You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

Gawaing Pagkatuto
Pangalan: ______________________________________
Paaralan: CARMEN NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: ______________________________________________

Asignatura: Filipino
Lebel: 10
Kwarter: Unang Markahan
Kasanayang • Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan,pananaw sa
Pampagkatuto (MELC): napakinggang mitolohiya at naiuugnay ang mga mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig
• Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
• Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay
Koda: • F10PB-la-b-62
• F10WG-la-b-57
Buwan: Agosto
Linggo (tukuyin ang mga Unang Linggo (Agosto 24-28, 2020
petsa ):
Pamagat ng Gawain: Kwento Mo, Ipalaganap ko!
Layunin/ Mga Layunin: 1. Natutukoy ang mga katangian ng mga diyos at diyosa sa
mitolohiya at nakapagtanto kung ito ba’y dapat hangaan o hindi.
2. Nakapaglalahad ng sariling interpretasyon mula sa piling pahayag
tungkol sa pag-ibig sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig.
3. Nakapaglalahad ng sariling opinyon sa piling bahagi ng paksang
tinalakay.
4. Nasasagot nang tapat ang pagsasanay tungkol sa pagkilala ng
pandiwa sa pangungusap na ginamit bilang aksyon, karanasan o
pangyayari.
Mga Kagamitan (mas • Larawan
mainam kung nakikita sa • Learning /Reading Materials
kumunidad at sa bahay): • Activity Sheets/Activity Notebook
Pamaraan YUGTO NG PAGKATUTO
(tuwiran at maigsi): TUKLASIN
GAWAIN 1: KILALANIN ANG KATAPAT

Bilang pagpapahalaga sa ilang akda mula sa iba’t ibang bansa, naririto


ang isang gawain na susubok sa iyong kaalaman. Gaano na ang alam mo
sa kilalang akda ng ibang bansa. Piliin sa Kolum B kung anong uri ng
panitikan ang mga pamagat ng akdang nasa Kolum A. Isulat sa patlang
ang tamang sagot

_____1. Cupid at Psyche A. epiko


____ 2. Gilgamesh B. mitolohiya
____ 3. Ang Kuwintas C. tula
____ 4. Alegorya ng Yungib D. nobela
___ 5. Ang Kuba ng Notre Dame E. maikling kuwento
____ 6. Ang Tusong Katiwala F. parabula
___ 7. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa G. pabula
H. sanaysay

Gawain 2a: SALAMIN NG IMPLUWENSIYA

Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikan mula sa


Mediterranean sa kaugalian, pamumuhay, kultura, at paniniwala ng mga
Pilipino.
Gawain 2b: . Suriin mo ang impluwensya ng kultura mula sa Inyong
Sariling Pamilya sa kaugalian,pamumuhay,kultura, at paniniwala ng mga
kanununuan mo.

GAWAIN 3: SINO AKO SA MITOLOHIYANG PILIPINO?


Kilalanin ang mga tauhan ng mitolohiyang Pilipino at ilarawan ang
kanilang pagkakakilanlan

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo
__________________________________

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo
__________________________________

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo
__________________________________

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo
__________________________________

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo
__________________________________
Photoscreditto:https://www.bing.com/images/search?q=mitolohiyang+
filipino&form=HDRSC2&first=1&scenario=Image

GAWAIN 4: PAGTAPAT —TAPATIN


Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian
ng mga diyos na nakatala sa Kolum A. isulat ang letra ng angkop na
sagot sa patlang sa tapat ng Kulom A. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Kolum A Kolum B

1. Venus A. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag


niya

2. Cupid B. Diyosa ng propesiya, araw, at musika

3. Mercury C. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian sa


ilalim ng lupa

4. Pluto D. Hari ng mga dios at kalawakan

5. Jupiter E. Diyos ng pagmamahal at sinasabing anak ni


Venus

F. Mensahero ng mga diyos at kilala rin sa tawag


na Hermes ng mga Greek

PAGLINANG/PAGPAPATIBAY

Babasahin at uunawain ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Mitolohiyang


mula sa Rome upang iyong matuklasan kung paano nakatutulong ang
mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino?

Alam mo ba na... ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o


pag-aaral ng mga mito/ myth at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan
ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad
ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na
sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa
Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw
pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob


na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang
maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng
mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang.
Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig
– tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay
naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito
kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani,
tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang
may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal. Sa Pilipinas naman, ang mito
ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa
mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga
pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito
sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa
kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan
sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao. May kuwento tungkol
sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan sa kanilang
epikong “ Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon
ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang
magkapatid na sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula
ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

Sagutin:
Ibigay at isa-isahin ang mga gamit ng Mitolohiya at kung
paano nakatutulong ito sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino.

