You are on page 1of 5

Filipino 8

Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo (Q2 – W5)

Pangalan:_________________________________ Seksiyon:__________________ Iskor: _____

I.Panimula
Pamagat : Sarsuwela
Ang LAS na ito tungkol sa Sarsuwela ay may
maramihang gamit. Una, matututunan mo ang mga
kakayahang nasasalamin sa mga kasanayang nabanggit Nasasalamin natin ang kultura at mga katangian dito na
sa ibaba. Pangalawa, mas mapalalawak at mapalalakas
ang mga kaalaman na iyong natuklasan sa naunang ⚫ Mahilig sa handaan ang mga Pilipino bilang paraan ng
baitang. Panghuli, matutulungan kang mas pakikisalamuha sa kapwa.
mapahalagahan ang kulturang Pilipino at mahalin ng ⚫ Tibay ng tiwala at pagmamahal sa isang relasyon ay
mas higit pa ang iyong pagkaPilipino. hindi basta natitibag hadlangan man ng maraming
pagsubok.
II. Kasanayang Pagkatuto ⚫ Ang kasal na kung saan patunay na tayong mga
Nasusuri nang pasulat ang papel na Pilipino ay naniniwalang may Diyos at pinagpapala
ginampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng ang may basbas ng sakramentong ito.
kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang
rehiyon sa bansa.(F8PU-IIef-26) IV. Gawain /Dagliang Pagsubok
III. Kaalaman at Kaisipan
Narito ang buod ng ʺWalang Sugat.ʺ
Si Severino Reyes, o mas kilala bilang Lola Magkaharap noon sina Julia at Tenyong habang
Basyang, ay itinuturing na ama ng Sarsuwelang nagbuburda ang dalaga ng bigalang dumating ang
Tagalog. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat kaibigan nitong si Lucas na nagbalita na nadakip ang
ng dula. Nagsimulang mabasa ang mga kuwento ni Lola kanyang ama dahil napagkamalan itong isang tulisan,
Basyang noong 1925 habang siya ay punong-patnugot napatay ang ama niya na si Kapitan Inggo nais
sa Liwayway at kinailangan niyang punan ng kuwento maghiganti ni Teynong kahit labag sa sa kalooban ng
ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin. kanyang kasintahan na si Julia at inang si kapitana
Nakasulat siya ng 26 na sarsuwela. Unang inilimbag Puten ay wala silang nagawa. Nagkalayo sina Julia at
ang “Walang Sugat” noong 1898 at unang itinanghal Tenyong at habang malayo sila sa isat-isa ay may
noong 1902 sa Teatro Libertad. dumating namang manliligaw si Julia isang mayaman
na si Miguel.
Tinalakay ng sarsuwela ang pagmamalupit ng Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya
mga paring Kastila sa mga bilanggong Pilipino dahilan nagpadala ng liham si Julia kay Lucas para ipaalam na
sa kanilang pagiging makabayan. Ang sarsuwela siya ay ikakasal na ngunit di ito nasagot ni Tenyong
bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay sapagkat biglang nagkaroon ng labanan. Ibinilin na
namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng lamang ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni
Amerikano. Punong-puno ito ng pag-iibigan at Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong kaya
tunggalian. Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang
hinago ng mga Español sa opera ng Italya sapagkat magpakasal kay Miguel.
magkahalo ang diyalogong ginagamit dito - patula at Nang araw ng kasal dumating si Tenyong sa
