You are on page 1of 36

For Students

Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.


Diocese of Malaybalay

Sacred Heart Academy of Valencia Incorporated


Valencia City

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021

Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________


Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ______________ Date of Submission: _____________
Date Received: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 1


Paksa: Ang Kahon ni Pandora (Isang Mitolohiyang Griyego)

A. Panimula (Susing Konsepto)


(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)

Mitolohiyang Griyego- koleksiyon ng mga kuwentong kinatatampukan ng mga diyos at diyosa. Paksa ng iba’t
ibang mitolohiya ang pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma at pagpapakita ng iba;t ibang kapangyarihan ng
mga nasabing nilalang. Ipinapakita rin dito hindi lamang ang taglay nilang kapangyarihan kundi ang kanila ring
pamumuhay bilang ordinaryong tao na minsa’y nagkakamali at nagagapi g kahinaang tulad ng mga mortal.

Halimbawa ng Mitolohiyang Griyego:


Ang Kahon ni Pandora- Ang pinakalumang bersiyon ng mitong ito ay nasa anyong epikong patula at at
isinulat ng makatang si Hesiod, na kasabayan ni Homer noong mga taong 700 B.C. Tinalakay sa orihinal na
akda ang kuwento ng paglikha gayundin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga kasamaan sa mundo.

Ngayon ay basahin mo naman ang buod ng mitolohiyang pinamagatang Ang Kahon ni Pandora.

Ang Kahon ni Pandora.


(Isang Mitolohiyang Griyego)
MGA TAUHAN:
Zeus Hephaestos Aphrodite
Pandora Athena
Epimetheus Hermes
Prometheus Herakles

BUOD
Noong unang panahon, ang magkapatid na sina Epimetheus at Prometheus ay namuhay sa kasama ng mga
disyos at diyosang Griyego. Ang magkapatid ay mga Titan subalit sumanib sila sa mga Titan sapagkat nakita ni
Prometheus ang hinaharap na matatalo sila ng mga Olimpian. Dahil sa katapatang ipinakita ng magkapatid sa
mga Olimpian noong una ay binigyan sila ni Zeus ng kapangyarihang lumikha ng mga nilalang para manirahan
sa daigdig. Si Epimetheus ay lumikha ng mga hayop, si Prometheus naman ay lumikha naman ng mga tao.

Naisip ni Prometheus na bigyan ng apoy ang mga tao upang maproteksyunan ang kanilang mga sarili ngunit
hindi sumang-ayon si Zeus. Subalit umiral pa rin kay Prometheus ang kaniyang pagmamalasakit sa mga tao
kaya tinungo niya ang tirahan ni Hephaestos, ang diyos ng apoy at bulkan. Kumuha siya ng apoy nang walang
paalam at ipinamigay ito sa mga tao, itinuro din niya kung paano ito gamitin. Nalaman ito ni Zeus kaya
ikinadena niya si Prometheus sa kabundukan ng Caucasus at ipinatuka ang kanyang atay sa agila. Natigil
lamang ito nang mapatay ni Herakles ang agila sa pamamagitan ng kanyang palaso at mapalaya si Prometheus.

Subalit hindi dito natapos ang galit ni Zeus. Naisip niyang gamitin ang kapatid ni Prometheus na si Epimetheus
para sa kanyang plano. Hiniling niya ang tulong ng diyos na si Hephaestos sa paglikha ng isang babae mula sa
luwad. Nagtulong-tulong ang mga diyos at diyosa sa pagbibigay ng iba’t ibang katangian. Pinangalanan siyang
Pandora ni Haring Zeus na ang kahulugan ay “lahat ay handog” bago niya tinawag si Hermes para ihatid ang
dalaga kay Epimetheus.

Binalaan ni Prometheus ang kapatid na huwag tatanggap ng anumang handog mula sa mga diyos at diyosa dahil
tiyak na kapahamakan lang ang dala nito. Ngunit agad namang napaibig si Epimetheus sa dalaga. Agad na
inihanda ang kasal nina Epimetheus at Pandora na ikinatuwa ni Zeus dahil nangyayari ang lahat ayon sa
kanyang mga plano. Bilang handog sa kanilang kasal, isang ginintuang kahon ang ipinadala ni Zeus. May
kalakip itong susi at babalang nagsasabing “huwag itong bubuksan.” Pinakausapan ni Epimetheus si Pandora
tungkol sa kahon na huwag bubuksan at sumang-ayon naman si Pandora. Pinilit ni Pandorang sundin ang lahat
ng tagubilin ni Epimetheus subalit dahil likas siyang mausisa ay hindi siya mapakali hangga’t hindi niya
nababatid kung ano ang laman ng kahon.

Isang araw, maagang natungo si Epimetheus sa bukid at naiwang mag-isa si Pandora. Tinitigan niya ang kahon
hanggang sa pagtingala niya ay nakita niya ang susing isinabit sa dingding ng kanilang tahanan. Kinuha niya
ang susi at binuksan ang kahon. Pag-angat pa lang ng takip ay agad nagliparan palabas ang mga itim na
insektong kumakatawan sa iba’t ibang uri ng kasamaan sa mundo tulad ng galit, inggit, kasakiman, digmaan,
panigbuho, gutom, kahirapan, kamatayan, at iba pa. Humahagulgol siya nang datnan ng asawa. Subalit mula sa
nakabukas na kahon ay lumipad ang isang maganda at maningning na munting insekto. Ito ang espiritu ng pag-
asa.

Napakawalan man ni Pandora ang lahat ng masasamang bagay sa mundo ay nagawa pa rin niyang palabasin ang
pag-asa na siyang humihilom sa anumang sakit na dulot ng mga naunang umalpas na masasamang bagay.
Subalit dahil mas huli niya itong napalabas, karaniwang laging sa huli rin dumarating ang pag-asa.

Maaari mo rin itong panoorin sa youtube link na ito https://youtu.be/wPXY7b9yUwU)

B. Kasanayang Pagkatuto at Koda

 Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang mitolohiya.


 Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa: sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig.
(F10PT-Ia-b-61)
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito (F10PT-la-b-61)
 Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.
(F10PD-Ia-b-61)
 Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay. (F10PS-Ia-b-64)

C. Mga Layunin
Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay inaasahang:
a. naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito,
b. naipapahayag ang sariling opinyon sa paksang tinalakay; at
c. maliksing nakasasagot sa mga gawaing inihanda ng guro.

D. Malinaw at Detalyadong Panuto

Pagkatapos basahin ang akdang pampanitikang mitolohiya, unawaing mabuti ang mga katanungan at
sagutin ang mga pagsasanay sa isang buong papel. Gumamit lamang ng itim na ballpen.

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng kayariang payak, maylapi, inuulit, o tambalan.
Maaaring maiugnay ang kayarian ng salita sa kahulugan nito. Ibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa
kayarian at sa iba pang katangian nito.
______________1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag-iisang-dibdib? Ang isa pang
kahulugan nito’y pag-aasawa.
______________2. Alin sa mga salitang maylaping nasa kahon ang may naiibang kahulugan? Isulat ito sa linya.

minamahal Iniibig sinisinta hinahangaan


______________3. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng salitang galak sa pangungusap na “Galak
ang dulot ng pagdating ng dalaga sa kanyang buhay.”
______________4. Anong salitang maylapi ang maaaring maging kasingkahulugan ng inuulit na salitang
kahali-halina sa pangungusap na “Ang dalaga’y sadyang kahali-halina kaya’t agad nahulog ang loob niya.”
______________5. Alin sa mga salitang payak na nasa kahon ang may naiibang kahulugan? Isulat ito sa linya.

banta babala ganti

Gawain 2: Basahin ang mga sitwasyong nakalahad sa Magagawa Natin (Bilang 1-5). Alamin kung paano mo
maiaaplay ang ganitong uri ng pag-ibig sa sarili, pamilya, sa kaibigan, sa pamayanan o bansa, at sa daigdig.
1. Sa iyong sarili: Nagkagalit kayo ng pianakamatalik mong kaibigan at ngayon ay may bago na siyang
kaibigan. Nakaramdam ka ng galit at paninibugho kapag nakikita o silang masayang magkasama dahil
ngayo’y halos hindi ka na niya pinapansin kahit magkasalubing kayo. Tila nakalimutan na rin niya ang
mga taon ng pagiging mabuti niyong magkaibigan. Paano makatutulong ang pag-asa para maghilom ang
nararamdaman mo sa sitwasyong ito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

2. Sa iyong pamilya: Lima kayong magkakapatid na sabay-sabay na nag-aaral sa hayskul at sa kolehiyo.


Ordinaryong empleado lang ang iyong ama at ina kaya naman lagi kayong kapos. Naiinggit ka sa mga
nakikita mong mga bagong gamit ng mga kaklase mo. Subalit, wala talagang ekstra para mabilhan ka ng
mga ito dahil kahit nga para sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain kay kulang na
kulang pa kayo. Paano makatutulong ang pag-asa sa kalagayan ninyong ito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

3. Sa iyong kaibigan: Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa pamilya ng iyong kaibigan.
Nagkasakit ang kanyang ina na humantong sa maaga niyang pagyao. Napakasakit ng pangyayaring ito
sa kaibigan mo dahil sa kanyang nanay siya humuhugot ng lakas kapag nanghihina siya. Paaano
makatutulong ang dala mong pag-asa sa kalagayan niyang ito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

4. Sa iyong pamayanan o bansa: Maraming suliraning hinaharap ang bansa tulad ng droga, kahirapan, at
kaguluhang dala ng mga pangkat na gustong maghasik ng takot at sakit sa taumbayan. Ikaw bilang
kabataan ang pag-asa ng ating bayan, paano ka makatutulong bilang isang pag-asa ng bayan sa ganitong
kalagayan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

5. Sa daigdig: Ang buong daigdig ay patuloy na nakararanasang malalaking kalamidad sanhi ng


lumalalang epekto ng Global Warming. Ang bawat isa sa atin ay may ginagawang nagpapalala sa
sitwasyong ito. Muli, bilang kabataan, ikaw ang pag-asa ng daigdig. Ano ang magagawa mo sa iyong
munting paraan upang maipakitang dala mo nga ang pag-asa sa sitwasyong nakalahad?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

Gawain 3: Panoorin ang isang maikling videong higit na magpapakilala sa iyo sa mga diyos at diyosa
ng Bundok Olimpus. Makikita ang video sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?
v=eJCm8W5RZes

 Paano mo higit na nakilala ang mga diyos at diyosa ng mga mitolohiyang Griyego sa tulong ng
pinanood mong maikling video?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________
 Kung susulat ka ng sariling mitolohiya, sino sa kanila ang nanaisin mong maging mga tauhan? Bakit?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

 Ano ang mensaheng naiparating sa iyo ng pinanood mo?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

F. Rubrik sa Pagpupuntos (kung kailangan)

G. Repleksiyon

H. Mga Sanggunian

 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 10-13


 Ang Kahon ni Pandora: https://youtu.be/wPXY7b9yUwU
 Diyos at Diyosa ng Bundok Olimpus https://www.youtube.com/watch?v=eJCm8W5RZes

__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang
Para sa Mag - aaral
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Diocese of Malaybalay

Sacred Heart Academy of Valencia Incorporated


Dagat ki Davao, Valencia City

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021

Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________


Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ______________ Date of Submission: _____________
Date Received: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 2


Paksa: Pandiwa (Uri at Aspekto ng Pandiwa)

A. Panimula (Susing Konsepto)


(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)

Ang mga pandiwa ay salitang kilos na nagagamit sa paglalahad ng aksiyon o kilos, mga pangyayari at
mga karanasan sa buhay. Kilalanin mo pa nang lubusan ang mga pandiwa, ang uri at aspekto nito.

