You are on page 1of 32

Filipino 5

PANALANGIN
BALIK-ARAL
PANG-URI
bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at
iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw
ang isang pangngalan.
BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap
1. Ang tirahan ng mga hayop sa gubat ay mapayapa.

2. Naalala ko ang nakatutuwang bakasyon natin noon.

3. Siya ay magalang sa mga nakakatandang kausap niya.

4. Maliliit ang mga batang nasa unang baiting.

5. Si Aila ay mayroong magandang kutis.


Nadalo ba kayo ng Christmas Party

Ano ang nararamdaman ninyo tuwing


malapit na ang Christmas Party?
Regalo
“Isang araw pa!”, pabuntong hiningang
saad ng isang dalagitang nakaupo sa tabi ng
natutulog nitong ina sa kalye. Bawat araw na
lumilipas ay palungkot ng palungkot ang
nadarama nito. Siya si bebang labing-anim
na taon, laking kalye. Walang masasabing
permanenteng tirahan. Palipat-lipat at kung
saan man sila abutin ng kanilang mga paa
duon na rin sila maglalatag ng kanilang
matutulugan.
Gayunpaman, patuloy na pumapasok sa
paaralan si bebang. Bago namatay sa sakit
ang kanyang ama, paulit-ulit nitong hinihiling
sa anak na kahit sila’y mahirap man
kailangang sikapin ni bebang na
makapagtapos kahit sa sekondarya lamang.
Ito ang kahilingan ng kanyang
pinakamamahal na ama na sa kanyang
isipa’y tila suntok sa buwan na kanyang
aabutin.
Nakatanaw sa malayo habang inaalala ang
bilin ng ama. Mapapansin na sa kanyang
harapan ang tanawin ng mga nagkalat na mga
palamuting simbolo ng kapanganakan ni
Hesus. Ramdam na rin ang lamig ng simoy ng
hangin. Sa bawat taon na dumarating ang
kapaskuhan, tila isang tinik na tumatarak sa
puso ni Bebang.
Bawat taon na pilit gumagawa ng dahilan
upang di makadalo sa kasiyahan sa paaralan,
ngunit sa taon na ito hindi pumayag ang
kaniyang guro na hindi siya dumalo at
makisaya.Dalawang lingo ang lumipas mula ng
sinabihan si bebang ng kanyang guro na hindi
maari na sa taong iyon ay mawawala siya sa
kanilang Christmas Party.
At nasabi nitong hindi niya kailangan pang
magdala ng regalo at magbayad sa kanilang
kontribusyon. Ang kanyang presensiya ay
sapat na sa klase at iyon ay aasahan ng lahat.
Isang araw na lang, kinabukasan na ang
kanilang Christmas Party at tila hindi pa rin
sapat ang kaniyang naipon para ibili ng
panregalo sa kanyang guro. Sa skanyang
kandungan ay masisilayan ang barya na
naipon ni bebang mula sa kanyang pagtitinda
ng basahan kasama ang ina.
Nang biglang… Isang malakas na pagsabog
ang umalingawngaw.
Nagkalat ang barya, duguan na mga tao.
Nagkakagulo, nagsisigawan at nagtatakbuhan
ang mga tao sa pinangyarihan ng isang
trahedyang dulot ng pagsabog ng tindahan ng
LPG. Si bebang isang malamig nang bangkay
katabi ang nakahigang ina. Mahigpit na hawak
ang isang magandang kahon na kanya sanang
paglalagyan ng regalo.
MGA TANONG
1.Anong naramdaman ninyo pagkatapos ninyong
basahin ang kwento?

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


MGA TANONG
3. Ilang taon na si Bebang?

4. Saan nakatira sina Bebang?


MGA TANONG
5. Ano ang paulit-ulit na hiniling ng ama ni Bebang
bago s’ya mamatay.

