You are on page 1of 8

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL

GUINAYANGAN, QUEZON

Pangalan:________________________________________________________________

Taon at Pangkat:__________________________________________________________

Petsa:___________________________________________________________________

Asignatura: Filipino
Antas ng Baitang at Seksyon: 10-WISDOM
Nakalaang oras: 4 na oras

Nilalaman
Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranen
Modyul 1: Ang Kahon ni Pandora
(IsangMitolohiyang Griyego)

MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang/ nabasang mitolohiya

B. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig
C. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
D. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya
E. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

Pagdarasal

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng

Espiritu Santo. Amen

Ama namin……

Magandang araw, mga bata! Ako si ma’am

Anna Rose L. Balmes. Ako ang magiging guro ninyo
sa Filipino. Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang
mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong
Mediterranean tulad ng Mitolohiya.

Iang regalong nakakahon at nababalot nang napakaganda tulad ng nasa ibaba ang dumating para sa iyo,
dalawang buwan bago ang iyong kaarawan. Subalit, may kalakip na mensaheng ‘HINDI MO ITO
PUWEDENG BUKSAN HANGGANG SA MISMONG PETSA NG IYONG KAARAWAN.’

PARA SA
IYO

BUBUKSAN MO
LANG SA
MISMONG PETSA
NG IYONG KAARAWAN

Ano ang gagawin mo? Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng iyong sagot.

Susunod ka, maghihintay ka ng dalawang buwan at bubuksan mo lang ang kahon sa mismong petsa
ng iyong kaarawan
Hindi ka makapaghihintay ng ganoon katagal kaya gagawa ka ng paraan upang “masilip” man lang
ang laman ng napakagandang kahon
Bubuksan mo ito agad pagkatanggap mo.
Iba pang gagawin _________________________________________________________
________________________________________________________________________
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

LUNSARAN (ENGAGE)

Ang mitolohiyang Griyego ay koleksiyon ng mga kuwentong kinatatampukan ng mga diyos at diyosa.
Paksa ng ibat ibang mitolohiya ang pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, at pagpapakita ng iba’t
ibang kapangyarihan ng mga nasabing nilalang. Ipinakikita rin dito hindi lamang ang taglay nilang
kapangyarihan kundi ang kanilang ring pamumuhay bilang ordinaryong tao na minsa’y nagkakamali at
nagagapi ng kahinaang tulad ng mga normal.
Ang isa sa mga kilalang salaysay sa mitolohiyang Griyego ay “Ang kahon ni Pandora”. Ang
pinakalumang bersiyon ng mitong ito ay nasa anyong epikong patula at isinulat ng makatang si Hesiod, na
kasabayan ni Homer noong mga taong 700 BC. Tinalakay sa orihinal na akda ang kuwento ng paglikha
gayundin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga kasamaan sa mundo. (Pinagyamang Pluma 10-12)

Gawain 1

1. Basahin at unawain ang konteksto ng bawat pangungusap. Hanapin at bilugan sa ikalawang

pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa unang pangungusap

A. Sumanib ang magkapatid ng Titan sa mga Olimpian dahil alam na nila ang mangyayari sa hinaharap.
Sumama sila para sa pansariling kapakanan.
B. Isang ginintuang kahong may kalakip na susi ang ipinadala ni Zeus nilang handog sa kasal nina
Pandora at Epimetheus.
Kasama rin sa regalong ito ang babalang huwag bubuksan ang kahon.
C. Hindi mapakali ang babae hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon.
Kung nalalaman niya lamang ay hindi na niya nanaising buksan ito kailanman.
D. Nakamata siya sa kahon at tulad ng dati ay natutukso na namang buksan ito.
Ngayon ay nakatingin naman siya sa susing nakasabit sa dingding.
E. Isa ang paninibugho sa mga bagay na lumabas mula sa kahon.
Ang pagseselos ay maaring makasira ng relasyon lalo kung labis-labis na ito.

Gawain 2

2. Panoorin ang isang maikling video na higit na magpapakilala sa iyo sa mga diyos at diyosa ng Bundok
Olimpus. Makikita ang video sa link na ito: https//www.youtube.com/watch?v=eJCm8W5RZes.
Matapos mapanood ang video sagutin ang mga tanong sa ibaba, isulat ito sa loob ng kahon.

A. Paano mo higit na nakilala ang mga diyos at diyosa ng mga mitolohiyang Griyego sa tulong ng
pinanood mong maikling video?

