Professional Documents
Culture Documents
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itunuturing na “Ama ng Sarsuwela”. Isa siyang
mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging
unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik,
kapwa mga samahan ng mga manunulat.
Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang.
Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng
kaniyang mga patnugot na wala nang natitirang materyales upangh punuin ang isang maliit na espasyo sa isang
pahina ng magasin, kinalaingan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na
maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may akda ng kuwentong ito.
Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang
pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon,
magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya
naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala
ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 na sarsuwela.
Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo.
Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at
kabayanihan. Hinango ang taguring sarsuwela sa maharlikang palasyo ng La Zarzuela na malapit sa Madrid,
España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama si Elisea Raguer. Itinatag nila ang
Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.
Ang sarsuwela bagama’t ipinakilala noong panahon ng Espanyol ay namulaklak noong Panahon ng
Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes sa kaniyang “Walang Sugat”,
Hermogenes Ilagan “Dalagang-Bukid”, Juan K. Abad “Tanikalang Ginto”, Crisostomo Sotto “Anak ng
Katipunan”, at Aurelio Tolentino “ Kahapon, Ngayon at Bukas”.
Ang sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Maunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng
panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na may maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban
na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon
sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Basahin ang halimbawa ng dula. Sagutin ang mga tanong. Kopyahin ang bawat katanungan sa kwaderno.
WALANG SUGAT
Dulang isinulat ni Severino Reyes
binuod ni Gloria P. San Juan
Si Tenyong ay nagtungo sa bahay nina Julia, ang kanyang kasintahan at dinatnan niya iyon na
nagbuburda ng panyo. Napansin ni Tenyong ang magandang ginagawa ni Julia kaya itinanong niya
kung kanino ang binuburdahang panyo.
1-6. Isa-isahin ang mga tauhang nabanggit sa unang bahagi ng dula.
1. 4.
2. 5.
3. 6.
7. Ano ang ginagawa ni Julia nang dumating si Tenyong sa bahay ng dalaga?
8. Paano napatunayan ni Julia na mahal nga siya ni Tenyong?
9. Ano ang buong pangalan ni Tenyong?
10. Sino ang biglang dumating sa bahay ng dalaga? Ano ang balitang hatid nito?
11. Saan dinala si Kapitan Inggo?
Sa bilangguan sa Bulacan ay maraming bilanggo ang nakatali sa rehas at isa si Kapitan Inggo
sa mga iyon. Pagdating nina Tenyong ay ipinabatid nilang nais nilang dalawin si Kapitan Inggo.
Kinausap ni Kapitana Putin ang Among at sinabi sa kanyang ipababa ang kanyang asawa upang
makausap niya.
Ipinababa nga si Kapitan Inggo at ito’y nakadapa sa isang papag na makitid, gulapay ang
katawan at di makakilos sa hirap. Ni ayaw nang ipahipo ang kanyang katawan pagkat ayon sa kanya
ay luray-luray na ito. Sa ganitong tagpo ay wala nang nagawa ang lahat kundi pakinggan ang huling
himatong ni Kapitan Inggo at ilang saglit pa’y pumanaw na ito.
Ang gayong pangyayari kay Kapitan Inggo ay lubhang dinamdam ni Kapitana Putin, hindi niya
nakayanan ang pangyayari at siya man ay nakadamdam ng paninikip at siya’y napahandusay. Sa mga
naganap ay parang pinagtakluban ng langit at lupa si Tenyong. Nagpasiya siyang gumawa ng hakbang
upang ipaghiganti ang kanyang mga magulang.
Iniwan niya sa pangangalaga ni Julia ang kanyang ina at pagkuwa’y hinimok ang mga kapanalig
na magtayo ng isang hukbo na magpapakita ng paglaban sa mga Kastila. Si Tenyong sampu ng
kanyang kabig ay humimpil sa kaparangan ngunit bago siya lumisan ay ipinagbilin niya kay Julia na
anuman ang mangyari ay pasabihan o sulatan siya at ipadala kay Lucas.
Samantala, si Aling Juana, ina ni Julia ay naging magaan ang kalooban kay Miguel na
manliligaw ng dalaga. Si Miguel ay anak ni Tadeo na nakaririwasa sa buhay. Sagad man sa buto ang
pagtingin ni Miguel kay Julia ay di naman ito makapagtapat kaya si Tadeo ang nakipagyari kay Juana
tungkol sa mga anak nila.
Itinakda ang kasal nina Julia at Miguel nang laban sa kalooban ni Julia dahil si Tenyong at di si
Miguel ang kanyang iniibig.
Walang nagawa si Julia kundi sumang-ayon sa kagustuhan ng ina. Subalit nagawa muna
niyang magpadala ng sulat kay Tenyong sa pamamagitan ni Lucas na ipaalam ang naging kasunduan
nina Aling Juana at Tadeo.
Hinanap ni Lucas si Tenyong at nang mabasa ni Tenyong ang sulat ay laking panlulumo at galit
ang kanyang naramdaman. Sa gayong pangyayari ay binigyang lakas-loob ng Heneral si Tenyong at
22. Sino si Aling Juana?
23. Sino si Miguel?
24. Sino si Tadeo?
25. Ano ang naging kasunduan nina Juana at Tadeo?
26. Ano ang laman ng sulat na dinala ni Lucas kay Tenyong?
27. Ano ang naramdaman ni Tenyong nang Mabasa ang sulat?
28. Sino ang tumulong kay Tenyong?
Ang araw ng kasal ay dumating. Upang makahabol sa kasal ay ipinasya ng Heneral na bumaba
ng bayan. Si Tenyong ay nakahiga sa kareta, duguan at sugatan.
Ibinalita ni Lucas kay Julia na si Tenyong ay dumating na. Natuwa si Julia sapagkat naniniwala
siyang si Tenyong ang kanyang tagapagligtas. Kinausap niya si Miguel at ipinagtapat dito na si
Tenyong ang kanyang mahal.
Hindi makapayag si Julia na si Tenyong ay mamamatay na kaya di dapat iwanan. Pinatingnan
si Tenyong sa isang mediko at ipinayo ng mediko na mabuting tumawag na lang ng pari para
mapakumpisalan. Si Miguel ang tumawag ng pari. Dumating ang pari at nangumpisal si Tenyong.
Ipinahayag ni Pari Teban ang kahilingan ni Tenyong na makasal sila ni Julia bago man lang
pumanaw. Nagulat ang lahat, ngunit ipinaliwanag ng pari na sinabi ni Tenyong na maliit pa sila ni Julia
ay may salitaan na.
Pinatotohanan naman iyon ni Julia. At dahil sa paniniwalang mamamatay na si Tenyong ay
pumayag din sina Miguel at ang ama nito.
Ikinasal sina Tenyong at Julia, pagkunwari’y pagkatapos ng kasal ay humiyaw ang Heneral at
ang sabi’y:
“Bumangon ka Kapitan Tenyong, natulungan na kita”, at biglang tumayo si Tenyong. Si Miguel
na mamata-mata lamang ay walang nagawa kundi sabihin ang katagang “WALANG SUGAT” si
Tenyong.