You are on page 1of 126

Modyul 3, Baitang

10

MGA AKDANG PAMPANITIKAN


NG AFRICA AT PERSIA

1
Modyul 3, Baitang
10

TALAAN NG NILALAMAN

MODYUL III Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia


Panimula
Panimulang Pagtataya

Aralin 3.1 : Mitolohiya mula sa Kenya


Liongo
Maaaring Lumipad Ang Tao
Pagsasaling-wika
Aralin 3.2 : Anekdota mula sa Persia
Mullah Nassredin
Mula sa Anekdota ni Saadi
Diskursong Pasalaysay
Aralin 3.3 : Sanaysay mula sa South Africa
Ang Talumpati ni Nelson Mandela
Ako ay Ikaw
Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag sa
Paghahatid ng Mensahe
Aralin 3.4 : Tula mula sa Uganda
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
Ang Matanda at ang Batang Paruparo
Matatalinghagang Pananalita at Simbolismo
Aralin 3.5 : Maikling Kuwento mula sa East Africa
Ang Alaga
Rosalia Villanueva –Teodoro, Ang Dakilang Ina
Mga Pangungusap na Naglalahad ng Implikasiyon
Aralin 3.6 : Epiko ng Mali
Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio?
Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o
Damdamin
Aralin 3.7 : Nobela ng Nigeria
Paglisan (Buod)
Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag

MODYUL IV EL FILIBUSTERISMO

2
Modyul 3, Baitang
10

I. PANIMULA
Ang panitikan ay nagsisiwalat ng pagbabago: pagbabagong mistikal,
pagbabagong bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng
nakagawian, ng pagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga
pagbabagong ito ay maningning na masisilayan sa mga panitikan ng Africa
at Persia na nalinang ng mga pahayag mula sa Bibliya, paggamit ng
kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing
pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng
paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran.

Dito sa Modyul 3, ganap na mauunawaan at mapapahalagahan mo


ang mga akdang pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng Africa at
Persia, gaya ng mitolohiya ng Kenya, anekdota ng Persia, sanaysay ng South
Africa, tula ng Uganda, maikling kuwento ng East Africa, epiko ng Mali at
nobela ng Nigeria. Matututuhan din ang mga kasanayang
pangkomunikatibong hango sa pag-aaral ng mga pamantayan sa
pagsasaling-wika, diskursong pagsasalaysay, paggamit ng tuwiran at di-
tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe, wastong gamit ng simbolismo
at matatalinghagang pananalita, mga pangungusap na naglalahad ng
implikasiyon, mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin, at
pang-ugnay na nagpapaliwanag na magsisilbing katuwang sa
pagsasakatuparan ng mga gawain sa Modyul.

Sa pagtatapos ng aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na:


Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan buhat sa Africa at Persia sa iba
pang akda mula sa ibang panig ng mundo at paano nakatutulong ang mga
kaalaman sa gramatika/ retorika sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura ng
iba’t ibang bayan. Gayundin, inaasahang makalilikha ka ng komposisyong
popular sa anyo ng patalastas pantelebisiyon. Mamarkahan ang pagganap sa
sumusunod na pamantayan a.) kasiningan, b.) kaangkupan, c.) kawastuhan,
at d.) kawilihan.

Sa puntong ito, sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa


sagutang papel. Layon ng pagsusulit na sukatin ang iyong kaalaman sa mga
araling pag-aaralan. Simulan mo na!

3
Modyul 3, Baitang
10

II. PANIMULANG PAGTATAYA


Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa


at estilong nasa wikang isasalin?
a. panlapi c. pagpapakahulugan
b. gramatika d. pagsasaling-wika

2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang


magkakaugnay.
a. pangangatuwiran c. paglalahad
b. paglalarawan d. pagsasalaysay

3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan at ideyang


binibigkas
sa harap ng maraming tao.
a. tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan

4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at


nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa.
a. nobela b. karilyo c. dula d. maikling kuwento

5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.


a. idyoma c. simbolismo
b. matatalinghagang pananalita d. tayutay

6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa


matatalinghagang pananalita.
a. pandamdamin b. malaya c. blangko berso d. tradisyunal

7. Panitikan na nasa anyong patula noong sinaunang panahon na


kalauna’y naging tuluyan.
a. epiko b. anekdota c. sanaysay d. mitolohiya

8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu.


Nakaramdam ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang
huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng
babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna.
Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

4
Modyul 3, Baitang
10

a. Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria


b. Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.Ginagamit
din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon
c. Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng
kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo
d. Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen.
Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom
sa lupain ng Nigeria.

9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan


dapat isaalang-alang sa pagsasalin?

“Love excuses everything “Mapagpatawad ang pag-ibig,


believe all things,hopes all pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,
things,endures all things”. puno ng pag-asa sa mga bagay,
nakakaya ang lahat ng bagay.”

a. Basahin nang paulit-ulit


b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.

“A negative mind will never give you a positive life”.


a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”
b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong
buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang
buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong
buhay.”

“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang


humulagpos ang isa kong tsinelas.Ang tsinelas ay ang gamit namin sa
pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa
Para
sa sa bilang
kahoy ay11-12
hindi nararapat.Mabilis itong inanod sa tubig bago ko
nahabol para kunin.Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng
nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali
kong itinapon sa dagat, kasama 5 ang dasal na mahabol nito ang
kapares na tsinelas.

Hango sa Ang Tsinelas ni Jose Rizal


Modyul 3, Baitang
10

11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na


pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining
na paraan ng pagpapahayag.

12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. Katapatan sa bayan
b. Pagpapahalaga sa kaniyang kapwa
c. Pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. Mahusay na pakikitungo sa kaniyang kapwa kabataan.

Para sa bilang 13-16

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito


ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa
tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di
pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang
paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil
sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at
pagkakaroon ng rasismo.
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay


nangangahulugang ____________________.
a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi

14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at


rasismo.
a. pagtanggi sa rasismo
6
Modyul 3, Baitang
10

b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

15. Ano ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang


bansa?
a. Pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasiyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa
buhay

16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at


espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.Ang
mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________.
a. paghihinuha
b. paglalarawan
c. panghihikayat
d. pangangatuwiran

17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?


a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.

18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa “Hele ng Ina sa Kaniyang


Panganay,” ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

Ang poo’y di marapat pagnakawan,


Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.

a. nais c. hangad
b. mithi d. pangarap

19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano


ang ipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. itago c. kalimutan
b. ilibing d. magpatawad

Para sa bilang 20-21

7
Modyul 3, Baitang
10

Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na


iwinawaksi ang tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka
sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina at walang
kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang
ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran.
Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang
sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban at higit
sa lahat pagkilala mula sa mga katribo.

Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera

20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang


mga desisyon sa buhay?
a. mapaghiganti
b. may iisang salita
c. puno ng hinanakit
d. may determinasyon sa buhay

21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga


katribo?
a. mahina ang kaniyang ama
b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
d. gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan

22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?


a. maayos ang pagkakasalin
b. malaya at madaling maunawaan
c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa
pagpapahayag
ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

23. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat


na isaalang-alang?
a. Muling isalin
b. Magdagdag at magbawas ng salita
c. Ihambing sa iba ang ginawang salin
d. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

8
Modyul 3, Baitang
10

Para sa bilang 24-25

Alanganing Dalaw
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero,
sa hapag kainan nang may isang panauhing dumating.
“ Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan.
Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag
na sinabi, “ Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo
siya sa sala upang di mainip.”
Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang
kinaroroonan ng kaibigan.
“ Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong
alas siyete ang aming hapunan.”
“ Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan ang
sinabi mo sa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo
ngayong gabi.”

Halaw sa Little Book of Music Anecdote


ni Helen Kauffman
24.Batay sa binasang anekdota, tama ba ang pagpapasya ng musikero na
ipagpatuloy ang kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng
gabi ay kaniyang nakagawian.
25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?
a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.

Para sa bilang 26-29

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang sarili. Nang
mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa
kaniya, inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at
espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.
26. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
a. pagkalungkot
b. pagkabalisa
c. paghihinanakit
d. panghihinayang
27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal
pa
niya kami kaysa sa kaniyang sarili.

9
Modyul 3, Baitang
10

a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.


b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong
kapakanan.
d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak.

28. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?


a. Malulungkutin subalit matatag.
b. Nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak.
c. Mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak.
d. Inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos.

29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya


sa Diyos ng isang ina?
a. katatagan ng buong pamilya
b. panghihina ng espiritwal na aspeto
c. pamumuhay ng masaganang materyal
d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya

30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung


magmumungkahi ka sa kakulangan ng detalye nito, alin sa sumusunod
na pahayag ang iyong gagamitin?
a. Parang may kulang pang detalye.
b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan.
c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan.
d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol
sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.

31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong


matatalinghagang pananalita ang iyong ilalapat kung nais mong
ipahiwatig ang salitang masipag?
a. bukas-palad c. sawimpalad
b. kapos-palad d. makapal ang palad

32. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa
talinghaga ng mga ito?

10
Modyul 3, Baitang
10

Unang Tula Ikalawang Tula

Samakatuwid, ako’y minahal. At kung ako’y iyong nahambing


Samakatuwid, ako’y lumigaya. sa iba
Samakatuwid, ako’y kapilas ng na di nagkaisip na layuan siya,
buhay. disin ako ngayo’y katulad nila
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng nawalan ng buhay at isang
dangal. patay na.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Ang Matanda at ang Batang


Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Paruparo
Tabora Rafael Palma

a. araw at gabi c. halakhak at luha


b. diyamante at bato d. puti at itim

33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang


personalidad ng kasaysayan sa bansa sila maihahambing?

“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga


paa, dahil ako ang pula’t mainit na baga.”
“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang
malakas na agos na tatangay sa iyo.”
“Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog
sa ibang puno.”
“At ako, ako ang nanakal na baging na gagapang sa tuktok ng
higanteng kagubatan.”
“Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay
ang Mali.”
“Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno
Soumaoro; pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.”
“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi ko
uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at
inadorno sa aking silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi
sa kapwa mo pangahas.”
“Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y
mananalasa, sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.”

Hango sa
11Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali
Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Modyul 3, Baitang
10

a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos c.George W. Bush at Sadam


Hussein
b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu d. Nelson Mandela at Oliver
Tambo

Para sa bilang 34-35

Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong


ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga
misyonero ang mga taga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang
kanilang pagsamba sa diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan.
Hindi naman maunawaan noon ng mga taga-Mbanta kung paanong
ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag
ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na
panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na dalhin ang
Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G.
Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting
misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng
Lup, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu,
katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog
ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.
Smith.

Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera

34. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?

12
Modyul 3, Baitang
10

a. Palaganapin ang Kristiyanismo


b. May tatlong persona sa iisang Diyos
c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan
d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala

35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng


pagsamba sa Bathala ng Lupa?
a. Nagkasakit si G. Brown
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch
c. Sumanib ang isang masamang espiritu
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu

36-50.
Sumulat ng mabisang diyalogo na gagamitin sa bubuuing patalastas
pantelebisyon na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansa sa
Africa at Persia.

III. YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Sagutin ang paunang gawain na titiyak sa lawak ng kaalaman mo sa
mga araling nasa modyul.

GAWAIN 1. Pagkakakilanlan ng Bayan


Sagutin ang mga tanong sa grapikong representasiyon. Gayahin sa
sagutang papel ang kasunod na pormat.
Ano-ano ang kultura ng Ano-ano ang kultura ng
Africa? Persia?

Ano ang naging ambag Ano ang naging ambag


nito sa panitikan? nito sa panitikan?

13
Modyul 3, Baitang
10

LINANGIN
Naririto ang mga araling aakay sa iyo upang lubos mong maunawaan
at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

Aralin 3.1

A. Panitikan: Liongo (Mitolohiya-Kenya)


Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles

B. Gramatika/Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika

C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Panimula

Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan


ito ng Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan,Tanzania
saTimog,Uganda sa Kanluran at Sudan sa Hilagang Kanluran. Kasama ang
karagatang Indian sa Timog-Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang
pampanitikan ,sining sa inukit na bato, arkitektura ang mga palasyo at museo
na yari sa putik,may musika at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng
kanilang lahi.Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan
ng kanilang mga mitolohiya.Upang mas higit na magpapakilala sa atin ng
kultura at tradisyon ng bansang Kenya.

Ang Aralin 3.1 ay isang mitolohiya mula sa Kenya bahagi ng araling ito
ang pagtalakay sa mga pamantayan sa pagsasaling wika. Inaasahang
masasagot mo ang mga pokus na tanong na: Paano susuriin ang mga
kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t ibang batayan;Paano
magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling wika?

14
Modyul 3, Baitang
10

Gayundin,inaasahang makapagsasalin ka ng alinmang akdang


pampanitikan mula sa bansang Africa at Persia batay sa mga sumusunod na
pamantayan:katapatan at kawastuan.
Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

GAWAIN 1. Magagawa Natin


Basahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa.Suriin ito bilang
pagpapahalaga sasagutin ang kasunod na mga tanong.

Mashya at Mashayana :Mito ng Pagkalikha

Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at


babae.Nagmula ang ikaanim na paglikha ni ahura ohrmuzd.Sa kabilang
banda ,si Ahriman Mainyu na sinasabing espiritu ng masama at
naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha ni
Ahura Ohrmuzd.
Sa kabilang banda,si Ahriman Mainyu na sinasabing espiritu ng
masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat
na nilikha ni Ahura Ohrmuzd.
Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya
nagpadala siya ng demonesa sa katauhan ni Jeh.
Nagtagumpay ang demonesa,subalit nabihag siya ng buwan na
si Mah.Mula sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula
sa kaniyang bangkay ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng
lahat ng may buhay na halaman.At dito nanggaling sina Mashya at
Mashyana.
Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban Ahriman
Mainyu.Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15
kambal na kumalat sa buong daigdig at maging mga lahi ng
sangkatauhan.

Mga Tanong Mga Sagot


1. Tungkol saan ang mitolohiya ?

2. Ilarawan ang ginawa ni


Ahriman Mainyu ?Ang ginawa
ni Ahura Ohrmuzd ?

15
Modyul 3, Baitang
10

3. Ang pagpatay ba ni Ahura


Ohrmuzd kay Gayomard ang
pinag mulan ng suliranin ng
kuwento ?Patunayan.

4. Bakit tumulong sina Mashya at


Mashyana sa pakikipaglaban
kay Ahriman Mainyu ?

Gawain 2: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng


panaklong. Bilugan ang tamang sagot .

Noong unang (1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at


ang kalupaan ay mag-asawa.Sila ay may dalawang anak na sina langit at
tubigan.Sila ay may kaniya- kaniyang (2.) Covered (Palaruan,
Nasasakupan,Palayan) Si Langit ay diyosa ng (3.) Galaxy
(kalawakan, lupain, kalangitan) at si (4.) Pond . (Kalikasan, Katubigan,
Tubigan) naman ay diyosa ng katubigan.Sina langit at tubigan ay (5.)
Married (nagiibigan, nagpakasal, magkababata) at ang naging anak nila
ay apat, tatlo ang lalaki at isa ang babae. Si Dagat ay (6.)
Chic (makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang katawan ay
mulato. Si Aldaw ay (7.) Cheerful (masayahin, masigla ,mainam) na lalaki
na ang katawan ay ginto.Si Bulan ay isang (8.) Weak (maginoong,
mahinang, matabang) lalaki na ang katawan ay ginto.Si Bulan ay isang
mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso. Si Bitoon ang (9.) Only
(tanging, marami, grupo ) babae na maganda ang katawan at kulay (10.)
Silver (pilak, ginto, tanso).

Matapos nating masagutan ang gawain.Ngayon naman ay babasahin natin


ang isang mitolohiya .

Linangin
Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung
masasalamin ba dito ang kanilang kultura .
MODYUL 3.1. ILLUSTRATION 1
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

16
Modyul 3, Baitang
10

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya.


Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa
kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi
nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng
karayom sa kaniyang pusod mamamatay siya. Tangng si i Liongo at ang
kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana
sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang


napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-
unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa
Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na
pamamahala ng mga kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni
Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya
nito.Nakaisip si lionggo ng isang pagpupuri
Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga
sa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi
nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit.
Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa
kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na
kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana.Ito pala’y pakana ng
hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti
lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa
digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kayat naibigay ng hari ang kaniyang
anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kanyang -
pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor
at pumatay sa kaniya.
http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan

Sa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon.Tukuyin ang pinagmulan


nito na may kaugnayan sa mitolohiya.

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
Matrilinear ___________
17
Modyul 3, Baitang
10

______________________________________
______________________________________
______________________________________
Ozi ______________

______________________________________
______________________________________
______________________________________
Patrilinear ______________

______________________________________
______________________________________
______________________________________
Faza ______________

______________________________________
______________________________________
______________________________________
Gala ______________

Sagutin ang mga Gabay na Tanong.


1. Ibigay ang suliranin sa binasang akda.
2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.
3. Sumasangayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.
4. Ilarawan ang naging kilos at gawi liongo?
5. Bilang pagpapahalaga sa iyong binasang akda,anong mahalagang
aral ang nais nitong ipabatid?
1. 2.
GAWAIN 4.Tingnan Natin
Ibigay ang mga pangyayaring kaugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa suliranin ng akda,kilos at gawi ng tauhan.Gawin sa
pamamagitan ng story board.Ilagay sa sagutang papel.

3. 4.

5. 6.
18
Modyul 3, Baitang
10

Pagsasanib ng Gramatika/Retorika

Upang mas higit mo pang mapatunayan ang iba pang mga mito. Basahin
natin ang isang mitolohiya na nagmula sa bansang Nigeria.

Maaaring Lumipad Ang Tao


Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles MODYUL 3.1. ILLUSTRATION 2

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan


kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilang
kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao
mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa
kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi.

May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang


tindig. Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si
Sarah.makikitang ay may batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya
kung mabigat ang mga gawain .Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng
tagapagbantay ng lupain.
Nagtratrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito.Inihalintulad raw
siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batong
nakasalansan na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo
ang mga aliping mabagal magtrabaho .Hinahampas ng latigo ang mga
mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa .
Si Sarah ay naghuhukay at nag- aayos ng pilapil sa palayan,habang
ang bata ay tulog sa kaniyang likod.Nang magutom ang bata ay nagsimula

19
Modyul 3, Baitang
10

itong umiyak nang malakas Hindi niya ito mapatigil ibinaba niya ito at
hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya
ang bata.
“Patahimikin mo iyan,” ang sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata.
Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito.Hinampas
niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.
Ang matandang naroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. Aalis ako
nang mabilis”, ang sabi niya pagdaka.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na
ng araw ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak.” Kaawaan
mo kami, kaawaan mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa
nangyari,naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil .
“Tumayo ka, ikaw , maitim na baka “ ang hiyaw ng tagabantay, itinuro si
Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit
ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya
makatayo.
Nandoon si Toby,ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat”
“Sige anak ngayon na ang panahon” ang sagot ni Toby “ humayo ka ,
kung alam mo kung paano ka makaaalis.
“Kum…yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan
ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at
pabuntunghininga.Tumaas ang isang paa ni Sarah sa hangin, Noong una ay
di maayos ang kaniyang paglipad na hawak -hawak nang mahigpit ang
kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng
Africa, sinabi niya na malaya na siya katulad ng isang ibon. na animoy
balahibong umiilanlang sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang
si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy ,sa
mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay.
Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti- unti na silang makita
ng mga taong nasa ibaba. Walang sinuman ang makapagsalita tungkol dito,
hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay
sa maiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin, nakita siya ng
tagapagbantay at nilatigo, siya bumagsak ang bata.Pinuntahan siya ni Toby
at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya
hindi niya kaagad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya.
Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita
Nagpagulong-gulong siya sa hangin ,. Pansamantala siyang nakalipad at
siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad.

