You are on page 1of 18

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Mitolohiya: Sina Thor at Loki
sa Lupain ng mga Higante
https://youtu.be/PP6ZlrPxwH8

Kagawaran ng Edukasyon.Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


para sa araling Mitolohiya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay handang tumulong ng mag-aa
upang matulungang makamit ng mga-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa mag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


Mitolohiya !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Para sa magulang

Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng ating mga mag-aaral.
Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong
tahanan.
Ang modyul 1 ay hinati sa limang aralin gaya ng nakasaad sa ibaba.
 Aralin 1 – Mitolohiya: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
 Aralin 2 – Kolokasyon
 Aralin 3 – Pagsusuri ng Mitolohiyang Napanood:Thor
 Aralin 4 – Pokus ng Pandiwa:Tagaganap at Layon
 Aralin 5.- Lingguhang Pangwakas na Pagtataya
Mga Kompetensing Lilinangin sa Modyul
1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan. ( F10PN-IIa-b-71 )
2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ngibang kahulugan (kolokasyon)
(F10PT-IIa-b-71)
3. Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood (F10PD-IIa-b-69)
mitolohiyang Pilipino (F10WG-IIa-b-66)

2
Tuklasin
Alam mo ba na…
Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng
tradisyong oral?
Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na nangangahulugang “kuwento”.
Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o
bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang
mitolohiya nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang
tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng linaw ang mga kababalaghang pangyayari
at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom,
pagbaha, at kamatayan.
Bakit mahalaga ang mitolohiya?
Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na
pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito
ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng
sangkatauhan. Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil sa ibat-ibang kadahilanan subalit ang ilan sa
pinakamagandang dahilan ng pagbabasa sa mga ito ay upang tayo ay maaliw sa magandang kuwento,
mamangha sa taglay nitong hiwaga, matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa
ang imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa pangkaraniwan.
Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?
1. Tauhan. Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan mga karaniwang tauhan sa komunidad
2. Tagpuan. May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon.
3. Banghay. Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa
sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon o tunggalian
b. maaaring tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari
c. nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap
sa araw, buwan at daigdig
4. Tema. Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:
a. magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay

(Ang larawang ito ay sariling kuha ng may-akda)

3
Panuto: Basahin at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakalikha ng mundo.
Paano Nagkaanyo ang Mundo?
Si Odin kasama ng dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang paslangin ang higanteng si Ymir.
Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante. Lumikha sila ng isang mundo mula
sa katawan nito at iba pang bagay mula sa ibat- ibang parte ng katawan nito.
Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula sa katawan ng higante.
Lumikha sila ng kalupaan at mga bundok mula sa laman at ilang buto nito. Ginamit nila ang dugo nito upang
makalikha ng karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing
mga graba at hanggahan. Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na duwende
sa apat na sulok nito.
Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. Ginamit nila ang
kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan na magprotekta upang hindi makapasok dito ang mga higante.
Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap. Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala
sa Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang
nagsisilbing mga bituin, araw at buwan.
Ang maitim subalit napakagandang anak na babae ng isang higante na si Gabi ay nagkaroon ng
anak na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya itong Araw. Binigyan ng mga diyos sina Gabi at Araw ng
kani-kanilang karwahe at kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni
Gabi ay nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay naglagay ang mga diyos
ng bagay sa mga paa ng kabayo nito upang hindi ito masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa
silangang bahagi ng Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng
isang lobo.
Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan. Ang magkapatid na
ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng araw.
Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga ito ay naninirahan sa
mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal, pilak, tanso at ginto sa mga diyos. Lumikha
din sina Odin ng iba pang mga nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na tinatawag na
Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo
ng mundo.

Suriin

Ngayong tapos mo nang pag-aralan ang mga elemento ng mitolohiya at kahulugan nito marahil ay
handa ka nang magpapatuloy sa ating talakayan.
Ayon sa aklat ni Marasigan na “Pinagyamang Pluma 10”, Ang salitang mito kung saan hinango ang
salitang mitolohiya ay mula sa salitang Griyegong mythos na unang nangangahulugang “talumpati” subalit
sa katagalan ay nangangahulugang “pabula” o “alamat”. Ang mitolohiya ay mga sinaunang kuwentong may
kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng tauhang karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang mortal.
Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay–liwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag. Sa mitolohiya
kitang-kita ang pagiging likhang isip lamang ng mga kababalaghang taglay nito.
Kapag binanggit ang salitang mitolohiya agad pumapasok sa isipan ng mga tao ang mitolohiyang
Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong mundo. Gayunpaman marapat ding malaman na
mayroon ding koleksyon ng mitolohiya ang iba’t ibang lahi sa mundo.

