0% found this document useful (0 votes)
400 views24 pages

AP 5 Lesson 2

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas batay sa teorya, mito at relihiyon. Binigyang diin nito ang pagkakaiba ng teorya, mito at relihiyon bilang mga batayan sa pinagmulan ng bansa. Tinalakay din nito ang iba't ibang kuwento o mito mula sa ating mga ninuno tulad ng labanan ng langit at dagat, paglalaban ng tatlong higante at iba pa. Binigyang diin din ang paniniwala sa relihiyon lalo na sa Kristiyanismo at Islam bilang batayan sa paglikha ng mundo at Pilipinas.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

Welcome to A.P. 5 Class!

Mr. Rolando C. Baldomar Jr.

Guro
Ang Pinagmulan ng Pilipinas

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga iba’t ibang batayan sa pinagmulan ng
Pilipinas tulad ng teorya, mito at relihiyon
2. Natatalakay ang teorya tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas
3. Naiisa-isa ang mga mito na iniuugnay sa pinagmulan ng
Pilipinas
4. Natatalakay ang kaugnayan ng relihiyon sa pinagmulan ng
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Magbigay ng isang bansa o katubigan na nakapalibot sa
Pilipinas batay sa mga pangunahing direksiyon.
Pagtatalakay
 Ang teorya ay isang kaisipan o paliwanag sa isang
mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan
ng pananaliksik.
 Ang ibig sabihin ng mito o mitolohiya (myth) ay kumpol ng
mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng isang
partikular na relihiyon o paniniwala.
 Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga
Diyos at nagbibigay ng mga paliwanag tungkol sa likas na
kaganapan. May kaugnayan ang mito o mitolohiya sa alamat at
kuwentong…
Pagtatalakay
… bayan.
 Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang
paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na
nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa
moralidad.

Ang Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teoryang Plate

Tectonic
 Batay sa siyensa, ang daigdig ay sinasabing may ilang bilyong
taon na.
Pagtatalakay
 May ilang paghihinuha na ang kasalukuyang anyo ng mga
lupain sa daigdig ay iba sa dati nitong anyo matagal na
panahon na ang nakaraan.
Bahagi rin ng mga lupain sa
daigdig ang kapuluan ng Pili-
pinas na pinaniniwalaang du-
maan din sa matagal na pro-
seso ng pagbabagong pisikal
bago ito humantong sa kasa-
lukuyang anyo nito.
Pagtatalakay
 Ang Teorya ng Plate Tectonic ay iniuugnay sa pinagmulan ng
kapuluan ng Pilipinas.
 Ipinaliliwanag ng teoryang ito ang paggalaw ng kalupaan.
 Ayon dito, ang crust ay naha
hati sa malalaki at makaka-
pal na tipak ng lupa na tina-
tawag na mga tectonic
plate.
Pagtatalakay
 Alam mo ba na patuloy ang paggalaw ng ng mga kontinente sa
kasalukuyan? Gumagalaw ang mga tectonic plate mula sa isa
hanggang sampung sentimetro bawat taon.
 Dulot ng paikot na paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic
plate – sa
athenosphere (sa mantle)
ay napapagalaw rin ang
mga tectonic plate pala-
yo, pasalubong, at pagilid
sa isa’t-isa.
Pagtatalakay
 Ang ganitong paggalaw ay naging sanhi ng pagkakabaluktot
ng plato. Nagkaroon ng guwang sa pagitan nito na siyang
lumikha ng mga malalim na bahagi ng karagatan (trenches) at
pag-angat ng ilang bahagi ng plato.
 Ang paggalaw ng init ng
asthenosphere ang nag-
dudulot ng paggalaw ng
tectonic plate.
Pagtatalakay
 Naging sanhi rin ito ng matitinding lindol at malalakas na
pagsabog ng mga bulkan
sa ilalim ng karagatan. Ang mga volcanic material na ibinuga
ng mga bulkang ito ay unti-unting naipon at naging mga pulo at
lupain sa ibabaw ng dagat.
 Sinasabing ang Palawan, Kanlu-
rang Luzon, Timog ng Bundok
Sierra Madre at Bundok ng Cor-
dillera ay bunga ng prosesong
plate tectonic.
Pagtatalakay
Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa Mito
 Samu’t saring mga kuwento o alamat naman mula sa ating
mga ninuno ang maiuugnay sa pinagmulan ng Pilipinas.
 Ayon sa mito ng mga Bagobo, ang kanilang diyos na si Melu
ang may gawa ng daigdig gamit ang kanyang sariling libag sa
katawan at iyon daw ang naging mga kapuluan.
 Para naman sa mga Manobo ang daigdig ay mula naman daw
sa kuko ng kanilang diyos.
Pagtatalakay
 Isang palasak na kuwento naman sa Luzon, ang nagsabi na
wala pang nilikha sa daigdig kundi ang langit, dagat, at isang
uwak na lilipad-lipad na naghahanap ng matutungtungan sa
lawak ng karagatan. Wala siyang
makita kaya siya’y umisip ng para-
an at pinaglaban ang dagat at
langit. Ininugan at ibinulwak ng dagat sa langit
ang kanyang tubig. Bilang ganti, ang langit nama’y naghulog
ng mga bato at lupa sa tubig kaya’t napahinto ang alon at
nagkaroon ng mga
Pagtatalakay
…pulo na mapapagpahingahan ng uwak.
 Ayon naman sa Matandang Panay sa Visayas, mayroon ding
ibong tinatawag na Manaul na siyang
pinakamakapangyarihan sa kalangitan. Ayon sa alamat, pagod
na pagod na sa pakikipaglaban sa dagat ang langit
kaya siya’y dumalangin sa ibon.
Binungkal ni Manaul sa ilalim ng dagat
ang kimpal-kimpal na lupa at inihagis
sa dagat. Ito ang kauna-unahang pulo.
Pagtatalakay
 May ilang nagsasabi naman na ang Pilipinas ay nabuo dahil sa
tatlong higante na naglaban. Sila
raw ay naglaban gamit ang mga bato at mga dakot na lupa na
nahulog sa dagat na siyang bumuo sa kapuluan.
Pagtatalakay
Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa Relihiyon
 Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging relihiyoso at
paniniwala sa tinuturing nating makapangyarihan sa lahat
tulad sa mga Kristiyano na naniniwala sa Panginoong Diyos
Ama (Jehova) at kay Hesu Kristo at si Allah naman para sa
mga Muslim.
Pagtatalakay
 Magkakaiba-iba man ang paniniwala ng mga Muslim at
Kristiyano ngunit parehong naniniwala na ang kanilang
sinasamba ang may likha sa mundo at kabilang na rito ang
Pilipinas. Sa mga kristiyano nakasaad ang paglalang ng
Diyos sa sandaigdigan sa Genesis sa Bibliya samantalang sa
Qur’an naman sa mga Muslim.
Paglalapat
Sagutin mo.
1. Ano ang pagkakaiba ng teorya, mito at relihiyon?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________________________________