20
Modyul 3, Baitang
10

Iba- iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby.Umiiyak siya
sa nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang
kamay” kumkumka yali,kum… tambe! Pabulong niyang sabi at muli na
naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin . Ang isang lumilipad ay
maitim at may makislap na tungkod .habang sila ay nasa taas ng ulo ng
tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan , ang bakuran at ang batis
na dinadaluyan ng tubig .
“Bihagin ang matanda,” ang sabi ng tagapagbantay.
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita,”bihagin siya”
Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang
kaniyang latigo upang itali si Toby . Kinuha niya ang kaniyang baril upang
patayin ang negrong si Toby.
“Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “ heeee ,, heee ! hindi
ninyo kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang
katulad naming nasa palayan. At muli niyang naibulong ang mahiwagang
salita bilang pangako sa angkan ng mga itim,sinabi niya ito sa lahat ng mga
kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo.
“Buba …. Yali …. Buba … tambe … “
May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay
naunat, matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-
kamay. Nagsasalita habang nakabilog animo singsing , umaawit pero hindi
sila magkakahalo hindi pala sila umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay
-langkay na animo mga ibon na tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na
anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw
nila ang plantasyon ,ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad
sila patungo sa kanilang kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya
umiiyak, hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang
mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila.
“Isama ninyo kami sa paglipad “ ang kanilang wika , pero sila’y
natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng
pagkakataon na makatakbo “ paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na
si Toby, “kausapin mo sila ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang Panginoon ang kanilang
nasaksihan. “Ito ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag” Subalit
ang tagapagbantay ay hindi nagsalita. Sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa
kanilang mga anak.Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan . Naalaala

21
Modyul 3, Baitang
10

nila noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang


tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi
nakalilipad hanggang ngayon.
GAWAIN 5.Suriin Natin
Ihanay ang mga pangyayari sa kuwento gamit ang Story Ladder .

GAWAIN 6. Mahalaga Opinyon Mo


Basahin ang mga pangyayari lagyan ng tsek MK kung makatotohanan at
DMK kung hindi makatotohanan at bumuo ng sariling kongklusyon?

Pangyayari MK DMK Kongklusyon

Nagtrabaho siya sa palayan


mula sa pagsikat ng araw
hanggang sa paglubog nito.
Muli niyang naibulong ang
mahiwagang salita bilang
pangako sa angkan ng mga itim.
Hinahampas ng latigo ang mga
mababagal sa gawain.Upang
maging mabilis ang kanilang
paggawa.
Inililihim nila ang kanilang
kapangyarihan sa lupain ng mga
alipin.
May napakalakas na sigawan at
hiyawan,ang mga nakabalikong
likod ay naunat,matatanda at
22
Modyul 3, Baitang
10

batang mga alipin ay nakalipad


na magkakahawak -kamay.

GAWAIN 7. Subukin Mo
A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita..
Tagapagbantay ___________________________
Misteryo ___________________________
Nagpagulong -gulong ___________________________
Mahika ___________________________
Kumikinang ___________________________

B. Isalin sa Filipino ang sumusunod na talata.

There was a great outcryin”.the


bent backs straighted up,old and
young who were called slaves and
could fly joined hands.say like they
would ring-sing.But they didn’t
shuffle in a circle

Pagsasaling- Wika
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin.Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na
bumubuo rito.
(Santiago,2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha
niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na
kumonsulta sa diksyunaryo .Nauunawaan niya ang maliit na
himaymay ng kahulugan,halagang pandamdamin taglay ng mga
salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot

23
Modyul 3, Baitang
10

sa pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa


pagsasalin ay kailangang- kailangan ng tagapagsalin sa
pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor,gayundin sa wastong
paggamit ng mga salita,wastong pagkakabuo at pagsusunod-
sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng
pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin,kaalaman sa gramatika ay hindi sapat
para makapagsalin.Kaya kung ang lahat ng salin ay
patas,nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang
manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang
tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa.Sapagkat siya
ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong
nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin.

Walang higit na mabisa kaysa sa ibang wika.Ang lahat ng wika ay may


sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng
kulturang Pilipino at ng ibang bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang
kabuuang diwa nito.Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na
magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang
pagsasalinan .Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at
maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin.Isaisip na ang isasalin ay diwa ng
isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.Tandaang ang
pagdaragdag,pagbabawas pagpapalit,o pagbabago sa orihinal
na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang
paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng
orihinal.Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng
kalituhan.Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng
dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
Kung gagamit ng diksiyunaryo ay isaalang-alang ang ibat ibang
kahulugan ng isang salita.Kakailanganin ng isang mag-aaral ang

24
Modyul 3, Baitang
10

pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa


konteksto ng pangungusap.

Pagsasanay 1. Isalin sa Filipino ang sumusunod:


1.The Kikuyos are a large tribe.
2. The Yoruba believe that, There
They speak a beautiful Bantu
is a god, Ori, who supervise
Language and lived on the slopes people’s choice in heaven.
of Movement Kenya.
Destiny (Yoruba)
Kikuyo Literatura ng Africa Literatura ng Africa

3. In the days of King Solomon, three thousand years ago, There lived
in Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom.

The Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa)

Pagsasanay 2. Suriin ang salin ng mitolohiya Maaring Lumipad ang Tao


gamit ang kasunod na talahanayan.Lagyan ng tsek (/)ang mapipiling eskala
5-Napakataas 4-Mataas 3-mataastaas 2-hindi mataas 1-paunlarin pa.

Ang bantay ay nagronda habang


humihiyaw,sumisigaw.Samantala
l
ng si Sarah at ang kaniyang
The Overseer rode after anak ay lumilipad sa bakuran, sa
her,hollerin,”Sarah flew over the mga kahoy ,sa mga
fences.She flew over the nagtataasang puno na hindi siya
nakikita maging ng
woods,tall trees could not snag tagapagbantay.Lumilipad siyang
her.Nor could the Overseer.She tulad ng isang agila hanggang sa
flew like an eagle.Now,until she unti- unti na silang makita ng
was gone from sight.No one mga taong nasa ibaba. Walang
dared speak about it .Couldn’t sinuman ang makapagsalita
belive it.But it was,because they tungkol dito, hindi makapaniwala,
subalit nakita nila ito.
that was there saw that it was.

25
Modyul 3, Baitang
10

Katangian 1 2 3 4 5
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang
kasangkot.
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang


bansa kaugnay sa pagsasalin.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin ng teksto? Angkop ba ang
mga ginamit na salita sa pagsasalin? Tama ba ang pagkakasunod-
sunod ng mga ideya? Patunayan.
2. Paano nakatulong sa iyo ang binasang teksto nakasalin sa
Filipino?
3. Kung ang bersyong nasa Ingles lang ang binasa mo, ganito rin
kaya ang pagkaunawa mo sa teksto? Pangatuwiran.
4. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa
pagpapahalagang pampanitikan ?

Pagnilayan at Unawain
Subukin mong gawin ang gawain na nasa loob ng kahon sa susunod na
pahina
sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na ideya sa bawat
pahayag.

Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t


ibang batayan?
____________________________________________________

Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-


wika?
___________________________________________________________
26
___________________________________________________________
________
Modyul 3, Baitang
10

Ilipat

Isa kang mahusay na tagapagsalin.Napili ka ng embahada ng Africa at


Persia upang isalin ang kanilang mga mitolohiya sa wikang Filipino
upang maipakilala ang kanilang bansa sa buong daigdig.Tiyaking
magagamit mo ang mga pamantayan sa pagsasaling- wika.
A. Katapatan................. ................................................................. 50%
B. Kawastuan ................................................................................. 50%
Kabuuan ......................................................................................100%

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan
ang salin sa modyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang
magpatuloy sa iyong paglalakbay sa mundo ng anekdota.

Aralin 3.2

A. Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota-Persia)


Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles

B. Gramatika/Retorika: Gramatikal, Diskorsal, Istratedyik sa


Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Panimula

Sa Persia, ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng


Medo at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang
Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo.Ang
pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa
maraming bansa sa daigdig.

Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia na kakikitaan ng mga


kasabihan, relihiyon sa Paniniwalang Sufism , pagpapaunlad ng isang
indibiduwal sa pamamagitan ng pandama. Masusuri rin ang kanilang
matapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga naiambag ng kanilang mahusay

27
Modyul 3, Baitang
10

na mga manunulat sa mundo ng Pilosopiya at Paniniwala. Kasabay din nito


ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa pagsasalaysay.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


makapagmumungkahi at makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay
sa pangyayaring makapag-iiwan ng kakintalan o aral sa mga bumabasa.

Aalamin mo kung paano naiba ang anekdota sa mga kauri nito


.Gayundin kung paano nakatulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at
pagbasa ng mga anekdota batay sa sumusunod na pamantayan.a.)Ang
pamagat ay maikli, orihinal at napapanahon. B.) mahalaga ang paksa o
diwa.c.) maayos at di-maligoy ang pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari.d.) kaakit- akit na simula at may kasiya-siyang wakas.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Gawain 1.Basahin mo ang isang anekdota at iyong suriin ang mga
pangyayari sa binasa na may kaugnayan sa pagdedesisyon.

Akasya o Kalabasa
Consolation P.Conde

Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang


kapalaran.Ang edukasyon ay napakahalagang yamang maipamamana
ng magulang sa anak.

Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaring tumubo


rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan.Gayundin ang
paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-
puung taong pag-aaral at pagpapakasakit.Karaniwan nang sa may
mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran.At itoy maitutulad
din nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman.Nagbukas na ang mga pamantasan at
matataas na paaralan sa Maynila.
Samantala,sa nayon ng Kamyas,hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at
inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak

28
Modyul 3, Baitang
10

na si Iloy.Si Mang Simon naman ay hindi na muna magtutungo sa


linang,upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralin sa
Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang
mag-ama.Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo
agad.Dinatnan nilang ang tagatala ay abalang-abala sa pagtanggap ng
di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga –linga si Mang Simon.nang makita ang babalang
nakasabit sa may pintuan ng Punong-guro ay kinawit sa bisig si
Iloy. ‘Halika at makikipag-usap muna ako sa punong-guro.’’
‘Magandang umaga po sa kanila,’’panabay na bating galang ng
mag-ama.
‘Magandang umaga po naman, ‘ ang tugon ng punong-guro na
agad namang nagtindig sa pagkakaupo at nag –alok ng upuan.’Ano po
ang maipaglilingkod ko sa kanila ?’’
‘E,ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong
paaralan.’’
‘A,opo.Sa ano po namang baitang ?’’usisa ng punong-guro.
‘Katatapos pa po lamang niya ng elrementarya sa aming
nayon noong nakaraang Marso,’’paliwanag ni Mang Simon.
‘Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul po ?’’
‘Ngunit….ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin
na lamang niya ay isang maikling kurso ukol sa isang tanging
karunungan upang siya’y makatapos agad,maaari po ba ?’’
‘Aba ,opo,’’maagap na tugon ng punong-guro.’’Maaaring ang
lalong pinakamaikling kurso ang kanyang kunin.Iyan ay batay sa kung
anong gusto ninyong kalabasan niya.kung ang nais ninyo ay
magpatubo ng isang mayabong na punong akasya,gugugol kayo ng
puu-puung taon,subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan
lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.’’
‘’Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng
punong-guro.Gayundin si Iloy.Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-
ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon.habang naglalakbay
na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili :’’A,mabuti na nga
ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya
kumarera.Higit na magiging mayabong ang kanyang kinabukasan.’’

GAWAIN 2. Ating Subukin

1. Ang akdang ‘’Akasya o Kalabasa’’ ay isang anekdota,tukuyin ang


mga katangian nito?Patunayan
2. Anong katangian ng kuwento ang nangingibabaw dito?
3.Paano
Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
nakatutulong ang Tanka at Haiku sa pagpapakilala ng kultura ng
Hapones?

29
Modyul 3, Baitang
10

4. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong


pagsasalaysay.

GAWAIN 3.Buuin mo

Sumulat sa papel ng isang karanasang hawig ang paksa sa binasang


anekdota.Maaaring tungkol sa sarili o sa isang kakilala.

Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawain, Atin namang babasahin


ang isang anekdota mula sa bansang Persia upang makilala natin ang
kanilang mga paniniwala at prinsipyo.Tingnan natin kung nagtataglay ito
ng mga elemento ng isang anekdota.

Alam mo ba na ...
ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng
isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.Itoy magagawa
lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Sinasabi rin na,isang malikhaing akda ang anekdota.Dapat na ang
bawat bahagi sa tulong ng mga pangungusap ay kukuha ng interes ng
mambabasa.Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik.
Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat upang ipagpatuloy ang pagbasa ng
anekdota.
Ilang Mga Katangian ng Anekdota
a.) May isang paksang tinatalakay.Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa
pagsulat ng anekdota.Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng
kahulugan sa ideyang nais ilahad.
b.)Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa
kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.Di dapat mag-iwan ng
anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota

Linangin
Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan.Dalubhasang
Pilosopo at Tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar.Nagsimula ang
kaniyang mga kuwento sa Persia.Naniniwala ang mga Sufis na ang
pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan sa bawat tao.Isinilang siya sa

30
Modyul 3, Baitang
10

bayan ng Eskishehir (ak Shehir).Dakilang guro sa pagpapatawa na siyang


naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng kaisipan at
paniniwala na di- makakasakit subalit nakapagbibigay -sigla sa mambabasa.
Paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang mga kauri nito?
MODYUL 3.2 ILLUSTRATION 1
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa .Lagi
itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano Noong sila ay mga
bata pa.Libo-Libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah
Nassreddin sa kanilang lipunan.Tinagurian din siyang alamat ng sining sa
pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa
pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat
mula noon magpasahanggang ngayon.

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati


sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya “Alam ba
ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi” kung kayat
kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam
ang aking sasabihin” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao, Pinagsalita
siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang
mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo” sumagot si
Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko
na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay
nalito at nataranta sa kanyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na
anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang
nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa
kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi” at ang kalahati ay
sumagot ng “Oo” kung kayat muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang
kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati
na di alam ang aking sasabihin” at siya ay lumisan.
http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-
master-anecdotes.html

GAWAIN 4. Ating Pagyamanin


A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang
pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang
titik ng iyong sagot sa patlang.
a. Lumisan b. Nalito c.Napahiya d. Sayangin e. Naimbitahan

31
Modyul 3, Baitang
10

______1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


______2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag
itong aksayahin.
______3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
______4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

Sagutin ang mga Gabay na Tanong

1. Batay sa iyong nabasa,paano mo ilalarawan si Mullah?


2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo?
Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan
upang siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng
pagpapatawa?
4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kanyang pagtuturo sa
mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay
Mullah?Patunayan.
6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa
mambabasa?
7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang
anekdota anong paksa ang nais mong isulat?Bakit?
8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri
nito,masasalamin ba ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa
kanilang mga isinulat.

GAWAIN 5. Ating Suriin


Suriin ang mahalagang bahagi ng Anekdota “Mullah Nassreddin. ”Gawin
ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart na nasa ibaba.

Mullah Nassreddin

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas: 32
Modyul 3, Baitang
10

Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil
sa dalawang kadahilanan:Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang
lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa
pagsisimula ng mga mag-aaral na Persiano.Ikalawa, binubuo ito ng simpleng
kasabihan at mga kuwento na itinuturing na mahusay na mga pahayag ng
paniniwalang Sufi.

Para sa mga Sufis,ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya bahagi


ito ng buhay.Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito
nagpapahalaga sa oras ,pera o maging karangalan.Nakapokus ito sa
pagpapaunlad ng isang indibidual sa pamamagitan ng kanilang mga
pandama.

Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o


pagdadalaga na kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa
kaniyang pagbibinata/pagdadalaga.Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa
proseso, pag-unawa at pagsasanay.
Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at
taimtim na dumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga
panulat ang naisasalaysay ang hiwaga na naabot ni Saadi gayundin ang
kaniyang pagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa buong mundo.

Mula sa mga Anekdota ni Saadi


Persia
ni Idries Shah MODYUL 3.2 .ILLUSTRATION 2
Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles
Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.

Isang araw,ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa


disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta sa kaniyang
nasasakupan ay matama nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi
nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng mohametano habang dumadaan
siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika”Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam ,katulad siya ng hayop,hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano!
Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya
binigyan ng kaukulang paggalang.

33
Modyul 3, Baitang
10

Sumagot ang Mongheng Mohametano, ”Hayaan mong ang Sultan


ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa
kaniyang magandang gawa.Sabihin mo sa kaniya,ang hari ay nilikha para
sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mga
mamamayan para paglingkuran ang Sultan.

GAWAIN 6. Ating Kilalanin


Kilalaning nating mabuti si Saadi sa kaniyang anekdota, punan ang
character web sa ibaba ..

SAADI

GAWAIN 7. Sagutin Natin


A.Paghambingin ang anekdota sa iba pang mga akdang pampanitikan..Isulat
ang sagot sa kasunod na tsart,Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Anekdota Talambuhay Tala ng
Paglalakbay
(Travelogue)
Paksa

Tauhan

Tagpuan

Paraan ng
pagkakasulat

Mensahe/Aral

34
Modyul 3, Baitang
10

Nilalaman

GAWAIN 8. Ating Palawakin


A..Magmungkahi at maglapat ng isang matalinong desisyon batay sa
pangyayaring makapag-iiwan ng kakintalan o aral.

B. Isulat ang karanasang nangingibabaw sa nabasang anekdota.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

35
Modyul 3, Baitang
10

Alam mo ba na..

ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang


magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari,
pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at
tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang
alamat o epiko at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino
maging sa ibang bansa man.

Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng


pagsasalaysay.Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito,
mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa
mga mambabasa.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa

1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang


damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang
tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan
at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.

3. Kakayahang Pansarili - Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa


kahusayan ,hilig at layunin ng manunulat.

4. Tiyak na Panahon o Pook - Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay


ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon
at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na
paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng
napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.

5. Kilalanin ang mambabasa - Sumusulat ang tao hindi para lamang sa


kaniya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa
kanyang mga mambabasa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. Sariling Karanasan - Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng


pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba - Maaring usapan ng mga tao tungkol sa
isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon at iba
pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood - Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro at iba

36
Modyul 3, Baitang
10

pa.
4. Likhang - isip - Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay
makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay
maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa-Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap
na nauunawaan ang mga pangyayari.

MGA URI NG PAGSASALAYSAY


1. Maikling Kuwento - nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan - Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga
tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang
kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan
sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela - Nahati sa mga kabanata; punong - puno ng mga masalimuot
na pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat - Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Tala ng buhay" - ng isang tao ,pangyayaring naganap sa
buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan - Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap
sa isang tao, pook o bansa.
9.Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - Pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

Pagsasanay 1: Punan ang kasunod na double entry journal ng sariling


reaksiyon tungkol sa mga dapat isaalang alang sa pagsusuri ng isang
anekdota. .

37
Modyul 3, Baitang
10

Pagsusuri Ang Aking Reaksiyon

Kawilihan ng Paksa

Sapat na kagamitan

Kakayahang Pansarili

Tiyak na panahon o pook

Pagkilala sa mambabasa

Pagsasanay 2: Gumawa ng tungkol sa binasang anekdota sa sagutang


papel. Ang iyong gagawin ay bibigyan ng marka ayon sa mga sumusunod na
pamantayan, lohikal ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, malikhain at
masining, angkop na kasuotan sa nabuong drowing, maikli at madaling
makakuha ng interes at malinaw ang anekdotang inilalahad.

Pagsasanay 3: Isulat ang mga salaysay na ginamit sa nabasang kuwento.

Mullah Saadi

Pagsasanay 4: Suriin natin ang mga katangiaang dapat taglayin ng


anekdotang natalakay.Alamin natin sa pamamagitan ng pagsagot sa
talahanayan. Lagyan ng tsek (  ) kung tama batay sa iyong pagsusuri at
ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot.