4
Ang atin mang bansang Pilipinas ay mayroon ding mitolohiyang taglay. Tulad ng mitolohiya ng ibang
lahi, ang ating mitolohiya ay mayroon ding diyos at diyosa tulad ni Bathala, ang pinakamakapangyrihang
diyos; si Idionale ang diyos ng mabuting pagsasaka, si Tala, diyosa ng pang-umagang bituin at iba pa.

Tagpuan. Sa tauhan nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan.


Nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang
pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa kasalukuyan. Nasasalamin ang sinaunang lugar
at kalagayan ng bansa kung saan ito umusbong at may kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan,
kabundukan at iba pa.

Banghay. Ang banghay ay naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari, pakikipagsapalaran ng


isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa. Ito ay nag papaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan
ng mga tao sa bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at sa kasalukuyan. Sa element ring ito makikita
ang sunod-sunod na kaganapan at pangyayari at ditto rin masusuri ang pagiging makatotohanan o di-
makatotohanan ng akda.
Tauhan. Ang mga tauhan ng mitolohiya ay mga diyos o diyosa, makulay at
puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan, may taglay na kapangyarihan at
lahat ay kanilang magagawa.
Tema. Naglalahad at nagpapaliwanag sa natural na mga pangyayari at ng
ugali ng tao, mga kahinaan at kalakasan ng tauhan at mga aral sa buhay

Pagyamanin
Panuto: Basahin ang sumusunod na mito.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


Ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Mga Tauhan:
Diyos:
Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan
Higante:
Skrymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki – hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga Tao:
Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka
Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante ay kalaban ng mga diyos sa Norse.
Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka na may dalawang anak isang
lalaki at isang babae. Kinatay ni Thor ang dala nitong kambing para sa kanilang hapunan. Nagalit si Thor sa
magsasaka nang hindi sinunod nito ang kanyang iniutos na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito kaya
ginawa niyang alipin ang dalawang anak na sina Thjalfi at Roskva bilang kapalit. Naglakbay sila hanggang sa makita
ang natutulog na si Skrymir, isang uri ng higante. Umiinit ang ulo ni Thor pag natutulog si Skrymir at naghihilik nang
malakas kaya pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo ni Skymir upang ito ay magising, ngunit akala ni Skrymir ay
may nalaglag lamang na dahon sa kanyang ulo.

Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Bago sila umalis ay binigyan sila
ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.

Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor.Ginamit nina Thor at mga kasamahan
ang kanilang galing at lakas. Si Loki ay may kakayahang pinakamabilis sa pagkain. Naglaban sila ni Logi sa pabilisan
ng pagkain ngunit siya ay natalo. Pabilisan sa pagtakbo naman ang sinalihan ni Thjalfi laban sa batang si Hugi. Inulit
ng tatlong beses ang labanan ngunit hindi talaga inabutan ni Thjalfi ang batang si Hugi. Sumabak naman si Thor sa
pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman

5
ng mga panauhin. Sa tatlong pagkakataon ay hindi naubos ni Thor ang laman ng tambuli. Nagalit si Thor nang matalo
siya sa paligsahang ito. Isang laro pa ang sinubukan ni Thor upang masubok ang kanyang lakas, ang buhatin sa lupa
ang pusa ni Utgaro-Loki. Hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang kanyang lakas
ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. Lalong nagalit si Thor nang matalo sa labanang ito. Hinamon ulit
niya si Utgaro-Loki kaya itinapat ni Utgaro ang kanyang inang si Elli sa labanang wrestling.Tulad ng mga nagdaang
laban, natalo pa rin si Thor.

Ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor na nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki, ginamitan sila nito ng mahika upang sila
ay talunin dahil alam ng hari ng higante na walang kapantay ang lakas ni Thor at ayaw nito na may makatalo sa
kanyang lakas.

Gawain 1.

