You are on page 1of 16

Filipino

Ikatlong Markahan Modyul 1


Unang Linggo

1
Ang Modyul na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga
edukador mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan,
kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.
Mahalagasaaminanginyongmgapuna at mungkahi.

PANIMULA
MODYUL 1

Pagbati! Ito ang iyong unang paglalakbay sa akdang pampanitikan ng Africa at


Persia. Batid ko na maiibigan mo ang mga araling inyong matutunghayan sa Modyul 1.
Matututuhan mo ang mga pagbabago sa panitikan na bunsod ng pagbabago ng panahon.
Walang panitikan na naluluma o nalalaos bagkus mas nagniningning at yumayabong ang
panitikan dahil sa mga kaakibat na pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay,
paglalahad, paglalarawan at pangangatuwiran.
Inaasahan kong ganap mong mauunawaan at mapapahalagahan ang mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia gaya ng mitolohiya ng Kenya, anekdota ng Persia,
sanaysay ng South Africa, tula ng Uganda, maikling kuwento ng East Africa, epiko ng Mali,
at nobela ng Nigeria.

Ang layunin ng modyul na ito ay:

 Natututuhan ng mga mag-aaral ang kasanayang pangkomunikatibo;


 Nalilinang ang kakayahan sa pagsasaling-wika;
 Nauunawaan ang diskursong pagsasalaysay;
 Nagagamit ang tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe;
 Nagagamit nang wasto ang simbolismo at matatalinghagang pananalita; at
 Nakapaglalahad ng opinyon at ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon, o damdamin

Pagkatapos mapag-aralan ang lahat ng mga ito,malalaman kung paano naiiiba ang
mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia sa ibang akda mula sa ibang panig ng mundo
at kung paano nakatutulong ang kaalaman sa gramatika at retorika sa pagpapalawak ng
kaalaman sa kultura sa iba’t ibang bansa. Nakatitiyak akong mapagtatagumpayan mo ang
gawaing ito at lubos mong mapapahalagahan ang panitikan sa buong daigdig.

2
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia


(F10PN-IIIa-76)
 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:suliranin ng
akda,kilos at gawi ng tauhan at desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80)
 Nabibigyang-puna ang napanood na video clip(F10PD-IIIa-74)
 Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/ pagtatalo (F10PS-IIIa-78)
 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
(F10WG-IIIa-71)

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang akdang Liongo ay akdang pampanitikan na _________.
A. Anekdota C. Mitolohiya
B. Epiko D. Kuwentong Bayan
2. Siya ang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
A. Ozi C. Liongo
B. Mbwasho D. Haring Ahmad
3. Ang kahinaan ni Liongo na tanging sila lang ng kaniyang ina ang nakaaalam.
A. Matamaan ng karayom ang kaniyang pusod.
B. Mapana ang kaniyang puso.
C. Maputol ang kaniyang buhok.
D. Masugatan ang kaniyang bisig.
4. Siya ang nakapatay kay Liongo.
A. Mbwasho C. ang kaniyang kapatid
B. Haring Ahmad D. ang kaniyang anak
5. Siya ang ina ni Liongo.
A. Shangha C. Hemedi
B. Mbwasho D. Tana Delta
6. Siya ang pinsan ni Liongo.
A. Tana Delta C. Ozi
B. Haring Ahmad D. Shangha
7. Ang pamamahala ng mga kababaihan ay tinatawag na ____________.
A. Refrain C. Matrilinear
B. Patrilinear D. Nutrilinear

