You are on page 1of 10

Department of Education

Region VIII
Ormoc City Division
Ormoc City

SANAYANG
PAPEL
SA FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN
PAGSASANAY: Dula

Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang
sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Simulan Mo!
Magandang buhay minamahal kong mag-aaral! Sa araw na ito ay tinitiyak
kong may marami kanang natutunan sa mga nagdaang aralin.

Mahilig ka bang umarte? Ikaw ba ay mahilig manood ng palabas? Ang mga


napapanood mo ba ay kadalasang nangyayari sa totoong buhay? Nangyari na ba
ito sa buhay mo? Sa sanayang papel na ito, matutuklasan natin ang katuturan ng
isang uri ng panitikan na tinatawag na dula. Dito, matutunghayan mo din ang isang
teksto na maaaring mangyari sa totoong buhay, isang kwento tungkol sa buhay-
estudyante. Sa sanayang papel ito, masusuri natin ang pagkamakatotohanan ng
mga pangyayari batay sa sariling karanasan.

Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, nais kong
subukin muna ang iyong kahandaan sa pamamagitan ng gawain na ito.

Handa ka na ba? Tara na.........

Halika ka’t ating tuklasin ang mga kaalaman tungkol nito!

GAWAIN 1. Talasalitaan!

PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang KASINGKAHULUGAN ng sinalungguhitang


salita sa loob ng pangungusap.

nawala hinila pakikisama


pagkabigo nag-aaral ng mabuti

1. Ang kanyang pakikipaghalubilo sa ibang tao ang siyang nagdala sa kanya ng


kapahamakan.
2. Talagang nagsusunog ng kilay si Mark upang maipasa niya ang pagsusulit
sa paaralan at makakuha ng mataas na marka.
3. Biglang nawaglit sa isipan ni Mario ang iniutos ng kanyang ina nang makita
niya na naglalaro ang kanyang mga kaibigan sa kompyuter shop.
4. Dali-daling hinatak ni Angelo ang kaibigang si Paolo upang maglaro ng dota
sa kompyuter shop.
5. Sobrang pagkadismaya ang nadarama ng magulang ni Erwin dahil sa
pagbaba ng marka niya sa paaralan.

Mahusay, kaibigan! Nagawa mo ang gawain ng may kasiyahan!

Alam Mo Ba?
Ang DULA ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal
tanghalan. Ayon nga kay Arrogante (1991), ang dula ay isang
pampanitikang panggagaya sa buhay na ipinamamalas sa tanghalan.
Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay. Gaya ng
ibang katha, ang dula ay lumilinang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng
damdamin, at humihingi ng pagbabago.

ANG DULA AT ANG MGA DULANG PANLASANGAN


Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa sa ibang akda sapagkat bukod sa
naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
Masasabing higit na kawili-wili ang dula kaysa sa maikling kwento sapagkat
sa dula ay higit na nadarama ang mga tunggalian ng mga tauhan at ang
kanilang mga suliranin. Sa maikling kwento, may mga panyayaring iniuulat
na lang ng may-akda, ngunit sa dula ang mga ito ay hayagang nakikita sa
mga ikinikilos ng mga tauhan bukod sa naririnig pa rin sa kanilang mga
sinasabi.
Di pa man dumarating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay pinaniniwalaan
nang kilala na ang dula sa ating bansa. Nag-ugat ito sa mga ritwal at
seremonyang isinasagawa noon ng ating mga ninuno tulad ng cañao ng mga
Igorot, ang bayak o embayoka ng mga Muslim, ang Tatarin ng mga Tagalog,
at iba pa.
Lalong naging mayabong ang dulaan sa bansa nang dumating ang mga
Espanyol. Naipakilala nila sa atin ang iba pang uri ng dula partikular ang
mga dulang panlansangan at pantanghalan.
Ilan sa mga nakilalang dulang panlansangan sa bansa na laganap pa rin sa
kasalukuyan ay ang sumusunod:
 Tibag – ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Mayo tungkol sa
paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. Ang
mga tauhan o kasali sa pagtatanghal ay kahalo-halo ng taong-bayan.
 Senakulo – inilalarawan dito ang simula ng lahat—ang paglalang kay
Eba at Adan, ang pagsilang kay Jesus, ang Kanyang kamatayan, at
muling pagkabuhay. Itinatanghal ito bilang isang serye, mula Lunes
Santo hanggang Sabado de Gloria.
 Panunuluyan – ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko,
Disyembre 24 ng gabi bago mag-misa de gallo. Sina Maria at Jose ay
naghahanap ng bahay na masisilungan at mapagsisilangan kay
Hesus.
 Moriones- ito ay dulang panrelihiyong ginanap sa mga lansangan sa
lalawigan ng Mindoro at Marinduque tuwing Mahal na Araw. Ang mga
karakter na gumaganap ay nakasuot o naglalagay ng mga maskarang
may iba’t ibang kulay at iba pang palamuti o guhit sa kanilang
katawan.
 Santakrusan – ito ay dulang panlansangan at panrelihiyong kung
saan isang marangyang parade ng mga sagala at konsorte ang
nagaganap. Sila ay lumilibot sa mga kalye hanggang sa makarating
sa simbahan upang maihatid ang krus.