pasalita. simbahan na duguan na anyong mamatay na pinatawag
ang kura upang makapangumpisal si Tenyong. Ang
Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at huling kahilingan ni Tenyong ay ikasal siya kay Julia,
katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya’y pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana
tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito ina ni Julia sapagkat mamatay din naman si Tenyong at
at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, makakasal din sa kanyang anak.
lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic. Ngunit biglang bumangon si Tenyong at
Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa nagsigawan ang lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat!
masayang pagwawakas, kasiyahan o nakaaaliw na Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay
tagpo. Ang tunggalian ng sarsuwela ay pahaplis at makasal kay Julia.
pahapyaw lamang. Ito ay ipinangalan sa la Zarzuela ng
Espanya.
Lagyan ng √ kung ang kaugalingan ay
Lubos itong kinagigiliwan ng mga Pilipino dahil katanggap-tanggap at X kung di-katanggap-
tayo ay likas na mahilig sa awit at sayaw. Dahil dito, tanggap.
sumikat si ‘Atang Dela Rama’ at itinagurian siyang
“Reyna ng Sarsuwela” sa Pilipinas. Unti-unting ______1. Ang pagbibigay ng alaala sa isang minamahal.
nanghina ang Sarsuwela ng dumating ang ‘bodabil’
(vaudeville) o ‘stage show’. Lalong nawalan ng manonood ______2. Ang pagpapadama ng paninibugho sa
ang teatrong musikal nang dumating ang mga pelikula. kasintahan.
Ang Sarsuwela ay nagbibigay sa atin ng tiwala ______3. Ang pagtalikod sa mga minamahal sa buhay
para mahalin ang sariling bayan at mga taong ating para
minamahal, ipinapakita ang sitwasyon ng mga Pilipino sa bayan.
sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. ______4. Pagtawag ng Pilibustero sa tao kung sumulat ay
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng Sarsuwela. maraming K.
______5. Ang pagpaparusa sa mga bilanggo sa
Mula sa Luzon, narito ang piling bahagi ng pamamagitan ng pagpalo
sarsuwelang “Paglipas ng Dilim” ni Precioso Palma ______6. Ang pagkakaisa upang maghimagsik laban sa
mga prayle.
Si Don Torcuato at ang kanyang pamilya ay may ______7. Ang paggamit ng isip sa halip na puso kapag
problemang pampinansiyal. Bilang karagdagan sa kanilang may
problemang pampinansyal, si Caridad - ang anak na babae nina Don lalaking mangingibig.
Torcuato at Donya Carmen - ay nabuntis ni Don Juanito. Kaya ______8. Ang pagpapasa-Diyos sa mga mapang-abuso.
naman, sa handaan ni Makairog, sinimulan ni Don Torcuato, Donya
Carmen, at Caridad ang kanilang plano upang hikayatin si Makairog ______9. Ang pagpili ng magulang ng mapapangasawa ng
na maging kasintahan ni Caridad. Ang kanilang plano na gawin kay anak.
Makairog na isang panakip-butas para sa pagbubuntis ni Caridad ay ______10. Pag-iisip ng paraan upang mahadlangan ang
nadiskubre. At sa wakas, ay natuloy ang pag-iibigan nina Estrella at pagpapakasal ng kasintahan.
Makairog nang sa dulo ng dula ay ipinakita ang kanilang pag-iisang
dibdib.