3
8. Sa bansang ________ nagmula ang akdang Liongo.
A. Kenya C. Ozi
B. Wagala D. Pate
9. Ang pamamahala ng mga kalalakihan ay tinatawag na ____________.
A. Patrilinear C. Nutrilinear
B. Matrilinear D. Refrain
10. Ito ay ang paglilipat ng pinagsasalinang wika sa pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasalin.
A. Panlapi C. Pagpapakahulugan
B. Gramatika D. Pagsasaling-wika
11. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang
sa pagsasalin?
“Love excuses everythingbelieveall things, “Mapagpatawad ang pag-ibig,
hopes all things, endures all things.” pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, puno ng
pag-asa sa mga bagay, nakakaya ang lahat
ng bagay.”
A. Basahin nang paulit-ulit.
B. Ikumpara ang ginawang salin.
C. Tingnan ang bawat salita sa isinasalin.
D. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
12. Piliin ang pinakamalapait na salin sa kasabihang: “A negative mind will never give you a
positive life.”
A. Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.
B. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.
C. Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa’yo sa magandang buhay.
D. Ang negatibong pag-iisip ay hindi magbibigay sa’yo ng positibong buhay.
13. Ang mga sumusunod ay ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin
maliban sa isa.
A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
B. Sapat na kaalaman sa gramatika ng katutubong wika na pagsasalinan.
C. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
D. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
14. Ang mga sumusunod ay gabay sa pagsasaling-wika maliban sa _________.
A. Isagawa ang unang pagsasalin.
B. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
C. Kumunsulta sa hanguang eletroniko.
D. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
15. Sa pagsasaling-wika, ang isinasalin ay ang ________ ng isasalin.
A. wika C. diwa
B. salita D. termino

Karagdagang Gawain: (Online class)


Maaring lumikha ang guro ng gawain gamit ang google classroom /google meet.
Ibibigay ng guro ang link sa mga mag-aaral.

4
Panitikan: LIONGO (Mitolohiya mula sa Kenya) Isinalin sa Filipino
ni Roderic P. Urgelles
Aralin
1 Gramatika at Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika

Uri ng Teksto: Naglalahad

GAWAIN 1: Naaalala Mo Pa Ba?

Itala ang mga impormasyong may kaugnayan sa bawat bansa. Piliin ang
iyong sagot sa mga impormasyon sa loob ng biluhaba.

Ginagamit ang awit bilang pagsalag sa masamang espiritu


Iwinaksi ang monarkiya
Tinuturing na ang paggamit ng maskara ay pag-anib ng
espiritu
Karpet ang pangunahing pangangailangan
Karaniwang tema sa sining ay mag-ina o mag-asawa
May pinakamayamang pamana ng sining sa kasaysayan ng mundo

5
GAWAIN 2: Find the Lie
Hanapin mo ang impormasyong nagpamali tungkol sa mitolohiya. Isulat ang
titik sa patlang.
A B C

Ang mga mitolohiya


Ang mga mitolohiya Ang mitolohiya ay
ay may karaniwang
ay tradisyonal na ang kuwento tungkol
may bahid ng mga
istorya na karaniwang sa pagiging
kakaibang
tumutukoy sa makapangyarihan ng
kapangyarihan ng
sinaunang tao o pangunahing
mga tao at
pangyayari. tauhan.
pangyayari.

tekhnol ogic

__________

A B C

Kadalasan, ang mga


mito ng Aprika ay
tumutukoy sa mga
Ang mitolohiyang Ang mitolohiya ng
unibersal na mga
Aprika ay mga Aprika ay may
tema, kagaya na
tradisyonal na makabuluhang parte
lamang ng
kwento na sa araw-araw na
pinagmulan ng
tumutukoy sa mga pamumuhay ng mga
mundo at kapalaran
kakaibang mga Aprikano.
ng sangkatauhan
nilalang.
pagkatapos ng
kamatayan.

tekhnol ogic

__________
A B C

Ang mitolohiya ng
Persia ay tungkol sa
Ang mitolohiya ng kaugalian sa
Ang mitolohiya ng
Persia ay pagharap sa mga
Persia ay nakatuon
sumasalamin sa mabubuti at
sa paglalaban ng
mga kaugalian ng masasama, mga
magkamag-anak at
lipunan kung saan aksyon ng mga
pagtukoy sa higit na
nabibilang ang mga diyos at mga
makapangyarihan.
taga-Persia. karanasan ng mga
bayani at kakaibang
nilalang.
tekhnol ogic