Paglalahat
 Laging tandaan na may iba-iba tayong batayan sa pinagmulan ng
Pilipinas. Ang mga ito ay teorya ng plate tectonic, sari saring
mito ng ating mga ninuno at dahil sa likas nating
pagkarelihiyoso hindi maiaalis ang paniniwala natin sa pinaka-
Makapangyarihan (Diyos) sa lahat bilang may likha ng
sandaigdigan. Alin man sa mga ito ay nanatili pa ring malaking
katanungan ang tungkol sa pinagmulan ng daigdig at ng ating
bansa. Nasa sa atin kung alin ang
ating paniniwalaan.
Pagtataya
I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tumutukoy sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang
konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon
2. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bahagi ng crust
a. asthenosphere b. tectonic plate
c. mantle d. bulkan
Pagtataya
3. Tumutukoy sa kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga
kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o
paniniwala.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon
4. Nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan sa mundo
a. Lindol b. pagputok ng bulkan
c. teorya ng Plate Tectonic d. mito
Pagtataya
5. Isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala ng mga
sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng
sangkatauhan sa epirituwalidad at
minsan sa moralidad.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon

II. Ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa pinagmulan ng

Pilipinas. Tukuyin kung ito ay mito o relihiyon.
_____________1. Labanan ng langit at dagat
Pagtataya
_____________2. Paglalaban ng tatlong higante gamit ang mga
bato at lupa
_____________3. May higit na puwersa na naglalang sa daigdig
_____________4. Paghiling ng Punong Pinagmulan na
magkaroon ng lupa at kagubatan na madapuan ng ibon.
_____________5. Ang Diyos ang may likha ng sandaigdigan.
Takdang-Aralin
Sagutin mo.(10 puntos)
1. Sa araling ito, ano ang pinakamahalaga mong natutunan?
Bakit?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________________________________

You might also like