1. ______________________________________________________

2. ______________________________________________________
3. ______________________________________________________
4. ______________________________________________________
5. ______________________________________ ______
6. _________________________________________________________
_
BASAHIN AT UNAWAIN:
Ang Mitolohiya ng Taga-Rome
Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika,
ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa
mula sa Sinaunang Taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay
mapalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema
sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga Sinaunang Taga-Rome na
nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang
mga ito ay mahimala at may elementong supernatural. Ang kanilang
mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. Labis nilang
nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang
kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan
ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang
kata- ngian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa
kanilang paniniwala at kultura. Sinikap nilang ipasok ang kanilang
pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil
ang “Aenid,” ang pambansang epiko ng Rome at nagiisang
pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ang
pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan nila bilang isang
imperyo. Ito ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng Greece na
tinaguriang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni
Homer. Si Ovid na isang makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa
taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa kaniyang “Metamorphoses.”
Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o ng mga
bayani, kundi sa mga diyos at diyosa, at mga mortal na may katangian ng
mga diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha siya ng magkakarugtong
na kuwento na may temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga
akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot ng inspirasyon ang mga
manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon
hanggang ngayon.
Upang lubos na maunawaan ang kwentong Cupid At Psyche mabuting
makilala mo ang labimdalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng
mItolohiya ng Rome at Greece na kilala sa tawag na “The 12 Great
Olympian” Maaring panoorin sa youtube:http://www.youtube.com/watch or
maaring basahin https://greekgodsandgoddesses.net/olympians
https://www.slideshare.net/JhengReyes/titans-and-12-great-olympians
https://www.thoughtco.com/gods-and-goddesses-of-mt-olympus-118799

GAWAIN 5: MAGMINA NG KAALAMAN

Magsaliksik at alamin ang katangian ng mga diyos at diyosa sa


mitolohiyang pinagbatayan ng pangalan ng planeta, mga araw ng linggo,
produkto o kompanya at terminolohiya sa midisina. Alamin ang katangian
o kaugnayan ng diyos o diyosa sa mga ipinangalan sa kanila. Kopyahin
ang halimbawang talahanayan o lumikha ng sariling grapikong
presentasyon.

Planeta Katangian Pinagbatayang Katangian


Diyos at Diyosa
Jupiter Pinakamalaki Jupiter Pinakamalakas at
ng planeta hari ng mga diyos
at diyosa

Sabon Diyosang
Pampaganda kagandahan,
kalapati ang ibong
maiuugnay sa
kanya

BASAHIN AT UNAWAIN:
CUPID AT PSYCHE
(Mitolohiya mula sa Rome, Italy)

Buod:

Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa
kanila ay si Psyche. Ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang
hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang kagandahan ng Dyosang si
Venus ay hindi ito mapapantayan.

Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at


lubos itong ikinagalit ni Venus at agad nitong inutusan ang anak na si
Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw.Ngunit taliwas ito sa
nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche nung unang
beses pa lamang nya itong nakita.Nang makauwi na si Cupid ay inilihim
nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si Venus.

Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche


na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng
mga kalalakihan maliban doon ay tila walang nangahas na umibig kay
Psyche.Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit
ito kay Apollo upang himingi ng payo. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga
magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng tulong si Cupid kay
Apollo at gumawa ng plano.Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan
ng damit pamburol ang anak na dalaga at dalhin sa tuktok ng bundok.
Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang halimaw.

Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche.


Gayunman ay sinabi ng hari ang kapalaran ng anak at buong tapang
itong hinarap ng dalaga.Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay
unti-unti na itong nilamon ng dilim. Natakot ang dalaga sa kung ano ang
naghihintay sa kanya.Hanggang sa umihip ang malambing na hangin at
inilipad sya ng hangin patungo sa isang damuhan na parang kama sa
lambot at napapaligiran ng mababangong bulaklak.Napakapayapa ng
lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agad na
nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at
natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga Dyos.
Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi. Maya
maya lamang ay may narinig na tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig na
sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagkat sila'y may
inihandang piging.Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain
ng masasarap na pagkain. Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay
ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot
nya na akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang
lalaking matagal na nyang hinihintay. Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki
at binalaan na darating ang dalawang kapatid ni Psyche doon sa bundok
kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche na
magpakita sa mga kapatid.

Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche


kahit naririnig nya ang pag iyak nang kanyang mga kapatid. Sa mga
sumunod na araw ay nakiusap si Psyche na kung pwede ay makita ang
mga kapatid at malungkot na sumang ayon ang lalaki.Kinaumagahan ay
inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang
magkakapatid.Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga
kapatid na halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay
bawal makita ang mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng


mukha ang lalaki marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid.
Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y binigyan ng
punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking
mapapangasawa.

Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni


Psyche ang lampara at kinuha ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki
at laking tuwa nya ng malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay
napakagwapo pala nito.Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang
sa mundo. Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni
Psyche ang lampara at natuluan ito ng mainit na langis sa dibdib na
syang dahilan upang magising ito. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni
Psyche at agad itong umalis.Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas
ngunit hindi na nya ito nakita.Narinig na lamang niya ang tinig nito at
ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.

Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang


sugat sa balikat. Agad naman nitong nalaman ang pangyayari at
determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit ang isang
Dyosa.Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit
bigo sapagkat ang mga ito ay tumangging makaaway si Venus.

Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay


napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche
upang hanapin ang mapapangasawa.Binigyan nito ng mahihirap na
pagsubok si Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng hiwa-hiwalay na buto
bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa,
pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang
kagandahan mula kay Proserpine.

Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang


si Venus ay ibinilanggo siya upang di makita si Psyche.Masayang bumalik
si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa
kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain
ng kanyang ina.Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon
si Venus at ipinahayag na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal.

Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot


ang "Ambrosia" na kapag kinain ay magiging imortal.

Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche


sapagkat isa na din itong Dyosa.

Buod ng Psyche at Cupid: brainly.ph/question/122335


Mitolohiya ng Cupid at Psyche: brainly.ph/question/125984

--END--
GAWAIN 6: PAGSUSURI SA TAUHAN
1. Suriin ang katangian nina Cupid at Psyche. Tukuyin ang kalakasan
at kahinaan ng bawat isa. Gawain sa iyong sagutang papel.

2. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nag dulot ng mabigat na


suliranin sa kaniyang buhay?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________
3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkato kay Psyche?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________
5. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na
maging manugang si Psyche?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________
6. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus?
Ipaliwanag.
__________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_______________.

GAWAIN 7: PAGKUKURO—KURO

1. Kung ikaw si Psyche , tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para


sa pag ibig? Bakit?
_____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________
2. Magbigay ng sariling reaksyon sa pahayag ni Cupid na:

_____________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________.

3. Anong katangian ng mga tauhan sa mitolohiha ang nais mong


tularan/ ayaw mong tularan? Bakit?

Tauhan Nais Tularan Hindi Nais Tularan


4. Sa iyong paniniwala kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang
pagpunta o lugar niya sa langit? Ipaliwanag.

GAWAIN 8: PAG-UUGNAY
Batay sa nauunawaan mong mensahe mula sa akda. Iugnay ito sa
iyong sarili, pamilya, bansa, at sa lipunan. Gamitin ang grapikong
representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.

SARILI

LIPUNAN MENSAHE MULA SA AKDA BANSA

PAMILYA

GAWAIN 9: KULTURANG MASASALAMIN

Tukuyin ang masasalaming kultura ng mga taga– Rome sa


akdang binasa. Suriin ang pagkakahawig nito sa kultura ng mga Pilipino.
Gawing batayan ang halimbawang naibigay.

Halimbawa:

Kultura ng mga Taga– Rome Kulturang Pilipino


Pagbibigay ng mga Mortal ng Pagbibigay ng alay/atang ng mga
mga Alay sa Dios at diosa upang Pilipino para sa mga kaluluwa at
di sila ay pagpalain nakikitang nilalang
GAWAIN 10: ISULAT MO
Paano mo mapapanatili at buhayin ang mga sinaunang panitikan ng
Pilipinas? Magsagawa ka ng pananaliksik tungkol sa mga Mito ng inyong
lugar at isulat ito sa buong papel.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika:

Angkop na Gamit ng Pandiwa


Bilang Aksiyon, karanasan, at Pangyayari

ALAM MO BA NA….
Na ang pandiwa ay ...

Ito ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang


tao, bagay, o hayop. Ang ilan sa mga halimbawa nito
takbo, alis, uminom, kumain, umiyak, at binigyan.

