You are on page 1of 21

10

Filipino
Ikatlong Markahan
Modyul 6
“Nobela mula sa Nigeria”
Panimula
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa
panitikan. Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang
nasusulat sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.
Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan ng
mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, at
suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at kalagayan ng kababaihan
sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang maiangat ang
kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay sa mga akda na
aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga taga-Nigeria. Sinasabing ang
kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria ay mas tumatalakay
sa kung ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na.
Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman, ang
tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan sadyang
kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan.
Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart, ipinakita sa
atin ang kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa
pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Halimbawa nito ay ang pagsasalo o pag-aalok
ng lambanog at kola nuts na binabanggit sa kabuuan ng nobela ang isang paraan ng
mga Igbo ng mapayapang pakikiharap sa sino mang tatanggaping bisita sa tahanan
o sino mang taong pakikiharapan. Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na
paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa kung ano man ang pakay o layon ng
paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwa-tao ng mapayapa para sa mga Igbo
ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiram ng pera at sisingilin na, mahusay namang
hinaharap ng mga Igbo ang nasabing maniningil. Bumabanggit sila ng mga sawikain
na angkop sa nais nilang ipabatid na mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag
hindi sila makababayad agad, sasambitin ang mga kasabihang maaaring
makapagpabago ng isip ng maniningil upang ipagpaliban muna ang paniningil.
Malinaw na sinasabi ng mga kultura at nakagisnang tradisyon ng mga Igbo ang
kanilang pagiging payapa sa pagharap ng ganitong suliranin.

Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua Achebe ang kapayapaan ng mga Igbo


bagama’t sila sa maraming pagkakataon ay may komplikadong tradisyon at
nakagisnang mga gawi. Ginawa ni Achebe ito sa nobela upang maipabatid na hindi
barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala sa kanila ng mga Europeo.
Ating sulyapin ang nobela mula sa Nigeria
MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
|F10PN-III-i-81| Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo
|F10Pn-IIIh-i-81| Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa
pananaw/teoryang pampanitikan na angkop dito
|F10PD-llIh-i-79| Nasususri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
|F10PS-llIh-i-83| Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata
gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula
|F10EP-llf-32| Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia

SUBUKIN
Bago mo simulang pag-aralan ang paksa ngayong linggo, sagutin mo muna
ang paunang pagtataya.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa
sagutang papel ang iyong napiling sagot.
1. Ito’y isang mahabang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at
ng hangarin ng katunggali sa kabila.
A. maikling kwento B. nobela C. parabula D. tula
2. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
A. banghay B. pamamaraan C. pananalita D. pananaw
3. Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayarihan.
A. damdamin B. pananalita C. simbolismo D. tema
4. Isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan na sadyang
nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu
ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, at suliranin sa politika. Sa
kasalukuyan, maraming akdang pamapanitikan mula sa bansang ito ang
nasusulat sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.
At isa sa mga nailathala ang “Things Fall Apart”(Paglisan).
A. Botsawana B. Ethiopia C. Nigeria D. Uganda
5. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ezeudu. Nakaramdam ng
kaunting sundot ng budhi si Okwonkwo sapagkat nang huling makausap niya
si Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa
orakulo.
A. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo.
B. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.
C. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng
kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri ng disenyo.
D. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na
ang mga Egwugwu.
6. Sa teoryang ito, pinapakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na syang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang paghubog.
A. Eksistensyalismo B. Formalismo C. Historikal D. Realismo
7. “ Sapagkat ipinapakita sa storya na ang katapangan ay pinahahalagahan at
kapag mahina ka, talunan ka gaya na lamang ng pagtakip ni Okonkwo ng
kanyang katapangan sa kanyang ama na sa tingin niya ay mahina”. Ang
namumutawing teorya sa pahayag ay _________.
A. Marksismo B. Humanismo C. Formalismo D. Realismo
8. “Sapagkat maraming desisyon ang nagawa ni Okonkwo gaya ng pagtaga kay
Ikemefuna at pagpapatiwakal noong siya ay inimbitahan sa korte.” Ang
pahayag ay nagpapakita sa teoryang __________ .
A. Eksistensyalismo B. Humanismo C. Marksismo D. Formalismo
Para sa bilang 9-15. :
Panuto: Tukuying kung anong uri ng pang-ugnay ang salitang sinalungguhitan sa loob ng
mga pangungusap.

