You are on page 1of 9

MODULE NO 1.

GRABSUM SCHOOL INC.


Masalukot 1 , Candelaria,Quezon
FILIPI 10
PANGALAN:
PETSA:

BAITANG & SEKSYON: GURO: Bb. Monique Mendoza

KABANATA 1
Mga Akdang Pampanitikan ng
Meditteranean

Aralin 1: Mga Kasanayang Pampagkatuto:


MITOLOHIYA 1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/
pananaw sa napakinggang mitolohiya.
Panitikan: 2. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang
“Ang kahon ni Pandora” nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa:
“Si Cupid at Psyche” sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig
Wika: 3. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian
Angkop na gamit ng Pandiwa nito
Bilang Aksiyon,Karanasan at 4. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na
Pangyayari cartoon ng isang mitolohiya
5. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa
paksang tinalakay
6. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa
PANGKALAHATANG IDEYA (tagaganap, layon, pinaglalaaanan at kagamitan)

Madalas tayong mamangha sa hiwaga at taglay na kagandahan ng mga


pangyayari sa mga mitolohiya ng Gresya at Roma. Sinasabing isa sa mga pinagmulan
ng sibilisasyon ng mundo ay ang Gresya. Sumasalamin lamang ito na mataas at matatag
ang pundasyon ng kultura ng Gresya kung saan pinakikinabangan at pinagyayaman ang mga
kaisipan, kabihasnan, sining at panitikang hinalaw mula sa mga lugar na naimpluwensiyan nito.
Sa kasalukuyan, ang mga mitolohiyang Griyego ang pinagbatayan ng mga kaisipan
sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina, pilosopiya, sining at panitikan sa buong daigdig
Ang aralin ay tungkol sa klasikong mitolohiya mula sa Gresya. Itinatampok ang kultura,
pananampalataya at pamumuhay ng mga sinaunang nilalang sa mundo. Makikilala mo ang
iba’t ibang diyos at diyosa na pinaghugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat sa buong
daigdig. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasalaysay ng mito at
maibahagi ito sa klase batay sa mga sumusunod na pamantayan: wastong bigkas, tinig at
panghikayat sa madla
Aalamin mo rin kung paano mabisang magagamit ang pandiwa sa pagpapahayag at
pagsasalaysay ng mga aksiyon, karanasan at pangyayari buhat sa binasang mito o iba
pang kauri nito. Pag-uusapan natin kung paano nakatutulong ang mitolohiyang Greyigo
sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino.

INTRODUKSYON

Isang regalong nakakahon at nababalot nang napakaganda tulad ng nasa ibaba ang
dumating para sa iyo, dalawang buwan bago ang iyong kaarawan. Subalit may kalakip na
mensaheng “HINDI MO ITO PUWEDENG BUKSAN HANGGANG SA MISMONG PETSA NG
IYONG KAARAWAN.”

1
MODULE NO 1.

Ano ang gagawin mo? Lagyan ng (/) ang kahon ng


iyong sagot.
Susunod ka, maghihintay ka ng dalawang buwan at
bubuksan mo lang ang kahon sa mismong petsa ng Bubuksan Para sa
iyong kaarawan. mo lang sa Iyo
Hindi ka makapaghihintay ng ganoong katagal kaya gagawa mismong
ka ng paraan upang “masilip” man lang ang laman ng petsa ng
napakagandang kahon. iyong
Bubuksan mo ito agad pagkatanggap mo. kaarawan
Iba pang gagawin ________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

ALAM MO BA?

Ang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat. Ito


ay mga kuwentong naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang
panahon na sinasamba, dinadakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito /myth sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na ang
kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa “mu” na ang ibig sabihin ay paglikha
ng tunog sa bibig. Sa makalumang mitolohiya, ang myth/mito ay kumakatawan sa
marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang
maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryoso ng pagkakalikha ng mundo, ng mga
tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang.Inilalahad din ng mitolohiya ang
misteryoso sa likod ng mga nakakatakot na puwersa ng kalikasan tulad ng kidlat, kulog,
baha, apoy at kamatayan. Hindi man ito kapani-paniwala, itinuturing itong sagrado ng iilan
dahil sa ang mga tauhan nito ay mga diyos at diyosa.Kumikilala rin ito sa daigdig ng langit
at ilalim ng lupa.
Sa Pilipinas, ang mitolohiya ay makikita sa mga kuwentong-bayan. Ang mga kuwentong
ito ay may mga tauhang tulad ng anito,diyos,diyosa at iba pang mga nilalang tulad ng
duwende, tikbalang, aswang at iba pa.

