You are on page 1of 15

Naibibigay ang kahulugan ng salitang

pamilyar at di- pamilyar sa


pamamagitan ng paggamit sa
pangungusap.
- Nasasagot ang mga tanong sa
binasang kuwento.(F5PT-Ia-b-)
Aralin 1, Day 1
JACKIE LOU A. ACOSTA
Tinajeros Elementary School
Talasalitaan (3-IN-1)
a. anasan - bulungan
b. arukin - alamin
c. atupagin- asikaso
Balik Aral
Ipabasa ang tula.
Tinig Ko’y Mahalaga, sa Bayan,
Pamayanan, at sa Pamilya

Nais kong iparinig, ang aking tinig


Kahit na musmos, prinsipyo ay matuwid,
Mithi ko’t nais sa bayang iniibig
Umunlad at makilala sa daigdig.

Pahat at munti man ang aking isipan


Nagsisikap paunlarin kaalaman
Upang mahusay ko na maipaalam
Itanong:
Sa inyong palagay, bakit
mahalaga ang ating mga tinig sa ating
bayan, pamayanan at sa pamilya?
• Sino sa inyo ang nakarating
na sa Baguio?
• Sa inyong palagay, bakit kaya
ito dinarayo ng mga turista?
Hanapin kung
nasaan ang
Laguna
• Hanapin at ituro ang bayan ng Luisiana
Basahin.
“Luisiana: Little Baguio ng Laguna”
(Alab Filipino pahina 3-4)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang makikita sa Little Baguio?
2. Sino ang nagkukuwento sa may akda?
3. Sino ang bagong kaibigan ni JJ?
4. Saan patungo si JJ?
5. Bakit kaya nasabi ng awtor ang pahayag na, “Ito ang
baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat
oras ay tila ba hangin ng Pasko?
6. Ano-anong salita sa kuwento ang pamilyar at di-pamilyar
sa inyo? Isa- isahin ang mga ito.
7. Talakayin ang kahulugan ng pamilyar at di- pamilyar na
salita.
Tandaan:
Ang pamilyar na salita ay mga salitang madalas
na gamitin. Ang di- pamilyar na salita naman ay
mga salitang bihira o minsan lang marinig o gamitin.
Pamilyar na Salita Di-Pamilyar na Salita
gusto adhika
nagmamadali nagkukumahog
nahanap naapuhap
nilinis hinawan
upuan salumpuwit
> Ano ang pamilyar na
salita? di- pamilyar na
salita?

> Paano mo mauunawaan


ang mga salitang pamilyar
at di- pamilyar?
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon
sa pagkagamit nito sa pangungusap.
1. Nagsama sila ng masaya ng kanyang kabiyak.
2. Sa puno ng Acacia ang kanilang tipanan.
3. Binasa niya nang mabuti ang panuto sa pagsusulit.
4. Natupad ang pangarap kong makasakay sa tsubibo
noong nakaraang piyesta.
5. Lumaking alipugha si Alan kaya siya sakit ng ulo ng
kanyang magulang.
Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di- pamilyar na
may salungguhit.
____1. Ginugunita ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal ngayon?
____2. Muntik nang hindi mapuno ang upuan sa harap ng entablado.
____3. Importante sa tao ang makatapos ng pag-aaral.
____4. Ang maging presidente ang lagi niyang ninanais.
____5. Mabuti na lamang at madali ang ating pagsusulit.
____6. Malapit nang magsara ang bunganga ng ilog.
____7. Mag-uumaga na nang makabalik ang mag-ama.
____8. Unti-unti nang nauupos ang kandila.
____9. Nakalimutan ko ang isang linya ng tula.
____10. Binatak ni Mang Kanor ang lubid ng lambat

inaalala mahalaga hindi maalala


tanghalan hinahangad madaling-araw
bukana nauubos mainam hinila

Takdang Aralin
Magbigay ng tig- dalawang pangungusap
na may pamilyar at di pamilyar na salita.
Maraming
Salamat
po!

You might also like