You are on page 1of 23

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Nobela mula sa Nigeria

Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Nobela mula sa Nigeria
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Leslie Fernando
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Mary Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban,
Joanne M. Nuňez
Tagasuri ng Wika: Mary Ann C. Ligsay, PhD, Gerwin L. Cortez,
Bernadeth D. Magat
Tagsuri ng Disenyo
at Balangkas: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit at tagalapat: Leslie DC. Fernando
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan

Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telephone Number: (044)-486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka? Masaya akong nakarating ka sa panghuling modyul na ito


para sa ikatlong markahan, kung saan mababasa mo ang isa sa mga sikat na
nobela mula sa Nigeria.

Umaasa akong madaragdagan ang iyong kaalaman sa ating aralin.


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit
ang mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula (F10WG-IIIh-i-76);
2. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Afrika at/o Persia;
(F10EP-IIf-32)
3. nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
(F10PD-IIIh-i-79);
4. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/
teoryang pampanitikang angkop dito (F10PN-IIIh-i-81); at
5. natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Afrika at/o Persia batay
sa napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81).

Subukin

Bago natin talakayin ang aralin sa sesyong ito, halina’t sagutin ang
inilaan kong gawain sa bahaging ito.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa
hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Kinupkop ni Okonkwo si Ikemefuna, ang batang naging kabayaran sa


tribo ng Umuofia. ‘Di naglaon ay unti-unti siyang napamahal dito
gayon din ito sa kaniya at itinuring siyang pangalawang magulang.
Ang teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela
ay _______________.
A. Historical C. pormalismo
B. Humanism D. realismo

1
2. Ang ama ni Okonkwo ay isang mahina at talunang nilalang. Siya rin
ang dahilan kaya ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan
upang matakpan ang kahihiyang dulot niya sa kanilang pamilya. Ang
teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela ay
_______.
A. eksistensyalismo C. humanismo
B. historical D. marksismo

Para sa bilang 3-4


Panuto: Basahing mabuti ang ilang diyalogo mula sa iskrip ng pelikulang,
“Ang Munting Prinsesa” at sagutin ang mga kasunod na katanungan.

SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY

Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss
Amelia is depressed about Sarah’s situation.

MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang


tulungan natin siya, Ate.

MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo
bahay-ampunan, baka akala mo.

3. Ito ang katangiang ipinakita ni Miss Amelia sa binasang iskrip.


A. mabait C. matapang
B. mahinhin D. matulungin

4. Ito ang pag-uugaling masasalamin kay Miss Minchin.


A. mabait C. makasarili
B. mahinhin D. matapang

5. Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa


isang labanan si Amalinze, ang Pusa. ______ dito, kinilala ang
katapangan niya. Ang salitang bubuo sa pangungusap ay ______.
A. dahil C. sapagkat
B. ngunit D. upang

6. Malaki ang pagkakaiba ni Okonkwo sa kaniyang ama ______ siya ay


isang matapang at respetadong mandirigma. Ang salitang bubuo sa
pangungusap ay ______.
A. kapag C. sapagkat
B. kung D. upang

2
7. Sinaka ni Obierika ang lupain ni Okonkwo nang tumakas siya
papuntang Mbanta. Tinulungan niya ang kaniyang kaibigan nang
walang hinihintay na kapalit. Ang magandang katangian ni Obierika
na masasalamin sa mga Afrikano ay _________.
A. sadyang maawain sila
B. lubha silang masayahin
C. likas sa kanila ang pagiging masipag
D. ang kanilang pagiging matulungin sa kapwa

8. Sumasangguni ang mga taga-Umuofian sa matatandang ninuno sa


paggawa ng isang mahalagang pagpapasiya sa kanilang lugar. Ang
magandang katangiang masasalamin sa pangungusap ay __________.
A. ang matatanda lamang ang nagpapasiya sa Africa
B. ang pagmamahal ng mga Afrikano sa kanilang mga ninuno
C. ang pagbibigay-suporta ng mga Afrikano sa matatanda
D. ang pagbibigay-respeto at mataas na pagtingin ng mga
Afrikano sa kanilang mga ninuno

9. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa


Bathala ng lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang
Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang __________.
A. isang uri ng tambol
B. pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria
C. katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano

10. Napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu gamit ang ekwe. Ang
kahulugan sa salitang may salungguhit ay _____.
A. isang uri ng tambol
B. pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria
C. katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano

3
Aralin
Nobela mula sa Nigeria
8
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Afrika na may malaking ambag sa
panitikan. Ang kanilang panitikan ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan
ng mamamayan sa bansa pagdating sa uri ng pamumuhay, kultura,
tradisyon, at suliranin sa politika.
Sa modyul na ito, ating aalamin at uunawain ang isa sa mga nobela
mula sa Nigeria na pinamagatang, “Paglisan” na isinulat ni Chinua Achebe at
isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera.
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magpapamalas ng malalim na pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa tulong
ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri
sa halaw ng isang nobela.

Balikan

Handa ka na ba? Alam kong nasasabik ka na sa ating aralin. Halina’t


magbalik-tanaw sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin tungkol sa
talumpati. Kayang-kaya mo ito!
Panuto: Isulat ang ilan sa nilalaman ng SONA ni Pangulong Duterte at
talumpati ni Nelson Mandela ayon sa iyong pagkaunawa. Kopyahin ang
grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.

SONA ni Pangulong Duterte Talumpati ni Nelson Mandela

4
Tuklasin

Magaling! Ngayon ay handa ka na para sa ating bagong aralin. Tara na


at simulan na natin!
Panuto: Magbigay ng mga impormasyon tungkol sa salitang nasa gitna ng
grapikong pantulong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Afrika

Suriin

Sa bahaging ito ng aralin ay mababasa mo ang buod ng isang nobela


mula sa Nigeria na pinamagatang, “Paglisan” at mapapanood mo ang isang
excerpt ng isang isinapelikulang nobelang, “Ang Munting Prinsesa” (A Little
Princess) mula sa link na ito:
https://youtube.com/watch?v=cSpxVSTQj9A&feature=share at mababasa
mo rin ang kopya nito sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

5
Paglisan (Buod)
Mula sa Ingles na Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Batis ng Impormasyon tungkol sa Afrika


Binibigyang-pagpapahalaga ng mga
Afrikano ang kanilang mga tradisyon at
paniniwala. Ipinakikita nila ito sa pamamagitan
ng sayaw, sining, musika, at palamuti. Ang pag-
unawa sa mga bagay na ito ay mahalaga upang
mabuhay sa kanilang lipunan. Ang mga
sumusunod ay ilan sa mga magagandang
katangian ng lugar at ng mga taong
naninirahan dito:
• Ang Afrika ay pangalawang
pinakamalaking kontinente sa daigdig
at pangalawa sa pinakamataong
populasyon pagkatapos ng Asya.
• Malaki ang naging impluwensiya ng
heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang Afrikano. Dahil ditto,
natuto silang makibagay sa pabago-bagong klima ng kanilang
kapaligiran.
• Ang tradisyonal na pagsasayaw ng mga Afrikano ay isa sa kanilang
mahahalagang kultura, ginagamitan nila ito ng iba’t ibang kilos,
maskara, costume, pintura sa katawan, at iba pang bagay upang
lubos na maunawaan ng manonood ang tema nito.
• Ginagamit din sa pagsasayaw ang mga likhang-sining tulad ng
maskara na may relihiyoso at seremonyal na pinagmulan. Ang pintor
ng maskara ay kailangang magbigay ng panalangin sa kaniyang mga
ninuno upang humingi ng gabay sa paggawa nito. Ang maskara ng
mga Afrikano ay sumisimbolo sa mga kaluluwa ng kanilang mga
ninuno na maililipat sa mananayaw na may suot nito.

Ang Munting Prinsesa


(A Little Princess)
Isinulat ni Shaira Mella Salvador
Direksiyon ni Romy V. Suzara

Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan


siyang iwanan ng kaniyang ama na si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo
III) sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si

6
Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa boarding house ng head
mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtanggol siya ng
kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).

SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE DAY

Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (Doll). Hustong
nakalabas na ng office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks
towards the main entrance. Sarah sees him.

SARAH: Papa! Papa!

Mr. Barrow does not look back. Tuloy- tuloy ito sa paglakad. Sarah
runs after him.

Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns


around to look at her. Saw the surprise and disappointment on Sarah’s
face. Mr. Barrow shakes his head sadly and walks away.

SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY

Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue.
Miss Amelia is depressed about Sarah’s situation.

MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang

tulungan natin siya Ate.

MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!


Hindi tayo bahay-ampunan, baka akala mo.

MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi


ni Mr. Barrow... Walang ibang kukupkop sa
kaniya.

MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…

MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?

MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa bangko ang


eskwelahang ito… baon na baon na tayo sa
utang kay Mr. Crisford… nasaan na ang utak mo
Amelia?

MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?

MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung


bakit namatay ang ama ni Sarah?

7
Because of their heated discussion, the two women failed to take
notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s
door, crying softly. Miss Amelia sees her.

MISS AMELIA: Sarah…

Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl
quietly walks away, clutching Emily close to her.

Karagdagang Kaalaman:

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito


ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
Pinakapangunahing sangkap nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan
at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkakasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Mga Hakbang sa Pagsusuri/Ebalwasyon ng Iskrip at/o Pelikula

Ayon sa aklat na Trip to Quiapo Scriptwriting Manual ni Ricky Lee, may


mga bagay tayong dapat bigyang-pansin sa epektibong pagsusuri o
ebalwasyon ng isang iskrip. Ito ay ang mga sumusunod:

1. tukuyin at alamin ang konseptong pinag-uusapan;


2. unawain ang major concepts ng materyal; at
3. tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang malaman
ang pangunahing paksa nito.

Samantala, makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip


kung bibigyang-tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari
kundi maging sa pagbuo ng diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-
ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.

Sa pagsusuri naman ng pelikula, bumuo ng pagpapaliwanag sa mga


detalyeng nais bigyang-pansin. Maaaring ipaliwanag ang magandang detalye
at kahinaang nakita sa iskrip at/o ng pelikulang pinanood.

May tatlong paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto ayon


sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma:
1. pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan;

8
2. pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na
deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng
pang-ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba; at
3. pagbibigay ng halimbawa.

Makatutulong nang malaki ang paggamit ng pang-ugnay upang


maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang pang-angkop na
na, -ng, at -g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos
sa katinig, ang -g namn ay ginagamit sa salitang nagtatapos sa n at ginagamit
naman ang -ng sa mga salitang aangkupang nagtatapos sa patinig.

Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng,
kapag, kung, at iba pa ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag.

Teoryang Pampanitikan

Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng


panitikan. Mayroong iba’t ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
• Humanismo - Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng
humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay kaya’t kailangang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin sa pagpapasiya.
• Realismo - Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan
kaysa kagandahan. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-
politikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi.
• Pormalismo - Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging
layunin ng pagsusuri; samakatuwid, ang pisikal na katangian ng
akda ang pinakabuod ng teoryang pormalismo. Ang layunin ng
teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, tema, kaanyuan, o kayarian,
at paraan ng pagkakasulat ng akda.
• Eksistensyalismo – Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng
personalidad ng tao at binibigyang-halaga ang kapangyarihan ng
kapasyahan laban sa katuwiran.
• Kultural - Tumutukoy sa mga kuwentong batay sa isang kulturang
pinaghanguan ng kuwento, tula, o nobela.
• Marksismo- Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng
dalawang magkasalungat na puwersa; malakas at mahina, mayaman
at mahirap, kapangyarihan at naaapi.
• Historikal- Ang akdang susuriin ay nagpapakita at nagpapaliwanag
ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga pangyayaring nakapaloob sa
akda.

9
Pagyamanin

Mahusay! Binabati kita sa matiyagang pag-aaral at pagbabasa ng mga


nobelang inihanda ko para sa iyo, ang dagdag impormasyon tungkol sa
pagsusuri ng pelikula. Ngayon naman ay dumako na tayo sa mga
sumusunod na gawain upang mas malinang pa ang iyong natutuhan sa
aralin.

Gawain 1: Pag-ugnay-ugnayin!
Panuto: Ilapat nang may kaisahan at pagkakaugnay ang mga talatang
bubuuin sa kahong nasa ibaba gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring
pampelikulang, “Ang Munting Prinsesa” na napanood o nabasa. Isulat sa
hiwalay na papel ang sagot.