Nang dumating ang panahon ng 1960 hanggang 1980, ang mga dulang
lumaganap sa bansa ay may layuning magbigay ng kabatiran, kamalayan,
at panghihikayat.
Ayon sa Panitikan sa Pilipinas (2001) ni Tiamzon-Rubin et al, ang mga tema
ng dula sa panahong ito ay may usaping panlipunan at itinatanghal na mga
protesta, simposya, welga, demonstrasyon ng mga taong nagsama-sama at
nagtipon-tipon upang ipadama ang mga karaingan.
Ang mga dulang ito ay karaniwang patungkol sa karapatan ng mga tao,
pang-aabuso at pang-aaping nararanasan ng tao lalo na noong panahong
nauso ang mga ismo tulad ng imperyalismo, kapitalismo, feudalism, at iba
pa; at ang katiwaliang nangyayari sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Ang dulang panlansangan ay walang masasabing oras. Ito ay maaaring
ganapin sa umaga, tanghali, gabi, o depende sa pangangailangan. Ilan sa
mga grupo ng mandudulang sumibol sa mga panahong ito ay ang Panday-
Sining, Tanghalang Bayan, Gintong Silahis, Kamanyang Players, at
Kalinangang Anak-Pawis. Kabilang sa mga nakilalang dulang naisulat sa
panahong ito ang Selda, Tunggalian, Huwelga, at Barikada

Gawain 2. Tumpak Ganern!


PANUTO: Isulat ang TUMPAK GANERN kung ang pahayag ay TAMA at LIGWAK
GANERN naman kung ang pahayag ay MALI.

__________1. Ang dula ay isang uri ng panitikang pinakalayunin ay itanghal sa


tanghalan.
__________2. Ayon kay Arrogante, ang dula ay isang panitikang panggagaya sa
buhay na ipinamamalas sa tanghalan.
__________3. Gaya ng ibang katha, ang dula ay nagbibigay-balita sa mga bagay-
bagay.
__________4. Higit na kawili-wili ang dula kaysa sa maikling kwento sapagkat sa
duay ay higit na nadarama ang mga tunggalian ng mga tauhan sa kanilang
suliranin.
__________5. Lalong naging mayabong ang dulaan sa bansa nang dumating ang
mga Hapon.
__________6. Naipakilala ng mga Tsino sa atin ang iba pang uri ng dula
partikular ang mga dulang panlansangan at pantanghalan.
__________7. Inilalarawan sa Senakulo ang simula ng lahat – ang paglalang kay
Eba at Adan, at ang pagsilang at kamatayan ni Jesus.
__________8. Sa Moriones, ang mga karakter na gumaganap ay nakasuot o
naglalagay ng mga maskarang may iba’t ibang kulay.
__________9. Ang Tibag ay isinasagawa tuwing buwan ng Disyembre.
__________10. Layunin ng dulang panlansangan ang magbigay ng kasiyahan,
manghikayat, magpakilos ng mga tao upang magkaroon ng kalutasan ang
suliranin ng pamayanan at ng buong mundo.

Magtulungan Tayo!
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,
marahil ay naging malinaw na sa iyo kung ano ang dula at ang mga dulang
panlansangan. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-
unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukan mong gawin ang ilan pang
mga gawain.

GAWAIN 3. Magbasa Tayo, Kaibigan!

PANUTO: Basahin at unawain ang iskrip ng dula sa ibaba. Pagkatapos basahin


ang akda, sagutin ang mga kasunod na tanong.