Pandiwa
(Uri at Aspekto)

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng


mga salita. Ito’y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Ang mga panlaping ginagamit sa
pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.

Uri ng Pandiwa

Ang pandiwa ay maaaring mauri sa dalawa: ang palipat at ang katawanin.


 Palipat ang pandiwa kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Ang layon ay karaniwang
kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay o kina.
Halimbawa:
pandiwa tuwirang layon
Si Hephaestos ay lumilok ng babae.
 Katawanin ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos at
nakatatayo na itong mag-isa.
Halimbawa:

 pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain o pangyayari


pandiwa
 Nabuhay si Pandora.

 Mga pandiwang palikas na walang simuno.


 Umuulan!
 Lumilindol!
Aspekto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap
ang kilos na ipinahahayag nito.
1. Aspektong Naganap o Perpektibo- Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.
Halimbawa: Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Epimetheus.
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- Ito’y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari
o kaya’y patuloy na nangyayari.
Halimbawa: Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa.

3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo- Ito’y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o


gagawin pa lang.
Halimbawa: Darating ang pag-asa basta maghintay ka lamang.

B. Kasanayang Pagkatuto at Koda


 Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan.
 Nagagamit ang angkop na pandiwa sa paglalahad ng sariling karanasan.
(F10WG-Ia-b-57)

C. Mga Layunin
Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baiting ay inaasahang:
a. malaman ang ibat ibang uri at aspekto ng pandiwa,
b. nakakikilala ng pagkakaiba ng uri at aspekto ng pandiwa; at
c. masigasig na naksasagot sa mga gawaing inihanda ng guro.
D. Malinaw at Detalyadong Panuto

Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Gamitin ang iyong natutunan at tukuyin ang
pandiwa, uri at aspekto ng pandiwa sa pangungusap. Isulat ito sa isang buong papel. Gumamit lamang ng itim
na ballpen.

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Tukuyin at isulat sa unang kahon ng talahanayan ang pandiwang ginamit sa bawat pangugusap.
Pagkatapos, kilalanin at isulat naman sa angkop na kahon ang uri at aspekto ng pandiwang isinulat mo.
1. Sumuway si Prometheus sa kagustuhan ni Zeus.

Pandiwa Uri Aspekto

2. Pinarusahan siya ni Zeus.

Pandiwa Uri Aspekto

3. Laging nagpapaalala si Epimetheus kay Pandora.

Pandiwa Uri Aspekto

4. Ang lahat ng kasamaan sa mundo ay napaalpas ng babae.

Pandiwa Uri Aspekto

5. Sa kabila ng mga kasamaan at problema, ang pag-asa ay tiyak na darating.


Pandiwa Uri Aspekto

Gawain 2: Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong
nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa
kabila ng anumang problema o paghihirap.

1. magsikap (perpektibo o naganap)


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. magdasal (imperpektibo o nagaganap)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
3. gumawa (perpektibong katatapos)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
4. mag-isip (imperpektibo o nagaganap)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
5. magtiyaga (kontemplatibo o magaganap)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

F. Rubrik sa Pagpupuntos (kung kailangan)


G. Repleksiyon

H. Mga Sanggunian

 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 23-25

__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan

Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.


Diocese of Malaybalay

Sacred Heart Academy of Valencia Incorporated


Dagat ki Davao, Valencia City

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021

Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________


Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ____________Date of Submission: _____________Date Received: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 3


Paksa: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

A. Panimula (Susing Konsepto)


(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)

Nasubukan mo na bang magkaroon ng isang problema dahil hindi ka nakapaghanda o nagkaroon ka ng


kakulangan sa paghahanda? Bibigyan kita ng pagkakataong mapag-isipan o mapagnilayan ang sagot sa tanong
na ito.Pagkatapos, ituon ang iyong pansin sa Alam Mo Ba. Mula rito’y malalaman mo ang kahalagahan ng
paghahandang sinasabi ng Panginoon para sa kanyang pagbabalik na may kaugnayan sa akdang babasahin mo
ngayon.

Alam Mo Ba?
Ang Israel ay isang bansa sa Kanlurang Asya na kabilang sa tinatawag na Rehiyon Mediterranean dahil
ito ay matatagpuan sa bahaging timog silangan ng Dagat Mediterranean dahil ito’y matatagpuan sa bahaging
timog silangan ng Dagat Mediterranean. Ang Israel ay isa sa mga bansa sa Gitnang Silangan na kinikilalang
Holy Land o Banal na Lupain hindi lamang ng mga Kristiyano kundi maging ng mga Hudyo, Muslim at mga
Baha’i.
Sa maraming bahagi ng Israel, partikular sa lungsod ng Herusalem, namuhay at nangaral si Hesus sa
Kanyang mga parabula ang ang pagpapakasal ng binata at dalagang Hudyo noong unang siglo upang bigyang-
diin ang kanyang relasyon at pagmamahal sa ating mga mananampalataya. Sa parabulang mababasa mo sa
araling ito ay maraming tradisyon ng kasalang Hudyo ang iyong malalaman.

Bago mo basahin ang parabula, sagutin muna ang Gawain 1.

Ang Parabula ng Sampung Dalaga


Ang parabulang ito ay tungkol sa sampung dalaga na dumalo sa isang kasalan. Ang kasalang ito ay
inihahalintulad sa pagpasok sa kaharian ng langit. Ang sampung dalagang ito ay naatasang maging abay sa
kasalan. Sila ay sasalubong sa lalaking ikakasal na may dalang kani-kaniyang ilawan. Ang lima sa kanila ay
itinuring na mga hangal samantalang ang lima ay itinanghal na matalino. Ang unang lima ay nagdala ng ilawan
ngunit hindi nagbaon ng karagdagang langis para sa kanilang mga ilawan. Samantalang ang huling lima ay may
bagong langis bukos pa sa nakalagay sa kanilang ilawan.
Sa pagkakaantala ng pagdating ng lalaki, inantok at nakatulog ang sampung dalaga. Nang hatinggabi ay narinig
nila ang pagsigaw hudyat na dumating na ang lalaking ikakasal. Ang lahat ng sampu ay nagsipaghanda ngunit
sa kasamaang palad, tanging ang lima lamang ang may dalang dagdag na langis upang mapanatli ang ningas ng
kanilang ilawan. Nagmadaling bumili ang lima ng langis ngunit huli na sapagkat nakapasok na ang lalakimg
ikakasal at ang limang dalagang may dalang dagdag na langis para sa kanilang mga ilawan at sila ay naiwan sa
labas. Bilang pagtatapos, nagbigay ang Diyos ng babala na kailangan ng tao na maging handa sa pagdating ng
kanyang anak na si Hesukristo sa sanlibutan at tanging yaon lamang mga nakahanda ang siyang makapapasok
sa Kanyang kaharian.

B. Kasanayang Pagkatuto at Koda


 Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda (F10PT-
Ib-c-62)
 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal. (F10PN-lb-c-63)
 Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong.
(F10PB-lb-c-63)
C. Mga Layunin
Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay inaasahang:
a. nasusuri ang tiyak na bahagi ng nabasang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal,
b. nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda; at
c. nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.

D. Malinaw at Detalyadong Panuto


Matapos basahin at unawain ang akdang “Ang Parabula ng Sampung Dalaga” ay kopyahin at sagutin
ang sumusunod na gawain na makikita sa aklat. Isulat ito sa isang kalahating papel (½ crosswise) at gumamit
lamang ng itim na ballpen.

E. Mga Pagsasanay
Gawain 1: Ang estilong masasalamin sa kabuoan ng parabola ay pagsasalaysay ng sinaunang tradisyon o
kulturang nagtataglay ng aral na maaaring iugnay sa kasalukuyan. Mababakas ito sa paglalahad ng mga
pangyayari gayundin sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda. Sumulat sa kahon sa kabilang pahina ng
salitang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin sa pangungusap. Sa linya ay magbigay-puna o magbigay ng
opinyon sa kaangkupan ng pagkakagamit ng salita o ekspresyong ito sa estilo, uri, at panahon kung kailan
nasulat ang akda.
1. Tinanggap ng dalaga ang panunuyo ng binata. Angkop ba ang paggamit ng salitang
panunuyo sa estilo at panahon kung kailan naisulat ang akda? _________ Bakit?
________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Naghintay ang dalaga sa pagdating ng kanyang mangingibig. Angkop ba ang paggamit ng


salitang mangingibig sa estilo at panahon kung kailan naisulat ang akda? _________Bakit?
___________________________________________
_______________________________________________________________
3. Pinag-usapan na rin ang tungkol sa ipagkakaloob na dote ng pamilya ng binata sa pamilya
ng dalaga. Angkop ba ang paggamit ng salitang ipagkakaloob sa estilo at panahon kung
kailan naisulat ang akda? _______________________
Bakit? _________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. Sa tahanan ng binata idaraos ang maringal na kasalan. Angkop ba ang paggamit ng salitang
maringal sa estilo at panahon kung kailan naisulat ang akda? ________Bakit?
____________________________________________
_______________________________________________________________
5. Inaasahan ng matatalinong dalaga ng maaaring maantala ang pagdating ng ikakasal kaya’t
nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong pangyayari. Angkop ba ang paggamit ng
salitang maantala sa estilo at panahon kung kailan naisulat ang akda? _______Bakit?
___________________________________

Gawain 2: Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba at isulat sa linya kung ang bahaging ito ay
nagsasaad ng katotohanan o kabutihan at kagandahang-asal. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong
kasagutan.
_________________1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang Hudyo ay nagsisimula
sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.
Paliwanag sa sagot:

_________________2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumalayo ang binate upang ihanda o buoin
ang kanilang magiging tahanan at upang mapatunayan ang katatagan ng kanilang pag-iibigan sa isa’t isa.
Paliwanag sa sagot:

_________________3. Ang limang matatalinong dalaga ay naging handa kaya’t nagbaon sila ng sobrang langis
para sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
Paliwanag sa sagot:

_________________4. Ang hindi paghahanda lalo na sa panahon ng mahahalagang pangyayari ay


makapagdudulot ng suliranin at kabiguan.
Paliwanag sa sagot:

_________________5. Dahil sa kanilang kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan ng binatang ikakasal


ang limang hangal na dalaga.
Paliwanag sa sagot:

Gawain 3: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot batay sa nilalaman,
elemento, at kakanyahan ng binasang akda.

