You are on page 1of 6

PAGSUSURI SA

PELIKULA
I. TUNGKOL SA PELIKULA
a. Pamagat ng Pelikula – Isulat ang pamagat ng pelikulang
susuriin.
b. Pangalan ng Direktor – isulat ang pangalan ng direktor.
c. Mga Tauhan – isulat ang lahat ng tauhan sa pelikula at
ano ang kanilang ginagampanan na papel sa pelikula.
d. Tema ng Pelikula – isulat kung tungkol saan ang pelikula.
e. Buod ng Pelikula – isulat ang mahahalagang pangyayari
sa pelikula.
II. ASPEKTONG TEKNIKAL
a. Musika – bigyan ng puna ang musikang ginamit sa pelikula kung ito ba ay angkop na
ginamit sa bawat senaryo ng pelikula
b. Sinematograpiya – isang elemento ng pelikula na tumutukoy sa wastong pagkuha ng anggulo
sa isang pangyayari o eksena sa isang pelikula upang maipakita ng maayos sa mga
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng
kamera. 
c. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kwento ay isang paraan ng pagbubuod, kung saan mahalaga ang kasanayan sa pagkuha ng
mga  pangunahing kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa kwento. 
d. Pagganap ng mga Artista - ay ang gawain o pagkilos na isinasagawa ng isang aktor o ng
isang aktres, na mga taong nasa larangan ng teatro, telebisyon, pelikula, o anumang iba pang
mga midya ng pagkukuwento at nagsasalaysay ng kuwento sa pamamagitan ng paglalarawan
o ng isang tauhan at, sa pangkaraniwan, ay nagsasalita o umaawit ng nakasulat na teksto
o dula. 
e. Tagpuan - tawag sa lugar na pinangyarihan ng isang kwento o pinagtatagpo ang mga tauhan.
Ito ay mahalang elemento upang makagawa ng isang epektibong kwento na tiyak na
III. Kahalagahang Pantao
a. Teoryang Pampanitikan – isulat kung anong mga teorya ang nakikita sa pelikula.
b. Mga Bisang Pampanitikan- may apat na uri ng bisa sa panitikan:
1. Bisa sa Pandamdamin
-tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa
ang akda.
-Sinasabing ang bisang ito ang siyang pinakamahalagang katangian ng isang akdang
pampanitikanm Ginigising ng isang akda ang damdamin ng mambabasa kung ang damdamin din
ng mga tauhan o ng may-akda ay malinaw na naipahahayag sa mga pandamdam, sa guniguni at
sa puso ng mambabasa.
2. Bisa sa Pangkaasalan
-tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga pangyayaring
naganap sa binasa.
-Ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito
upang magbigay-aral at humubog ng katauhan.
3. Bisa sa Pangkaisipan
-may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang
nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.
-ito ang unang dapat taglayin ng isang akda. Katangian itong taglay na nagbubunsod sa
mambabasa na mag-isip upang yumaman at umunlad ang kanyang diwa o isipan.
4. Bisa sa Panlipunan
-Ang bisa naman ng akda sa lipunan na nais iparating ng may akda ay ang kaayusan ng trato sa
kapwa nating tao at pagbigay respeto bilang tao. Mahirap man o mayaman, kailangan parin
bigyang respeto ang bawat isa. Ang pantay na pagtingin sa bawat isa ang nais iparating ng
akdang ito para sa lipunan.Magkakaroon ng magandang epekto hindi lang pang ekonomiya kung
ang asal na ito ay pagbubungahin ng bawat mamamayang pilipino kundi para na rin sa ikaaayos
at ikatatahimik ng lugar.
C. Reaksyon - Ang reaksyon ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat,
pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya matapos makita,malaman, marinig o mapanood ang
isang bagay na may halaga.
I. Tungkol sa Pelikula
a. Pamagat ng Pelikula
b. Pangalan ng Direktor FORMAT SA PAGSUSURI NG
PELIKULA
c. Mga Tauhan
d. Tema ng Pelikula
e. Buod ng Pelikula
II. Aspektong Teknikal
f. Musika
g. Sinematograpiya
h. Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari
i. Pagganap ng mga artista
j. Tagpuan
III. Kahalagahang Pantao
k. Teoryang Pampanitikan
l. Mga Bisang Pampanitikan
m. Reaksyon

You might also like