9. Noon ay nasa harapan ng mga ka tribo si Okonkwo upang mapanatili ang


ipinakitang katapangan.
A. pangatnig B. pang-angkop C. pang-ukol D. wala sa nabanggit
10. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap si
Ezeudu binigyan siya ng babala tungkol sa orakulo.
A. pangatnig B. pang-angkop C. pang-ukol D. wala sa nabanggit
11. Mapagmahal na ama ang ipinakita ni Okonkwo sa batang si Ikemefuna.
A. pangatnig B. pang-angkop C. pang-ukol D. wala sa nabanggit
12. Dahil sa pagmahahal niya kay Okonkwo nagging masunuring bata si
Ikemefuna.
A. pangatnig B. pang-angkop C. pang-ukol D. wala sa nabanggit
13. Lihim na ipinaalam ni Ezeudu kay Okonkwo ang planong pagpatay kay
Ikemfuna ayon sa nakita nito sa orakulo.
A. pangatnig B. pang-angkop C. pang-ukol D. wala sa nabanggit
14. Ramdam ni Okonkwo sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang
may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad
sa kaniyang ama na isang sawi.
A. pangatnig B. pang-angkop C. pang-ukol D. wala sa nabanggit

15. Nagkasakit ang babaeng anak ni Okonkwo na si Ezinma, gagaling lamang


ang bata kung iinumin nito ang halamang gamot ni inihanda ng ama nito.
A. pangatnig B. pang-angkop C. pang-ukol D. wala sa nabanggit
Aralin “Paglisan”

6
Nobela mula sa Nigeria
“Things Fall Apart” ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
PANITIKAN

ALAMIN

Ang modyul na ito ay tatalakay sa isang nobelang nagpapakita ng kultura at


tradisyun ng mga tao sa Nigeria. Ang buod ng Paglisan na orihinal na akda ni Chinua
Achebe na isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang:


a. natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo
b. nabibigyang kahulugan ang mahirap na salita na ginamit sa akda
c. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang
pampanitikan na angkop dito
d. nasususri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
e. nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang
mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula
f. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia

BALIKAN/PAGGANYAK

Sa nakaraang linggo ay napag-aralan mo ang isang sanaysay mula sa South


Africa na may pamagat na “Ang Talumpati ni Nelson Mandela”. Ang akdang nabasa
ay nagpapakita sa kaisipan ng sumulat ng akda ukol sa masidhing katapangan na
harapin ang mga taong pumili sa kaniya upang mamuno sa kanilang bansa at
naibahagi sa kanyang mga tagabasa.

GAWAIN 1: Larawan ko pansinin mo


Ngayon, bigyang pansin mo ang larawan sa ibaba. Anong kwento ang
maiuugnay mo rito? Anong uri ng tapang kaya ang nais nitong ibahagi sa iyo? Ikaw
batay sa iyong karanasan, kalian at paano mo ipinamalas ang iyong katapangan?
Ilahad.
___________________________________________________________________

TUKLASIN
Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating
tatalakayin. Subukin mong sagutin ang kasunod na gawain upang sa gayo’y masagot
mo ang pokus na tanong kung paano maisasabuhay ang mga mahalagang tema o
kaisipang nakapaloob sa akda? At paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa
pagsasagawa ng panunuring pampelikula nang may kaisihan at nagkakaugnay ang
talata?

GAWAIN 2: Scrambled Letter, Gawing Better


Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang sinisimbolo ng mga bagay na
tanyag sa bansang Africa. Ang unang letra ay ibinigay na. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 4.

KMOUINAKYSNO EPSRIUTI

2. 5.

PGALLIIWNGAA TAYRDIS ON

3.

INGNN–BYANA
GAWAIN 3: Kahulugan ng Salita, Ilantad Na!
Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat. Isulat sa iyong sagutang papel ang
sagot.