Panuto: Upang lubusan mong maunawaan ang kuwento sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Saan naglakbay sina Thor at Loki?
2. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito? Pinarusahan ba sila ni
Thor? Paano?
3. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sa galit niya ay hinahampas niya
ng maso si Skrymir?
4. Ilahad ang naging resulta sa paligsahang nilahukan nina Thor at mga kasamahan nito.
5. May ipinagtapat si Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na. Ilahad ang pangunahing paksa at
ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan

Isagawa
Gawain 3
Panuto: Iugnay ang mahalagang kaisipan sa mitolohiyang binasa sa sariling karanasan.
1. Kung ikaw si Thor, ano ang iyong mararamdaman kung malaman mong
natalo ka sa paligsahan dahil sa pandaraya?
2. Pumili ng isang bahagi na iyong nagustuhan mula sa mitolohiyang binasa at
iguhit ito. Pagkatapos ipaliwanag kung bakit ito ang iyong piniling tagpo.
Dito mo gawin ang iyong guhit.

Paliwanag:
Ito ang aking iginuhit dahil __________________________________

6
Tayahin

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat lamang sa iyong sagutang papel
ang titik ng mapipili mong sagot.
1. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang
panahon?
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng _____.
A. pag-aalala B. pagmamalasakit
C. pagmamahal D.pagtanaw ng utang na loob
3. Ang pagtatanong ni Skrymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay
nangangahulugang hindi niya ____.
A. alam na naunang nagising si Thor B.nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon D. naramdaman na tinaga siya ni Thor
4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.
A. kapani-paniwala ang wakas B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga
Higante upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalamangan din
6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang panrelihiyon.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.
A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor
8. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan
A. banghay B. tagpuan C.tauhan D.tema
9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang kanyang mata. Ano ang
damdaming ipinahahayag sa pangungusap?
A. pagkaawa B. pagkagalit C. pagkalungkot D. pagkatuwa
10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo
at pinupukpok niya ng maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng__
A. pagkamaawain B. pagkamahiyain C. pagkamainipin D. pagkamainitin ang ulo
11. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi pagsunod ng pamilya ng magsasaka sa kanya?
A. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay
B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka
12. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matatalo nina Thor sa labanan?
A. ginalingan nila ang pakikipaglaban
B. gumamit si Utgaro-Loki ng mahika
C. humingi sila ng tulong sa mga higante
D. inalisan ni Utgao-Loki ng kapangyarihan si Thor
13. Ayaw ni Utgaro –Loki na may mahangin ang ulo sa kanyang kaharian. Ang salitang may salungguhit
ay nangangahulugang;
A. hindi mapakali B. kagalang-galang C. malikot ang kamay D.mayabang
14. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi _____
A. manaig ang kapangyarihan nito C. na makabalik sa pinagmulan
B. mapaglaruan ng taglay nitong lakas D.sila masakop at magapi
15. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga higante.

7
A. Thjalfi at Rovska B.Thor at Loki C. Utgaro at Skrymir D. Vili at
Ang pangunahing paksa at ideya mula sa mga sagot ko na sa tingin ko’y makabubuti rin sa akin ay
____________________________________________
dahil ____________________________________________.

Aralin 2 Kolokasyon
Ang araling ito ay tumatalakay sa pagpapalawak ng iyong talasalitaan gamit ang prosesong tinatawag na
kolokasyon. Ang prosesong ito ay ang pagsasama ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng isa
pang salita na nagtataglay ng ibang kahulugan. Mararanasan mo sa aralin ang mga gawaing tulad ng
pagbibigay ng kahulugan sa isang salita bilang pangunahing Gawain. Mararanasan mo rin sa araling ito
ang pagbubuo ng mga salitang tambalan.

Tuklasin
Bago ka magpapatuloy alamin mo muna kung ano ang ibig sabihin ng salitang kolokasyon.
Ang mga salita kapag nadagdagan o sinasamahan pa ng isang salita ay makabubuo ng ibang
kahulugan. Ito ay tinatawag na kolokasyon.
Kolokasyon. Ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan upang
makakabuo ng iba pang kahulugan.Ito ay mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha may
kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o
maaari ring magkasalungat. Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito’y kasama ng iba
pang salita. May mga salitang nagsasama-samang palagi sa isang konstruksyon at mayroon namang
nagsasama-sama paminsan-minsan.
Halimbawa:

buwig ng saging pumpon ng bulaklak


kawan ng ibon ligaya at lumbay
trono ng hari marangyang piging
hampaslupa ( mahirap )
pusong-mamon ( mabait )
taingang - kawali ( nagbingi-bingihan )
dilang- anghel ( magkatotoo sana )
naniningalang-pugad ( nanliligaw )
Hampas ( malakas na pagpalo ) + lupa (lote). Kapag ito ay pinagsama ito ay magiging hampaslupa na ang ibig
sabihin ay mahirap na tao.