Pagsubok
Natasha Liv Uy

Tagapagsalaysay: Bagong lipat lang sila Ervin sa lungsod ng Baybay. Dahil dito
kailangan din niyang lumipat ng paaralan. Sa pasukan ay hindi naging problema
sa kanya ang pakikihalubilo sa iba dahil sadyang pala-kaibigan ang binata. Sa
unang markahan ay isa siya sa mga top students ng kanilang klase. Masipag kasi
siyang mag-aral at ito ay ang una sa listahan niya ng mga prioridad.

Guro: Congratulations sa’yo Ervin!


Ervin: Salamat po sir!

Tagapagsalaysay: Nang humantong ang ikalawang markahan ay patuloy pa rin


siyang nagsusunog ng kilay kada gabi. Ngunit isang araw, habang pauwi na siya
kasama ang kanyang barkada ay kinulit siya ng mga ito na maglaro ng dota na
matagal na niyang hini-hindian.

Valerian: Pre kahit isang laro lang. Subukan mo lang naman.


Lath: Oo nga pre. Tara!

Tagapagsalaysay: Hinatak siya agad ng kanyang mga kaibigan kaya wala na


siyang ibang nagawa kundi sumama.

Ervin: Isang laro lang pre ah. Mag-aaral pa kasi ako para sa pasulit natin bukas.
Lath: O sige.

Tagapagsalaysay: Nagsimula na silang maglaro ng dota. Ang sinabing isang laro ni


Ervin ay nasundan pa ng isa hanggang sa sila ay naabutan na ng gabi. Ang pag-
aaral para sa kanilang pasulit ay nawaglit na sa kanyang isipan.
Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay kalahati lang ang nakuha niyang tamang sagot
sa kanilang pasulit. Sa puntong iyon nagsimula ang pagbaba ng grado ni Ervin at
ang pagka-adik niya sa dota. Napansin ito ng kaniyang guro kaya kinausap siya
nito pagkatapos ng klase.

Guro: Ervin, napapansin ko na bumababa na ang iyong mga grado at hindi ka na


nakakakuha ng mataas na iskor sa mga pasulit ko.
Ervin: Pasensiya na po sir. Hindi na po kasi ako nakakapag-aral ng maayos sa
gabi.
Guro: At bakit naman?
Ervin: Eh kasi sir naglalaro po kami ng mga kaibigan ko ng dota at minsan
naaabutan na kami ng gabi.
Guro: Hindi talaga mabuti iyang paglalaro niyo niyan eh! Naaapektuhan ang pag-
aaral niyo. Kaya simula ngayon unahin mo muna ang iyong pag-aaral kesa diyan
sa dota.
Ervin: Opo sir.
Guro: Kaya mo ‘yan! Pagsubok lang yan, Ervin. Sige na pumunta ka na sa aklatan
tutulungan ka ng isa mong kaklase.
Ervin: Ho? Sino po?
Guro: Basta sige na pumunta ka na doon baka naiinip na ‘yon.

Tagapagsalaysay: Habang papunta si Ervin sa aklatan ay lingid sa kanyang


kaalaman na si Faith ang tutulong sa kanya na mag-aral. Ito ay isa rin sa mga top
students ng kanilang klase at unang araw pa lang ng pasukan ay nagandahan na
talaga siya dito pero hindi niya ito masyadong pinansin dahil inuna niya ang
kanyang pag-aaral.

Faith: O Ervin, andiyan ka na pala.


Ervin: Faith?
Faith: Ako nga. Halika na simulan na natin para maaga tayong maka-uwi.
Ervin: Okay lang naman kung ako lang mag-isa ang mag-aaral baka naaabala
kita.
Faith: Hindi naman, tsaka pinapabantayan ka sa ‘kin ni sir baka daw kasi hindi
ka mag-aaral at pupunta ka lang sa kompyuter shop para magdota.
Ervin: Ah sige.
Tagapagsalaysay: Iyon ang simula ng pagtaas ulit ng grado ni Ervin at ang
pagiging magkaibigan nila ni Faith. Isang araw hindi na talaga kaya ni Ervin na
hindi siya nakakapaglaro ng dota kaya inilabas niya ang kaniyang pagkadismaya
sa kaibigan.

