You are on page 1of 2

Del Rosario, Genavel V.

Activity 9

Dalagang Bukid

Dalagang Bukid by Hermones Ilagan at Leon Ignacio

https://www.youtube.com/watch?v=P2iPV4zQ5fY&t=638s

Mga Nagsiganap

 Angelita – Noemi Manikan-Gomez


 Cipriano – Pablo Molina
 Don Silvestre – Lou Veloso
 Jacoba (Kobang) – Cynthia Patag
 Paco – Gamaliel Viray
 Maria (Nora Biang) – Aida Gamboa
 Sabas – Emig Tagle
 Parlong – Dante Balois

Buod

Ang Dalagang Bukid ay isang Sarswela na isinulat ni Hermogenes E. Ilagan na tinaguriang Ama
ng Zarzuelang Tagalog. Ito ay paksa tungkol sa pag-iibigan, pag-ibig laban sa kahit anong pag
subok. Kung papanoorin ay mukhang katatawanan ngunit kung iintindihan ang bawat mensahe
ng nagsipag ganap ay binibigyang diin dito ang kahalagahan ng pag-ibig, pag-ibig na hindi
matutumbasan ng kahit anong ginto at salapi.

Ang palabas ay pinag pinag bidahan nina Angelita at Cipriano pati na rin si Don Silvestre na
sumubok sa kanilang pagmamahalan.

Sa Act. 1 ay pinakilala ang bawat magsisipag ganap at iba’t ibang kaganapan sa kanilang lugar.
Sa Act 2. Ay talagang makikita na ang pag-iibigan ni Angelita at Cipriano pati na rin ang kwento
nina Kobang, Paco at Parlong. At sa huling Act. ay makikita kung papaano pinili ni Angelita ang
maging Reyna sa pag-ibig na tapat at malinis ni Cipriano kaysa tanggapin ang korona ng
mapandaya’t mapanakot na si Don Silvestre.

Reaksyon sa Teknikal at Nilalaman ng Istorya

Masasabi kong mahusay at puno ng aral ang nasabing Istorya.


Nag simula sila sa pagpapakilala ng kanilang ipapalabas na dalagang bukid. Nag bigay ng
pambungad na salita si Noemi Manikan-Gomez na gumanap bilang Angelita kung saan sinabi
niya ang kahalagahan at dahilan ng pag sasagawa nilang muli ng Dalaagang Bukid, ito ay upang
bigyang buhay muli ang istorya at ang Sarswela.

Binanggit niya rin ang pag-iba nila ng mga salitang gagamitin upang makasabay ito sa mga taong
manonood na talaga namang malaking tulong sapagkat bilang manonood aking naintindihan
ang kanilang mga salitang ginamit kahit na ang iba ay may pagka malalim na na salita. Ang
paggamit nila ng mga musika at sa pag-awit ng mga gumanap ay maayos rin.

Maraming aral ang kwento lalo na tungkol sa pag-ibig. Nag banggit pa si Don Silvestre ng
Salawikain raw na “ang pag-aasawa ay di biro, hindi kanin na isusubo at iluluha pag napaso”.
Si Cipriano naman na nagsabing “hindi kailangan kumapit sa patalim para makamit ang
mithiin” at si Angelita na nag iwan ng marami ring aral at salita at isa rito ang bago mo gawin
ang isang bagay ay iyo muna itong isipin ng pitong beses, pati na rin na ang hanap niya sa isang
lalaki ay ang lalaking may tapat na loob at pag-ibig sa Diyos.

You might also like