1. Alin sa sumusunod ang tagpuan ng binasang parabula?


a. Israel sa unang siglo
b. Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol
c. Israel sa kasalukuyang panahon
d. Rehiyon ng Mediterranean, kalagitnaang siglo
2. Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa ating Panginoon?
a. Ang ama ng binata o ama ng dalagang ikakasal
b. Ang matatalinong dalaga
c. Ang dalagang ikakasal
d. Ang binatang ikakasal
3. Batay sa nilalaman ng akda, ano ang nangyari sa mga tauhang hindi nakapaghanda?
a. Sila ay pinarusahan at ikinulong
b. Sila ay hindi nakapasok sa piging
c. Sila ay binigyan ng isa pang pagkakataon
d. Sila ay umuwi na lang sa kani-kanilang tahanan
4. Ano ang kasukdulan o pinakamataas na pangyayari sa akda?
a. Nang sunduin ng binatang ikakasal ang kanyang nobya
b. Nang magising ang sampung dalaga mula sa pagkakatulog habang naghihintay
c. Nang biglang dumating ang binatang ikakasal nang hindi handa ang limang dalaga
d. Nang magkasundo ang dalawang ama na ipakasal ang kani-kanilang mga anak
5. Anong kakanyahan o katangian ang luting na luting sa akda?
a. Ito’y isang akdang nagbabalita
b. Ito’y isang akdang nangungumbinsi
c. Ito’y isang akdang naglalarawan
d. Ito’y isang akdang nagsasalaysay

F. Rubrik sa Pagpupuntos (kung kailangan)

G. Repleksiyon

H. Mga Sanggunian

 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 31-39

__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

Para sa Mag - aaral


Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Diocese of Malaybalay

Sacred Heart Academy of Valencia Incorporated


Dagat ki Davao, Valencia City

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021

Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________


Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ___________Date of Submission: ____________ Date Received: _________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 4


Paksa: Mga Berbal, Di-Berbal at Pasulat na Pakikipagtalastasan at Pang-ugnay

A. Panimula (Susing Konsepto)


(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)

Ang pakikipagtalastasan ay isinasagawa natin sa araw-araw. Sa pamamagitan nito’y nakapagpapaabot


tayo sa iba ng mga impormasyon, kaisipan, pananaw opinyon, reaksiyon, damdamin at iba pa. Ang
pakikipagtalastasan ay maaaring berbal o pasalita, di berbal at pasulat. Upang lubos mong maunawaan kung ano
ng ba talaga ang mga uri ng pakikipagtalastasan, basahin ang Alamin Natin.

Alamin Natin!

MGA BERBAL, DI BERBAL AT PASULAT NA PAKIKIPAGTALASTASAN

 Ang berbal o pasalitang pakikipagtalastasan ay karaniwang isinasagawa nang harapan (face to face), sa
telepono, sa pamamagitan ng makabagong application ng teknolohiya tulad ng video call sa Facebook,
Messenger, Facetime, Skype, at iba pa gayundin ang pagsasalita sa media tulad ng sa radyo o telebisyon.
 Ang di berbal na komunikasyon ay mga bagay na isinasagawa nating nagpapaabot ng mensahe kahit
hindi natin binibigkas tulad ng pagkumpas ng kamay, pagtango, pagngiti, pagtitig sa kausap, pagkunot
ng noo, at iba pa. naipakikita rin ang di-berbal na mensahe sa pamamagitan n gating pananamit at pag-
ayos ng sarili para maiakma sa okasyon kung saan inaasahang magaganap ang komunikasyon.
 Ang pasulat na komunikasyon ay kinabibilangan ng liham, e-mail, SMS o short messaging system na
lalong kilala bilang text message, gayundin ang mga mensaheng ipinadadala natin sa pamamagitan ng
mga social networking site tulad ng pakikipag-chat sa Messenger, pagpo-post at pako-komento sa
Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa. ang pasulat na komunikasyon ay makikita rin sa mga aklat,
magasin, diyaryo, blog at iba pa.

Para naman sa karagdagang impormasyon, maaari mo rin itong panoorin sa youtube link na ito
https://youtu.be/R28qZKMyr3s

Ngayon ay pag-aaralan mo naman ang tungkol sa “Dalawang Pang-ugnay sa Wikang Filipino.”

Pang-ugnay

Ang dalawang pang-ugnay sa wikang Filipino ay ang pang-angkop at pangatnig. Sa


pagsasalaysay ay madalas nagagamit ang mga pang-ugnay na pang-ukol at pangatnig kaya halika at higit
pa nating kilalanin ang mga ito.

 Pang-ukol- kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap. Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng mga kataga, salita, o
pariralang ginagamit bilang pang-ukol.

Alinsunod sa/alinsunod kay Laban sa/laban kay


Ayon sa/ayon kay Para sa/para kay
Hinggil sa/hinggil kay Tungkol sa/tungkol kay
Kay/kina Ukol sa/ukol kay

 Pangatnig- mga kataga, salita o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o
payak na pangungusap. Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pangatnig.

at kapag ngunit samakatwid


anupa kaya o sa madaling salita
bagaman kundi pagkat upang
bagkus kung palibhasa sanhi
bago habang pati sapagkat
dahil sa maliban sakali subalit
datapwa nang samantala ni

Halimbawa ng talata gamit ang iba’t ibang pang-ugnay:

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel dahil sa isang Pinay caregiver na may natatanging talento sa
pag-awit. Siya ay si Rose “Osang” Fostanes, ang nagwagi sa “X Factor Israel” noong Enero, 2014.
Halos dalawampung taon siyang nagtatrabaho sa Israel Subalit ngayon lang nagkaroon ng napakalaking
pagbabago sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang kalagayan at edad niya upang ipakita ang
taglay niyang talento. Sa una’y kabado siya, ngunit sumubok pa rin siyang mag-audition. Nakatutuwang
isiping lumutang ang talento niya laban sa mga mas batang kalahok. Hindi siya sumuko kaya sa huli ay
nakamit niya ang tagumpay. Hinahangaan sa buong mundo ang kanyang talento at determinasyon.
Kapag nakausap ko si Osang ay ipaparating ko sa kanya ang aking paghanga. Napatunayan niyang
maliban sa pagiging mabuting caregiver ay may talentong puwedeng ipagmalaki ang mga pilipinong
tulad niya. Para sa lahat ng Pilipino ang tagumpay na ito ni Osang!

B. Kasanayang Pagkatuto at Koda


 Naipakikita ang kakanyahan sa pakikipagtalastasang pasulat sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
mensaheng magpaparating ng iyong sariling pananaw.
 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy,
pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas) (F10WG-lb-c-58)

C. Mga Layunin

Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baiting ay inaasahang:


a. nalalaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng berbal, di-berbal at pasulat na pakikipagtalasatasan,
b. natutukoy ang dalawang pang-ugnay sa wikang Filipino; at
c. naisasabuhay ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan at paggamit ng mga pang-ugnay sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

D. Malinaw at Detalyadong Panuto

Matapos basahin at unawain ang iba’t ibang uri ng pakikipagtalastasan ay ipakikita mo naman ang iyong
kakayahan sa pakikipagtalastasang pasulat. Isulat ito sa isang buong papel at kung maaari ay isulat ito ng
nakapahalang. Gamitin mo rin ang iyong natutunan sa pagsagot ng isang pagsasanay ukol sa mga pang-ugnay.
Gumamit lamang ng itim na ballpen.

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Ipakita ang iyong kakayahan sa pasulat na pakikipagtalastasan. Bumuo ka ng isang sulating hindi
bababa sa apat na talata tungkol sa paksang “Mga Paraang Maisasagawa ng Isang Kabataang tulad Ko Upang
Umiwas o Tumanggi sa mga Hindi Magagandang Impluwensiya sa Paligid na Maaaring Makasira sa Buhay
Ko.”
Gawain 2: Bago gawain ang pagsasanay, basahin muna ang halimbawa ng talatag ibinigay sa itaas. Pagkatapos,
ikaw naman ang magsasalaysay tungkol sa isang kahanga-hangang Pinoy o pangkat ng mga Pinoy na tulad ni
Osang na nagdala ng karangalan sa bansa. Ang iyong pagsasalaysay ay dapat magkaroon ng mahusay na
simula, maayos na pagdaloy ng mga pangyayari at epektibong pagwawakas na mag-iiwan ng marka o
kakintalan. Gumamit ng hindi bababa sa sampung pang-ugnay sa iyong pagsasalaysay.

