You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
CARMEN NATIONAL HIGH SCHOOL
304677
Carmen, Agusan del Norte

Activity

Prepared by:
ROWENA E. BENIGA
Teacher 1
MODYUL 1
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG MEDITERRANEAN

ARALIN 1:

UNANG LINGGO

Unang Markahan

A. Panitikan: Cupid at Psyche (Mito mula sa Rome, Italy)


Isinalaysay ni Apuleius
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

B. Gramatika at Retorika: Angkop na Gamit ng Pandiwa


Bilang Aksiyon, karanasan, at Pangyayari

C. Uri ng Teksto: Pagsasalaysay

Learning Competency with K to 12 CG Code:


Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan,pananaw sa na
pakinggang mitolohiya at naiuugnay ang mga mahahalagang kai
sipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig
( F10PB-la-b-62)

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


YUGTO NG PAGKATUTO
TUKLASIN

Naririto ang mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan, mapahala-

gahan, at masuri ang panitikang Mediterranean. Gayundin upang masuri mo kung masasalamin ba ang

kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa kanilang mga

akdang pampanitikan. Malalaman mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng mga angkop na

gramatika at retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong nagbibigay ng impormasyon

(panitikan at iba’t ibang uri ng teksto).

Mahalagang malaman natin ang taglay mong kaalaman sa mga paksang iyong pag-

aaralan. Magiging batayan ito ng iyong guro kung paano ka tutulungan o paanong higit na pagyayamanin

ang iyong kaalaman. Subukin mong isagawa ang kasunod na gawain.

GAWAIN 1: KILALANIN ANG KATAPAT

Bilang pagpapahalaga sa ilang akda mula sa iba’t ibang bansa, naririto ang isang

gawain na susubok sa iyong kaalaman. Gaano na ang alam mo sa kilalang akda ng

ibang bansa. Piliin sa Kolum B kung anong uri ng panitikan ang mga pamagat ng akdang nasa Kolum

A. Isulat sa patlang ang tamang sagot

A B

____ 1. Cupid at Psyche A. epiko

____ 2. Gilgamesh B. mitolohiya

____ 3. Ang Kuwintas C. tula

____ 4. Alegorya ng Yungib D. nobela

___ 5. Ang Kuba ng Notre Dame E. maikling kuwento

____ 6. Ang Tusong Katiwala F. parabula

___ 7. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa G. pabula H. sanaysay

1
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
Gawain 2a: SALAMIN NG IMPLUWENSIYA
Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikan mula sa Mediterra-
nean sa kaugalian, pamumuhay, kultura, at paniniwala ng mga Pilipi-
no.
Kaugalian

Pamumuhay
Kultura
MEDITERRANEAN

Paniniwala

Gawain 2b: . Suriin mo ang impluwensya ng kultura mula sa Inyong Sariling Pamilya sa
kaugalian,pamumuhay,kultura, at paniniwala ng mga kanununuan mo.

_______________________- ________________________
_______________________ ________________________
_______________________ ________________________
_______________________ ________________________
________________________

KULTURA PANINIWALA

Pamilyang Pinagmulan

KAUGALIAN PAMUMUHAY

________________________ ________________________

________________________ ________________________

________________________ ________________________

________________________ ________________________

2
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
GAWAIN 3: SINO AKO SA MITOLOHIYANG PILIPINO?
Kilalanin ang mga tauhan ng mitolohiyang Pilipino at ilarawan ang kanilang

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Sino Ako?

Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Sino Ako?

Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

Sino Ako?
Ilarawan mo ako ayon sa pagkakaalam mo

3
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School
GAWAIN 3: PAGTAPAT —TAPATIN

Basahin sa Kulom B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng


mga diyos na nakatala sa Kulom A. isulat ang letra ng angkop na sagot sa patlang sa
tapat ng Kulom A. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kulom A Kulom B
1. Venus A. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag niya
2. Cupid B. Diyosa ng propesiya, araw, at musika
3. Mercury C. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian sa ilalim ng lupa
4. Pluto D. Hari ng mga dios at kalawakan
5. Jupiter E. Diyos ng pagmamahal at sinasabing anak ni Venus
F. Mensahero ng mga diyos at kilala rin sa tawag na Hermes ng mga
Greek