6. Bakit nag-iipon si Bebang?


MGA TANONG
7. Ano ang sanhi ng pagkamatay ni Bebang?
1. “Isang araw pa” pabuntong hiningang saad ni
Bebang
2. Nakatanaw sa malayo, inaalala ang bilin ng ama.
3. Patuloy na pumapasok si Bebang kahit na
walang permanenteng tirahan.
4. Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw.
Nagsigawan at nagtakbuhan ang mga tao.
MAGLARO
TAYO!
https://youtu.be/CVC5wKAZ5IA?si=fEyJC4Gc8tRoIAdb
Paano ninyo nailarawan ang
mga tauhan sa pangungusap
o kwentong binasa ninyo?
Tandaan:
Ang paglalarawan ng katangian ng isang
tauhan ay maaaring mahinuha sa
pamamagitan ng pag-unawa sa kanyang
kilos o gawi, paraan ng pagsasalita at
reaksyon sa mga sitwasyon sa kuwento o
pangugusap.
PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Ilarawan ang tauhan batay sa ikinikilos,
iginawi o sinabi.
1. Araw- araw nagsasanay ang mga mag-aaral para sa
paligsahan. Hirap at pagod ay hindi nila alintana. Ang mga mag-
aaral ay __________.

2. Yehey! Nanalo kami sa paligsahan. Sila ay _________.


3. Akala ko ay pupunta ka sa aking pagtatanghal, nagkamali
pala ako. Ang nagsasalita ay __________.

4. Si Gng. Anita ay palaging sinisigawan ang mga batang


naglalaro sa harap ng kanilng bahay. Si Gng. Anita ay ________.

5. Kamusta ka na? Palagi kitang inaalala simula ng umalis ka, sabi


ni Chuchay. Si chuchay ay _________.
B Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Piliin sa kahon ang
angkop na inilalarawan ng pahayag.Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang na nasa unahan ng bawat bilang.

_______1. Palaging may tirang baong pera si Lucio. Pagkauwi


niya sa bahay ay inihuhuloh niya ito sa kanyang alkansiya.

_______2. Si anika ay hindi mautusan ng kanyang mga


magulang. Lagi itong may dahilan kapag uutusan.
_______3. Kahit anong sabihin ng kanilang guro sa kaniyang
mag-aaral ay hindi nila ito pinagsasabi kahit kanino.

_______4. Palaging nakangiti si Angelo kahit na anumang


pagsubok ang dumating sa kaniya.

_______5. Tuwing nakikita ni Maica si Alex ito’y palaging


tulog.
Panuto: Masdang mabuti ang mga larawan. Ibigay ang katangian
ng tauhan batay sa kanilang ijkinilos o ginawi. Iprisenta ang sagot
sa pamamagitan ng rap.
PANGKATANG
PAGTATANGHAL
PAGLALAPAT

Sa pakikipag-usap natin
sa ating kapwa, ano ang
nararapat nating gawin
upang mapanatili ang
magandang samahan.
PAGTATAYA
Panuto: Ilarawan ang tauhan batay sa kanyang sinabi. Bilugan ang
tamang sagot sa loob ng panaklong.

1. “Sa wakas mataas ang aking nakuhang marka”, wika ni Josh.


(masaya, galit, malungkot)

2.“Ang tagal naman n’yang dumating! Kanina pa ako naghihintay”


(naiinis, masaya, natutuwa)
3. “Naku, lagot tayo kay Mrs. Guillo, hindi na tayo umabot sa klase”.
(natatakot, natutuwa, masaya)
4. “Kamusta na kaya si Angela?” wika ni Nita na knyang kaybigan.
(masaya, natatakot, nag-aalala)

5. “Sayang hindi tayo nanalo sa paligsahan”, wika ni Carla.


(nanghihinayang, kabado, masaya)
TAKDANG ARALIN
Batay sa sitwasyong mababasa ninyo sa ibaba,, ano kaya ang ikikilos o magiging
gawi ng tauhan.

1. Nadatngan ni Gng. Martines na makalat ang inyong silid-aralan ano kaya ang
maari niyang ikikilos?
2. Hindi inaasahan ni Angelo na mananalo siya sa patimpalak na sinalihan niya sa
kanilang barangay. Ano kaya ang magiging gawi o kilos niya?
Maraming Salamat

sa Pakikinig

You might also like