___________________________________________
Pamagat

Mahusay na Simula
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Maayos na Pagdaloy ng mga Pangyayari


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagwawakas na Mag-iiwan ng Marka o Kakintalan


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

F. Rubrik sa Pagpupuntos (kung kailangan)

Gawain 1:
Nilalaman- 45%
Kaugnayan sa Tema- 30%
Paggamit ng Salita- 25%
Kabuuan- 100 puntos
Gawain 2:
Nilalaman- 20%
Kaugnayan sa Tema- 10%
Paggamit ng mga Pang-ugnay- 20%
Kabuuan- 50 puntos
G. Repleksiyon (provide Paper)
H. Mga Sanggunian
 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 41-44
 Uri ng Pakikipagtalastasan/Komunikasyon https://youtu.be/R28qZKMyr3s

__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

For Students
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Diocese of Malaybalay

San Isidro College


INTEGRATED BASIC EDUCATION
City of Malaybalay

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021

Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________


Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ______________ Date of Submission: _____________
Date Received: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 5


Paksa: Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya (Isang Sanaysay)

A. Panimula (Susing Konsepto)


(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)

Ang Espanya ay isang bansang sumakop sa Pilipinas sa loob nang mahigit tatlong daang taon. Hanggang
sa kasalukuyan, naparami pa rin sa impluwensiya ng bansang ito ang masasalamin sa ating wika, kultura,
tradisyon, pananampalataya at uri ng pamumuhay.
Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit 50,000 Overseas Filipino Worker o OFW ang naghahanapbuhay at
naninirahan sa bansang ito partikular na sa malalaking lungsod dito tulad ng Madrid at Barcelona.
Lalo mo pang mapapalawak ang iyong kaalaman ukol sa Barcelona at sa rehiyon ng Catalonia sa
pamamagitan ng panonood ng maikling video na “magdadala” sa iyo sa napakagandang lungsod na ito. Maaari
mo itong mapanood sa youtube link na ito (https://www.youtube.com/watch?v=L_bgTJkFk3k&t=2s)
Matapos mong magkaroon ng kaunting kaalaman ukol sa Espanya ay sagutin muna ang gawain sa
Payabungin Natin (Gawain 1). Pagkatapos sagutin ay maaari mo nang basahin ang buod ng isang sanaysay na
pinamagatang “Ang Apat na Buwan ko sa Espanya.”

“Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya”


ni Rebecca de Dios
 Rebecca de Dios
 16 na taong gulang
 Anak ng mag-asawang OFW
 Napasyalan an iba’t ibang lugar sa Espanya sa loob ng 4 na buwan

Klima at Panahon
Sa buwan ng Abril-Hunyo ay nakaranas siya ng katamtamang panahon. Subalit sa buwan ng Hulyo-Agosto ay
sadyang napakainit daw ng panahon na kung ihahambing ay nangyayari sa buwan ng Marso at Abril sa
Pilipinas. Sa mga panahong ito, marami ang dumarayo sa Espanya lalo na sa lungsod ng Barcelona, upang
pasyalan ag kanilang magagandang dalampasigan sa baybayin ng Dagat Mediterranean.

Kultura at Tradisyon
Napakarami ring mga museo at mga teatro na masasalamin ang kanilang kasaysayan. Halimbawa ang Reina
Sofia de Madrid. Libreng nakapapasok dito sa araw ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes mula 7-9 ng gabi.
Libre ring pumasok sa araw ng Sabado at Linggo mula umaga hanggang 2:30 ng hapon. Makikita rin dito ang
National Art Museum of Catalonia kung saan gusali pa lang ay kahanga-hanga na.

Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura ang pagsasagawa g bullfight kung saan ag mga kalalakihan ay
nakikipagtagisan ng lakas ng toro. Gayundin ang pagsayaw ng flamenco na labis niyang nagustuhang panoorin
dahil sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga mananayaw.

Ang mga Tahanan at Gusali


Maraming makabagong tahanan at gusali subalit maraming gusali rin ang naitayo pa noong gitnang panahon
tulad ng Palacio Real sa Madrid, ang Toledo’s Ancient Rooftops sa Toledo, Basilica de la Sagrada Familia,
Casa Vicens, Casa Batllo, Guell Pavilion at marami pang iba.

Wika
Ang kanilang wika ay Spanish o Castillian na tinatawag nating Espanyol. Mayroon ding diyalektong ginagamit
ang mga tao tulad ng Galician, Catalan, at Basque. Ang ingles ay nauunawaan subalit ang paggamit nito ay
hindi laganap. Gayunpaan, kung titira ka nang matagalan ay kailangan matuto ka ng wikang Espanyol dahil
halos lahat ng mga produkto, at mahahalagang dokumento, babala sa daan o signages ay nasusulat sa kanilang
salita. Natuwa siya sapagkat may mga salita silang agad nang naintindihan tulad ng baño, calle ventana, coche
at iba pa.

Relihiyon o Pananampalataya
Kapansin-pansin ang malalaking simbahang Katoliko sa Espanya. Nakararami pa rin sa mga Espanyol ang
Katoliko na nasa humigit-kumulang 80%-90% subalit marami pa rin ibang relihiyon tulad ng Islam at ibang
pananampalataya tulad ng Jehovah’s Witnesses, Mormons at iba pa. Gayunpaman, maraming Katoliko ang
hindi regular na nagsisimba at nagsasagawa lamang ng ritwal sa simbahan tulad ng pagbibinyag, pagpapakasal,
at pagbabasbas sa namatay.

Pagkain at iba pang Kaugalian


Ang kanilang almusal ay tinatawag na El Desayuno na karaniwang kapeng may gatas at tinapay. Sa ika 10-11
ng umaga ay muli silang kakain tapas ang tawag dito nakalagay sa maliliit na platito na pwedeng damputin lang
(fingerfood.) Ang La Comida ang pinakamalaki nilang kain sa hapon, maraming putahe ang inihahanda.
Naglalaan sila ng 2-3 oras sa pagkain ng tanghalian at nalalaan ng siesta pagkatapos kumain. Tuwing 5-5:30 ng
hapon ay kumakain sila ng La Merienda. Ang pinakahuling parte ng pagkain ay tinatawag na La Cena tuwing
ika-9 ng gabi. Pagkatapos ng hapunan ay lumalabas sila upang maglakad-lakad at dumaraan sa mga restaurant
at bar.

Isports
Sa Espanya ay soccer o football ang tanyag na laro na nilalaro saanmang bahagi ng bansa. Hindi makokompleto
ang kanilang linggo kung hindi sila makapanood ng paborito nilang koponan ang Real Madrid na may mahigit
228 milyong tagasuporta.

Kasuotan
Pormal ang pananamit, tanging mga kabataan ang nakita kong nakasuot ng pantalong maong t-shirt lalo na sa
lungsod ng Madrid. Ang mga nakatatandang babae ay nakasuot ng bulsa at palda o bestida. Ang mga
kalalakihan ay nakasuot ng may kwelyong pang-itaas, slacks at sapatos na balat. Sa loob ng simbahan
mayroong dress code, ipinagbabawal ang mga damit na hindi angkop sa simbahan.

B. Kasanayang Pagkatuto at Koda


 Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda (F10PB-Ic-d-64)
 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan
(F10PT-Ic-d-63)
 Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig (F10PD-lc-d-63)
 Nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang internet at iba pang batis ng impormasyon
(F10EP-Ia-b-28)

C. Mga Layunin

Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay inaasahang:


a. naibabahagi ang sariling reaksyon ang sanaysay na binasa,
b. natutukoy ang mga kaisipan o ideya na naitalakay sa akda; at
c. nakapagpapakita ng kaliksihan sa pagsagot sa mga katanungang may kaugnayan sa akda.

D. Malinaw at Detalyadong Panuto

Matapos basahin at unawain ang sanaysay, sagutin ang sumusunod na gawain. Isulat ito sa isang buong
papel at gumamit lamang ng itim na ballpen.

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Ang dalawa sa tatlong salita ay halos kapareho o kaugnay ng salitang nakadiin sa pariral. Piliin ang
titik ng salitang may naiibang kahulugan.

1. nag-uugat sa malayong nakaraan


a. nagmumula b. nanggaling c. naiiwan
2. nakikipagtagisan sa mga toro
a. nakikipaglaro b. nakikipaglaban c. nakikipagpaligsahan
3. lumalapat sa sahig
a. sumasayad b. dumadapo c. umaangat
4. kaugaliang natatangi
a. naiiba b. walang kaparis c. pangkaraniwan
5. maraming putahe
a. prutas b. ulam c. pagkain

Gawain 2: Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang lahat ng mga kaisipan o ideyang tinalakay sa akda. Ekis (X)
naman ang ilagay kung hindi ito nabanggit sa akda. Pagkatapos sagutin ay magbigay –reaksiyon sa lahat ng
mga pahayag na nilagyan mo ng tsek (/). Isulat ang bilang at ang reaksyon mo para sa bawat isa.

_________1. Karaniwang hindi maagang nagsisitulog ang mga Espanyol dahil pagkatapos nilang kumain ay
karaniwang naglilibot-libot pa sila.
_________2. Isang mahalagang bahagi ng kanilang kaugalian ang mahabang pananghalian at pagsisiesta kaya
naman ang halos buong bansa ay tumigil at nagsasara sa mga oras na ito.
_________3. Mahalaga sa mga Espanyol na mapangalagaan ang kanilang itsura o anyo at makikita ito sa
kanilang maayos na pananamit.
_________4. Nakitaan ng labis-labis na kasipagan dahil sa halos walang tigil na pagtatrabaho sa maghapon ang
mga Espanyol.
_________5. Napangalagaan ng mga Espanyol ang mga gusaling kakikitaan ng kanilang mayamang nakaraan at
kasaysayan.
_________6. Tulad ng mga Pilipino, ang halos lahat ng mga Espanyol ay mahusay rin sa pagsasalita ng wikang
Ingles.

Gawain 3: Ang isang napapanahong isyung natalakay sa binasa ay ang paparami nang paparaming bilang ng
mga manggagawa mula sa ilang papaunlad na bansang tulad ng Pilipinas na umaalis at nangingibang-bansa
upang makapaghanapbuhay para sa kanilang pamilya. Magsaliksik sa silid-aklatan o internet ng ilang
impormasyong kaugnay ng isyung ito at itala o isulat sa mga kahon ang mga mananaliksik ukol dito.

Ang tinatayang bilang ng mga OFW o Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang panig ng
mundo ay
______________________________________________________________________
Ang bilang na ito ay naitala noong taong
____________________________________

Ang anim na nangungunang bansang nagiging


destinasyon ng ating mga OFW…

1. 4.
2. 5.
3. 6.