3. Kung susulat ka ng sariling mitolohiya, sino sa kanila ang nanaisin mong maging mga tauhan? Bakit?
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

4. Ano ang mensaheng naiparating sa iyo ng pinanood mo?

Gawain/ Activity
Gawain 3

1. Magpahayag ng ilang kaisipan ng ilang mahalagang kaisipang taglay ng akda batay sa sumusunod na
mga katangian.
a. Magpahayag ng kaisipan tungkol sa maaaring maging epekto sa buhay ng isang kabataang tulad mo
ng pagiging labis na mausisa o curious (tulad ng nangyari kay Pandora).
 ___________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
b. Magpahayag ng kaisipan tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng pag-asa sa kabila ng mga
suliranin at kabiguang nararanasan.
 ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
 ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
c. Magpahayag ng dalawang kaisipan tungkol sa pagiging matulungin at mapagbigay kahit pa
mangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng nagbigay (tulad ng nangyari kay Prometheus)
 ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
 ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

B. Lagyan ng tsek (/) ang mga kaisipang nakita o nabanggit sa binasa o ng ekis (x) naman ang hindi.

____1. Pinarusahan ni Zeus si Prometheus dahil sa pagsuway niya sa kagustuhan nito.

____2. Nagbigay kasi ng pagkain si Prometheus sa nagugutom na mga tao kaya nagalit si Zeus.
____3. Isang babae ang naisip ipadala ni Zeus kay Epimetheus para magdala ng kanyang parusa sa
sangkatauhan.
____4. Nagustuhan at minahal agad ni Epimetheus si Pandora kahit pa binalaan na siya ng
kapatid na huwag tatanggap ng anuman mula sa diyos at diyosa.
____5. Tinutulan ng ibang diyos at diyosa ang pagpapadala ni Zeus kay Pandora.
____6. Hindi nagkaroon ng interes si Pandora na alamin kung ano ang laman ng handog para sa
kanila
____7. Napaalpas ni Pandora ang lahat ng kasamaan sa mundo.
____8. Napasunod rin niya ang pag-asa pagkatapos niyang mapaalpas ang mga kasamaan.
____9. Sa kasalukuyan ay hindi na nararamdaman sa mundo ang mga kasamaang napaalpas ni
Pandora.
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

PAGNINILAY (REFLECTION)

Baon ang kaisipang ito, paano mo maipakikita ang mensahe ng pag-asa sa mga tao na nawalan na ng
pag-asa sa buhay?

PAGLALAPAT (TRANSFER)

Magsaliksik tungkol sa mitolohiyang Griyego na higit na nakapagpapakilala sa iyo sa mga diyos at

diyosa ng bundok ng Olympus. (maaaring magtanong sa nakatatanda bilang parte ng iyong pananaliksik.
Pumili ng ilan sa mga tauhang nakilala mo at bumuo ng sarili mong mito ukol sa mga tauhang ito. Maaari
mong maging paksa ang tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran o pagkakaisa ng mga diyos at diyosa tungo
sa isang layuning makabubuti sa sangkatauhan upang dito’y makabawi sila sa pagpapalaganap ng kasamaan
sa ating mundo sa pamamagitan ng Kahon ni Pandora.
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

Ang pagsulat ngmito ay huhusgahan sa mga sumusunod na pamantayan:

Puntos Marka

1. Ang Mitolohiya ay nakagamit ng ilan

sa mga diyos at diyosa ng Bundok ng
Olympus bilang mga tauhan

2. Ang paksa ng mito ay tungkol sa

pag-ibig, pakikipagsapalaran, o
pagkakaisa ng mga diyos at diyosa
tungo sa isang layuning makabubuti
sa sangkatauhan

3. Maayos ang pagkakasunod-sunod

ng daloy ng mga pangyayari mula
sa simula hanggang sa pagtaas
patungong kasukdulan at pagbaba
sa kakalasan hanggang sa magkaroon
ng maayos na pagwawakas

4. May taglay na mensahe na maaaring

kapulutan ng kabutihang-asal at pag-
papahalagang pangkatauhan

Kabuuang Puntos 20

5 - Napakahusay 2 - Di- gaanong mahusay

4 - Mahusay 1 - Sadyang Di- Mahusay
3 - Katamtaman

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA nina Emily V. Marasigan at Mary Grace G. del Rosario
Ikalawang Edisyon Aklat 1

Magkita-kita muli tayo sa susunod na modyul!

Ama maraming salamat po sa araw na ito, na kami ay iyong

ginabayan sa pagsasagot ng aming modyul. Umaasa po kami na
patuloy mo kaming gagabayan upang magkaron kami ng
malawak na kaalaman sa mga susunod pa naming na modyul.
Nawa po ay matapos na ang krisis na nararanasan namin upang
bumalik na sa normal ang lahat at makapag-aral na po muli kami
sa aming mga paaralan. Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa
iyo ama. Amen.
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

Pagtataya:
Nagustuhan ko ang mga gawain dahil…
_______________________________________________________________________________________

Hindi ko nagustuhan ang gawain dahil…

Nahirapan ako sa mga gawain dahil…

You might also like