You are on page 1of 8

PAGSUSURI SA TULA

PAMAGAT: KABATAAN: ISANG PAGTATANONG ni C.C. Marquez, Jr.

TALASALITAAN (Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod;

a. manghilakbot- mapaurong sa takot, masiraan ng loob, matakot, mawalan ng loob,


mahintakutan

b. sikangan- isang bagay na pang-kalso, pang-ansal; biga o haligi sa bahay, isang bagay na
pipigil para sumara ang bibig.

- busalan ang bibig; takpan ng anumang bagay para tumahimik

c. talamak- seryoso, mahirap, mahirap lunasan

d. malalansag sumisikil- grupo ng mg anagproprotesta o mga lumalaban kontra sa mga opisyal


na polisiya

e. dahas- karahasan, pagiging marahas, kalupitan, pagiging mabagsik/mabangis, paggamit ng


sapilitang lakas

f. nalalagom- nakakamit o nasasakop, naiimpluwensyahan

Buod: Sa unang parte ng tula, nilahad ng nagsulat ay unti-unti nang nababago ang ating kultura,
kilos at damdamin dahil sa impluwensya ng mga dayuhan na sumakop sa ating bansa. Lalo na
ang kabataan na ang sinasabing pag-asa ng bayan ni Dr. Jose Rizal. Tinatanong rin rito kung
hangad nga ba ang kalayaan idadaan na naman ito sa gulo at dahas. Hindi na matukoy ng
nagsulat kung saan nga ba hahantong ang ganitong sitwasyon sa ating henerasyon.

Unti-unti nang nawawala ang pagpapahalaga sa ating mga sariling kakayahan at ito’y
napapalitan na dahil sa paglagom g mga dayuhan. Ika ng ani Jose Rizal, “Kabataan ang pag-asa
ng bayan” ngunit hindi naman ata ito matutupad. Mas hinahangad pa ng mga Pilipino na maging
kamukha at kagaya ang mga dayuhan galing sa ibang bansa. Imbes na manood ng zarzuela,
pagtula, panghaharana at iba pang mga tradisyong pang-Pilipino, mas tinatangkilik pa natin ang
mga programa sa ibang bansa at paggaya sa disco, rock, boogie at iba pa. Kaya idiniin ng
manunulat na imulat natin ang ating mga mata dahil unti-unti nang nakukuha ng mga dayuhan
ang loob ng ating mga kababayan.

Maski ang pag-uusap ng mga magulang at anak sa mga ganitong problema, hindi
naisasagawa. Kaya paano malulutas ang mga suliraning ito kung hindi naman magpa-usapan?
Hindi lang mga pamilya ang mawawasak kundi pati na rin ang bansang kinagisnan. Sa huling
parte, ipinahayag ditto na dapat pahalagahan ang ating kultura’t tradisyon at huwag
magpalinlang sa mga dayuhan upang mas tumatag ang ating pagkaPilipino.

Pinapaksa: Ang paksang ipinapakita sa tulang ito ay ang pagiging pabaya ng ibang mga
Pilipino, lalo na ang mga kabataan, sa pagpapahalaga sa sariling lahi at kultura. Naipahayag dito
ang pag-impluwensya ng mga dayuhang nagpapanggap na turista sa kahit anong aspeto ng
pamumuhay ng mga Pilipino.

Kaugnayan sa Lipunan: Ipinapakita rito ang mga dahilan upang ang mga Pilipino dapat ang
magbuklod buklod upang mas patatagin ang ating pagpapahalaga sa kultura’t tradisyon.
Nagsisilbi itong gabay sa lipunan na huwag magpapalinlang sa mga dayuhan dahil tayo ay nasa
isang bansa. Mayroon tayong isang diwa na rason ng ating pagbibigkis.

Kakaibang katangian: Ang kakaibang katangian nito ay mayroon itong magandang paraan ng
pagpapahayag ng impormasyon at panghihikayat. Hindi lang ito dahil sa pagkakaroon ng temang
imperyalismo kundi dahil na rin sa pagiging linaw nito sa pagbibigay importansya sa sariling atin
ang pagkaroon ng nasyonalismo sa bawat Pilipino.