SAGOT:

1. ___ 2. ____ 3. _____ 4. ____ 5. ___-

Gawain 4: ALAM —NAIS —NATUTUHAN


Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat dito ang hinihiling
na sagot sa sumusunod:

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya at angkop na gamit ng pandiwa bilang aksiyon,
karanasan, at pangyayari?
Niais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tun gkol sa mitolohiya at angkop na gamit ng pandiwa
bilang aksiyon,karanasan, at pangyayari?
Ntutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutunan mo tungkol sa mitolohiya at angkop[ na gamit ng pan-
diwa bilang aksiyon, karanasan, at pangyayari?
(Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa mitolohiya).

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutunan


A.Mitolohiya A. Mitolohiya A. Mitolohiya

______________________________ _________________________________ ____________________________


______________________________ _________________________________ ____________________________
______________________________ _________________________________
____________________________
______________________________ _________________________________
_________________________________ ____________________________
_________________________

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


PAGLINANG/PAGPAPATIBAY
Babasahin at uunawain ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Mitolo-
hiyang mula sa Rome upang iyong matuklasan kung paano nakatutu-
long ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino?

Alam mo ba na... ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/ myth
at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipin-
takasi ng mga sinaunang tao. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek
na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng
tunog sa bibig. Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot
ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkaka-
likha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na
puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay
naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga
diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may
kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal. Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-
bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw
ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga
pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin
ng Luzon, Visayas, at Mindanao. May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan
sa kanilang epikong “ Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng malaking pagbaha sa
mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid na sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nag-
mula ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

Sagutin:
Ibigay at isa-isahin ang mga gamit ng Mitolohiya at kung paano nakatutu-
long ito sa pagpapaunlad ng panitikag Pilipino.

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
5. __________________________________________________________
6. __________________________________________________________

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


BASAHIN AT UNAWAIN
Ang Mitolohiya ng Taga-Rome
Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na
ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa Sinaunang Taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon
ay mapalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng
mga Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay
mahimala at may elementong supernatural. Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sina-
kop. Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman
nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan
nila ng ibang kata- ngian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura.
Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang
“Aenid,” ang pambansang epiko ng Rome at nagiisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Isinalaysay ni Vir-
gil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan nila bilang isang imperyo. Ito ang naging katapat ng
“Iliad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer.
Si Ovid na isang makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa kaniyang
“Metamorphoses.” Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos
at diyosa, at mga mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha siya ng magkakarug-
tong na kuwento na may temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot
ng inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon hanggang ngayon.

GAWAIN 5: MAGMINA NG KAALAMAN

Magsaliksik at alamin ang katangian ng mga diyos at diyosa sa mitolohiyang pinagbatayan ng pangalan

ng planeta, mga araw ng linggoi, produkto o kompanya at terminolohiya sa midisina. Alamin ang katangi-

an o kaugnayan ng diyos o diyosa sa mga ipinangalan sa kanila. Kopyahin ang halimbawang talaha-

nayan o lumikha ng sariling grapikong presentasyon.

Planeta Katangian Pinagbatayang Diyos Katangian

Pinakamalaking Pinakamalakas at hari


Jupiter Jupiter
planeta ng mga diyos at diyosa

Produkto

Diyosang kagandahan,
Sabon
Dove Venus kalapati ang ibong
pampaganda
maiuugnay sa kanya

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


BASAHIN AT UNAWAIN

CUPID AT PSYCHE
(Mitolohiya mula sa Rome, Italy)

Buod

Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si Psyche. Ang
bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang kagandahan ng
Dyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.

Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni Venus at agad
nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw.
Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche nung unang beses
pa lamang nya itong nakita.

Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si Venus.

Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa
halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila walang nangahas na umibig kay Psyche.

Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay Apollo upang himingi ng
payo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng tulong si Cupid
kay Apollo at gumawa ng plano.

Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga at dalhin sa
tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang halimaw.

Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang kapalaran ng anak
at buong tapang itong hinarap ng dalaga.

Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng dilim. Natakot ang dala-
ga sa kung ano ang naghihintay sa kanya.