Si Sarah ay isang mabait, masipag, at matulunging


bata. Siya ay nagmula sa mayamang pamilya
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan, marami


siyang naging kaibigan maliban kay Lavinia.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay


ni Sarah, ang pagkamatay ng kaniyang ama. Wala ni isang
kayamanan ang naiwan sa kaniya kung kaya’t labag man sa
nais ni Miss Minchin ay napilitan siyang kupkupin ang bata
kapalit ng paninilbihan nito sa paaralan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Lingid sa kaalaman ng lahat, naihabilin siya ng ama sa


matalik nitong kaibigang si Mr. Carrisford bago mamatay.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

10
Gawain 2: Tradisyong Afrika

Panuto: Gamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa


magagandang katangian ng bansang Afrika at batay sa napakinggang
diyalogo sa nobelang “Paglisan” na nasa kolum A, tukuyin at ibigay ang
ipinakikitang tradisyong kinamulatan ng Afrika sa Kolum B. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.

Kolum A Kolum B
Diyalogo mula sa Nobela Tradisyong kinamulatan
1. Dahil sa kaniyang kakayahan sa
pamumuno, pinili si Okonkwo ng
mga kanayon upang ipagtanggol
si Ikemefuna, ang lalaking
kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa
kapayapaan sa pagitan ng
Umuofia at isang nayon,
pagkatapos mapatay ng tatay ni
Ikemefuna ang isang babaeng
Umuofian.
2. Isang malaking pagkakasala sa
diyosa ng Lupa ang pumatay at
makapatay ng kauri. Sinunog
ang mga natirang hayop, kubo,
at mga naiwang pag-aari ni
Okonkwo tanda ng paglilinis sa
buong pamayanan sa kasalanan
nito.
3. Ang pintor ng maskara ay
kailangang magbigay ng
panalangin sa kaniyang mga
ninuno upang humingi ng gabay
sa paggawa nito.
4. Isa sa kanilang mahahalagang
kultura, ginagamitan nila ito ng
iba’t ibang kilos, maskara,
costume, pintura sa katawan, at
iba pang bagay upang lubos na
maunawaan ng manonood ang
tema nito.

11
Gawain 3: Basahin at Suriin

Panuto: Suriin ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobelang,


“Ang Munting Prinsesa” (A Little Princess) gamit ang grapikong pantulong sa
ibaba. Kopyahin at gawin ito sa hiwalay na papel. (Hinihikayat na ang guro
na ang gumawa ng paraan upang makapanood ang mga mag-aaral ng
isinapelikulang nobela.)

Pamagat: ______________________________________________________________

Mga Tauhan

Tauhan 1: Tauhan 2:
Katangian: Katangian:

Buod ng Pelikula
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________________________

Banghay ng mga Pangyayari

Tagpuan Protagonista Antagonista Problema Solusyon Resulta

Paksa/Tema
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Kabuuang Mensahe ng Pelikula


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

12
Gawain 4: Halina’t Suriin!

Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng nobelang, “Paglisan” at pumili ng


pangyayaring batay sa pananaw/teoryang pampanitikang angkop dito.
Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.

Teoryang Pampanitikan

Pangyayari:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Paliwanag:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

13
Isaisip

Binabati kita sa matiyagang pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito!


Ngayon naman ay ibahagi mo ang iyong kabuuang natutuhan sa aralin.

Isipin at Punan Mo!


Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
konseptong ipinahahayag nito. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

Ang 1._____________ ay isang mahabang kathang


pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa
isang mahusay na 2._____________. Pinakapangunahing sangkap
nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng
katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring 3._____________ at magkakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang 4._____________ ng nobela.

Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagsusuri/ebalwasyon ng


iskrip at/o pelikula. Una, tukuyin at alamin ang konseptong pinag-
uusapan. Pangalawa, unawain ang 5._____________ ng materyal.
Pangatlo ay tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang
malaman ang pangunahing paksa nito.

Samantala, sa pagsusuri ng pelikula mahalagang


maipaliwanag ang detalyeng nais bigyang-pansin. May tatlong
paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto. Una ay ang
pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan. Pangalawa ay
ang pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na
deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-
ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba. Ang panghuli ay pagbibigay ng
6._____________.

Makatutulong din nang malaki ang paggamit ng


7._____________ upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa
mga ito ay ang pang-angkop na 8._____________, 9._____________,
10._____________.