Narito ang ilang pangungusap na gumagamit ng bahagi ng pananalita


na ating tinatalakay sa artikulong ito.

1. Nilakbay nina Haring Adan at Haring Perculo ang bundok ng San Juan
sa paghahanap sa nawawalang reyna.

2. Hindi man lang nagpaalam si Jerry kay Jona noong umalis siya
papuntang Macau.

3. Inutusan ng nanay si Andres na pumunta kay Aling Nena at bumili ng


yelo.

4. Sina Dominic at Nicolai ang kumain ng mga natirang pagkain mula sa


handaan sa nayon.

5. Walong taong hinintay ni Avery ang pagkakataon na makitang muli ang

nawawalang ama

GAMIT NG PANDIWA:

1. AKSIYON

· May aksiyon ang pandiwa kapag may actor o tagaganap


ng aksyion/kilos.
· Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga
panlaping: um, mag, ma, mang, maki at mag-an.

Halimbawa:
Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
Pandiwa: naglakbay
Actor : si Bugan

2. KARANASAN
· Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may
damdamin. Dahil ditto, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat
ng pandiwa. Maaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o
damdamin/emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng
damdamin o saloobin.

Halimbawa: Tumawa si Venus sa paliwanag ni Psyche


Pandiwa: Tumawa - karanasan

3. PANGYAYARI
Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari
Halimbawa: ang mga nakasalungguhit ay ang pandiwa samantalang ang
binilugang salita ay pangyayari.
1. Nalunod ang mga tao sa matinding pagbaha.

2. Sumasaya ang mukha ni Venus sa Nakita niya sa paligid.

PAGSASANAY 1: MAGSASANAY TAYO!

Isulat sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay


ginamit bilang Aksiyon, karanasan , o pangyayari.

______1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang paipaglaban ang


kanayang pagmamahal ka Cupid.
______2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
______3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti
niyang lumayo na lamang.
______4. Umiibig ang lahat ng kababaihan kay Bantugan .
______5. hindi Nasiyahan si Jupiter sa ginawang paghihirap ni
Venus kay Psyche.
______6. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha
ang panig ng mga diyos.
______7. Lalong sumidhi ang pagseselos siya kay Psyche.
______8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking
lalagyan ng puno.
______9. Umiwi siya sa kaharian ni Venus.
______10. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
PAGSASANAY 2: MAGSULAT TAYO!

Bumuo ng tiglimang pangungusap na may pandiwang ginamit


bilang aksiyon, karanasan, o pangyayari

AKSIYON
11
212
3
4
5

KARANASAN
11
212
3
4
5

PAGYAYARI
11
212
3
4
5

PAGSASANAY 3: MAGKWENTUHAN TAYO

Magsagawa ng isang panayam sa isang lolo o lola sa inyong


pamilya o komunidad. Magpakwento sa kanila ng mga mito (o iba pang
uri nito. Isulat ito sa papel o kwaderno ayon sa iyong pagkakaunawa.
Sikaping isaalang-alang ang iba’t ibang gamit ng pandiwa upang maisulat
nang maayos at malinaw ang mga pangyayari sa mito.

Mga Pamatnubay na 1. Paano makakatulong ang Mitolohiya sa pagpapaunlad ng


Tanong /Rubrik: panitikang Pilipino?
2. Paano magagamit ang pandiwa sa pagsasalaysay at pagsusulat
ng mito o ng kauri nito?
Konseptong Natutunan: Nauunawaan ,napahahalagahan ang mitolohiya at napapatunayan kung
nasasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwala at kultura
ng mga bansasa Mediterranean sa kanilang akdang pampanitikan at
naihahambing ang mga banyagang panitikan sa ating sariling panitikan.
Sanggunian: Filipino 10 Panitikang Pandaigdigan Learning Module
Punla 10-Mga Akdang Pampanitikan ng Daigdig at el Filibusterismo
Photoscreditto:https://www.bing.com/images/search?q=mitolohiyang+
filipino&form=HDRSC2&first=1&scenario=Image

https://greekgodsandgoddesses.net/olympians
https://www.slideshare.net/JhengReyes/titans-and-12-great-olympians
https://www.thoughtco.com/gods-and-goddesses-of-mt-olympus-118799

ROWENA E. BENIGA
(Pangalan at Pirma ng Guro)

ARLYN V. AGUILOR
(Pangalan at Pirma ng Punong-guro)

You might also like