38
Modyul 3, Baitang
10

Katangian Oo Katamtaman Hindi Paliwanag


Makatawag pansin
ang mga katangiaan
ng tauhan.
Payak at maikli ang
pagpapahayag
Nakakalibang habang
binabasa.
Nakatulong ito upang
lalong makilala si
Mullah/Saadi

Pagnilayan at Unawain
1. Mag-isip ng isang nakatatawang pangyayari sa iyong buhay,noong
nagsimula kang mag-aral?Isalaysay.
2. Mula sa iyong karanasan.Ano ang iyong natutuhan? Ipaliwanag.
3. Kung isasalaysay mo ito sa iba.Ano ang gusto mong matutuhan ng
iyong kapuwa?
4. Paano naiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
5. Nakatutulong ba ang gramatikal,diskorsal,istratedyik sa pagsasalaysay
ng mga orihinal na anekdota na buhat sa mga bansa ng daigdig?

Ilipat

. Naanyayahan ka para magbigay ng talumpati sa isang pagtitipon sa


inyong bayan.Isasalaysay mo ang mga nakatutuwang karanasan ng
. iyong buhay, mga desisyon ginawa mo na nakatulong ng malaki sa
iyong pagtatagumpay.

Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan.


a. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at
napapanahon 25%
b. Mahalaga ang paksa o diwa 25%
c. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari 25%
d. Kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas. 25%

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling


ito. Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong

39
Modyul 3, Baitang
10

balikan ang modyul .Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang
magpatuloy sa iyong pamamasyal. Ang bansang susunod mong
papasyalan ay ang Iran. Muli mong masasalamin sa susunod na bansa
ang kanilang kultura at tradisyon. Maligayang paglalakbay at pag-aaral.
Aralin 3.3

A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa


(Talumpati – South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

B. Gramatika/Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa


Paghahatid ng Mensahe

C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Panimula

Ang Aralin 3.3 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati
na binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang
pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na gisingin ang
damdamin ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at
kalayaan. Sa araling ito ay kailangang maipamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa talumpati sa tulong ng mga pahayag na nanghihikayat.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng


balangkas ng napakinggang talumpati upang mas madaling matukoy ang
mahahalagang impormasyon na nais nitong ipabatid. Ito ay gagawin batay sa
sumusunod na pamantayan: a) nilalaman, b) taglay ang wastong pagkuha ng
mahahalagang mpormasyon, at c) makatotohanan.

Sa tulong ng iba’t ibang gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan ang
sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa
at kung paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang
pahayag sa paglalahad nito?

Yugto ng
Pagkatuto
Tuklasin
Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin ang iyong kaalaman sa
sanaysay.

GAWAIN 1. Paglalahad sa Sanaysay

40
Modyul 3, Baitang
10

Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay pagkatapos ay


bumuo ng mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili.

kuro-kuro ideya isyu

opinyon saloobin talumpati tugma

tauhan banghay sukat

balita pananaw

SANAYSAY

GAWAIN 2. Iayos Mo
Pagsama-samahin ang mga impormasyon sa kahong dapat na
magkakapangkat at iayos ang wastong pagkakasunod-sunod nito
upang makabuo ng wastong impormasyon tungkol sa balangkas.

iskeleton ng susulatin
kahalagahan
kahulugan
mapa ng impormasyon
mapag-iisipang mabuti ang paksa
mapipili mo ang mga ideya o konsepto
mas magiging madaling ayusin ang mga ideya
plano ng paksang isusulat

GAWAIN 3. Alin ang totoo?


Suriin ang mga pahayag:
“Ayon sa pananaliksik, ang musika, panitikan, sining at kultura ng
Africa ay nakakuha ng mataas na pagpapahalaga at paggalang sa
lipunan. Sa tingin ko, ang lumang paniniwala na ang Africa ay tulad sa

41
Modyul 3, Baitang
10

isang bata ang pag-unlad ang naging dahilan upang hindi ito
mapansin noon.”

Sagutin:
Aling pahayag ang mas pinaniniwalaan mo? Bakit?

Alam mo ba na...

ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang


kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang
kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong
ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito
ay maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang
lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.

Tingnan ang kaugnayan ng mga salitang nabuo sa iyong isipan sa


larawan sa itaas sa akdang tatalakayin.

Ngayong nalaman mo na ang iyong natatanging kaalaman sa panitikan at


sa akdang tatalakayin, maaari mo nang basahin ang akda. Maligayang
pagbasa!

42
Modyul 3, Baitang
10

Alam mo ba na…
ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay? Ang
sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan
na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin,
at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng
mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay
ng isang sanay.” Ang Sanaysay ay anyo ng sulating hiram.
Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de
Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag niyang essai
sa wikang Pranses na nangangahulugang isang
pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng
pagsulat.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o
personal. Naririto ang kanilang pagkakakilanlan.
Li nangi
n Pormal Di-Pormal o Personal

Nagbibigay ng Nagsisilbing
impormasyon aliwan/libangan

Nagbibigay ng Nagbibigay-lugod sa
mahahalagang kaisipan pamamagitan ng
o kaalaman sa pagtalakay sa mga
pamamagitan ng paksang karaniwan, pang-
makaagham at lohikal na araw-araw, at personal
pagsasaayos sa
paksang tinatalakay

Maingat na pinipili ang Ang himig ng pananalita


pananalita ay parang nakikipag-usap
lamang

Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan ang


tono

Obhektibo o di-kumikiling Subhektibo sapagkat


sa damdamin ng may- pumapanig sa damdamin
akda at paniniwala ng may-
akda

Basahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya


noong Mayo 10, 1994 nang siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging
daan ang panitikan partikular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahad

43
Modyul 3, Baitang
10

ng pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag


din nila ang pagkauhaw sa kalayaan, karapatan at katarungan na naging
bahagi na ng kanilang buhay, ng kanilang kultura.

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasan, mga pinagpipitaganang mga


panauhin, mga kasama at mga kaibigan…

Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala


at pag-asa sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga
nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.

Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng


tao na namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki
ng sangkatauhan.

Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog


Africa ay kailangang magbunga ng tunay na mamamayan nito na
magpapalawak sa paniniwala ng sangkatauhan sa katarungan,
magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa
lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat.

Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga


taong naririto ngayon.

Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang


bawat isa sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang
bansang ito, sa tanyag na puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga
puno ng mimosa.

Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito,


mararamdaman natin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng
bansa ay magbabago tulad ng panahon.

Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti


ng kapaligiran at sa pagbukadkad ng mga bulaklak.

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa


lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating
mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting
nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang
pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa

44
Modyul 3, Baitang
10

mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay


na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.

Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng


kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo,
na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang
pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.

Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang


panauhin sa pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng
aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan,
at para sa dignidad.

Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin


sa pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran,
pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon
sa lahi, at demokrasya.

Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming


mamamayan at ang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya,
kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na
isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking
Second Deputy President , ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.

Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong


panseguridad sa pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang
ating unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya,
mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan pa ring makakita
ng liwanag.

Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.

Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon


na nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na.

Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.

Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika.


Nangako tayong palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan,
kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon.

Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng


kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto,
makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan.

45
Modyul 3, Baitang
10

Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-


milyong mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng
lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man
o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang
kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may
kapayapaang pansarili at pambansa.

Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim


Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang
pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga
taong kasalukuyang nakakulong.

Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng


bansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at
isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya.

Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan


ang kanilang handog.

Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at


pribilehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa
atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang
diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-
pantay ng kasarian.

Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan.

Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.

Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang


mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa
pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong mundo.

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.


Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig at asin para sa
lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip at ang
kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang
mga sarili.

Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang


lupaing ito ng kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang
dignidad at kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.

46
Modyul 3, Baitang
10

Maghari nawa ang kalayaan.


Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.
http://www.anc.org.za/show.php?id=3132

GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan - Analohiya


Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa
talumpating binasa. Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa
isa’t isa upang mabigyang-linaw kung bakit ito ang iyong naging sagot.

kagubatan karagatan katawan prutas


silid-aklatan tinapay

1. bulaklak : hardin :: aklat: _____________


2. berde : kapaligiran :: asul :______________
3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal :_______________
4. puso : katawan :: ___________:puno
5. ____________: gutom :: tubig : uhaw

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa


kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at
sa isang bansa?
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.
3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang
talumpati? Ganito rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating
bansa? Maglahad ng mga pangyayaring nagpapatunay nito.
4. Kung ikaw ay isa sa mga mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong
magiging damdamin sa talumpati ni Mandela?
5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi
o bansa?
6. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na
kapayapaan, kalayaan, at katarungan?

Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na


nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng
nagtatalumpati at nanghihikayat din na siya ay tulungan sa pagtupad sa

47
Modyul 3, Baitang
10

kaniyang tungkulin at mithiin – ang magkaroon ng kalayaan. Sa susunod


na gawain ay susubukin ang iyong kakayahang kumuha ng
mahahalagang impormasyon sa isang talumpati.

Ang isa pang anyo ng sanaysay ay di-pormal. Upang mas maunawaan


pa, basahin ang isa pang sanaysay na di-pormal na may kinalaman sa wika.
Tayo ba ay malaya sa wika o tayo ba ay nakatanikala pa rin sa anino ng mga
dayuhan?

Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Ako’y hindi sanay sa mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may
sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay,
napakasarap sa pandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama
ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni
dating Pangulong Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay
daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo
ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako
ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang
malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng
komunikasyon. Patunay nito, na sa paglipas ng panahon ay mabilis na
naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan,
pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy
ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging
modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay
binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Sa
katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag na Taglish,
mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang
tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos!
Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin?
Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ang totoo, ako ay
ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at
ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at
ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako
sa iyong wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon
at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad.

Ang nais iparating ng isang akda sa mambabasa ay tinatawag ding


layunin at mas madaling makita sa pamamagitan ng

48
Modyul 3, Baitang
10

pagbabalangkas. Ano-ano ba ang mga tiyak na layunin sa


paggawa ng balangkas?

1. Nakatutulong ito sa pag-oorganisa ng mga ideya.


2. Naipakikita ang materyal sa lohikal na paraan.
3. Naipakikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya.

Ang mga ito ay dapat ding isaalang-alang sa pagkuha o pagtala ng


mahahalagang impormasyon

Makikita natin sa binasang sanaysay ang mahahalagang


impormasyong nais nitong iparating sa mambabasa. Sa tulong ng
gawain sa ibaba, alamin kung anong mahahalagang impormasyon ang
iyong nakita.

GAWAIN 6. Itala, Impormasyong Mahalaga


Sa sanaysay na binasa, isulat nang pabalangkas ang mahahalagang
impormasyon na nais nitong iparating sa mambabasa. Gawing gabay
ang sumusunod:

Ako ay Ikaw

I. Bunga ng Pakikipaglaban
A.
B.
C.

II. Kalagayan sa Makabagong Panahon


A.
1.
2.
3.

GAWAIN 7. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Isulat ang sumusunod na mga tanong at ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang


pambansa?
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na: “Mga kabataan, ang totoo,
ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa.”

49
Modyul 3, Baitang
10

3. Isa sa nakipaglaban para sa wika ay si Pangulong Quezon. Kung


ikaw ay nasa katayuan niya, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang
iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa?
Bakit?
4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa
paggamit ng wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa
sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo.
5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga
sa wikang sarili?
6. Pakinggan ang awit na Ako’y Isang Pinoy. Anong damdamin ang
namamayani sa iyo tungkol sa wika? Ihambing ito sa damdaming
namamayani sa awit.

GAWAIN 8. Maghambingan tayo


Batay sa dalawang sanaysay na binasa, tukuyin ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng talumpating pormal sa di-pormal.

Pormal Di-pormal
Pagkakatulad

Pagkakaiba

GAWAIN 9. Ugnayang Panlipunan


Ilahad ang kaugnayan ng talumpati sa kultura o kalagayang panlipunan ng
Africa at sa kulturang Pilipino.

Pagsasanib ng Gramatika / Retorika – Halinang Sumulat

Alam mo ba na…
nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit
ng angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang
mga ito sa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging
mas malinaw ang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-
tuwirang pagpapahayag. Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o
opinyo.
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang
argumento upang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang
totoo, bilang patunay, at iba pa.

Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat
munang pasyalan bago ang ibang bansa.

50
Modyul 3, Baitang
10

2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay,


narito ang kaniyang sertipiko.

Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na makatotohanan, may


batayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala.
Ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na bagamat batay sa sariling
opinyon ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinig o tagapagbasa.

Pagsasanay 1
Balikan ang tekstong Ako ay Ikaw. Suriin ang mga salitang may
salungguhit sa ilang pangungusap, tuwiran ba o di-tuwirang pahayag?
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagsasanay 2
Suriin ang mga pangungusap. Uriin ang pahayag na ginamit.

1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa


mga lalaking Pilipino.
2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas
maraming tao ang magutom.
3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom
of Information sa Senado.
4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang
maliit na kakayahan ng kapwa.
5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang
paligid o tanawin na dinarayo ng mga turista.

Pagsasanay 3
Sumulat ng sariling sanaysay na may mga tuwiran at di-tuwirang
pahayag tungkol sa kasalukuyang kaganapan sa bansa na ang layunin
ay makapanghikayat sa kaniyang mambabasa. Maaaring gamitin ang
sumusunod na mga transitional device. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

sa katunayan sa totoo lang ang totoo bilang patunay

isang katotohanan patunay nito ebidensiya ng

Pagnilayan at Unawain
Ngayong naunawaan mo na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan at ang gamit ng tuwiran sa di-
tuwirang pahayag, sa bahaging ito ay tatayahin kung naunawaan mo na
ang mahahalagang konsepto sa aralin.

51
Modyul 3, Baitang
10

GAWAIN 10. Unawa ko, Ilalahad ko


1. Mabisa bang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng
mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa?
2. Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang
pahayag sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon?

Paano nakatutulong ang angkop na mga


tuwiran at di-tuwirang pahayag sa pagkuha
ng mahahalagang impormasyon?

Ngayong nauunawaan mo na ang kahalagahan ng sanaysay sa


paglalahad ng mahahalagang impormasyon at ang paggamit ng tuwiran at di-
tuwirang pahayag, pag-aralan ang sumusunod na impormasyon at ilipat mo
sa isang kapaki-pakinabang na gawain ang iyong mga natutuhan.

Ilipat
GAWAIN 11. Aksiyon mo, Pagpasyahan mo
Upang matiyak na naunawaan ang araling ito, gumawa ka ng balangkas
sa napakinggang talumpati

52
Modyul 3, Baitang
10

Ikaw bilang stenographer ng isang pahayagan ay naatasang gumawa


ng balangkas ng mahahalagang impormasyon sa napakinggang
talumpati. Ito ay ibabalangkas mo at iuulat mo sa punong patnugot
sapagkat ilalathala niya ito sa isang pahayagan. Ito ay ibabahagi mo
sa iyong punong patnugot at sa
ngmga manunulat ng inyong pahayagan.
Anyo Balangkas
Tatayahin ang iyong balangkas batay sa a) nilalaman, b) pagkawasto
ng pagkuha ng mahahalagang mpormasyon,
gumamit ngc)paksa
wastong balangkas at
Ang balangkas ay maaaring o pangungusap.
c) makatotohanan.
Sa anyong salita o parirala, hindi ginagamitan ng bantas. Madaling
mailahad ang maikling kabuuan ng paksang tatalakayin at mabilis pa
itong isulat kaysa pabalangkas na pangungusap.
Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong
pangungusap sa lahat ng entrada at nilalapatan ng wastong bantas.
Kung sisimulan nang patanong ang balangkas, dapat ay patanong din
ang iba pang bahagi nito.

Halimbawa:

Mga Karapatan ng Mamamayan


I. Karapatang Likas
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatang maging maligaya
C. Karapatang umibig

II. Karapatang Konstitusyonal


A. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
3. Karapatan sa pamamahayag
4. Kalayaan sa relihiyon
5. Kalayaan sa paninirahan
B.Karapatang itinatakda ng batas
1. Karapatan sa pagmamana

MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA PAGGAWA NG BALANGKAS


A – Napakahusay
B - Mahusay
C – Hindi mahusay

53
Modyul 3, Baitang
10

D – Paunlarin pa

PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nilalaman – maayos at organisado
taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang
mpormasyon
Wastong balangkas – taglay ang wastong
pamamaraan sa pagbalangkas
Makatotohanan – totoo ang mga impormasyong
ipinakita
Interpretasyon:
16 - 20 – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa
mga gawain.
11 - 15– Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong
kahusayan o kagalingan.
6 - 10 – Hindi mahusay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit kailangan
ng pagrebisa upang mapaunlad pa ang gawain.
1 - 5 –Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at
sa titingin ng iyong likha.

Napakahusay mo, binabati kita sa naging bunga ng iyong pagtitiyaga – ang


tagumpay. Inaasahan kong ang iyong natutuhan sa aralin sa tulong ng mga
tanong at gawain ay iyong isasabuhay. Muli, ang bagong hamon para sa
bagong aralin ay binubuksan ko na para sa iyo.

Aralin 3.4

A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang


Panganay (Tula – Uganda)
Mula sa A Song of a Mother To Her Firstborn
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

B. Gramatika / Retorika: Wastong Gamit ng


Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Panimula

54
Modyul 3, Baitang
10

Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula


na kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at
oyaying inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi
ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong
Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay
tila imortalidad ng kanilang magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang
lirikong tatalakayin ang maingat na pagpili ng ina sa pangalan ng anak,
mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhula ng ina sa
magandang kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatid
nila sa kanilang magulang.

Sa Aralin 3.4, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin
sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H.
Driberg na A Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin ang
kahalagahan ng paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita
sa pagiging masining sa pagbuo ng tula. Sa pagtatapos ay kakatha ka ng
sariling tula na lalapatan mo ng himig. Tatayahin ang nasabing pagganap
batay sa sumusunod na pamantayan: kahusayan ng pagkakabuo ng tula,
himig/melodiya at paraan ng presentasiyon nito.

Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa


ang mga tanong na: paano naiiba ang tulang tradisyunal sa tulang malaya
at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang kultura
ng bansang pinagmulan nito, at paano nakatutulong ang paggamit ng
simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa
pagbuo ng isang tula?

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Upang masagot mo ang tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunal
sa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang
tradisyunal ang kultura ng bansang pinagmulan nito ay makabubuting
isagawa mo ang mga inilatag na gawain.

GAWAIN 1. Ibahagi Mo!


Awitin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na “Magagandang
Anak”. Pagkatapos ay isagawa ang Think-Pair-Share kung saan pag-
uusapan ng kapareha ang kadakilaan ng ina. Ibahagi ito sa klase.

Ang aming ina’y, masinop na maybahay


Adhikain niya’y kagaya ni itay

55
Modyul 3, Baitang
10

Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at


Katulad ng inyong magagandang anak.

Sana, sana ang kawalan ay malunasan.


Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan.

GAWAIN 2. Isa-isahin Mo!


Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo
sa salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang
may isang saknong gamit ang simbolismo at matatalinghagang salitang
ibinigay.

GAWAIN 3. Pagbulayan Mo!


Suriin at paghambingin ang dalawang tula. Isulat ang pagsusuri sa
sagutang papel.

Ako ang Daigdig Gabi


ni Alejandro Abadilla ni Ildefonso Santos

I Habang nagduruyan ang buwang ninikat


ako
ang daigdig sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
isakay mo ako. Gabing mapamihag,
ako
sa mga pakpak mong humahalimuyak!
ang tula
ako
ang daigdig Ilipad mo ako sa masalimsim
ng tula na puntod ng iyong mga panganorin;
ang tula
doon ang luha ko ay padadaluyin
ng daigdig

56
Modyul 3, Baitang
10

saka iwiwisik sa simoy ng hangin!


ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako Iakyat mo ako sa pinagtipunan
ang tula ng daigdig ng mga bitui’t mga bulalakaw,
at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
II
ako palagusan mo ako ng kaluwalhatian!
ang daigdig ng tula
ako Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’y
ang tula ng daigdig makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;

ako ang malayang ako samantala namang ang hamog kong luha
matapat sa sarili sa sangkalikasa’y magpapasariwa!
sa aking daigdig
ng tula At ano kung bukas ang ating silahis

ako ay papamusyawin ng araw ang langit?


ang tula Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid
ng daigdig Sa dagat ng iyong mga panaginip?
ako
ang daigdig Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,
ng tula ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
ako ilipad mo habang gising ang damdamin
III sa banal na tugtog ng bawat bituin!
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay

57
Modyul 3, Baitang
10

tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
Alam mo batula
ang na...
sa daigdig
ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o
ako saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at
taludturan.Bawat
ang daigdig
ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng
taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may
mga tayutay ako o mayaman sa matatalinghagang pananalita at
angattula
simbolismo, masining bukod sa pagiging madamdamin at maindayog
kung bigkasin kayat maaari itong lapatan ng himig.
daigdig
Sa pagsulat
tula ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang
mga elemento nito.
ako.... Ito ay ang sumusunod:
TANONG
Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Hal.:ang
1. Ano Mula sa tanaga
sukat ni Ildefonso
at tugma ng tula? Santos
A/li/pa/tong/ lu/ma/pag
2. Paano naging marikit Sa/ang tulang
lu/pa/ binasa?
-- nag/ka/bi/tak
3. Ano ang talinghagaSukat-Pipituhing
ng tulang binasa? Ipaliwanag.
Pantig
4. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang
Tugma- Ang tunog ng
pinagmulan mgaPatunayan.
nito? huling pantig sa bawat taludtod.
Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.
Tugman- Ganap

Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at


ang kabuuan nito.
Hal.:Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S.Baylen
I/to/ ba/ ang/ mun/dong/ hi/ni/la/ kung/ sa/an/
Ng/ gu/long/ ng/ in/yong/ Hid/wang/ Ka/un/la/ran?/
Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at
Tayutay

Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng


tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.
58
Modyul 3, Baitang
10

Ngayon nama’y humakbang ka sa susunod na bahagi ng iyong pag-aaral


nang sa gayo’y matuklasan mo ang sagot sa mga tanong na paano naiiba
ang tulang tradisyunal sa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang
malaya o tulang tradisyunal ang kultura ng bansang pinagmulan nito?
Linangin
Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng
magandang kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula
ng isang inang taga-Uganda para sa kaniyang sanggol sa akdang,
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay. Basahin at unawain mo ang
akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malaya at
makita ang kaibhan nito sa tulang tradisyunal, maging ang kultura ng
bansang pinagmulan nito. Mapatutunayan mo rin na ang gamit ng mga
simbolismo at matatalinghagang pananalita ay nakatutulong sa
pagiging masining ng pagbuo ng taludturan ng isang tula.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

59
Modyul 3, Baitang
10

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagamat yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. MODYUL 3.4
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin: ILLUSTRATION
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim. 1
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apuhan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y
panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan”?
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan”?
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aprodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?

60
Modyul 3, Baitang
10

Ika ba’y kanlong ng kapayapaan?


Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa-
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang
anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong
kabataaan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
ako’y wala nang mahihiling.

GAWAIN 4. Pasidhiin Mo!


Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming
ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin
ang tsart at gawin ito sa sagutang papel.

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa


Sidhi ng Damdamin
kagalakan
katuwaan
kaluwalhatian
kaligayahan
kasiyahan
Paliwanag Sa 61
Pag-aantas
Modyul 3, Baitang
10

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa


Sidhi ng Damdamin
lungkot
lumbay
dalamhati
pighati
pagdurusa
Paliwanag Sa
Pag-aantas

GAWAIN 5. Tarukin Mo!


Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?


2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga
ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa
tula? Ibigay ang iyong pananaw ukol dito?
5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian nating mga
Pilipino?Sang-ayon ka ba rito? Bakit?
6. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang
anak sa kaniyang ama? Sa poon?
7. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan
pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag.
Suriin ang tulang binasa.Ito ba’y isang tulang malaya o tulang
tradisyonal? Malinaw bang naisalaysay ang kultura ng bansang
GAWAIN 6. Patunayan Mo!pinagmulan nito?
Sa sagutang papel, bumuo ng kongklusyon sa tulong ng kasunod na
grapikong representasiyon.

PATUNAY PATUNAY

KONGKLUSYON
62
Modyul 3, Baitang
10

Ang akdang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ay isang tulang malaya na


nagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak.
Sa pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael
Palma, Ang Matanda at ang Batang Paruparo. Basahin at alamin kung ito
ba’y tulang malaya o tulang tradisyunal.

Ang Matanda at ang Batang Paruparo


Rafael Palma

Isang paruparo na may katandaan,


Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.

“Ako na rin itong sa pagiging sabik!


Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,
ang aking napala’y palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.”

“At kung ako’y itong nahambing sa iba


na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.”

Ang pinangaralang anak ay natakot


at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;

63
Modyul 3, Baitang
10

“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin


ng ina ko upang lumayo sa ningning?
diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”

“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!


Isang bagay na hindi dapat layuan,
Itong matanda ay totoo nga namang
Sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”

“Akala’y isa nang elepanteng ganid


ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”

“Kung ako’y lumapit na nananagano


ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”

“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid


sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”

Nang unang sandaliy’ walang naramdaman


Kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaro


ay lapit nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

Nang unang sandali'y walang naramdaman


kundi munting init na wari'y pambuhay,
ito'y siya pa ngang nagpabuyong tunay
upang magtiwala't lumapit sa ilaw.

At siya’y hindi na muling makalipad


Hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
Ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.

64
Modyul 3, Baitang
10

Marahil natalastas mo ang nais ibahagi ng may-akda sa tula. Ito’y patunayan


mo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain.

GAWAIN 7. Ipaliwanag Mo!


Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang
kasunod na grapikong representasiyon.
ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI
a. Sukat
b. Tugma
c. Kariktan
d. Talinghaga
Paglalahat Batay sa Pagsusuri
Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan.

Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa


paanong paraan? Patunayan.

Sagutin ang tanong sa loob ng speech balloon sa iyong sagutang papel.

Ano ang layunin ng tulang binasa? Samakatuwid,


anong uri ito ng teksto?
___________________________________________
MODYUL 3.4
___________________________________________
___________________________________________ ILLUSTRATION
Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang 2
tula? Magkatulad ba ang pagiging masining ng
dalawang tula?Patunayan.
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


GAWAIN 8: Iugnay Mo!
Piliin ang matatalinghagang pananalita at simbolismo sa dalawang tulang
tinalakay at bigyan ng kahulugan upang mapagtibay mo na sangkap ang
mga ito sa pagiging masining ng tula. Naririto ang karagdagang kaalaman
sa matatalinghagang pananalita at simbolismo upang mapatunayan na

65
Modyul 3, Baitang
10

nakatutulong ang paggamit ng mga ito sa pagiging masining sa pagbuo


ng taludturan ng isang tula.

Alam mo ba na…

nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi


karaniwang paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay
mayaman sa mga tayutay na nakakatulong upang maging mabisa
at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa
pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at
matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o


hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.

Halimbawa: 1. butas ang bulsa - walang pera


2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. Bakit
bahagkaya
ang rito
buntot - duwag ibabaw
sa mundong
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang


pananalita sapagkat ang una’y nangangahulugang pagiging
mukhang pera ng tao samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa
mahirap.

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at


kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na
mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari,
tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.

Halimbawa: 1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman


2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga
66 ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa


pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa
Modyul 3, Baitang
10

Pagsasanay 1
Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin
ang matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang
kahulugan nito sa sagutang papel.

1. Mata’y napapikit sa aking namasdan;


Apat na kandila ang nangagbabantay.
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsan sa kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
(Kabayanihan ni Lope K. Santos)

3. May tanging laruan isang bolang-apoy


Aywan ba kung sino ang dito’y napukol.
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)

4. Siya’y mabiyayang inilatag,


Sa tubong matamis ay matingkad,
Itong disyerto’y kaniyang buhok.
Ginintuang paa’y namumukod,
At ang kaniyang dibdib ay bundok
Na sa ilog ng Nile nalulunod,
Kayat siya’y pinong itinakda,
Na ginawarang itim tuwina.
(Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou)

5. Sandaling lisanin ang nakasanayan


Unatin yaring kaluluwa’t katawan
Kawangis ng paghalik ng Maylalang
Sa burol, dalampasiga’t kaparangan.
(Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Ladinsky mula sa tula ni
Hafiz)

67
Modyul 3, Baitang
10

Pagsasanay 2: Itala ang matatalinghagang pananalita at simbolismo mula sa


napakinggan at napanood na tulang liriko/sabayang pagbigkas mula sa link
na ilalahad ng guro. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito sa sagutang papel.

Pagsasanay 3
A.Sa sagutang papel, kumpletuhin ang isang saknong ng tula na salin mula
sa tulang Pilgrimage of African ni Wayne Visser sa pamamagitan ng
paglalagay ng wastong salita at simbolismo sa patlang na makukuha sa
katabing kahon.

Tinalunton, ang ________ ng kalikasan, tribo

Ako’y _______ dumating, isang buhay. hangin

Binuklod ng _______ng mga ninuno, bakas

Kami’y ________ dumating, isang leon


_________.
kamay

B.Sa sagutang papel, kumpletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay


ng matatalinghagang pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng sariling
pamagat.

______________________

Sa ami’y...
Isa kang ______ na may dalang ligaya,
Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba.
Ang iyong gawi’y hindi ________________,
Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa.

Sa ami’y...
Isa kang __________ na laging sandata,
Di _____________ sa hampas ng pala
68
Dito’y nasisilip, maningning na _______,
Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa.
Modyul 3, Baitang
10

Pagsasanay 4: Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinghagang pananalita


at simbolismo na tungkol sa kadakilaan ng ina, tiyaking hindi baba sa 3
saknong ang tulang lilikhain. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na
pamantayan: kayarian, kasiningan at kaangkupan.

Maayos mong naisakatuparan ang mga gawain kayat ipagpatuloy mo ang


iyong pagkatuto.

Pagnilayan at Unawain
Masusing pag-aralan ang mga salita sa loob ng magkahiwalay na kahon
at gamitin ang mga ito sa pagbuo ng dalawang mahahalagang konsepto.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. tradisyunal sukat malaya tugma tula

2. tula kultura bansa pinagmulan isinasalaysay

3. sapagkat simbolo kariktan pahayag matalinghaga

Ikinagagalak kong pinagbuti mo nang lubos ang iyong pagkatuto.Narito ka


na ngayon sa huling hamon ng araling ito.

Ilipat
Sa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo tungkol sa pagkakaiba
ng tulang tradisyunal at tulang malaya maging ang karunungan mo sa
simbolismo at matatalinghagang pananalita. Mailalapat mo na ang
mahahalagang konseptong iyong napagtibay. Kung mayroon ka pang
mga alinlangan tungkol sa aralin, makabubuting magtanong ka sa
iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto.
Magkakaroon ng Reunion ang inyong mag-anak sa mismong Araw ng mga Ina.
Isang presentasiyon ang iniatang sa iyong balikat, nahilingan kang maghanda
ng isang rendisyon ng tulang iyong kakathain na nagsasalaysay ng dakilang
pag-aaruga ng isang ilaw ng tahanan sa kaniyang mga anak upang sila’y
alayan ng natatanging pagpapahalaga.

Ang iyong pag-awit ay lubos na maiibigan ng iyong mga kamag-anak at


lalong-lalo na ng iyong ina kung titiyakin mong sumunod ito sa pamantayang:
kahusayan ng tula, harmoniya ng awit 69at kabuuang pagtatanghal.
Modyul 3, Baitang
10

Tunghayan ang pamantayan kung paano mamarkahan ang isinagawang


pagganap.
Pamantayan Bahagdan
Kahusayan ng Tula 60%
(Kasiningan at Talinghaga)
Himig o Melodiya 30%
(Tinig)
Kabuuang Pagtatanghal 10%
(Presentasiyon)
Kabuuang Marka 100%
Binabati kita. Salamat at matiyaga mong pinag-ukulan ng panahon ang pag-
aaral sa araling ito. Handa ka na ngayong pag-aralan ang susunod na aralin
ng modyul.

Aralin 3.5

A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento –East Africa)


ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni M. O. Jocson

A. Gramatika/Retorika: Mga Pangungusap na Naglalahad ng


Implikasyon

C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Panimula

Matapos mong pag-aralan ang dalawang anyo ng sanaysay, ang maikling


kuwento naman ang iyong bibigyang-pansin sa araling ito.

Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye, “Ang


Alaga” na isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa
akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa kaniyang
alaga. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang nagsasaad ng
paghihinuha na makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa at sa
paglalahad.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapaglalahad ng


kasaysayan ng iyong bayan sa pamamagitan ng story board batay sa

70
Modyul 3, Baitang
10

sumusunod na pamantayan: a) makatotohanan, b) masining, c) malikhain, d)


batay sa pananaliksik, at e) maayos ang paglalahad.

Aalamin natin kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa


pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan.
Gayundin, kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na
naglalahad ng opinyon.

Yugto ng
Pagkatuto

Tuklasin

GAWAIN 1. Checklist
Lagyan ng tsek ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan sa
maikling kuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang
pangungusap na magpapahayag tungkol sa maikling kuwento.
_____ 1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan
_____ 2. maaaring pormal at di-pormal
_____ 3. banghay
_____ 4. Severino Reyes
_____ 5. Deogracias A. Rosario
_____ 6. suliranin
_____ 7. tunggalian
_____ 8. may mga kabanata
_____ 9. Balita
_____ 10. mga tauhan

Batay sa aking mga naging kasagutan, ang maikling kuwento ay


______________________________________________________
____________________________________________________

GAWAIN 2. Anticipation Guide


Bago basahin ang akda, basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat
sa unang kolum kung sang-ayon o di-sang-ayon na mababasa ang
pahayag sa tatalakaying akda. Pagkatapos mabasa ang akda, lagyan ng
tsek(√ )ang ikatlong kolum na wasto ang iyong naging hinuha.

Sang-ayon o di- Pahayag


sang-ayon?

71
Modyul 3, Baitang
10

Hindi na naging interesado ang


mga kasamahan ni Kibuka sa
kaniya.

Sa pag-iisa ni Kibuka ay naiisip


niyang kasiya-siya ang
kaniyang buhay kaya’t
kailangan niyang magpatuloy sa
pakikibaka.
Isang biik ang pasalubong ng
paboritong apo ni Kibuka sa
kaniya.
Sa una ay naisip ni Kibuka na
ang biik ay alagaan.
Sa paglipas ng mga linggo,
habang lumalaki ang baboy ay
maraming problemang
dumarating.
Sa naganap na aksidente, ang
baboy na alaga ni Kibuka
lamang ang nakaligtas.
Sa huli ay naisip din ni Kibuka
na makakatulog na siya nang
maayos.

GAWAIN 3. Sa iyong palagay


1. Piliin sa kasunod na kahon ang sa iyong palagay ay mga salita o
pahayag na naglalahad ng opinyon.

ayon sa/kay... batay sa/kay...

kung ako ang tatanungin... maliban sa...

naniniwala akong... sa aking palagay...

sa tingin ko... tunay na

2. Sa iyong palagay, bakit kaya mahalagang maunawaan ang mga


salitang ito?

Ang iyong dati nang kaalaman sa maikling kuwento at sa mga salitang


naghahayag ng opinyon ay mas lalawak pa sa pagpapatuloy ng aralin.
Makatutulong ang pagbasa sa tatalakaying akda upang lubos mong
maunawaan ang tungkol dito. Halina’t simulan.

72
Modyul 3, Baitang
10

Alam mo ba na…
ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang
mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng
mahahalagang pangyayari? Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang
kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang
suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang
madulang bahagi ng buhay, (4) may mahalagang tagpuan, (5) may
kawilihan hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas.
Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan – ang
binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling
kuwentong iyong binasa ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang
tauhan sa akda ay kumilos ayon sa kaniyang paligid.

Linangin
Basahin at unawain ang maikling kuwento upang malaman kung paano
nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan.

Ang Alaga
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa


siyang mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters.
Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo
Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga
kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod
ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may
Sertipiko ng Serbisyo, at wala nang trabaho.

Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano


ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag
siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung kailangan ng
kaniyang kapalit ang payo at tulong niya.Hindi siya makapaniwala sa
nadatnan niyang makalat na mga papeles at napatunayan niya ang
kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din
ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na

73
Modyul 3, Baitang
10

hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa


ganitong sitwasyon tila walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas
binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono habang
napaliligiran ang ilang babae.

Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan.


Maging ang dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa
sinasabi ni Kibuka.

Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang


dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan
ngunit hindi gaano sa kaniyang haharapin. Nagkataon pa na ang
matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country
para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at
mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang
nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsa. Sa ganoong sitwasyon niya,
nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo
ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang
pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kaboses ni
Kibuka.

Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang


apo.

Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-


tama naghanda ako ng maiinom na tsa.”

“Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko


lamang po ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”

“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may


pasalubong pa ay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na
lahat ang hindi niya magagandang naiisip tungkol sa buhay, puno na
siya ng kapanabikan.

“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School.


Hindi na siya mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-
alaga nito.”

Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik.

Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit


na biik. Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan
ng biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag

74
Modyul 3, Baitang
10

ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang


kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.

Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at


kakausapin si Miriami na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain
sa hapunan para sa pag-uwi ni Yosefu.

Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik


sapagkat sunod nang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging
nasa paanan niya ito. Hndi ito umaalis sa tabi niya. Parang taong
nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka.

Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik


ng tirang pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang
kinakain niyon. Pagkalipas ng ilang araw, lumalaki na ang biik,
malakas nang kumain at kailangang manguha ng matoke si Kibuka sa
mga kaibigan at kapitbahay.

Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si


Kibuka. Mula noon, hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang
manguha ng matoke para sa alaga niyang baboy sapagkat ang mga
babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang
nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at
makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-
anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito.

Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang


maayos. Dahil dito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang
paanan bagamat ingat na ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga
kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy. Lumaki ito
sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay
Kibuka.
Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy,
maraming problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na ng mas
maraming pagkain at hindi naman ganoon karami ang makukuha sa
mga kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta ito
sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at
kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain
maibigay lamang sa alagang baboy.

Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang


alagang baboy kagaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas
niyong maghilik na nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na
desisyon na hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang
baboy at itatali na lamang sa puno.

75
Modyul 3, Baitang
10

Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang


baboy ay mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si
Kibuka lamang ang makapagsasabi.

Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagamat laging


nahuhulog sa ilog.

Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o


nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan,
kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na maaaring madala nito
ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito.
Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang
baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna
ng ilog at lunurin ang baboy.

Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya


ang alagang baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-
Kalansanda at tanging hindi mga tagaroon ang tila nagugulat sa
ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito.
Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng
kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang
alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa
kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na
nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman
siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at
ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig nang
isang oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.

Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga


pagkakataon na kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili
ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy
ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para
na rin itong pagtataksil sa alaga.

Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at


habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy,
isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang
baboy, at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang
direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang
motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buo pa
rin ang buo niyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit at
dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel
Kiggundu na tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga

76
Modyul 3, Baitang
10

damong nakatabon sa kaniyang mukha at makikita ang mahabang


punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.

Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng


alagang baboy ni Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki.
Pagdating nila, ang umiiyak na baboy dahil sa pagkakaipit ng leeg nito
ay namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidente na nag-
iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya
sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga
pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at
namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang
kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola.
Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka at
pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya.

“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang


kayo kukunan ng pahayag. Magpahinga muna kayo.”

“Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang


baboy.”

“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po


ninyo. Mas mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil
hindi na ito maaaring magtagal sa klase ng klima ngayon.”

Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang


alagang hayop. Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang
alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng isang napamahal na
alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya
ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng
mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakit
hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay
niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.

Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni


Kibuka at ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may
gustong kumain ng baboy ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi,
ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso sa namatay na baboy.

Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang


kaniyang balikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang
sakit na nararanasan niya. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa.
Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw.
Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang
pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwan na

77
Modyul 3, Baitang
10

nagdaan. Dumating Musisi habang papaalis na si Kibuka upang


tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at
Miriamu.

“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba


ninyong sumabay na sa akin pagpunta roon?”

Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang


laman ng baboy na dinala sa kaniya ni Musisi.

“Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.”

Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni


Yosefu ay ang mga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit
ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit
kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si
Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at
Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang
pagkain nila ng pananghalian.

“Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka


habang naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”

“Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang


manok at napakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu.

May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na


karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit
sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang
kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya
maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang
maayos.

GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit.
Pagkatapos, gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.

1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa


sa tabi ng ilog sa Kalansanda.
2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain
maibigay lamang sa alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.
4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka
kaya hindi niya ito maipagbibili.

78
Modyul 3, Baitang
10

5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay


tumilapon sa iba’t ibang direksyon.
6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang
baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap.

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang
kalakasan at kahinaan bilang tauhan.
2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang
alaga nang may pagpapahalaga?
3. Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan.
4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa?
5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan
at pandaigdig.
pansarili
____________________
Kahalagahan ng ____________________
panlipunan
akda sa ____________________
______pandaigdig
____________________
____________________
____________________
6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan?
Patunayan. _____

7. Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa akdang iyong binasa?


Ipaliwanag.

8. Ipaliwanag: May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam


niya na karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain
ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng
karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na
hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na
siya nang maayos.

9. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo


ito wawakasan? Isalaysay.

10. Bakit isinulat ng may-akda ang maikling kuwentong tinalakay?


Magsaliksik sa lugar at kondisyon ng panahon sa pagkakalikha nito.

Basahin ang kasunod na teksto na nagsasaad ng katangian ng isang


tao na inilarawan ayon sa pagkakakilala sa kaniya ng isang taong malapit sa
kaniyang buhay. Pansinin ang mga salitang may salungguhit.

79
Modyul 3, Baitang
10

ROSALIA VILLANUEVA TEODORO, DAKILANG INA

Mapagmahal, maasikaso, malambing,


matalinoat higit sa lahat may takot sa Diyos,
iyan ang aking ina. Walang hindi gagawin para
sa kapakanan naming magkakapatid. Sa tingin
ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa
kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama,
ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa
kaniya, inaakala ko na
manghihina ang kaniyang katawang pisikal at
ispiritwal subalit nanatili siyang matatag at
nakakapit sa Diyos. Sa paniniwala ng aking
mga kapatid lalo pa nga siyang tumapang at tumatag, iyon ay upang
patuloy niya kaming magabayan. Sa ganang akin, wala nang papantay
pa sa kadakilaan ng aking ina.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ilarawan ang katangian ng ina sa teksto. Gumawa ng paghahambing


sa ina sa binasang teksto at sa iyong ina.

Paglalarawan sa Ina sa Paglalarawan sa iyong


teksto Pagkakatulad
Ina
____________
____________
____________
___

Pagkakaiba

____________
2. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong ina?
____________
3. Batay sa pagkakalahad, anong uri ito ng teksto? Patunayan.
____________
4. Ano ang layunin ng mga salitang may salungguhit?
_________
GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika – Paglalahad
Basahin at unawain ang impormasyon tungkol sa gramatika upang
maunawaan kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na
naglalahad ng opinyon. Makatutulong ang mga pagsasanay sa bahaging ito
upang mas lalo mo pang maunawaan ang kahalagahan nito.

80
Modyul 3, Baitang
10

Alam mo ba na…
ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang
maunawaan natin? Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating
kausap o ng mambabasa.

Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon:


sa palagay ko…
ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi…
batay sa aking paniniwala…
sa tingin ko…
maaaring…
baka…
siguro…

Pagsasanay 1: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag na


naglalahad ng opinyon batay sa sumusunod na sitwasyon.

1. Pagkakaroon ng Senior High School


2. Pagtaas ng bilihin
3. Ekonomiya ng bansa
4. Krimen na nangyayari sa bansa
5. Pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot

Pagsasanay 2: Suriin ang patalastas sa telebisyon tungkol sa isa sa mga


produktong tinatangkilik ng lipunan. Ilahad ang iyong pananaw tungkol dito.
Gamitin at salungguhitan ang pahayag na naglalahad ng iyong opinyon.

Pagsasanay 3
Masdang mabuti ang larawan sa ibaba. Gumawa ng tekstong naglalarawan
tungkol dito. Maglahad din ng opinyon kung paano makatutulong upang
mabawasan ang ganitong senaryo sa bansa.

MODYUL 3.5. ILLUSTRATION 1

81
Modyul 3, Baitang
10

Ngayong alam mo na kahalagahan ng mga salitang nagbibigay-hinuha


sa paglalarawan at ang katangiang taglay ng mga tao na may pagkakaiba-
ibang katangian, kailangan na nating matiyak ang iyong natutuhan.

Pagnilayan at Unawain

GAWAIN 7. Sagutin ang sumusunod upang matiyak na naunawaan ang


mahalagang konsepto ng aralin.

1. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon


ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan?
Gamitin ang diagram sa pagsagot.

Paano nakatutulong ang


maikling kuwento sa
pagkakaroon ng kamalayan
sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan?

2. Bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na


naglalahad ng opinyon?

Ilipat
GAWAIN 8. Patalastas
Layunin mo sa bahaging ito na mailapat ang mga konseptong natutuhan
sa mga araling tinalakay. Balikan ang impormasyon tungkol sa patalastas
bago mo ito gawin.

Patalastas
Ang patalasatas ay maaaring pasalita at pasulat. Ang
pagsasahimpapawid ay ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa
paraang pasalita tulad ng ginagawa sa radyo at sa telebisyon.
Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhan ng mga tao
o kaya’y mga paligsahang ipinababatid sa publiko.

Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan,


billboards, poster at magasin. Nakalimbag dito ang nais ianunsyong
mga gawain o hanapbuhay na kailangan ng isang tao o kompanya;
mga larawan o hitsura’t katangian ng produkto o kaya’y panawagan
para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan

82
Modyul 3, Baitang
10

Halimbawa ng patalastas na pasulat:


Sa nalalapit na foundation day ng inyong bayan, bilang Presidente ng
organisasyong MAMAYBAY o Mamamayang Ipinagmamalaki ang Bayan,
naatasan kang magbigay ng impormasyon sa iyong bayan upang
magkaroon ng kamalayan ang ibang tao rito. Gagawin mo ito sa
pamamagitan ng patalastas. Ang magiging panauhin na magtataya ng
iyong ginawa ay ang Gobernador at Bise Gobernador ng inyong
lalawigan, Mayor at Bise Mayor at konsehal ng bayan. Tatayain nila ang
iyong ginawa batay sa sumusunod na pamantayan: a. makatotohanan, b.
masining, c. kaalaman sa paksa at d. maayos ang paglalahad ng
impormasyon gamit ang patalastas.

Basahin nang may pang-unawa ang sitwasyon sa ibaba upang


maisagawa ito.
Rubrik sa Paggawa ng Patalastas

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1

A. Makatotohanan

B. Masining

C. Kaalaman sa paksa

D. Maayos ang paglalahad

Gabay sa Pagmamarka

21 – 25…………………… Napakahusay
16 – 20 …………………… Mahusay
11 – 15 …………………… Katamtamang Husay
5 – 10 …………………… 83 subalit nangangailangang dagdagan
May husay
pa ang sikap
Modyul 3, Baitang
10

Napakahusay! Tunay ngang naunawaan mo ang araling ito. Isabuhay mo ang


iyong natutuhan. Inaasahan kong ang dedikasyon mo sa mga naging gawain
ay iyong ipagpapatuloy sa mga susunod pang aralin.

Aralin 3.6

A. Panitikan: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


(Epiko – Mali, West Africa)
Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali
ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

B. Gramatika / Retorika: Mga


Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o
Damdamin

C. Uri ng Teksto: Nangangatuwiran

Panimula

Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay naging


makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sa
pamamayagpag nito, ang imperyo’y higit pang malawak sa Western
Europe. Dito’y umusbong ang isang epiko na kabilang sa maituturing na
dakilang kayamanan ng panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng
Hindu na Ramayana at Mahabarata at epikong Griyego na Iliad at Odyssey.
Ang epikong pag-aaralan ay taal na tulang pasalaysay na pinagsalin-salin
ang mga berso ng mahuhusay na mananalaysay na sinasaliwan ng
instrumentong musikal. Itatampok dito ang mabuting pagbabagong dala ng
pagtatagumpay laban sa kasamaan.

84
Modyul 3, Baitang
10

Sa Aralin 3.6, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa epikong Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali na
isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora hango sa salaysay ni D.T. Niane
at salin sa Ingles ni J.D. Pickett sa pinakatanyag na epiko ng Africa sa
kasalukuyan, ang Sundiata: An Epic of the Old Mali. Layon ng araling
ipakita ang kaugnayan ng epiko sa kasaysayan at malinang ang kasanayan
sa mga ekspresiyong sa pagpapahayag ng damdamin o layon.Bilang
pangwakas na gawain, magsasagawa ng isang pagtatalo tungkol sa
katangian ng mga pangunahing tauhan ng dalawang epiko. Susukatin ang
husay sa pagmamatuwid batay sa sumusunod na pamantayan: a)
paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan, b) pangangatuwiran at
panunuligsa, at c) pagpapahayag.

Sa araling ito, matatalos mo rin ang kasagutan sa mga pokus na


tanong na: bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa
bayani ng kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga
ekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng
pakikipagtalastasan?

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Marahil handa ka na, simulan mong isagawa ang mga gawain upang
matutuhan ang sagot sa mga pokus na tanong na: bakit hinalaw ang
pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ng kanilang
kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa
pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng
pakikipagtalastasan?

GAWAIN 1. Tilamsik ng Saloobin


Sa iyong sagutang papel, ibigay ang iyong posisyon o paninindigan
tungkol sa paksang nasa timbangan. Mainam na batay ang iyong
paninindigan sa mga napagtibay nang impormasyon o ebidensiya.

Ang mga manggagawa ba ay bayani ng


makabagong panahon?

85
Modyul 3, Baitang
10

GAWAIN 2. Itugon ang Layon


Isulat sa sagutang papel ang layon ng mga pahayag.
1. Halika, maupo ka’t pakinggan mo ang plano ng ating pag-atake.
2. Pangako, babalik ako at babawiin ang pag-aari ko na iyong
kinamkam.
3. Sumige ka’t makikita mo ang lupit ng aking kapangyarihan.
4. Mas makatutulong ang digmaan sa pagkamit ng ating kalayaan.
5. Tama ang iyong paniniwala na dapat mag-ingat sa mga lihim na
kaaway.

GAWAIN 3. Magkatulad na Bayani


Ibigay ang hinihingi sa bawat kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Dalawang Kilalang Bayani ng Epiko

Ihambing sa Kilalang Bayani ng Kasaysayan

Patunay ng Paghahambing

Alam mo ba na…
ang paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o
pangangatuwiran? Layon ng naninindigan na mahikayat ang
tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng
pinaniniwalaan sa pamamagitan ng paglalatag ng sapat na katibayan o
patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-
paniwala. Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng iba’t
ibang ekspresiyon upang maipaabot ang layon o damdamin ng
pagpapahayag.

Linangin
Ang epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa
hinaharap. Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y
tao at kalahati’y supernatural. Masasalamin sa epiko ang mataas na
Alam mo ba na…ng lipunan- di lamang nanlilibang bagkus ay
pagpapahalaga
ang epikong Sundiata
nagsasalaysay ay unang
ng kasaysayan, at naitala sa Guinea
napapaunawa noong at
sa kultura 1950 na
tradisyon.
isinalaysay
Kaya ng griot
mainam (mananalaysay)
na basahin na simo
at unawain Djeli
angMamoudou Kouyate
akda upang masurisa at
mahusay na
mapagtibay moalagad
na angng kuwentong-bayan
bayani na siayD.T.
ng epiko ng Africa Niane?saIsinalin
hinahalaw kanilang
niya ito buhat
magigiting sa Mandigo
na bayani sa wikang Pranses. Kalaunan, ang kaniyang
ng kasaysayan.
salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles.

Si Sundiata Keita o Mari Diata( Mari Jata ), ang bayani’t


pangunahing-tauhan ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa
labingdalawa magkakapatid na lalake na tagapagmana ng trono. Siya’y
isang makapangyarihang pinuno 86 na tumalo sa estadong Sosso sa
Kanlurang Africa noong 1235. Itinatag niya ang Imperiyong Mandingo
ng Matandang Mali. Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang
mahigpit 250 taon.
Modyul 3, Baitang
10

MODYUL 3.6. ILLUSTRATION 1

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring


Maghan Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon
Kadjou. Isang mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak
na lalaki ay magiging isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa
kay Dakilang Alexander, ang maalamat na Griyegong mananakop. Ilang tao
lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat pitong taong gulang lamang
si Mari Djata at hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang mapabilang
siya sa mga pagpipiliang maging emperador.

Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kayat hinirang ng kaniyang


unang asawang si Sassouma Bérété ang sariling anak na si Dankaran
Touma na tagapagmana ng trono ng ama. Madalas silang naninibugho kay
Mari Djata at sa kaniyang ina, kayat ipinatapon niya ang mag-anak sa likod
ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay na isang kahig isang tuka.

Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng


Inang Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng
nayon. Sa taniman, nagagalak siya na pagmasdan ang mga tanim na ubas
at gnougous. Isang araw, kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang
Reyna upang magmakaawa ng kaunting dahon ng baobab.

87
Modyul 3, Baitang
10

“Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak na si Sassouma.


Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang
babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito
at siya ang nangangalap ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong
kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa
aking anak.” Siya’y nanunudyong humalakhak nang matinis na pumupunit
sa laman at tumatagos sa kaibuturan.

Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may


puwersang napakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa
lalamunan. Sa labas ng kanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa
kaniyang walang silbing mga binti at walang pakialam na sumusubo’t
tangan-tangan ang calabash. Hindi napigilan ni Sogolon ang kaniyang sarili,
siya’y napahikbi at dumampot ng kaputol na kahoy, hinagupit niya ang anak.

“Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa


iyong pagkukulang ako’y nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking
buhay! Ano ang aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako
pinarurusahan nang ganito?”
Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa
ina, “Inay, anong problema?”

“Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking


tinamo.”

“ Ano ba yaon?”

“Si Sassouma’y pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa


edad mong iyan, ang kaniyang anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para
sa kaniyang ina.”

“Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.”

“Hindi. Ito’y sobra na. Hindi maaari.”

“Mahusay, kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari


Djata. “Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang
pinakamabigat na bakal. Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong
kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo ang buong puno?”

“Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito,


ibig ko ng puno’t ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.”

88
Modyul 3, Baitang
10

Nang oras na iyon ay naroroon si Balla Fasséké, humangos siya sa


pinakamahusay na panday, si Farakourou, upang magpagawa ng tungkod
na bakal.
Umupo si Sogolon sa harapan ng kanilang dampa. Siya’y tahimik na
lumuluha habang sakbibi ng kalungkutan. Binalikan ni Mari Djata ang
kaniyang pagkain na tila walang nangyari. Maya’t maya niyang
sinusulyapan ang kaniyang ina na bumubulong, “Ibig ko ang buong puno,
sa harap ng aking dampa, ang buong puno.”

Walang ano-ano, sumambulat ang isang malakas na tinig na


humahalakhak mula sa likod ng kubo. Ito’y likha ng buktot na si Sassouma
na nagsasalaysay sa kaniyang utusan tungkol sa panghihiyang ginawa kay
Sogolon, sinasadya niyang madinig ito ng huli. Mabilis na pumasok si
Sogolon sa kaniyang silid at tinakpan ang ulo ng kumot upang hindi
masilayan ang pabayang anak na abalang-abala sa kaniyang pagkain
kaysa sa ano pa mang bagay. Walang tigil sa pananangis si Sogolon.
Nilapitan siya ng kaniyang anak na babae, Sogolon Djamarou, at tumabi sa
kaniya, “Tahan na ina. Bakit ka umiiyak?”

Nasimot ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang


katawan, umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang
sinag ng araw. Kung ano ang nanunulay sa kaniyang kamalayan, tanging
siya ang nakaaalam.

Ang laksang panday na nasa labas ng maharlikang pader ay okupado


ng paggawa ng pana’t palaso, sibat, at kalasag na ginagamit ng mga
mandirigma ng Niani. Nang dumating si Balla Fasséké at humiling ng
tungkod na bakal, napabulalas si Farakourou, “Dumatal na ba ang dakilang
araw?”

“Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi


pa nasaksihan sa anomang pagkakataon.”

Ang puno ng mga panday ay anak ng matandang si Noufaïri, at


kawangki ng ama siya ay isa ring manghuhula. Sa kaniyang pagawaan ay
katakot-takot ang nakaimbak na bareta ng bakal na niyari ng kaniyang ama.
Lahat ay nagtataka kung saan nakalaan ang mga bakal. Tinawag ni
Farakourou ang anim na baguhang manggagawa at ipinabuhat ang mga
bakal upang dalhin sa tahanan ni Sogolon.

Nang maibaba ang mga dambuhalang bakal, ang ingay na nilikha


nito’y nakapangingilabot,pati si Sogolon ay nagulantang at napalundag.
Pagkatapos ay nangusap si Balla Fasséké, anak ni Gnankouman Doua,
“Naririto na ang dakilang araw, Mari Djata. Ika’y aking kinakausap, Maghan,
anak ni Sogolon. Ang kristal ng Niger ay pumapawi ng mantsa ng katawan

89
Modyul 3, Baitang
10

ngunit hindi kayang lipulin ang pang-uusig. Tumindig ka, batang leon,
umatungal, at ihayag sa palumpong na simula ngayon sila ay may
panginoon.”

Sumaksi ang mga baguhang panday sa nagaganap,lumabas si


Sogolon at pinanood si Mari Djata. Siya’y painod-inod na gumapang at
lumapit sa mga baretang bakal. Sa tulong ng kaniyang tuhod at isang
kamay siya’y lumuhod, samantalang ang isang kamay ay umaabot ng
baretang bakal na walang kaabog-abog na itinindig. Humawak ang
dalawang kamay sa mga bakal habang nakaluhod. Isang nakamamatay na
katahimikan ang sumakbibi sa lahat. Mariing pumikit si Sogolon Djata,
kinuyom ang mga kamao’t umigting ang kalamnan. Sa isang marahas na
paghila, iwinasiwas ni Djata ang katawan at umangat ang kaniyang tuhod
sa lupa. Pinagtuunan ng pansin ni Sogolon ang mga binti ng anak na
nangangatal na tila kinukuriyente. Pinagpapawisan nang malapot si Djata
na umaagos mula sa kaniyang noo. Buong igting niyang itinuwid ang
katawan gamit ang mga paa subalit biglang bumaluktot at nagbagong anyo
ang bakal na hawak, ito’y naging pana!

Biglang umawit si Balla Fasséké ng “Himno ng Pana” sa


madamdaming tinig:
“Kunin mo ang iyong pana,
At tayo ay humayo.
Kunin mo ang iyong pana,
Butihing gerero.”

Nang makita ni Sogolon ang anak na nakatayo, siya’y saglit na


naumid, pagkatapos ay kara-karakang humimig ng papuri sa Diyos na
naghimala sa anak:
“Anong rikit ng umaga?
Araw nang labis na saya.
Allah, makapangyarihang Allah,
Banal na manlilikha,
Yaring anak ay may halaga!”
Ang tinig ni Balla Fasséké ang namalita sa buong palasyo ng
nagaganap, ang mga tao’y humahangos na nagtungo sa kanilang
kinaroroonan at ang lahat ay namangha sa nasaksihang pagbabago sa anak
ni Sogolon. Ang Inang Reyna ay napasugod din at nang makitang nakatayo si
Mari Djata siya’y nangatog at pinanghinaan ng tuhod. Matapos mahabol ang
hininga, inalis ni Djata ang bakal, ang kaniyang unang hakbang ay
dambuhala. Napayukod at itinuro ni Balla Fasséké si Djata, siya’y napasigaw:

“Ang lahat ay tumabi,


Tayo’y gumalaw. MODYUL 3.6.
Ang leon ay nabuhay,
ILLUSTRATION 2
90
Modyul 3, Baitang
10

Antelope’y magkubli.”