1
VI. Repleksiyon

V. Pagtataya Panuto : Mula sa iyong mga pagkatuto sa paksa,


tapusin ang sinimulang pangungusap upang mabuo ang
Panuto :Piliin mo sa mga sumusunod ang Batayang konsepto. 5 puntos
kultura o kaugalingang nagpapakita ng pag-ibig sa
bayan. Bilugan lamang ang Titik. Si Severino Reyes o mas kilalang ______________
ay itinuturing na ama ng ________________ . Isa siyang
A. Pagbubuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa. mahusay na deriktor at manunulat ng dula.

B. Pananatili sa Pilipinas kahit malaki ang kikitain sa


ibang bansa.

C. Pagbabayad ng buwis. VII. Sanggunian

D. Pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.

E. Pagsunod sa batas. Deped ADM-SLM Filipino 8 Quarter 2 Module 5

F. Pagtulong sa kapwa. √x√√xxx√xx


ABCDE GHI
G. Matapat na pagtupad sa tungkulin.

H. Paggalang sa watawat. Inihanda nina :

I. Pangangalaga sa mga likas na kayamanan ng bansa. BETH I. PAGENTE


MAXIMA C. REALIZA
J. Pagsunod sa mga magulang. GERALDINE N. SABANAL
Filipino 8
Ikalawang Markahan – Ikaanim na Linggo (Q2 – W6 )

Pangalan:_________________________________ Seksyon:__________________ Iskor: _____


(Ang Masining na Pagpapahayag ni Merlinda Cueto-
Cantre at Reynaldo J. Cruz)
I. Panimula
Pamagat : Sanaysay

Ang LAS na ito tungkol sa Sanaysay ay may


maramihang gamit. Ang sanaysay ay isang uri ng
panitikan na tinatalakay ang isang pangyayari upang Modelo sa kasanayang ipinaangkin ng
maibigay o mailahad ang kaukulang paliwanag sa kompetensi sa MELCs;
ikalilinaw ng paksang pinag-uusapan. Ang akdang ito ay
maaring maikli o mahaba. Iniayos na lamang ang Habang ang pandemyang corona virus (COVID-
inihayag na kuru-kuro o opinyon, damdamin at 19) ay patuloy na nakaapekto sa ating lahat, marami sa
saloobin, pag-unawa sa kaisipan at sa pananaw ng atin ang nagdurusa sa pagkawala ng isang miyembro ng
manunulat. pamilya o isang kaibigan. Ang pagkamatay ng isang
minamahal ay mahirap, ngunit malamang na gawing
II. Kasanayang Pagkatuto lalong mahirap ng pandemya ang pagkaya sa pagkawala.
Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling Parehong ang likas na katangian ng sakit na COVID-19
kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng at ang mga hakbang na kailangan upang mapigil ito ay
akdang tinalakay. (F8PS-IIg-h-28) nagbabadya ng kakaibang mga paghamon sa ating lahat.