Ang kabuoang remittance ng mga OFW


_________________________________
Ito ay para sa taong
_________________________________

Ang tinatayang bilang mga kabataang


Pilipinong naiiwan ng kanilang mga
magulang na OFW
_________________________________

Ang karaniwang nagiging problema ng


ating mga OFW sa pagtatrabaho sa ibang
F. Rubrik sa Pagpupuntos bansa ay: (kung kailangan)
_________________________________
_________________________________
_____

G. Repleksiyon

H. Mga Sanggunian

 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 53-67


 Spain (https://www.youtube.com/watch?v=L_bgTJkFk3k&t=2s)
__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

For Students
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Diocese of Malaybalay

Sacred Heart Academy of Valencia Incorporated


Valencia City

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021

Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________


Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ______________ Date of Submission: ___________Date Receive: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 6


Paksa: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

A. Panimula (Susing Konsepto)


(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sariling pananaw o


opinyon. Kailangang matutunan mo kung gayon ang mabisang paraan ng pagsasagawa nito. Mababasa sa ibaba
ang ilang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw:
 Ang masasabi ko ay …
 Ang pagkakaalam ko ay ...
 Ang paniniwala ko ay …
 Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita …
 Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil …
 Kung ako ang tatanungin …
 Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
 Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
 Mahusay ang sinabi mo at ako man ay …
 Para sa akin …
 Sa aking palagay …
 Sa tingin ko ay …
 Tutol ako sa sinabi mo dahil …

Naririto naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon:
 Ilahad ang pananaw sa maayos at malumanay na paraan kahit pa hindi nito sinasang-ayunan ang
pananaw ng iba. Iwasang magtaas ng boses o maging sarkastiko at makasakit sa damdamin ng kapwa.
Laging tatandaan ang isang kasabihang Ingles na nagsasabing “You can disagree without being
disagreeable.”
 Making nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Ipakita mo pa rin ang interes at paggalang kahit hindi kayo
pareho ng pananaw o opinyong pinaniniwalaan. Maiiwasan din ang pagiging mapanghusga kung
makikinig muna tayo sa panig ng bawat isa.
 Huwag piliti ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw o paninindigan kung may
matibay siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw.
 Mas magiging matibay at makakukumbinsi sa iba kung ang pananaw o paninindigang iyong
ipinaglalaban ay nakabatay sa katotohanan o kaya’y sinusuportahan ng datos. Makabubuti ang pagiging
palabasa at pag-alam sa mga isyu upang magkaroon ng higit na laman ang iyong ipahahayag at hindi
basta nakabatay lang sa personal mong nararamdaman o iniisip.
 Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga tagapakinig ang iyong
opinyon o pananaw. Kung sakaling magpapahayag ka sa isang pormal na okasyon, gumamit ka rin ng
pormal na pananalita at huwag mong kalilimutang maging magalang at gumamit ng katagang po at opo.

B. Kasanayang Pagkatuto at Koda

 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng ng sariling pananaw


(F10WG-Ic-d-59)
 Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig (F10PD-Ic-d-63)

C. Mga Layunin

Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay inaasahang:


a. nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw,
b. naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa mga napapanahong isyu sa daigdig; at
c. natatalakay ang mga bahagi ng mga isyung pandaigdig.

D. Malinaw at Detalyadong Panuto


Matapos mong pag-aralan ang mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw ay sagutin ang
sumusunod na mga pagsasanay. Isulat lamang ito sa isang buong papel at gumamit lamang ng itim na ballpen.

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Maraming Pilipino ang nangingibang-bansa upang doon maghanapbuhay. May mga kabutihang
naidudulot ang ganitong kalakaran subalit maraming suliranin din ang maaaring ibunga nito sa pamilya at sa
lipunan. Maglahad ng iyong sariling pananaw kaugnay ng isyung ito gamit ang mga pahayag sa ibaba:

1. Sa aking palagay __________________________________________________________


2. Para sa akin, ang pag-alis sa bansa para sa magtrabaho ay
________________________________________________________________________
3. Kung ako ang tatanungin ___________________________________________________
4. Ayon sa nabasa/napanood/narinig ko ay
________________________________________________________________________
5. Hindi ako sumasang-ayon sa ________________________________________________

Gawain 2: Panoorin ang tatlong maikling video clip na makikita sa link na ibinigay sa ibaba at sagutin ang mga
tanong na makikita sa ibaba:
 Anak (Trailer) https://www.youtube.com/watch?v=MPRsTD_tG3Y
 A Mother’s Story (Full Trailer) https://www.youtube.com/watch?v=xcnG23HcHwc
 Caregiver (Full Trailer) https://www.youtube.com/watch?v=Ro3aFTVYxJQ

1. Ano-anong mahahalagang isyung pandaigdig at panlipunan ang masasalamin sa tatlong maiikling


video?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Kung makakausap mo ang tatlong ina sa mga nasabing pelikula, ano-ano ang mga sasabihin mo sa
kanila?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Ano naman ang maipapayo mo sa kani-kanilang mga anak at sa anak na rin ng iba pang OFW?
Magbigay ng limang mahahalagang payo na maaaring gumabay sa kanila upang magsumikap silang
maging mabubuti at matitino para naman matumbasan ang hirap at sakripisyo ng kanilang magulang na
nagtatrabaho at nagpapakahirap sa ibang bansa para sa kanilang mas magandang kinabukasan.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

F. Rubrik sa Pagpupuntos ( kung kailangan)

Gawain 2:

Pamantayan Puntos Marka sa Sarili Marka ng Guro


1. Natatalakay sa mga
isinagot ang lahat
ng mahahalagang
isyung pandaigdig 5
o panlipunang
taglay ng mga
pinanood
2. Nakapagbibigay ng
epektibong
mensahe para sa
mga OFW na 5
nagsasakripisyo
para sa kani-
kanilang pamilya.
3. Nakapaglalahad ng
mga epektibong
payo o paalalang
makagagabay sa 5
mga anak ng mga
OFW.
Kabuuang Puntos 15
5- Napakahusay 2- Di gaanong Mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang Di Mahusay
3- Katamtaman

G. Repleksiyon
H. Mga Sanggunian

 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 70-75


 Anak (Trailer) https://www.youtube.com/watch?v=MPRsTD_tG3Y
 A Mother’s Story (Full Trailer) https://www.youtube.com/watch?v=xcnG23HcHwc
 Caregiver (Full Trailer) https://www.youtube.com/watch?v=Ro3aFTVYxJQ

__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

For Students
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Diocese of Malaybalay

SACRED HEART ACADEMY OF VALENCIA INCORPORATED

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021

Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________


Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ____________ Date of Submission: ____________Date Received: ____________
GAWAING PAGKATUTO BILANG: 7
Paksa: Ang Pagbibinyag sa Savica (Isang Epikong Slovenian) at Mga Salitang Hudyat sa Pagsusunod-
sunod ng mga Pangyayari
A. Panimula (Susing Konsepto)
(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)

May mga detalye ka bang nalalaman ukol sa iyong binyag o bawtsimo? Magtanong sa iyong magulang o
balikan ang ilang dokumento at larawan tungkol sa mahalagang bahaging ito ng iyong buhay at sagutin ang
ilang tanong ukol dito.
 Anong buong pangalan ang ibinigay sa iyo ng iyong magulang?
 Saan at kailan ka bininyagan?
 Mayroon ka bang ninong at ninang? Sino-sino sila?
 Kahit ano pang relihiyon o pananampalataya ang kinabibilangan, bakit itinuturing na isang
mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao ang kanyang binyag o bawtismo?
Matapos mong mapagnilayan ang mga katanungang ito ay maaari mo nang basahin ang buod ng
epikong pinamagatang “Ang Pagbibinyag sa Savica.”

“Ang Pagbibinyag sa Savica”


(Isang Epikong Slovenian)

Ang kabuoan ng epiko ay tumatalakay sa mga pangyayaring nagbigay-daan upang ang mga Paganong Korinto
noong ikasampung siglo ay maging binyagang Kristiyano. Sumentro ito sa pag-iibigan ng dalawang
pangunahing tauhan. Si Crtomir, ang makisig at matapang na mandirigmang Pagano na labis na nagmamahal sa
kanyang kasintahang si Bogomila, isang dalagang maganda, inosente at mahinhin subalit may matatag na
paninindigan.

Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa pagsabak ni Crtomir sa isang digmaan sa pagitan ng mga Paganong
pinamunuan niya at ng mga Kristiyanong pinamumunuan ni Valjhun sa Lambak ng Bohinj noong taong 772.
Naging madugo ang digmaan at dahil malakas ang nakalabang hukbo bukod pa sa kinulang sila ng pagkain,
natalo ang pangkat nina Crtomir. Sa pagtatapos ng digmaan ay tanging si Crtomir lamang ang nakaligtas nang
buhay. Lingid sa kanyang kaalaman, ang kanya palang kasintahang si Bogomila na dating alagad ng kanilang
diyosang si Ciba sa hindi na isang pagano. Nagpabinyag ang dalaga at ngayon ay isa nang Kristiyano. Habang
nasa digmaan ang kasintahan ay nananalangin nang buong taimtim at nangako ang dalaga sa Panginoon na kung
makababalik nang buhay si Crtomir ay iaalay niya ang kanyang sarili at ang buong buhay sa pagsisilbi sa
Panginoon.

Nang muling magkita ay nanikluhod at sinuyo ni Crtomir ang kasintahan para mabago ang desisyon nito at
ituloy an gang naudlot nilang pagmamahalan subalit buo na ang desisyon ni Bogomila. Sa halip, kinumbinsi
niya sa Crtomir na yakapin ang pananampalatayang Kristiyano at magpabinyag din tulad niya. Sa matiyagang
pangungumbinsi ni Bogomila ay napapayag din niya si Crtomir. Naganap ang pagbibinyag sa binata sa Talon
ng Savica. Hindi nagtagal, si Crtomir ay naging isang paring Kristiyano at tulad ng kanyang dating kasintahan
ay nag-alay ng kanyang buhay at pagsisilbi para sa Panginoon.
Matapos basahin ang epiko, pag-aralan mo naman ang Mga Salitang Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng
mga Pangyayari.

Sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, sa paggawa ng mga proyekto o kaya’y mga gawaing-bahay


tulad ng pagluluto, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, at iba pa; sa paglalahad o pagsasalaysay sa klase, sa
pagbibigay ng panuto, mahalagang maging malinaw ang paraan ng pagkakasunod-sunod para maunawaan agad
ang ng mambabasa o ng kinakausap ang mga hakbang na dapat sundin. Maaaring maiwasan ang pagkakamali
kung madaling sundan ang panuto o anumang bagay na ginagamitan ng pagsusunod-sunod.
 Paggamit ng pang-uring pamilang na may uring panunuran o ordinal upang malinaw na masundan o
makita ang tamang pakakasunod-sunod.
Halimbawa: una, pangalawa, pangatlo
 Paggamit ng mga salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod kapag ang pinagsusunod-sunod ay
proseso o mga hakbang sa pagsasagawa ng isang bagay tulad ng pagbuo ng isang proyekto, pagluluto,
pagkukumpuni ng sasakyan, pagbuo ng mga bagong biling produktong dumating nang nakakahon at
hindi pa naka-assemble at iba pa. makikita sa ibaba ang halimbawa ng mga salitang ito:
 Salitang hakbang + pang-uring pamilya o ng salitang step + pang-uring pamilang.
Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3
Unang hakbang, ikalawang hakbang, ikatlong hakbang
 Salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, pagkatapos, panghuli at iba
pa.
 Kapag naman mga pangyayari sa kuwento, napanood, nasaksihan o naranasan pinagsusunod-sunod,
madalas, hindi nagumagamit ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod subalit ang mga
pangyayaring ilalahad ay dapat nakaayos nang sequential o ayon sa tamang paraan kung paano ito
nangyari.

 Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko (F10PN-le-f-65)


 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan (F10PB-Ie-f-65)
 Napangangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin sa isang
bansa (F10PB-le-f-66)
 Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda (F10PT-le-f-65)
 Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa
ng kalikasan (F10PD-le-f-64)
 Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa:
a. pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig;
b. ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga tauhan sa epiko
(F10PU-le-f-67)
Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay inaasahang:
a. nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at kapanahunan ang piling tauhan sa epiko
batay sa napanood na buod ng epiko,
b. naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay ipinararanas ng may-akda sa
pangunahing tauhan ng epiko; at
c. nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari,

 Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (F10WG-Ie-f-60)


C. Mga Layunin

D. Malinaw at Detalyadong Panuto


Matapos mong basahin at unawain ang buod ng epiko at naintindihan mo na ang mga salitang hudyat sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ay maaari mo nang sagutin ang sumusunod na pagsasanay. Isulat ito sa
isang buong papel.

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Ang ating buhay ay bahagi ng isang malawak na plano ng Panginoon. Minsan, pinararanas Niya
ang mga suliranin dahil sa mga kadahilanang Siya lamang ang nakaaalam at nauunawaan natin kapag ang
suliranin ay nalutas na. Ibigay ang iyong sariling interpretasyon sa mga dahilan kung bakit ipinararanas ng may-
akda ang sumusunod na mga suliranin sa pangunahing tauhan.
1. Ipinaranas sa pangunahing tauhang si Crtomir, ang pagkatalo ng kanyang hukbo. Sa kabila ng matapang
na paglaban, tanging siya lamang ang nakaligtas nang matapos ang digmaan.
Sa aking palagay, nangyari ito dahil
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________
2. Naranasan ni Crtomir ang mabigo sa pag-ibig. Tinalikdan ng kanyang kasintahan ang kanilang pag-
iibigan dahil sa isang panalangin niyang nabigyang-kasagutan.
sa aking palagay, nangyari ito dahil
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________
3. Kinumbinsi ni Bogomila ang kasintahang si Crtomir na yakapin na rin ang pananampalatayang
Kristiyanismo na siyang mismong pananampalataya ng hukbong tumalo sa kanila. Kahit mahirap sa
kanya ay napapayag din siya.
Sa aking palagay, nangyari ito dahil
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________
4. Mula sa pagiging mandirigmang Pagano, si Crtomir ay naging isang paring Kristiyanismo at tulad ni
Bogomila ay nag-alay ng kanyang buhay at pagsisilbi para sa Panginoon.
Sa aking palagay, nakatakda ang pangyayaring ito sa buhay ni Crtomir dahil
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________
Gawain 2: Magbigay ng paghihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kani-kanilang lugar at kapanahunan
ang mga tauhan ng mga epiko na nasa ibaba.

Si Crtomir ng epikong Ang


Pagbibinyag sa Savica ay
maituturing na bayani dahil

_______________________
Ang kasintahan ni Crtomir _______________________ Si Achilleus ng epikong Iliad
na si Bogomila ay _______________________ ay maituturing na bayani
maituturing na bayani dahil dahil

_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
Mga Tauhan ng mga
Epiko sa Iba’t Ibang
Panig ng Daigdig
Si Odysseus ng epikong
Si Beouwulf ay maituturing
Odyssey ay maituturing na
na bayani dahil
bayani dahil
_______________________
_______________________
Si Deucalion ng epikong _______________________
_______________________
Metamorphoses ay _______________________
_______________________
maituturing na bayani dahil

_______________________
_______________________
_______________________

Gawain 3: Ang isa pa sa mga katangian ng epiko ay ang pagkakaroon ng mga tauhan nito ng matibay na
ugnayan sa iba pag nilalang at sa puwersa ng kalikasan. Panoori ang alinman sa mga naka-videong epiko sa
ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
 Hudhud sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=qhePiEqQsxo
 Beowulf sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=JgOi1YEU7TU
 Odyssey sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=BCXRxD85xco

Mula sa napanood na epiko, tukuyin ang bahagi kung saan ang tauhan o mga tauhan ay nagkaroon ng
ugnayan sa anumang puwersa ng kalikasan tulad ng tubig o karagatan, sa mga hindi pangkaraniwang nilalang o
sa kulog, kidlat at sa mga bagay sa kalawakan at ang pakikipag-ugnayang ito ay nagkaroon ng malaking epekto
sa kabuoan o sa bahagi ng epikong napanood. Ibuod o isulat sa mga linya sa ibaba ang bahaging nagpapakita ng
ugnayang ito.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

F. Rubrik sa Pagpupuntos (kung kailangan)

Nilalaman- 45%
Katangi-tangi 30%
Paggamit ng Angkop na Hudyat- 25%
Kabuuan- 100%
G. Repleksiyon
H. Mga Sanggunian

 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 76-100


 Hudhud sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=qhePiEqQsxo
 Beowulf sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=JgOi1YEU7TU
 Odyssey sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=BCXRxD85xco

__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

For Students
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Diocese of Malaybalay

SACRED HEART ACADEMY OF VALENCIA INCORPORATED


FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021

Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________


Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ______________ Date of Submission: ____________Date Received: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 8


Paksa: Ang Munting Bariles (Maikling Kuwento Mula sa Pransya) at Panghalip at mga Uri nito
A. Panimula (Susing Konsepto)
(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng huPara sa iyo, bakit mahalagang maging
mapanuri sa mga alok o kasunduang may tila napakaganda o halos di kapani-paniwalang benepisyo o iyong
tinatawag na “too good to be true?”
Matapos mong mapagnilayan ang mga katanungang ito ay maaari mong basahin ang Alam Mo Ba upang
mas makilala mo pa ang may-akda ang maikling kuwentong babasahin mo sa araw na ito.
Alam Mo Ba?
Si Henri Rene Albert Guy de Maupassant na lalong kilala bilang Guy de Maupassant ay isang tanyag na
manunulat na Pranses at itinuturing na isa sa mga ama ng modernong maikling kuwento. Itinuturing din siyang
pinakadakilang manunulat na Pranses. Ang mahigit tatlondaang maikling kuwento at anim na nobelang kanyang
isinulat ay nagpapakita sa makukulay na detalye ng pang-araw-araw na buhay sa Pransiya noong ika-19 na
siglo.
Isinilang siya sa Chateau de Miromesniel, Dieppe, Seine-Inferieure noong Agosto 5, 1850. Nagmula siya sa
isang kilala at mayamang pamilya. Ang kanyang ina ang nagmulat sa kanya sa pagkahilig sa mga klasikong
panitikan lalo na ang mga likha ni Shakespeare. Ang kanya naming kakayahan sa pagsulat ay umunlad sa ilalim
ng paggabay ni Gustave Flaubert, ang itinuturing na pinakadakilang nobelista ng Panitikang Kanluranin.
Gayunpama’y naging maikli lamang ang kanyang buhay sapagkat siya’y namatay sae dad na apatnapu’t tatlo
pagkatapos ng pakikibaka hindi lamang sa mga pisikal na sakit kundi gayundin ng mga karamdamang
pangkaisipang nagdala sa kanyang maagang kamatayan noong Hulyo 6, 1893.
Bago mo basahin ang akda, sagutin mo muna bahaging Payabungin Natin (Gawain 1: Bilang 1-5) sa
pahina 104 upang mas malinang pa iyong kaalaman sa talasalitaan.
Matapos mong masagutan ang inihandang talasalitaan maaari mo nang basahin ang buod ng maikling
kuwentong pinamagatang “Ang Munting Bariles” ni Guy de Maupassant.
“Ang Munting Bariles”
ni Guy de Maupassant
May isang mapangahas na matalinong negosyante na si Jules Chicot at gusto niyang maangkin ang lupa ng
isang matandang si Nanay Magloire. Ilang beses nang inalok at sinubukang hikayatin ni Chicot si Magloire
upang payagang bilhin ang kanyang lupa ngunit kadalasang tinanggihan ni Magloire si Chicot.

Isang araw, pumunta ulit si Chicot sa bahay ni Magloire. Inalok niya ang isang kasunduan na hindi siya
magtangkang bilhin ang bahay pero babayaran niya ang matanda. Kumunsolta ang matanda sa abogado sa
sumunod na araw tungkol sa kasunduan at sa huli ay pumayag siya. Tatlong taon na ang lumipas at naiinis na si
Chicot dahil malakas pa rin si Magloire.

Isang araw, inanyaya niya si Magloire a bumusita at maghapunan sa bahay ni Chicot. Una, naghanda siya ng
masaganang hapunan subalit hindi na masyadong kumakain ang matanda. Kaya, inihanda niya ang munting
bariles at inalok sa matanda ang alak. Hindi tinanggihan ni Magloire at naengganyo siya na matikman ang alak
na inihanda. Nalulong si Magloire sa alak at nagbigay ito ng masamang epekto sa kanya kaya siya namatay
bago sumapit ang Pasko.

Pagkatapos ng pagkamatay ng matanda ay kinuha ni Chicot ang lupa at ipinalabas niya na kasalanan ni
Magloire kung bakit siya namatay.

Maliban sa mga salitang nakilala mo sa Payabungin Natin ay baka may makita ka pang ibang salitang
hindi mo gaanong maunawaan ang kahulugan kapag binasa mo na ang ating akda. Ikahon ang mga salitang ito
at kilalanin ang kasingkahulugan gamit ang diksyunaryo o balawin ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit.