KATAPANGAN

Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng nobelang mula sa Nigeria. Kasunod ang
ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang akda upang sa
gayo’y maipamalas mo ang iyong pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura ng
bansang Africa lalo na sa Nigeria.

GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan


Piliin ang salitang angkop ang kahulugan sa bawat bilang. Gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.

1 palamuti abubot dekorasyon

2 ipinabatid ipinaalam isinagguni

3 napagwaguhan napagtagumpayan nalampasan

4 magpatirintas nagpasalapid nagpapusod

5 kagimbal-gimbal kagulat-gulat kataka-taka


Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Cowrie – Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din
sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy.
Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga
Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
Igbo – Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay
magsasaka at mangangalakal.

MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

1. Okonkwo - isang matapang at respetadong mandirigma


2. Unoka - ama ni Okonkwo
3. Ikemefuna - ang batang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa
kapayapaan
4. Ogbuefi Ezeudu - matandang taga Umuofia
5. Enzinma - anak na babae ni Okonkwo
6. Uchendu - tiyuhin ni Okonkwo
7. Obierika - kaibigan ni Okonkwo
8. Ginoong Kiaga - interpreter
9. Ginoong Brown - lider ng mga misyonero
10. Reverend James Smith na isang paring misyonero - isang malupit na misyonero

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng


mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang
labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula
Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang
kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa
kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang
nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa
halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng
maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya.
Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang
naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa
pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo
ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang
ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan
siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon
upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos
mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang
lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng
bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-
Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag
makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon
ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,”
wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo.
PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang
bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay,
sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang
bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga
katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang
bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan
ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-
isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon
ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog,
hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang
depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang
kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa
kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya
ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni
Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng
kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay
noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw
ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi
Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang
pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak
ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan
laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang
pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian
at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng
kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop,
kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan
sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang
tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng
kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang
munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang
tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong
iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa
dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong
sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang
masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya
ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding
pamayanan ng mga Umuofia.
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang
interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga
taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking
kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga
taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng
ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na
Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi
ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang
malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta.
Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa
hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa
espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at
ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa
kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga
Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at
ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga
pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at
napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na
maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga
mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas
ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang
kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan
siya sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si
Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo.
Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang
pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa
pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon,
dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing
na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Alam mo ba na…
ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito ng mga
pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng
hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. May mga elemento ang nobela
tulad ng sumusunod:
1. Tagpuan – Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan – Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw – Panauhang ginagamit ng may-akda a.) una - kapag kasali ang may-
akda sa kwento, b.) pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap, at c.) pangatlo -
batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat
8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayarihan

T E O R Y A pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang


makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol
dito.
TEORYANG PAMPANITIKAN Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-
aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa
pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.
Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Teoryang Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo
ng kanyang sinulat.
Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
Teoryang Markismo/Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan
sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga
pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Teoryang Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
GAWAIN 5: Teorya ko Ipaliwanag Mo
Panuto: Ipaliwanag ang mga pahayag mula sa nobela ayon sa teorya nito.

Pahayag mula sa nobela Teorya Paliwanag

sapagkat ipinapakita sa storya na ang


katapangan ay pinahahalagahan at
kapag mahina ka, talunan ka gaya na ____________
lamang ng pagtakip ni Okonkwo ng MARKSISIMO ____________
kanyang katapangan sa kanyang ama ____________
na sa tingin niya ay mahina ____________
____________
sapagkat kagaya ni Okonkwo, ang
mga tao ay padalos-dalos din sa ____________
mga desisyon na kanilang ____________
pinagsisisihan sa bandang huli. REALISMO
____________
Gaya na lamang ng pagtaga ni ____________
Okonkwo kay Ikemefuna ____________

sapagkat maraming desisyon ang ____________


nagawa ni Okonkwo gaya ng ____________
pagtaga kay Ikemefuna at EKSISTENSYALISMO ____________
pagpapatiwakal noong siya ay ____________
inimbitahan sa korte. ____________
ISAGAWA

GAWAIN 6: Komprehensiyon at Reaksiyon sa Leksiyon


Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.
2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang
sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay
Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.
4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang
magiting na mandirigma? Bakit?
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang
paniniwala at paninindigan?
6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa
kaniyang pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang sagot.
8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyong
bibigyang kulay? Bakit?