Sa likuran ng Niani ay nakatanim ang munting puno ng baobab, doon


namimitas ng dahon ang mga supling ng nayon para sa kanilang ina. Buong
lakas na binunot at pinasan ni Djata ang puno. Inilagak niya ito sa harapan
ng kanilang kubo, “Inay, naririto ang ilang dahon ng baobab para sa iyo.
Simula ngayon, ito’y mananatili sa labas ng ating dampa at ang lahat ng
kababaihan ng Niani ay tutungo rito upang mangalakal.”

Nakalakad si Mari Djata. Buhat nang araw na yaon, hindi na natahimik


ang kalooban ng Inang Reyna. Ngunit sino nga ba ang makasasalungat sa
tadhana? Wala, ang taong nasa impluwensiya ng kahibanga’y naniniwalang
kaya niyang baguhin ang itinakda ng Panginoon. Subalit ito’y binabalangkas
Niya sa paraang kailanman ay hindi malilirip ng kamalayan ng tao.
Samakatuwid, lahat ng hakbang ni Sassouma laban sa anak ni Sogolon ay
nawalan ng saysay. Hamakin ang mga nakalipas na panahon at tutulan ang
panlilibak sa harap ng madla.Ngayon, ang anak ni Sogolon ay kasing
palasak ng dating pang-aalimura sa kaniya. Hindi mabilang ang
nagmamahal at nasisindak sa kaniyang angking lakas. Sa bayan ng Niani,
walang ibang pinag-uusapan kundi si Djata; ang mga ina’y hinihikayat ang
kanilang mga anak na lalaki na samahan si Djata sa pangangaso o
makipaglaro sapagkat nais nilang makinabang ang mga inakay sa
tinatamasang kabantugan ng anak ng babaing magsasaka. Ang pahayag ni
Doua sa araw ng pagngangalan sa anak ni Sogolon ay nanariwa sa
kalalakihan. Si Sogolon ay napapalibutan ngayon ng mataas na paggalang;
sa mga umpukan madalas na inihahambing ang kayumian ni Sogolon sa
kapalalua’t masamang hangarin ni Sassouma Barété sapagkat ang una’y
isang huwarang asawa at ina kayat dininig ng Panginoon ang kaniyang
panalangin, pinananaligang kung higit na lumalalim ang pagmamahal at
paggalang sa kabiyak at ang pagsasakripisiyo para sa anak ay magiging
magiting at matapang ang kanilang anak pagsapit ng tamang panahon. Ang
bawat anak ay anak ng kaniyang ina, hinding-hindi makahihigit ang anak sa
kaniyang ina. Hindi kataka-taka kung bakit si Dankaran Touma ay walang
kabuhay-buhay, palibhasa’y ang kaniyang ina ay hindi man lamang
nagpamalas nang kahit na katiting na pagpapahalaga sa kaniyang asawa,
sa naparam na Haring Maghan Kon Fatta, hindi siya nagpakita ng
pagpapakumbaba na isinasabuhay ng bawat asawang babae sa kanilang
kaisang-dibdib. Ginunita ng mga tao ang mga tagpo nang siya’y nanibugho,
nayamot at nagbitiw ng mga maaanghang na pananalitang ikinalat laban sa
mga kapwa niya asawang babae at mga anak nito. Kayat seryosong
napagtibay ng mga tao, “Sino ang nakakaalam ng misteryo ng Diyos. Ang
ahas ay walang binti’t paa ngunit kasimbilis ng mga hayop na may apat na
paa.”

91
Modyul 3, Baitang
10

Bata pa lamang si Sundiata ay naging mahusay nang mangangaso.


Naging matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang
ama sa ikatlong asawa. Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina
Sassouma at Dankaran, ipinatapon nila ang mag-anak. Ang bayani sampu
ng kadugo ay nakahanap ng kanlungan sa kaharian ng Mema.

Habang nagbibinata si Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaoro


Kanté, isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nang-
aagaw at nananakop ng maraming bayan. Gayon pa man si Sundiata’y
nakagawa ng paraan na makarating sa Sosso, ang kabisera ng lungsod ni
Soumaoro upang makaharap ang halimaw na pinuno. Maraming digmaan
ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni Sundiata habang patungo sa
Sosso. Siya’y naging popular na lider, maraming kawal ang sumapi sa
kaniya.

Humayo si Sundiata at nagtayo ng kampo sa Dayala na nasa lambak


ng Niger. Hinarangan niya ang daan ni Soumaoro patungo sa Timog. Sa
panahong iyon, patuloy ang labanan sa pagitan ng dalawa bagamat wala ni
isa man ang naghayag ng digmaan. Walang nagtataguyod ng isang
digmaan nang hindi inilalahad ang ugat nito. Ang nagtutunggali ay
nararapat na isa-isahin ang kanilang karaingan bago ihudyat ang simula ng
digmaan. Kaparis ng isang salamangkero na kailangang huwag lusubin ang
isang tao nang hindi siya inaanyayahang tanggapin ang tungkulin na gawin
ang masamang gawain, dahil dito ang hari’y hindi dapat mandigma nang
hindi ibinubuka ang bibig sa sanhi ng pagsasakatuparan nito.

Sumulong si Soumaoro hanggang sa Krina, malapit sa nayon ng


Dayala na nasa Niger at nagpasyang sabihin ang kaniyang karapatan bago
lumusong sa madugong labanan. Batid ni Soumaoro na si Sundiata ay
kagaya niyang salamangkero kayat sa halip na magpadala ng sugo,
ipinasaulo niya ang kaniyang saloobin sa isa sa alagang kuwago. Nang
gabing iyon, dumapo ang ibon sa bubong ng kulandong ni Djata at
nangusap. Ang ginoo nama’y nagsugo rin ng kuwago kay Soumaoro.
Nagsagutan ang dalawang salamangkerong-hari:

“Hinto, binata. Ako ang Hari ng Mali. Kung hinahangad mo ang


kapayapaan, bumalik ka sa iyong pinagmulan,” litanya ni Soumaoro.

“Ako’y nagbabalik Soumaoro upang muling yakapin ang aking


kaharian. Kung hangad mo ang kapayapaan, ika’y magbayad-pinsala sa
aking mga kapanalig at umuwi sa Sosso kung saan ika’y hari.”

“Ako ang Hari ng Mali sa pamamagitan ng puwersa ng aking kamao.


Ang aking karapatan ay maluwat nang napatunayan ng aking pananakop.”

92
Modyul 3, Baitang
10

“Kung gayon, aagawin ko ang Mali sa iyo gamit ang puwersa ng aking
kamao at tutugisin kita hanggang sa iyong kaharian.”

“Samakatuwid, kailangan mong mabatid na ako ang mabangis na


nami sa batuan, walang sinomang makapagpapalayas sa akin sa Mali.”

“At kailangan mo ring mabatid, ako’y may katotong pitong panday na


dudurog sa batuhan. Pagkatapos, nami, ika’y aking lalamunin.”

“Ako ang makamandag na kabute na nagdudulot ng mabangis na


pagbuga.”

“Para sa akin, ako ang mapanagpang na tandang; ang lason ay walang


bisa sa akin.”

“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa,
dahil ako ang pula’t mainit na baga.”

“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas
na agos na tatangay sa iyo.”

“Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak, na matayog sa


ibang puno.”

“At ako, ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng


higanteng kagubatan.”

“Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang


Mali.”

“Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno


Soumaoro; pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.”

“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ika’y hindi ko


uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at
inadorno sa aking silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa
kapwa mo pangahas.”

“Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa,


sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.”

Sa ibang banda, ang griot ni Djatang si Ball Fasséké at Nana Triban,


kapatid niyang babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasiyo
ni Soumaoro ay nakatakas. Sumali sila sa pakikipagdigma ni Sundiata sa
gabi ng mismong labanan sa Krina. Si Fakoli Korona, pamangkin ni

93
Modyul 3, Baitang
10

Soumaoro ay dumating din sa kampo. Dahil sa dinukot ni Soumaoro ang


kabiyak niya, sumumpa siyang maghihiganti. Ipinangako nina Nana Triban
at Fakoli ang katapatan kay Sundiata. Inilantad ni Nana Triban ang lihim ni
Soumaoro, inilahad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na magagapi
niya ang kalaban sa pamamagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng
tandang. Pagsapit ng bukang-liwayway bumuo ng plano sina Sundiata at
Manding Bory upang mahubaran ng kapangyarihan si Soumaoro.

“Kapatid, naihanda mo na ba ang iyong pana?” tanong ni Manding


Bory.

“Oo, iyong masdan,” ang sagot ni Sundiata.

Inalis niya ang mahiwagang palaso sa pagkakasabit sa dingding. Ito’y


tila hindi bakal, waring kahoy at ang dulo’y ang matalim na tari ng puting
tandang na makatatanggal ng Tana ni Soumaoro, isang lihim na nailabas ni
Nana Triban sa Sosso.

“Kapatid, sa oras na ito’y pihadong batid na ni Soumaoro na ako’y


nakatakas. Pilitin mong makalapit sa kaniya sapagkat asahan mong siya’y
iiwas sa iyo,” ang paalala ni Nana Triban.

Nabahala si Djata sa mga binitiwang pahayag ni Nana Triban subalit


kinalamay ni Balla Fasséké ang kaniyang kalooban sa pagsasabing sa
kaniyang panaginip ay kaniyang malulupig ang mortal na kaaway.

Sa kabilang ibayo’y mahinhing sumikat ang araw at nagsabog ng


liwanag sa kapaligiran. Ang pangkat ni Sundiata’y pumuwesto mula sa gilid
ng ilog hanggang sa kabilang ibayo, ngunit bulto ang bitbit na hukbo ni
Soumaoro kayat ang ibang sofas na naiwan sa Krina ay umakyat sa burol
upang panoorin ang digmaan. Dahil sa malaking koronang suot ni
Soumaoro, agad siyang nakita’t natukoy mula sa kalayuan. Ang kaniyang
sandataan ay hindi mahulugang karayom, pinuno ang magkabilang ibayo
ng burol.

Hindi ikinalat ni Sundiata ang lahat ng kaniyang kawal. Ang mga


namamana ng Wagadou at Djallonkés ay pumuwesto sa hulihan at
handang magpaulan ng palaso sa bahaging kaliwa ng burol kapag tumagal
ang digmaan. Sina Fakoli Korona at Kamandjan ay kahilera ni Sundiata at
nangunguna sa bungad sampu ng kaniyang kabalyeriya.

Sa kaniyang makapangyarihang tinig, sumigaw si Sundiata “An


gwewa!” Ang kautusan ay umalingawngaw sa bawat tribo at nagsimulang
sumulong ang bataliyon. Si Soumaoro’y nakatindig sa gawing kanan
kasama ang kaniyang kabalyeriya.

94
Modyul 3, Baitang
10

Mabilis na sumalakay sina Sundiata ngunit sila’y napigilan ng mga


kabalyero ng Diaghan at ang pagsasagupaan ay nagsimula nang kumalat.
Si Tabon Wana at ang mga mamamana ng Wagadou ay sumulong sa
direksiyon ng burol at matuling lumaganap ang digmaan habang ang araw
ay hindi natitinag sa pamamayagpag sa himpapawid. Ang mga kabayo ng
Mema ay lubhang maliksi at tumakbong nakataas ang unahang paa na
sumikwat sa mga kabalyero ng Diaghan. Nagpagulong-gulong, at tinapakan
ng mga kabayo. Nagbigay ng puwang ang pagbagsak at pag-atras ng mga
kalalakihan ng Diaghan. Ang pusod ng kalaban ay nabuwag.

Sa puntong iyon, biglang kinabig ni Manding Bory si Sundiata at


ibinalitang si Soumaoro’y palusob kasama ang mga itinagong kawal kay
Fakoli at sa mga panday nito upang lantarang parusahan ang nagtaksil na
pamangkin. Pagkat nalipol ang malaking bilang ng mga sofas ni Soumaoro,
ang mga kasamahan ni Fakoli ay unti-unting nagkawatak-watak. Ang
digmaa’y hindi pa naipapanalo.

Nagliliyab ang mga mata ni Sundiata sa poot. Tinipon niya ang


kabalyeriya sa kaliwang dako ng burol kung saan magiting na iniinda ni
Fakoli ang panlulupig ng tiyo. Kaalinsabay nito, ang lahat ng maraanan ni
Sundiata’y namamalita na nagagalak si Kamatayan at ang kaniyang
panandaliang pagtigil ay nagpapanumbalik ng pagtitiwala ng kaniyang
kawal bagamat hindi nauubos ang mga sofas ni Soumaoro. Hinanap ni
Djata ang salamangkerong-hari. Nasulyapan niya ito sa gitna ng labanan.
Sinunggaban ni Sundiata ang bawat Sossong sofas, kaliwa’t kanan ang
ginawang pagbalya, nagkakandahirap na tumatabi ang mga ito kung kayat
madali siyang nakalapit kay Soumaoro. Nang mapansin ng huli ang
ikinikilos ni Djata, siya’y dahan-dahang bumuwelta subalit siya’y nasundan
ng tingin ng matapang na bayani.

Huminto si Sundiata at hinutok ang kaniyang pana. Lumipad ang


palaso at dumaplis sa balikat ni Soumaoro. Nang tumama ang tari ng
tandang, naramdaman niyang ito’y hindi lamang munting gasgas kayat
kagyat naglaho ang kaniyang kapangyarihan. Nagtagpo ang mata nila ni
Sundiata. Siya’y nangatal na tila dinapuan ng matinding lagnat, napatingala
ang nauupos na si Soumaoro sa langit. Isang malaking ibon ang paikot-ikot
na lumilipad at kaniyang napagtanto. Ito ay ang ibon ng kasawian.

“Ang ibon ng Krina,” ang kaniyang naungol.

Ang Hari ng Sosso’y sumigaw nang ubod lakas. Napalingon ang


kaniyang kabayo at siya’y tumalilis. Nakita ng mga Sosso ang kanilang hari,
siya’y kanilang pinarisan, lumiko ang mga Sossong sofas at mabilis ding
tumakas. Ang kamatayan ay mamamasdan sa paligid, nagkalat ang mga

95
Modyul 3, Baitang
10

duguan at naghihingalo. Sino ang makapagsasabi kung ilang Sosso ang


nasawi sa Krina? Ang pagtakas ay naisakatuparan at hinabol ni Sundiata si
Soumaoro.

Hindi nagtagumpay sina Sundiata’t Fakoli na tugisin si Soumaoro


datapuwat napasakamay nila si Sosso Balla, ang anak ng haring umalpas
patungo sa yungib at naglahong parang bula. Pumunta si Sundiata sa
kalapit na nayon, Koulikoro, dito niya hinintay ang kanilang hukbo.

Ang panalo sa Krina’y nakasisilaw. Ang mga Sossong sofas ay


umuwi’t nagtago, ang Imperiyong Sosso ay natalo. Lahat ng mga hari sa
kapuluan ay nagpasailalim sa kapangyarihan ni Sundiata. Ang Hari ng
Guidimakhan ay nagpadala ng mamamahaling muwebles kay Sundiata at
ipinagkasundo ang kaniyang anak na babae sa nagwaging binata. Natipon
ang mga sugo sa Koulikoro subalit nang nakumpleto ang hukbo ni Sundiata
sila’y nagmartsa sa direksiyon ng Sosso na lungsod ni Soumaoro. Itong
Sosso ay lungsod ng mga dalubhasang panday sa paghawak ng sibat.

Sa pagkawala nina Soumaoro at Sosso Balla, si Noumounkeba, ang


puno ng tribo ang tumayong lider upang depensahan ang lungsod. Daglian
niyang tinipon ang lahat maging ang mga kalapit na kabukiran upang
makapaghanda.

Ang Sosso ay maringal na lungsod. Ang makaikatlong tulis ng tore


nito’y halos umabot sa langit. Ang lungsod ay binubuo ng walumgpu’t
walong muog at ang palasyo ni Soumaoro’y maaaninag sa itaas ng lungsod
tulad ng isang malaking tore. Ang Sosso ay mayroon lamang isang
pasukan; gahiganteng gawa sa bakal na ginawa ng mga anak ng apoy.
Umasa si Noumounkeba na magapi si Sundiata sa labas ng Sosso
sapagkat ang kanilang pagkain ay husto lamang para sa isang taon.

Papalubog na ang araw nang marating nina Sundiata ang Sosso. Sa


tuktok ng burol, minalas nina Sundiata at ng kaniyang heneral ang
kinatatakutang lungsod ng mapandigmang hari. Ang hukbo niya’y
nagkampo sa kapatagan na kabilang ibayo ng malaking tarangkahan ng
Sosso. Napagpasiyahan ni Sundiata na sakupin ang bayan sa loob nang
maghapon. Binusog niya nang labis ang mga sofas na katoto habang
walang humpay ang pagtambol ng mga tam-tam upang ipaalala’t pukawin
ang pagtatagumpay sa Krina.
Sa pamimitik ng araw, ang tore’y nagkulay itim sa pagkakahanay ng
mga sofas. Ang iba ay nakaposisyon sa mga muog, sila ang mga
mamamana, ang mga Mandingo na bihasa sa sining ng pagkubkob ng
bayan. Sa harap ni Sundiata nakapuwesto naman ang mga sofas ng Mali.
Samantalang ang mga may bitbit ng hagdan ay nasa ikalawang linya na
nakakubli sa mga kalasag ng mga maninibat. Ang pinakapunong

96
Modyul 3, Baitang
10

katawan ng hukbo ang siyang aatake sa pasukan ng lungsod. Nang handa


na ang lahat, inihudyat ni Sundiata ang paglusob. Ang mga tambol at
tambuli’y sabay-sabay na pinatunog, katulad ng kati unti-unting umusad ang
mga Mandingong nasa harapan na ginigiya ng mga makapangyarihang
sigaw. Nakatakip ang mga kalasag sa ulo, marahan silang sumulong sa
paanan ng pader, at nagsimulang maghulog ng malalaking bato ang mga
Sosso sa mga kaaway. Gumanti ang mga Wagadou na nasa dulong hanay,
sila’y nagbuhos ng sunod-sunod na palaso. Si Sundiata ay may itinatagong
kawal na pinakamagaling, sila ang mga mamamana ng Hari ng Bobos na
kaagad na ipinadala bago pa man naganap ang sa Krina, ang
pinakadalubhasa sa pamamaraan. Pinaulanan ng nagniningas na mga
palaso ang kuta ng mga Sosso. Nagliyab ang mga kabayanan. Naitayo ng
mga Mandingo ang mga hagdan at umakyat sa tuktok ng pader. Sinaklot ng
sindak ang mga Sosso nang makitang nasusunog ang kanilang bayan,
sila’y natigilan. Bumagsak ang bakal na pasukan sa palad ng mga panday
ni Fakoli sapagkat sila ang maestro nito. Napasok nila ang lungsod, ang
hiyawan ng mga bata’t kababaihan ay nagbunsod ng pagkalito sa mga
Sosso kayat nabuksan ang pasukan, ang pangunahing pangkat ng hukbo ni
Sundiata ay tuluyang nakapasok.

Pagkatapos ay nagsimula ang nakahihindik na patayan. Ang


kababaihan at kabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo.
Napadpad sina Sundiata at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng
kamangha-manghang palasyo ni Soumaoro. Kahit natitiyak ni
Noumounkeba na siya ay talunan, pangahas na itinaas niya ang espada at
akmang uundayan si Sundiata, ngunit siya’y nalansi ng huli, nadakma’t
malupit na pinihit ang kaniyang bisig, marahas na inginudngod sa sahig
hanggang mailaglag niya ang espada. Hindi pinatay ni Sundiata si
Noumounkeba bagkus ay inilagak sa kamay ni Manding Bory.