Bilang pagsasanay, salungguhitan ang lahat ng panghalip na makikita mo sa iyong binasang maikling
kuwento. Upang mas mahasa pa ang iyong kaalaman ukol sa Panghalip ay unawain at pag-aralan ang:
Panghalip at mga Uri nito. Kailangan mo itong maintindihan at mapag-aralan nang mabuti upang masagutan
ang sumusunod na pagsasanay.
Panghalip at mga Uri nito
Ang panghalip ay bahagi ng pananalitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan.
Apat na Uri ng Panghalip
1. Panghalip Panao- mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao. Ang panghalip panao
ay may panauhan, kaukulan, at kailanan.
 Panauhan ng Panghalip Panao- taong tinutukoy sa panghalip.
o Unang panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita
o Ikalawang panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap
o Ikatlong panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan
 Kailanan ng Panghalip Panao- tumutukoy sa dami ng o bilang ng taong tinutukoy ng
panghalip
o Isahan
o Maramihan (kasama na rito ang dalawahan)
 Kaukulan ng Panghalip Panao- tumutukoy sa gamit ng panghalip sa pangungusap
o Palagyo- mga panghalip panaong ginagamit bilang simuno o paksa ng pangungusap
Halimbawa: Siya ay nagkaroon ng matibay na paninindigan.
o Palayon- mga panghalip na ginagamit bilang layon ng pandiwa
Halimbawa: Ang lupa ay ipinagbili niya. (layon ng pandiwa)
Ang kuwento ay tungkol sa kanila. (layon ng pang-ukol)
o Paari- mga panghalip na nagpapakita ng pagmamay-ari sa isang bagay.
Halibawa: Hindi ipinagbili ni Edith ang kanyang lupa.

2. Panghalip Pamatlig- mga panghalip na inihahalili sa pangngalang itinuturo o inihihimaton. Ang


panghalip pamatlig ay may panauhan at uri din.
Uri
Panauhan Pronominal Panawag- Patulad Panlunan
Pansin
Una- malapit sa ito, nito, dito (h)eto Ganito narito/nandito
taong nagsasalita
Ikalawa- malapit iyan, niyan, (h)ayan Ganyan nariyan/nandiyan
sa taong kausap diyan
Ikatlo- malapit iyon, noon, doon (h)ayun Ganoon naroon/nandoon
sa taong pinag-
uusapan

3. Panghalip Panaklaw- mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng tinutukoy.


Narito ang mga panghalip panaklaw
 iba, lahat, tanan, madla, pawa
 anuman, alinman, sinuman, ilanman, kailanman
 saanman, gaanuman, magkanuman
4. Panghalip Pananong- mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pag-uusisa na pumapalit sa
isang pangngalan, pariralang pangngalan, o panghalip. Mahalaga ito upang makilala ang pagkakaiba
ng panghalip pananong sa iba pang uri ng mga salitang nagtatanong tulad ng pang-uring pananong at
pang-abay na pananong.
Ang panghalip pananong ay maaaring maging isahan o maramihan

Isahan Maramihan
sino sino-sino
ano ano-ano
kanino kani-kanino
alin alin-alin

Hindi kasama sa mga panghalip pananong ang mga salitang pananong na saan, nasaan, bakit, paano at
gaano dahil ang mga ito ay pang-abay na pananong gayundin ang mga salitang pananong na magkano,
ilan at pang-ilan dahil ang mga ito naman ay pang-uring pananong.
Para sa iyo, bakit mahalagang maging mapanuri sa mga alok o kasunduang may tila napakaganda o halos di
kapani-paniwalang benepisyo o iyong tinatawag na “too good to be true?”

Matapos mong mapagnilayan ang mga katanungang ito ay maaari mong basahin ang Alam Mo Ba upang
mas makilala mo pa ang may-akda ang maikling kuwentong babasahin mo sa araw na ito.

B. Kasanayang Pagkatuto at Koda


 Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay ng binasa (F10PB-lf-g-
67)
 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap (F10PT-If-g-66)
 Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan
(F10WG-If-g-61)
Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay inaasahang:
a. naipapaliwanag ng ilang pangyayaring nabasa na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari
sa daigdig,
b. nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap.
c. nagagamit ang mga angkop na panghalip bilang panuring sa mga tauhan sa binasang maikling
kuwento.

 Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo (F10PN-lg-h-67)


 Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring nabasa o napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga
pangyayari sa daigdig (F10PN-If-g-66)
C. Mga Layunin
D. Malinaw at Detalyadong Panuto
Matapos mong basahin at unawain ang maikling kuwento at nalaman ang ibat ibang uri ng panghalip ay
maaari mo nang sagutin ang sumusunod na pagsasanay. Isulat ito sa isang buong papel. Tiyaking gumamit ng
itim na ballpen.

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit
batay sa konteksto ng pangungusap. Upang hindi ka masyadong mahirapan ay ibinigay na ang ilang titik at ang
inaasahang bilang ng titik para sa salita upang iyong maging gabay sa pagsagot.

n_ _ _ t _ _ _ _ n 1. Minsan, habang nakamasid si Chicot sa ginagawa ng


matanda ay nakapag-isip siya ng isang kondisyon.
n____i 2. Bigla siyang naumid at hindi agad nasabi ang kanyang
kondisyon.
i _ _ _t _ _ _ _n 3. Nagpunta siya sa bahay ni Chicot bilang pagtugon sa
isang paanyaya.
b___g 4. Iniisip ng matanda na isang patibong ang inihahanda
para sa kanya.
5. Sa huli ay nakumbinsi rin siya kaya’t lumagda na sa
p_m___a
isang kasulatan.

Gawain 2: Magsaliksik at saka punan ang tatlong nauunang kahon ng mga bagay na ginagawa, kinakain, o
iniinom ng tao na siyang nagiging sanhi ng mga lifestyle disease na ito. Punan naman ang mga kahon sa ibaba
ng mga dapat gawin, kainin, o inumin upang maiwasan o mabawasan ang tsansang makuha ang mga sakit na
ito.
Mga pagkaing karaniwang Mga inuming karaniwang Mga nakagawian o bisyong
pinagmumulan ng mga ito pinagmumulan ng mga ito karaniwang pinagmumulan
ng mga ito

Lifestyle Diseases
Mga bagay na dapat
Mga pagkaing dapat kainin
isagawa upang makaiwas
upang makiwas sa mga ito
Mga inuming dapat inumin sa mga ito
upang makaiwas sa mga ito
Gawain 3: Ang maikling kuwentong “Ang Munting Bariles” ay umiikot lamang sa dalawang tauhan. Tiyak na
may masasabi ka para sa bawat tauhan. Pagkakataon mo nang magbigay-puna, papuri, suhestiyon o payo para
sa kanila. Gumamit ng hindi bababa sa limang angkop na panghalip bilang panuring sa bawat tauhan.
Salungguhitan ang mga panghalip na gagamitin mo.

1. Para sa iyo, Chicot


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

2. Para sa iyo, Nanay Magloire

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________

H. Mga Sanggunian

 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 102-126


__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

For Students
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Diocese of Malaybalay

SACRED HEART ACADEMY OF VALENCIA INCORPORATED

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021
Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________
Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ______________ Date of Submission: _____________Date Received: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 9


Paksa: Ang Munting Prinsipe (Isang Nobelang Pranses)
A. Panimula (Susing Konsepto)
(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)
Para sa iyo, bakit sinasabing ang pinakamahahalagang bagay ay hindi nakikita ng mata, sa halip, puso lamang
ang makadarama? Naniniwala ka ba rito?
Para sa iyo, bakit sinasabing ang pinakamahahalagang bagay ay hindi nakikita ng mata, sa halip, puso lamang
ang makadarama? Naniniwala ka ba rito?
Matapos mong mapagnilayan ang mga katanungang ito ay maaari mong basahin ang Alam Mo Ba upang
mas makilala mo pa ang may-akda ang nobelang babasahin mo sa araw na ito.
Alam Mo Ba?
Kahit ang kwentong “Ang Munting Prinsipe” ay isa lamang kathang-isip, ang mga naranasan ni Antoine de
Saint-Exupery bilang isang piloto ay naging inspirasyon upang isulat niya ang akda. Nagsimula ang istorya sa
pagbagsak ng eroplano kung saan nakilala ng tagapagsalaysay ang pangunahing tauhan, ay sumasalamin sa
totoong kasawian na nag-iwan sa may akda sa Sahara noong kalagitnaan ng 1930s habang siya ay patungo sa
Saigon mula Paris para sa isang airmail run. Kalaunan ay sinabi sa TIME, “Base sa katangian, habang
naghihintay ng magsasagip sa disyerto, sinamahan siya ng kanyang imahinasyon, na nag-udyok sa kanya upang
gawin and kasiya-siyang pambatang akda, Ang Munting Prinsipe.” Siya’y nagpalakad-lakad sa disyerto bago
siya masagip ng dumadaang Bedouin.
Bago humantong sa pagsulat ng Ang Munting Prinsipe, inilarawan niya ang kanyang naging pagsubok sa
librong “Wind, Sand, and Stars”. Ang matinding naranasan niya sa disyerto ay nauwi sa maraming guni-guni at
haka-hakang pagkatagpo sa mga kakaibang nilalang. (“Lumakad akong nakatingin sa ibaba”, sabi niya, “sa
pagkat ang aking mga nakikita ay hindi ko na kinakaya.”) Ngunit ang librong Wind, Sand, and Stars ay
nagsasabi nang higit pa sa inspirasyon ng Ang Munting Prinsipe. Ipinaliwanag din ng TIME noong 1939 sa
kanilang pagsusuri sa aklat na may mga pahiwatig sa pilosopiya na makakatulong sa akda bilang maging isa sa
pangmatagalang pabula ng dalawampung siglo.
Bago mo basahin ang akda, sagutin mo muna bahaging Payabungin Natin (Gawain 1: Bilang 1-5) upang
mas malinang pa iyong kaalaman sa talasalitaan.

Matapos mong masagutan ang inihandang talasalitaan maaari mo nang basahin ang buopd ng nobelang
pinamagatang “Ang Munting Prinsipe” ni Antoine de Saint-Exupery.