Hanggang sa umihip ang malambing na hangin at inilipad sya ng hangin patungo sa isang damuhan
na parang kama sa lambot at napapaligiran ng mababangong bulaklak.

Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agad na nakatulog sa


kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para
sa mga Dyos.

Buod ng Psyche at Cupid: brainly.ph/question/122335Mitolohiya ng Cupid at Psyche: brainly.ph/question/125984

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School 7


Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi. Maya maya lamang ay may narinig na tinig si Psyche at ang sina-
bi ng tinig na sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagkat sila'y may inihandang piging.

Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na pagkain. Sa pagsapit ng gabi
ay dumating na ang mapapangasawa nya.

Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin
ang takot nya na akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking matagal na nyang hinihintay.

Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid ni Psyche doon sa bun-
dok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche na magpakita sa mga kapatid.

Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig nya ang pag iyak nang kanyang mga
kapatid. Sa mga sumunod na araw ay nakiusap si Psyche na kung pwede ay makita ang mga kapatid at malungkot
na sumang ayon ang lalaki. Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad
nagkita ang magkakapatid.

Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo
sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay tama nga ang sinabi
ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y binigyan ng punyal at lampara
upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa.

Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha ang punyal.
Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakag-
wapo pala nito.Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo.

Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at natuluan ito ng mainit
na langis sa dibdib na syang dahilan upang magising ito. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong
umalis.Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita.Narinig na lamang niya ang tinig nito at
ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa
balikat. Agad naman nitong nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit
ang isang Dyosa.

Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang mga ito ay tumangging
makaaway si Venus.Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay napahalakhak na lamang ito at nabatid na
nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang mapapangasawa.Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche
kabilang na dito ang pagbuo ng hiwa-hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib
na tupa, pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay Proserpine.

Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay ibinilanggo siya upang
di makita si Psyche.Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa kaharian
ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain ng kanyang ina.

Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid at Psyche ay pormal
nang ikinasal.Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na kapag
kinain ay magiging imortal.Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din
itong Dyosa.

END 8

Buod ng Psyche at Cupid: brainly.ph/question/122335Mitolohiya ng Cupid at Psyche: brainly.ph/question/125984

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High School


GAWAIN 6: PAGSUSURI SA TAUHAN
1. Suriin ang katangian nina Cupid at Psyche. Tukuyin ang kalakasan at

CUPID

KALAKASAN KAHINAAN

PSYCHE
KALAKASAN KAHINAAN

2. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nag dulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
__
______________________________________________________________________________________

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High Schoo l


3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkato kay Psyche?
___________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging manugang si Psyche?
___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
6. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

GAWAIN 7: PAGKUKURO—KURO

1. Kung ikaw si Psyche , tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para sa pag ibig?
Bakit?
____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Magbigay ng sariling reaksyon sa pahayag ni Cupid na:

“Hindi mabubuhay ang pag ibig kung walang


pagtitiwala.”

3. Anong katangian ng mga tauhan sa mitolohiha ang nais mong tularan/ ayaw mong tu-
laran? Bakit?

Tauhan Nais Tularan Hindi Nais Tularan

4. Sa iyong paniniwala kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang pagpunta o lugar
niya sa lagit? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________________

10
Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High Schoo l
GAWAIN 8: PAG-UUGNAY
Batay sa nauunawaan mong mensahe mula sa akda. Iugnay ito sa iyong sarili, pamilya, bansa,
at sa lipunan. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan .

SARILI

LIPUNAN MENSAHE MULA SA AKDA BANSA

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

PAMILYA

GAWAIN 9: KULTURANG MASASALAMIN


Tukuyin ang masasalaming kultura ng mga taga– Rome sa akdang binasa. Suriin ang pagkakahawig nito sa
kultura ng mga Pilipino. Gawing batayan ang halimbawang naibigay.
Halimbawa: Kultura ng mga Taga– Rome Kulturang Pilipino

Pagbibigay ng ga Mortal ng mga Alay sa Pagbibigay ng alay/atang ng mga

Dios at dios upang sila ay pagpalain Pilipino para sa mga kaluluwa at di


nakikitang nilalang

Kultura ng mga taga –Rome Kulturang Pilipino

11

Rowena Beniga JHSActivity Carmen National High Schoo l


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________.

rowena.beniga@deped..gov.ph

You might also like