III. Kaalaman at Kaisipan Pansariling kaisipan:


Ang mawalan sa buhay ang pinakamasakit na
May dalawang uri ang pagsulat ng Sanaysay dulot ng pandemyang ito. Ang pandemyang mabilis
kumalat kung saan higit na kalinisan at disiplina sa
1. Pormal na sanaysay – ito ang sanaysay na nabubuo sarili ang sulosyon.
sa tulong ng isinasagawang pananaliksik ng manunulat.
Ginagawa ang pananaliksik upang lalong mabigyan ng Pananaw :
bigat o lalim ang kanyang tinatalakay para sa lubusang Sinuman sa anumang edad ay maaaring
ikagaganda ng sanaysay. magkasakit. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19
ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan parang
Halimbawa: wala silang sakit. Ngayon higit na kailangan ang ibayong
Sa patuloy na paglipas ng panahon, may mga pag-iingat at pagpapalakas ng katawan
pagbabagong nagaganap lalong-lalo na sa larangan ng
sining at literatura. Ang panitikang kinagisnan natin sa
Opinyon:
Hindi namimili ang mga virus kaya’t iwasan ang
ating mga ninuno ay sagana sa iba’t ibang kulturang
mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin natin
Pilipino at kaisipang pang-atin bagamat nakalulungkot
ang may sakit. Tayo ay dapat na maging responsable sa
isipin na sa panahong ito ay unti-unti nang
lahat ng nangyayari sa ating kapaligiran. Isiping maging
kinalilimutan. Ayon sa mga eksperto ang panitikan ay
handa sa lahat ng bagay upang hindi magsisi sa huli.
ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan
Saloobin:
ng tao. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin,
Nakalulungkot isipin na lalong tumataas ang
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng
kaso ng COVID-19 sa ating mundo. Lahat ng tao ay
bayan. Ang panitikan ay nagbubunsod sa mga tao,
biktima nito, nag-aalala paminsan-minsan, at kung
nakapagpapadilat sa mata ng mga tao sa tamang
mag-iisip nang maaga, makatutulong ito sa pagbabago
katwiran at katarungan. (Mula sa tesis: Sotero, Frondozo
ng lunas upang hindi tayo gaanong mangamba. Ugaliin
Jr. (1997). Ang Masining na Pagpapahayag ni Merlinda
lamang nating maging alerto sa lahat ng bagay. Sa
CuetoCantre at Reynaldo J. Cruz
araling ito, ginagamit natin sa pagpapahayag ng sariling
kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin ang di-pormal
2. Di-pormal na Sanaysay – ito ay paglalahad na di
na pagkakasulat ng sanaysay. Gagamit ng simpleng mga
nangangahulugan ng gawaing pananaliksik bago
pananalita lamang sa pagpapahayag nito. Nailalahad
mailahad ang kaisipan. Kaswal ika nga ang paglalahad
ang sarili nilang talino batay sa iba’t ibang paksang
na animo’y nakikipag-usap lamang, simple ang
tinatalakay.
pananalitang gamit na maaari pang singitan ng mga
balbal na pananalita. Mapagpatawa minsan ang
paglalahad ngunit tulad ng pormal na sanaysay may IV. Gawain /Dagliang Pagsubok
diwang ipinahahayag. Sa uring ito, sariling talino ng
manunulat ang umiiral sa buong sanaysay. Panuto : Basahin ang buod ng Si Ama ni
Edgardo M. Reyes at ipaliwanag sa 3-5 pangungusap
Halimbawa: ang iyong sariling kaisipan tungkol dito. Isulat sa
patlang ang inyong sagot .10 puntos
TAGUMPAY
Minsan ang tagumpay ay nakalulunod, minsan
Ang "Si Ama" ni Edgardo M. Reyes ay tungkol sa
ay nakapagpapabago ng pananaw sa buhay, ng pag-
uugali. Marahil ang sanhi ay dahil di basta-basta isang tatay na kakaiba. Kakaiba dahil malayong-malayo
ang ugali niya sa mga karaniwang tatay. Siya ay isang
nakakamtan ang tagumpay.
Ama na may sariling paninindigan sa buhay gaya ng
hindi pangungutang sa ibang tao, hindi paghingi ng pera
Kung talagang gugustuhin ng tao, madaling
maabot ang tagumpay kailangan lamang ang tiyaga, o tulong sa kanyang pamilya at hindi siya nakikialam sa
buhay ng kanyang mga anak lalo na ang buhay pag-ibig
pagsisikap, determinasyon sa buhay at paniniwala sa
sariling kakayahan. Sa taong may positibong pananaw nila. Ikinuwento rin dito ang naging ligawan ni Ama at ni
Ina, kung paanong hindi nagkunwari si Ama upang
sa buhay at paniniwala sa sariling kakayahan. Sa taong
may positibong pananaw sa buhay, ang tagumpay ay di makuha ang loob ng tatay ni Ina ngunit, ipinakita niya
ang kanyang totoong pagkatao. Ito rin ay tungkol sa
malayong makamtan lalo na kung sasabayan pa ng
sipag. Maraming kilalang tao ang sa kasalukuyan ay isang Ama na may magandang kaugalian gaya ng
pagiging responsable at pagiging masipag.
matagumpay sa kani-kanilang larangan. Kung
hahalungkatin ang puno’t dulo ng kanilang buhay, ________________________________________________
________________________________________________________
madidiskubre nating nagdaan din sila sa ibayong
pakikipagsapalaran na siguradong sipag at tiyaga ang ________________________________________________________
________________________________________________________
puhunan. Ito ang bunga ng tagumpay tamis at ligaya.
________________________________________________________
_____________________________________________________

1
V. Pagtataya
VII. Sanggunian
Panuto: Bigyan ng sariling pananaw, opinyon o
saloobin ang mga kinuhang bahagi ng akda. Buuin ang
paliwanag sa 3-5 pangungusap. Isulat sa patlang ang
sagot. 10 puntos Deped ADM-SLM Filipino 8 Quarter 2 Module 6

1. “Magpundar ka ng iyong sariling negosyo. Mabuti na


‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.”
Susi sa pagwawasto
Halaw sa Kwentong
Saranggola ni Efren R. Gawain IV
Abueg

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
pagtataya
____________________________________________

VI. Repleksiyon

Panuto : Isulat sa patlang ang iyong mga


natutuhan at naramdamanMula sa iyong mga pagkatuto
.5 puntos.
________________________________________________________
Inihanda nina :
________________________________________________________
___________________________________________
BETH I. PAGENTE
MAXIMA C. REALIZA
GERALDINE N. SABANAL

You might also like