You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region

CARMEN NATIONAL HIGH SCHOOL


304677
Carmen, Agusan del Norte

Activity

Prepared by:
ROWENA E. BENIGA
Teacher 1
MODYUL 1
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG MEDITERRANEAN

ARALIN 1:

UNANG LINGGO

Unang Markahan

A. Panitikan: Cupid at Psyche (Mito mula sa Rome, Italy)


Isinalaysay ni Apuleius
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

B. Gramatika at Retorika: Angkop na Gamit ng Pandiwa


Bilang Aksiyon, karanasan, at Pangyayari

C. Uri ng Teksto: Pagsasalaysay

Learning Competency with K to 12 CG Code:


Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan,pananaw sa na
pakinggang mitolohiya at naiuugnay ang mga mahahalagang kai
sipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig
( F10PB-la-b-62)

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


YUGTO NG PAGKATUTO
TUKLASIN

Naririto ang mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan, mapahala-

gahan, at masuri ang panitikang Mediterranean. Gayundin upang masuri mo kung masasalamin ba ang kau-

galian, uri ng pamumuhay, paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa kanilang mga akdang

pampanitikan. Malalaman mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng mga angkop na gramatika at

retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong nagbibigay ng impormasyon (panitikan at iba’t

ibang uri ng teksto).

Mahalagang malaman natin ang taglay mong kaalaman sa mga paksang iyong pag-

aaralan. Magiging batayan ito ng iyong guro kung paano ka tutulungan o paanong higit na pagyayamanin

ang iyong kaalaman. Subukin mong isagawa ang kasunod na gawain.

GAWAIN 1: KILALANIN ANG KATAPAT

Bilang pagpapahalaga sa ilang akda mula sa iba’t ibang bansa, naririto ang isang gawain na susubok sa

iyong kaalaman. Gaano na ang alam mo sa kilalang akda ng ibang bansa. Piliin sa Kolum B kung anong uri

ng panitikan ang mga pamagat ng akdang nasa Kolum A. Isulat sa patlang ang tamang sagot

A B

____ 1. Cupid at Psyche A. epiko

____ 2. Gilgamesh B. mitolohiya

____ 3. Ang Kuwintas C. tula

____ 4. Alegorya ng Yungib D. nobela

___ 5. Ang Kuba ng Notre Dame E. maikling kuwento

____ 6. Ang Tusong Katiwala F. parabula

___ 7. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa G. pabula H. sanaysay

1
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
Gawain 2a: SALAMIN NG IMPLUWENSIYA
Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikan mula sa Mediterra-
nean sa kaugalian, pamumuhay, kultura, at paniniwala ng mga Pilipino.
Kaugalian

Pamumuhay
MEDITERRANEAN Kultura

Paniniwala

Gawain 2b: . Suriin mo ang impluwensya ng kultura mula sa Inyong Sariling Pamilya sa
kaugalian,pamumuhay,kultura, at paniniwala ng mga kanununuan mo.

_______________________- ________________________

_______________________ ________________________

_______________________ ________________________

_______________________ ________________________
________________________

KULTURA PANINIWALA

Pamilyang Pinagmulan

________________________ ________________________
________________________ ________________________
________________________ ________________________
________________________ ________________________

KAUGALIAN PAMUMUHAY

2
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
GAWAIN 3: SINO AKO SA MITOLOHIYANG PILIPINO?
Kilalanin ang mga tauhan ng mitolohiyang Pilipino at ilarawan ang kanilang

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Sino Ako?

Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


GAWAIN 3: PAGTAPAT —TAPATIN

Basahin sa Kulom B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng


mga diyos na nakatala sa Kulom A. isulat ang letra ng angkop na sagot sa patlang sa
tapat ng Kulom A. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kulom A Kulom B

1. Venus A. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag niya

2. Cupid B. Diyosa ng propesiya, araw, at musika

3. Mercury C. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian sa ilalim ng lupa

4. Pluto D. Hari ng mga dios at kalawakan

5. Jupiter E. Diyos ng pagmamahal at sinasabing anak ni Venus

F. Mensahero ng mga diyos at kilala rin sa tawag na Hermes ng mga


Greek

SAGOT:

1. ___ 2. ____ 3. _____ 4. ____ 5. ___-

Gawain 4: ALAM —NAIS —NATUTUHAN


Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat dito ang hinihiling
na sagot sa sumusunod:

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya at angkop na gamit ng pandiwa bilang aksiyon, ka-
ranasan, at pangyayari?
Niais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tun gkol sa mitolohiya at angkop na gamit ng pandiwa
bilang aksiyon,karanasan, at pangyayari?
Ntutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutunan mo tungkol sa mitolohiya at angkop[ na gamit ng pandi-
wa bilang aksiyon, karanasan, at pangyayari?

(Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa mitolohiya).

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutunan


A.Mitolohiya A. Mitolohiya A. Mitolohiya

______________________________ _________________________________ ____________________________


______________________________ _________________________________ ____________________________
______________________________ _________________________________
____________________________
______________________________ _________________________________
_________________________________ ____________________________
_________________________

B. Pandiwa B. Pandiwa B. Pandiwa

____________________________ _________________________________
_________________________
_________________________________
_________________________ ____________________________
_________________________________
_________________________ ____________________________ _________________________________
_____________________ ____________________________ _________________________________

4
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
PAGLINANG/PAGPAPATIBAY
Babasahin at uunawain ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Mitolo-
hiyang mula sa Rome upang iyong matuklasan kung paano nakatutu-
long ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino?

Alam mo ba na... ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-


aaral ng mga mito/ myth at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito
mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga
diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga
sinaunang tao. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula
sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu,
na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/
myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Na-
katutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha
ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito
ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon,
kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at
ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga
bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may
kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal. Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng
mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga ka-
kaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang
mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalu-
kuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng
Luzon, Visayas, at Mindanao. May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang
mga Ifugao. Inilarawan sa kanilang epikong “ Alim” kung paano nagunaw ang daigdig.
Ayon dito, nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang
magkapatid na sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong
henerasyon ng mga tao sa mundo.

Sagutin:
Ibigay at isa-isahin ang mga gamit ng Mitolohiya at kung
paano nakatutulong ito sa pagpapaunlad ng panitikag Pilipino.

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
5. __________________________________________________________
6. __________________________________________________________

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


BASAHIN AT UNAWAIN
Ang Mitolohiya ng Taga-Rome

Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal,


at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa Sinaunang Taga-
Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan
ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga Sinaunang Taga-
Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay
mahimala at may elementong supernatural. Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa
Greece na kanilang sinakop. Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya
inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong
pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang kata-
ngian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura.
Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang kanilang nilikha.
Isinulat ni Virgil ang “Aenid,” ang pambansang epiko ng Rome at nagiisang pinakadakilang
likha ng Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at
kasaysayan nila bilang isang imperyo. Ito ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng
Greece na tinaguriang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni
Homer. Si Ovid na isang makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit
ni Homer at Virgil sa kaniyang “Metamorphoses.” Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng
Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa, at mga mortal na may ka-
tangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha siya ng magkakarugtong na
kuwento na may temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga-
Rome humuhugot ng inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong
daigdig mula noon hanggang ngayon.

GAWAIN 5: MAGMINA NG KAALAMAN

Magsaliksik at alamin ang katangian ng mga diyos at diyosa sa mitolohiyang pinagbatayan

ng pangalan ng planeta, mga araw ng linggoi, produkto o kompanya at terminolohiya sa

midisina. Alamin ang katangian o kaugnayan ng diyos o diyosa sa mga ipinangalan sa ka-

nila. Kopyahin ang halimbawang talahanayan o lumikha ng sariling grapikong presentasyon.

Pinagbatayang Diyos at
Planeta Katangian Katangian
Diyosa
Pinakamalaking Pinakamalakas at hari ng
Jupiter Jupiter
planeta mga diyos at diyosa

Produkto

Diyosang kagandahan,
Sabon
Dove Venus kalapati ang ibong
pampaganda
maiuugnay sa kanya

6
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
BASAHIN AT UNAWAIN

CUPID AT PSYCHE
(Mitolohiya mula sa Rome, Italy)

Buod

Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay
si Psyche. Ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang hinangaan ng mga kalalakihan
at kahit ang kagandahan ng Dyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.

Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni
Venus at agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang

Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche
nung unang beses pa lamang nya itong nakita.

Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman
dito si Venus.

Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa
isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila wa-
lang nangahas na umibig kay Psyche.
Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay Apollo
upang himingi ng payo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang humingi


ng tulong si Cupid kay Apollo at gumawa ng plano.

Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na


dalaga at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang
halimaw.

Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari


ang kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.

Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng di-


lim. Natakot ang dalaga sa kung ano ang naghihintay sa kanya.

Hanggang sa umihip ang malambing na hangin at inilipad sya ng hangin patungo


sa isang damuhan na parang kama sa lambot at napapaligiran ng mababangong bulaklak.

Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at


agad na nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya
ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga Dyos.

Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi. Maya maya lamang ay may
narinig na tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig na sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos
ang dalaga sapagkat sila'y may inihandang piging.

Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na pagkain.

Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapan-
gasawa ngunit nawala rin ang takot nya na akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala
Buod ng Psyche at Cupid: brainly.ph/question/122335
Mitolohiya ng Cupid at Psyche: brainly.ph/question/125984 7
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang da-
lawang kapatid ni Psyche doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng
mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche na magpakita sa mga kapatid.

Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig nya ang
pag iyak nang kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay nakiusap si Psy-
che na kung pwede ay makita ang mga kapatid at malungkot na sumang ayon ang lalaki.

Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang
magkakapatid.

Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki ayon sa
saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay tama
nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y
binigyan ng punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa.

Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha
ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi naman pala ito
halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito.

Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo.

Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at natulu-


an ito ng mainit na langis sa dibdib na syang dahilan upang magising ito. nalaman ng lalaki ang pag-
tataksil ni Psyche at agad itong umalis.

Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita.

Narinig na lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.

Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman nitong nalaman
ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit ang isang Dyosa.

Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang mga ito ay tu-
mangging makaaway si Venus.

Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpun-
ta doon si Psyche upang hanapin ang mapapangasawa.

Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng hiwa-hiwalay na
buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na tubig
sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay Proserpine.

Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay ibinilanggo siya
upang di makita si Psyche.

Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa kaharian ni Ju-
piter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain ng kanyang ina.

Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid at Psy-


che ay pormal nang ikinasal.

Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na kapag
kinain ay magiging imortal.

Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din itong Dyosa.

END

Buod ng Psyche at Cupid: brainly.ph/question/122335


Mitolohiya ng Cupid at Psyche: brainly.ph/question/125984

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


GAWAIN 6: PAGSUSURI SA TAUHAN
1. Suriin ang katangian nina Cupid at Psyche. Tukuyin ang kalakasan
at kahinaan ng bawat isa. Gawain sa iyong sagutang papel.

CUPID

KALAKASAN KAHINAAN

PSYCHE

KALAKASAN KAHINAAN

2. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nag dulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
__
______________________________________________________________________________________
_ 9
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkato kay Psyche?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
5. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging manugang si Psyche?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
6. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag.

GAWAIN 7: PAGKUKURO—KURO

1. Kung ikaw si Psyche , tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para sa pag ibig?
Bakit?
___________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Magbigay ng sariling reaksyon sa pahayag ni Cupid na:

“Hindi mabubuhay ang pag ibig kung walang


pagtitiwala.”

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Anong katangian ng mga tauhan sa mitolohiha ang nais mong tularan/ ayaw mong tu-
laran? Bakit?

Tauhan Nais Tularan Hindi Nais Tularan

4. Sa iyong paniniwala kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang pagpunta o lugar
niya sa lagit? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

10
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
GAWAIN 8: PAG-UUGNAY
Batay sa nauunawaan mong mensahe mula sa akda. Iugnay ito sa iyong sarili, pamilya,
bansa, at sa lipunan. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan .

SARILI

LIPUNAN MENSAHE MULA SA AKDA BANSA


_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
________________________________

PAMILYA

GAWAIN 9: KULTURANG MASASALAMIN


Tukuyin ang masasalaming kultura ng mga taga– Rome sa akdang binasa. Suriin ang pagkakahawig nito
sa kultura ng mga Pilipino. Gawing batayan ang halimbawang naibigay.

Halimbawa: Kultura ng mga Taga– Rome Kulturang Pilipino

Pagbibigay ng ga Mortal ng mga Alay sa Pagbibigay ng alay/atang ng mga


Dios at dios upang sila ay pagpalain Pilipino para sa mga kaluluwa at di
nakikitang nilalang

Kultura ng mga taga –Rome Kulturang Pilipino

11
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________.

You might also like