GAWAIN 7: Pag-unawa sa Akda


Tradisyong Africa, Pahiwatig Ano Ba?
Kilalanin ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Ano-anong tradisyon ng
Africa ang ibinahagi sa bawat pahayag. Pumili ng isang tradisyon at ipaliwanag
ang pagsasagawa nito. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may pag-
uusapang mahalagang bagay.
2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating ang
mga maniningil ng utang.
3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng giyera
4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.
5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay
naipatapon.

SURIIN/ TALAKAYIN

Pagkatapos mabasa ang pampanitikan mula sa Afric.Ito ay nagbibigay ng


mga mahahalagang impormasyon at kaalaman ukol sa kagnadahan ng kanilang
kultura lalo na sa pagbuo ng mga nobela at karamihan sa mga nobelang ito ay
nabibigyang buhay sa pamamagitan ng pelikula.
GAWAIN 8: Iskrip: Basahin at Suriin
Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni
Shaira Mella- Salvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang pormat na
kasunod, suriin ang bahagi ng iskrip.

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
f. Mga Ibinunga

V. Paksa o Tema
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Adaptasyon mula sa nobelang A Little Princess.
Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng
kaniyang amang si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house.
Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa
boarding house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtatanggol
siya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).

SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE. DAY.


Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll). Hustong nakalabas na ng
office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entrance. Sarah
sees him.
SARAH : Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglakad.
Sarah runs after him.
Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her.
Show the surprise and the disappointment on Sarah’s face. Mr. Barrow shakes his
head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is
depressed about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin siya
Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow…
walang ibang kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito…
baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang
ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s
presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia
sees her.
MISS MINCHIN: Sarah…
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away,
clutching Emily close to her.

GAWAIN 9: Kaya Mo
Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula?


2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito
isapelikula?
3. Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang iskrip?

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na...
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong
dapat bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To Quiapo
Scriptwriting Manual, una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong
pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat
konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba
talaga ang istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol dito.
Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos
na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang ang
pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang
maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.

Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga


detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang
nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng
mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na
Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanag
ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/o
pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na
maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-
ugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong
nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang
pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang
pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na,
ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig,
ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman
ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mga
pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit
din sa mahusay na pagpapaliwanag. Pang-ukol ang mga tawag sa mga kataga o
salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at sa iba pang salita sa pangungusap.
Narito ang mga halimbawa: ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para
sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay, ayon sa/kay. Pangatnig ang tawag sa
mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.Halimbawa ng pangatnig: at, pati, nang,
bago, habang,upang,sakali,kaya,kung, gayon at iba pa.

GAWAIN 10:
Pagsasanay 1: Gamit ang 3R’s, Read, React, Reenact, isagawa ang tungkol sa
sumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng “Ang Munting Prinsesa.”

MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo
bahay ampunan, baka akala mo. Hindi ko na problema iyon… Alam mo
namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo
sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia? Bakit
kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah???

1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah


Read _________________________________
React _________________________________
Reenact _______________________________
2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah
3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama
4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia

GAWAIN 11: Punan mo ang kulang


Pagsasanay 2: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo
ang talata.

Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw


________ tradisyon ng mga taga-Africa. ________ sa simula ay negatibo ang ipinamalas
na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya ang protagonista.
________ susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura na mababanaag sa
mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga taga- Africa ay likas na tahimik
________ malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng
Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno ng talinhaga ________ may
masining na paraan ng pamamahayag. Kapansin-pansin din ang pagbabalik loob ni
Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa
mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila ng imahe ng katapangan na siya niyang
ipinamumukha sa kaniyang mga katribo.
GAWAIN 12: Mag-ugnayan tayo

Pagsasanay 3: Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa bansang Africa o Persia.


Gumamit ng mga pang-ugnay. Guhitan ang lahat ng pang-ugnay na iyong ginamit.