Basag (pagkasira ng isang bagay ) + ulo (bahagi ng katawan ). Kapag pinagsama ay nagiging basag-ulo na
nangangahulugang gulo o awa.

Suriin
Sanay ka bang tumuklas ng kahulugan ng isang salita? Basahin ang paglalahad tungkol sa mga
diyos ng Norse.

Ang mga Diyos ng Norse

8
Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga diyos ng digmaan at ng
kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao subalit mas malalaki na tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo
sa mga tao hindi tulad ng mga Greek Gods.

Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong pinapangarap na makita. Wala
itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan. Ito ay isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na
kamatayan. Alam ng mga diyos na darating ang panahon na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang mga kalaban
na handa silang sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga mortal nilang kalaban ay ang mga higante na
nananahan naman sa Jotunheim. Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng nananahan sa Asgard lalo na sa
kanilang pinuno na si Odin. Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos at lumikha sa mga tao. Siya ang may
pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang araw ng pagwawakas. Ang kanyang asawa ay si Frigga, isang
makapangyarihang diyosa na may kakayahang makita ang hinaharap.

Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang pinakamahalaga. Sila ay sina Balder, Thor,
Freyr, Heimdall, at Tyr.Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga diyos. Ang kanyang kamatayan ang maituturing
na pinakamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir. Si Thor ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas
sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa kanya ring pangalan hinango ang araw ng Huwebes. Makikitang madalas niyang dala
ang malaking martilyo na tinatawag na Mjolnir. Ang tagapangalaga naman ng mga prutas sa mundo ay si Freyr.
Samantalang si Heimdall ang tanod ng Bilfrost, ang bahagharing tulay patungo sa Asgard. At si Tyr ang diyos ng
digmaan at sa kanyang pangalan hinango ang araw ng Martes.

Pagyamanin

Gawain 1.
Panuto: Mula sa iyong binasang teksto, ibigay ang katumbas na salitang ginamit sa kuwento sa
pamamagitan ng pag-aayos ng mga titik na nasa kahon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Y A I R G E
1. DIGMAAN _______________
K I AS N A W G
2. KATULAD _______________

M U K SA MI
3. MAKIHALUBILO _______________
A L A H A

4. KISLAP G I N N I N G I N _______________

A MS KA A W
5. MASIRA _______________

N A A N A N H
6. NANIRAHAN _______________
A N

7. KAILA A D I G L N I _______________

8. DIYOS NG NORSE R E I S A _______________


9. HINANGO H A U N I K _______________
10. TIRAHAN NG MGA

9
G R A S A D
AESIR _______________

Isaisip
Gawain 3.
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pangungusap.
1. Ayaw ni Chuchay na saling-pusa lang siya sa laro.
Paliwanag:
_______________________________________________________________
2. Laki sa layaw ang pinsan ko at ni hindi pa nakatapos sa pag-aaral.
Paliwanag: _______________________________________________________________
3. Kahit bagong tao pa lang ay hindi na nahiyang naniningalang-pugad sa
kanilang dalagang kapitbahay.
Paliwanag: _______________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na pagtataya. Piliin ang titik lamang at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Si Razel ay may __________ na puso
A.bago B. bakal C. bakla D.mabango
2. Si Aling Teresa ay may __________sa puso.
A. atake B. layon C. pamaypayplato D. plato
3. Kapit-__________ ang mga mamamayan habang nagpoprotesta sa harap ng munisipyo.
A.bisig B. ginto C. likod D. tuko
4. Naglaho ang kanyang pag-ibig sa isang __________ mata.
A. kisap B. pilik C. piso D. tambo
5. Ang salitang balat at sibuyas kapag pinagsama ay naging balat-sibuyas na nagtataglay ng kahulugang
________.
A. mabango B. maramdamin C. pagkain D.rekado sa ulam
6. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama
ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng panibagong kahulugan.
A. etimolohiya B. kolokasyon C. sanaysay D. tula
7. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag at ulo. Ito ay nangangahulugang A. away
o gulo B. nababasag C. nabasag ang ulo D. Pagtatalo
8. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay kasalan.
A. bahay-bahayan B. mahabang dulang C. pag-iibigan D.tagu-taguan
9. Binawian ng buhay ang aking kapitbahay. Ang ibig sabihin ng binawian ng buhay ay____
A. inalisan ng kabuhayan B. naglakbay C.namatay D. walang karapatan
10. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay __________
A. Armor B. Lasso C. Mjolnir D. Shield
11. Diyos ng digmaan at ng kalangitan
A. Aesir B. Asgard C. Jotunheim D. Norse
12. Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na ___________
A. Aesir B. Frigga C. Odin D. Zeus
13. Ang pinakamamahal sa lahat ng diyos ay ___
A. BalderT B. Freyr C. Frigga D. Thor
14. Siya ang bathala ng mga diyos at lumikha ng mga tao
A. Balder B. Odin C. Thor D. Zeus
15. ________-bunga ang kanyang pakikitungo sa mga panauhin.
A. pabalat B. pakanta C. pakita D. patago