Panahong Kinabibilangan: Ang panahong kinabibilangan ay maaaring noong panahon ng


rebolusyon, imperyalismo at mas lalo na sa henerasyon ngayong ika-21 na siglo.

Mensahe: Ang mensaheng pinaparating ng tulang ito ay dapat nating pahalagahan ang ating
kultura, tradisyon, lahi at kahit na anong sariling atin at kakayahan. Hindi dapat tayo, mga
kabataan, magpalinlang at pumayag na maimpluwensyahan tayo ng mga dayuhan. Dapat tayo
ang nangunguna lalo na sa henerasyon natin ngayon. Unti-unti nating ibalik ang mga
nakasanayan dahil mas maganda pa ring gamitin ang mga tradisyon ng bansa natin. Pahalagahan
natin ito dahil ito ang ating pagkakakilanlan.

Pagpapahalaga: Lubos na mahalaga ang tulang ito dahil nagsisilbi itong eye-opener sa ating
mga Pilipino laban sa mga impluwensya ng mga dayuhan. Lalo na sa ating kabataan na
nahuhumaling sa ibang gawain, pananalita at kultura ng ibang bansa. Nagsisilbi din itong gabay
upang magkaroon tayo ng nasyonalismo dahil ito na ang pinakakailangan natin upang mailigtas
ag ating bansa sa mga dayuhan. Dahil dito, naidiin din na dapat tayo mismo ang nagtutulungan
hindi lang sa pamilya, kundi pati na rin sa bansa.

B. TALAKAYIN

1. Anu-ano ang hilig ng ating kabataan sa kasalukuyan. Isa na ba kayo sa napapabilang dito?

Ang pinakahilig ng mga kabataan sa kasalukuyan ay ang paggamit ng social media. Ayon
nga sa isang gumagawa ng podcasts, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng
gumagamit ng social media lalo na ang Facebook at Tiktok. Dahil dito, unti-unti nang nag-iiba
ang mga nakaugalian ng mga Pilipino. Kung noon, nakakapaglaro pa ang mga bata sa kalsada,
ngayon, mas gusto na ilang maglaro ng online games, gumamit ng social media, o sa simpleng
salita, gumamit ng cellphone. Umiikot na ang mundo ng mga kabataan ngayon sa mga produkto
ng teknolohiya. At isa na din ako sa mga napapabilang na gumagamit nito dahil kadalasan, ito ay
talagang kailangan na sa ting buhay lalo na ngayon, halos lahat ng bagay ay naidadaan sa online.
Samantala, pagdating naman sa social media, gumagamit din ako nito ngunit nililimitahan ko
ang aking sarili dahil minsan, hadlang lang ito sa aking pag-aaral. Ngunit, nakadepende naman
yan sa tao. Ang tanging magandang dulot lang nito sa atin ay saka lang natin makikita kung
ginamit natin ito ng tama.

2. Sino ang sinasagisag ng salitang Ako, Ikaw, kayo, sila? Ipaliwanag.

Ang tinutukoy ng salitang Ako, Ikaw, Kayo, Sila ay ang mga kabataang Pilipino o lahat
ng Pilipino. Aminado tayong lahat na tayo ay madaling maimpluwensyahan ng ibang tao lalo na
ang mga galing sa ibang bansa. Tayo ang tinutukoy riyan dahil tayo dapat ang paalalahanan
upang maayos na suliraning ito at hindi na magdusa pa ang mga susunod na henerasyon. Tayo
dapat ang malinawan at magkaroon ng kaalaman sa mga apekto nito lalo na sa ating bansa
mismo. Tayo ang mas nangangailangan ng pag-unawa ukol sa mga bagay na ganito dahil tayo
ang pinakanahuhumaling sa mga gawain at ugali ng mga dayuhang nagpapanggap na turista.

3. Bigyan ng sariling kuru-kuro ang pagbasa ng tula.

Ang pagbasa ng tula ay napakahalaga lalo na sa ngayon na hindi na ito napapahalagahan.