14
Isagawa

Alam kong marami ka nang natutuhan tungkol sa kultura ng Afrika sa


pamamagitan ng akdang ating tinalakay. Natitiyak kong handa ka na sa
gawaing ito. Tara at ibahagi mo na ang iyong mga kaalaman tungkol dito.
Panuto: Gamit ang mga pang-ugnay, iba’t ibang batis ng impormasyon at ang
natukoy na tradisyong kinamulatan ng Afrika batay sa napakinggang
diyalogo sa nobelang, “Paglisan” sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol
sa tradisyon, pananaw, at magagandang katangiang mayroon ang Afrika.
Lagyan ng salungguhit ang mga pang-ugnay na iyong ginamit. Gawin ito sa
hiwalay na papel.

Tandaan!
Ang sanaysay ay mayroong tema, nilalaman,
anyo, istruktura at kaisipan.

Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Maikling Sanaysay

Kraytirya 1 3 5 Puntos
Nilalaman Hindi naibigay Naibigay ang Komprehensibo
ang nilalaman nilalaman at ng naibigay
at paksa ng paksa ng ang nilalaman
maikling maikling at paksa ng
sanayay. Hindi sanaysay. maikling
nagamit ang Nakagamit ng sanaysay.
batis ng iilang batis ng Nakagamit ng
impormasyon impormasyon maraming batis
at hindi at naipakita ng
naipakita ang ang tradisyon impormasyon,
tradisyon ng ng Afrika sa naipakita ang
Afrika sa likhang tradisyon ng
likhang sanaysay. Afrika, at
sanaysay. nakapagbigay
ng konklusyon
sa likhang
sanaysay.

15
Presentas Hindi maayos May ilang Malikhain at
yon at na nagamit ang pang-ugnay na maayos na
Grama- mga pang- hindi nagamit nagamit ang
tika ugnay sa nang wasto sa mga pang-
pagsulat ng ng pagsulat ng ugnay sa
maikling maikling pagsulat ng
sanaysay. sanaysay. maikling
sanaysay.
Organi- Hindi maayos Maayos ang Malinaw ang
sasyon ang presentasyon daloy at
presentasyon ng mga organisado ang
ng mga ideya. pangyayari at paglalahad ng
Maraming kaisipan. May maikling
bahagi ang ilang bahaging sanaysay.
hindi malinaw hindi gaanong
sa malinaw.
pagkakasulat
ng maikling
sanaysay.
Kabuuang Puntos

Tayahin

Masaya ako at nakarating ka na sa gawaing ito. Binabati kita sa iyong


sipag at tiyaga. Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga inihanda kong
katanungan para sa iyo.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat


sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang


ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing
na aso.” Anong teorya ng panitikan ang masasalamin sa bahaging ito
ng nobela?
A. humanismo C. pormalismo
B. marksismo D. realismo

16
2. Noong una ay sumasamba sa diyos-diyosan ang mga taga-Umuofian.
Lumipas ang maraming panahon, dumating ang mga misyonero sa
kanilang lupain at ipinakilala ang Kristiyanismo, dito unti-unting
nabago ang paniniwala ng tribo. Anong teorya ng panitikan ang
masasalamin sa bahaging ito ng nobela?
A. eksistensyalismo C. pormalismo
B. historikal D. marksismo

Para sa bilang 3-4

Basahing mabuti ang ilang bahagi ng iskrip mula sa pelikulang “Ang


Munting Prinsesa” at sagutin ang mga tanong.

MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?


MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit
namatay ang ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take
notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door,
crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS MINCHIN: Sarah…
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly
walks away, clutching Emily close to her.

3. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita


ng tauhang si Miss Amelia?
A. pagkagalit C. pagkalungkot
B. pagkahabag D. pagkatuwa

4. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita


ng tauhang si Miss Minchin?
A. pagkagalit C.pagkalungkot
B. pagkahabag D. pagkayamot

5. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang


mabuo ang pangungusap? Ikinapanlumo ng komisyoner ng distrito
ang naganap ____ panununog sa kanilang simbahan.
A. -g C. na
B. -n D. -ng

17
6. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang
mabuo ang pangungusap? Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi
Ezeudu, isa sa matatanda ____ taga-Umuofia, ang planong pagpatay
kay Ikemefuna.
A. -g C. na
B. -n D. -ng