__________
Template: DepEd EdTech.Unit

6
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Basahin at unawain mo ang
isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalamin ba dito ang kanilang
kultura.
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya
ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga
armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya.
Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.Hari siya ng Ozi at
Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang
pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang
pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo
sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad
na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang
pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan,
bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga
tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong
naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na
kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya
ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa
matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya
naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang
sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at
pumatay sa kaniya.
Mula sa http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm
GAWAIN 3: Pag-unawa sa Binasa
Sagutin ang mga tanong kaugnay ng akdang iyong binasa.
1. Sino ang pangunahing tauhan? Ilarawan siya.
2. Ano ang suliranin ng tauhan?
3. Makatwiran ba ang naging desisyon ni Liongo? Patunayan.
4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?
5. Ano ang mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong binasang akda?

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pag-unawa at mga kasanayan sa paksa.Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto.
Maaaring Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

7
Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na
inaalis nila ang kanilang pakpak.m Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng
mga alipin. Sila ay nagbalat-kayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat.
Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi.
May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig.
Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may
batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa
ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain.
Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog
nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw siya sa kumpol ng
putik, uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang
mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain
upang maging mabilis ang kanilang paggawa.
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayosng pilapil sa palayan, habang ang bata
ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang
malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski
ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata.
“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan
niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo.
Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.
Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako nang
mabilis,” sabi niya pagdaka.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw
ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaan
mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na
lamang sa pilapil.
“Tumayo ka, ikaw, maitim na baka” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at
muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan.
Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”
“Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alam
mo kung paano ka makaaalis.”
“Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan ang
kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas ang isang paa
ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad na hawak-hawak
nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita
ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, na animo’y balahibong
umiilanlang sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si
Sarah, at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang
tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba.
Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila
ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa maiinit na
palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya,
bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na
minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang
narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang
salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay
idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad.
Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa
nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay
8
“kumkumka yali, kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad
at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod
habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan, sa
bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig.
“Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay.
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.” Samantala may
isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo upang itali si Toby.
Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong si Toby.
Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo kilala
kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa
palayan.” At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng
mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit
na latigo.
“Buba… Yali... Buba... tambe…”
May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat,
matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalita
habang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala sila
umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip sa
asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang
napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin.
Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak,
hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong
alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila. “Isama ninyo kami sa
paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon
na makatakbo “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mo sila
ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito
ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay hindi
nagsalita sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang
mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay
malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad
hanggang ngayon.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, US


GAWAIN 4: S-M-N (Suriin Mo Na)
Itala ang mga pangyayari sa akda gamit ang Boat Graphic Organizer.

9
Mitolohiya
Ang Mitolohiya
Ang salitang mito ay hinango mula sa salitang Griyegong mythos na unang
nangangahulugag “talumpati” subalit sa katagalan ay nangahulugang “pabula” o “alamat”.
Ang mitolohiya ay mga sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o
pananampalataya at nagtataglay ng tauhang karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang mortal. Ang mitolohiya ay naglalayong
magbigay ng paliwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag dahil hindi pangkaraniwang
nangyayari sa mundo at sa lipunan.
(Pinagyamang Pluma,Emily V. Marasigan,Mary Grace G. Del Rosario;2016,)

Ang Elemento ng Mitolohiya


1. Tauhan
Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan.
2. Tagpuan
May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.
3. Banghay
a. Maraming kapana-paabik na aksyon at tunggalian
b. Maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari
c. Nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
d. Ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. Tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksyong
nagaganap sa araw, buwan at daigdig
4. Tema
Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:
a. Magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. Pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. Pag-uugali ng tao
d. Mga paniniwala ng panrelihiyon
e. Katangian at kahinaan ng tauhan
f. Mga aral sa buhay

Mula sa (Ang Batikan Florian L. Ruiz ,Myrna P. Piedad, Cirilo Castillo Jr,Jose B.
Bilasano 2017)
(Pinagyamang Pluma,Emily V. Marasigan,Mary Grace G. Del
Maaring buksan ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=G9lRBoyIYqY&ab_channel=HuAnaBM para sa
karagdagang kaalaman.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na……
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at
hindi ang bawat salita na bumubuo rito (Santiago,2003).
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TAGAPAGSALIN
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng
kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya
ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang pandamdamin taglay ng mga salitang
gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang
kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang
kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa

10
wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod-sunod
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang
magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi
sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay
na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na
kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
GABAY SA PAGSASALING- WIKA
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas,
pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan
ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging
hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang- pansin din ang aspektong
panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.