10
Aralin 3 Pagsusuri ng Akdang Mitolohiya

Tuklasin

Panuto: Basahing muli ang mitolohiyang Sina Thor at Loki na nasa pahina 8 upang lubusan kang
maliwanagan sa pagsasagawa sa susunod na gawain. Suriin ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng
mitolohiya sa pamamagitan ng pagpupuno sa mga kahon ng tamang sagot.

________________________ Tagpuan
Pamagat ng Akda
(Saan at Kailan)
Pangunahing Tauhan
Nilalaman
Iba pang mga tauhan
Simula:

Papataas na Pangyayari:
________________________
Kasukdulan:
Mahahalagang aral na
taglay ng akda Wakas:

________________________

Suriin
________________________

Panimulang Gawain:
Panuto: Basahin at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakalikha ng mundo. Pagkatapos,
sa kasunod na bahagi ay lagyan ng hugis-puso ang linya kung ang binabanggit na elemento ng mitolohiya
ay taglay ng binasa.
Paano Nagkaanyo ang Mundo?
Si Odin kasama ng dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang paslangin ang higanteng si Ymir.
Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante. Lumikha sila ng isang mundo mula
sa katawan nito at iba pang bagay mula sa iba’t ibang parte ng katawan nito.
Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula sa katawan ng higante.
Lumikha sila ng kalupaan at mga bundok mula sa laman at ilang buto nito. Ginamit nila ang dugo nito upang
makalikha ng karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing
mga graba at hanggahan.Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na duwende
sa apat na sulok nito. Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga.
Ginamit nila ang kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan na magprotekta upang hindi makapasok dito
ang mga higante. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap.

11
Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala sa Muspelheim, isang mundo na nag-
aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang nagsisilbing mga bituin, araw at buwan. Ang
maitim subalit napakagandang anak na babae ng isang higante na si Gabi ay nagkaroon ng anak na lalaki
sa isang Aesir god at tinawag niya itong Araw. Binigyan ng mga diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang
karwahe at kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay
nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay naglagay ang mga diyos ng
bagay sa mga paa ng kabayo nito upang hindi ito masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa
silangang bahagi ng Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng
isang lobo.
Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan. Ang magkapatid na ito
ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng araw.
Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga ito ay naninirahan sa mga
kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal, pilak, tanso at ginto sa mga diyos. Lumikha din
sina Odin ng iba pang mga nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na tinatawag na
Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo ng
mundo.
Gawain 1.
Panuto: Lagyan ng hugis-puso ( ) ang puwang kung ang binabanggit na
elemento ay taglay ng binasang mitolohiya at ekis ( × ) kung hindi.
Mga Elemento ng Mitolohiya
1. Tauhan
_____ mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan
_____ mga karaniwang mamamayan sa komunidad
2. Tagpuan
_____ may kaugnayan ang tagpuan sa kaulturang Kinabibilangan
_____ sinaunang panahon naganap ang kuwento ngmitolohiya
3. Banghay
_____ maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
_____maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari
_____ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
_____tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong
nagaganap sa araw, buwan at daigdig
_____ nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
4. Tema
_____ ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari
_____ pinagmulan ng buhay sa daigdig
_____ pag-uugali ng tao
_____ katangian at kahinaan ng tauhan
_____ mga aral sa buhay
_____ mga paniniwalang panrelihiyon

Isaisip

12
Gawain 3.
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba bilang paglalagom
1. Ang mga tauhan sa mitolohiyang napanood ay pawang _____________
2. Ang tagpuan ay sa _________________________________________
3. Marami ang naging suliranin sa kuwento, isa sa mga ito ay ________
4. Ang tema naman ay tungkol sa _______________________________

Isagawa

Gawain 4.
Panuto: Iugnay ang mahalagang kaisipan sa mitolohiyang napanood sa sariling karanasan.
1. Nagdudulot ng kawalang - kapayapaan sa pamilya ang pag-aaway o hindi pagkakasundo ng
magkakapatid. Ano ang magagawa mo sa sitwasyong ito?
2. Ang kayamanan at kapangyarihan ay nagiging dahilan ng pag-aaway ng magkapamilya. Sang-
ayon ka ba rito? Patunayan ang iyong sagot.

