You are on page 1of 4

Jazzmin Rae L.

Barba
KAHAPON, NGAYON AT BUKAS
Nagsimula ang kwento sa isang pagdiriwang na nagaganap sa isang
bakurang may sagingan at mga halaman sa tabi. Ang kasiyahan ay binubuo ng mga
taong bayan na pinapangunahan ni Asalhayop. Nandyan ang mga lalaking Pilipino
at ang mga Masunurin na mga babaeng Pilipina. Ang lahat ay nagkakasiyahan, nagiinuman at nagsasayawan na siyang naging paraan upang limutin ang kalumbayan.
Ngunit sa gitna ng kanilang kasiyahan ay biglang dumating si Inangbayan na naguumapaw sa galit ng kanyang madatnan ang mga walang pakealam na mga taong
bayan. Sa kabila ng kanyang himukmok ay nanatili paring bingi at sarado ang
kanilang mga tenga at patuloy na nilalamon ng pagkalimot sa kahapon. Labis pang
nasaktan ang Inangbayan nang wala ni isa sa kanyang mga anak ang handang
kumampi sa kanya. Nang dahil dito, nagkaroon ng sagutan sa pagitan nila
Inangbayan at Asalhayop. Ipinakita ni Inangbayan sa lahat ng tao ang mga libingan
ng mga ninuno at kanilang mga magulang upang maging paalala sa lahat ang
naging mga sakripisyo nito. Dito napagtanto ni Tagailog ang kanilang kamalian at
nagbalak na magkaroon ng digmaan laban sa Haringbata.
Si Asalhayop na nanatiling taksil at bulag sa kayamanan ay isiniwalat ang
plano kay Haringbata kapalit ng salapi at tsapang tanso. Sa paniniwalang mas
mahalaga ang mga salapi kaysa sa kalayaan ay isinagawa niya ang kanyang
planong lokohin ang bayan. Hinanap niya si Tagailog upang alamin ang bawat
detalye ng kanilang paghihimagsik nang sa gayon ay maipag-bigay alam niya ito
kay Haringbata ngunit hindi nagtagumpay si Asalhayop sa kadahilanang napigilan
ito ni Inangbayan. Ang kalapastangang nagawa ni Asalhayop ay hindi matanggaptanggap ni Tagailog kaya iniutos niyang patayin ito.
Nagpatuloy ang paghihimagsik at paghahangad ng kalayaan kaya sa huli ay
napatay ni Tagailog si Haringbata. Tagumpay ang naging bunga ng kanilang
pinaglalaban. Dito biglang dumating si Dilat na bulag at si Matanglawin. Sa
pagkakataong ito ay nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nina Tagailog at Dilat na
bulag na nagsabi na ipagtatanggol ang bayan sa lahat ng ligalig at pagkakaalipin.

Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ay isinulat ni Aurelio Tolentino.


Noong Ika-14 ng Mayo taong 1903 ay ipinalabas ito sa entablado sa
Manila's Teatro Libertad. Ang dulang ito ay isinagawa laban sa mga bagong
mananakop na mga Amerikano. Ang dulang ito ay sumasalamin sa
paghangad ng kalayaan ng mga Pilipino. Base sa aking nabasa, may isang
pangyayari sa dula kung saan itinapon ang watawat ng Amerika sa lupa at
tinapak tapakan hanggang mapunit sabay sigaw ng Long live Freedom!
Long live the Motherland! na nakita naman ng ibang Amerikanong nanood.
Dahil dito ay ikinulong siya sa pangalawang pagkakataon. Ngunit masasabi

kong isa si Aurelio Tolentino sa mga lumaban at nagtanggol ng ating


kalayaan sa pamamagitan ng masinig na pamamaraan ng digmaan.

Dula
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang
dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula
sa pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag
na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang
tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at
batay sa isang iskrip.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Ang dula ay mayroon ding sangkap.Ito ay simula, gitna, at wakas.
Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at angkasukdulan. Wakas matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

[baguhin]Sangkap ng dula
Tagpuan panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula
Tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa
dula
Sulyap sa suliranin bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

Saglit na kasiglahan saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning


nararanasan
Tunggalian ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban
sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit
sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
Kasukdulan climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o
kayay sa pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian
Kalutasan sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin
at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin
at tunggalian sa panig ng mga manonood

[baguhin]Elemento ng Dula
Iskrip o nakasulat na dula ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang
iskrip
Gumaganap o aktor ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng ibat
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang
dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
Tagadirehe o direktor ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin
ng dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood

Eksena at tagpo

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang


ang tagpo namay ang pagpapalit o ang ibat ibang tagpuan na pinangyarihan ng
mga pangyayari sa dula.

You might also like