Ervin: Faith, talaga bang hindi ako pwedeng maglaro ng dota? Alam ko na
importante ang pag-aaral pero tao din naman ako. May karapatan din akong
sumaya.
Faith: Hindi naman sa ganon. Pwede ka namang maglaro pero gawin mo sa
tamang oras. Maglaan ka ng oras sa pag-aaral at paglalaro.
Ervin: Sige, gagawin ko ‘yan

Tagapagsalaysay: Natutunan ni Ervin ang pagdisiplina sa sarili at kung paano


ibalanse ang kanyang oras sa pag-aaral at paglalaro. Natapos niya ang High School
bilang salutatorian at si Faith naman ang valedictorian. Lahat tayo ay dumadaan
sa mga pagsubok nasa iyo lang kung haharapin mo ito o magpapatalo ka lang.
Magtiwala ka sa iyong sarili. Malalampasan mo ito kung ikaw ay pursigido at may
tiwala sa Diyos.

Sagutin Natin!

1. Bakit laging nagsusunog ng kilay si Ervin?


2. Ano ang naging dahilan ng pagbaba ng marka ni Ervin sa pagsusulit?
3. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Ervin sa pagsama sa
kanyang mga kaibigan? Patunayan.
4. Ano ang ginawang paraan ni Ervin upang tumaas muli ang kanyang
marka sa paaralan?
5. Batay sa iyong nabasa, bakit napakahalaga ng pagbangon mula sa
mga matinding pagsubok na napagdaanan sa buhay? Ipaliwanag.

GAWAIN 4. Subukan Mo!


PANUTO: Suriin ang mga pangyayaring nakatala sa ibaba mula sa dula. Isulat sa
linya kung ito ba ay makatotohanan o di makatotohanan batay sa iyong sariling
karanasan o karanasan ng mga taong napanood mo sa telebisyon o nababasa sa
mga balita at akda. Saka magbigay ng patunay ng iyong napiling sagot.

1. Si Ervin ay laging nagbabasa ng mga aralin sa kanyang klase upang


makakuha ng matataas na marka kapag may pagsusulit.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ang dota ang sagot ng mga kabataan upang makapagtapos sa pag-aaral.


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Si Teacher Mark ang siyang nang-eengganyo sa kanyang klase na maglaro
ng dota upang malibang sila sa kanilang pag-aaral.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. Sa panahong tayo’y nasa dilim, may isang taong handang tumulong sa atin
upang tayo ay makabangon at makapagsimula muli.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok at nasa iyo lang kung haharapin
mo ito o magpapatalo ka lang.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Magaling! Nasagot mo nang maayos ang mga gawain.

Magagawa Mo!
Ngayon, tingnan natin kung natutunan mo ba talaga ang paksang aralin sa
sanayang papel na ito. Handa ka na ba?

GAWAIN 5: Patunayan Mo!


PANUTO: Suriin ang mga larawan na nasa ibaba. Alamin kung ito ba ay
makatotohanan o di makatotohanan batay sa iyong sariling karanasan o
karanasan ng mga taong napanood mo sa telebisyon o nababasa sa mga balita at
akda. Saka magbigay ng patunay ng iyong napiling sagot.

1. __________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

2. __________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
3. __________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

4. _______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

5. _______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Binabati kita! Natapos mo ang sanayang papel na ito na may


ligalig at kasiyahan tungkol sa nabasang dula at ang katuturan ng
isang dula. Sana ay may natutunan ka. Tandaan mo lamang na mag-
aral kang mabuti at palagi kang mag-iingat. Sabihin mo lamang na,
KAYA NATIN ITO!

Sanggunian:
 Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 7
 https://www.google.com/amp/s/lifebloggersorg.wordpress.com/2016
/10/13/dula-dulaan/amp/
 https://www.google.com/images

Bumubuo sa Paglikha ng Sanayang Papel

Manunulat: Jester C. Quinal


Editor: Betsy U. Coching
Tagasuri: Idah M. Sayre
Tagapamanihala: Lani B. Cervantes, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala: Mario Rodjie R. Sombilon, Ed. D.
Division CID Chief: Alejandro S. Almendras, Ed. D.
Learning Area EPS: Mylane V. Barquera, Ed. D.
Division LR EPS: Maria Pia B. Chu
Susi ng Pagwawasto

A. Talasalitaan B. Tumpak Ganern! A. Gawain 1


1. Pakikisama 1. Tumpak 6. Ligwak Ganern B. Gawain 2
Ganern
2. Nag-aaral ng 2. Tumpak 7. Tumpak PAGTATAYA
mabuti Ganern Ganern
3. Nawala 3. Ligwak Ganern 8. Tumpak
Ganern
Ang pagpupuntos
4. Hinila 4. Tumpak 9. Ligwak Ganern
ay depende na sa
Ganern
guro.
5. pagkabigo 5. Ligwak Ganern 10. Tumpak
Ganern

You might also like