Tayahin

Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos at
diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.
A. alamat B. epiko C. kuwentong bayan D. mitolohiya
2. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na nangangahulugang_____.
A. awit B. kuwento C. tula D. talambuhay
3. Bahagi ng katawan ni Ymir na ginawang ulap ng mga diyos.
A. bungo B. kamay C. kilay D.utak
4. Isang matalino at masayahing bata na anak ni Gabi sa isang Aesir god.
A. Araw B.Odin C. Thor D. Ymir
5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.
A. kapani-paniwala ang wakas B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
6. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang
panahon.
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. tema
7. Ginamit nila ang __________ ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong mundo na magprotekta
upang hindi makapasok ditto ang mga higante.
A. bungo B. kilay C.paa D.ugat
8. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang ______________.
A. ang gitnang bahagi ng mundo B. bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan D. ulap
9. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang ______________ng higante
A. ang dugo ng higante B. ang utak ng higante
C. kilay ng higante D. mga ngipin at ilang buto nito
10. Ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante.
A. gustong agawin ng mga higante ang Asgard
B. hindi makapunta sa kaharian ng mga higante ang mga Aesir
C. napaslang ni Odin at mga kapatid nito ang higanteng si Ymir.

13
D. nag-aagawan sila ng teritoryo
11. Ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod maliban sa isa.
A. pag-uugali ng tao B. pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. mga paniniwalang panrelihiyon D. mga pangyayari sa buhay ng isang tao
12. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
13. Ayon sa mito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng araw ay___
A. ang paghahabulan ng magkapatid na Skoll at Hati C. hindi mapakali si Vili
B. hinahabol ni Skoll ang araw at hinahabol ni Hati ang buwan D. namatay si Ymir
14. Tinatawag na mitolohiyang Norse ang mitolohiyang mula sa ____
A. hilagang Europa B. Mediterranean C. Rome D.timog-silangang Asya
15. Mula sa mga uod ng katawan ni Ymir ay nilikha ang ______
A. araw at buwan B. mga diyos C. magkapatid na Vili at Ve D.mga duwende

Aralin4 Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon

Ang araling ito ay ginawa na angkop para sa iyo. Ito ay dinisenyo upang matutunan mo ang paksa
ukol sa pokus ng pandiwang tagaganap at pokus sa layon. Saklaw sa araling ito ang mga Gawain sa
pagkikilala sa mga panlapi na ginagamit sa pandiwa na nasa pokus sa tagaganap at pandiwa na nasa
pokus sa o layon. Magagamit din dito ang pokus sa tagaganap at layon sa paghahambing ng mitolohiyang
kanluranin sa mitolohiyang Pilipino. Mababasa mo rin dito ang isang lunsarang mitolohiya na pinamagatang
“Ang mga Diyos ng Norse”
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa. Sa mga pandiwa, nakagaganap at
nagpapakahulugan ng maraming kaisipan ang mga panlapi. Isa na rito ang pokus ng pandiwa, ang
makabuluhang ralasyon o pag-uugnayan ng pandiwa at ng paksa o simuno ng pangungusap. Naipakikilala
ng mga panlapi ng pandiwa ang pokus o simuno ng mga pahayag.
A. Nasa pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap
ng kilos nito. Sa pokus na ito, magagamit sa pandiwa ang panlaping um-/-um, mag-, ma-, mang (m/n)-,
mag-an, at magsipag-an/han. Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang, at magagamit din bilang pokus
tagaganap ang mga nominatibong panghalip na ako, ka, kita, siya, tayo kami, kayo, at sila.
Halimbawa.
1. Nagbihis si Thor at kinuha ang kanyang maso.
2. Naglakbay sila buong araw.
3. Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad.
B. Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang tagatanggap o tuwirang layon ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap. Ginagamit sa mga pandiwang pokus sa layon ang mga panlaping i-, –in/hin, -an/han, ma,
paki, ipa, at paki, at panandang ang sa paksa o pokus.
Halimbawa:
1. Inihampas ni Thor sa higante ang kanyang maso.
2. Iniutos ni Utgaro-Loki kay Thor na inumin ang tubig sa tapayan.
3. Kinuha ni Thor ang baon niyang bag

Suriin

14
Basahin ang sumusunod na talataan.

Maitatanong sa ating mga sarili: Ano ba ang papel na dapat nating gampanan upang maipakita ang ating wagas at
tapat na pagmamahal sa ating lupang tinubuan?