Sa wakas, nasa pagpapala na ni Djata ang reyno ni


Soumaoro.Habang saanmang dako ng Sosso’y mauulinig ang
pagbabangayan ng magkakanayon. Pinangunahan ni Balla Fasséké
kasunod ni Sundiata ang pagpasok sa tore ni Soumaoro. Alam ng griot ang
pasikot-sikot at kasulok-sulukan ng palasyo mula sa kaniyang alaala nang
siya’y mabihag, itinuro niya kay Djata ang maharlikang silid-tulugan.

Nang buksan ni Balla Fasséké ang pinto ng silid, natuklasan nilang


naiba ang anyo nito buhat nang matamaan ng mortal na palaso ang
nagmamay-ari ng silid na nawalan ng kapangyarihan. Ang ahas sa
babasaging pitsel ay naghihingalo, ang mga kuwagong nasa dapuan ay
kalunos-lunos na pumapagaspas padausdos sa sahig. Lahat ay nag-
aagaw-buhay sa adobe ng salamangkero, lahat ng nakakabit sa
kapangyarihan ni Soumaoro. Sinamsam ni Sundiata ang mga anting-anting
ni Soumaoro at marahas na tinipon ang lahat ng asawa’t mga prinsesa ng

97
Modyul 3, Baitang
10

kaharian. Itinali ang mga bilanggo’t sama-samang pinastol. At ayon sa


kagustuhan ni Sundiata, napasakaniya ang Sosso nang araw na iyon. Nang
makalabas ang lahat, inatas ni Djata ang ganap na paggunaw sa Sosso.
Sinunog ang mga kabahayan, walang itinira at ginamit ang mga preso sa
pagtibag ng mga pader. Samakatuwid, ang balak ni Sundiatang wasakin
ang pundasyon ng Sosso ay maningning na naisagawa.

Tama, ang Sosso ay naging alikabok at humalo sa lupa, ang matayog


na lungsod ni Soumaoro na dating niyuyukuran ng mga hari. Ito ay naging
nangungulilang parang, ang Sosso ay tahanan ngayon ng mga naliligaw na
hayop.

Gumulong ang panahon, patuloy ang pagbagtas ng buwan sa


kalangitan. Sa kasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa
panaginip ng mga griot. Ang mga hayna ay nananaghoy sa pook sa
kailaliman ng gabi, ang mga usa’t liyebre naman ay naging silong ito sa
paghahanap ng pagkain, nasaan na ang haring nakadamit ng roba na gawa
sa balat ng tao?

Tanging si Sundiata, anak ng magsasaka, ang naghandog ng


kapanglawan sa pook. Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro,
ang mundo’y walang ibang kinilalang panginoon kundi si… Sundiata.

GAWAIN 4. Magkapangkat na Salita


Ihanay sa dalawang pangkat ang mga salitang magkakaugnay at tukuyin
ang lohika ng isinagawang pagpapangkat. Gamitin ang grapikong
representasiyon at gawin ito sa sagutang papel.
PANGKAT 1

salamangkero
mangangaso
panday LOHIKA NG PAGPAPANGKAT:
mahiwaga
anting-anting
kawal
manghuhula PANGKAT 2
kapangyarihan
mamamana
mananalaysay LOHIKA NG PAGPAPANGKAT:

GAWAIN 5. Gabay na Tanong


Sagutin ang mga tanong sa isang sagutang papel.

98
Modyul 3, Baitang
10

1. Ano-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga?


2. Mayroon bang suliranin o mga suliraning nangibabaw sa epiko? Isa-
isahin ang mga ito.
3. May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan?
Pangatuwiranan.
4. Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng
Africa? Bakit?
5. Pumili ng bahaging naibigan sa akdang binasa. Ipaliwanag ito.
6. Kaninong tauhan sa epiko maihahambing ang sarili? Ipaliwanag.
7. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit?
8. Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang
pagtatagumpay sa hinaharap?

GAWAIN 6. Mahalagang Perspektibo


A. Ibigay ang hinihingi sa grapikong representasiyon. Sagutin ito sa
sagutang papel.
Isa-isahin ang mga pahayag sa akda na may kaugnayan sa
sumusunod:

Lugar Kondisyon ng Kasaysayan ng Akda


Panahon

Kahalagahang Binigyang-Diin sa Akda

Pansarili Panlipunan Pandaigdig

B. Pumili ng kapareha. Gawin ang gawain sa sagutang papel. Gamitin ang


Analyzing Perspective Organizer.

Tanong: Masasabi mo bang ang pangunahing-tauhan ng epikong


tinalakay ay isang bayani ng kasaysayan ng Africa?

Sariling Perspektibo:
Dahilan:
Pespektibo ng Iba:
Dahilan:
Kongklusyon:

99
Modyul 3, Baitang
10

GAWAIN 7. Ipost ang Puna


Sa nilikhang grupo ng guro sa Facebook site, isulat ang puna sa
napanood na teaser o trailer na may kaugnayan sa akdang binasa.

Sa ilang pahayag ng epikong pinag-aralan ay gumamit ng mga


ekspresiyon upang maipahayag ang layon o damdamin ng nagsasalita.
Ang susunod na tekstong susuriin ay naglalaman din ng mga ekspresiyon
sa pagpapahayag ng layon o damdamin nang mapagtanto mo na
nakatutulong ang mga ito sa pakikipagtalastasan.Basahin at unawain ang
daloy ng pagtatalo.

Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio?


ni Maricel T. Nucup

Ang argumentong ito ay naging pangkaraniwan na. Ito’y matagal nang


isyu na paulit-ulit nang tinitimbang: sino nga ba ang dakilang bayani ng
Pilipinas si Jose Rizal o Andres Bonifacio? Pareho silang may
prinsipyo at hangarin- ang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at
kamtin ang kalayaan ng Inang- bayan. Kanino ka papanig?

Maka-Bonifacio: Kung ako ikaw kaibigan, papanigan ko si Bonifacio


sapagkat lumaban siya at nagbuwis ng dugo. Kung
babasahin natin ang kuwento ng “Sigaw ng Pugad
Lawin,” makikita mo ang kaniyang katapangan, handa
talaga siyang ibuwis ang buhay alang-alang sa bayan.

Maka-Rizal: Subalit kaibigan tila ika’y nagkakamali. Hindi tamang


sabihin na tapang lamang ang puhunan sa pagiging
bayani. Si Rizal ay gumamit ng tapang at katalinuhan. Ito
ang naghuhumiyaw sa kaniyang mga hindi mabilang na
akdang isinulat. Kailangan ko pa bang isa-isahin ang
kaniyang obra? Kaya, higit na mabuting sang-ayunan mo
na ang aking paniniwala.

Maka-Bonifacio: Maghinay-hinay ka, ika’y mapapahamak sa matalim


mong pananalita. Si Rizal ay puro salita lamang at
kulang sa gawa. Inaanyayahan kitang mataman akong
pakinggan. Si Bonifacio ay sumulat din naman ng mga
akdang pumukaw sa puso ng kapwa katulad ng “Pag-
ibig sa Tinubuang Lupa.” Kayat masasabi kong

100
Modyul 3, Baitang
10

nagtataglay siya ng talino sa kabila ng kakulangan ng


pormal na edukasyon. Mas karapat-dapat tanghaling
bayani si Bonifacio dahil sa maalab siyang napanday
ng karalitaan.

Maka-Rizal: Huwag kang masyadong magtiwala, baka ika’y mahulog


sa balong malalim. Bagamat si Dr. Jose Rizal ay lumaki
sa karangyaan, puspos pa rin ang kaniyang buhay ng
mga makabuluhang karanasan. Nasaksihan niya sa iba’t
ibang panig ng mundo ang bunga ng karahasan kayat
ayaw niyang maganap din ito sa sariling bayan at pinili
niyang daanin sa mainahong paraan ang pagharap sa
suliranin ng bayan. Ito ang itaga mo sa bato, kailanman
hindi siya mapapalitan bilang dakilang bayani.

Ipinunto ng isang panig ang paglabang walang dugo at ang kabila’y


paglabang madugo, gayundin ang epekto ng pagiging maralita at may
kaya sa paghubog ng pagkatao ng isang bayani. Kayo na ang
humusga kung sino ang tunay na bayani sa isip, sa salita at gawa: Si
Rizal ba o si Bonifacio?

Sagutin mo ang kasunod na gawain upang mapatunayan na nauunawaan mo


ang usapan sa text box.

GAWAIN 8. Pinagdugtong na Kaalaman


Sa sagutang papel, kompletuhin ang Making The Connection
Organizer.

Anong uri ng Ipinahahayag ng Ipinaalala ng teksto na…


teksto ang teksto ang tungkol (Kaugnayan sa Epikong
binasa? sa… Binasa)

Alam mo ba na…
iba’t ibang ekspresiyon ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng layon o
Pagsasanib
damdamin?ng Gramatika at Retorika
Sa pag-aaral ng kaalamang nakapaloob sa bahaging ito ng Modyul,
masasagot mo ang mga
1. Ginagamit tanong na nakatutulong
initiman ba mga
sa kasunod na ang pangungusap
paggamit ng sa
mga
ekspresiyon sa atpagpapahayag
pagpapayo /o pagmumungkahi. ng iba’t ibang damdamin o layon ng
 Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.
pakikipagtalastasan?
 Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?
 Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.
 Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
 Higit na mabuting ito ang unahin
101 mo.
 Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga
hindi natutunaw na basura.
Modyul 3, Baitang
10

2. Ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap ay ginagamit sa pag-


aanyaya o pag-iimbita/ panghihikayat.
 Halika, tingnan mo ito’t napakarikit.
 Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan?
 Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?
 Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay.
3. Ang mga salita/pariralang initiman sa kasunod na mga pangungusap ay
ginagamit sa pagbababala na maaaring may kasamang pananakot (mahalaga
ang intonasyon sa pahayag) at/o pag-aalala (may kasamang inilalarawang
sitwasyon).
Babalang may kasamang pananakot
 Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!
 Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan!
Babalang may kasamang pag-aalala
 Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.
 Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak.
4. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa panunumpa
at/o pangangako.
 Pangako, hindi kita iiwan.
 Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali.
 Itaga mo sa bato, ang aking winika ang katotohanan.
 Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat.
5. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa pagsang-
ayon at pagsalungat .
 Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.
 Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning ating
kinaharap.
 Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala .
 Walang pakinabang na maidudulot iyan.
 Ikinalulungkot ko ngunit di iyan magbubunga ng positibo.

Ang mga ekpresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng layon o damdamin ay


maaaring pangkatin sa sumusunod:
Salita/Parirala Matatalinghagang Pang- Patanong/
Pananalita ugnay Tanong
kung ako ikaw itaga mo sa bato mas ano kaya
pangako tamaan man ako wala Puwede ka ba
sumpa man ng kidlat mali
pangako pupulutin sa tama
lagot ka kangkungan siguro
ganyan ang aking palagay higit/na
inaanyayahan ngunit
mag-ingat kayo 102
tingnan ang tinatahak
lagot ka
Modyul 3, Baitang
10

Pagsasanay 1: Piliin sa teksto at epikong tinalakay ang mga pangungusap


na ginamitan ng iba’t ibang ekspresiyon at ilagay ito sa wastong kahon batay
sa layon o damdaming inihahahayag. Gamitin ang pormat sa ibaba at gawin
sa sagutang papel.

Pag-aanyaya Pagbababala Panunumpa Pagpapayo at /o Pagsang-


o Pag-iimbita (Pananakot/ at/o Pagmumungkahi ayon at
Paghihikayat Pag-aalala) Pangangako Pagsalung
at

Pagsasanay 2: Sa sagutang papel, ilahad ang iyong matuwid sa sumusunod


na isyu. Gamitan ito ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng layon o
damdamin ayon sa hinihingi dito.

1. Isyu: Kabutihan o Kasamaan ang tunay na kampeon?


Layon: Pang-aanyaya/Pag-iimbita/Panghihikayat
Matuwid: ____________________________________

2. Isyu: Kailangan muna bang mamatay bago kilalaning bayani?


Layon: Pagsalungat/Pagsang-ayon
Matuwid: ____________________________________

103
Modyul 3, Baitang
10

3. Isyu: Susi sa pagtatagumpay: Katalinuhan at Kalakasan?


Layon: Pagpapayo/Pagmumungkahi
Matuwid: ____________________________________

4. Isyu: Sino sa ina o ama ang malaki ang ambag sa pagkatao ng anak?
Layon: Pagbababala( Pananakot/Pag-aalala)
Matuwid: ____________________________________

5. Isyu: Nasa palad ba ng tao ang kaniyang pag-unlad?


Layon: Panunumpa/Pangangako
Matuwid: ____________________________________

Pagsasanay 3: Pumili ng kapareha at sumulat ng diyalogong


nagtatalo/nagdedebate na nilangkapan ng mga ekspresiyon sa
pagpapahayag ng layon o damdamin upang mabuo ang komik istrip na hindi
baba sa dalawang frame.

MODYUL 3.6 ILLUSTRATION 3

LAGYAN PO NG
DIALOGUE BOX ANG
ILLUSTRATION AT
KATULAD PO NITO.

MODYUL 3.6 ILLUSTRATION 3

Naisagawa mo na ang yugto ng pagkatuto, tumungo ka ngayon sa kasunod


na bahagi upang mapagtibay ang natutuhan.

Pagnilayan at Unawain
Sa bahaging ito, mahusay mong ilahad ang paglalahat sa mahahalagang
konseptong natutuhan. Balikan at sagutin ang mga pokus na tanong.
Gamitin ang E-chart sa pagsagot at ilagay sa sagutang papel.

Mahahalagang Konsepto sa Patunay


Panitikan
Mahahalagang Konsepto sa 104
Patunay
Gramatika/Retorika
Modyul 3, Baitang
10

Magaling! Subalit hindi pa rito natatapos ang pagsubok sa mga


kasanayang iyong natutuhan, narito pa ang isang pagsubok.

Ilipat
Ilapat lahat ng kasanayang natutuhan sa makabuluhang performance na
nasa
kahon tungkol sa pangunahing-tauhan ng epiko ng Africa na hinalaw sa
bayani ng kanilang kasaysayan at sa mga ekspresiyon sa pagpapahayag
ng layon o damdamin. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa
aralin, mainam na magtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga
naunang gawain sa pagkatuto. Bago mo isagawa ang performance,
pagbulayan mo muna ang mga impormasyong nasa kahon.

Alam mo ba na…

ang pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) ay isang sining ng gantihang


katuwiran o matuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig
tungkol sa isang kontrobersiyal na paksa? Isinasagawa ito
pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katuwiran at naaayon sa
itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay
nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita,
gayundin kung pasulat. Mayroon itong dalawang uri, ang pormal na
pagtatalo na kung saan ang paksa sa uring ito ay masining na pinag-
uusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay may takdang panahon,
araw at oras kung kailan gaganapin. Kailangan dito ang paghahanda.
Mayroon itong tatlong hakbang: (1)Pangangalap ng datos; (2)
Paggawa ng dagli o balangkas(3) Pagpapatunay ng katuwiran. Sa
pagtutuligsa naman ay tukuyin ang sumusunod: (1) maling katuwiran,
(2) mga pahayag na walang batayan, (3) kahinaan ng katibayan, at (4)
mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan. May tatlong uri
ng pormal na pagtatalo- ang Debateng Oxford, Debateng Oregon at
Debateng Oxford-Oregon. Samantalang ang di-pormal na
pagtatalo ay hindi maayos na pagpapalitang-kuro at palagay matapos
ihayag ng tagapangulo ang paksang pagtatalunan.

Narito ang pagganap/performance na iyong isasakatuparan at kasunod ang


pamantayan kung paano ito tatayahin.

Nalalapit na ang pambansang halalan at isang programa sa


telebisyon ang nag-anyaya ng mga political analyst upang maging kalahok
sa masinsinang pagtatalo tungkol sa karapat-dapat iluklok na pangulo sa
pagitan nina Gilgamesh at Sundiata. Sila’y ipinangkat batay sa
kandidatong kanilang napipisil. Ito’y pihadong tututukan ng sambayanan
kayat marapat na ipakita ang kagalingang nakabatay sa mahusay na
105 pangangatuwiran at pagtuligsa at
paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan,
talas ng isip maging ng pagpapahayag.
Modyul 3, Baitang
10

Pamantayan Bahagdan
Paglalatag at Pag-aanalisa ng 40%
Katibayan
Pangatngatuwiran at Panunuligsa 40%
Pagpapahayag 20%
Kabuuan 100%
Binabati kita! Ang pagpupunyagi upang matuto ay labis na kahanga-hanga.
Tuklasin mo naman ngayon ang susunod na aralin ng modyul.

Aralin 3.7

A. Panitikan: Paglisan (Buod)


Nobela- Nigeria
ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera

B. Gramatika/Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag

C. Uri ng Teksto : Naglalahad

Panimula
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa
panitikan. Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa
Nigeria ang nasusulat sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa
sa Kanluran.

Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan


ng mga mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay,
kultura,tradisyon, suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at
kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din ang
nakatulong upang maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon
ng makabagong talakay sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng
pamumuhay ng mga taga-Nigeria. Sinasabing ang kakaunting mga akda na
nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria ay mas tumatalakay sa kung ano
ang nakaraan, lumipas o naglaho na.
106
Modyul 3, Baitang
10

Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria.


Gayunpaman, ang tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng
drama at tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng
pagkakakilanlan pagdating sa panitikan.

Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart,


ipinakita sa atin ang kumplikadong mga batas at gawi ng angkang
pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan.
Halimbawa nito ay ang pagsasalo o pag-aalok ng lambanog at kola nuts na
binabanggit sa kabuuan ng nobela ang isang paraan ng mga Igbo ng
mapayapang pakikiharap sa sino mang tatanggaping bisita sa tahanan o sino
mang taong pakikiharapan. Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na
paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa kung ano man ang pakay o layon ng
paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwa-tao ng mapayapa para sa
mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiram ng pera at sisingilin na,
mahusay namang hinaharap ng mga Igbo ang nasabing
maniningil.Bumabanggit sila ng mga sawikain na angkop sa nais nilang
ipabatid na mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila
makababayad agad,sasambitin ang mga kasabihang maaaring
makapagpabago ng isip ng maniningil upang ipagpaliban muna ang
paniningil. Malinaw na sinasabi ng mga kultura at nakagisnang tradisyon ng
mga Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap ng ganitong suliranin.
Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua Achebe ang kapayapaan ng mga Igbo
bagamat sila sa maraming pagkakataon ay may kumplikadong tradisyon at
nakagisnang mga gawi. Ginawa ni Achebe ito sa nobela upang maipabatid
na hindi barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala sa kanila ng mga
Europeo.

Ang Aralin 3.7 ay naglalaman ng buod ng nobelang “Paglisan ”mula


sa Nigeria na isinulat ni Chinua Achebe at isinalin sa Filipino ni Julieta U.
Rivera. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng
pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa
tulong ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang
pagsusuri ng halaw ng isang nobela. Inaasahan din na makapagtatanghal
ka ng isang puppet show na nagpapakita mga kulturang nananatili pa sa
inyong lugar.

Tuklasin

GAWAIN 1. Scrambled Letter, Gawing Better

107
Modyul 3, Baitang
10

Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang sinisimbolo ng
mga bagay na tanyag sa bansang Africa. Ang unang letra ay ibinigay
na.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 1 MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 3


1. 4.

KMOUINAKYSNO EPSRIUT

2. MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 2 5. MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 4

P G A L L I I W N G AA TAR D I S OYN

MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 5


3.

I N G N N- BYANA

GAWAIN 2. Kahulugan ng Salita, Ilantad Na!


Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat . Isulat sa iyong sagutang
papel ang sagot.

Katapangan

GAWAIN 3. Pang-angkop, Iangkop


Lagyan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang mula sa datin
kaalaman o iskema.