GAWAIN 12: Pagnilayan at Unawain

1. Gamit ang Venn Diagram, ano-anong kultura at tradisyon ng mga taga-Africa


ang may pagkakatulad at pagkakaiba sa Pilipinas. Tandaang mula ito sa
limitado nating kaalaman tungkol sa dalawang kultura.

AFRICA PILIPINAS

2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa paggawa ng iskrip at


gamit ng pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa pagbuo ng panunuring
pampelikula.

ISAISIP

. Ang buhay ay hindi dapat magpadaig sa takot. Bagkos


ang mga suliranin sa buhay ay hinaharap kahit gaano pa
ito kabigat. Hindi ito masososlusyunan sa pamamagitan ng
pagtakas lalong lalo na ng pagpapatiwakal. Tanggalin ang
takot sa ating mga sarili at punuin ito ng katapangan sa
bawat bagay na ating gagawin.

PAGYAMANIN/ KARAGDAGANG GAWAIN

Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa pagsusuri sa mga tradisyon ng


mga taga-Africa at mga pang-ugnay. Ngayon, pihadong maisasagawa ang
pagganap sa yugtong ito.
Nalalapit na ang pista sa inyong lugar at ikaw ay kilalang magaling na event
organizer. Nakiusap ang Kapitan ng inyong barangay na pamahalaan mo ang
pagkakaroon ng puppet show upang maitanghal ang kultura at tradisyong
namamayani pa sa inyong lugar na kinamulatan pa ng inyong mga magulang sa
pamamagitan ng pagtiktok.

Itataya ang iyong pagganap batay sa sumusunod na pamantayan:

Pagbuo ng Iskrip 30 puntos ( Gumamit ng mga Pang-ugnay )


Pagganap 25 puntos
Aspektong Teknikal 25 puntos
Kaangkupan ng paksa 20 puntos
Kabuuan 100 puntos

Alam mo ba na...
ang puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga
puppet? Ang puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba’t ibang mga
midya, kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain
at kakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining sa pamamagitan ng mga
patapong bagay. May mga puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o
sinulid, puppet na pang kamay o hand puppet tulad ng medyas na puppet, puppet
na supot, at puppet na bag at stick puppets. Ang stick puppet ang pinakapayak sa
lahat ng uri nito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick. Ang
medyas na mga puppet ay simple rin. Isusuot lamang ng bata ang medyas sa
kanyang kamay at pagagalawin niya ito sa pamamagitan ng mga daliri habang
nagsasalita kasama ang hinlalaki para magmukhang bibig ng puppet. Maaaring
lagyan ng tali, butones at kapirasong damit para magmukhang mukha ng tao.
Pagkatapos makalikha ay maaari nang magtanghal ng isang puppet. Ang mesa na
nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang nakatago sa likod nito
ang nagtatanghal (puppeteers).
Narito ang ilang halimbawa ng paggawa ng puppet:
Puppet na Supot
Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang supot na papel.
2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit
sa dakong ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi
ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin ang
supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-
anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit.
Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan
ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang “puppet” habang ikaw ay
nagkukuwento.

Puppet na Medyas
1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.
2. Gumupit ng tela o retasong hugis bilohaba na kulay dalandan, pula o rosas,
at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas.
3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong
talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ng
medyas upang malaman kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong.
4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng mga butones,
abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata at
ilong
5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang
magmukhang buhok o sombrero.
6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong braso.

TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat bilang. Bilugan ang letra
ng iyong napiling sagot.
1. Ito’y isang mahabang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at
ng hangarin ng katunggali sa kabila.
A. maikling kwento B. nobela C. parabula D. tula
2. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
A. banghay B. pamamaraan C. pananalita D. pananaw
3. Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayarihan.
A. damdamin B. pananalita C. simbolismo D. tema
4. Isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan na sadyang
nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu
ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, at suliranin sa politika. Sa
kasalukuyan, maraming akdang pamapanitikan mula sa bansang ito ang
nasusulat sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.
At isa sa mga nailathala ang “Things Fall Apart”(Paglisan).
A. Botsawana B. Ethiopia C. Nigeria D. Uganda
5. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ezeudu. Nakaramdam ng
kaunting sundot ng budhi si Okwonkwo sapagkat nang huling makausap niya
si Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa
orakulo.
A. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo.
B. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.
C. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng
kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri ng disenyo.
D. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na
ang mga Egwugwu.
6. “Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi
Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling
makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa
pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna.” Ang pahayag mula sa
nobela ay nagpapakita sa tradisyon ng mga Africano na _____________ .

A. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.


B. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng
giyera
C. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating
ang mga maniningil ng utang.
D. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may pag-
uusapang mahalagang bagay.

7. Ang mga sumusunod ay mga pahayag mula sa nobela na nagpapakita sa


katangian ng Teoryang Realismo maliban sa.

A. Ang pagkunsulta sa Orakulo kung ano ang makikita sa kinabukasan.


Naniniwala ang mga tao sa mga hula.
B. Kinupkop ni Okonkwo at naging magkasundo sila ni Ikemefuna at itinuring
siyang ama nito pero nagawa niya paring patayin ang bata. Sa
kasalukuyang panahon, napakaraming mga tao ang mga nagtataksil.
C. Ang ginawang pagtakas ni Okonkwo ng mabaril nya ang anak ng
yumaong nagpayo sakanyang si Ogbuefi Ezeudu. Mahahalintulad din ito
sa mga panyayaring pagtakas ng mga tao sa kanilang mga problema.
D. Ang pinakamalala sa lahat, ang pagpapatiwakal nito. Sa buhay, hindi
sagot ang pagtakas sa mga problema lalong lalo na ang pagkitil sa sarili,
dahil hindi naman nito masosolusyunan ang iyong mga paghihirap, bagkus
ay lalo lamang palalalain.

8. Sa teoryang ito, pinapakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na syang


masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang paghubog.
A. Eksistensyalismo B. Formalismo C. Historikal D. Realismo

9. “ Sapagkat ipinapakita sa storya na ang katapangan ay pinahahalagahan at


kapag mahina ka, talunan ka gaya na lamang ng pagtakip ni Okonkwo ng
kanyang katapangan sa kanyang ama na sa tingin niya ay mahina”. Ang
namumutawing teorya sa pahayag ay _________.
A. Marksismo B. Humanismo C. Formalismo D. Realismo

10. “Sapagkat maraming desisyon ang nagawa ni Okonkwo gaya ng pagtaga kay
Ikemefuna at pagpapatiwakal noong siya ay inimbitahan sa korte.” Ang
pahayag ay nagpapakita sa teoryang __________ .
A. Eksistensyalismo B. Humanismo C. Marksismo D. Formalismo
Para sa bilang 11.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang
tulungan natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni
Mr. Barrow… walang ibang kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang
eskwelahang ito… baon na baon na tayo sa utang kay Mr.
Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit
namatay ang ama ni Sarah?

11. Ang pahayag mula sa pelikulang “A Little Princess” ay nagpapaliwanag sa


isang argumento o punto na _____ ayon sa aklat na Gramatikang
Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma.

A. pagbibigay ng halimbawa
B. pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan,
C. pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsiyon,
kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay, pagtutulad
at pag-iiba-iba,
D. wala sa nabanggit

Para sa bilang 12-15


Panuto: Punan ng tamang pang-ugnay ang mga pahayag mula sa nobelang
natalakay.

12. Mapagmahal _____ ama ang ipinakita ni Okonkwo sa batang si Ikemefuna.


A. kung B. na C. nang D. ng
13. Lihim na ipinaalam ni Ezeudo kay Okonkwo ang planong pagpatay kay
Ikemefuna _____ ipinakita ng Orakulo sa kaniya.
A. ayon sa/kay B. hinggil sa/kay C. para sa/kay D. tungkol sa/kay
14. Ang taong iyan ay kilala _____ tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang
ginawang pagkitil ng sariling buhay.
A. at B. kung C. habang D. pati

15. Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito _____ imbitahan


siya sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin
si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo.
A. habang B. para C. sakali D. upang

Sanggunian:
Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

You might also like