Iisa ang laging nasa isip natin – kalayaan. Subalit batid ba natin ang mga pangyayari sa likod ng salitang ito? Tayo
ay nagpakasakit upang lagutin ang tanikala ng ating pagkabusabos. Ginamit natin ang ating katapangan sa pagtatamo
ng kalayaan. Gumawa tayo ng mga paraan upang makamit ng ating bayan ang kalayaang matagal na nating inaasam-
asam.

Pagsikapan nating ipagsanggalang ang kalayaang ito – oo, ang kalayaang siyang susi natin upang matawag na
ang ating bansa ay demokratiko, makabayan, at maka-Diyos Naghihintay ang ating bayan sa ating mga palad – kumilos
tayo, hindi bukas kundi ngayon.

Pansinin ang sumusunod na mga pangungusap na hinango mula sa tekstong iyong binasa. Bigyang-
pansin ang mga pandiwang may salungguhit.

1. Tayo ay nagpakasakit upang lagutin ang tanikala ng ating pagkabusabos.


2. Gumawa tayo ng paraan upang makamit ng ating bayan ang kalayaang matagal na nating inaasam-
asam.
3. Ginamit natin ang ating katapangan sa pagtatamo ng kalayaan.
Sa una at pangalawang pangungusap, sino ang gumanap ng kilos ng pandiwa?
Ano ang kaibahan ng ikatlong pangungusap sa unang dalawang pangungusap?

Nasa pokus sa tagaganap ang mga pandiwa sa una at ikalawang pangungusap dahil ang paksa
ang gumaganap ng sinasabi ng pandiwa, ng ikinikilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na sino.

Nasa layon-pokus ang pandiwa sa ikatlong pangungusap dahil ang simuno ang tagatanggap ng
sinasabi ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na ano.

Pagyamanin

Gawain 1.
Panuto: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap pagkatapos sabihin kung ito ay pokus sa
tagaganap o layon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
____________1. Nagbalak sina Thor at loki na maglakbay sa lupain ng mga higante.
____________2. Natutulog pa ang higante nang dumating sila sa kaharian.
____________3. Ang tarangkahan ng kaharian ay sinubok na buksan ni Thor.
____________4. Hinugot ni Thor ang maso sa ulo ng higante.
____________5. Si Skrymir ay nagising at inaakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo.
Isaisip
Gawain 3

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang masubok natin kung gaano na ang nalalaman
mo tungkol sa aralin.
Nalalaman ko na…
1. Sa tulong ng pokus ng pandiwa ay _______________________________.
2. Nakatutulong din ito sa akin sa pamamagitan ng _____________________
3. Pokus ng pandiwa ang tawag sa _________________________________
4. Nasa pokus sa tagagaganap ang pangungusap kung _________________ at nasa pokus sa layon
ang pangungusap kung _________________________________
5. Mahalaga ang panlapi sa ________________________________.

15
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Nasa pokus sa _________ ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ang layon ng pandiwa.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
2. Namukod siya sa hanay ng kabataang kataon niya tulad ng isang brilyante sa tumpok ng mga bato.
Ano ang salitang-ugat ng salitang namukod?
A. bukod B.lukod C.mukod D.namo
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?
A. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
B. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
C. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
D. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.
4. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap.
A. layon B. pandiwa C.pokus D. D.tagaganap
5. Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang gumaganap sa kilos ng pandiwa ito ay nasa pokus sa.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
6. (Hingi) ng tulong ang mga na-stranded na residente dahil sa lock down. Ang angkop na pandiwang
dapat gamitin ay ____________
A. hiningi B.ipinanghingi C. naghingi D. nanghingi
7. Si Skrymir ay nagbigay ng payo kay Thor.Ang pokus ng pandiwa ay
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
8. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Alin ang tuwirang layon ng pangungusap?
A. gumugol B. ng kabutihan C. ng panahon D. sa paggawa
9. Ang sumusunod na pangungusap ay nasa pokus sa layon maliban sa isa.
A. Binabalot nila ang pagkain.
B. Inihahasik ng guro ang karunungan sa kanyang tinuturuan.
C. Nagpapakita rin sila ng magandang halimbawa.
D.Tinatahi nila ang sirang sapatos.
10. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus sa tagaganap?
A. ibinili, malaman,pag-aaralan B. ikinalulungkot, ikinatutuwa, Ikinasawi
C. ipinambili, ipansulat, ipanghakot D.lumikas, nag-ani, magsulat
11. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
A. pangngalan B. panghalip C. pandiwa D. pang-uri
12. Aling lipon ng mga panlapi ang pangpokus sa tagaganap?
A. -in, i-, -an, -hin B –um, mag-, magpa-, makipag-
C. ipinag-, ikina-, ika-, ipang D. maipag-, ipang-, ipaki-, ipagpa-
13. Kung ang bawat isa’y __________ (bahagi) tiyak ang tagumpay ng ating mga balakin. Alin ang
tamang panlaping dapat ikabit sa salitang nasa panaklong?
A. magpa- B.maka- C. makapag- D. maki-
14. Pumili sila ng mga pinunong karapat-dapat sa tungkuling gagampanan. Nasa pokus sa _____ ang
pangungusap.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagagana
15. Madaling magpalaki ng anak ang magulang na marunong kumilala ng pananagutan. Ang
pandiwang nasa pokus sa tagaganap ay ____
A. kumilala B. madali C. magpalaki D. marunong