Masaya__nag-aagahan ang pamilya__ Rivera isang malamig __ umaga.


Nagluto ng ginisa__kangkong ang kanila__ kasambahay. Nilagyan ito ng
kaunti__ toyo upang magsilbing pampalasa sa ulam. Naging tampok ng
kanila__ kuwentuhan ang nagdaan_ gabi. Sari-sari__ katatawanan ang
naganap bago sila natulog. Nagbiruan. Nagtawanan at nauwi sa
kaseryosohan ang usapan. Dahil sa nakalilibang na gabi, kinain ng pusa ang
tira__ ulam sa mesa. Dapat sana ito ay kanila__ umagahan pa. Kaya naman

108
Modyul 3, Baitang
10

nauwi sa ginisa__kangkong ang kanila__umagahan.Sa kabila nito, batid nila


ang sustansiya__dulot ng ginisa__kangkong.

GAWAIN 4.Hula-ooppss!

http://cdn.yardhype.com/wp-content/uploads/2012/11/Puppet-Dancing-in-South-Africa-yardhype.jpg
http://t1.gstatic.com/images?
q=tbn:ANd9GcSFqFdJx3RiKgKAfswPStnpcupqbc2P1DoVCGeFwdxzmvCjT6SEx7oLkTU
https://pbs.twimg.com/profile_images/1533556762/arn.JPG

Gamit sa teatro at telebisyon


artistiko at produktibong solusyon
sa komersyo’y mainam na produksyon
sa kalusugan bawas alta presyon
sa mga bata ay isang atraksyon
karilyo ito noong unang panahon
ano ito sa ating panahon?
Sagot:__________

Linangin
Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng nobelang mula sa Nigeria.
Kasunod ang ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong
maunawaan ang akda upang sa gayo’y maipamalas mo ang iyong
pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura ng bansang Africa lalo na sa
Nigeria. Cowrie- Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng
mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang
panrelihiyon.

Ekwe-Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na


yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang
uri at disenyo.

Egwugwu- Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng


mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na
isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang
pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.

Ogene- Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa


Nigeria.

109 sa Timog-Silangang Nigeria.


Igbo- Katutubong tao mula
Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal.
Modyul 3, Baitang
10

Alam mo ba na …

ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito


ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa
kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod:

1. Tagpuan - Lugar at panahon ng mga pinangyarihan

2. Tauhan - Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela

3. Banghay - Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela

4. Pananaw - Panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag


kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay
nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng
may-akda

5. Tema - Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela

6. Damdamin - Nagbibigay kulay sa mga pangyayari


Paglisan ( Buod)
7. Pamamaraan - Istilo ng manunulat

8. Pananalita - Diyalogong ginagamit sa nobela

9. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,


bagay at pangyayarihan

110
Modyul 3, Baitang
10

Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng


mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.

Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang


labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni
Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon,
ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang
laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang
tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang
amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran.Sa halip, puro kahihiyan ang
iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang
sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang
naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo.Kaya pinatunayan
niyang naiiba siya sa kaniyang ama.Para patunayan ang kaniyang kakayahan
sa pamumuno,pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay
nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-
arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging
matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil
dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.

Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga


kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon
pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng
Umuofian.Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.Naging magiliw at
magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang
pangalawang magulang.

Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang


taga-Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na
huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa
isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang
turing ni Ikemefuna sa iyo”, wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil
dito , gumawa ng paraan si Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si
Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang
kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga
kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata.
Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga

111
Modyul 3, Baitang
10

katribo si Okonkwo kung kaya’t upang mapanatili ang ipinakitang katapangan,


tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring
na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi
Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at
gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay
Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin
makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang
depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang
kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo
siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at
nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon
si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga
halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.

Lumipas ang panahon, Nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi


Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling
makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa
pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na
tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng
baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.
Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang
pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na
anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang
nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking
pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri.
Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang
kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina
dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo,
at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong
pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga
kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina
Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram
ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at
mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at
muling magbalik sa kung saan siya nagmula.

Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa


mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim
ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan
kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na
si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid
ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo.
Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.

112
Modyul 3, Baitang
10

Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong


ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga
misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga
diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa
simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong
ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga
misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon.
Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi
ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith,
isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-
Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa
Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu,
katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng
Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.

Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa


kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno
ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga
Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita at pang-
aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.

Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo,agad silang nagpulong at


napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan
na maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng
mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao
na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na
hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.

Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang


imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang
niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina
Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang
nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang
malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging
matapang at malakas. “ Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon,
dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang
inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.

GAWAIN 4. Isipin, Masinsing Limiin Bago Piliin


Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan ng salita.
Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.

113
Modyul 3, Baitang
10

dekorasyon
abubot

1. palamuti
isinangguni
ipinaalam
2. ipinabatid-

nalampasan
napagtagu
3. napagwagihan mpayan

nagpapusod
4. magpatirintas nagpasalapid

kataka-taka
kagulat-
5. kagimbal-gimbal gulat

GAWAIN 5. Tradisyong Africa, Pahiwatig Ano Ba?


Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Isulat sa sagutang
papel ang sagot.

1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may


pag-uusapang mahalagang bagay.
2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating
ang mga maniningil ng utang.
3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng
giyera
4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.
5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay
naipatapon.

GAWAIN 6.. Fan-Fact Analyzer


Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa
binasang buod ng isang nobela mula sa Nigeria.

114
Modyul 3, Baitang
10

GAWAIN 7. Komprehensiyon at Reaksyon sa Leksyon

1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.


2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang
sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal- babae ng kalalakihan para kay
Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.
4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning
isang magiting na mandirigma? Bakit?
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang
paniniwala at paninindigan?
6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa
kaniyang pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan.
8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyong
bibigyang kulay? Bakit?

GAWAIN 8: Iskrip: Basahin at Suriin

Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni


Shaira Mella-Salvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang pormat
na kasunod, suriin ang bahagi ng iskrip.

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng
Suliranin
f. Mga ibinunga

115
Modyul 3, Baitang
10

V. Paksa o Tema
VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual effects
d. Set Design
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Adaptasyon mula sa nobelang A Little Princess.

Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang


iwanan ng kaniyang amang si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang
boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay ayaw
panatilihin si Sarah sa boarding house ng head mistress na si Miss Minchin
(Jean Garcia). Ipinagtatanggol siya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss
Amelia (Rio Locsin).

SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE. DAY.


Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll) Hustong nakalabas
na ng office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main
entrance. Sarah sees him.
SARAH : Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglakad.
Sarah runs after him.
Finally, when Mr. Barowe nears the school entrance, he turns around to look
at her. Show the surprise and the disappointment on Sarah’s face. Mr Brown
shakes his head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss
Amelia is depressed about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan
natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr.
Barrow…walang ibang kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang
ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak
mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?

116
Modyul 3, Baitang
10

MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit


namatay ang ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of
Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying
softly. Miss Amelia sees her.
MISS MINCHIN: Sarah…
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks
away, clutching Emily close to her.

GAWAIN 9: Sagutin ang Gabay na Tanong

1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula?

2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito
isapelikula?

3. Ano-ano ang mga dapat lamanin ng isang iskrip?

GAWAIN 10: Panoorin Prinsesa sa Pelikula ( P-P-P)

Panoorin ang sinuring iskrip. Bigyang-pansin ang pagkakaiba ng nakasaad sa


iskrip at sa pelikula

GAWAIN 11: Pagsasanib ng Gramatika/ Retorika

Alam mo ba na....

Sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga


bagay tayong dapat bigyan ng pansin. Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang
aklat na Trip To Quiapo Scriptwriting Manual Una, kailangang maging
malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang
major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng
gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya.
Kailangang masagot ang anumang mga tanong tungkol dito. Kailangang
ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos na
paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang- tuon hindi lamang ang
pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo.
Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga
diyalogong ito.

117
Modyul 3, Baitang
10

Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng


pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais na bigyan ng pansin.
Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa iskrip at o sa
pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga
naging kahinaan ng iskrip at o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat
na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma,
maipaliliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1)
pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng
mas tiyak, detalyado at higit na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na
sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay. pagtutulad at pag-
iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong nang malaki
ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang
pagpapaliwanag? Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na
ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng
salita. Ang pang-angkop na na, ng, g. Ginagamit ang na kapag ang
salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang g naman ay
ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman ang ng
sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig.Maliban dito, ang
mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag,kung at iba pa
ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag.

Pagsasanay 1:Gamit ang 3R’s, Read, React, Reenact, isagawa ang tungkol
sa mga sumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng “Ang Munting
Prinsesa.”

1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah

Read
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
Hindi ko na problema iyon… Alam mo namang nakasangla sa banko
ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr.
Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung
bakit namatay ang ama ni Sarah???

React________________________________________________

Reenact______________________________________________

118
Modyul 3, Baitang
10

2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah

3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama

4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia

Pagsasanay 2: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang


mabuo ang talata.

Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-


giliw ________ tradisyon ng mga taga-Africa. ________ sa simula ay
negatibo ang ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa
kabuuan ng nobela, siya ang protagonista. ________ susuriing mabuti,
kapansin-pansin ang isa pang kultura na mababanaag sa mga taga-Umuofia.
Akala ng mga Kanluranin, ang mga taga-Africa ay likas na tahimik ________
malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng
Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno ng talinhaga
________ may masining na paraan ng pamamahayag. Kapansin-pansin din
ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa
kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya sa
kabila ng imahe ng katapangan na siya niyang ipinamumukha sa kaniyang
mga katribo.

Pagsasanay 3: Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa bansang Africa o


Persia. Gumamit ng mga pang-ugnay. Guhitan ang lahat ng pang-ugnay na
iyong ginamit.

Pagnilayan at Unawain

1. Gamit ang Venn Diagram, ano-anong mga kultura at tradisyon ng mga


taga-Africa ang may pagkakatulad at pagkakaiba sa Pilipinas.

2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa paggawa ng Iskrip


at gamit ng pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa pagbuo ng panunuring
pampelikula?

119
Modyul 3, Baitang
10

Ilipat
Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa pagsusuri sa mga
tradisyon ng mga taga-Africa gayundin sa husay mo sa pagsusuri ng
isang iskrip at gayundin ang panunuring pampelikula. Ngayon alam mo
na ang mga elementong dapat taglayin kapag ikaw ay magsasapelikula
ng ano mang binasa, alam kong mahusay mong magagawa ang
bahaging ito ng iyong modyul.

Nalalapit na ang pista sa inyong lugar at ikaw ay kilalang magaling na event


organizer. Nakiusap ang Kapitan ng inyong barangay na pamahalaan mo
ang pagkakaroon ng puppet show upang maitanghal ang kultura at
tradisyong namamayani pa sa inyong lugar na kinamulatan pa ng inyong mga
magulang.
Alam mo ba na.....
Ang puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay
mga puppet? Ang puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba't
ibang mga midya, kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang
iyong pagkamalikhain at kakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining
sa pamamagitan ng mga patapong bagay. May mga puppet na
pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppet na pang kamay o
hand puppet tulad ng medyas na puppet,puppet na supot at puppet na
bag at stick puppets.Ang stick puppet ang pinakapayak sa lahat ng uri
nito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick. Ang
medyas na mga puppet ay simple rin. Isusuot lamang ng bata ang
medyas sa kanyang kamay at pagagalawin niya ito sa pamamagitan ng
mga daliri habang nagsasalita kasama ang hinlalaki para magmukhang
bibig ng puppet. Maaaring lagyan ng tali, butones at kapirasong damit
para magmukhang mukha ng tao.
Pagkatapos makalikha ay maari nang magtanghal ng isang puppet.Ang
mesa na nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang
nakatago sa likod nito ang nagtatanghal (puppeteers)

Narito ang ilang halimbawa ng paggawa ng puppet:

Puppet na Supot

Pamamaraan:

1. Kumuha ng isang supot na papel.


2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid
at idikit sa dakong ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan 120
sa lupi ng supot.
Modyul 3, Baitang
10

6. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig


at lupi ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi.
Huwag gugupitin ang supot.

7. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang


mag-anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na
dila.

8. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang


idinikit. Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa
ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang
"puppet" habang ikaw ay nagkukuwento.

Puppet na Medyas

1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.

2. Gumupit ng tela o retasong hugis biluhaba na kulay dalandan,


pula o rosas at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas.

3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo


ng dakong talampakan ngmedyas at ang hinlalaki ay nasa dulo
ng dakong ibabaw ng medyas upang malaman kung saang dako
mo ilalagay ang mga mata at ilong.

4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng


mga butones, abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo
ring iburda ang mga mata at ilong

5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang


magmukhang buhok o sombrero.

6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong


braso.

Puppet na Gumagalaw

1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o


sirang stockings na binalumbon at itinali sa mga hugpungan.

2. Lagyan ng mga mata, ilong at bibig sa pamamagitan ng mga


butones at patapong mga bagay.
121
Modyul 3, Baitang
10

3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.

4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng


damit.

5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais


pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat.
Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa
patpat.

6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung


saan pang bahagi ng katawan maaari itong talian.

Tatayain ang iyong pagganap batay sa sumusunod na


pamantayan:

Pagbuo ng Iskrip 30 puntos

Pagganap 25 puntos

Aspetong Teknikal 25 puntos

Kaangkupan ng paksa 20 puntos

Kabuuan 100 puntos

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo
upang maipamalas mo ang iyong galing. Ngayon nama’y simulan mo na ang
pangwakas na gawain.

122
Modyul 3, Baitang
10

PAGNILAYAN AT UNAWAIN (Para sa Modyul 3)

Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao isa sa mga bumubulaga sa atin ay


ang mga makatawag-pansing patalatas. Nariyan ang nababasa natin ito sa
mga pahayagan, magasin, tarpaulin, billboard at polyeto, marinig sa radyo at
mapanood sa telebisiyon at internet/online sites.

Ang patalastas o anunsiyo ay isang mabisang instrumento ng


komunikasiyon na nanghihimok sa mga manonood, tagapakinig at
mambabasa na patuloy na kumilos o gumawa. Nakatutulong din ito sa
pagpapalaganap ng mahalagang impormasiyon at nakaiimpluwensiya sa mga
mamimili na tangkilikin ang produktong iniaalok. Ang mga Egyptian ang
nagpasimula nito sa pamamagitan ng paglalathala ng mga paskil o karatula
sa mga bato o haligi gamit ang papyrus at ang katibayan nito’y matatagpuan
sa Pompeii at matandang Arabia. Samantalang isang karaniwang anyo ng
patalastas ang pagpipipinta sa mga tabike o bato sa Asia, Africa at South
America hanggang sa ito’y lumaganap at sumikat kasabay ng
modernisasiyon. Tunay na hindi mapasusubalian ang ambag ng patalastas o
anunsiyo sa ekonomiya.

Kaya naman isa sa popular na komposisiyon ang malikhaing paglikha


ng patalastas. Anupa’t ang mga mag-aaral ay sinasanay sa pagbuo at
pagdidisenyo nito upang higit na mahasa ang kanilang kasanayan sa
pakikipagtalatasan.

Ngayon, ikaw naman ang magtatanghal ng natatanging pagganap na


bunga ng mahahalagang kasanayang nalinang sa iyo. Lilikha ka ng isang
palatalastas pantelebisyon na nagpapakita ng kagandahan ng kultura ng
alinmang bansa sa Africa at Persia batay sa mga binasang akdang
pampanitikan. Tatayahin ang iyong pagganap ayon sa sumusunod na
pamantayan: kasiningan, kaangkupan, kawastuhan at kawilihan. Ngunit bago
mo gawin ang inaasahang pagganap maingat mo munang sagutin ang mga
gawain sa yugtong ito.

123
Modyul 3, Baitang
10

GAWAIN 1. Katibayan ng Kaalaman


Gumawa ng paglalahat/sintesis sa kabuuan ng Modyul sa tulong ng
organizer. Gawin ito sa sagutang papel.

GAWAIN 2. Natatandaan Ko
Sa pamamagitan ng text connection organizer, sagutin ang mga tanong.

Aralin Ano ang aking nabasa? Ano ang aking natutuhan?

Aralin 3.1

Aralin 3.2

Aralin 3.3

Aralin 3.4

Aralin 3.5

Aralin 3.6

Aralin 3.7

124
Modyul 3, Baitang
10

GAWAIN 3. Kayang-kaya Mo
Sagutin ang sumusunod na tanong sa sagutang papel.
1. Bakit kailangang pag-aralan ang mga saling-panitikan ng Africa at
Persia?
2. Nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa Africa at Persia matapos
mabasa ang mga saling akda mula sa mga bansa nito? Bakit?
3. Masasabi mo bang may pagkakatulad ang kultura ng mga bansang
pinagmulan ng mga saling akdang pampanitikang pinag-aralan sa
kultura ng Pilipinas? Pangatuwiranan.
4. Isulat ang sagot sa mga tanong sa sagutang papel. Gamitin ang pormat
ng graffiti wall organizer.

Paano naiiba ang mga akdang Paano nakatutulong ang mga


pampanitikan buhat sa Africa at Persia kaalaman sa gramatika/ retorika sa
sa iba pang akda mula sa ibang panig pagpapalawak ng iyong kaalaman sa
ng mundo?
kultura ng iba’t ibang bayan ng Africa
at Pesia?

Sapagkat ganap nang natimo sa iyong isip ang mga kansanayang


nakapaloob sa Aralin 3.1 hanggang Aralin 3.7, marahil handa ka nang
isagawa ang inaasahang produkto/pagganap para sa modyul. At upang
matiyak na magiging mahusay ito, makabubuting isaalang-alang mo ang
sumusunod na hakbang:

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda


ng Palatastas na Pantelebisyon

1. Ang patalastas na lilikhain ay dapat na orihinal. Kakaiba ang estilong


ginamit at mahusay ang bubuing mga linya.
2. Ito’y dapat na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansang
napili. Makatotohanan ang mga impormasiyong ilalangkap.

125
Modyul 3, Baitang
10

3. Tiyaking ang haba ng pagpapalabas nito ay tatagal lamang ng dalawa


hanggang tatlong minuto.
4. Maaari itong ihanda sa Movie Maker o Power Director.

ILIPAT (para sa Modyul 3)


Nakuha ng inyong adverstising agency ng isang malaking proyekto
mula sa isang internasyonal na kumpaniyang panturismo. Nagkasundo
kayong lumikha ng isang patalastas pantelebisyon na magtatampok sa
kagandahan ng alinmang bansa sa Africa at Persia na tatagal ng
dalawa hanggang tatlong minuto at ito’y ipalalabas sa iba’t ibang panig
ng mundo. Mahigpit na hiniling ng kumpaniya na tiyakin ninyong ang
patalastas ay makapanghihiyakat ng mga dayuhan na tumaas ang kita
ng turismo sa bansa gayundin marapat na ito’y maging a) masining, b)
kawiwili-wili, c) wasto ang pagkakasulat ng mga linya at d) totoo ang
impormasyong ilalahad.

Naririto ang mga pamantayan sa pagmamarka sa inaasahang pagganap.

Pamantayan Puntos
Kasiningan- orihinalidad at estilo ng pagsulat at 40 puntos
pagkakabuo
Kaangkupan- totoo/tunay ang ipinakitang 30 puntos
kagandahan ng kultura ng bansa
Kawastuhan- wasto at angkop na gamit ng 15 puntos
gramatika/retorika
Kawilihan- hikayat sa manonood/ nakaaaliw 15 puntos
KABUUAN 100 puntos

Binabati kita! Matagumpay mong naunawaan ang mga aralin at natutuhan


ang mga kasanayang nakapaloob sa Modyul 3. Tiyak na masasagutan mo
ang mga katanungan sa pangwakas na pagtataya. Matapos nito, pagtuunan
mo ang walang-kamatayang nobelang El Filibusterimo ni Dr. JoseRizal.

126

You might also like