GAWAIN 5: H-A-P-P-Y (iHambing Ang Pagkakaiba at Pagkakatulad niYan)


Sa tulong ng Venn Diagram, ibigay mo ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
mitolohiya ng Africa at Persia.
AFRICA PERSIA

GAWAIN 6: S-M-L (Share Mo Lang!)


Batay sa binasa mong mga akda (Liongo at Maaaring Lumipad ang tao),
isulat sa Speech Balloon ang iyong reaksyon tungkol sa pagharap sa mga suliranin
ng mga tauhan mula sa mga akdang ito.

Maaaring Lumipad ang


LIONGO Tao

GAWAIN 7: Isalin Mo!


Ngayon naman, isalin mo sa Filipino ang mga salitang naka-italisado at isulat
ang iyong sagot sa patlang upang maging malinaw ang diwa ng mitolohiya.

Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha

Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi boys ________ at girls

11
_________. Nagmula ang sixth ________ na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang
banda, si Ahriman Mainyu na sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay
naghangad na destroy ________ ang lahat ng created ________ ni Ahura Ohrmuzd.
Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya sent ________ siya
ng demonesa sa katauhan ni Jeh.
Nagtagumpay ang demonesa, subalit captive ________ siya ng moon ________
na si Mah. Mula sa binhi ni Gayomard bago siya ay died ________ lumago at mula sa
kaniyang bangkay ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na
halaman. At dito nanggaling sina Mashya at Mashyana.
Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.
Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sa buong
universe ________ at maging mga lahi ng sangkatauhan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang
ma proseso kung ano ang natutuhan mo mula sa aralin.
Read-Comment-Share!

Magbigay ka ng iyong komento hingil sa mga sumusunod na status at i-share mo


ito sa pagbuo ng isang hashtag.

Paano suriin ang mga kaisipang Paano magagamit nang angkop ang
nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t mga pamantayan sa pagsasaling-
ibang batayan?
wika?

12
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa inyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Sa isang buong papel, pumili ka ng isang katutubong awitin o tula mula sa ibang bansa
at isalin ito sa wikang Filipino. Maaari kang magpatulong sa iyong mga magulang o sa
mga kasama mo sa bahay. Huwag mong kalimutan na isulat ang orihinal na liriko ng
awitin o tula.( Ibibigay ng guro ang pamantayang gagamitin sa pagmamarka ).

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang “Maaaring Lumipad ang Tao” ay halimbawa ng akdang pampanitikan na_______.
A. Anekdota C. Mitolohiya
B. Epiko D. Kuwentong Bayan
2. Siya ang tagapagsalin ng akdang Liongo.
A. Roderic P. Urgelles C. Roderik Palete
B. Roselyn T. Salum D. Rosemarie De Jesus
3. Sa akdang “Maaaring Lumipad ang Tao”, ang pangalan ng matandang lalaki ay _______.
A. Tomy C. Tambe
B. Toby D. Toby
4. Ang babaeng dati’y may pakpak ay si ________.
A. Kumkumka C. Tarah
B. Sarah D. Walang binanggit
5. Siya ang manunulat ng akdang “Maaaring Lumipad ang Tao”.
A. Virginia Hamilton C. Roderic P. Urgelles
B. Toby Hamster D. Rosely T. Salum
”Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya ang
balikat si Sarah hanggang mapaluhod ito.
6.Ano ang mahihinuha sa pagkatao ng tagapagbantay batay sa kanyang kilos at gawi?
A. Mapagsamantala sa kapangyarihan
B. Mapaghiganti.
C. Malupit sa mga tauhan.
D. Abusado sa kanyang kapwa.
7.Nagtagumpay si Liongo sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa pinsang si
Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno.Nais ni haring Ahmad na
mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong niya si Liongo. Bakit ginawa ito ni Haring
Ahmad kay Liongo?
A. Upang palitan si Liongo sa pamumuno.
B. Naiingit siya sa kapangyarihan ni Liongo.
C. Upang mabawi ang trono ng Ozi kay Liongo.
D. Mapaalis si Liongo sa kanilang lugar.
8.Piliin ang pinakamalapit na salin sa pahayag na _____.
“She flew like an eagle.”
A. Lumilipad siya katulad ng isang agila.