16
17
Isagawa Gawain 4
Salitang Mabuo - Kahulugan
1. Asal - Hudas-taksil Isaisip
2. Bagong - tao-binata
3. Balat-sibuyas - maramdamin Gawain 3.
4. Nagsuliang-kandila - nagkagalit
5. Pabalat-bunga - pakitang-tao 1. di-totoong kasali
6. Mahina ang tuhod - lampa, takot 2 spoiled
7. Makitid ang kumot - kapos sa salapi 3. binata, nanliligaw
8. Mahal na tao - kagalang-galang
9. Mahina ang kapit - walang maaaring tumangkilik
10. Lingon-likod - utang na loob
Subukin Tayahin
1. A 1. B
Pagyamanin Suriin
2. B 2. A
Gawain 1. 3. A 3. A
Gawain 2. 4. A 4. A
1. Tagagaod ng bangka 1. Giyera 5. B 5. B
2. Nabibigyang- atensiyon 2. Kawangis 6. B 6. B
3. Lumambot ang puso 3. Makisalamuha 7. A 7. A
4. Mainam tirhan 4. Ningning 8. B 8. B
5. Mawasak 9. B 9. C
5. Matinding selos
6. Nananahan 10. A 10. C
6. Atake sa puso 11. A 11. A
7. Lingid
7. Pusong mamon 12. A 12. A
8. Aesir
8. Pusong- bakal 9. Kinuha 13. A 13. A
9. Katanghalian ng gulang 10. Asgard 14.C 14. B
10. Nagdildil ng asin 15.B 15. A
43
Aralin 2 – Susi sa Pagwawasto
Tayahin Subukin
1. B 1. B
2. B 2. B
3. D 3. C
4. A 4. A
5. B 5. B
6. D 6. D
7. D 7. D
8. C 8. D
9. B
9. B
10.D
10.D
11.B
11. A 12.B
12.B 13.D
13.D 14.B
14.A 15.A
15.B
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
18
Tayahin
Subukin
1. D
1. B
2. A
Pagyamanin 2. A
3. A
3. A
4. C
Gawain 1. 4. C
5. D
5. D
6. D
1. nagbalak - tagatanggap 6. A
7. D
2. natutulog, dumating- tagaganap 7. D
8. C
3. sinubok - layon 8. D
9. C
4. hinugot - layon 9. C
10. D
5. nagising - tagaganap 10. C
11. C
11. C
12. B
Gawain 2. 12. B
13. D
13. D
14. D
Nasa guro ang pagpapasya kung tama 14. C
15. C
ang sagot ng mag-aaral. 15. D
45
Aralin 4 Susi sa Pagwawasto
Tayahin
Subukin
1. D 1. D
2. B 2. B
3. D 3. D
4. A 4. A
5. A 5. A
6. B 6. B
7. B 7. C
8. A 8. A
9. D 9. D
10. C 10. B
11. D 11. D
12. A 12. A
13. B 13. B
14. A 14. D
15. D 15. A
Aralin 3 Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Gawain Gawain 5
A. Buhay B.Puso
Hanapbuhay Pusong-bato
Buhay-mayaman Pusong-mamon
Batong buhay Pusong salawahan
Habambuhay Walang puso
Maaaring Tanggapin ng guro an gang ibang sagot ng bata

You might also like