Halos lahat ng dapat nating matutunan ay nakapaloob sa mga tula ng mga sikat na manunulat.
Ang pagbasa ng tula ang maaaring maging daan upang tayo ay mamulat sa mga nangyayari sa
ating kapiligiran. Hindi lang sa mga pangyayari sa ating kapaligiran, maaari rin itong maging
gabay natin sa pangaraw-araw na pamumuhay.
PAGSUSURI SA DULA

WALANG SUGAT ni Severino Reyes

Mga Tauhan:

Tenyong- kasintahan ni Julia, anak ni Kapitan Inggo at Kapitana Putin

Julia- kasintahan ni Tenyong

Juana- tiyahin ni Tenyong

Lukas- alalay/kanang kamay ni Tenyong

Monica- alalay ni Julia

Relihiyoso 1.0 &2.0- mga malulupit na Kastilang frayle o mga nagpapakalat ng


Katolisismo

Marcelo- isang alkalde o punong-bayan

Tadeo- tatay ni Miguel

P. Teban- isang pari

Kapitan Inggo- tatay ni Tenyong at asawa ni Kapitana Putin, namatay dahil sa kalupitan
ng mga prayle

Kapitana Putin- in ani Tenyong

Miguel- isang mayamang ilustrado na ipakakasal kay Julia

Panahon: Panahon ng Rebolusyon noong 1896 at ngayon

Tagpuan:

Sa isang maliit na bayan

Tanggapan ng bahay ni Julia o bahay ni Julia

Bilangguan sa Bulakan at patyo ng Gobyerno


Pinapaksa: Ang dulang ito ay tungkol sa pagkawala ng hustisya sa pamamahala ng mga
Kastilang prayle at ng pagmamahalan at mga pagsubok na mararanasan nina Tenyong at Julia.
Pinapakita din ito ang imperyalismo.

Kaugnayan sa Lipunan: Ang dulang ito ay nagpapakita ng nasyonalismo sa mga panahong


Kastila pa ang namumuno sa atin. Nagpapakita ito ng pagsasakripisyo para sa bansa laban sa
mga sumasakop ng ating bansa. Bukod pa diyan, naipakita rito ang kahalagahan ng hindi
pagtanggap sa mga sugat na idinudulot ng ibang tao sa atin.

Kakaibang katangian: Isang bagay na kakaiba sa dulang ito ay ang pagkakaroon ng temang
may pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at kontradiksyon ng bawat
indibidwal sa pamilya.

Panahong Kinabibilangan: Ang panahong kinabibilangan nito ay noong Panahon ng


Rebolusyon ng ika-19 na siglo.

Tunggalian: Ang labanang naganap sa dulang ito ay sa pagitan ng mga Katipunero at mga
Kastila. Nagsimula ito dahil sa mga pagmamalupit ng mga prayle sa mga Pilipino na ikinamatay
pa ng karamihan. Samantala, nagkaroon din ng labanan sa pagitan nina Miguel at Tenyong sa
kanilang pag-ibig kay Julia kahit hindi sila nagkaroon ng literal na labanan.

BUOD:

Si Julia ay nagbuburda ng isang panyo sa tanggapan ng kanilang bahay. Nadatnan siya ni


Tenyong, ang kaniyang kasintahan na ganoon ang ayos. Ngunit, ayaw ipakita ni Julia ang
kanyang ginagawa ngunit nakita ni Tenyong ang mga letra ng kanyang pangalan sa panyo.
Nakasaad dito ang ANF (Antonio Narcisso Flores), ngunit itinanggi ito ni Julia at sinabing ito ay
Among na Frayle. Dahil dyan, si Tenyong ay nagalit at gustong sunugin ang panyo. Inamin ni
Julia na para nga ito kay Tenyong at sila’y nagsumpaan ng kanilang pagmamahalan. Ngunit
pagkatapos, biglang dumating si Lukas, ang alalay ni Tenyong, na nagsasabing dinakip ang tatay
ni Tenyong dahil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde. Lahat ng mga pamilya at kaibigan ng mga
inaresto at nagtipon tipon upang maghanda sa pagbisita sa bilangguan at upang magbigay ng
pagkain.
Habang sa bilangguan, inutusan ng mga Relihiyoso o mga kastilang frayle si Marcelo na
paluin at saktan pa ang mga nakakulong. Marami na ang namatay at nagaagaw-buhay dahil dito.
Isa na doon si Kapitan Inggo, ang ama ni Tenyong. Sinabi ng punong frayle na papakawalan na
si Kapitan Inggo kay Kapitana Putin at pakawalan na rin ang mga ibang ibinilanggo. Ngunit ang
totoo, ipapapatay niya ang ibang mga Pilipino lalo na ang mga mayayaman at edukado.
Pagkatapos ay inilabas si Kapitan Inggo ngunit namatay ito. Dahil dito, isinumpa na Tenyong na
ipaghihiganti niya ang kaniyang ama kaya sumali siya sa grupo ng mga rebelde. Pinigilan siya ni
Julia sa una pero sa huli, pumayag din ito at muling nagsumpaan na mamahalin nila ng isa’t-isa
habang buhay.

