalin
d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng
kulturang pilipino at ng ibang bansa.
23. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na
isaalangalang?
a. Muling isalin
b. Magdagdag at magbawas ng salita
c. Ihambing as iba ang ginawang salin
d. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal
24. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na
ipagpatuloy ang kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi sya dapat malipasan ng gutom
b. Hindi sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin
c. Hindi sapagkat bka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin
d. Oo sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay
kaniyang nakagawian.
25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?
a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin
b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangagailangan
d. Tulungan nang taos-puso ang pangangailangan
26.Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
a. Pagkalungkot c. paghihinakit
b. Pagkabalisa d. panghihinayang
27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na sa “tingin ko nga, mas mahal pa
niya kami kaysa sa kaniyang sarili?”
a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa anak
b. Alam ng magulang kung ano ang makakabuti sa mga anak
c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong
kapakanan
d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak
28. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?
a. Malulungkutin subalit matatag
b. Nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak
c. Mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak
d. Inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos
29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa
Diyos ng isang ina?
a. Katatagan ng buong pamilya
b. Panghihina ng espirituwal na aspekto
c. Pamumuhay ng masaganang materyal
d. Maraming pagsubok sa kakulangan
30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung
magmumungkahi ka sa kakulangan ng detalye nito alin sa sumusunod na
pahayag ang iyong gagamitin?
a. Parang may kulang pang detalye
b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan.
d. Maari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong
matatalinghagang pananalita ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig
ang salitang masipag?
a. Bukas-palad c. swimpalad
b. Kapos-palad d. makapal ang palad
32. Anong simbolismo ang akmang ilipat sa dalawang tulang binasa batay sa
talinghaga ng mga ito?
a. Araw at gabi c. halakhak at tula
b. Diyamante at bato d. puti at itim
33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang
personalidad ng kasaysayan sa bansa sila maihahambing?
a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos
b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu
c. George W. Bush at Sadam Hussein
d. Nelson Mandela at Oliver Tambo
34. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?
a. Palaganapin ang kristiyanismo
b. May tatlong perona sa iisang Diyos
c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan
d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa bathala

GAWAIN 1: Pagkakakilanlan ng bayan

Sagutin ang mga tanong. Gayahin sa sagutang papel ang kasunod na pormat
Mashya at Mashayana: Mito ng pagkalikha

Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalake at babae. Nagmula ang


ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na
sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na
wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd.
Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya ng
demonesa sa katauhan ni jeh.
Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula may
tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At dito
nanggaling sina Mashya at Mashyana.
Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.
Nagkaroon ng mga anak sina mashya at mahsyana na tig-15 kambal na kumalat sa
buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.
- -Mula sa Elements of literature nina holt et. Al. 2008. Texas, USA

MGA TANONG:

1. Tungkol saan ang mitolohiya?

2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu


at ang ginawa ni Ahura Ohrmuzd?

3. Ang pagpatay ba ni Ahura Ohrmuzd kay


Gayomard ang pinagmulan ng siliranin
ng kuwento? Patunayan

4. Bakit tumulong sina Mashya at mashyana


sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu?
GAWAIN 2: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng
panaklong. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Noong unang 1.)…………………….(bagyo, oras, panahon) ang kalangitan at ang


kalupaan ay mag-aswa. Sila ay may dalawang anak na sina langit at tubigan. Sila
ay may kaniya-kaniyang 2.)……………………..(palaruan, nasasakupan, palayan). Si
langit ay diyosa ng 3.)………………………….(kalawakan, lupain, kalangitan), at si
4.)……………………(kalikasan, katubigan, tubigan) naman ay diyosa ng katubigan.
Sina langit at tubigan ay 5.)…………………………(magiibigan, nagpakasal,
magkababata) at ang naging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki at ang babae. Si
Dagat ay 6.)……………………(makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang
katawan ay mulato. Si Aldaw ay 7.)………………………(masayahin, masigla, mainam)
ba lalaki na ang katawan ay ginto. Si Bulan ay isang 8.)……………………..(maginoong,
mahinang, matabang) lalaki na ang katawan ay ginto. Si bulan ay isang mahinang
lalaki na ang katawan ay kulay tanso. Si Bitoon ang 9.)……………………(tanging,
marami, grupo) babae na maganda ang katawan at kulay 10.)………………………….(
pilak, ginto, tanso).

You might also like