VIDEO CLIP. Upang lubos na makilala ang mitolohiyang Griyego, mabuting makilala mo
ang ilang pangunahing tauhan ng mitolohiya. Maaari mong panoorin ang “Mga Diyos at
Diyosa ng Mitolohiyang Rome at Greece dito. Kung ikaw ay:

Online Learner: https://www.youtube.com/watch?v=lf8d37K59Nc&t=4s


Modular Learner : Ibibigay ng guro sa Learning Resource
File Name: FILIPINO 1O LESSON- MGA DIYOS AT DIYOSA SA MITOLOHIYA NG ROME AT GREECE
(3:08 minuto)

GAWAIN 1. PAGKILALA SA TAUHAN

Sagutan ang crossword puzzle sa ibaba.

MGA TAUHAN NG MITOLOHIYANG GREECE

2
PABABA
PAHALANG
1. panginoon ng ilalim ng lupa
2. hari ng mga diyos, kalawakan at panahon 4. diyosa ng kagandahan at pag-ibig
3. diyosa ng pangangaso at buwan 8. reyna ng mga diyos, asawa ni Zeus
5. mensahero ng mga diyos 11. diyos ng apoy
6. kapatid ni Zeus, hari ng karagatan 12. diyos ng digmaan at may simbolo
7. diyosa ng apoy na pugon ng buwitre
9. diyosa ng karunungan, digmaan
10. diyos ng propesiya, liwanag, araw

GAWAIN 2 .PAGSUSURI NG TAUHAN (Natutukoy ang mensahe at layunin ang ng napanood..)

Suriin ang 12 pinakadakilang diyos at diyosa ng mitolohiyang Rome at Greece. Pumili ng


tatlo sa mga ito na nais mong tularan. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili at paano
ito makakatulong sa kasalukuyang problema ng bansa ngayon.

Bakit ito ang iyong napili? Paano ito makakatulong sa ating bansa?

Bakit ito ang iyong napili? Paano ito makakatulong sa ating bansa?

Bakit ito ang iyong napili? Paano ito makakatulong sa ating bansa?

Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong.


1. Paano mo higit na nakilala ang mga diyos at diyosa ng mga mitolohiyang Griyego sa tulong ng
pinanood mong maikling video?
___________________________________________________________________________

2. Ano ang mensaheng naiparating sa iyo ng pinanood mo?


___________________________________________________________________________

VIDEO CLIP. Narito ang isa pang mitolohiyang Griyego na tumatalakay sa paglikha at
pinagmulan ng mga kasamaang lumaganap sa mundo gayundin ang pag-alpas ng pag-asa na
siyang humihilom sa sugat at sakit na nalilikha ng mga kasamaang ito. Panoorin ang
mitolohiyang “Ang Kahon ni Pandora” upang mas madaling maunawaan ang mga susunod na
gawain. Pumunta lamang sa link na ito kung ikaw ay:
Online Learner: https://www.youtube.com/watch?v=l7qjw-3-Z5U&t=2s
Modular Learner: Ibibigay ng guro sa Learning Resource
File Name: Tim Ed - Kahon ni Pandora (4:17 minuto)
GAWAIN 3. KAHULUGAN KO’Y ILANTAD MO! (Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay...)

A. Basahin at unawain ang konteksto ng bawat pangungusap. Hanapin at bilugan sa


ikalawang pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa unang
pangungusap.

1. Sumanib ang magkapatid na Titan sa mga Olimpian dahil alam na nila ang mangyayari sa
hinaharap. Sumama sila para sa pansariling kapakanan.
2. Isang ginintuang kahong may kalakip na susi ang ipinadala ni Zeus bilang handog sa kasal
nina Pandora at Epimetheus. Kasama rin sa regaling ito ang babalang huwag bubuksan
ang kahon.
3. Hindi mapakali ang babae hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon.
Kung nalalaman niya lamang ay hindi na niya nanaising buksan ito kailanman.
4. Nakamata siya sa kahon at tulad ng dati ay natutukso na naming buksan ito. Ngayon ay
nakatingin naman siya sa susing nakasabit sa dingding.
5. Isa ang paninibugho sa mga bagay na lumabas mula sa kahon. Ang pagseselos ay
maaaring makasira ng relasyon lalo kung labis-labis na ito.

B. Ang isang salita ay maaaring mg=agkaroon ng kayariang payak, maylapi, inuulit, o


tambalan. Maaaring maiugnay ang kayarian ng salita sa kahulugan nito. Ibigay ang
kasingkahulugan ng salita batay sa kayarian at sa iba pamg katangian nito.