Nalaman ni Julia sa kaniyang ina na ipakakasal siya nito kay Miguel, and anak ni Tadeo.
Ngunit ayaw ni Julia. Lingid sa kaalaman ng kaniyang ina na hinihintay ni Julia si Tenyong na
bumalik. Sa kabilang banda, si Lukas at Monica, ang alalay ni Tenyong at Julia, ay nagsimulang
mag-ibigan. Pagkatapos ng ilang araw, bumisita sina Miguel sa bahay nina Julia para pag-usapan
ang kasal na magaganap sa pagitan nila. Hindi maipahayag ng mabuti ni Miguel ang kaniyang
pagmamahal kay Julia.

Samantala, nagpadala ng sulat si Julia sa pamamagitan ng pagpunta ni Lukas sa kuta ng


mga katipunero o rebelde. Nalaman lahat ni Tenyong maski ang pagpapakasal ni Julia kay
Miguel. Nalungkot ito hanggang sa nagsimula na ang labanan laban sa mga Kastila. Wala nang
nakuhang sagot si Julia sa kaniyang sulat. Napilitang pumayag si Julia sa kasal para lamang sa
kaniyang ina at akala niya ay patay na si Tenyong. Pagdating ng araw ng kanilang kasal,
dumating si Lukas na nagsasabing nakita nito si Tenyong ngunit ito na ay nag-aagaw buhay.
Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal. Nagkita muli si Julia at Tenyong at dahil sa muling
pagtagpo nila, hiniling ni Tenyong na ikasal kay Julia bago ito mamatay at kapag ito ay namatay,
pwede nang pakasalan ni Julia si Miguel. Kinasal ang dalawa ng paring Kastila, ngunit
pagkatapos nito, lahat ay napasigaw at namangha nang biglang tumayo si Tenyong. Napasigaw
ang mga ito ng “Walang sugat!”.

Mensahe: Ang mensahe ng dulang ito ay tungkol sa mga sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng
mga dayuhan. Pinapahayag ng dulang ito na dapat ipaglaban ang ating bayan at kababayan laban
sa mga nang-aapi. Ipinapakita din dito ang tunay at matinding pagmamahalan nina Tenyong at
Julia. Pinapahayag nito na kahit anumang balakid at paghihirap ang maranasan ng dalawang
nagmamahalan, sa huli, mas mananaig parin ang kanilang pagmamahal at pagiging tapat sa isa’t-
isa. Dito magagamit ang kasabihang “Kung kayo, kayo talaga”.

Pagpapahalaga: Ang dulang ito ay napakahalaga lalo na nung mga panahong iyon dahil
nagpapakita ito ng nasyonalismo. Minumulat nito ang mga mata ng Pilipino na labanan ang mga
sumakop sa atin at pahalagahan ang ating bansa. Ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga
mambabasa lalo na sa mga Pilipino na ang wagas na pag-ibig ay hindi mahahadlangan ng
anumang paghihirap at problema sapagkat hindi mapapantayan ng anumang bagay ang pag-
iibigan.

Dulog: Ang maaaring dulog sa dulang ito ay dapat pinaintindi ni Julia sa kaniyang ina na
hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Ipinaalam sana nito ang kaniyang totoong
nararamdaman at tinanggihan si Miguel ng may respeto. Kung ganyan ang nangyari, hindi na
malulungkot pa ang magkasintahan habang sila ay magkalayo.

You might also like