13
B. Lumipad siya katulad ng agila.
C. Pumaimbabaw tulad ng agila.
D.Pumaimbulog tulad ng agila.
9. Ang pinakamalapit na salin sa pahayag ay _____.
“No one dared to speak about it.”
A.Walang nakapagsalita tungkol dito.
B.Hindi nakapagsalita tungkol dito.
C.Walang nangahas magsalita.
D.Walang sinuman ang makapagsalita tungkol dito.
10.Batay sa mga pagsasalin sa bilang 8 at 9, alin ang unang pamantayang dapat isaalang
alang sa pagsasaling –wika?
A.Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
B.Isagawa ang unang pagsasalin.
C.May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
D.Rebisahin ang salin.
11. Ayon sa kanya, ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin ng diwa, ng talata at hindi ang
bawat salita.
A. Almario, 2003 C. Santiago, 2003
B. Urgelles, 2003 D. Abadilla, 2003
12. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang tagapagsalin?
A. May sapat na kaalaman sa pagsulat nang masining.
B. May malalim na pagmamahal sa panitikan.
C. May sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
D. May maraming bansa nang napuntahan.
13. Alin sa mga sumusunod ang gabay sa pagsasaling-wika?
A. Magrebisa nang maraming beses.
B. Kumunsulta sa hanguang elektroniko.
C. Ilapit ang salitang gagamitin sa orihinal na salitang ginamit.
D. Magsagawa ng unang pagsasalin.
14. Ang uri ng tekstong ginamit sa akda ay __________.
A. Pangangatwiran C. Paglalahad
B. Pagsasalaysay D. Panghihikayat
15. Ang akdang pampanitikan na tumatalakay sa diyos at diyosa ay ________.
A. Mitolohiya C. Epiko
B. Anekdota D. Pabula

Upang lubos na mapagtibay ang iyong natutuhan, bubuoin mo ang akrostik sa ibaba at
punan ng angkop na detalye hinggil sa Mitolohiya nang makabuo nang bagong konsepto.
M-_________________________________________________________________
I-__________________________________________________________________
T- _________________________________________________________________
O- _________________________________________________________________
L- _________________________________________________________________
O- _________________________________________________________________
H- _________________________________________________________________

14
I- _________________________________________________________________
Y- _________________________________________________________________
A- _________________________________________________________________

Gumawa ng isang Pick-Up Line tungkol sa natutuhan mo sa Modyul 1. Isulat ang


iyong sagot sa ibaba.
Maaring ipasa sa messenger ng guro ang natapos na Gawain.

Sanggunian

Ang Batikan, Florian LRuiz, Myrna P. Piedad, Cirilo Castillo Jr, Jose B. Bilasano
2017
Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, US
Pinagyamang Pluma, Emily V. Marasigan, Mary Grace G. Del Rosario;2016
http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm
https://www.youtube.com/watch?v=G9lRBoyIYqY&ab_channel=HuAnaBM

15
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: RICHELLE B. MACARUBBO
Editors: VIRGINIA V. BAYANI
JOSEPHINE MENDEZ - PAGALING
Content Evaluator: MARIBEL B. SINGSON
Language Evaluators : JHON LESTER SANDIGAN
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA ,EPS-FILIPINO
Illustrator: CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Layout Artist: LEO U. PANTI
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

16

You might also like