________________1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag-iisang-


dibdib?Ang isa pang kahulugan nito’y pag-aasawa.
________________2. Alin sa mga salitang maylaping nasa kahon ang may naiibang kahulugan?
Isulat ito sa linya.
minamahal iniibig sinisinta hinahangaan
________________3. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng salitang galak sa
pangungusap na “Galak ang dulot ng pagdating ng dalaga sa kanyang buhay”.
________________4. Anong salitang maylapi ang maaaring maging kasingkahulugan ng
inuulit na salitang kahali-halina sa pangungusap na “Ang dalaga’y sadyang kahali-halina
kaya’t agad nahulog ang loob niya”.
________________5. Alin sa mga salitang payak na nasa kahon ang may naiibang kahulugan? Isulat
ito sa linya.
banta babala ganti

GAWAIN 4. OPINYON KO IHAHAYAG KO! (Naipahahayag ng malinaw ang sariling opinyon…)

Basahin ang mga pahayag o kaisipang nasa kahon. Magpahayag ng sariling opinyon o pananaw
kaugnay nito.

Huwag na huwag mong bubuksan ang kahon ni Pandora. Isa itong babala lalo na sa
Huwag na huwag mong bubuksan ang kahon ni Pandora. Isa itong babala lalo na sa
mga taong hindi kayang kontrolin ang kanilang pagiging curious o mausisa kasi
mga taong hindi kayang kontrolin ang kanilang pagiging curious o mausisa kasi
maaari itong magdulot ng kapahamakan sa iyo o sa ibang tao .
maaari itong magdulot ng kapahamakan sa iyo o sa ibang tao .

Sumasang-ayon ka ba sa kaisipang ito Ano-ano ang mga “kahon ni Pandora”


na tinalakay sa binasa? sa iyong paligid na hindi mo dapat
_______Ipaliwanag. buksan?

Ano-ano ang mga maipayos mo sa mga taong tulad ni Pandora na hindi kayang kontrolin ang kanilang
pagiging masyadong mausisa lalo na sa mga bagay na wala naman silang kinalaman? Magsabi ka ng
tatlong kongkretong paraang maaaring makatulong sa kanila.

1. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__

2. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__

3. ______________________________________________________________________________
HALIKA! BASAHIN NATIN.

BUOD NG CUPID AT PSYCHE


Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si Psyche. Ang
bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang
kagandahan ng Dyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.

Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni Venus at
agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw.

Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig


kay Psyche nung unang beses pa lamang nya itong nakita.
Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at
tiwala naman dito si Venus.

Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay


umibig sa isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga
kalalakihan maliban doon ay tila walang nangahas na umibig kay Psyche.

Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya''t lumapit ito kay Apollo upang himingi
ng payo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng tulong si
Cupid kay Apollo at gumawa ng plano.

Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga at dalhin
sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang halimaw.

Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang kapalaran ng
anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.

Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng dilim. Natakot
ang dalaga sa kung ano ang naghihintay sa kanya.

Hanggang sa umihip ang malambing na hangin at inilipad sya ng hangin patungo sa isang
damuhan na parang kama sa lambot at napapaligiran ng mababangong bulaklak.

Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agad na


nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya ang isang
mansyon na tila ginawa para sa mga Dyos.

Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi. Maya maya lamang ay may narinig na tinig si
Psyche at ang sinabi ng tinig na sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagkat
sila''y may inihandang piging.
Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng
masasarap na pagkain. Sa pagsapit ng gabi ay dumating na ang
mapapangasawa nya.

Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay ganoon din ang


kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot nya na akala
nya''y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking
matagal na nyang hinihintay.

Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid ni Psyche
doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche na
magpakita sa mga kapatid.

Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig nya ang pag iyak nang
kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay nakiusap si Psyche na kung pwede ay
makita ang mga kapatid at malungkot na sumang ayon ang lalaki.

Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang
magkakapatid.

Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki ayon
sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay
tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga
kapatid ay siya''y binigyan ng punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng
lalaking mapapangasawa.

Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha
ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi naman
pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito.

Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo.

Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at


natuluan ito ng mainit na langis sa dibdib na syang dahilan upang magising ito. nalaman ng
lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis.

Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita.

Narinig na lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.

Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman nitong
nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit ang
isang Dyosa.

Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang mga ito ay
tumangging makaaway si Venus.

Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay napahalakhak na lamang ito at nabatid na


nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang mapapangasawa.

Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng hiwa-
hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa,
pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay
Proserpine.

Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay
ibinilanggo siya upang di makita si Psyche.

Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa


kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain ng kanyang ina.

Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid


at Psyche ay pormal nang ikinasal.
Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na
kapag kinain ay magiging imortal.

Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din


itong Dyosa.

GAWAIN 5. AKING NATUTUNAN! (Naiugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob…)

Basahin at suriin ang akdang “Si Cupid at Psyche” na mababasa sa itaas.


Iugnay mo ang mensahe ng akda batay sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig. Patunayan na ang mitolohiya ay tunay, buhay at nangyayari.

CUPID AT PSYCHE

Pangyayari sa pelikula na Pangyayari sa pelikula na Pangyayari sa pelikula na may


may kaugnayan sa pamilya may kaugnayan sa mga kaugnayan sa mga pangyayari
pangyayari sa lipunan sa mundo

Mensahe ng binasang akda:

Pamprosesong Tanong:

Paano ipinakita ng mitolohiya ang katuturan at kahalagahan kung bakit ito


kailangang pag-aralan sa kasalukuyan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________.

I. ALAMIN NATIN!

ANO NGA BA ANG PANDIWA?


Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa
lipon ng mga salita. Ito’y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.Ang mga panlaping
ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.

URI NG PANDIWA
Ang pandiwa ay maaaring mauri sa dalawa:ang palipat at ang katawanin.
 Palipat ang pandiwa kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Ang layon ay karaniwang
kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang ng,ng mga, sa, sa mga, kay, o kina.
Halimbawa:
pandiwa tuwirang layon
 Si Hephaestos ay lumilok ng babae
Pandiwa tuwirang layon
 Siya ay kanilang sinuotan ng damit at koronang ginto.
 Katawanin ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tagatanggap ng
kilos at nakatatayo na itong mag-isa.
Halimbawa:
 Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain o pangyayari
pandiwa
 Nabuhay si Pandora
pandiwa
 Sina Epimetheus at Pandora ay ikinasal.
 Mga pandiwang palikas na walang simuno.
 Umuulan!
 Lumilindol!

ASPEKTO NG PANDIWA
Ang pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kalian naganap, nagaganap, o magaganap
ang kilos na ipinahahayag nito.
1. Aspektong Naganap o Perpektibo- Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.
Halimbawa: Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Epimetheus.
 Aspektong Katatapos- bahagi rin ng aspektong naganap sapagkat ang kilos ay katatapos
pa lang gawin o mangyari. Sa pagbuo nito’y idinugtong ang panlaping ka sa inuulit na
unang pantig ng salita.
Halimbawa: Kasasabi lang ni Epimetheus na huwag bubuksan ni Pandora ang kahon subalit
binuksan pa rin niya ito.

2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- Ito’y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari o


kaya’y patuloy na nangyayari.
Halimbawa: Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa.
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo- Ito’y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o
gagawin pa lang.
Halimbawa: Darating ang pag-asa basta maghintay ka lamang.

GAWAIN 6. MAGSANAY TAYO! (Nagagamit ng wasto an gang pokus ng pandiwa…)

A. Tukuyin at isulat sa unang kahon ng talahanayan ang pandiwang ginamit sa bawat


pangungusap. Pagkatapos ay kilalanin at isulat naman sa angkop na kahon ang uri at
aspekto ng pandiwang isinulat mo.

1. Sumuway si Prometheus sa kagustuhan ni Zeus.


Pandiwa: Uri: Aspekto:
2. Pinarusahan siya ni Zeus.
Pandiwa: Uri: Aspekto:

3. Laging nagpapaalala si Epimetheus kay Pandora.


Pandiwa: Uri: Aspekto:
4. Ang lahat ng kasamaan sa mundo ay napaalpas ng babae.
Pandiwa: Uri: Aspekto:
5. Sa kabila ng mga kasamaan at problema,l ang pag-asa ay tiyak na darating.
Pandiwa: Uri: Aspekto:
B. Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong
nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong
kaisipan sa kabila ng anumang problema o paghihirap.
1. Magsikap (perpektibo o naganap)
_____________________________________________________________________________
2. Magdasal (imperpektibo o nagaganap)
_____________________________________________________________________________
3. Gumawa (perpektibong katatapos)
_____________________________________________________________________________
4. Mag-isip (imperpektibo o nagaganap)
_____________________________________________________________________________
5. Magtiyaga (kontemplatibo o magaganap)
_____________________________________________________________________________

Reperensiya:
JHS INSET Learning Module Exemplar
Emily V. Marasigan, Mary Grace G. Del Rosario et al.(2019).Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma Manila: Phoenix
Publishing House

You might also like