7. Ito ang dahilan ng pagtakas ni Okonkwo patungong Mbanta.


A. pagnanakaw
B. siya ay baon sa utang
C. intensyonal niyang pagpatay sa isang kapuwa katribo
D. hindi niya sinasadyang pagpatay sa isang kapuwa katribo

8. Paano namatay si Okonkwo?


A. dahil sa sakit
B. nagpakamatay
C. sinaksak ni Enoch
D. nakipaglaban sa ibang tribo

9. Punong-puno ng cowrie ang namatay, ito ay pabaon sa kaniyang


paglalakbay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap?
A. katutubong tao
B. malaking metal bell
C. kagamitang pangmusika
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano

10. Ginawa ng mga Igbo ang Ogene bilang simbolo ng kanilang tribo. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. katutubong tao
B. malaking metal bell
C. kagamitang pangmusika
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano

18
Karagdagang Gawain

Binabati kita! Masaya ako na nandito ka na sa huling bahagi ng modyul


na ito. Ang gawain sa ibaba ay naglalayong matukoy mo ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng nobelang nabasa at napanood.

Ikaw at Ako!
Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng isinapelikulang nobelang, “Ang
Munting Prinsesa” at pumili ng pangyayaring batay sa pananaw/teoryang
pampanitikang angkop dito. Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang
talata. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

19
20
Subukin
1. D 6. C
2. D 7. D
3. D 8. D
4. B 9. B
5. A 10. A
Pagyamanin
Gawain 1
Si Sarah ay isang mabait, masipag, at matulunging bata. Siya ay nagmula sa mayamang
pamilya, dahil sa ulila na sa kaniyang ina, ang amang si Kapt. Ralph Crewe na lamang ang
tumayong kaniyang magulang. Ipinasok siya nito sa isang sikat na paaralan sa pangangasiwa
ni Miss. Minchin.
Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan, marami siyang naging kaibigan maliban kay
Lavinia. Kinaiinggitan ni Lavinia si Sarah dahil sa katangiang pagiging prinsesa.
Isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay ni Sarah, ang pagkamatay ng
kaniyang ama. Wala ni isang kayamanan ang naiwan sa kaniya kung kaya’t labag man sa nais
ni Miss. Minchin ay napilitan siyang kupkupin ang bata kapalit ng paninilbihan nito sa paaralan.
Sa pagkawala ng kaniyang ama, unti-unting nabago ang trato ng mga taong nagpapanggap na
mabait kay Sarah, isa na rito si Miss. Minchin. Lahat ng pagpapahirap at pagmamalupit ay
ginawa nito sa kaniya.
Lingid sa kaalaman ng lahat, naihabilin siya ng ama sa matalik nitong kaibigang si Mr.
Crisford bago mamatay. Ginawa nito ang lahat upang hanapin si Sarah bagama’t maraming
balakid ang kanilang napagdaanan bago siya matagpuan. Sa huli’y nakita rin siya at naibalik
ang dating masaya at marangyang pamumuhay ni Sarah, ang munting prinsesa.
Gawain 2
1. Ang isang miyembro ng pamilya/tribo na nagkasala ay maaaring maging kabayaran upang
matamo ang kapayapaan sa dalawang pangkat na may hidwaan.
2. Paniniwala na ang kasalanan ng isang miyembro o katribo ay maaaring maging simula ng
kanilang pagbagsak o maging karma.
3. Paniniwala sa mga kaluluwa, pagbibigay-respeto at mataas na pagtingin sa mga ninuno. Ang
mga pumanaw na ninuno, yaong may mataas na katungkulan nang nabubuhay ay gagabay
pa rin sa kanila kahit na ito’y pumanaw na.
4. Makulay at masining ang kulturang Afrika.
Isaisip
1. Nobela 6. halimbawa
2. Pagbabalangkas 7. pang-ugnay
3. Magkakasunod 8-10 na, ng, g
4. pinakabuod
5. major concepts
Tayahin
1. B 6. D
2. B 7. D
3. B 8. B
4. D 9. D
5. C 10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ambat Vilma, et.al. 2015. Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.

https://filbookpatience.wordpress.com/2017/07/21/ang-mga-tradisyon-
galing-sa-afrika-abigail-ngo/

21

You might also like