ANG MUNTING PRINSIPE


Isinalin ni Desiderio Chin
Isinulat ni Antoine de Saint-Exupery
MGA KARAKTER/TAUHAN SA AKDA
Ang pangunahing tauhan sa kwento ay ang piloto kung saan siya ang nagsasalaysay ng kwento. Nariyan din
ang munting prinsipe na bida sa kwento na nagmula sa ibang planeta. At ang huli ay ang alamid kung saan siya
ang nagturo sa prinsipe ng napakahalagang bagay.
Ang iba pang mga tauhan ay ang mga sumusunod: ang rosas, ang hari, ang hambog, ang lasenggo, ang
mangangalakal, ang tagasindi ng ilaw, ang heograpo, ang ahas, at ang bulaklak sa disyerto.
TAGPUAN/PANAHON
Dahil ang akda ay hango sa naging karanasan ng manunulat, masasabi natin na ito ay naganap sa Disyerto ng
Sahara. Nabanggit din dito ang Planeta B-612 o 325, at maging ang iba’t ibang planeta. Walang tiyak na
panahon kung kailan ito nangyari ngunit ang nobela ay unang nailimbag noong Abril 1943 kung saan ang mga
pangyayari dito ay nagiging inspirasyon at aral nasaan ka man hanggang sa kasalukuyan.
BUOD
Isang lalaki ang nangarap na maging isang sikat na pintor. Subalit ito ay napalitan ng isang pangarap sa
kadahilanang pinatigil siyang gumuhit at pinagsabihang magtuon na lamang sa Heograpiya, Matematika,
kasaysayan at wika. Siya ay naging isang piloto ng sasakyang panghimpapawid. Nasira ang kanyang sasakyan
sa isang disyerto sa Sahara.
Sa kanyang pagkukumpuni ng eroplano, kanyang nakita ang isang batang lalaki at may suot na prinsipe. Isang
bata na naligaw sa gitna ng disyerto. Marami itong naikwento tungkol sa kanyang buhay, sa planetang kanyang
tinitirahan, at sa planetang siya lamang ang nakatira . Maliit lamang ito. Halos maiikot mo lamang ng isang
minuto.
Naikwento rin niya ang iba’t ibang taong kanyang nakasalamuha nang siya’y maglakbay. Iba’t iba ang mga ito:
may pag-uugaling kung minsan ay masama o mabuti, may pag-uugaling nakasanayan nang gawin, ang iba ay
seryoso, nakakalungkot at nakawiwili. Naransan rin niyang mainggit sa ibang taong kanyang nakakasalamuha.
Hanggang isang araw na pag bisita sa isang planetang kakaiba sa kanya at sa iba pang planeta. Natagpuan niya
dito ang isang Heograpo. Isang Heograpo ngunit kakaiba ang gawain. Tinuro sa kanya ang kagandahan ng
buhay at paligid. Sa kanilang paglalakbay, napag-isipan ng piloto na bumalik sa eroplano at ayusin ito.
Habang nakaupo ang prinsipe sa ibabaw ng nakatayong pader, may isang ahas ang dumating. Kinakaibigan niya
ito subalit bigla itong tinuklaw. Sa kagustuhan man ng piloto na iligtas ang kaibigang prinsipe, hindi naging
madali ito. Namatay ang prinsipe subalit itinatak ng piloto sa kanyang puso’t isipan na nagkaroon siya ng
kaibigan na naging isang tagapagpayo at maaalalahanin na nariyan lang at nakaalalay sa kanya kahit kailan.
Maliban sa mga salitang nakilala mo sa Payabungin Natin ay baka may makita ka pang ibang salitang
hindi mo gaanong maunawaan ang kahulugan kapag binasa mo na ang ating akda. Ikahon ang mga salitang ito
at kilalanin ang kasingkahulugan gamit ang diksyunaryo o balawin ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit.

B. Kasanayang Pagkatuto at Koda


 Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag
nito (clining) (F10PT-Ig-h-67)
 Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang nabasang usapan (F10PN-Ig-h-67)
 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw Humanismo o
alinmang angkop na pananaw (F10PB-Ig-h-68)

C. Mga Layunin

Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay inaasahang:


a. nasusuri ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag
nito,
b. nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata; at
c. naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo.

D. Malinaw at Detalyadong Panuto


Matapos mong basahin at unawain ang nobela ay maaari mo nang sagutin ang sumusunod na
pagsasanay. Isulat ito sa isang buong papel. Tiyaking gumamit ng itim na ballpen.

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Kilalanin ang antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag ng mga salitang nakasulat nang madiin sa
pamamagitan ng pagki-klino. Kopyahin at sagutin ng bilang 1 ang salita kung ang kahulugan ay
pinakamababaw at bilang 3 naman sa pinakamatindi ang kahulugan.

1. 4. napadpad kung saan-saan


kaluskos ng mga paa
lagitik ng susian napunta sa tindahan

kalampag ng lata napadaan sa kapitbahay

2. 5. umalma sa panunukso
naluha dahil sa awa
nanangis dahil sa kabiguan nagreklamo sa pulisya
3. wawasaking tirahan
tutuklaping pintura
sisiraing bintana

Gawain 2: Basahin ang maikling tala kaugnay ng pananaw Humanismo. Batay sa binasang teksto kaugnay ng
pananaw Humanismo, punan ang mga kahon upang maipakita ang kaugnayan ng pananaw na ito sa binasang
buod at kabanata ng nobela.
Sa pananaw Humanismo, sinaabing ang tao ang pinakasentro ng daigdig. Siya ang sentro ng
lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran. Ang pangunahing manipestasyon ng tao
ay ang kanyang kabuoan upang Malaya siyang makapag-isip, makapagpahayag at makakilos.
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang
ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di
maikukubling kasaysayan.
Ang pananaw Humanismo ay nagtataglay ng sumusunod na mga katangian:
 Nasusulat sa wikang angkop na angkop sa akdang susulatin
 Nagtataglay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan,
nakaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan.

Batay sa binasang teksto kaugnay ng pananaw Humanismo, punan ang mga kahon upang maipakita ang
kaugnayan ng pananaw na ito sa binasang buod at kabanata ng nobela.

Ang Munting Prinsipe sa Pananaw Humanismo

Ano-anong mga Ano-anong mga


katangian ng katangian ng
munting prinsipe ang munting prinsipe ang
nakaaaliw? nagpapahalaga sa
katotohanan?
H. Mga Sanggunian
 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 129-146

________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

Ang Munting Prinsipe sa Pananaw Humanismo

Ano-anong mga Ano-anong mga


katangian ng katangian ng
munting prinsipe ang munting prinsipe ang
nakaaaliw? nagpapahalaga sa
katotohanan?

H. Mga Sanggunian
 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 129-146

________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

For Students
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Diocese of Malaybalay

San Isidro College


INTEGRATED BASIC EDUCATION
City of Malaybalay

FILIPINO 10
First Quarter
School Year 2020-2021
Name of Learner: __________________________________Grade Level: _________________
Section: __________________________________________ Date: _______________________
Address: _____________________________________________________________________
Date of Release: ______________ Date of Submission: _____________
Date Received: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 10


Paksa: Pagsulat ng Critique ng Akdang Pampanitikan

A. Panimula (Susing Konsepto)


(Maikling pagtalakay sa aralin, kung maaari magbigay ng hulwaran)

Ang pagbuo naman ng critique ng isang akdang pampanitikan ay ang paghimay sa iba’t ibang elemento
at bahagi ng isang akda upang makita kung ang bawat isa’y nakatutulong maiapaabot ang nais sabihin o ang
mensahe ng akda para sa mga mambabasa. Bago ka magpatuloy ay mabuting malaman mo munang magkaiba
ang criticism at critique at iba pang impormasyong may kaugnayan sa pagbuo ng isang critique. Makikita mo
ang mga ilarawan sa ibaba:
B. Kasanayang Pagkatuto at Koda
 Nakabubuo ng isang suring-basa sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean (F10PB-li-j-69)
 Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique (F10PB-li-j-69)

C. Mga Layunin

Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ay inaasahang:


a. naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique at simposyum,
b. naibubuod sa isang critique ang sariling panunuri ng alinmang akdang pampanitikang
Mediterranean; at
c. nailalahad nang malinaw ang nabuong critique ng alinmang akdang pampanitikan.

D. Malinaw at Detalyadong Panuto


Matapos mong basahin at unawain ang simposyum at malaman ang pinagkaiba ng critique at criticism
ay sigurado akong handa ka na para sa iyong pagganap na gawaing para sa unang markahan. Siguraduhing
sundin ang sumusunod na tagubilin:
 long bond paper
 font size: 12
 font style: Times New Roman

E. Mga Pagsasanay

Gawain 1: Bubuo ka ng isang critique ng alinmang akdag pampanitikang Mediterranean (maaaring isa sa mga
natalakay na akda sa kabanatang ito o iba pang panitikang Mediterranean). Gamitin mo ang iyong natutunan
ukol sa pagbuo ng critique o maaari ka pang magsaliksik ng karagdagang hakbang upang maisagawa ito nang
mahusay.

Mga hakbang sa pagsagawa ng isang critique paper:


1. Pagbasa ng ilang beses sa akda
2. Pag-alam sa background at kalagayan ng manunulat sa panahong kanyang isinult ang akda.
3. Pagbibigay-pansin sa mahahalagang bahagi at elemnto ng akda.
o Mga tauhan
o Banghay
o Tagpuan
o Estilo sa pagsulat
4. Pagsulat ng critique
o Pagpapakilala sa akda
o Pagsulat sa Nilalaman ng critique
o Paglalagom/Pagbuo ng Kongklusyon
Kung nais mong magkaroon ng gabay sa paggawa ng isang suring papel, maaari mo itong makita sa link na ito:
https://www.scribd.com/doc/236224024/Suring-Papel-NOBELA

F. Rubrik sa Pagpupuntos (kung kailangan)

Pamantayan sa Paggawa ng Suring-basa

 Nilalaman at Lalim ng Pananaw 25%


 Lohikal na Pagkakaayos ng mga Kaisipan 20%
 Mga Pagsaalang-alang ng mga Elemento 15
 Pagkamalikhain 25%
 Kaagahan ng Pagbasa 15%
Kabuuan 100

G. Repleksiyon

H. Mga Sanggunian

 Marasigan, et.al, Pinagyamang Pluma 10, pg. 148-156


 Simposyum https://youtu.be/SDErPqcUKVg
 Halimbawa ng suring-papel https://www.scribd.com/doc/236224024/Suring-Papel-NOBELA

__________________________________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like